Anda di halaman 1dari 4

MASAYA ELEMENTARY SCHOOL

ULAT HINGGIL SA BUWAN NG WIKA TEMA:

WIKA NATIN, ANG DAANG MATUWID


AGOSTO 29,2013

Ang palatuntunan ay sinimulan ng isang panalangin ginampanan ni Gng. Eva A. Magnaye gurong tagapayo ng Grade V Cattleya,Sinundan ito ng pag-awit ng pambansang awit na kinumpasan ni Gng. Eva A. Magnaye.

Ang punongguro ng paaralan ay nagbigay ng mensahe ukol sa ipinagdiriwang natin kapag buwan ng Agosto ito ay ang Buwan ng Wika.Ito ay may t ema Wika Natin ang Daang Matuwid dito ay ipinaliwanag sa mga bata ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling wika na ginagamit natin sa ating araw-araw na pamumuhay.Ang wika na siyang dakilang pagkakakilanlan sa ating pagka-Filipino.Ito ay gagamitin natin ngayon at sa susunod pang mga henerasyon.

Sa ikalawang bahagi ng palatuntuna binigyang diin sa programa ang masining na pagpapakita ng isang sabayang pagbigkas ng mga mag-aaral sa unang baitang. At isa makata na si Khenjie De Chavez ang nagpamalas ng isang tula. Sila ay sinanay ni Gng. Marietta S. Lara.

Ang sumunod dito ay ang masining na tula mula kay Renz Mariz Carillo ng II Dahlia at isa pang tula mula kay Angela De La Cruz.

Isa pa rin namang makabayang awit ang inawit ni Cindy Patal at Gab R. Lascano mula sa ikalawang antas II-Sampaguita.Mayroon din Sabayang Pagbigkas ang Grade II-Sampaguita na nilahukan ng ilang piling mag-aaral.

Si Sydney Nicol de Chavez ng Grade III Anthuruim ay nagpakita ng isang makabayang tula.Ganundin si Alyza Mae Sastado ng Grade III-Gumamela.

Nagkaroon ng paligsahan sa Sabayang Pagbigkas na nilahukan ng mga mag-aaral sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang. Ito ay pinamagatang Daang Matuwid ang Wika Natin.

Grade IV-Rose

Grade V-Cattleya

Grade VI-Orchid at Grade VI-Sunflower

Inihanda ni: RAY ANTHONY P. ANDAL Gurong Taga-ugnay sa Filipino Binigyang pansin ni:

MARGARITA B. SILVA Punongguro II

Anda mungkin juga menyukai