Anda di halaman 1dari 269

INVISIBLE MAN (c) jonaxx Thank you for reading! jonaxxstories.blogspot.

com Message from author sorry for the typos and wrong grammars... it is unedited. it is originally written in WordPad. Thanks

-jonaxx PLEASE DO NOT REDISTRIBUTE AND DO NOT CLAIM THIS AS YOUR OWN. Invisible Man. jonaxx.2010 Paano kung lahat ng tao, nakikita ka? Hindi mo na kailangang magpapansin at hind i mo na kailangang magpakilala. Pansin at kilala ka na nila. Pero may isang taong kahit anong gawin mo, wala ka paring magawa. if you need him, i could be him...

Starring Maxine Alvarado. Brent Damien Cruz. Richard Martinez. Ara Ysabel Cruz. Chloe de Silva

Preface.

*PIPIIIIP!*

Natigilan ako sa gitna ng daanan habang papatawid ako papuntang school. "Ano ka ba naman ineng, bilis na, tawid na!" Sigaw ng traffic enforcer sa akin habang titig na titig ang ibang estudyante sa akin.

Ako lang kasi ang tumawid kahit 'STOP' pa ang senyas ni manong traffic enforcer. Ayan tuloy, muntik na akong masagasaan. "Sorry po, nagmamadali lang." Halos takpan ko na ang mukha ko sa hiya. Pati yata yung driver nung muntik makasagasa sa akin eh nagmumura pero di ko na pinansin at tumungtong agad ako sa entrance ng school. Kasi naman eh! Bakit ba kasi late ako!? Maaga naman akong natulog dahil excited ako sa try-out ko para sa volleyball team ng school na `to. HAY NAKU! Di na tala ga natuto ang body clock ko! Nasanay kasi akong bakasyon at di na ako gimigising ng maaga. Atsaka... Uhm... Atsaka... Uhm... OH NO~! Asan na ba ako?!

Kung minamalas ka nga naman o! Pinaglihi ba ang eskwelahang `to sa isang maze? Ang laki-laki pa kaya ayan tuloy. Nawawala yata ako. Grrr. Magtatanong na lang a ko kung nasan yung gymnasium nila. Ang sweeeerte ko naman talaga! Alas otso yung try-out tapos alas nuwebe na ng umaga. Bago ko kinalabit ang mukhang inosenteng babaeng napili kong mapagtanungan... "Maxine?" Napalingon ako sa isang gwapo, matipuno, makisig, at...matalinong lalaki! Matali no? Oy Maxine, OA ka ha? Paano mo nalamang matalino ang lalaking kaharap mo aber? Syempre, sino bang bobo ang walang alam na matalino si Richard Martinez? ANG PINAKAGWAPO, MATALINO, MABAIT NA LALAKING NAKILALA KO.

"Ch-Chad?!" Namangha ako sa mukha niya. Syempre, di lang sa dahil ang gwapo niya talaga, kundi dahil ngayon lang din ulit kami nag kita. Pagkatapos kong mamangha, may naramdaman akong kakarampot na hiya at pagkailang. "Ow..." May biglang sumulpot sa paningin ko. Kinurot niya ang ilong ko at ngumiti. Yung ngiti niyang nakakapanindig-balahibo sa hindi malamang kadahilanan. "Finally, my favorite girl's in college!" Pagkatapos ay ngumisi. Ayokong sumimangot sa harapan ni Chad kaya lang ayoko rin namang sabihin ng

feeling na Brent na yan na nagustuhan ko yung sinabi niya. A1.Favorite Girl

"Alvarado!" Bumangon ako at agad tinali ang buhok. "ALVARADO!" "Po! Sandali lang po!" Ang lakas namang makasigaw ng coach dito. Nagpapahinga lang naman yung tao sa ilalim ng ng puno eh. Hindi pa nga lang ako nag lilimang minuto dito tapos nag aalburoto na yung isang yun. Hay nako, makakamiss tuloy yung dati kong school. Kung bakit pa kasi ako lumipat dito? Dalawang taon na lang sana at ga-graduate na ako sa dating highschool na pinapasukan ko eh tapos ilinipat pa ako ni mama dito, ayan tuloy kailangan kong magsimula ulit ng bagong buhay. "Ahhhh! Ang gwapooo!" Ang sigawang naririnig niyo ay ang hiyawan ng mga tao doon sa gymnasium namin. Ngayon kasi ipapakilala ang mga varsity. Excited din naman ako sa pagpapakilala nila sa mga varsity kasi kasali ako dun. At kasali din yung crush kong si Chad k aya dapat nandun ako. Kaso, nakakaenganyo kasi ang lugar na `to. Masarap ang simoy ng hangin at ang sarap pagpahingaan. "ALVARADO!" "Nakakayamot naman `tong school na `to. Buti nakakapamukaw loob yung gwapong team captain na si Chad." Ngumiti-ngiti ako habang inisip ang gwapong mukha ng crush ko na unang araw pa lang dito ay nakilala ko na agad dahil sa kabaitang pinakita. Pagkatapos kong suotin ang sapatos ko, tumayo na ako at tumakbo. Kaya lang, wala pang tatlong hakbang sa pagtakbo, nadapa na ako. May nakaharang kasing kung...ano. "OUCH!" Sigaw ng nakaharang. Mali... may nakaharang na kung...sino. "Aray!" Naapakan ko ang dibdib niya kaya pumilipit siya sa sakit habang ang isang paa ko naman ay na naipit sa braso niya kaya nadapa ako mismo sa dibdib niya at ang mukha ko sa damuhan ang diretso. "What the?" Sabi niya.

"Sorry." Natagalan kaming gumalaw at umayos dahil sa hirap ng posisyon naming dalawa. "Sorry! Sorry!" Tumayo ako ng maayos. Lininis niya naman ang kanyang jersey at bumangon. "Kung madapa ka na lang sana sa akin, ayusin mo naman. Siguraduhin mong insakto ang posisyon!" Tumayo siya at hindi parin tumigil sa paglilinis sa jersey niya. "Huh?" Ngumiti siya. Nakakapanindig balahibo. May matino bang lalaking ngumingiti sa nangyaring yun? Muntik na siyang ma stroke sa ginawa ko eh. "ALVARADOOOO~!" Ngumisi siya habang tinitingnan ako ulo-sa-paa. Ano yan? May halong pangungutyang ngiti? Imbes na magpasalamat ako dahil hindi siya nagalit sa pagkakatilapon ko sa kanya, e parang mas na weirduhan ako. "Ang sabi ko, ayusin mo yung pagkakadapa sakin next time. Siguraduhin mong yung mukha mo, nasa mukha ko na." Tumaas ang kilay niya habang ngumingisi. Naramdaman kong tumaas ang altapresyon ko at ang tanging naisip ko na lang ay ang mga salitang ito. "Ang kapal mo! Tss. Ang angas!" Pinandilatan ko siya at sa isang iglap bigla niyang linapit ang mukha niya sakin . Nakangisi parin siya at nakakapanindig-balahibo. ANG FEELING NAMAN TALAGA NG ISANG `TO! Sino ba siya? Sinampal ko na agad ng malakas. "OUCH!" Ininda niya ang sakit ng nakangisi parin. Umalis na ako sa harapan niya patungong gymnasium. "Masyado kang payat para maging volleyball player. Pero ang lakas mong manampal. Now I know, Maxine Alvarado!" Sigaw niya. HUH? At kilala niya pa pala ako. Kumpletong pangalan pa huh? May biglang pumito galing sa gym. Akala ko si Coach Mariz yun, yun pala yung asawa niyang coach din ng Basketball Varsity. "Brent Cruz! HALIKA NA DITOOOOOO!" Nanggagalaiti siya habang nakatingin sa may likuran ko. Napatigil ako sa pagtakbo at lumingon sa likuran.

BRENT CRUZ? Siya?! Siya si Brent Cruz?!

A2.Weird

Brent Damien Cruz. Basketball Varsity number 1. Ara Cruz's twin brother. Vil Cru z's and Celine Santos-Cruz's Son. Meaning. T he Governor's Son at tagapagmana ng Santos-Cruz Lands . Sinarado ko ang locker ko at sandaling huminga ng malalim habang nasa kandado pa ang susi. "Naku naku! sooner or later, magsasawa din yan si Brent sa selosang girlfriend niyang yun at ikaw ang pipiliin niya, Maan." Sabi ng isang babae. Nasa loob kaya kami ng locker room kaya hindi ko kasalanan kung narinig ko man yun o hindi diba? Tsk. "Sus! Yung Bianca na yun? Asa pa siyang mapansin ni Brent! HA!" Inayos ko ang mga libro ko sa loob ng bag. "Ayan na, ayan na! 'See ya later, pretty.' Omg!" "Patingin-patingin ng text niya!" "OMG! Si Brent nga!" "AHH! Nakakakilig!" "Hala, Maan! Baka totoong hiniwalayan niya na si Amber para sayo?" WHAT THE? Hindi ko maintindihan ang mga babaeng ito? Hindi naman sa nakikinig ako pero mga tanga ba sila? Ilang babae pala ang meron yang Brent Cruz na yan? Tapos umaasa pa silang magustuhan nun? Kung 'magustuhan' nga sila ni Brent, tapos ano naman, eh marami namang ibang babaeng ang iyon, edi masasaktan lang din sila? Yan kasi ang hirap sa ibang babae eh. Alam na nga nilang playboy yung lalaki, didikit-dikit pa sila tapos aasa-asa pa. Anak ng tupa, mga timang pala kayo eh. Tigilan niyo na lang yang kahibangan niyo pwede? Tsss. Napailing ako habang papalabas ng locker room at lumipat ng girl's washroom. Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko. Nakakairita naman `tong mga baby hair, kailan pa ba kayo magiging adult ng maayos ko ng matali ang buhok ko? Tingin ako nang tingin sa salamin hanggang sa may dalawang babaeng biglang pumasok. Umiiyak yung isa.

"Alison, okay lang yan. Naku!" Habang tinatahan ang nasabing si Alison. Nakatingin lang ako sa salamin at inaayos parin ang buhok ko. Pasensya na, bago pa lang talaga ako sa school na `to at wala akong kilala bukod sa mga ka grupo ko sa volleyball kaya nagsisikap akong atleast ma kilala ang iba pa ng mga schoolmate ko. "Ano bang nangyari? Ba't ka umiiyak?" Tanong ko kay Alison. Hikbi parin siya ng hikbi. May dala-dala siyang papel, mukhang love letter. Hindi pala iyon love letter! Pu no kasi ng mga curse words at kung anu-ano pang pang-iinis. Nakita kong galing sa isang nagngangalang 'Brent's real girlfriend' daw nanggaling ang sulat. Sino nam an kaya yung Brent's Real Girlfriend na yun? "Hay naku! Gusto ko pa naman yun si Brent! Kaso, yun naman pala... totoo palang playboy yun! Hayaan mo na, Alison! `Kala ko talaga ikaw lang ang gusto niya! Grrr. Nakakadiscourage." Tumingin sa akin yung babaeng tumatahan kay Alison habang umiiling. Napatango ako ng slow motion. 'AHH~!' Another victim of that notorious Brent Cru z. Anak ng tipaklong naman! "Magsama silang dalawa nung Charlene na yun!!!" Iyak parin ng iyak si Alison. Ahhh. Ok. Charlene. Nag sisimula na akong mag-isip na ang mga babae sa school na `to ayPURO mga tanga. Isang araw pa lang ako dito, alam ko ng playboy yang si Brent Cruz. Ngayong isang linggo na ako, napatunayan ko na. Samantalang kayo, dalawang taon na yata kayo dito, hindi niyo parin ma gets-gets. Hay naku naman buhay ka! Nagspray ako ng cologne panghuli sa dapat kong gagawin dito sa loob ng washroom bago umalis. Pero bago ko pa nagawa, may narinig na akong tawanan sa labas.

"Hala, sina Ara! Tayo na, Alison!" Tiningnan ko lang silang dalawa sa salamin. "Miss, uhm," "Maxine." Sabay ngiti. "diba ikaw yung bagong lipat dito?" "Oo, bakit?" "Naku, hindi mo siguro alam na pag paparating na yung grupo ni Ara Cruz sa washroom eh kailangan ng mag evacuate ng kung sinong nasa loob pa nito kasi ang gusto nila, sila lang ng buong grupo ang-" Hindi na niya natapos kasi hinila na siya nung Alison papalabas. HUH? Ano na naman `tong panibagong natuklasan ko sa ibang estudyante ng school na `to?

Papalapit na ng papalapit ang mga boses na narinig ko kanina. "Ugh!" May biglang pumasok at tingnan ako, parang nandidiri. Excuse me? Walang nakakadiri sa mukha ko, maayos at malinis yata ako na pagkatao. "What? What are you waiting for?" Sabi niya na para bang nag eexpect siya na alam ko kung anong sinasabi niya. May pumasok na isa. "Uh, the newbie... Hindi niya siguro alam." Sa mukha ng mga ito, mukhang sila yata ang nasa kikay-category ng school na `to. Magaganda at maaarte sa katawan. May tatlo pang pumasok. Pero agad kong nahulaan kung sino sa kanila ang leader ng grupo. Nakasimangot siya at mukhang badtrip. "Girls, girls!" Sabi nung pinakamatangkad habang nginunguso ako. Nagkibit balikat yung unang pumasok at nginitian ako, "Lagot ka!" Nasa harapan ko na ang leader nila. Nakataas ang kilay niya. Nihead-to-foot ako at ilang segundo pang nakataas ang kilay niya bago niya `to binaba. "Uh, Miss, umalis ka na lang kung ayaw mo ng away." Sabi nung isa. "Huh? Bakit? Ni hindi ko pa nga napipindot itong spray ko para malagyan ko na ang sarili ko ng cologne tapos pinapaalis niyo na ako?" Parang dismayado sila at mukhang mas natatakot pa sila sa gagawin ng lider nila sa akin. Huminga ng malalim ang babaeng nasa harapan ko. Maganda siya. Maputi, makinis, mapupula ang mga labi (kahit walang lipstick di tulad ng mga kasama niya), kulot ang buhok, maganda ang pares ng mata, matangkad, matangos ang ilong. Linagay niya ang buhok sa tenga at naglahad ng kamay. Mas nabigla ulit ang mga kasama niya sa ginawa niya kesa sa akin. "Maxine Alvarado," Ngumiti siya. "so it's true. Maganda ka nga." Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko eh ngayon ko lang talaga siya nakita. "Ara Ysabel Cruz. Friends?" "Sure!" Sabay shake ko sa kamay niya. WEIRD! Bakit naglaglagan ang mga panga ng mga kasama niya at walang kahit na sinong umimik sa kanila. Weird. Ang weird talaga. "Uh, sige ah? Mmm alis na ako, susunduin na kasi ako eh. Bye." "Bye!" Ngumiti yung magandang si Ara. A3.Cough

"Ano ba naman yan Maxine Alvarado!" Nasigawan ako ng captain namin sa volleyball. Mainitin talaga ang ulo nitong si Chloe de Silva - ang team captain namin. Tulad nina Brent, Ara, Chad, senior na rin si Chloe. Ako ang baguhan dito kaya utos siya ng utos sa akin at madali siyang naiirita kahit wala naman akong ginagawang masama. "Bilisan mo naman ang pagkuha ng bola! Pwede?!" Sigaw niya. Nag tawanan naman sila ng iba ko pang teammate. Hello? Sino ba kasi ang lokalokang nag s-spike tapos na a-out ang bola? Wala namang control itong ibang teammates ko eh. Grr... "Bilis na!" Nakita ko sina Ara sa malayo na nakatingin sa amin. Nakakahiya tuloy, tatakbotakbo ako dito at pawis na pawis tapos andami pa namang estudyante na nasa paligid. "I-spike mo na! Bilis!!!" Sigaw ulit ni Chloe. "Eto na!" Pinulot ko ang bola at inispike na papuntang court. Malayo ako sa court. Binalewala ko na rin ang kontrol sa bola dahil pagod na ako . *Pak!* Napanganga ang lahat. "Richaaaard!" Sigaw ni Chloe. Tapos bigla nagkagulo at nagtipon ang lahat sa volleyball court. "Maxine! Ano ba yang ginagawa mooooo!?" Patay! Natamaan ko si Richard o Chad na president ng student council. Nandoon di n pala siya malapit sa court! Tumakbo ako papalapit ng court. Kahit na nakikita kong umaaso na ang mga ilong n i Chloe at pulang-pula na ang pisngi dahil sa nagawa ko. At naroon si Chad, pinagkakaguluhan! Kulang na lang ay kargahin siya ng mga babae papuntang clinic. "Sorry! Sorry!" Sabi ko kay Chad na iniinda pa ang sakit sa ulo. Ang sama ng tingin ng mga babae sa akin dun lalong lalo na si Chloe.

"Maxine, dito ka lang! Hintayin mo ang pagbabalik ko! Humanda ka, paparusahan kita! Naintindihan mo ba yon?!" Sigaw siya nang sigaw kahit nasa harapan lang niya ako. "Chad... Lika na, dadalhin na kita sa clinic! Tabi nga kayo!" Sabay tulak sa ibang babaeng nakikiusisa. "Lagot ka!" Sabi ng isang teammate ko. "Crush ni Chloe si Chad kaya galit na galit yun!" "Naku! I'm sure, ipapatakbo ka nun ng 100 laps sa quadrangle!" "O baka naman paglilinisin ka nun ng Wash Room! Lagot ka talaga, Maxine! Kay bagu-bago mo, ang dami mo ng atraso!" Kinabahan ako sa sinabi nila. O hindi! Anong mangyayari sakin pagbalik niya? At ang crush ko pang si Chad ang natamaan ng bola!? HUHU. Ang malas talaga. Kilala ang school na `to na school ng mga mayayaman kaya maraming estudyante ang maiimpluwensya ang pamilya. Sigurado ako, pagmalaman `to ng mga magulang ni Chad, baka lagot ako lalo! Tapos, hindi naman kasama ang pamilya ko sa 'maiimpluwensyang pamilya' kaya lalo akong kawawa! Patay! Hindi na ako mapakali sa loob ng court habang iniisip ang mga mangyayari sa akin . "Pssst!" Napalingon ako. Nakita kong ang nakangiting Brent Cruz sa kabilang bakod. "Ang lakas mo palang maka spike! Sa bagay, naramdaman ko na yun nung sinampal mo ako." Sabay hawak sa pisngi niyang sinampal ko nun. "Nakakapanlinlang ang kapayatan mo ah. Akala ng lahat ordinaryong volleyball player ka lang." Tumingin siya sa malayo, sa tinayuan ko kanina haban g inispike ko ang bola. "Sinong mag aakalang kahit ganun ka layo, aabot pa talaga dito? Amazing power! Dumugo pa talaga ang ilong ni Chad." Nakakakilabot ang ngiti niya. "Dumugo ang ilong ni Chad?" Umakyat siya sa bakod na nag nagbubukod sa volleyball court. Ewan ko ba kung bakit nabilaukan ako sa sarili kong laway nang nakita siyang umakyat ng bakod at biglang sumulpot sa harapan ko ng nakangiti. Painfully handsome. Ngayon alam ko na kung bakit masyadong maraming babaeng nahuhumaling sa kanya. Tinanggal ko ang mga aso na bumabara sa logic ko. "Yup!" Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila. "Teka! San ta`yo pupunta?" "Edi sa`n pa? Sa clinic, kung san siya dinala! Ikaw ang may sala diba? Dapat nandun ka!" "P-Pero sabi ng captain dito lang daw ako at may parusa pa daw siya sa akin." "Si Chloe bah?" Ngumiti ulit siya. "Parusa? Ha." Nagpatuloy siya sa paghila. Bago kami tuluyang nakarating sa clinic, nakita ko sina Ara at ang mga kaibigan niya malapit dun at kinakausap si Chloe. "Narinig kong paparusahan mo si Maxine Alvarado?" Dinig na dinig ko ang

boses ni Ara. Pero umaasta si Brent na hindi niya yun narinig at nagpatuloy sa paghila sakin. "Teka nga. Sina Ara yun ah?" "Hmm? Hayaan mo na yang spoiled brat na yan!" Sabi niya at binalewala ang daing ko. "Spoiled brat?" "Yup. She's a spoiled brat and my twin sister." Sumulyap siya sa akin at kinindatan ako. "Kilala mo pala siya? Inaway ka ba?" "Hi-Hindi naman. Ang bait niya nga eh." Tumango siya. Kaya ayun, dumiretso na kami sa clinic. Sa labas ng clinic ay ang mga nag-aalala ng babae kanina. Ang samang makatingin sa akin ng mga ito ah? "Maxine Alvarado diba?" Bulong nung isa sa kasama niya. Di na nahiya! Hello! Naririnig ko yung bulungan niyo! "Lika na!" Sabay hila sakin ni Brent sa loob ng clinic. Ngayon ko lang naisip na kaya siguro ako pinagtitinginan ng mga babae dahil hawak-hawak ni Brent ang kamay ko. Aagd ko itong binawi. Ngumisi naman ang haliparot at nagkibit-balikat nang tiningnan ko siya ng masama. Flirt! Playboy! "Chad!" Agad kong pinuntahan si Chad na nakaupo sa kama ng clinic. Nakilala ko si Chad sa first day of school nang nawala ako sa corridors at sinam ahan ako papuntang classroom. Nagpakilala siya as Chad Martinez. Dahil sa kanyang kagwapuhan, napatanong ako sa kaklase kong suplada kung sino ba si Chad Martinez sa school na `to. Ang sinagot ng kaklase ko ay siya lang naman daw ang president ng student council at top 1 ng klase sa whole fourth year! "Okay lang ako." Sabay ngiti ni Chad sa akin. "Sorry talaga! Sorry!!!" Ngumiti siya lalo. Ang mga mata niya halos kumislap na. "I'm okay, Miss Maxine Alvarado. Thanks for being concerned." "Uh... Uhm..." Nag peace-sign ako. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang full name ko at bakit maraming nakakaalam ng fullname ko? Ke bago-bago ko dito. Napatawa siya ng marahan at tiningnan ulit ako, "Ang cute mo." Wow! Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. "Ehem ehem." Biglang sumabad si Brent. "Sige, Chad. Pahinga ka na muna, alis na kami ni Maxine." "Uh... O sige." Hinila ulit ako ni Brent, mabilis lang nangyari ang lahat ng iyon. "Kailan ka pa inubo?" Tanong ko pagkalabas namin ng clinic. "Kanina lang, nung nagselos ako..." Ngumisi ulit siya at parang natutuwa sa

nakitang ekspresyon sa mukha ko. A4.Ara Ysabel Cruz, bully?

Hindi na talaga nahiya ang kumag sa mga pambobola niya! Alam na alam na ng lahat ng babaeng bolero at playboy siya pero ang kapal parin ng mukha para mambola pa ng tuloy-tu loy. "Uh, t-team mates. O-Okay, I'll take over." Naka assemble kami sa court. Isang straight line kami ng teammates ko habang hin ihintay ang team captain na si Chloe. "Wala pa si Chloe, uh, may problema yata kaya ako na muna..." Sabi ng assistant team captain. Asan naman kaya yun si Chloe? Huli ko siyang nakita nung papunta kami ni Brent s a clinic eh. Kausap siya nina Ara. Narinig ko pa nga ang pangalan ko na pinag-uusapan nila. "C-Chloe?" Nabunutan ako ng tinik nang biglang tumambad ang team captain namin sa harapan. "Anong nangyari sa-" "Shut up, okay?" Pinandilatan niya ang assistant team captain. Nakanganga kaming lahat habang tinitingnan siya sa harapan. Basang basa siya at para siyang pinaliguan sa putikan. Anong nangyari sa kanya? Tinitigan niya ako. Ang mga teammates ko, halatang takot na rin kahit ako lang n aman dito ang mukhang malalagot maya maya. "Dismissed!" Sabay-sabay napabuntong hininga ang team at agad nagsipuntahan sa locker room. Nakapagtataka. Umasa kasi akong ibibitay niya ako ng patiwarik at papatayin sa p amamagitan ng pagbabato. Bakit walang ganung eksena? Hindi sa hindi ako masaya dahil hindi niya yun ginawa. Masaya ako! Syempre, sino bang nasa tamang pag iisip na malulungkot dahil hindi siya binitay? Kaya lang... ay ewan k o! Tama na nga yan, Maxine! Dapat kasi inuuna mong magbihis na sa locker eh. Tapos maghanda ka ng kung anong peace offering para dun sa crush mong nabali ang ilong dahil sa spike mo!

"Maxine!" Tinawag ako ni Chloe. "Uh," Hinarap ko siya. Sabi ko na nga ba! Sana pala umalis na ako diretso kanina at pumunta na ng locke r room! "Palalagpasin ko `to ngayon, huh!" Tumingin siya sa paligid. Nakita ko sa bandang kanan ang grupo nina Ara. Sa kaliwa naman ay ang tatlong ka ibigan ni Chloe na nakikita kong kasakasama niya tuwing breaktime. "Sa oras na malaman kong didikitdikit ka kay Chad, malalagot ka na talaga!" "Pero hindi naman ako dumidikit-" "At di ka rin pwedeng dumikit kay Brent!" Umalis siya agad sa harapan ko. Ni hindi man lang ako nakapag salita para sa sar ili ko. Nakapagtataka, hindi naman ako dumidikit sa kanila ah? Napabuntong hininga na la ng ako habang binubuksan ang locker ko. Siguro ganun lang talaga kung titingnan mo sa p erspektibo ng ibang tao. "Oh hayan! HAHAHA!" May narinig akong ingay sa kabilang echelon ng locker room. Dinig ko ang mga hin ulog na libro galing kung saan at ang tawanan ng isang malaking grupo ng mga babae. Lumapit ako at nakita ko sina Ara at ang kanyang mga kikay friends dun sa crime scene. Sinipa nung isa ang mga librong nakalatag sa sahig. Dalawang babae ang nakita ko ng walang magawa na nakasandal lang sa locker at mukhang takot na takot sa nangyari. "Sa susunod kasi, kilalanin niyo kung sinong kinakalaban niyo! Akala niyo ba di ko alam na kayo ang nag vavandal ng 'I hate you Ara' sa mga corridors?" Sabi ni Ara . "This is your first warning!" Kinuha naman nung matangkad ang bag nung isang babae at tinapon ang mga libro sa loob. "Kung ayaw niyong matulad sa Chloe de Silva na yun, wa'g niyo akong babanggain! Gusto niyo yatang maligo sa putik?" Ngumiti si Ara nang nakita niyang takot na t akot ang dalawa. "Oh well, since hindi naman ganun ka lala ang nagawa niyo, hindi muna putik ang ipaliligo ko sa inyo! Lia, ang timba?" Nagdala ang isa sa kanila ng isang timba ng tubig. Binigay ni Lia ang timba kay Ara pero tiningnan lang siya ni Ara ng nakataas ang kilay. "What? I can't carry that! Ikaw ang bumuhos sa kanila! Hello!"

"Tama na!" Bigla akong nagpakita sa pagtatago ko. "Maxine!" Ngumiti si Ara sa akin. Taliwas iyon sa inaasahan ko. Akala ko mabibigla siya at mag aalala sa sasabihin ko tungkol sa kanya. Akala ko natatakot siyang isipin kong masama yung ginagawa niya. Pero hin di eh. Mali ako, kasi nandoon lang siya, nakangiti, kasama ang buong tiwala niya sa kanyang sarili na minsan ay naiisip kong, tulad ni Brent, overconfident siyang masyado. Umambang bubuhusan na ni Lia ang mga babae. "Lia, stop that! I've changed my mind." Pinandilatan niya si Lia at ngumiti ulit sa akin. "Masama yung ginagawa niyo. Kawawa naman sila." Sabay tingin ko sa dalawang baba e. "Tsaka, kayo din ba ang gumawa kay Chloe nun?" Tumawa si Ara. Matinding tawa. Pero kahit anong tawa niya, may natitira paring p agka elegante sa kanya. "I don't believe this. Ang bait mo! You don't know how Chloe likes Chad so much that she'll probably stone you to death!" Umiling siya. Alam ko. "At itong mga babaeng `to?" Sinipa ni Ara ang mga librong nakaharang sa kanya. "Mga babaeng desperada. Nagpapakalat ng hate mails at kung anu-ano pa tungkol sa akin. Gusto niyo lang namang masali sa grupo ko diba?" Tanong niya sa mga bab ae. "Para mapalapit sa kapatid ko. Ang gwapo ng kapatid ko, ano? Tsk tsk." Linapitan niya ang dalawa. "Too bad, I dont like you both." Tumawa siya sa mukha ng dalawang ba bae. "At ngayon," Lumambot ang boses niyang bigla. "Too disappointed? Binabangga niyo na ako just because wala kayo sa socialcircle ko? And you're threatening me cuz you're brother is a senator," Sigaw niya sa isa. "And you're Dad is a stockholder of my mom's company?" sigaw niya sa isa. "Yiiii! Katakot naman!" Ngumisi siya. "I'm so scare d. Really. Di ako makapaniwalang sinabi niyo yun, nakakasuka! Ginamit niyo ba talag a ang mga salitang iyon? Don't make me laugh!" Hinaplos niya ang mukha ng isa. "Ku ng iniisip niyong sosyal kayo dahil dun at dahil sa Louis Vuitton niyong mga bag ay pwede na kayo sa grupo ko. Think again! Dahil sa mga pagyayabang ninyo sa akin, naging loser kayo sa paningin ko! And I hate loser friends." Tumayo siya. Ngayon, unti-unti kong napagtanto kung anong klaseng mga tao ang nandito sa eskw elahang pinapasukan ko. Naintindihan ko kung paano umaandar ang lahat.

"Maxine," Mejo napatalon ako nang tinawag ako ni Ara. "By the way, they are girls from your class. Sabihin mo lang sakin kung magkakaproblema ka sa kanila." Ngumiti siya at umalis din naman sila. Hindi ko rin naisip na magkakaproblema ako sa dalawa. Kasi naman, sinong matitin o ba ang magdadala ng problema sa taong nagligtas sa kanila diba? Kung ako, linigtas nino , hinding hindi ko kayang bigyan ng problema ang taong nag ligtas sa akin. Hindi ko naisip yun hanggang sa nung pumasok ako ng classroom at nadapang bigla dahil sa dalawang paang nakaharang sa daanan ko. May narinig akong mahinahong pagtawa at, "Sorry!" Naaninaw ko ang mukha ng dalawang babaeng linigtas ko kahapon. Nakangisi silang dalawa. Para bang nakahuli ng bagong biktima. Nagtawanan silang dalawa habang patayo ako. Tama si Ara! "Maxine!" Napatingin kaming lahat sa prinsipeng tumawag sa akin na nasa pintuan. Nakita ko ring kumaway ang isang demonyong nakangisi sa tabi niya. Sa puntong ito, alam ko, hindi magiging madali ang buhay ko dito. B1.Disturbance

But all in vain; good queen, it will not be: She hath assay'd as much as may be proved; Nasa loob kami ng bus at hinihintay na lang ang ibang myembrong hindi pa nakakar ating. Tama! Sa loob ng bus ay ang basketball team at ang volleyball team! Nasa dulo ako at katabi ko ang ibang teammates ko habang nasa unahan naman si Ch ad at nakikipag-usap sa ibang ka team niya. Dala-dala ko ngayon ang kopya ng Venus and Adonis ni Shakespeare. Gusto ko sanang magpatulong sa pagsasalin sa ibang linyang hindi ko maintindihan. "Cruz! Late ka na naman! Akala ko ba di ka sasama!" Sigaw ng coach nila sa karar ating lang na si Brent. "Always late but worth the wait!" Ngumisi siya at natagpuan agad ang titig ko. Kinindatan niya pa ako habang papunta sa upuan niyang mas malapit sa akin.

"Brent, where's your Porsche, dude?" Sabi nung katabi niya. "Oo nga, Brent." Napatalon ako nang narinig kong nagsalita si Chad. "`kala ko ba di ka sasama sa bus kasi babyahe ka gamit ng Porsche mo?" Humikab si Brent, "Oo nga eh. Kaso tinamad ako." Si Brent ang isa sa mga taong kahit wala pa dawng driver's license noon ay malay a ng nakakapagpatakbo ng mga sasakyan sa syudad. Nakakainis masyado ang angas niya. Sana hindi mahawa si Chad sa kanya! Syempre! Di naman talaga mahahawa si Chad dahil siya ang... White Prince! Tama! White Prince, si C had. Crush na crush ko na talaga siya. Pagkatapos ng isang oras na byahe, dumating na kami sa exklusibong beach resort. Undeveloped pa ang resort kaya wala masyadong tao. Puti ang buhangin, ang sarap ng buhangin! Sa malayo, may makikita kang mukhang maliliit na isla at bato. "Okay, team!" Sigaw ni Coach Mariz. Nag assemble kami sa harapan niya at ganun din ang mga basketball varsity sa coa ch nila. "Sumunod kayo sakin para sa dorms niyo! Dalawang araw lang tayo dito kaya wala dapat maaksaya na oras!" Sumunod kami sa kay Coach Mariz. "Akala ko naman magiging masaya `to. Yun naman pala, hindi natin talaga kasama ang Basketball Team sa training." Sabi nung isang teammate ko. Okay lang naman ang tutulugan namin. Dorm type. Double deck ang mga kama. "Oh my! Bakit ganito? Hindi ko alam na ganito? I thought suites?" Reklamo nang reklamo si Chloe sa loob. "Team! Let's go!" Pumito si Coach Mariz at nagsilabasan kami. Nag jogging kami sa tabing dagat. Sulit naman kasi nandun rin ang Basketball Tea m. Kinawayan pa nga ako ni Chad ng nalagpasan namin silang nag wa-warm up. "Hoy, Alvarado!" Tinabihan ako ni Chloe. "Wala si Ara Cruz dito kaya walang mag tatanggol sayo! Tumigil ka nga sa pag flirt mo kay Chad!" "Hindi naman ako nakikipagflirt ah. Magkaibigan lang talaga kami." "So? Magkaibigan din naman kami ah? As in close! Kaya wa`g kang masyadong feeling!" Pinandilatan niya ako at linagpasan. Ano bang problema ng Chloe na yun? O sige na, crush ko na nga si Chad kung crush . Pero ano naman ngayon? Crush ko lang naman yun at wala naman yung gusto sakin. Alam kaya ni Chad na may gusto si Chloe sa kanya?

Napatanong ako sa sarili ko nang nakita kong nag uusap silang dalawa habang nag wa-warm up kami. "Okay, team! Sisimulan na natin ang drills!" Sigaw ni Chloe na may ngiti sa mukh a. Tinitigan niya pa ako na parang may karatula sa noo niyang, 'I win'. Nakakairita yung ekspresyon ng mukha ni Chloe. Pinag iinitan niya pa ako, dalawa ng beses akong pinapaulit sa mga drills. Buti na lang ilang sandali ay dumating si Coach at ina lis siya sa pwesto niyang nagbabantay sa amin. Pagdating ng tanghalian, kasama namin ang basketball team. Ang sarap din ng pagk ain dito ah. Seafoods. "Chad, diba allergic ka sa shrimp at crabs?" Narinig ko si Chloe kung saan. "Oo eh. Sayang nga! Masarap pa naman ang mga iyan." So... allergic pala si Chad sa mga iyon. Tiningnan ko silang dalawa at ayan na n aman ang mga malademonyitang-tingin ni Chloe sa akin. May karatula ulit sa noo niyang, 'you l ose'. Siguro nga alam na ni Chad na may gusto na si Chloe sa kanya. Baka nga M.U. sila ng dalawa eh. "Hey..." Bigla akong tinabihan ni Chad habang nakaupo ako sa buhangin, nagpapahangin at nagpapahinga. Mamaya kasi mag di-drills ulit kami. Yung iba kasi naligo sa dagat . Yung iba naman ay kasama ang ibang players ng basketball team. "Hi!" Sabay ngiti ko at talon ng puso. "Kamusta ang Venus and Adonis?" "Maganda! Nagustuhan ko. Dala ko nga eh, magpapatulong sana ako sa`yo. Di ko kasi masyadong naiintindihan ang Old English eh." "Talaga? O sige ba, tutulungan kita. Gusto ko kasi si Shakespeare kaya halos lah at ng pieces niya, may background knowledge ako. Isa sa mga paborito ko ang Venus and Adonis niya." "Ako kasi, Romeo and Juliet lang ang alam ko sa kanya." Nakakahiya naman yung si nabi ko. Pero totoo naman! Hay! Si shakespeare kasi eh, di ko maintindihan! "Tsaka yu ng Sonnet 116. Naisaulo ko yun nung second year ako." "Ah ganun ba? Sino ba ang paborito mong writer?" Tanong niya ng may matamis na n giti sa mga labi. Kinikilig ulit ako! Ang bilis ng tibok ng puso ko! "Hindi naman kasi ako mahilig magbasa eh. Pero nagustuhan ko ang Pride and Prejudice ni Jane Austen." "Gusto ko rin yun! Magaling talaga si Jane Austen."

Nakakahiya tuloy dumugtong. Kasi naman, isang nobela lang din ni Jane Austen ang nabasa ko. "Chad!" Sigaw ng naka trunks lang na si Brent. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang mayabang niyang ngiti, abs at ang maa ngas na titig. "Maxine, laway mo oh!" Sabay tawa niya. Nakakahiya! Naabutan niya akong nakatitig sa kanya! Imbes na matawa din ako sa k ahihiyan, pinagtagpo ko ang mga kilay ko at pinandilatan siya. "Ano ba naman kayong dalawa! Wa`g nga kayong mag mukmok dito! Maligo tayo! Tara na!" "Tara, Max!" Inimbita ako ni Chad. "Ahh... okay lang. Di na. Dito lang ako." Sabi ko. "Why? Don`t know how to swim?" Tanong ni Brent. "Wala lang. Okay lang ako dito." Sabi ko. "Oh. Okay." Nginitian ako ni Chad. "Hey if you don't know how to swim, I`m just here, I can save you." Andyan na na man ang nakakapanindig balahibong ngiti nitong si Brent. Umiling na lang ako habang nakangisi si Brent. Kahit kailan, istorbo lang talaga yang si Brent na yan! Linayo niya si Chad saki n!

B2.Sprain in the heart

Pagkatapos ng konting pagkakataon para magpahinga, agad kaming pinabalik para ma g practice. Di ako nahirapan kasi di naman ako naligo samantalang mukhang tinatamad na ang i ba. Nagjogging ulit kami, drills, at kung anu-ano pang mga pag s-spike sa bola. Lagi akong napupuri ni Coach dahil sa nakakabasag mukha kong spike. "Saan mo ba hinuhugot yung lakas ng spike mo, Maxine?" Tanong nung isang second year na rookie. "Hindi ko alam eh. Basta iniispike ko lang." "Hoy! Maxine Alvarado! Tatlong beses mong ulitin yung drills na para sayo?" Siga w ni Chloe. "Huh? Bakit? Eh diba-" "Sino bang captain dito? Diba ako? Sumunod ka na lang!" Pinandilatan niya ako. May ginawa kasi ulit si Coach kaya si Chloe na naman ang nag babantay.

Pagbalik ni Coach, nag practice game kami. Ibang klase pala pag sa buhangin ka n aglalaro, kasi nakaka-ubos ng stamina. "de Silva, Team A. Alvarado, Team B..." Dumating na rin ang Basketball team na mukhang kagagaling lang sa kanilang Pract ice Game. Pawis na pawis sila habang pumipwesto at mukhang manonood pa yata sa game namin. Naku! Ayun si Chad! Nakangiti siya sa akin! Nginitian ko rin siya at pumwesto na . Sakin ang first service. Kalaban ko pa sina Chloe kaya dapat galingan ko `to! Naramdaman ko rin ang tension ng mga team mates ko, kasi naman nandyan ang baske tball team! "Alvarado, service. Team B." Napapalakpak ang teammates ko ng nakuha ko ang unang score sa service ko. "Go Alvarado! Galing mo! Ganda pa!" Sigaw nung hindi ko kilalang taga Basketball Team. "Oy astig Max! Kilala ka talaga ah!" Sabi ng teammate ko. Syempre, nakaiscore din ang kabilang team. n ni Chloe kung hindi siya magaling? Magaling siya sa napapasunod ang teammates niya. Ako naman, umaasa lang n na ka grupo ko. Pag talon at ang puwersa lang ng spike Para saan ba ang pagiging Team Captai pagpaplano at diskarte. Madali niyang sa sasabihin ng assistant team captai ko ang maipagmamalaki ko.

Uminit ang laban. Naramdaman ko `to sa kalagitnaan. Nang lamang ang Team A sa am in. Sa huli, tumabla ang iscore. Pagod na ako! Naiinis ako sa pagod na naramdaman ko . Kulang na lang eh humilata na ako sa guhangin at magpahinga. Kaso hindi pwede eh! Gusto ko ng manalo! Mananalo kami! Naalala ko ang mga doble at tripleng drills ko ngayong araw na `t o. Kaya siguro halos maubos ang puwersa ng spike ko dahil doon! "Maxine!" Sigaw ng assistant team captain namin nang tinira ni Chloe ang pamatay niyang tira para matalo na kami. Alam ko. Sa taas ng inabot ng bola, ako ang inaasahan nila. "Mine!" Sigaw ko. Tumalon ako gamit ang buong lakas ko at inabot ang bola, inispike pabalik sa kab ila! Napatalon ang teammates ko nang napasamin ang huling score! Pero hindi ako makan giti nang

naramdaman ko ang naipit ko muscles sa wrist. Pumikit na lang ako habang pinalibutan ako ng nag aalala kong teammates. Tumakbo na rin si Coach papunta samin. "Yung first aid kit!" Sigaw niya. Halos maiyak ako sa napakasakit na pagkaipit ng muscles. Napawi ang lahat nang nakita kong si Chad ang humawak sa kamay ko habang pinupul upot ang band. "Masyado mo yata nagamit ang pag i-ispike mo. Magpahinga ka muna. Dalhin niyo siya sa clinic ng dorm!" Sabi ni Coach sa teammates ko. Nandun parin si Chad sa harapan ko hawak-hawak ang kamay ko. "Chloe!" "Yes, coach!" Hinatid nila ako sa clinic. At syempre, nasa tabi ko si Chad. Wala namang imik si Chloe. Pinaupo ako sa kamang pang pasyente talaga. "Okay ka lang?" Tanong ni Chad. Kinikilig ako! Hawak-hawak niya parin kasi ang kamay ko! Halos tumili na nga ang teammates ko sa sinabi niya eh. Uminit tuloy ang pisngi ko. "O-Okay na." Dahil sa`yo. "Salamat." Ngumiti siya at mukhang masaya nang narinig ang sinabi kong okay na ako. "Don`t over exert yourself." Sabi ni Chad. Grabe! Puputok na ang mga arteries ko sa kakilig dito! "Hay naku syempre! Sinong hindi magiging okay kung hawak-hawak ng mahal niya ang kamay niya, diba? Tsss." Singit ng panirang si Chloe. Natigilan si Chad at napabitiw sa pagkakahawak sa kamay ko. "Uy! Mahal daw!" Sigaw nung isang taga basketball team. "Totoo ba yun, Max? Gusto mo si Chad? Ayieee!" Tanong ng assistant team captain namin. HALA! Anong sasabihin ko!!! Oo! Totoong gusto ko siya! Pero hindi ko naman alam kung mahal nga ang tawag dun! Atsaka, nakakahiya namang umamin! At nakakahiya ri ng mag maangmaangan! Tiningnan ko si Chad. Mukhang nag iba ang ekspresyon niya habang nakatingin sa a kin. Ang bulong-bulungan sa paligid ay mas nakakapgpasaliwa sa nararamdaman naming dalawa . "Uh," Humupa ang bulong-bulungan at muling tumingin ang mga tao sa akin.

Grabe! Sobrang nakakahiya `to! Oh God! Anong gagawin ko? Bakit ako nasa ganitong sitwasyon? "Mahal mo siya, diba? Maxine?" Singit ulit ni Chloe na mejo natatawa na ngayon. "Uh," Aamin na ako! Biglang ngumiti si Chad at tinapik ng marahan ang ulo ko. Para lang tumatapik ng aso ah? "Bata ka pa, Max. `Di ako naniniwalang mahal mo ako. Kung totoo man yun, puppy love lang yan. Kalimutan mo na lang." Ngumiti siya. "Magpahinga ka na." Halos mapanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang hinamp as ako ng sangkaterbang palakol. "Guys, iwan muna natin siya para makapagpahinga." Natahimik ang lahat at lumabas na sa clinic ng walang kahit anong angal sa sinab i ni Chad. Habang nakangisi si Chloe ng abot tenga bago umalis at si Chad naman ang sumarad o sa pintuan. WHAT WAS THAT? Napahiya ba ako? Malamang! Ngingisi ba ang Chloe na yun kung di ako napahiya? At sinong nagpahiya sakin? Si... Chad? Napayuko ako habang tinitingnan ang kamay kong kanikanina`y hawak-hawak niya. Her pleading hath deserved a greater fee; -Venus and Adonis, W.S. B3.Hurt

Hindi ko alam kung papaano at bakit pero parang kinukurot ang puso ko. Parang bi nabasag ito unti-unti... Yinakap ko ang dalawang tuhod ko habang nakatingin sa puting kurtina sa loob ng room. "Puppy love?" Nagsimulang bumuo ang mga luha ko sa mga mata. Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako. Hindi naman ganun ka grabe yun ah pero bakit ganito? Ngayon pa lang ako nagkaganito! Napahikbi ako ng marahan. Hindi ko mapigilan! Natatawa ako sa nangyayari sa akin

. Pero hindi ko parin talaga mapigilan! "It`s not something that deserves so many tears." May biglang sumulpot sa puting kurtina. Halos mapatalon ako pero imbis na ganun, nagmadali na lang akong punasan ang mga luhang nasa pisngi ko. "Anong ginagawa mo dito?" Tiningnan ko siya ng may poot sa mga mata. Inalis niya ang puting kutinang naka hadlang sa paningin ko. Nakita ko ang isang malaking bintanang tinuro niya. Yeah, I know! Diyan siya pumasok! Of course! Illegal! "Kinakamusta ka." Umupo siya sa kama ko at hinawakan ang kamay kong nanginginig. Agad kong binawi ang kamay ko. Tumayo siya at napabuntong-hininga. "Ano bang nakita mo sa lalaking iniiyakan mo`t nag-aaksaya ka pa ng panahong iyakan siya?" "Ano ba ang nakita ng mga babaeng umiiyak dahil sa`yo at nag-aaksaya pa sila ng panahong iyakan ka?" Natigilan siya. Mas lalo akong umiyak. Sa harapan niya. Nakakainis siya! Ano bang alam niya! Wal a, diba? Hikbi ako ng hikbi habang nakatunganga siya sa harapan at walang ginagawa kundi hayaan ako at tingnan lang akong umiiyak siguro para aliwin ang sarili niya. Si Maxine Alvarad o, umiiyak! "Anong pa bang ginagawa mo dito? Umalis ka na nga! Wala kang alam! Palibhasa hindi ka marunong magmahal! Palibhasa ikaw `tong nananakit eh!" Hikbi parin ako ng hikbi! Ayokong sabihin ang mga iyon. Pero naiirita ako sa kanya. Nakikita niyang umiiya k ako dito pero nakatunganga lang siya diyan at tinitingnan ako. Anong klaseng lalaki siya? Tiningnan ko siya at nakita ko ang isang ekspresyong ngayon ko lang nakita. Sery oso, malamig at galit. Humiga ako at binalewala siya. Lumapit siya sa kama at tinaas ang kumot ko, "Magpahinga ka." At umalis din nama n agad.

She's Love, she loves, and yet she is not loved. -Venus and Adonis, W.S.

Nakatulog ako. Pagkagising ko, gabi na pala kaya lumabas ako ng clinic at tumamb ad sakin ang halos nagpaparty ng mga teammates ko sa tabing dagat. Kumakain silang lahat at m ay kumakantang live band sa harapan. "Maxine, kumain ka na!" Sigaw ng assistant team captain. "Okay ka na ba?" May ganung tingin parin siya sa akin hanggang ngayon. Tinging naaawa o naiilang dulot ng nangyari kanina. "U-Uh... O sige." "Sige na! Kumuha ka na dun!" Sabay turo sa buffet na nasa harap. Wow! Gutom na gutom pala ako! Kaya lang, nawalan ako ng gana ng may mga narinig ako sa kabilang table na nagbubulungbulungan... "Nabasted siya? Ni Chad?" "Ang sakit nun!" Sabay tawanan ng mga babaeng may pasulyap-sulyap pa sa akin. Umiling na lang ako habang pumwesto ako mag-isa sa table. Ang lamig pa naman ng simoy ng hangin. "Oi `tol! Nabasted na yata si Maxine kay Chad! Ano na? Ligawan mo na! May pag-as a ka na!" May narinig akong ganun kung saan pero binalewala ko na lang. Nagtawanan sila at mukhang pinagkakatuwaan lang yung nangyari. Pero nabigla ako nang natahimik. "Shhh!" "Okay ka na?" Tumingala ako at nakita ko ang taong tatabi sa akin. Si Chad. Halos mailuwa ko ang kinakain ko. "O-Okay na." Hinawakan niya ulit ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit binawi ko `to imbis n a sana ay titingnan niya lang. Nagkatinginan kami. "S-Sorry." Sabi niya. "Sorry din." Katahimikan. "Ano nga pala yung ipapatulong mo sana sa Venus and Adonis?"

"Uh, yun ba? Wala na... Uh, okay na siguro yun. Mejo kaya ko na... Salamat." Nakakailang kasi `to. "Go Brentttt!" Nagtitinisan ang boses ng mga teammates ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nakita ko si Brent na tinutulak papun tang stage. Tawa sila ng tawa. Naiinis parin ako sa tuwing naaalala ko siya na pumuntang clinic kanina. Tapos n gayon, tatawa tawa lang siya habang nakikipaglandian sa mga babaeng yan. Tapos, eto namang si Chad, nasaktan na nga ako kanina pero nagpakita parin siya sakin ngayon na parang walang nangyari. "O sige na! Dahil mapilit kayo..." Ngumisi si Brent sa stage ng live band. Sa itsura niya, kakanta yata siya. "Sigurado ka?" "Oo." Nginitian ko si Chad. "Nga pala, sa`yo na yung kopya, di mo na kailangang ibalik sakin yun." "Talaga? Salamat." "Kakanta na ako!" Nagtilian ang lahat ng babae sa beach. May binulong si Brent sa banda at agad tumugtog ng isang pamilyar na kanta. My f avorite song! Natigilan ako habang pinagmasdan siya. Hindi lang yata ako eh, lahat yata kami. "This song is for the girl who`ve hurt me." "Yiiieeeeee! Sino kaya yun?" Sigaw nila. Napatawa ng mahinahon si Chad. "Who can hurt Brent Cruz?" Napatingin ako sa kanya habang umiiling. "We watch the season pull up its own stakes and catch the last weekend of the la st week..." Hindi naman talaga ako nabigla sa ganda ng boses ni Brent. Parang tulad nung ori ginal na kumanta. Hindi ako nabigla dahil parang inaasahan ko nang may magandang boses na lalabas sa bibig niya dahil sa kagandang lalaki niya. Ano daw yung iniisip ko? "You have stolen my... heart..." B4.Command

Pero pagkatapos ng training camp, hanggang dun na lang rin ang lahat. Hindi na a ko masyadong kinakamusta ni Chad. Siguro tuluyan na siyang nailang sa akin. Minsan, nakikita ko naman si Brent na may kasamang babae. Mga babae. Balita ko nga naghalikan daw silang dalawa ni Lia. Si Lia yung pangalawa sa pina kamaganda sa grupo ni Ara. Syempre, si Ara ang pinaka maganda. Mas pinili ko na lang ring manahimik at iwasan na si Chad at Brent. Sa mga corridors, hindi na rin ako masyadong pinapansin ni Chad. Ilang beses nga kaming hindi nagkasalubong pero hindi nagpansinan. "Ang sarap talaga ng hangin dito..." Isang pamilyar na boses ang nagsalita habang nakaupo ako sa paboritong lugar ko sa skul na `to. Si Chad pala! "Uh, oo eh." Nagtaka ako. Bakit niya ako pinapansin ngayon samantalang hindi naman talaga siy a namamansin na. Umupo siya sa tabi ko. "Haaay!" Nakatingin siya ng diretso sa tanawin habang ako ay titig na titig sa gwapo niya ng mukha. "May nang aaway pa ba sa`yo?" "Huh?" Bigla kong naisip si Chloe at ang iba pang mga teammates at kaklase kong, hindi naman nangaaway pero, nang-aalipin. "Pasensya ka na, hindi na kita masyadong pinapansin..." Humiga siya sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Sikat si Chad at alam ng lahat yun. Siguro kaya ako inaaway ng mga kaklase ko da hil napansin nilang malapit ako sa kanya. At ngayong mag iilang buwan ng di niya ako pinapans in masyado, wala na rin masyadong pakealam si Chloe sa akin. Di tulad noon na lahat ng gagaw in ko ay pinapakealaman niya. "Okay lang." Naiinitindihan ko naman yun.

Siguro hindi niya ako pinapansin dahil naiilang siya sa nangyari nung training c amp. Di ko naman siya masisisi. Atsaka, ako rin naman eh, ayaw ko na rin siyang pansinin. N akakailang at nakakaasiwa kung papansinin ko pa siya pagkatapos ng kahihiyang iyon. "May date ka na ba sa prom?" Tanong niya. Napalunok ako sa sarili kong laway! Kinabahan ako at pinagpawisan ng todo-todo! "W-Wala." Pero... alam ko. Hindi ako ang magiging date ni Chad. Sa lahat kasi ng Seniors, siya lang ang hindi pwedeng pumili ng date dahil inaasahan na siya ang idi-date ni Clara Montesclaro s, ang pinakamatalino sa juniors. Siya ang susunod sa yapak ni Chad kaya napagdesisyuna n ng silang dalawa na ang magpapares para sa gabing iyon. Silang dalawa rin ang naatasang ma g organize nun kaya hindi na rin ako aasa ng kahit ano. At sa gabing iyon... ang buong araw at buong gabing iyon... ang kaarawan ko. "Wala pa." Napabuntong hininga siya. "Narinig ko inimbita ka raw ni Martin Mercado, Enzo Santos at Yael Escudero?" Ma y bakas ng ngiti sa mukha niya pagkatapos niyang mabanggit ang mga pangalan. "Oo eh." "Bakit di ka pumayag ng kahit isa sa kanila?" Nakangiti siya. Aray ano ba yan! Namumula na yata ako dito, nakakatunaw kasi ang mga tingin niya . "Uh, kasi... wala naman akong kilala sa kanila. Ayokong hindi ko kilala ang kada te ko." Natawa siya, "Pero kilala ang tatlong iyon ah. Si Martin at Yael parehong basket ball varsity. Tapos si Enzo kilalang tennis player at modelo." "Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Hindi ko sila kilala ng lubusan eh..." "Naku! Alam ko na yata kung bakit maraming nang-aaway sa`yo na mga babae." Tawa siya ng tawa. "Bakit?" "Hindi mo kasi nakikita eh. Halos lahat ng mga sikat na lalaki sa skul, tinatang gihan mo." Napabuntong-hininga ako. Ayaw ko lang naman kasing magkaroon ng date tapos di ko naman talaga kilala. Sana pwede kong dalhin si Carlo, yung kapaitid ko. Kaso, kailanga n sa Seniors mamili eh. Ang bilang kasi ng Senior boys and girls at Junior boys and girls ay magkapareho lang. Kaya impossibleng walang date ang kahit isa sa kanila.

"O sige, kung pipili ka ng date, sabihin mo sakin kung sino... ako na ang bahala ng magsasabi kong mabait siya o hindi. Okay, Max?" Tumayo si Chad at aalis na yata. "O sige... I'll try." "Gotta go." Ngumiti siya. "I'm sorry for being so busy. I missed you. I wish I c an be your date." At umalis siya ng tuluyan. CHAAAAAAAAAAAAD! I miss you too! Este... Tiningnan ko siya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Yinakap ko ang mga tuhod ko. Hindi ako makakahanap ng date nito! Si Chad ang gusto kong makadate! Pero hindi pwede! Hindi pwede! At sigurado akong mas maiilang ako kung siya ang kadate ko. Balita ko halos 80% sa Juniors at Seniors may ka date na eh! Ang alam ko, ang da te ni Ara ay si William Buffardessi, yung half Italian na classmate ko. Ang ka-date naman daw ni Chloe ay si Robert Lim, pagkatapos niyang tanggihan si Enzo Santos! At ako? Wala pa! Pwede n amang pumunta kahit walang kadate ah?! DIBA? Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa pag-iisip ng kadate! SINO ANG IDI-DATE KO ? "Be my date..." May biglang tumalon galing sa sanga ng punong katabi ko. Agad kong iniba ang ekspresyon ko. From lost to mad! "Huh?" Andyan na naman yung kayabangan ng aura niya at ang ngiti niyang parang walang i nsecurities sa katawan. "Be my date." Inulit niya `to. Ngayon, mas naramdaman kong hindi imbitasyon ang pagkakasabi niya, kundi utos. Brent Damien Cruz. :(" title="Angry" border="0" class="smiley" style="vertical-align: bottom; "> B5.Brentology

Asa pa ako? Alam kong maaring kalahati ng buong papulasyon sa Juniors ay naniniw alang ang kanilang date ay si Brent Damien Cruz. At hindi ako maaring maging parte sa kala hating papulasyon na iyon.

Pumunta ako sa prom ng mag isa. Maaga ako para hindi magkagrand entrance. "Lady Maxine Theodora Alvarado with her date... Ehe-ehem... I mean, Lady Maxine Theodora Alvarado." Mabilis kong tinahak ang red carpet at agad ng pumwesto sa table na nakatalaga s a akin. Pink ang kulay ng gown kong kahapon ko pa binili.Happy birthday to me! Sariwa pa sa akin ang Chocolate Mousse ni mama na kinain ko kanina bago ako nimake-upan. "Lady Cecilia Evangelista and Lord Jeffrey Leandro Ortiz." Si Lia... Yung rumored girlfriend ni Brent! "Lady Clara Angela Montesclaros and Lord Richard Martinez." WHOA! Ang gwapo gwapo ni Chad! Naka tuxedo siya. Dark blue ang kulay ng tie niya ! Sobrang gwapo! New haircut! Halos malaglag ang mata ko. Sa harapan ang table nila. May isang table pa mula sa akin kaya madali ko siyang makita! "Lady Ara Ysabel Cruz and Lord William Burffardessi..." "Uy si Ara! Dinig ko, Chanel daw yung dress niya!" Ang ganda ni Ara! Puti ang soot niya. Puting may sequins na pink. Buti na lang a t si William ang pinili niyang date! Kasi wala sa Juniors ang makakapantay sa kagandahan niya. Ma syado siyang maganda para makadate ni kahit kanino sa Junior boys, at siguro si William lang, na half-Italian, ang mejo makakapantay nun. Si Ara... kung ganun, ang susunod ay si? "Lady Chloe de Silva and Lord Robert Adrian Lim." Wala pa si Brent? Sino kayang date ng mokong na yun? Halos natapos ng matawag ang lahat ng estudyante pero walang Brent na pumasok. O kay lang siguro kung kung sinu-sino lang yung hindi pa dumarating, kaso sikat siya at hal ata sa lahat na hinahanap siya. May lumapit na nga kay Ara para magtanong kung nasaan na ang kap atid niya pero... "He`ll be here soon." Yun lang ang nasagot niya. Puno na ng bulong-bulungan ang paligid. Kahit na may instrumental naman na backg round sounds pero mas nangingibabaw ang bulung-bulungan. "Sorry I'm late."

Agad siyang inispot-light at... "Finally, Lord Brent Damien Cruz." Hindi na nag microphone si Mrs. Torregoza na teacher namin sa speech pero dinig na dinig ng lahat. "Alone?" "Yeeep! I`m alone!" Sabi niya habang tinatahak ang red carpet. Mas lalong nagbulung-bulungan ang mga tao. Naka tuxedo din si Brent Cruz, kulay puti. Bagay na bagay sa kanya. Kumikinang siya at mas lalo siyang nakakasilaw dahil sa ngiti ni ya. "Si Lia? Di Pwede kasi Senior din siya!" "Pero diba rumored girlfriend niya rin si Rosalie na third year?" "Asus! Kilala niyo naman yan! Sa dami yata ng babae niyan, di na nakapili kaya hayan! Walang date!" "Diba equal number lang? Sinong walang date sa Juniors?" "Si Maxine Alvarado." "Ay oo! Narinig ko, sa lahat ng pinopormahan ni Brent na mga babae, wala daw ni isa sa kanila ang niyaya niya! Bakit kaya?" "The Junior-Senior Night will now start!" Dalawang oras ang program at pagkain. Pagkatapos nun ay ang sayawan naman. Si Cl ara Montesclaros at Chad ang unang sumayaw at sinundan ng ibang cotillion. Sa tingin niyo may pag-asa akong maisayaw si Chad? Nagsayawan na halos lahat. Nakita ko nga si Brent na sinayaw si Lia at yung si R osalie at pati na rin yung Alison na umiyak sa CR nun. Hindi ko na mabilang ang mga sinayaw niya. Siya kasi yung madali kong nakikita sa dancefloor dahil sa soot at dating niya. Nasaan kaya si Chad? Sa tingin niyo isasayaw niya ako? *Krriiiing!-Kriiiing!* "Hello, ate?" Humikab pa si Carlo, ang kapatid ko yung tumawag sakin. "Carlo?" "Ano? Nasa labas na kami ng Plaza Maria Clara nina mama at papa." Grabe, buong pamilya pa talaga ang susundo sa akin huh? Sinabihan ko kasi sila na limang oras lang ako sa Prom. Wala rin naman akong dah ilang magtagal dito. Pero sandali lang... limang oras? Sa halos tatlong oras ko dito wala ni is ang yumaya saking makipagsayaw? Hay naku! Nakakaawa naman ako, jusko! "O sige, sige! Aalis na ako! T-Teka lang!" Nagmadali na akong itago ang cellphone ko at tumayo na para umalis. Sa huling pa gkakataon, tiningnan ko ang dancefloor. Nakita ko si Chad, kasayaw si Chloe. Nice. Siguro h indi niya na nga ako maisasayaw. Hindi na, diba? Aalis na ako eh. Napabuntong-hininga ako at umalis na.

Pero nasa garden pa lang ako may humila na sa braso ko at umambang isasayaw ako. "Hi, Lady Maxine Theodora Alvarado. It`s your birthday, right? Happy birthday! Nice night! Lalo na pag ikaw ang kasayaw." Ngumisi siya, nakakapanindig balahibo . Paano nalaman ng mokong na `to na birthday ko ngayon? "Brent Damien Cruz!? The nerve! Sa tingin mo isasayaw kita?" "Can`t help it?" Sabay tingin sa mga paa kong sumusunod na sa pagsasayaw niya. Tinitigilan ko ang pagsasayaw ko at binigyan siya ng pinakagalit kong mukha. "I never thought someone could be as beautiful as you when angry." "Shut up! Engliserong playboy!" Nakakainis, kung nagagandahan siya sa mukha kong galit eh ano na lang ang gagawi n ko? At hindi naman ako naniniwala sa sinasabi niya! Ano ako bale? Syempre linya niya ya n sa mga babae niya! Liar! "Kung iniisip mong mapapabilang ako sa dami ng babae mo, nagkakamali ka oi! Nasa ibang channel ka po! Brent Cruz, di ako tulad ng mga babae sa skul na `to n a madali mong nauuto!" Nakakainis! Nakangiti siya habang ako dito naiinis! "Nangungulelat man ako sa Chemistry, pero di ako mangungulelat sa Brentology! Excuse me! At least may naipagmamalaki ako, one step smarter ako sa lahat ng babaeng binobola mo-" Bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako ng diretso. Pagkahalik niya, naubusan ako ng ideya sa mga sasabihin pa! Ang gusto ko lang ay itulak siya papalayo. Butterflies in my stomach, heart skipping a beat, that can't be safe. "The only way to shut you up, eh?" Sa likuran niya, nakita ko si Chad. Galit, pula ang pisngi, nagkasalubong ang mg a kilay at mukhang nakita ang buong eksena. "Chad!" Nag walk-out siya. Ngayon, nagdududa ako. Ang buong eksena ba ang nakita niya o ang kissing-part la ng? BRENT CRUZ!!! Kasalanan mo `to! At dito ang hangganan ng pantasya ko kay Chad. Este, ito ang hangganan ng lahat. Pagkatapos ng Prom, hindi na ulit kami nagkita. Oo, hindi na ulit. Gumraduate na sila. Sa waka s! Wala ng Brent

Cruz sa buhay, pero ibig sabihin nun, wala na rin si Richard Martinez. Nawala siya dahil pinili niyang umalis sa gabing iyon. Hindi niya dininig ang tawag ko. Naiwang nakangisi si Brent Cruz habang ako`y mangiyakngiyak na tinatawag si Chad. C1.The Spike

Ngayong college na ako sa parehong school. Iisang pangalan, magkaibang campus. S igurado ako, makikita ko ulit si Chad dun. Kinakabahan na ako at excited!

"Finally, my favorite girl's in college!" Yung halimaw na yun! Ang presko-presko at magnanakaw pa ng first kiss!Ang masama pa niyan, nakita pa ni Chad ang nangyari! Pero pinansin niya ako kanina, nginitian pa! Ibig sabihin kaya nun ay di na siya galit? At bakit naman yun magagalit sa akin? Pero nag wal k-out siya noon at di na ulit ako pinansin pagkatapos nung prom diba? Siguro napatawad niya na ako ngayon, isang taon din naman ang nakalipas eh. Isang taon din kaming hindi nagki ta. Noong gumraduate na sila at naging senior na ako, mejo boring ang buhay pero mas mabut i na rin yun para wala ng makapanggulo sa akin. Kasalanan talaga ni Brent ang lahat ng nangyari na yun! "Whoa!" Napapalakpak ang teammates ko at yung Coach sa college volleyball team. "Awesome power. Pero kulang sa control." Sabi ng lalaking coach namin. Maypagkachinito siya at kung hindi sana siya nagsoot ng t-shirt na may nakatatak na 'Faculty' sa likuran, di ko maiisipang Coach siya ng volleyball. Pwede kasi siyang college st udent. Ang gwapo niya rin! Sobrang gwapo na pakiramdam ko may halong brazilian ang chinito niyang mukha. Matangos ang ilong mejo chinito ang mata. Kumikinang ang kutis niya at maporma a ng katawan. Sa sobrang gwapo niya, napaisip akong pwede siyang mag modelo sa kahit anong clo thing line o kahit mga underwear! LOL! Ano ba `tong mga iniisip ko!? "Ang gwapo talaga ni coach!" Sabi nung isang taga volleyball team. Mukhang halos mga upperclassmen ang nandito.

"Miss Maxine... Alvarado?" Tiningnan ni Coach ang papel na hawak-hawak niya. "Co ngrats, you're part of the team!" "But Coach! Late siya! Ayoko ng teammates na late comer!" Sigaw ni Chloe na nasa kabilang court. Si Chloe kasi ang team captain ng volleyball team! Grabe! Magaling kasi talaga s iya! Nandun rin yung assistant team captain nung highschool, pero di na siya ang assistant team captain dito. "Miss de Silva, kung gusto mong maging magaling na lider, kailangan marunong kang dumisiplina sa mga myembro mo." Pinandilatan ni Chloe ang si coach. Si Coach naman ngiting-ngiti lang habang ang ibang ka-team ko halos tumili na pa ra sa gwapong coach namin. "My name is Paul Tan." sabay lahad niya ng kamay at ngiti ulit para sa akin. "Maxine, uh, coach!" Tumango siya, "Miss Alvarado." Naiilang naman ako sa 'Miss'. Sasabihan ko na sana siyang tanggalin na lang iyon pero agad naman siyang nagsalita para sa buong team. "Assemble! Freshmen, kay Miss Alvarado pumila..." Pumito siya. Isang spike lang, napasok agad ako sa team! Hindi ko alam kung ganun ba talaga a ko kagaling o nagmamadali itong si Coach Paul? "Okay team! Magpractice maigi! Tapos, Team captain, wa`g masyadong mahigpit, okay? Kung may problema kayo, pumunta lang kayo sa office ko kung wala ako sa court!" Tiningnan niya kaming lahat ng maigi. Habang ako naman, napatingin ako sa likran niya. Nandun si Ara. Pero si Ara lang mag-isa. "Okay, see you around! Freshmen, goodluck sa first day of school this Monday!" Kumindat siya sa mga freshmen at halos mapatili kaming lahat. Pati nga ako eh na pangiti. "Good bye!" Umalis siya agad, mukhang nagmamadali. "Hoy, Alvarado! Hindi pa kita pinapaalis! Maglinis ka dito! Kunin mo lahat ng bolang nakakalat!" "Okay..." "Freshmen! Hayaan niyo si Alvarado ang kumuha ng mga bola! Mag-isa!" Ang lupit talaga ng Chloe na yun! Nakakainis! WHATEVER LOSER! Ang sarap niyang s ipain, kaya lang agad naman silang nawala. Pati ang mga freshmen, puro mga walang pakea lam! Talagang hinayaan ako mag-isa dito. "Maxine!" Nakangiti si Ara sa labas ng court.

"Ara! Kanina pa kita nakikita. Anong ginagawa mo dito? Nasaan sina Lia?" "Uh, papunta pa lang dito." "Ahhh. Enrolment pa ba ngayon?" Tanong ko. Hindi naman kasi first day of school ngayon kaya nagtataka ako kung bakit marami paring estudyante dito. "Hindi naman. Pwede mo kasing tingnan ang mga classroom mo ngayon. Kung ayaw mo sa classroom o masyadong malayo sa next class mo, pwede mo pang i-drop ang clase." "Ahh." Hindi ko alam yun ah? May tiningnan siya sa likuran ko kaya pati ako nakatingin na rin. May nakita ako ng isang sasakyan, mamahalin. Hindi naman ako interesado sa mga sasakyan pero hindi ko maiwasang mamangha sa i sang ito. Mercedes-Benz GL. Ang pinapangarap na sasakyan ni Carlo. "Maxine." Napatingin ako kay Ara na nasa harap ko na. May dala siyang bola, bini bigay sakin. "Salamat." Ngumiti siya. "Wa`g kang mag-alala, akong bahala kay Chloe." Kinindatan niya ako at umalis. Nawala siyang parang bula. Weird naman. Tiningnan ko ang paligid at nakita ang mga nakakalat ng bola.

"Need help?" Nakita ko si Chad, may tatlong bolang hawak. Nakangiti. C2.Kidnap

"Affaires is a french word for business. Kaya sikat talaga ang school na `to sa business world. 50% ng mga estudyante ang nasa Business. Madalang lang ang lumilihis sa Arts, Music, Literature, Medicine at Law." Sabi ni Chad habang naka upo kami sa feild, nagpapahangin. "Lahat din naman kasi ng course na yun ay nakukuha din sa business. And you're under Arts?" Ngumiti siya. Ngayon ko lang naramdaman kung ganu ko siya naramdaman ang isang taon naming di pagkikita.

"Yep. Gusto ko rin naman yung Business eh. Kaso, nagkataon lang na mas gusto ko yung Arts." Sabi ko. Tumango siya. "Hmmm, sa tingin mo pwede tayong magkaklase niyan?" Natawa ako, "Ewan ko. Eh isang taon kayong ahead sa akin." Natawa din siya. AY ANO BA! Hanggang ngayon, kinikilig ako! Uyyy! Gusto niyang magkaklase kami! E rrr... Nakakakilig! Ngiti pa siya ng ngiti habang nakatingin sa feild. Ang gwapo niya t alaga! Mas lalong gumwapo! "Balita ko business school representative ka raw?" "Oo eh." "Grabe! Ang galing mo talaga!" "Mmmm. Hindi naman. Ayaw ko na nga eh. Kasi nagiging busy ako dahil diyan." Tumango ako. "Richard!" May biglang sumigaw galing sa malayo. "Gaya nito... Di pa nga nagsisimula ang klase, marami na ulit akong gagawin." Tumayo siya. "O-Okay lang yan! Ganyan talaga pag achiever!" Ngumiti ako. Ngumiti din siya. "Sige, Max. See you around!" "Okay, Chad!" Tumayo ako at umalis na siya. Hay! Makauwi na nga lang ngayon. Wala naman akong ibang gagawin kundi ang mag tr y-out sa volleyball team. Sa huli, isang spike lang ang nagawa ko at pinapulot na ako ng sandamukal na bola! At ang climax ng buong araw ay nang tinulungan ako ng gwapong-gwapong si C had sa pagpupulot ng bola!

Ang ganda pala ng locker pag college na ah? Mas malaki. Nakaka excite tuloy mag first day of school. Linakad ko galing school patungo sa sakayan ng jeep. Sinasabihan ako nina Mama a t Papa na magtaxi daw pauwi kasi mas madali yun, di na kailangan maglakad papuntang sakaya n, pero sayang naman kasi yung pera! Kaya ko namang mag jeep. Busy kasi sina mama at pap a kaya di ako makukuha sa school. Di tulad noon na 7:30 - 5:00 ang klase ko, ngayong colle ge na, irregular na ang schedule. tsaka, di naman ako papayag na hanggang college ay sinusundo pa rin nila ako. "Hi, Maxine..." Napatingin ako sa kalsada. May Porsche na nakasunod sa akin. Ang bilis ng takbo ng Porsche ay kasing bagal sa paglalakad ko. Kinilabutan ako lalong lalo na nung nakita kong halos tangayin ng hangin ang mga babaeng nakakita sa eksena. Naglaglagan ang mga panga at narinig ko na naman agad ang pangalan ko sa kawalan. "Ahhh! Si Maxine Alvarado..."

Pinandilatan ko ang nakangiting si Brent Cruz na hanggang ngayon ay sinusundan p arin ako gamit ang Porsche niya. Ang bilis ng lakad ko at binalewala siya. Leche! Leche ka! Pahamak! Ayan! Gugulpihin na naman ako ng mga babae mo! Leche!! !!!!! "Araay!"

Dahil sa bilis ng lakad ko, nahulog ako sa hagdanan ng isang building pagkatapos kong tumungtong sa isang fountain para lang maiwasan ang bruhong halimaw na yun. Sa s akit, narinig ko nga ring napa-aray ang ibang taong nandun at nakatingin sa akin. Grabe, tatlo ng palapag yata yung nakalimutan kong tapakan kaya ayan, dudugo pa yata yung sugat sa legs ko! "Mag ingat ka kasi... Ba`t ka ba nagmamadali." Agad na dumating si Brent sa hara pan ko. May lalapit na sana sa akin nang nakita siya ang lumapit, umatras tuloy. Sana yu ng iba na lang yung lumapit sa akin. "Okay lang ako!" Tumayo ako at sinubukang maglakad pero hindi ko kinaya. "Let me help-" "Okay lang ako!" Sigaw ko agad nang umamba siyang kakargahin ako. "Just don`t move, okay?!" Aray! Pinagalitan ako. Sa hindi unang pagkakataon, inutusan na naman ako ng bruhong ito! Kinarga niya ako habang nagpoprotesta ang mga nakakita. "This is rape..." Sabi ko nang naramdaman ang kamay niya sa legs ko. Naka volleyball shorts lang kasi ako at t-shirt. Ngumisi siya, at hindi ulit sa unang pagkakataon, na pinahalagahan ko ang kagwap uhan niya. Kahit galit ako sa kanya, hindi ko parin ma deny. "Chill! We're not there yet. Kidnapping pa lang `to." Linagay niya ako sa front seat ng Porsche at umikot siya papuntang driver's seat. Binigyan ko siya ng pinakagalit kong mukha. "Brent-" "I'm taking you to the hospital. Wa`g ka ng umangal o hahalikan ulit kita!" LECHE! Nakakainis! Magagalit na sana ako eh, kaso galit din siya! Pero galit ako! Pero galit siya! Sana ngumisi ulit siya, para kaya ko pang magalit!

C3.Death threats

Ituturing ko na lang itong practical exam sa isang ipinagbabawal na subject, ang Brentology. "Aray!" Ang hapdi naman nung linagay nung ngiting-ngiting nurse kay Brent! Ano bah? Gali t ba `to sakin? Malamang, syempre nandito kasi si Brent baka akala nito na girlfriend niy a ako. Naiisip ko tuloy kung ganito rin ba ang sinasapit nung mga girlfriend niya? Yung rumored gi rlfriendS niya? "Ano ba yan! Ayusin niyo nga yang trabaho niya... Nasaan ba yung doctor dito?" Naka sandal si Brent malapit sa pintuan ng emergency room habang may tatlong nur se na nagaalaga sakin. Nakakahiya! Bakit dito niya ako dinala?! GRRR! Kanina pa siya talak nang talak sa mga nurse at nagpapaulan ng death threat kung di lalabas yung doctor. "Asan na ba yung doctor? Ha? Ang tagal naman." "So-Sorry po Sir-" Sabi nung nurse. "Hoy Brent! Tumahimik ka nga diyan! Gasgas lang `to, malayo sa bituka tapos dinala mo ko dito sa emergency room at pinaalagaan ng tatlong nurse? Pwede namang inuwi mo ako sa bahay at ako na lang ang mag lalagay ng betadine o alcoho l nito!" Ngumisi siya, "Okay, iuuwi kita pagkatapos ka nilang gamutin." Alam ko na naman ang iniisip ng bruhong ito! Pinandilatan ko na lang at tiningna n ulit ang dumudugong sugat ko. "Ayus ayusin niyo yan! Ayokong magkaroon siya ng peklat at ayokong marinig na umaray ulit siya. Pag nagkataon, ipagigiba ko `tong ospital na `to. Patatanggala n ko din ng lisensya ang mga nurse dito, sige kayo!" Ang sarap sipain ng Brent na yan! Naku! Kawawa naman `tong mga nurse na nandito. "Katakot naman yung anak ni Governor. Pero ang sweet huh? Girlfriend ka niya?" Tanong nung nurse na naglagay ng plaster sa sugat ko. "Uh, hindi. Naku, wa`g kayong matakot niyan. Akong bahala." Sabi ko. "Salamat!" Umalis din ang tatlong nurse ng walang imik at pumasok ang doctor. "Doc," "Mr. Cruz... Anong nangyari sa girlfriend mo?" "Ehe-Ehem! Di po niya ako girlfriend." Tumaas ang kilay ni Brent ng sumingit ako. "Doc, ayaw kong magkaroon ng peklat a ng

sugat niya." "Hmmm, base sa sinabi ng mga nurse. Di naman magkakapeklat ang sugat niya." Leche! Ang OA talaga ng Brent Cruz na `to. "Tsaka, ipapacheck-up ko na rin siya... Umubo ka kanina diba?" Tanong niya pero di na ako hinintay sumagot. "General Check-up, doc." YUNG 'EHEM' BA ANG TINUTUKOY NIYA! NAPAKA WULANG HIYA NAMAN TALAGA NG BRENT NA `TO! Nakasimangot ako habang nichicheck-up ako ng doctor. "Ano doc? Kamusta yung ubo niya?" "Ano ba `to? Nagpapatawa ba kayo? Wala akong ubo!" Pinandilatan ko si Brent na tumatawa. "Wala naman siyang ubo. Athlete ka?" Tanong ng doctor. "Opo. Sabi naman sa inyo eh! Wala akong ubo!" Grrr! "Okay lang naman siya Mr. Cruz, wala naman siyang sakit." "Okay, salamat doc!" Syempre, siya ang nagbayad sa lahat ng ka gag0hang pinasok namin. Nakatunganga ako sa isang tabi ng clinic habang naglalakad kami sa loob ng ospit al. Nabunggo tuloy ako ng isang lalaking nurse. "Hoy! Mag ingat-ingat ka nga! Patatanggalan kita ng lisensya, gusto mo?" Hinila ko na agad si Brent. Nakakahiya talaga ang angas niya. Inakbayan niya ako nang napansin ang paghila ko sa kanya. "Wa`g ka kasing masyad ong tumutungatunganga... Anong gusto mong gagawin ngayon? Baka gutom ka?" "Gusto ko ng umuwi..." "Okay! Then, let`s go home." Binuksan niya ang pintuan sa Porsche niya. Tiningnan ko lang siya. "Magtataxi na ako pauwi." Sabi ko. "No. I'm taking you home." "Brent, okay! Salamat! Okay? Di mo na ako kailangang ihatid. Malayo pa ang bahay namin. Mag aaksaya ka lang ng gasolina..." "Get in." Tinitigan ko siya at napagtanto na mukhang seryoso talaga siya at wala ng makaka pigil sa kanya kaya pumasok na ako. D1.Whose victory is it?

"Dito lang." Sabi ko nang nakarating kami sa gate ng Domino Heights, kung saan a ng bahay namin. "Malapit lang pala ang bahay natin." Ngumisi siya. Alam ko. Taga Leonore Hills kasi ang mokong! Yung kilalang lugar kung saan ang m ayayaman dito nakatira. "Dito lang..." "No! Door to door." Sabi niya. Utos na naman! Sinimangutan ko siya. "Brent, anong door to door ang sinasabi mo? Itigil mo nga ang sasakyan mong `to! Papagalitan ako ni papa nito eh!" Grrrr! "Whoa. Don't you like that? I'll be meeting your parents sooner than expected?" Sabi niya ng ngiting-ngiti habang nililiko ang sasakyan sa bawat kalye ng subdivision . Hindi niya naman alam kung nasaan yung amin. "Itigil mo nga `to! Hindi ako nagbibiro, Brent! Please? Please?!" "Hindi ko hahayaang maglakad ang isang babae papunta sa bahay nila kung kaya ko naman siyang ihatid. Especially you. I'm a gentleman, you know?" Saang pahina ba `to sa Brentology natatagpuan ang pagiging gentleman niya? "OKAY! Alam ko na! Gentleman ka!" Tama! Syempre, kailangan niyang maging gentleman para mas lalo siyangmakapang-ak it ng kanyang mabibiktima! Pero para sa akin, di niya na yata kailangan yun, mukha niy a pa lang nakakapang-akit na ng kung sinu-sino. Para saan pa ang pagiging gentleman? Kaya hindi pwedeng magkaroon ako ng koneksyon sa Brent Cruz na `to... Dahil ayon sa Brentology, dakilang mang-aakit at manloloko siya. Lahat ng lalabas sa bibig niy a, panloloko. Ganun yun! "Hindi mo na kailangang i-prove yan sakin dahil alam ko na... stop the car, Bren t!" Hindi ko namalayan, na nasa tapat na kami ng bahay nang sinabi ko yun at sinunod niya. Seryoso na ulit ang mukha niya nang hinarap niya ako at sinandal niya ang likura n niya sa upuan. Kuminang ang seryoso niyang mga mata at mas lalong na bigyang-diin ang walang ma ipipintas niyang mukha. "Why are you so dense?" "Dense?" Napatingin ako sa bahay namin.

Si Carlo nasa bench ng bakuran namin habang naglalaro ng PSP. "Is that your house?" Pagkatingin ko sa mukha niya, nakangisi na siya pero bakas parin ang pagiging se ryoso niya. "Now I know. Wa`g ka kasi masyadong masungit. Ihahatid lang naman kita." Pinandilatan ko si Brent. Lalabas na sana ako ng sasakyan niya nang biglang... *PIPIPPP!* "Holy crap!"

Napatingin ako sa likuran! Sasakyan namin! Nakauwi na si mama at papa! "Wait." Sabi ni Brent nang sinubukan kong lumabas. "I'll move." Pinaandar niya ang sasakyan para makapasok si mama at papa sa loob ng bahay saka ako lumabas sa sasakyan niya. "Ma... Pa..." Sabi ko at nag mano. Ang sama ng tingin ni Carlo sa akin habang nagmamano ako. Grrrr! Si Papa naman, nakatingin sa labas. "Uh, Pa-" "Hinatid ka ba nun?" Sabi ni papa. "O-Opo." Tumaas ang kilay ni papa. "Ipapasok mo siya sa bahay." "Huh-HUH?" "Sige na, Max. Sundin mo na ang Papa mo. Pinagluto ko rin naman si yaya kaya ipasabay mo na lang siya sa hapunan." HDKNAKDKAHDOJSALKSJLIKJSAK! What the? Bago pa ako makapagreact ulit, pumasok na si mama at papa sa loob. "Hey, miss sungit!" Sigaw ni Brent habang nakababa ang salamin ng Porsche niya. Hindi ako makapagsalita sa inis! Nabigla ako sa sinabi ni mama at papa. "I`m goin'!" Kinindatan niya pa ako habang isinasarado ang nakababang salamin. "Teka!" Tumakbo ako palabas nang agad niyang pinaandar ang sasakyan niya. "Yes?" Nakatayo ako ngayon sa harap ng sasakyan niya habang siya naman ay lumabas at mu khang ginanahan sa pagpigil ko sa kanya. "Interesting. This is the first time I saw you running after me." BWISIT! BRENT CRUZ!!! "And this is the last time."

"I don't like that... But I can run after you anyway." "Ewan ko sa`yo, Brent Cruz!" Tinaas ko ang isang kilay ko. "Dito ka na daw mag didinner..." HA HA HA! Kunwari kakabahan siya at tatanggi sa alok ko. Syempre, halos lahat ng lalaki (lalong lalo na yung mga hindi seryoso) ay takot na maipresenta sa mga magulang ng kahit sinong babaeng pinaglalaruan nila. Ano ka ngayon Brent Cruz! "...Sabi ni mama... at PAPA." Ngumisi siya at tiningnan akong mabuti bago bumalik sa loob ng sasakyan.

VICTORY, MAXINE ALVARADO! The scent of victory! "Hey, Miss Sungit. Ang saya mo ah? Where should I park my Lightning?" Sabi niya. Saka ko naunawaan na si Lightning ay ang itim na Porsche at ipapark niya ito dah il maghahapunan siya kasabay ang mga magulang ko! Napawi ang ngiti ko. D2.Back off

"Brent Cruz? Ikaw yung anak ni Governor?" Sabi ni papa habang natigilan sa pagsu bo ng ulam. Ako naman, halos mawalan ng gana ngayong kasabay kong kumakain si Brent, katabi ko pa. Hay! Ang kapal kapal talaga ng mukha ng Brent Cruz na `to at nakaya niya pang ma ghapunan sa amin. Kahit kailan, wala pa akong nadalang lalaki dito sa bahay namin. Kahit kai lan. Ngayon lang! Hindi naman talaga kasi ako mabenta sa mga kaibi-kaibigang yan. Wala lang talaga akong masyadong kaibigan. "Opo..." Opo. "Governor Cruz is a good friend. Sinusuportahan niya ang kompanyang pinapasukan ko... Magaling ka rin siguro sa business." Sabi ni papa. OHRYT! Ang galing! Ngayon magkakasundo na silang dalawa. Mga lalaki talaga. "Hindi naman po masyado." Halos mabilaukan ako nang sinabi ni Brent yun!

"But "Ano g that "Oh!

my dad is training me. He lets me handle some." pa ba ang hilig mo, Brent? Maybe you can start you own business of somethin interest you." AHAHA! Bar!" Bigla kong sinabi.

Napatingin silang lahat sa akin. KASI NAMAN! Iniisip kong pwede siyang magtayo ng maraming-maraming bar! Yung nagpapasayaw ng hubo't-hubad na mga babae. Yun! Dun siya aasenso dahil yun ang h ilig niya. "Joke!" Nag-peace sign pa ako kay papa at bumalik sa pagkain. Ang sama pa ng tingin ni Brent sa akin pero tulad ko ay nakangisi din siya. "Yes, I'd like to handle bars." Tumaas ang kilay ni papa.

"Only because I love architecture, too. Kung magpapatayo man ako ng bar, sisiguraduhin kong maganda at magara ang pagkakagawa nun. That's just it. Gusto ko lang magpatayo ng mga building with my own style in art."

Halos mapanis yung lahat ng nakakatawa sa utak ko. Galing mo Brent!BRAVO! Makapagnosebleed nga sandali dito. "Ang galing! Architecture!" "Maganda nga yung ganun. As expected..." Mukhang na impress niyang mabuti si mama at papa sa kanyang mga sinabi ah. "Magkaklase pala kayo ng Maxine ko... Ito ang unang pagkakataong nagdala siya ng kaklase dito." "Hindi po kami magkaklase pa, hinatid niya lang ako kasi nadapa ako kanina habang pauwi ako tapos nasugatan ako-" "Dinala ko po siya sa ospital." Singit ni Brent. Nagkatinginan si mama at papa. "So, ngayon pa lang kayo nagkakilala?" Tanong ni mama. "Hindi po." Sabay naming sinagot yun. "Kilala ko na siya simula highschool. I'm a year older than her. We are good friends." Ngumisi si Brent. "Wala naman palang problema, akala namin napulot mo lang kung saan si Maxine namin." Sabi ni mama. "Hija, saan ka ba kasi nagpupupunta at nadapa ka pa sa daanan?" "Ma, kasi naman papunta ako sa sakayan ng jeep para makauwi na." "Hindi sinabi ko sa`yo na mag taxi ka kasi wala namang pumapasok na jeep dito. Tapos kailangan mo pang maglakad. Delikado yun, lalo na pag gabi." "Ma, may araw pa naman nung pauwi ako." "Pero kahit na, Maxine." "Bilhan mo na lang siguro ako ng Porsche ma, ako na mismo ang mag-uuwi kay Maxine dito." Singit ni Carlo.

"Hoy! Hijo, mag ate ka nga!" Ganyan talaga si Carlo, minsan tinatawag niya akong Maxine kung nang-iinis. "Ikaw ng bumili nun, Carlo pag may trabaho ka na." Sabi ni papa. Nagtawanan pa sina mama at papa kasama si Brent. "Kung gusto niyo po, ako na lang ang maghahatid kay Maxine dito after school." S abi ni Brent na halatang ikinagulat ni mama at papa. "Talaga, okay lang ba yun sa`yo? Hindi ka ba busy?" "Oo nga! Yung girlfriend mo, Brent? Baka kailangan mo siyang ihatid. Two seater lang si Lightning." Ako naman ang nakangisi ngayon. "Wala naman akong girlfriend. Tsaka... hmmm. Marami naman sigurong pagkakataon na pwede kaming magkasabay ni Maxine umuwi, kaya okay lang." Ang kapal ng balat ng mokong na `to! Nideny ba si Lia na girlfriend niya raw? O kung sinu-sino pang babaeng nalilink sa kanya! KAPAL! "O sige, Okay lang samin yun. Salamat! Mabuti na rin yung kilala namin ang kasam a niya. Pero kung busy ka naman, Brent, nakakahiya naman kaya hayaan mo na lang siya... Maxine, mag taxi ka sa susunod." Sabi ni mama. Hindi ako makapaniwalang pumayag si Mama at Papa sa alok ni Brent! "Opo! Magtataxi na nga lang ako." Kesa sa ihatid pa ako ni Brent. "Hindi ba may kapatid ka? Di ba kayo sabay umuuwi?" Tanong ni papa. Oo nga pala! Si Ara? "Hindi po. Nagpapakuha po siya sa driver namin." Pagkatapos kumain, napansin kong nagiging close na si Brent at Carlo! WOW! Ang g aling naman talaga pag magaling kang makihalubilo sa mga tao ano? Kung sinu-sino na lang tal aga ang nagigingkaibigan mo. "Brent! Ganda talaga ng Porsche mo. Nabasa ko `to sa internet eh. Porsche Cayman bah?" Abah! Brent na Brent ang tawag ni Carlo kay Brent ah. Hay! Ibang klase! Ano na lang ang sasabihin ni Chad pag nalaman niyang pumunta si Brent diuto sa b ahay? Magagalit kaya si Ara sa akin? Eh close sila ni Lia ah? Yung GF ni Brent? HAY NA KU! BUHAY! "Salamat po sa hapunan." Sabi ni Brent at mukhang aalis na! "Lang anuman yun, Brent. Bumalik ka dito ah? Ipagluluto kita. Maxine, mag-aral k a na ring magluto para mapagluluto mo si Brent." Aray naku! Nakakahiya naman yun! Ipagsigawan daw ba ang pagiging inutil ko sa kusina? Ngumisi si Brent habang di ako makatingin sa kanya.

"Maxine, "O-Opo." "Salamat mimangot mukha ko

ihatid mo si Brent sa gate." Kailangan pa ba yun? po ulit, tito, tita." Ngumisi siya lalong lalo na nung nakita niyang su ang pagkatapos niyang sabihin yun.

"Tito? Tita? KAPAL!" Sabi ko nang nasa gate na kaming dalawa. "Bakit ang sungit mo talaga sakin? Do you hate me that much?" Hindi ako makatingin sa nakakatama niyang mga titig. Ito ang ganap na dahilan kung bakit delikado si Brent! Delikadong-delikado! "Tumigil ka nga, Brent! Happy now? Pwede mo na raw akong ihatid, kilala ka na ni mama at papa, close na kayo ni Carlo! WOW! Talentado!" "You despise me, a lot. Why?"

OMG! Sobrang nakakapanama ang titig niya kahit di ko naman siya tinitingnan. Yumuko siya at hinaplos ang mukha ko. "Back off!" Sabay tulak ko sa kanya. Hindi mo na ako mahahalikan ulit, Brent Cruz! "Okay! I know! I won't try to kiss you anymore." Seryoso na naman siya. Bakit sa tuwing nakikita kong nagseseryoso siya,gusto kon g bawiin lahat ng mga sinabi ko? "Is your kiss still for the person who made you cry? Richard Martinez?" WHAT!? Oo nga naman! Simula pa lang, alam niya nang may gusto ako kay Chad! Simu la pa lang... Hinaplos niya ang mga labi ko. Gusto kong umangal, pero ayaw sumunod ng sistema ko. May kung anong pumipigil sa akin. "He can't have your kiss, either." E1.New friends.

"He can't have your kiss, either." Yung Brent Cruz na yun! Na-LSS yata ako sa sinabi niya eh. Parang sirang plaka s a utak ko. Papaano ba naman kasi, bakit niya naman yun sasabihin diba? At bakit naman ako h

ahalikan ni Chad, diba? Eh si Brent lang naman yung bigla na lang nanghahalik dyan! Kaya eto tuloy, badtrip akong pumapasok sa bawat klase ko ngayong first day of s chool. Imbis na ngingiti-ngiti dapat ako ngayon para naman magkaroon ako ng kaibigan, eh hindi n aman ako madapuan ng ngiti dahil sa pag-iisip sa Brent na yan. "Get out of my way!" Nakuha ni Ara ang atensyon ko nang bigla ko siyang narinig na sinasabihan ang is ang babaeng may malaking glasses at naka braid ang buhok. "S-Sorry." Umalis yung babae habang inaayos ang glasses niya. Nandun rin ang mga kaibigan ni Ara na sina Ashley at Tasha. Pero wala ang rumore d girlfriend ni Brent na si Lia. "Sorry?" Itutulak na sana ni Ara ang babaeng nakaglasses kanina. Mabagal kasing kumilos y ung nakaglasses, kaya lang nasabuyan siya ng 500ml na coke na iniinum nung lalaking dumaan. "ARGH! What the hell?" "Sorry, Ara..." Binigyan niya ng panyo si Ara pero imbis na gamitin niya `to ay hinagis niya sa malayo. "Sa tingin mo ba mapupunasan ng panyo mo ang nabasa kong damit? Oh my gosh! You are so ruining my ruined day!" Pinagtitinginan na siya ng lahat ng tao dito sa campus. Gusto ko na sana silang lapitan kasi naawa na ako sa lalaking walang magawa at dun sa nakaglasses na takot. "Ikaw, ikaw! Kayong dalawa? You... nerd girl with no sense of fashion!" Sabay ti ngin niya sa buong suot ng nakaglasses. "And you... you, her helpless hero? Why are y ou always doing this to me?" "Bad trip yata si Queen B." May narinig akong nagsalita sa likuran ko. May isang grupo palang nakikiusisa sa likuran ko. "Sino ba yan?" Tanong nung isang freshmen, tulad ko. "Oh my gosh? Don't you know her? She's Ara Cruz... wa`g na wa`g kang makekealam sa mga away niya at wa`g na wa`g kang haharang sa daanan niya. Lagot ka talaga." Suminghap si Ara at binalik sa ngiti ang mukha niya pero pinandilatan ang dalawa ng nakasagupa. "Akin na nga yang iniinom mo!" Sabay kuha sa iniinom ng lalaki na Coke. Mukhang

sasabuyan niya yata ah! "Ara!" Sa wakas! Nagkaroon din ako ng tyempo. Halos nanlilisik ang mga mata ng mga kaibigan ni Ara sa likuran niya nang nakita ng sumabad ako sa eksena. "Maxine..." "Kawawa naman sila... Hayaan mo na lang." Sabay pagitan ko sa kanilang tatlo. Nasa likuran na ang dalawang kawawang nilalang at si Ara ang nasa harapan ko. "Haaay! I'm going home. I can't go to class like this, Maxine." Nabigla ako sa sinabi niya. Akala ko nga pati ako ay kakalabanin niya. Paano ba naman, para siyang tigre kanina. "Kayo!" Sabay tingin niya sa dalawang nasa likuran ko. "Pasalamat kayo't nandito si Maxine at na save kayo!" Tinapon niya ang hawak-hawak na Coke at umalis. "Uy, salamat ha?" Sabi nung lalaki. "Walang anuman yun..." "Ang galing mo ah? Nagawa mo yun? At hindi nagalit si Ara sa`yo! Ako nga pala si Jason." Ngumiti siya at agad tiningnan ang tahimik na babae sa tabi niya, yung n akaglasses. "Eto si Emily." "Max-" "Maxine Alvarado." Sabi nung si Emily. Hindi ko alam kung saan ako nabigla. Sa pagpapakilala nila sa akin o sa pagsasab i ni Emily ng pangalan ko. "Kilala mo siya?" Inayos ni Emily ang kanyang glasses. "Oo. Schoolmate kami sa highschool. Hindi r in ako nabigla nang huminahon si Ara kanina nang bigla kang humarang sa gagawin niya." Ngumiti siya sakin. BAKIT KAYA? Bakit nga ba ako paborito ni Ara samantalang inaaway niya lahat ng t ao? Naglahad si Emily ng kamay at, "Emily de la Torre." "Uh, Maxine." "Friends?" "Sure!" Nagtaka ako kung bakit sa tagal ko dito sa mundong ito, wala parin akong, hangga ng ngayon, kaibigang babae na laging nakakasama. Natuwa tuloy ako nang naglahad siya ng kam ay sa akin. "Okay, Emily! May kaibigan ka na rin sa first day of school mo!" Sabi ni Jason. Pagkatapos nun ay nagpakitaan kami ng class schedule, at sa kabutihang palad, ma

gkaklase kami ni Emily sa halos lahat ng subject. Si Jason ay second year din pala kaya sila n inan Chad ang magkaklase. "Sige, iwan ko na kayo! May pasok pa ako!" At umalis si Jason. Naiwan kami ni Emily sa tapat ng mga bulletin board nang biglang dumaan sina Bre nt Cruz sa malayo. Sa malayo pero kitang-kita ko ang braso niyang nakapulupot sa baywang ni Lia at ngingiti-ngiti sa mga kasama niyang taga basketball team. Si Lia naman, ang taas -taas ng legs sa soot niya at ngingiti-ngiti rin. ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA NG BRENT NA YUN! Sinabi niya sa mga magulang ko na walang siyang girlfriend? Pero ano yan? Anong tawag diyan? LECHE! :(" title="Angry" border="0" class="smiley" style="vertical-align: bottom; "> "Chill, Maxine~" "Huh?" Napatingin ako sa kay Emily na kanina pa pala nakatingin din sa akin. "Brent Cruz. Is he still pursuing you?" Halos gumuho ang mundo ko pagkakasabi niya. Hindi ko kasi alam kung ano ang ibig sabihin niya at alin dun ang 'pursuing'? "Hindi..." Bahagyang napatawa ako. "Hindi? Alam ng lahat na may gusto siya sa`yo ah?" "Huh?" Nagsimula kaming maglakad patungo sa next class namin. "Nung highschool, kaya walang nakakalapit na lalaki man o babae sa`yo ay dahil malakas ang koneksyon mo sa Cruz Twins. Galit o naiinggit ang mga babae sa`yo at takot ang mga lalaki. Yung iba naman, ayaw lang makealam." Alam kong maimpluwensya ang Cruz Twins, pero kahit kailan di ko inisip na sila a ng dahilan sa pag lubog ng social-life ko. "Ganun ba? Pero... di naman ako naniniwala. Brent Cruz? May gusto sakin? Okay, sige, kung maniwala man ako diyan. Ano naman ngayon?" Napatingin ulit ako kay Brent at kay Lia na tawa ng tawa na naglalakad kasama an g mga barkada ni Brent. "Marami naman yung ibang gusto." E2.Warm and Friendly

"Okay, since this is the first day of school and you`re all freshmen, let`s star t this with GTKY!" Hay! Eto ang panghuli kong klase ngayong araw na `to! Ngayon lang nag 'Getting T o Know You' session! Puro kasi simula agad ang klase sa iba kong subjects eh. Isa-isa kong kinilala at tinandaan ang mga kaklase ko. May iba, kaklase ko na si mula highschool, yung iba naman galing sa ibang school. Grupo-grupo parin ang mga kaklase ko. Hal atang halos silang lahat ay nakadikit lang sa mga barkada nila simula pa lang sa highschool. "I'm Emily de la Torre. I love reading books. I love art, and my favorite artist s are Luis Royo and Picasso." Ako na ang susunod! "Uh... Hi!" Na-conscious ako nang may nakita akong lumingon sa akin at tumigil sa pakikipagusap sa katabi niya. "My name is Maxine Alvarado. I-I love playing volleyball and hitting the beach." Umupo ako agad. Buti na lang at di naman ako tinanong-tanong ng professor namin. Wala naman siya masyadong tinanong ng kahit ano, yung mga mukhang kilala niya lang. "Hi everyone!" Napatingin ako sa biglang nagsalita. Masaya kasi ang disposisyon at tono niya. Halos lahat din ng mga kaklase ko ay l umingon sa kanya. "My name is Catherine San Juan. You can call me Kitchie, too! I grew up in Germa ny but I'm one-hundred percent pinoy!" Matamis ang ngiti niya. Nakuha niya talaga ang atensyon ng lahat kasi napapalakpak ang mga kaklase ko. K ahit ako`y napapalakpak na rin. "Grew up in Germany?" "Yes, sir! Pero dito po ako nag highschool sa Pilipinas. Waldrorf International High." "Why did you move here?" "Because... this is where my heart belongs. I'm a filipino, I should live in my country." Napapalakpak ulit ang mga kaklase ko at puno ng hiyawan at adorasyon ang ipinapa kita nila sa

kanya. Umupo din naman si Kitchie at nagpatuloy ang GTKY. Marami na pala siyang kaibigan, napansin ko. Marami kasi siyang kausap at mukhan g maraming gusto siyang kausapin. Siguro nakakatuwa siyang kausap. "Kitchie San Juan. Narinig ko na yung pangalan niya... somewhere." Sabi ni Emily . "Halata namang sikat siya... Maraming kaibigan eh..." Sabay tingin ko ulit sa ka y Kitchie. "Uh, wait... Catherine San Juan?" "Sir?" Natahimik kami. "Ahhh! I remember! Ikaw yung nanalo ng Miss Teen Philippines this year?" "Yes sir!" Sabi ng mga kaibigan niya at naghiyawan ulit. "Tama. Miss Teen Philippines." Sabi ni Emily. "Sana sumali ka dun, Maxine." Kung hindi lang ako hinamon ni Emily dun edi sana ay hanggang ngayon, di parin a ko makawala sa paghanga ko kay Catherine San Juan o Kitchie. "Ako? Ba`t naman ako sasali dun? Hahaha." "Totoo... Ang ganda-ganda mo naman. Magaling ka rin sumagot diba? May laban ka dun. Kung totoosin, mas maganda ka pa kay Kitchie." "Naku! Hindi no. Hindi ko kayang sumagot ng kahit anong question na pang beauty queen. Major major no!" Nagkibit balikat si Emily. Maganda nga si Catherine. At halatang matalino pa. Matangkad siya, matangos ang ilong, nipis at pula ang mga labi, katamtaman ang h aba ng buhok at makintab din ito. Maputi siya, kasing kulay ng gatas, mas maputi pa sa akin. Sa pananamit niya, halatang mahilig siya sa fashion. Maagang natapos ang klase. Pero matagal kaming nakalabas ng klasrum dahil tinulu ngan kong ipunin ang mga nahulog na papel ni Emily dahil sa nahulog niyang notebook. "Maxine..." Habang nakayuko ako at inaabot ang isang papel, napatingin ako sa na gsalita. "Alvarado." Umayos ako at tumayo. Naglahad kasi siya ng kamay. "Catherine San Juan, diba?" Hindi ko alam kung tama ba yung sinabi ko o tama ba yung iniisip ko. Basta`t ina bot ko na lang ang kamay ko at nginitian siya. "Oh my gosh! I`m so happy!" Bigla niya akong yinakap. Nahiya ako sa blankong ekspresyon na ipinakita ko.

"Sorry... Sorry... Nabigla ba kita? Kasi naman... nung highschool pa ako, nanono od ako ng volleyball game! Grabe! Idol talaga kita, Maxine! Ikaw yung Spiker! Numbe r 23! Grabe! Astig yung mga spike mo! Sobra!!!" Gigil na gigil siya at ngiting-ngiti sa harapan ko. "Uh? Ganun ba? Naku... di naman masyado..." Oo, inaamin ko. Ang mga spike ko ay nakakakuha ng atensyon sa mga tao at mga nan onood. Hindi ko naman yun sinasadya, ganun lang talaga ang spike ko. Pero ayoko namang sabihin sa kanyang 'alam ko, ang galing ko no?'. Ang yabang ko naman kung ganun. Hihihi. Ay ! Mayabang nga! "Nakuuuu! Down to earthhhh pah! Ang bait mo!!! HAHAHA Let`s be friends! Call me Kitchieee! Pretty, please?" F1.Ideal Girl

Naweirduhan ako sa biglang pagpapakilala sa akin ni Kitchie San Juan. Tulala nga ako hanggang paglabas ng room. Kung di lang ako kinalabit ni Emily at binigyan ako ng weirdon g tingin habang nakasalubong namin si Jason ay hindi na talaga ako mag iisip pa ng kahit ano. "Alis na kami ni Jason, bye!" "Uy... Teka... Maxine, pupunta kami ng Starbucks baka gusto mong-"Siniko ni Emil y si Jason at ngayon, silang dalawa na ang may weird na tingin. May tiningnan sila sa likuran ko kaya pati ako`y napatingin. Si Chad!!! Pero bago ko pa ibinalik ang tingin ko sa kanilang dalawa, nawala na sila ng par ang bula. Mukhang alam din ni Emily na mejo malapit kami ni Chad nung highschool ah? "Maxine..." "Hi!" Ngumiti siya. "Kanina pa kita hinihintay." NAGHIHINTAY SIYA!? OMG! "Uh... Bakit?"

"Uhm... wala lang. Uuwi ka na ba?" Sabay kaming naglakad. "Hindi pa." "Ganun ba? Wanna grab a bite?" Grabe! Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon! "Sure..." Nahiya ako nang inimbitahan ko siyang kumain ng cake sa malapit na pastries shop sa school namin. Nalaman ko kasing hindi pala mahilig sa sweets si Chad. Pero sabi niya, o kay lang naman daw. "Kamusta ang first day of school?" "Okay lang naman... nagkaroon ako agad ng mga kaibigan!" "Oo nga eh. Napansin kong may kasama ka nga kanina. Kilala mo pala si Jason? Kaklase ko siya." "Ah! Kaibigan yun ni Emily, yung kasama ko kanina." Sabay subo ko sa chocolate c ake ni niorder ko. Si Chad naman, umiinom ng kape. "Buti na man. Wala ka kasing masyadong kaibigan sa mga kaklase mo kaya nagaalala ako." NAG-AALALA! Concern si Chad sakiiiin? Halos matunaw ako sa ngiti at mga tingin n iya nang natigilan ako pagkasabi niya nun. "Oo nga eh. Hindi naman kasi ako ganun ka-friendly. Nahihiya kasi ako eh." Pagkasabi ko ng friendly, naalala ko si Kitchie. "Kilala mo ba si Kitchie San Juan?" Tanong ko. "Catherine San Juan? Yung nanalong Miss Teen?" "Oo." "Oo. Kilala ko siya. Nagkakilala na kami simula highschool dahil siya ang representative sa school nila. Nakikita ko rin siya tuwing lumalabas kami ng mga kaibigan ko. Tsaka family friend." "Ahhh. Sikat pala talaga siya. Nagkakilala kami kanina sa school. Mag kaklase ka si kami." "She`s a good influence. Maganda, matalino, mabait, bagay kayong magkaibigan nun." Ngayong sinabi yun ni Chad, naiisip ko tuloy kung ano ang tipo niyang babae. Bak it hanggang ngayon di pa siya nag kakagirlfriend? O baka naman nagkagirlfriend siya bago ako lumipat nung Junior years namin? Hindi naman siya tulad ko na school-bahay lang ang buong buh ay. Lumalabas siya diba? Nagba-barhop tulad ng iba kong mga schoolmates. Bakit hangg

ang ngayon ay wala pa siyang girlfriend? "May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya. Nasobraan yata ako sa pag-iisip kaya napatunganga ako sa gwapong mukha ni Chad. "Uh... Wala. Uhm... Iniisip ko lang kung... uh..." Nakakahiya naman `to. "Ano`ng tipo mong babae..." Natawa siya at mukhang natuwa sa tanong ko. "Hmmm. Yung simple lang." May bahid parin ng halakhak ang kanyang sagot. "Simple? Kung ganun, gusto mo yung mga simpleng babae sa school?" Hindi ko naman alam kung bakit ko yun natanong. "Hmmm. Kasi para sa akin. Di naman talaga kailan na may standards or something like that. Kung gusto mo ang isang tao, gusto mo siya. Kung mahal mo siya, mahal mo nga siya kahit anong standards pa meron ka balewala na yun." Napatango ako sa sinabi ni Chad. "Ang lalim..." Nagtawanan kami.

Gusto ko sanang magtanong kung bakit wala pa siyang girlfriend hanggang ngayon, kaya lang biglang nag ring ang cellphone ko. *KRRRRRRRRRRRRRRING!* Unknown number. F2.FHM Model

Cancel! "Sino yun?" "Uh, unknown number eh." Ngumiti siya. "Dami sigurong nagtitext sa`yo at nakikipagkaibigan." Sabay tingin niya sa phone ko. "Wala no. Wala rin naman kasing nakakaalam masyado sa number ko." "Ah! Now that you mentioned it. Can I have your number?"

OH MY! Eto na talaga! Nafifeel ko na magkakaroon na kami ng development ni Chad koooo! "Sure!" Habang linalagay ko ang numero ko sa phone ni Chad, nag-ring ulit ang cellphone ko. Unknown number ulit! Masagot nga at nang mapagalitan ko. "Excuse me." At pumunta ako ng CR. "Hell-" "Hello?" Narinig ko ang boses ni Brent. "Ba`t di mo sinasagot ang tawag ko? Asan ka na?" "BRENT CRUZ?" Saka ko naalala na ihahatid niya nga pala ako sa bahay. "Saan mo nakuha ang numero ko?" "Hindi yan ang tanong! Ang tanong ay kung nasaan ka na." "Hay naku! Kung gusto mo ng umuwi, edi umuwi ka na. At kung nagmamadali ka kasi may lakad ka... Edi umalis ka na. Wa`g mo na akong hintayin, pwede?" :(" title="Angry" border="0" class="smiley" style="vertical-align: bottom; "> "Ang taray mo naman. I know where you are, Maxine. Binibigyan lang kita ng pagkakataong makasama si Chad. At ngayon, pinapaalalahanan lang kita na mag aalas syete na at nandito ako sa Arts Parking Lot sa loob ng school, naghihintay sa`yo. Kailangan mo ng pumunta dito o ako ang pupunta diyan at masisira pa ang diskarte mo sa kanya." "WHATEVER, BRENT!" Binabaan ko siya ng phone! Bakit ang hilig-hilig niyang magbanta. Akala niya nam amanipula niya ang lahat sa mga banta niya? Grrr! Pero Okay,tama siya, mag aalas syete na nga. Kailangan ko ng pumunta sa kanya. Hindi naman sa pinagbabawalan akong umuwi ng gabing-gabi na, k aya lang dahil sa malayo ang bahay namin, ako na mismo ang may gustong umuwi ng maaga. Nakabalik na ako sa table namin ni Chad. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa k anya na si Brent ang kasama ko pag-uwi o hindi. "Chad, kailangan ko ng umuwi." "Ah, sure! Gusto mo ihatid kita?" Hindi ako sumagot. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong isagot eh. "O, susunduin ka ba?" Sabi niya sabay tingin sa phone na hawak-hawak ko. "O-oo eh. Babalik na lang ako ng school." "Ah, sige." *1 message received* Unknown number: Save my number, aryt?

Kapal muks talaga `tong si Brent! GRRRRR! Lumabas na kami sa pastries shop ni Chad at hinatid ako sa gate ng school. "So... sige, papasok na lang ako sa school, Chad! Salamat ng marami!" Ngumiti ak o. Tumango siya, "Sige, you take care okay?" Tumingin siya sa paligid at parang hin ahanap ang sundo ko. "Hope this will happen often." KYAAAAAAAA~! Sana lamunin na ako ng lupa! Uminit ang pisngi ko at biglang kinaba han. Ang laki ng ngiti ko! Sa labas kasi nakapark ang sasakyan ni Chad kaya di na siya pa pasok. "I`ll text you now, so you can text me when you get home, okay?" "Okay!" Hinintay niya akong makapasok sa loob ng school bago umalis. Nang naramdaman kong nakaalis na siya, saka ako tumakbo patungong parking lot. M alayo pa lang ako nakita ko na si Brent na nakasandal sa itim niyang Porsche at si... (si no `tong babaeng matangkad na `to at maganda mukhang modelo na hindi naman si Lia?) nakasandal sa kanya. Ang sweet ng dalawa, halos maghalikan na! Nawalan tuloy ako ng ganang tumakbo at magmadali patungo dun. Hinihingal pa ako nang nakita niya ako at bahagyang lumayo sa babaeng modelo. Si no ba `to? Ang ganda niya ah. Kamukha nung nanalong Miss Universe. "Wow... Sana pala mejo tinagalan ko pa." Ngumisi si Brent, umirap naman ako. Hindi ko talaga maiwasang humanga sa legs ng kasama niya. Hindi siya kasing puti ni Lia kaya lang ang ganda talaga ng hubog ng kataw an niya, at maganda pa siya! Sexy! Gorgeous! "I should go now..." Nakangiti ang babae habang kinikindatan si Brent. Hinalikan pa niya si Brent! Habang ngiting-ngiti ang manyakis! Nawala din ng parang bula ang babae. At sinubukan akong akbayan ni Brent pero di ko siya pinagbigyan. "Brent, tama na nga yan! Flirt! Manyak! Pwede ba!? Wa`g mo nga akong hawakan. Wa`g kang ngingiti-ngiti diyan! Nakakainis ka!" May isang parte saking gumuho nang nakita kong naghalikan silang dalawa. Grrr! K asi naman, pinagbigyan ko siya kanina nang nakita ko silang dalawa ni Lia kasi hindi niya n aman ako nakita. Baka ayaw niyang makita ko siya na may kasama. (Ano ba `tong iniisip ko? Hindi ko alam kung bakit binibigyan ko ng pagkakataon ang sarili kong mag-isip ng ganito.

EWWW) Pero nang harap-harapan ko siyang nakitang hinalikan nung babaeng yun, gos h! nainis ako! "Hindi ako tulad ng mga babae mo!" "Sinong nagsabi sayong tulad ka nila?" Binuksan niya ang pintaun sa front seat. "Get in. Let`s go home." Sa ilang sandali ng pagsimangot ko habang nakatingin sa kanya, naisipan ko kung bakit ako nagpapaapekto sa kanya. Ano naman ngayon? Pero sana tumahimik na lang `tong si B rent! Mas gusto ko pang tumahimik siya kesa sa marinig ko yung mga pambobola niya. Pumasok ako at sinarado niya naman agad. Pagkapasok niya, inayos niya ang seatbe lt ko. Gusto ko sanang umangal pero masyadong malakas ang dating ng kanyang kilos para mapaan gal pa ako. "Ang kapal din ng mukha mo no? HALATANG-HALATA na ang mga pambobola mo, nambobola ka parin. Ang tanga naman talaga ng mga babae ngayon. Sobrang tanga! Sayang, magaganda pa naman." Ngumiti siya habang pinapaandar ang sasakyan. "Sino yung kasama mo kanina? Akala ko si Lia ang girlfriend mo?" "I told you... Wala akong girlfriend?" SHUT UP! Anong tawag mo dun? "Amanda Myers." "Amanda Myers?" Mukhang yun yung bagong modelo sa isang alcoholic drink ah? "Model... Wow!" Sarcasm. "Sayang, nagpauto." Sabay tingin ko sa labas. Paalis na kami ng school. "FHM model." Tiningnan ko siya. Nakangisi siya. "Wow! Pinagmamalaki mo talaga ah? Syempre! Ang gaganda kaya ng mga babae mo? Tapos nakita pa kita kanina kasama si Lia. Ano ba yan, my gosh!" "Lia`s a friend." Nakangisi parin siya.

Ngisi nang ngisi ang mokong at ako naman napapagod na sa kakasimangot!

"You sound jealous." Ngumisi siya at tumingin sakin paghinto ng sasakyan sa pula

ng traffic light. F3.Brent-resistant

"Hindi... ako... nagseselos!" "At anong tawag mo diyan?" Ngiting-ngiti siya habang pinagmamasdan ang di maipin ta kong mukha. "Naiinis lang ako kasi ang dami-dami mong babae! Iba-iba-" "Isn`t it the same thing? Naiinis ka sa dami ng babae ko, nagseselos ka nga!" Umirap na lang ako pagkatapos naming magtitigan. Alam kong di ako mananalo sa pinagtatalunan namin. Sa kanya? Ako? Mananalo? Wala nag mas magaling pang bumalu ktot ng istorya sa kanya! Naramdaman kong tinitingnan-tingnan niya ako sa salamin. "Tumigil ka nga!" Sabi ko. Tumawa siya ng marahan. "Ano bang nakakatawa?" "Oh yes, of course! Di nga naman pala nakakatawa ang pagseselos mo!" Dahil gigil na gigil na ako habang pinipigilan ko ang sarili kong magalit, pero ginagalit niya parin ako, binatukan ko na siya! "Aray naman!" "Yan ang bagay sayo!" Lumiko ng konti ang sasakyan niya pagkabatok ko. Halatang nabigla siya. Pero nak angisi parin siya kahit ginawa ko yun. "Mababangga tayo nito." "Mabangga na kung mabangga! Wa`g ka ngang masyadong feeling, Brent! Hindi ibig sabihin na dahil gwapo ka, eh mabibilog mo na ang utak ng lahat ng babaeng makilala mo!" Tumingin siya sa akin nang nakangisi ulit. Bakit ba hindi matanggal-tanggal ang ngisi sa mukha niya? "So, inaamin mo na gwapo ako?" "OMG! Tingnan mo nga naman kung gaano ka ka puno sa sarili mo? Ang whole point ko naman dun ay na hindi ako magpapaapekto sayo! Hindi ako nagseselos at hindi ako naniniwala sa kahit anong kasinungalingan mo! YUN ANG POINT DUN! Ang MAIN IDEA ay ang pagiging FLIRT-PROOF at BRENT-RESISTANT ko! Hindi yung pagiging gwapo mo!" Umirap ako at tawa siya nang tawa.

"Okay! Chill! I got your point! HAHA! Flirt-proof, Brent-resistant!? The precise reason why I like you..." Grabe! Pwede lumabas ako dito sa sasakyan niya habang nakaandar? Bakti ba kasi h alos mag iisang oras ang byahe galing skul patungong bahay? Hindi ko talaga kayang magkas ama kami ni Brent ng kahit limang minuto man lang. Hindi pwedeng hindi ako mainis sa tuwing nagkakasama kaming dalawa! "...a lot." Umiling na lang ako. "Hay! Ilang babae na kaya ang nasabihan mo niyan ano? Anyway, wala akong pakealam kung ilan at kung sinu-sino! I don`t care." *1 message received* Chad: You home? Napangiti ako pagkabasa ko nun. "So... anong ginawa niyo ni Chad sa date niyo?" "Date? Hindi kami nag date! Kumain lang kami." "Okay, so kamusta yung pag kain niyo?" "Ba`t ka interesado?" "Alam niya bang ako ang maghahatid sa`yo sa bahay niyo?" Pagkatanong niya nun, kinabahan ako. Baka kasi dahil ayaw kong malaman ni Chad n a si Brent ang naghahatid sa akin, eh gagawin niyang pang blackmail yun. "Hindi, pero sasabihin ko rin sa kanya. Di naman kasi masyadong importante." "Knowing him, he probably offered to bring you home." Sumulyap siya sa akin. Guilty tuloy ako sa inisip ko kanina. "Oo. Pero di ko naman kayang abalahin pa siya alam kong malayo ang bahay nila, d i tulad mong nasa unahan lang ng Domino Heights. Atsaka, sigurado akong iintrigahin na naman ako nina mama at papa." Ligtas kasi si Brent dahil kilala na siya. "Natatakot ka bang magselos siya pag nalaman niyang ako ang naghahatid sa`yo?" "Hindi! Bakit naman yun magseselos eh wala naman siyang gusto sa akin at wala namang namamagitan sa ating dalawa! DUH!" Ilang sandaling katahimikan. Tumitingin-tingin na lang ako sa labas at binibilang ang mga posteng dinadaanan. Nag reply ako kay Chad. Maxine: Almost there. Thanks!

"Ang harsh mo naman sa akin! Kelan mo kaya mararamdamang gusto mo talaga ako at hindi yung si Chad na yan?" Nagsalita din siya. Hindi ako makapaniwalang yun ang laman ng utak niya sa ilang sandaling katahimikang yun. "My gosh! Tanong ba yan? Obyus naman na kahit sinong babae... pwera na lang sa mga nabibilog mo... mas pipiliin si Chad kesa sa isang playboy na tulad mo!" Tiningnan niya ako at hininto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Binuksan ko ang pintuan at... "Bye, my favorite girl!" Kumindat siya. "Bye!" :(" title="Angry" border="0" class="smiley" style="vertical-align: bottom; "> "How cold..." Ngumisi siya. "Ganyan talaga ang turing ko sa mga playboy." Tinaas ko ang kilay ko. "You`re gonna fall in love with me, Maxine Alvarado." Halos tumindig ang balahibo ko at kinabahan ng todo-todo pagkasabi niya nun. Paa no ba naman kasi, para niya akong sinumpa!

"I won`t fall for you... ever, Brent Cruz!" At padabog na sinarado ang pintuan.

Pumasok ako agad sa bahay. Narinig kong umalis na ang sasakyan niya.

*1 message receive!* Brent: Let`s see bout that! "

Shivers down my spine. I`m cursed, am I not? G1.Ara`s boyfriend?

Si Maxine Alvarado yata `to, BRENT-RESISTANT! FLIRT-PROOF! "Alvarado! Ayus-ayusin mo nga yang pagpupulot mo ng bola! Yan na nga lang ang trabaho mo dito, di mo pa naaayos!" HAY NAKO! Yun nga ang problema eh, sa tuwing nandito si Coach, nakakapaglaro at drills ako. Kapag wala naman siya, taga pulot lang ako ng bola. Pawis na pawis na ako sa kakatakbo at habol sa bolang iniispike ni Chloe sa mala

yo. Buti pa yung ibang teammates ko, nagso-sorry pag napapalayo ang bola nila. Pero si Chloe? "OOOOOOOOOOPPPS! Ang galing ko talagang mag spike! Ang layo! HA! HA! HA!" "Linsyak! Nakakabanas naman yung team captain niyo, Maxine!" Naaninaw ko si Jason. "Ako na!" Hinabol ni Jason ang bola bago pa ako umangal. "Salamat!" Nang binigay na ni Jason sa akin ang bola. "Uh, Maxine, nakita mo ba si Emily?" "Si Emily? Ang alam ko pumunta siya ng Powerbooks eh, may hinahanap kasi siyang libro. Akala ko nga isasama ka niya. Itext mo kaya?" "Ah! Hehehe! Ganun ba? Ayaw kasi niyang magreply eh." "Huh? Bakit naman?" "Siguro na-busy sa Powerbooks. Sige, Max, see you around! Uuwi na lang siguro ako." May bakas ng pagkabigo sa mukha ni Jason. Tumalikod na siya at umalis pero di ko maiwasang isipin kung... "Jason!" Lumingon siya sa akin. "Uhhh, matagal na ba kayong magkakilala ni Emily?" May kakaibang ekspresyon sa mukha niya na agad kong nabasa. Simula`t sapul akala ko matagal na silang magkakilala. Akala ko nung highschool pa. Childhood friends? Neighbors? Pero sa mukha niya ngayon, hindi, mali ako. Mukhang kahapon, kanina, ngayon lang silang dalawa nag kakilala, bakit? "Matagal na." Ngumiti siya at agad kong binawi ang mga huli kong inisip. Umalis din naman siya agad. "Alvarado! Wa`g ka ngang engot jan! Ayun pa oh!" Sigaw ni Chloe. Possible kaya yun? Magkaiba ang ekspresyon mo sa sinabi mo? "Hi Max!" Bati ni Ara sa akin ng bigla siyang nagpakita sa harapan ko habang pin upulot ko ang bola. Ay ang galing! Parang mga multo lang ang mga tao ngayon ah! Bigla na lang sumusu lpot habang nagpupulot ako ng bola, sa susunod kayang pulot ko so Chad na ang magpapakita? "Wa`g kang mag-alala, hindi ka na papupulutin ulit ni Chloe ng bola!" ARAY! Gusto ko yung sinabi mo, Ara! Pero wa`g namang pagkatapos ng pag-iisip ko na si Chad na ang susunod na susulpot! "Okay lang, nag eenjoy naman ako dito-"

"Eenjoy? Wa`g ka ngang plastik! Come on! Don`t be scared! That skank!" Hinila ako ni Ara patungo sa court kung saan nandun si Chloe na sa malayo pa lan g ay mukhang takot na. "Chloe, dear!" Tawag ni Ara gamit ang maamong boses. "Okay Team! D-Dismiss!" Umalis din yung team mates ko at halatang pati silay takot din. "Ano `tong pinagagawa mo kay Maxine? Huh?" "Freshmen siya... kaya yan muna ang gagawin niya-" "Akala mo ba di ko alam na hindi `to nararapat? Ha? You probably forgot... Just because your coach isn't here doesn't mean you can play around with your helples s teammates!" Maxine = Helpless HAHAHA! Pinagtatanggol nga ako nitong si Ara pero ang talas parin ng pananalita. "Alam mo, Ara! Ikaw na lang kaya ang mag team captain dito, parang mas alam mo yata kung anong mga gagawin eh." Tumaas ang kilay ni Ara at biglang lumapit kay Chloe. "Oh yeah?" Sabay haplos sa buhok ni Chloe. Halata sa mukha ni Chloe ang takot at kaba sa ginagawa ni Ara. Si Ara kasi ang t ipong kayang makipag sabunutan sa kahit anong oras. Si Chloe ay ganun din naman eh, pero may kung ano sa kay Ara na mas nakakatakot kahit kanino. Tapang. Kompyansa. Kapangyarihan. Autor idad. "Would you rather screw up with me than simply follow my orders?" Palaban din si Chloe pero hindi siya nagsalita. "Ano kaya ang iisipin ng pinakamamahal mo pag nalaman niyang inaway mo ako..." Nag puppy-eyes si Ara. Pinakamamahal? Si Chad ba yun? "Araw mo `to ngayon Ara Cruz-" "Chad`s likes girls who are peace-loving, simple, kind..." Binilang ito ni Ara s a harap ni Chloe. Halatang inis na inis na si Chloe at galit pero walang nagawa. Ganun niya ba tal aga ka gusto si Chad? At alam ni Ara kung ano ang tipong babae ni Chad? Syempre, sabay yata sila ng lumaki. Oo nga pala, kasabay din nila si Chloe. Ang alam ko, bago pa lang ako nagtransfer n un, mortal na magkaaway na silang dalawa!

"Ara, stop blackmailing her, will you?" Sa likuran, sumulpot si Brent. Ba`t nandito `tong mokong na `to? Inakbayan niya si Ara. Tiningnan ko silang mabuti. Hindi sila magkahawig. Hindi sila magkasing tangkad. Mas matangkad si Brent kay Ara. Syempre may mga katangian sa mukha nilang hawig din pero magkaiba talaga. Ang tanging sigurado akong pantay sa kanilang dalawa ay ang kom pyansa, angas, at dating. The Cruz Twins. "Brent, paamuin mo nga yang kapatid mo? Bakit ba pagdating sa akin ay nang iinis siya?" Umirap si Chloe kay Ara. Tumawa si Brent. "She`s manipulative, but not evil, Chloe. Hindi mo ba alam?" Tiningnan ako ng nakangising si Brent. Kinalas niya ang pagkakaakbay niya kay Ar a at inakbayan niya ako. Kahit na naiinis ako sa kanya, hindi ko parin maiwasang mapansin kung gaano siya kabango. "Oh! Akala ko si Chad?" Tiningnan ako ni Chloe pero bago pa ako nakapagsalita... "Well, okay! Madali naman akong kausap. Pero di ko talaga mapagtanto kung bakit..." Umiling siya. "Okay, then! See you around! Maxine, iwan mo na yung mga bola, ipapapulot ko sa iabng freshmen." Hindi nagbago ang boses niya, malamig parin. "Bitiwan mo nga ako!" Sabay kalas ni Brent sa pagkakaakbay niya. "Hey, I gotta go!" Tumingin si Ara sa relo niya. "Nandyan na sundo mo... Take care, Ara." Nakita ko ulit ang SUV na nakita ko nung araw na punulot din ni Ara ang bola. Me rcedes-Benz GL. "Whoa! Sa inyo yan?" Tanong ko nang nakita ko si Ara papunta sa SUV na huminto s a harapan. "Nope." "Weh?" "Sa boyfriend niya." May boyfriend si Ara? Sino? Hindi ko alam kung sinong lalaki ba ang kayang pa am uin si Ara! Ang mga possibleng lalaking makakapag paamo sa kanya ay si Brent lang at si Chad ! Wala ng iba!

G2.Twisted words

"Sino ba ang boyfriend ni Ara?" Tanong ko kay Brent habang naglalakad kami patun gong sasakyan niya. "Mmm. Someone... I don`t really like talking about that." Tumango na lang ako at naisip na siguro, makikita ko rin at makikilala ang boyfr iend ni Ara sa tamang panahon. Pero na-curious ako kung sino ang lalaking nakapag-painlove sa k anya. "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan mo pa akong sunduin nang sunduin. Pwede naman akong mag taxi..." "]What`s wrong with that? I`m doing you a favor? Can`t you just be thankful?" Nakangisi na naman siya. "Hindi naman sa ganun." Bakit nagiging mabuti ako sa kanya ngayon? "Baka kasi nakakaabala na ako. Baka may gusto ka pang gawin o ano... okay lang naman." Mas ngumiti siya sa sinabi ko. Mejo nainis ako dahil hindi ko alam kung ano ang problema niya`t nakangiti parin siya sa akin, kahit anong gawin ko. Mang-inis man ako o magpapak abait. Nagkibit-balikat lang siya at pinanatili ang katahimikan. Habang naglalakad kami, napansin ko ang mga babaeng nagbubulungbulungan at nakat ingin sa aming dalawa. "Ganito pala pag kasabay mong maglakad si Brent Cruz? Lahat nagchichismisan?" "Nope. Ganito pag kasabay maglakad si Brent Cruz at Maxine Alvarado." Linagay niya ang kamay niya sa baywang ko kaya mas lalo akong napalapit sa kanya . "Brent! Stop it! Nang cha-chansing ka na naman!" Linayo ko ang sarili ko sa kany a pero inaamin ko, masyado siyang malakas. Tinanggal niya rin naman pero huli na ang lahat, nakita na ng lahat ng babae at may nakita na akong naghuramentado kung saan. "Well, kung pag uusapan na nga lang tayo... edi lubus-lubusin na!" "Alam mo Brent? Sa`yo, okay lang? Pero sakin, hindi! Brent Cruz is Brent Cruz! T he playboy! At lahat ng babae sigurado akong mag-iisip na isa lang ako sa mga babae mo. At ayoko ng ganun, Brent! Ayaw ko naman sa`yo at mas lalong ayaw kong maging sa`yo."

"So what exactly do you want me to do? Leave you alone?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko rin alam kung ano ang mas gusto ko, ang sagutin ang tanong ni Brent o ang makita si Chad sa parking lot na nakakita din sa amin. "Brent, Maxine..." Nasa bulsa ang mga kamay niya at nakangiti. JHSAJKHSIUHSAKJBDH! NOOO! Sa puntong ito, gumuho na yata ang pag-asa ko kay Chad !!! "Tatawagan na sana kita." Sabi ni Chad sa akin. "H-Huh?" Sumulyap ako kay Brent. Si Brent nakasandal sa sasakyan niya at hinihintay akong pumasok. Tumitingin-tin gin sa tabi-tabi at nagpapanggap na hindi na kikinig kahit alam na alam mong sa lapit niya ay imp osibleng hindi niya kami naririnig. Nadatnan ko ring sumulyap si Chad kay Brent. "Ihahatid sana kita sa bahay niyo kaso..." Sulyap ulit kay Brent. "Naunahan na p ala ako..." Ngumiti siya. "Uh," "I didn't know you and Brent are dating?-" "Hindi kami nagdi-date!" Pumula yata ang pisngi ko sa agad kong pagreact nun! "Walang babaeng nakasakay na sa Porsche ni Brent na hindi niya dini-date, Maxine . Right, Brent?" Napatingin ako kay Brent na nakangisi. Halos mainis ako kay Brent sa sinabi ni C had! He is preying on me! I`m his next victim! Nagkibit-balikat lang si Brent at naging seryoso ang mukha. Kaya lang, hindi naman kasi alam ni Chad na ang mga magulang ko mismo ang nakius ap kay Brent na ihatid ako sa bahay! Kay Brent ako may utang dito, dapat nga pasalamata n ko siya! Kaya lang may point din naman si Chad dun. "I got your point Chad. Gusto mong ihatid si Maxine... diba?" Sabi ni Brent, may konting pagkairita ang bumakas sa boses niya. Kinabahan tuloy ako. "Well, apparently, I am doing Maxine`s parents a favor." Uhm... ganun ba talaga yun Brent? "Now, if you`d excuse us, we have to leave, it`s getting dark." Ngumiti siya kay Chad at

binuksan ang pinto. "Oh! So, nakilala niya ang mga magulang mo, Maxine?" "Uhm... Oo eh." "Get in..." Seryoso si Brent sa sinabi kaya agad akong pumasok pero binuksan ko ang bintana. "Maybe, next time, Chad." Kinindatan niya si Chad at agad pumasok sa sasakyan. Humarurot ang takbo nito at halatang nainis siya kay Chad. G3.Shouldn`t

"Brent! Ang sama mo naman kay Chad! Syempre nagkamali lang siya kasi naman binibigyan mo rin naman siya ng rason na magkamali sa judgement niya sa`yo. Sa dami kasi ng babae na nakakasama mo, akala niya tuloy isa ako sa bibiktimahin mo!" "Do you REALLY like that Chad?" Hindi ako makasagot. Huminto ang sasakyan sa traffic light. "Bakit di mo sinabi sa kanyang magpapahatid ka? Ayaw mo nun? Yung gusto mo ang maghahatid sa`yo?" Seryoso ang mukha niya at diretso ang tingin. "Ikaw naman kasi ang inaasahan nina mama at papa na maghatid sa akin diba? Panibagong sermon ang aabutin ko pag si Chad ang maghahatid sa akin." "That`s it?" Tiningnan niya ako. Pula ang pisngi niya. "You chose me because... that`s it?" ANG KAPAL NAMAN NITO!? "Ikaw ang nagsabi nun diba? Ginagawa mo lang `to dahil 'you`re doing my parents a favor'!" Nanunuya ang tawa niya at hinarurot ulit ang sasakyan. "I only said that because we were in front of Chad! The boy of your dreams! You should thank me for that!" Galit siya! "Well, thank you!" Galit din ako. "Brent, kung napipilitan ka lang talaga na iha tid ako, then stop forcing yourself. Magtataxi na lang ako bukas!" "Hindi mo alam kung gaano ako kagalit sa sarili ko na sinabi ko yun sa harapan n i Chad! Sana pala sinabi ko na nagdi-date ta`yo, o kaya girlfriend kita!" "Bakit ang dali-dali lang para sa`yo na sabihin ang mga ganyan, huh, Brent? Oh y es! Kasi si Brent Cruz ka pala! The playboy!" "Don`t you really get it, Maxine? I`ve been giving you hints since highschool!" "Get what?" "I like you!" Sumulyap siya sa akin. Halos matawa ako, "Ilang girls ba ang sinasabihan mong 'I like you' sa isang buw an, huh, Brent?" "I get it! Hindi kita masisisi, kasi sa dami ba naman ng babae ko..." "See? Ikaw na rin ang nagsabi? Now tell me, how will I ever believe your lies?" Wow! Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala kami nagtatalo at hindi ko alam k

ung saan patungo `to. Natahimik kami habang papalapit na sa bahay. Galit siya! Galit din ako! Hindi ko alam kung bakit parang may kung ano sa tiyan ko. May parteng gumuho at nadismaya, hindi ko alam ko ano at bakit. "Thank you..." Sabi ko nang nakarating na kami. Gusto ko ng lumabas pero tiningnan ko siya. Seryoso ang mukha ni Brent. Brent Cr uz na ngayon ko lang nakita. Ganito din kaya siya sa ibang babae? O sa akin lang? Totoo kaya yung sinasabi niya? O hindi? Ang katotohanang nag dududa na ako sa totoong paniniwala ko ay mas nakapagpakaba sa akin. Hindi pwedeng maniwala kay Brent Cruz. Kahit anong mangyari. "I`m sorry." At ngumiti siya. Hindi sa unang pagkakataon, naunawaan ko kung bakit maraming nagkakandarapa sa kanya. Sagad sa buto ang kagwapuhan niya, hindi mo maiisip na may ganito ka gwapong nilalang na pwedeng tumapak sa mundong `to. Walang kapintasan ang muk ha niya. At kapag ngumiti siya, nadadala ka. That`s how evil Brent Cruz is. Everyone can fall for him. Alam kong masasakit ang mga sinabi ko sa kanya. "Kasi naman..." Bakit nga ba ako nagsosorry? Hindi ko alam. Pakiramdam ko kasi n asaktan ko siya sa mga sinabi ko kanina. "Yeah right!" Ngumisi siya sa akin. Nasaktan ko ba talaga siya? Bakit nakangisi `tong demonyong `to at mukhang may b alak pang kahindik-hindik. "You don`t like seeing me with other girls, right?" Mas lalong lumalim ang ngisi niya. "Then from now on, I won`t date any other girl." Kumindat siya. "Tseh!" Binatukan ko na, umilag siya pero natamaan parin kaya tumawa ng malakas. Binuksan ko ang pintuan at umalis. Brentology 101: Pag ngumisi si Brent, nagsisinungaling yan! Kaya wa`g kang magpa apekto. Pagnagpaapekto ka, ibig sabihin, talo ka! "Gosh! Muntik na ako dun ah! I thought he was serious! GRRR! Sabi na nga ba!

Walang puso yung Brent na yun! Asa ka pa!" H1.You can`t please everyone

Simula nung nakakatakot na gabing iyon, hindi na ulit ako nagpahatid sa bahay ka y Brent. Maaga akong umuuwi at nagtataxi pa. Sige, inaamin ko ,dahil hindi naman ako denial, mejo boring ang halos tatlong linggong iyon. Uuwi agad pagkatapos ng klase. Pag may practice mabilis din matapos at sa tuwing nandyan s i Brent sa dinadaanan ko... sa tuwing nandyan ang nakangising si Brent... umiirap lang ako at linalagpasan siya. At syempre, pag si Chad naman ang nakakasalubong ko hinahatid niya ako sa sakayan ng taxi. At dahil nagreklamo ako sa pagiging boring nun... ngayon ay mag Co-Coffee Bean d aw muna kami nina Emily. "Tulungan na kita." Sabi ko kay Emily nang nakitang hindi niya na maayos-ayos an g eyeglass niya dahil sa dami ng dalang libro. "Salamat." Nakatayo kami sa labas ng classroom namin. Sabi ni Jason ay pupunta daw siya aga d dito pagkatapos ng practice niya sa basketball. Wala pa siya. Pero naiintindihan nama n namin kasi maaga kaming pinauwi sa subject na iyon. "Albert Camus, Chesterton... Grabe ka Emily, anong mga libro ba `tong mga babasahin mo." Tanong ko habang pinabasa ang bawat label. "Bored kasi ako sa bahay eh. Yan lang ang alam kong mapagkakaabalahan ko." "Ako kasi, mas lalong nabo-bored sa bahay pag nagbabasa. Hehe. Kaya nag lalaro n a lang ako ng Plants VS Zombies o di kaya`y manood ng DVD o magkinig ng music o mag aral mag luto..." Mag aral magluto? Oo! Nag-aaral akong magluto. Paano ba naman kasi nalaman kong nakakadismaya pala ang mga babaeng di marunong magluto. Pero, guess what, h anggang ngayon wala parin akong natututunan. "Now that you mentioned it, mag-aaral na rin siguro akong magluto!" Nagkaroon an g kulay ang mukha ni Emily at parang lumipad ang isipan. Ang alam ko kasi wala daw siyang ginagawa masyado sa bahay nila. Mayaman, diuman o, ang kanyang pamilya. Ang pinagkakaabalahan niya lang ay ang pagbabasa. Nakapunta na rin ako sa bahay nila, at totoong boring doon. Bukod sa malaki ito, wala pa masyadong tao m

aliban sa kanilang maid at security guard. "Late ba ako? o maaga lang kayo?" Tumakbo si Jason patungo sa amin. "Maaga kami pinauwi kaya eto..." Sabi ko. Kapansin-pansin ang di pa matigil na paghingal ni Jason at ang pawis niyang umaa paw. Naka jersey pa siya at di pa nakakapagbihis. "Pawis na pawis ka... Balik muna tayo sa lockerroom para makapagbihis ka." Pinunasan ni Emily ang noo at pisngi ni Jason gamit ang panyo niya. Halos ma car ried-away nga ako sa moment. Si Jason kasi nakatitig at nakapako ang mga mata sa kay Emily. Ka hit kailan, di pa ako nakakita ng ganitong tanawin. Ang makitang natitigilan ang isang lalaki s a ginagawa ng isang babaeng... (tiningnan ko si Emily at mukhang wala lang sa kanya ang kanyan g ginagawa)... manhid! A girl who doesn`t know what her actions mean to this boy. "Ano? Tayo na?" Kinalabit ni Emily si Jason at nagsimulang maglakad. "Ah! O-Oo!" Hay naku! Hindi ko inakalang sa dalawang kaibigan kong `to may namumuong pagtiti nginan pala. Maobserbahan nga. Eto naman kasing si Emily, masyadong manhid. At eto nama ng si Jason, torpe! "Maxine, nga pala, si Coach Paul din ba ang coach ng volleyball team?" Tanong ni Emily samantalang si Jason ay hilo pa yata sa nangyari. "Oo, bakit?" "Jason, diba si Coach Paul din ang coach niyo? Sabi na nga ba eh. Pareho lang ng coach ang dalawang team!" "U-Uhh, ganun ba? Ah! Oo! Talaga?" Wala parin siya sa sarili. "Ano bang nangyayari sa`yo?" "W-Wala. Nga pala, sa unang pagkakataon ngayon na semester, nag practice si Brent Cruz kanina. Wala sigurong magawa." "Naubusan siguro ng babae." Sabi ko. "Di ka na ba niya sinusundo?" Ngumisi si Emily. "Oo! Ayoko na!" Ngayon, silang dalawa na ang nakangisi. "Ayoko na? Bakit? Noon, gusto mo ba?" Tanong ni Jason. Pasalamat ka`t di kita binubuko kaya manahimik ka diyan at baka magbago ang isip ko, Jason! GRRR! haha! "Hindi rin! Hello! Si Brent Cruz yan! Hindi yan si Robert Lim o si Enzo Santos o Martin Mercado! Si BRENT CRUZ." "Hi!!!" Biglang sumulpot sa harapan ang isang nakakahilo sa gandang babae.

Halos napatalon kaming tatlo, lalong lalo na ako, dahil ako yung nagsasalita at nag eemphasize kung gaano ka Brent Cruz si Brent Cruz. "Hi Catherine!" Sabi ni Emily. "You can call me Kitchie! Diba, Max?" Ngumiti siya. Nginitian ko na rin. "Anyway, what, you`re talking about Brent Cruz?" Nabigla ako nang tinanong `to ni Kitchie. "Uh, Oo. Kilala mo?" "Uhm... No! Hehe. Pero... I heard him... I heard he`s gwapo!" Halos masampal ko ang sarili ko sa sinabi ni Kitchie. Yun lang ba ang narinig ni ya? Di ba niya narinig na playboy yun? GRRR. "Maraming girls na nagkakandarapa sa kanya dun sa skul ko nung highschool, but I haven`t met him yet." Tumango si Jason at Emily. Ako naman ay napa head-to-foot kay Kitchie. Oh great! Ngayon, binigyan niya ako ng ideya. Dapat ko siyang ilayo kay Brent Cruz dahil sa itsura nitong si Kitchie, baka madali `tong mapaikot dahil sa kabaitan at ka inosente, at dahil sa kaganda han ay matukso niya si Brentat paglaruan pa siya nito. "Hi Maxine! OMG! You look so fabulous! i like your style." Si Ara naman ang nag head to foot sa akin ngayon. "Ahh. hehe Salamat, Ara!" Ngayonm di ko alam kung paano `to. Nandyan kasi ang mga kampon niya sa likuran n a sina Lia at iba pa. Tapos kasama ko pa `tong si Emily at Jason. "I think my Balenciaga would look great on you. Punta ka sa bahay ha. Ibibigay k o yun sa`yo..." OMG! Punta sa bahay? BAHAY NINO? Bahay ng mga Cruz? Ang Brent? That demon! Brent DEMON Cruz! Sorry sa mga iniisip ko, Ara! Feeling ko tuloy tinatraydor ko siya. "Sige bah!-" bago ko pa "Eww." Natigil siya kay "Hi! I know you, you`re e Kitchie." Ngiting ngiti madagdagan ay napansin niya na ang aking mga kasama. Kitchie dahil ang dalawa ay kilala niya na. Ara right? My name is Catherine San Juan. You can call m pa si Kitchie habang naglahad ng kamay.

Si Ara naman ay sumulyap sa mukhang nandidiri niyang mga kaibigan sa likuran. Nginitian niya rin si Kitchie, pero nanunuya ang ngiti niya.

"I can`t believe Maxine`s in here. Gosh!" Tumingin siya sakin. "Nice choice of p eople, Max! Well, I don`t care... they`re just your... uh... classmates anyway. Nothing special, right?" Nagkibit-balikat ako at halos matawa sa mukha niyang worried at naghi-hysterical para sa akin. "They`re cool." Sabi ko. Pati si Emily at Jason ay bahagyang natawa. "They can`t be..." Dinungaw niya ang kamay ni Kitchie na nakalahad parin. "Oh my gosh!" Tapos umalis na siya kasama sina Lia. "Did you see that? My Maxine is abducted by those filthy insignificant others..." Sabi niya kay Lia at sa iba pa ng kasama. "Max!" "Yep?" "Call me, aryt?" "Aryt!" Ngumiti siya sa akin at binigyan ng maasim na mukha ang mga kasama ko at tuluyan g umalis. Natawa si Jason at Emily sa asta ni Ara.

"She... didn`t like me?" At si Kitchie ay hilong-hilo pa sa pagtanggi ni Ara Cruz sa kanya. Syempre, si A ra Cruz yun, alam niyo naman yun. Pero may parte din saking sumigaw na, 'pero si Kitchie San Juan din ang tinanggihan niya, Ms Teen Phils, Miss Congeniality'. Oh well, that`s just becaus e... again... "She is Ara Cruz." H2.Common friends

"Kilala mo pala si Ara Cruz?" Tanong ko kay Kitchie habang umuupo kami para umor der ng kape sa Coffee Bean. "Oo. I mean... sinong hindi nakakakilala sa kanya." Sabi niya. Halatang hindi parin siya mapakali sa nangyari. "Edi kung kilala mo siya, dapat alam mo na ring hindi siya madaling ma-impress a

t masyado siyang maarte." Sabi ni Emily. "Uh, pagpasensyahan mo na si Ara, Kitchie." "Si Maxine lang yata yung gusto niya sa mga freshmen eh kaya wa`g kang mag alala , di ka nag-iisa!" Dagdag ni Emily. "Buti ka pa, Max... Gusto ko kasi siyang makilala eh kasi sikat siya at maganda. Sabi pa ni Daddy mabait daw si Ara." "Kilala ng Dad mo si Ara?" "Uh, kasosyo kasi ni Dad ang Governor sa business." Tumango ako. "Anyway," Umaliwalas ang mukha niya. "marami pa naman akong time para maging kaibigan siya kaya okay lang!" "Oo nga naman." Sabi ko. Abala si Emily at Jason sa pag uusap tungkol sa mga librong dala ni Emily. Minsa n nga pinagmamasdan ko silang dalawa, masaya. Pero yun nga lang di ko maialis sa isipa n ko na manhid din itong si Emily kung minsan at ito namang si Jason sobra sa pagkatorpe ! "Hi!" Bigla kong naaninaw si Chad. "Chad!" Sabi ni Kitchie. Ngumiti si Chad kay Kitchie at sa akin. "Hello!" Ngumiti din ako. "Upo ka muna..." Umupo din naman si Chad at ngumiti. "Magkakilala ka`yo?" Tanong ni Kitchie. "Oo. Since highschool." Sagot ni Chad. "Cool! Ah oo nga pala! Kaya din magkakilala ka`yo ni Ara, Maxine, dahil schoolmates kayo nung Highschool diba?" "Oo." Tumango si Kitchie. Siguro ang mga tipong babae ni Chad ay ang mga tulad ni Kitchie. Mabait, friendl y, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Iniisip ko pa lang nagseselos na ako eh. "Chad, kelan nga ba yung training camp natin para sa Intergames?" Tanong ni Jaso n. Oo nga pala, si Jason ay parte din ng basketball varsity team. "3rd week of the month pa naman yun. Tsaka dalawang araw lang, bakit?" "Hindi ba pati ang volleyball team, Max?" "Huh? Hindi ko alam eh?" "Oo! Si Coach Paul din diba? Ibig sabihin may training camp tayo magkasama." Sab i ni Jason. Nabigla ako! Traning Camp? WHOA! Bakit huli ako sa balita? "Wow! Talaga!? Oo nga pala! Malapit na ang Intergames! Naku, Max, magchi-cheer talaga ako para sa`yo!" Sabi ni Kitchie na mas excited pa sa akin. "Gumawa tayo ng banner, Emily!" Si Emily naman ay inayos lang ang eyeglass niya at ngumiti sa akin.

"Wa`g na no, nakakahiya!" "Ang galing mo kaya! Marami ka yatang fans sa mga kaibigan ko! Naku! Excited na ako!" Pumalakpak pa siya. "Pati din sa Basketball team, Chad!" Ngumiti siya kay Chad at ngitian din siya nito. "O sige bah!" Nakakainggit naman! May guts siyang mag cheer kay Chad, ako nanonood naman ako sa games nila...nagchi-cheer din naman pero... nakakainggit yung moment nila. "Hello, Dad?" Biglang umalis si Emily para sagutin ang phone niya. Tumingin ako kay Jason, "Kukunin na siguro." Sabi niya at linigpit ang mga libro ni Emily. "Maxine! Pag mananalo kayo sa Intergames mag celebrate ta`yo huh?" "Oo bah! Pero naku, hindi ko alam kung mananalo kami, magagaling yata yung ibang universities eh!" "Sigurado na yan! Kaw pah!" Ngumiti na lang ako. "Nga pala, Chad, kamusta ka na?" Tanong ni Kitchie kay Chad. "Okay lang naman." "Sina Tita at Tito, kamusta na?" Oo nga pala, family friend nga pala nina Chad si Kitchie. "Okay lang. Si Dad mejo pressured sa trabaho. Kayo? Tsaka di kana masyadong pumupunta sa bahay ah?" Kakainggit naman talaga `tong si Kicthie! "Max?" Nakabalik na si Emily. "Alis na ako. Nandyan na sundo ko eh." "O sige-" "Ako din Max, ihahatid ko si Emily sa labas, tapos aalis na rin ako." Napatingin si Emily kay Jason at binalewala ulit hanggang sa umalis na silang da lawa. Halos kalahating oras sina Chad at Kitchie na nagchi-chikahan. Paminsan-minsan a y nasasali din naman ako sa kanila. "Uuwi na siguro ako. Hinahanap na ako ni Dad eh." Sabi ni Kitchie. "Ako din." Sabi ko nang namalayang gabi na. "Sige, ihatid ko na lang kaya ka`yo?" "Talaga? Sige bah! Malapit lang din naman ang bahay namin sa inyo." Ngiting-ngit i si Kitchie. "Ikaw, Max?" Tanong ni Chad sa akin. "Uh eh, malayo ang samin eh. Domino Heights..." "Okay lang... hindi pa kita naihahatid eh." Pero ayaw ko talaga. Nakakahiya kasi eh, sa kabilang dako ng syudad pa ang Domin o Heights. Kailangan pa nilang bumalik sa dinaanan nila galing sa amin para lang makauwi sa kanilang mga bahay. Nakakahiya.

"Oo nga, Max! Okay lang naman yun!" "Pero matatagalan pa kayo..." "Okay lang. Walang kaso yun kina daddy lalong lalo na kung si Chad ang maghahatid sa akin." "Uh, sige... kayong bahala." At hinatid nga nila ako. Nasa likuran ako samantalang si Kitchie ang nasa harapa n. Talak siya ng talak habang nagmamaneho si Chad sa sasakyan niya. Unang beses kong makasakay sa sasakyan ni Chad ngayon. "Hahah!" "Naalala nung 3rd kaibigan Kanina pa sila tawa nang tawa dahil sa mga naalala nilang mga sandali. mo year high school ka na birthday mo? Ano nga ulit yung pangalan nung mong kumanta sa harapan na nidedicate ang kanta para sa akin?"

Nakarating na kami sa labas ng subdivision. Lumiko naman agad si Chad. "Idiresto mo lang, Chad, tapos sa kanan." Sabi ko. Tumingin si Kichie sa akin habang nakangisi at di pa napapawi yung tawa sa mga p inag usapan nila ni Chad. "Sorry. hehe." For interrupting. "Anong kulay ng gate niyo, Max?" Tanong ni Chad. "Maroon." Sabi ko. "Hmmm, third year high school? Birthday ko? Sino ba yun? Anong kinanta?" "Yung kumanta ng Crazy for this Girl?" "Dito!" Sabi ko at agad hininto ni Chad ang sasakyan. "Sorry ulit." "Ah! That was Brent Cruz." "Ahhh! Brent Cruz." Brent Cruz? "Uhmm, salamat sa pag hatid. Uh, gusto niyong pumasok muna?" Tanong ko. "Mmm, next time na lang siguro, Max. Baka hinahanap na `tong si Kitchie sa kanil a eh." "Yun nga rin ang iniisip ko eh. Sige, salamat ulit." Lumabas na ako sa sasakyan at nabigla ako ng lumabas din si Chad. "Thanks for today." Sabi niya. "Ako nga dapat magpasalamat eh." Tiningnan niya ang bahay namin kaya napatingin na rin ako. "Nahatid na rin kita, finally." Ngumiti siya. Kinikilig talaga ako kay Chad!!!

I1.Nice meeting

"Okay, team! Assemble!" Sigaw ni Coach Paul. Agad kaming pumwesto sa harapan niya, nakalinya. "Next week, magkakaroon tayo ng training camp kasama ang basketball team!" Namuo ulit ang bulong-bulongan sa mga teammates ko. Lahat yata excited, pero wal a nang makakatalo sa excitement ni Chloe. "Another training camp! OMY! Last year was the best! But I know this year`s better!" Sabi niya sa assistant team captain. Oo nga naman, siguro may training camp din dito last year. High school pa ako nu n eh kaya di ko naabutan. Sa isang beach resort din gaganapin ang training camp. Excited din naman ako, di ko yun maitanggi. Kaya lang sa tuwing tinitingnan ako ni Chloe ay parang kinikilabutan ako. Para kasing may masamang balak siya sa akin. Hay! Okay, alam ko! Alam kong kaya mainit ang u lo niya sa akin dahil bukod sa kanya ay malapit din ako kay Chad. Siguro para maiwasan ang gulo ay hindi na lang muna ako masyadong lalapit kay Chad. Napatingin ulit ako kay Chloe habang liniligpit ang bolang nakakalat sa court tu lad ng ibang freshmen. Nginuso niya si Brent na nasa kabilang panig ng court at mukhang hinih intay ako. "You`re dismissed now." Ngumisi siya sakin. Sabi na nga ba! Mas gugustuhin niyang mapunta ako sa hinayupak na Brent na `to k aysa sa crush niyang si Chad! Syempre! Sino bang buang ang gusto maagawan ng crush? Agad na akong nagmartsa palabas ng court. Pero bago ako nakalabas ay tinawag ako ni Coach. "Miss Alvarado!" "Coach!" Pumunta ako sa kanya. Sumulyap siya kay Brent na nakatingin sa amin at tumingin ulit sa akin. "You`re dating one of my basketball player?" "Huh? Uh, di po!" Ngumisi siya. "And it`s Brent Cruz?" "Hindi po! Hindi po Coach!" Nagkibit-balikat siya. "It`s okay, Miss Alvarado. Mabait naman yan. Babaero, per o this past few weeks eh wala na akong nakikitang babae na nakapaligid sa kanya." Pagkatapos nang sinabi niya, naalala ko yung gabing hinatid ako ni Chad at Kitch ie sa

bahay. Crazy for this Girl. Isa din yun sa mga paborito ko ah. At ano yung kinan ta niya para sa akin nung training camp sa high school? Stolen!? Ilang babae kaya ang kinantahan ng lecheng playboy na yun? Napatingin ako sa kinaroroonan niya, nakatingin siya at nakangiti sa akin. Ano n ga ba ang ginagawa niya dito? Pagkatapos ng ilang linggo naming di pagkikita (at kung nagk ikita man kami, malayo kami sa isa`t-isa) ay may lakas ng loob pa siyang magpakita sa akin ...ng nakangiti? Hala! Si Kicthie! Nasa likuran niya, papunta ng court at kumakaway sa akin! Pata y! "Coach, bye! Gotta go!" Hindi ko na hinintay na magsalita si Coach Paul at agad na akong kumaripas ng takbo palabas ng court. Oh no! Oh no! Oh no! :(" title="Angry" border="0" class="smiley" style="vertical-align: bottom; "> Teka? Ba't ganyan ako makareact? Bahala na nga yung Brent na yan. Oo, okay lang si Brent. Pero si Kitchie! Di pwede! Sigurado akong magugustuhan siya ni Brent at baka paglarua n niya lang yun. "Tayo na!" Sabi ko kay Brent habang nagpapa as-if na di ko nakita si Kitchie. "Missed me?" Sabi ni Brent habang tiningnan ang kamay kong hinihila ang kamay ni ya. "No way!" Sabi ko at agad binitawan. "Maxine! Maxine!" Patay! Si Kitchie, tumatakbo papunta sa amin ni Brent. Oh God! Oh no! "Whoa. Sino yan?" Tanong ni Brent habang nakangisi at tinitingnan si Kitchie. Umiling na lang ako. Brent Cruz. Pati yung mga ex-prey niya hindi niya naaalala! Ganyan na ba talaga ka rami ang nabiktima niya!? "Hi Maxine! Hay! Napagod ako dun ah! Di mo ba ako nakita kanina?" Tanong niya habang humihingal sa harapan namin. Good timing! Naka shorts lang at t-shirt si Kitchie. Kaunti lang ang saplot niya ngayong araw na `to. Sana nga lang ay may ilang units siya sa Brentology! Grr... Tiningnan ko si Brent pero nakangiti lang ang mokong sa akin. "Uh, hindi eh. Saan ka pala papunta?" "Hmm, pupuntahan sana kita. Alam ko kasing patapos na ang praktis niyo. Alam mo na, baka pwedeng mag kape ulit ta`yo?" KAPE? TAPOS WITH BRENT?

Napansin ni Kitchie ang lalaking katabi ko. Syempre, sino bang hindi makakapansi n sa kagwapuhan ng hinayupak na `to. Kung di siguro `to playboy ay matagal na akong n agpakasal sa kanya, kaso, playboy eh, kaya over my dead and decaying body. Joke lang! Hindi a ko magpapakasal kay Brent kahit di siya playboy no! Bahala siya sa buhay niya. "I'm Brent Cruz." Naglahad ng kamay si Brent kay Kitchie. "Oh! Brent Cruz... ikaw yung sa birthday ni Chad?" Ngiting-ngiti si Kitchie haba ng kinamayan ang nalitong si Brent. "I'm Catherine San Juan. Kitchie na lang." "Birthday ni Chad? Kelan?" "Uh, 3rd year high school siya nun." "Ah... yeah!" Sabi ni Brent. Napairap na lang ako sa kawalan nang halata sa mukha niyang hindi niya naalala a ng pinagsasabi ni Kitchie. "Saan ka nga pala nag-aral nung highschool?" "Sa Waldorf." Ngumiti si Kitchie. "Ahh! Totoo palang magaganda ang mga taga dun." Ngumiti pa lalo si Kitchie. "Thanks! And thanks! Di pa kasi ako nakakapagpasalam at sa`yo nung birthday ni Chad. Nagustuhan ko yung kinanta mo. Crazy for this Girl. " "Ahhh! oo nga pala!" Mas lalo akong napairap nang nahalatang ngayon niya lang ta laga naalala ang lahat. Brent Cruz! You playboy! "No problem! That song suits you, anyway." Ngayon, namumula na ang pisngi ni Kitchie. Oh no! Oh no! Oh no! "Uhm, Kitchie, di kasi ako pwede ngayon eh. Uuwi na ako. Kung gusto mo si Brent, okay lang sa kanya. Magkape ka`yo." Sabi ko, sarcastically . Si Brent nakangisi lang sa akin. Kawawang Kitchie, biktima na naman ng notorious na si Brent Cruz. Pero di ko nam an hahayaan yun, ano. Bakit ko nga ba sinabi yun? Hindi maari!Kaibigan ko si Kitchie at maba it siya! Di pwedeng biktimahin na lang siya basta-basta ni Brent Cruz. "Hindi rin ako pwede, Max eh. May ihahatid pa kasi ako pauwi." "Aww, ganun ba. Sige next time na lang siguro Max, Brent!" "Okay, Kitchie." "Sige, alis na ako, hahanapin ko na lang ang mga kaibigan ko. Bye. Uh, nice meet ing you, Brent!" "Nice meeting you, Kitchie." Nagngitian ang dalawa. Hindi ko na hinintay na umalis si Kitchie, tinalikuran ko na silang dalawa at umalis mag-isa. "Hey." Agad naman akong inabutan ni Brent at kinuha ang gym bag ko. "Ano bang ginagawa mo, akin na nga!" "Girls shouldn't carry heavy things."

"Shut up, Brent." Kinuha ko ulit pero hinayaan ko na lang nang naramdamang mahig pit ang kapit niya sa bag ko. "Ba't di ka sumama kay Kitchie? Pagkakataon mo na yun!" I2.Butterflies

"Pagkakataon saan?" "Diba gusto mo ng mga ganung girls? Ang ganda niya kaya!" "Are you jealous?" Natigilan ako sa harap ng locker room nang tinanong niya ako nun. "Ilang beses ko ba dapat sabihin sa`yo na hindi ako kailan man nagselos o magseselos sa mga babae mo." Padabog kong linagay at kinuha ang mga gamit ko sa locker. "That's good! By now you should have realized that I'm clearly pursuing you, jus t you." Habang sinasabi yun ni Brent ay binibigyan ko siya ng nakakadiring ekspresyon. N akakainis naman talaga. "Brent, hindi ka parin talaga nahihiya sa akin ano? Mahiya ka nga sa mga sinasab i mo. Alam ko. Kilala kita. Nung highschool pa lang. Kaya kung naghahanap ka ng mabibiktima, siguraduhin mong hindi ka kilala." Umiling ako at sinarado ang lock er. "Hay, Maxine Alvarado. Ano ba talaga ang dapat kong gawin para makita mo ako?" Naglakad kaming sabay at ayan na naman ang mga tingin ng ibang tao. Nakita ko pa si Lia kung saan na lumiko sa dinadaanan namin at mukhang affected. "Brent, tigilan mo na nga yan? Nakakasakit ka ng mga tao eh." "Huh?" "Kita mo si Lia? Nakita niya tayo, pwede ba! Masasaktan yun dahil sumasama-sama ka sa akin." "Ilang beses ko ba talagang sasabihin sa'yo na makaibigan lang kami ni Lia?" "Magkaibigan? Anong klaseng magkaibigan ang naghahalikan at mukhang magsyota. Siguro nga na ano mo na siya eh." Tumawa siya. "Tapos hanggang ngayon di ka parin natatapos sa pagsasabing kaibigan mo lang siya?" "Kasi yun naman ang totoo. We have no commitment!" "And then? Andito ka sa harapan ko at kung anu-anong pambobola ang sinasabi mo diyan tapos aasahan mong maniniwala ako. Oh my gosh, Brent Cruz. Napakaimpossible mo talaga!" "Aryt! I understand! Lika na, ihahatid na kita, unless gusto mong magkape muna." Brent and his evil smile. "Ayoko! Uuwi na ako." "Then, let's go!" Pumunta na kami sa Porsche niya.

"Anong ginagawa mo sa mga linggong hindi ka nagpapakita sa akin?" Tanong ko. Pati ako'y na weirduhan sa tanong ko kaya naunawaan ko ang ngisi niya sa mukha. "Mmmm, practicing basketball, hitting the gym... thinking about you." "HA! HA! HA! Okay! Ang boring naman." Hindi naman ako maniniwala dun. Alam kong sa gitna nun ay ang pakikipagkita sa m ga babae tulad nba lang nung Amanda Myers na yun at nagpupupunta sa iba't-ibang motel. Binuksan niya ang pintuan ng Porsche niya at pumasok ako agad. Pagkasarado nito, bigla kong naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. para bang may aura sa paligid na nagsa sabing nasa teritoryo ako ni Brent Cruz... Pagkapasok niya sa loob, tiningnan niya ako gamit ang nakaka-pout. Natawa naman ako sa mukha niya, kaya pati siya'y natawa sa tawa ko. "Wa'g ka ngang pa-cute jan, di tumatalab!" Tumingin ako sa labas. "Ows? Ayaw mo lang aminin eh." Nakangiti na ulit siya pagtingin ko sa kanya. "Paborito mo din pala yung Crazy for this Girl at nakantahan mo pa talaga si Kitchie." Nakangisi parin siya habang nag iistart ng engine. "Maganda yung kantang yun, meron ba yun dito?" Sabay kuha ko sa iPod niyang nakalatag lang sa harap. "Sa tuwing binabanggit mo ang mga babaeng nalilink sa akin at dinidiinan mo ang bilang nila, lagi kong nararamdamang nagseselos ka, Maxine." "Shut up! Gross! Selos? Ikaw? Brent, tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin. Tsaka ano bang sinabi ko? Sinabi ko lang namang gusto ko yung kantang Crazy for this Girl eh?" "Can we talk about the song I dedicated to you instead?" "Anong kanta?" Lagi kong iniisip na ang kantang Stolen noon sa Training Camp ay dinedicate niya sa akin. pero dahil ayaw kong maging assuming, lagi kong tinatanggi yun sa tuwing napag-uusapa n na. "Oh come on! Stolen? Sa training camp!" "So? Ibig sabihin, ako yung nanakit sa'yo? Are you kidding me? Who can hurt Bren t Cruz?" "You..." "Ugh! Brent. Tama na. Ayoko na. Akala mo ba di ko alam na marami ka nang kinantahan na babae. Siguro na love at first sight ka kay Kitchie nung birthday ni Chad, ano? Ang ganda niya kasi, ba't di mo siya ligawan?" "Yep, I'm kinda fascinated with her beauty." Umirap ako sa kanya kasi nakangisi na naman ang feeling! Tumigil kami sa traffic light. "Like I was with you."

"See? At marami pang iba." Kita niyo na 'tong playboy na 'to? Di na nahiya talaga umamin sa akin kung paano siya natutukso sa panlabas na anyo ng mga babae. Sobrang manyak! "Yes. But you are different, Max." Pagod na akong makipagtalo. Sinandal ko na lang ang ulo ko sa salamin ng sasakya n niya. "Alam mo, Brent. Gusto kong malaman mo na kahit bigyan ako ng bilyon-bilyon hindi ako maniniwala sa'yo. Tama ka, iba ako sa mga babae mo, dahil hinding hind i mo ako, kahit kailan, mauuto!" Nakangisi siya habang tinitingnan akong pagod nang makipag away pa sa kanya. "Playboy ka, I get it! Hindi mo na kailangang ipakita pa yun mismo sa akin at iparamdam." "Have you ever felt something weird in your stomach when you see someone?" "Huh?" "Yung parang nakakakiliti na parang...ewan. Di ko ma explain." "Butterflies in your stomach? Don't tell me ganyan ang nafifeel mo pagnakikita m o ako? Brent, lumang style na yan. Ilang babae na ba ang sinabihan mo ng ganyan?" "Wala pa. Ikaw lang. Kasi sa'yo ko lang din 'to naramdaman." Tiningnan ko ang mukha niya. Kakutya-kutya naman talaga ang sinabi niya kaso aya n na naman ang panirang pagseseryoso nang mukha niya. Yan ang hirap sa mga manloloko at mga sinungaling eh. Hindi mo alam kung alin sa mga sinasabi nila ang hindi totoo at ang malapit sa katotohanan. J-arcs J1.Sure

*PRRRRRRRRRRT!* Pito nang traffic enforcer. Tumawid na naman kasi ako bigla dahil sa pagmamadali ko. Sa school kasi ang assembly para sa training camp tapos tinanghali pa ako ng gising! Patay! Sigurado na talaga ako, umalis na sila! OMG! Naiwan na yata ako! "Maxine Alvarado!" Humarang si Lia sa dinadaanan ko. "Lia?" Like, wow? Sa ilang taon naming schoolmates, ilang ulit lang siya nagsalita sa a

kin. At ngayong nakapagsalita ulit siya sa harapan ko, buong pangalan ko pa ang binanggit niya. "Is Brent courting you?" Sa tono nang pananalita niya, ekspresyon ng mukha at piniling paksa, alam ko na kung ano ang ibig sabihin niya at kung saan patungo ang usapan. "Huh? Hindi!" Binigyan ko siya nang maasim na mukha. Ngumisi siya at tumaas ang isang kilay. "Really?" "Hindi..." Sinubukan kong umalis at iwan siya pero may follow-up question pa pala. "Anong mga ginagawa niyo at bakit kayo laging magkasama?" "Uh, kasi malapit lang ang bahay namin sa kanila at nautusan siya ng mga magulan g ko na ihatid sa bahay. Hindi naman kami laging magkasama ah?" "I can see it. He's so fond of you. What did he tell you?" Pagkatanong niya nun, naalala ko yung gabing hinatid niya ako sa bahay. 'Butterf lies in my stomach', ang korni nun, buti na lang at di niya alam kung ano ang tunay na tran slation nang sinabi niyang may kung ano sa tiyan niya. Well? At maniniwala naman ako dun? Pic k up line niya yun! Para magmukhang astig kahit corny! "Wala? Binabanggit niya ang mga nakakahalubilo niyang babae. Yung mga nakakasama niya. Binanggit ka nga niya minsan eh." Alam kong gusto niya 'tong ma rinig. Umaliwalas ang mukha ni Lia. "Really?" "Oo. Kayo na ba?" Sumimangot siya. "Hindi! But maybe yes! Idunno with Brent, really." Sa mukha niy a ngayon na nakangiti at namumula, halatang halata na gustong-gusto niya si Brent. "We kiss, do things... act like lovers. Pero magdadalawang buwan niya na akong iniiwasan, I thought he was finally courting somebody. You know Brent, he's like a bee, flying from flower to flower. He's kinda scared of committment and falling in love." "Talaga? Sinabi niya yan?" "Nope... But I figured out. Marami siyang babae pero ni isa sa kanila wala siyan g linigawan. I'm lucky that I'm with Ara, hindi niya ako basta-bastang iiwan. Ikaw , you don't like him, do you?" "Hindi no!" "Aw, okay!" "Si-Sige ah? Alis na ako!" Umalis na agad ako at kinilabutan sa mga nalaman.

Nainis din ako lalo kay Brent! Kung ayaw niya ng committment at wala siyang plan o sa mga babae niya, sana wa'g na lang niyang paasahin! Kaya naman ako naging number 1 st udent ng Brentology dahil ako lang ang nakarealize ng mga ito, diba? Salamat sa magandang breed ng utak, mama at papa. "Miss Alvarado! You are so late!" Sabi ni Coach Paul. Bagong gupit ang buhok niya at lalong umaliwalas ang mukha. "Sorry, Sir! Tinanghali po." Agad na akong pumasok sa bus na magdadala samin sa isang abandonadong beach reso rt kung saan daw kami mag ti-training. Pagkapasok ko palang, ngiti na ni Chad ang nakita ko. Nag uusap sila ni Brent at iba pang teammates. Si Chloe naman nakataas ang isang kilay at tinuro ang upuan ko sa lik uran ni Brent Cruz. Umupo na lang ako at tumingin sa labas ng bintana habang umandar ang bus. Dalawang araw, isang gabi. Yun lang ang kailangan ko para matapos na ang trainin g camp na ito. Naalala ko tuloy nang sinabi ko kay Chad ang nararamdaman ko noong Training Camp sa highschool.

"Hi, Max. Can I sit here?" Sabay turo niya sa tabi ko. Napatingin ako sa kay Brent na halos di ko mabasa ang ekspresyon, tinititigan ni ya lang ako pinagpapawisan na ako ng malamig, para bang may pananagutan ako sa kanya at may utang ako pag pumayag ako sa alok ng nasa tabi ko. Nakita ko rin si Chloe na umiiling at n akataas ang isang kilay. Nakita ko ang pasekretong bulong-bulungan ng mga teammates ko at ng ibang

taga basketball team.

"Uh, sure, Chad." J2.Running alone

Hindi naman malayo ang Beach Resort na pinuntahan namin. Habang nakaupo kami ni Chad sa bus ay pinagtripan namin ni Chad ang alaala noong sembreak noon. Naiilang nga ak o eh kasi alam niyo naman ang nangyari nun. Siguro ako lang ang naiilang dito, kasi ako la ng naman ang may feelings sa kanya eh. "Salamat." Sabi ko nang tinulungan niya ako sa bag kong dala papalabas ng bus. "Walang anuman-" Ngumiti siya. "Chad, dude! Saan ka pupunta?" Biglang sumingit si Brent. Pa-cool lang ang dating ng mokong. "Uh-" "Doon ang boys dorm." Sabay turo sa isang building. "Sabi ni Coach. Dito ang gir ls dorm." Tinuro niya ang katabi. Isa-isa ng nagpuntahan sa mga dorms ang mga teammates ko at mga basketball playe rs. "So, sige Maxine. See you later." Ngumiti si Chad. "Okay! See ya!" Nginitian ko na rin siya. Pero sa likuran niya, nandun si Brent at may bakas ng panunuya sa kanyang mukha. "Bye, Max!" Sabi ni Brent nang nagtagumpay nga siyang ilayo si Chad sakin. Whatever, Brent! Linagay ko na ang mga gamit ko sa loob ng dorm at nagpalit ng jersey. Lumabas na rin kami at nagsimulang mag warm up sa tabing dagat. "Okay team, I made routines for today. Kailangan niyo lang `tong sundin. After warm up, you're gonna jog, from there..." Sabay turo sa kabilang panig kung nasa an nag wawarm up ang basketball team. "to there." Sabay turo sa kabila naman.

Ang layo nun ah? "I am working out your stamina. Especially you, Miss Alvarado!" "Yes, Coach!" "You have this new strategy, diba?" "Huh?" "I can see it in your games. May bago kang strategy para mas mabilis mong mahabo l ang bola kahit saan sa court." Tama si Coach, meron nga. Hindi ko alam kung paano ko yun nadiskubre. Mahina kas i talaga ako sa stamina. Madali akong napapagod kumpara kina Chloe. Kaya masyado akong desper adang magkaroon ng strategy para mas mabilis kong makuha ang bola nang hindi masyadong tumatakbo. Split-step. Imbis na tatlong hakbang ang tatakbuhin ko, isa at kalaha ti na lang, kaya mas mabilis akong makakakuha ng bola. Kaya lang, di ko masyadong ginagamit ito d ahil bukod sa makasarili masyado ang uri ng pamamaraan, mas nakakapanghina din pala ito sa tuh od at paa. Kaya eto, kailangan ko na lang talagang pataasin ang stamina ko. "Bilisan mo nga, Alvarado! Lagi ka na lang nahuhuli!" Sigaw ni Chloe sa akin nan g nag jogging na kami. Umalis na kasi si Coach para tingnan naman ang basketball team. "Hindi naman kasi pabilisan ng takbo ang jogging." Sabi ko ng wala sa sarili.

Natawa tuloy ang mga teammates ko at mas lalong nagalit si Chloe. "Anong sabi mo?" Tumigil siya, tumigil kaming lahat sa pagtakbo. "Uh, diba kasi nga, jogging, hindi naman 'to track n field-" "I don't care! I'm your captain here! Run laps!" Nagbulongbulungan ang mga teammates ko. "Anong mga pinag uusapan niyo jan? At sino yung mga tumawa kanina? Gusto niyong sabayan si Maxine?" Katahimikan. "Nevermind! Maxine, you can run laps, alone. Dito, hanggang doon, tapos pabalik. 10 times!" "Huh? Sobra naman yata-" "Ano? Nagrereklamo ka? You have such a special treatment from Coach Paul, I wonder why?" Binigyan niya ako ng nakakadiring tingin. Para bang may ginagawa kaming masama ni Coach Paul. "Di mo ba siya narinig kanina? 'Especially you, Miss Alvarado'? You have a diffe rent set of routine. And I have the right to implement this now, because I am your

captain!" Umirap na lang ako. Hindi na talaga ako nahiyang umirap sa harapan niya. Paano b a naman kasi, kahit na maging mabait ako sa kanya, mukhang desidido talaga siya sa pamemeste s a buhay ko. "Now, Go! Alvarado. We are just here. Jogging. At ikaw, run laps! Now!" "Okay, whatever!" Tumakbo na lang akong mag-isa. TAKBO. Nakakainis talaga! Sabagay, ayaw ko naman talagang makasama ang team dahil nandun si Chloe. Di bale na nga lang na mag-isa ako at t umatakbo pa. Paminsan-minsan tumitigil ako. Nakakapagod kayang tumakbo. At takbo ulit! Nakakabwisit talaga ang Chloe na yun! Ano ba ang problema niya. Pakiramdam ko tu loy parang impyerno ang sasapitin ko dito. "Max, running alone?" Sigaw ni Chad na nagwawarm up. Dinaanan ko. Tumango na lang ako. Hindi na ako makapagsalita ng mabuti sa kakahingal ko. "Miss Alvarado." Tumingin si Coach sa kabilang panig ng tabing dagat. Nandun ang team. "Why are you running alone?" "Sabi ni Chloe, coach. May ibang routine daw ako." "Yes, you have! But that doesn't require you to run alone!" Umirap na naman ako. Yeah, right! Nakakabadtrip na `to ah! Umamba si Coach na pupuntahan ang team pero pinigilan ko siya. "Wa'g na, Coach. Mas gusto ko rin naman na tumakbong mag isa." At nagpatuloy ako sa pagtakbo. J3.Guilty

Pinatigil din naman ako ni Coach pagkatapos ng ikaanim na ikot. Grabe, nakakapag od! Buhangin kasi ang tinatakbuhan ko kaya masyadong nakakapagod. Ngayon naman, may hinanda si Coach na routines. Kung anu-ano. Minsan naiisip ko, nagbibiro siya sa mga pinagagawa niya sa amin. Kaya lang, habang nagtatagal, lalo kong nar aramdaman ang epekto. "Okay, team! Good work! Lunch break muna!" Nagsipuntahan na rin kami sa isang mukhang cafeteria sa gitna ng dalawang dormit oryo. Gigil ang mga kateam kong pumunta sa cafeteria or restaurant ba yan dahil nandun ang m ga basketball players. Ako naman, kahit na gigil din ako dahil sa gutom ay di ko mapigilang ma glakad ng

mahina dahil masakit ang mga binti ko. "Uy, Max! Dito ka!" Agad kong nakita si Chad na nag alok ng upuan sa tabi niya. Kaso... "Hi Chad! May nakaupo na ba dito?" Tanong ni Chloe. Sumulyap si Chloe sa akin at inirapan ako. Syempre, dahil ayaw ko talaga ng gulo , inayawan ko na lang si Chad at sinenyasang okay lang. "Come here." May bumulong bigla sa tenga ko. Agad akong kinilabutan nang nakita ko kung gaano ka lapit si Brent Cruz sa akin. Nakangisi pa. "With me." Andyan na naman ang mga mata niyang mapupungay at parang walang makakatanggi. Su munod na lang ako dahil wala na ring bakanteng upuan bukod dun sa tinuro niya. "Stop flirting with Chad, okay?" Sabi niya habang paupo kaming dalawa. Nakita niya yata na kahit may pagkain na sa hapag naming dalawa ay panay parin a ng titig ko kay Chad at Chloe na nag uusap. "Hindi ako nag fi-flirt sa kanya no!" Sabi ko habang kumakain. "Just stop. Mainit na yata ang ulo ni Chloe sayo. Pagsasabihan ko talaga yung babaeng yun." Napatingin ako kay Brent. Parang wala lang na sinabi niya yun sakin. Hindi ko ma laman kung seryoso ba siya o ano. "Maybe my twin can do something about it..." Nag isip siya. "Or maybe I...can do something about it." "Huh? Anong gagawin mo?" Ngumisi siya. One. Creepy. Smile. "Brent, kung ano man yung iniisip mo o pinaplano mo. Tigilan mo na yan, ano!" Hindi parin matanggal sa mukha niya ang ngisi niya. "Bakit? Ano sa tingin mo ang gagawin ko?" His face. My gosh! Ayaw ko ang tono ng boses niya at ang ekspresyon sa mukha niy a. Halos magbulungan na lang kami dito dahil natatakot ako sa plano niya. "Alam ko ang ibig sabihin ng mukhang yan, Brent! Stop it." "Bakit? Ayaw mo nun?" Mas lalo siyang ngumisi. Pakiramdam ko ang plano niya ay akitin si Chloe. Imposible yun, patay na patay s i Chloe kay Chad! Patay na patay! Kaya nga mas gugustuhin niya na lang na kaming dalawa ni B

rent imbis na kaming dalawa ni Chad! "Brent! Wala kang pag-asa dun! Oh please!" "HAHAHA!" Tumawa siya ng napakalakas. Ayan tuloy pinagtitinginan kami ng mga teammates ko at teammates niya. Pati sina Chad ay mukhang nakikiusyoso sa pinag usapan namin. Umiling na lang ako at kinabahan sa kung ano mang kabulastugang gagawin ni Brent para makaganti kay Chloe. "Hay naku! Wa'g na, paano kung mainlove naman yan si Chloe sayo, anong mangyayari? Dikit ka pa naman ng dikit sa akin, ayan tuloy, pati si Lia ay hinarangan ako kanina para lang kamustahin ka at balaan ako." Napabuntong hining a ako. "Really? Bakit naman niya gagawin yan?" "Hello!? Brent? She likes you! Duh!" Tumango lang siya. "Anong klaseng lalaki ka ba talaga? Hindi ka talaga marunong mag mahal ano? Kaya kung sinu-sino lang sinasaktan mo." Tinitigan niya ako. "Sinabi mo yan sa akin last training camp nung high school." Sabi niya. "Bakit p ag galing sayo, masakit?" "M-Masakit? Masakit, kasi yun ang totoo Brent." Umirap ako. "Dahil dyan sa pagka playboy mo, maraming nasasaktan." Hindi na siya nagsalita. Nailang tuloy ako at agad na guilty. Pero pakiramdam ko , totoo yung mga sinabi ko kaya imbis na magsorry ako, hinayaan ko na lang siya. Binalik ko na la ng din ang usapan sa volleyball. "Anyway, may bago akong strategy. Kailangan ko ng matinding training, kaya pwede ba, Brent, hayaan mo na lang si Chloe kung anong pahirap ang ipapagawa niya sa akin?" Umirap ako. Tahimik parin. Natapos din kaming kumain at nagpasyang magpahinga muna sa kanikanilang dorm. "Just promise me... don't sprain anything this time, Maxine." Bulong ni Brent sa akin nang palabas kami sa cafeteria at maghiwalay. "Especially your heart." J4.Sprained foot

"Okay ka lang ba, Maxine?" Tanong ni Jason sa akin nang nasalubong niya akong pi

nag jojogging ulit ni Chloe. "Okay lang!" Tumigil ako. "Hindi pa ba kayo nag papractice?" Grabe ang hingal ko. "Nagpapractice, kumuha lang ako ng tubig. Diba may practice game ngayon? Tumigil ka muna sa pag jo-jogging at baka maubusan ka ng lakas mamaya." Sabi niy a habang binibigay sakin ang tubig. May practice game? Hindi ko alam yun ah? Tiningnan ko si Chloe kung saan naroon din ang team. Nag wa-warm up na sila at m ukhang maganda ang kondisyon, samantalang ako dito, halos maubos na ang lakas sa kakajo gging. Umupo ako sa buhangin habang ininom ang tubig na binigay ni Jason. "Bakit di mo kaya isumbong si Chloe kay Ara?" "Wa'g na magkakagulo lang..." Sabi ko. "Hmm, pero imposible din namang di malaman ni Ara ang lahat ng ginagawa sayo ni Chloe dahil nandito ang kambal niya, at sigurado akong sasabihin niya yun kay Ara. Baka kasi hinhayaan lang yan si Chloe ni Coach dahil ayaw niya sa kambal." "Huh? Ayaw nino?" "Hmmm, sabi kasi ni Emily sa akin, may alitan daw ang Cruz twins at si Coach Pau l. Hindi nga ako makapaniwala dahil mukhang okay naman si Coach at Brent sa mga practice." "Talaga? Di ko alam yun ah?" "Baka galit pa si Coach sa twins kaya hinahayaan niya lang si Chloe na apihin ka ... Hmm, pero di ako sigurado dun. Sa tingin ko lang naman... Don't worry, Max." Weird. May ganung pangyayari pala? May alitan ang Cruz Twins kay Coach Paul? Bak it naman kaya at kailan? Weird! "Maxine! Mag papractice game na!" Sigaw ng assistant team captain. Umiling ako. Nakakainis lang kasi eh. Wala man lang nagsabi sa akin na magpaprac tice game. Akala ko, bukas pa, at puro routines ngayon. Napagod pa naman ako sa pagjo-jog a t pag gawa ng routines na halos triple dahil sa utos ni Chloe. Tumayo na lang ako at magkasama kaming nagpunta ni Jason sa court. "Good luck Max!" "Thanks!" Umalis na siya at nakihalos a mga teammates niyang manonood yata ng practice gam e namin. Pumito na agad si Coach Paul at nag assign ng team. As usual, kalaban ko na nama n si Chloe. "First six, except Miss Alvarado."

Nabigla ako pagkasabi ni Coach nun. Hindi ako first five? Bakit? Nakita ko si Br ent sa likuran niya, kinindatan ako. "Huh? Ba't naman di nasama sa first players si Maxine? Sayang naman! Gusto ko pa naman sanang talunin ang bago niyang strategy." Sabi ni Chloe. Halos mag hiyawan ang teammates ko at ang basketball team sa sinabi niya. "Coach? Bakit?" Tanong ko. "Miss Alvarado, I can see that you're not in the proper condition to play." Sumu lyap siya kay Brent. Alam ko na 'to! Sigurado ako, si Brent ang may pakana nito! Pero gusto kong magl aro at subukan ang hamon ni Chloe! Nakakainis na kasi ang isang yun eh! "Coach, kaya ko po! I promise... Please?" "Nope! Just stay here, Miss Alvarado." Sabay turo sa bench. "I'll let you in aft erwards." Ngumiti siya pero imbis na ngitian ko din siya, hindi ko nagawa. Ininda ko ang p agkabigo. Nagsimula na ang laro. Naghiyawan ang mga taga basketball team. Sumipol-sipol pa sila nang ang tataas ng talon ni Chloe. Ang iksi kasi ng shorts niya. Hay naku! Boys will be boys! "Wa'g ka ngang matigas ang ulo!" Sabi ni Brent tinapik ang ulo ko. Nasa lukiran ko siya at nakasandal sa bench na inuupuan ko. "Brent! Alam kong ikaw ang may pakana nito! Tumigil ka nga! Dapat naglalaro ako ngayon eh!" "Para saan? Para mag pa impress kay Martinez?" Sabay turo niya kay Chad na nag c hicheer kay Chloe. "Hindi! Para makapagpractice akong mabuti!" "No. I can't let you do that. Alam kong masyado ka ng pagod. I doubt if you can still use that stamina-draining strategy of yours." Matamis ang pagkakasabi niya nun d ahil halos bulong na lang yun sa tenga ko. Alam ko, nag-aalala lang siya sa akin. Pero sa puntong ito, linalampaso na ang t eam ko. "Side-out!" Pumalakpak ang halos lahat ng nanonood pati ang buong team ni Chloe. Ang bolang para sana sa amin ay napunta sa kabila. "Brent, matatalo kami!" Sabi ko. "This is just a practice game, Maxine!" Kitang-kita ko si Chad na seryosong nanonood. Nang nagtagpo ang tingin namin, ng umiti siya.

Para bang sinasabi niya sa aking gusto niya ako makitang mag laro. *PRRRRT!* "Substitution! Alvarado, in!" Tumayo ako agad at nanginig ang mga paa. Hindi ko alam kung sa excitement ba yun o dahil sa pagod. Nakabawi din kami agad at lumamang pa! Sobra ang pag gamit ko sa bagong estrateh iya na halos di na madapuan ng ngiti si Chloe. Mabuti pala yung pinagawa nilang routines sa a kin, nakakatulong kaya heto't madali na lang gawin iyon. Umalis si Chloe sa court at nagpasubstitute. Mas lalo kaming lumamang. Pero pagbalik niya sa court ay mejo nakahabol din sila kahit papaano. Umiirap pa siya sa tuwing nagtatagpo ang mga titig namin. Nang malapit na matapos ang laro, nabunutan ako ng tinik sa huling spike ko. Nan ginig kasi ang paa ko at mukhang mangyayari ang kinatatakot ko. Agad akong tinulungan ng teammates ko, at bigla na lang nagpakita si Chad sa har apan ko, tinatanggal ang sapatos ko. "Are you, okay Max? Sprained foot, Coach!" Nagkagulo at natigil ang game. Pinagpahinga muna nila ako at pinarelax ang mga p aa. Pagkatapos... "I'll bring you to the clinic." Sabi ni Chad. Nakakahiya naman! Iniinda ko lang ang sakit ng paa ko. pawis na pawis pa naman a ko. Umamba siyang bubuhatin ako pero pinigilan siya ni Coach Paul. "Mr Martinez, ako na." "Uh, o-okay, yes Coach!" Si Coach Paul ang bumuhat sa akin papuntang clinic. J5.A Kiss

Nandoon si Jason, Chad, Chloe at Brent sa loob ng clinic. Ang iba naman, nasa la bas at hinihintay ang sasabihin ni Coach. Linalagyan ng ice ang paa ko. "Masyado mong pinagod ang ankle mo." Sabi ng nurse.

"Are you okay, Miss Alvarado?" Tanong ni Coach. "Oo, Coach! Mejo hindi na masakit." Tumango siya. "Miss de Silva, we'll have to talk about this." "Yes, Coach!" Umirap siya. "Ako na." Sabay kuha ni Chad sa ice na dala ng nurse. Nung una, nagtaka pa ang nurse, pero binigay din naman niya kay Chad ang ice at si Chad na mismo ang naglagay ng ice sa paa ko. "Oh great!" Bulong ni Chloe. Umirap siya ngunit mukhang ako lang yata ang nakakaintindi sa 'Oh great!' at pag irap niya. Nag walk out din siya. Malumanay ang pagkakahawak niya sa paa ko. Nagkatinginan kami. "Does it still hurt?" "H-Hindi masyado..." "You did great!" Ngumiti siya. Ngumiti na rin ako. Namumula ang ankle ko. Masakit siya, in fairness. Pakiramdam ko, hindi ko pa kayang maglakad dahil masakit. Habang linalagyan ni Chad ng yelo ang paa ko, nabunutan ako ng tinik sa mga titi g ni Brent na nasa tabi niya. "Chad, the team needs you. They're a mess outside." Tumango si Chad, "Pero-" "Hi-Hindi, Chad, okay lang!" "Okay lang, Chad. I'll take care of her." Ngumisi si Brent. Mokong na 'to! Ano na naman kaya ang plano niya? O baka naman... eto ang plano n iya? "Yes, please, Brent! Mr Martinez, help me reorganize the sched. I need to check on the volleyball team pa. Can you?" "Sure, Coach!" At umalis silang dalawa sa clinic, parang whirlwind lang ang nangyari. May napan sin ako dun sa sinabi ni Coach pero agad ko namang nakalimutan dahil sa mga tingin ni Brent. Nandito ako, stuck with Brent. Na nakangisi. Para bang pinlano niya lahat. Binig yan ko siya ng masamang tingin. "I told you, don't sprain anything." Napabuntong-hininga ako. "Wa'g ka na ngang makipag kompetensya kay Chloe." "Hindi ako nakikipag kompetensya kay Chloe, Brent!" "Oryt! Clearly, she hates you because... Chad, her crush, likes you..." "A-Ano? No! H-Hindi ako gusto ni Chad!"

Hinawakan niya ang paa ko. Malumanay ang pagkakahawak niya at seryoso ang mukha niya. "You should be careful. Try not to hurt your self..." Tinitigan niya ako. Nakakakiliti nga sa paa ang pagkakahawak at pagkakalagay niy a ng bandage dahil sa sobrang gentle. Bigla na lang akong mas lalong na guilty sa lahat ng ginawa at sinabi ko sa kany a. "I told Coach Paul that you shouldn't play, because I know you're exhausted." "I-I'm sorry." Tiningnan niya ako, mas maaliwalas ang mukha niya. Ngumiti siya. Bakit sa tuwing ngumingiti siya lagi ko na lang naiisip na mukha siyang nanalo kung saan. Napabuntong-hininga si Brent. "Napaka reckless mo talaga." Oh God! I feel like there's butterflies in my stomach. Ako naman ngayon? This is so not happening, Brent! "Eh-Ehem! Brent, sige na, iwan mo na ako dito. Magpapahinga lang ako, matutulog. May practice game din kayo diba?" "Aryt." Hinintay niya na makabalik ang nurse bago siya tumayo. "Nurse," Nakita ko pa talaga ang kislap sa mga mata ng nurse na mukhang nasa early 20s la ng, kinilig ng tinawag siya ni Brent! "What's your name?" "Uh... Karla." Ngumiti siya. Ngumiti din si Brent. "I'm Brent. Nurse Karla, please take care of her while I'm not around." "Sure, Brent..." "Thank you!" Pero bago siya umalis, tiningnan niya ako at bago pa makaangal ay hinalikan niya ang noo ko. Halos di nga ako makagalaw, di ko siya mabigwasan! "That's your punishment for being so careless." "Brent!" "See ya later." Kinindatan niya ako at umalis. WHAT THE F WAS THAT?

J6.The Knight in Shining Armor

Dahil sa nangyari sa paa ko, wala akong nagawa kundi matulog maghapon sa clinic habang binabantayan ng Nurse. "Gising ka na pala..." Aniya. Nakita ko ang digital clock sa harapan, 6:23PM. Sumakit ang ulo ko dahil sa pagb ababad ko sa kama maghapon. Kung sana'y kamay ko ang na injured, nakapanood na sana ako sa la ro nina Chad...at Brent. Kaso, paa eh. Ayoko namang magrequest ng wheelchair. Para kasin g malala ang sakit ko pag magwi-wheel chair. Ayaw ko din namang magpabuhat. Nakakagamdala lan g ako sa gawain ng iba. Ako naman ang may kasalanan sa nangyari ngayon sa akin eh. "Masakit pa ba?" Para akong nabunutan ng tinik pagkasabi ng nurse nun. "Uh, mukhang di na yata masyado." Sinubukan kong tumayo, inalalayan niya naman ako. Nabigla ako nang hindi na siya masyadong masakit. Kaya ko ng maglakad pero syempre. Mejo naiiwan ko nga lang ang injured na paa ko, pero ang maramdamang kaya ko na palang maglakad ay mas masaya pa sa aking inaaka la. "Miss Alvarado... Oops!" Sabay takbo ni Coach Paul sa akin at alalay. Nabigla kasi ako nang pumasok siya at tinawag ako kaya mejo hindi ako nakapagbal anse. "Salamat." Hinawakan niya ang kamay ko ng sandali at hinayaan naman ako pagkatap os. "Okay ka na? Di na ba masakit?" "Hindi na po, Coach." "Sigurado ka? Pumunta ako dito para sana tingnan kung okay ka na, kasi kung di p a, ay ipapadala ko na lang ang dinner mo-" "Okay na po ako." "O sige, labas na tayo at nandun na ang team, nagdidinner at nagkakatuwaan." Nagpaalam na din kami sa nurse at lumabas na ng infirmary. Kinabahan ako habang naglalakad kami patungong seafood restaurant doon sa resort. Nandoon daw kasi ang buong tea m, kumakain. Ano namang nakakakaba dun, Max? LOL! "Uy si Maxine!" Sabi nung isang basketball player. Silang lahat ay mejo natahimik at napatingin sa akin.

"Max, are you alright? I was so worried." Sabi ni Chad. Nakita kong ka-table niya si Chloe. "I'm okay!" Ngumiti ako. "Halika, sabay na tayong kumain. What do you wan to eat?" Sabay kuha niya sa kam ay ko at pinaupo niya pa ako sa table nila ni Chloe. "Excuse me lang ha?" At umalis na si Chloe at nakihalo sa ibang teammates ko. Kumain na rin kami ni Chad. Halatang masyado siyang nag aalala sa paa ko. Pagkat apos naming kumain... "O-Okay lang ba na nandito ako?" Tanong ko nang nahalata kong tingin ng tingin s i Chloe sa amin. "Oo naman." Natawa siya. "Bakit mo naitanong?" "Uh, wala lang. Kasi feeling ko ayaw ni Chloe sa akin eh." Tumingin si Chad kay Chloe. Nagkataon pang nakatingin si Chloe sa amin. "Hindi naman. Mabait naman si Chloe eh." Pagkasabi niya nun, gusto kong matawa pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. "Hey Max!" Naaninaw ko si Brent na tumabi sa akin sa table namin ni Chad. "How's your injury?" "Uh, okay lang naman..." Hindi ako makatingin sa nakangising si Brent. "Really? Masakit paba? Baka kailangan mo ng wheelchair?" "Oo nga, Max? Hindi na ba talaga masakit? It looks so bad kanina. At hanggang ngayon namamaga pa." Sabay tingin ni Chad sa paa ko. "O-Okay na talaga! Mejo masakit pa pero-" "Patingin." Nabigla ako ng biglang lumuhod si Chad sa harapan ko at hinawakan ang paa ko sab ay tanggal sa bandage na nakapalibot. Natigil din ang lahat ng mga ginagawa ng ibang nakakita at tiningnan lang kami. Nakita kong umiiling si Chloe at nagbubulung-bulungan ang basketball team at ibang teammates ko. His touch was as gentle as a feather. "You should be careful next time, Max." Sabi ni Chad. Napatingin ako sa di maipintang mukha ni Brent. "Uh, Oo. Thanks!"

"AYIEEEEEEEEEEEEEEEE!" Naghiyawan ang team at tinukso-tukso kami ni Chad. J7.Alone with...

"Punta tayo sa kanila, Max." "Sige." Ngumiti si Chad habang hinahawakan ang kamay ko. Inaalalayan niya kasi ako dahil di ako makapaglakad ng maayos. Lumalalim na ang gabi at palakad-lakad kami sa tabing da gat nang nakita namin ang halos buong team na nakapalibot sa bonfire. Mukhang may kung an ong kaguluhan dahil maingay sila. Hinanap ko si Brent pero wala siya. "Chad! Nandito ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap eh." Sabi ni Chloe. Hindi niya ako tiningnan man lang. "Bakit? Anong meron?" "Kasi Brent Cruz is planning a race or something." Tiningnan ako ni Chad at nakisali kami sa kanilang nakaupo sa buhangin at pinapa libutan ang bonfire. "Race ng ano?" Umupo din si Chloe sa tabi ni Chad. "He said he's giving out 2 Usher concert tickets, VIP and the best seats... Dini g ko sold out na daw yung tickets sa concert na yun." "Talaga? Anong klaseng race naman ang ipinapagawa niya?" "Hindi ko pa alam, kaya nga hinihintay namin siya dito." "Andyan na si Brent!" Sabi nung isang taga basketball team. Wow! Best seats sa concert ni Usher? Astig talaga yung mokong na yun, saan niya naman kaya yun nakuha? At higit sa lahat, ano ang pinaplano niya? Binigyan niya ng kapirasong papel at flashlight ang bawat isa na nandun. Ewan ko kung bakit pero hindi na umabot sa akin, di na ako nabigyan kaya nakishare na lang ako kay Chad. "What's up, Brent?" Tanong ni Chad. Tumayo kaming lahat. Tumabi si Brent sa akin. "Let's play a game." Ngumisi siya. "First, choose your partner. Kailangan, babae at lalaki." "Oh my! Tayo, Chad!" Sabi ni Chloe. At ngayon, tiningnan niya ako at pinandilatan. "P-Pero-" "Okay lang Chad..."

Hindi ko alam kung anong gustong mangyari nitong Brent na 'to. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong sumali o hindi. "Whose gonna be your partner, Maxine?" "No! Maxine is not joining this." Ngumisi ulit si Brent. OKAY FINE! Edi aalis na lang ako dito? Napailing na lang ako. "Got a partner?" Nabigla ako nang nakitang nagpapartner-partner na sila. Ang natirang walang part ner ay si Brent at ako na lang. "Sa unahan ng resort na 'to, may malawak na parke. Ang papel na nasa inyo ngayon ay ang map sa parkeng yon. Nandun ang ibang taga basketball team at volleyball team na inutusan ni Coach Paul para mag bigay ng clue." "Coach Paul? He's behind this?" Sabi ng assistant team captain. "Yep, we're behind this." Ngumisi ulit siya. "This is part of the training. And of course, I volunteered to work for a price that would motivate you. At meron pa... sa sec ond at third price, excempted sa training bukas ng umaga!" "O sige sige! Game na 'tol!" "Bring it on!" Ako? Hindi ba talaga ako kasali? "Aryt! And oh, I forgot to tell you, the prices are inside a haunted villa. Pagk atpos niyong malagpasan ang park, nakikita niyo ba ang mansion na sa gitna." Sabay tur o sa map nila. "Nandyan ang finish line. Nasa loob ng isang baul na kulay pula sa isa ng maliking kwarto sa ikalawang palapag ng mansyon." "What? Omg! I'm scared!" Halos silang lahat ay natahimik. "So, paano, goodluck!" "What about Maxine?" Singit ni Chad habang ang ibang pairs ay nauna na. "I'll take care of her, Chad." Ngumisi si Brent. "Tayo na, Chad!" Sabi ni Chloe, halatang nagustuhan ang nangyari. At umalis na agad. "Brent, ano 'to?" Tanong ko ng umalis na sila. "Coach Paul is planning this from the very beginning, Max." Umupo siya sa harap ng bonfire. Naka sando lang siya at kanina ko pa sinusulyapan ang malalaking biceps niya. Oh God! Why does he have to be so hot? Uh, erase that!

Tumingala siya sa akin, nakatayo lang kasi ako. Pinilit kong sumimangot. "Come here." Sabay muwestra niya sa tabi niya. J8.Real

Hindi ko alam pero bakit parang wala akong nagawa kundi ang lumapit din sa kanya . Umupo ako sa tabi niya. At kinabahan. Bakit naman ako kakabahan? Ngumiti siya. Ang tanging naririnig ko lang ay ang alon at ang nasusunog na mga kahoy sa bonfire. Pagkangiti niya, nawala ang kaba ko. Tiningnan niya ang paa kong injured. "Masakit pa ba?" Tanong niya. Hinawakan niya rin ang paa ko. Hindi ko alam kung bakit uminit ang pisngi ko. "Oo." Bakit ko naman sinagot siya ng ganun? Walang pag aalinlangan. Hindi ko man lang dineny na masakit nga. "Dahil sa injury mo, di ka tuloy nakasama sa inihandang hunting ni Coach." "Uh, oo nga eh. Pero okay lang." Sinikap kong magmukhang cool. Ngumisi siya. Ayan tuloy, naiintimidate ako! Bakit ba? Bakit sa tuwing ngumingiti siya at tini tingnan ako, parang tagos sa buto ang nakikita niya sa akin? "I-Ikaw? Bakit di ka sumali? La ka namang injury?" "Ah... Of course, I planned all these so I can spend one night alone with you." Nagtitigan kami. Binigyan ko siya ng nakakadiring tingin. Lahat ng maaring naram daman ko kanina ay nawala ng parang bula. "Ayan ka na naman, Brent! Tigilan mo na nga yan! Hindi ka ba nahihiya sa akin? S a lahat ng babae dito sa mundo, ako lang ang mulat sa katotohanan. Kaya wa'g mo na akong diskartehan ng ganyan!" "Hindi ako nandidiskarte sayo."

TOINK! Para akong binagsakan ng malaking bato nun ah? Masyado ba akong assuming? ! "Okay!" Ngayon, pakiramdam ko napaka estupida ko! Napakafeeling ko talaga!? Ayyy! Ilang years ko na bang iniisip na dinidiskartehan nga ako ng Brent na `to! Parang nahiya naman ako sa sarili ko. "This is something natural. It's not my diskarte..." FCUK! Excuse my word! Pero etong si Brent na `to di na talaga nadala? At nahiya pa ako kanina dahil nag fe-feeling pa daw ako? Eh yun naman pala! TALAGANG DISKARTE NIYA TO! "So? Ganyan ba ang sinasabi mo sa mga babae mo? Of course! Dahil playboy ka, hindi yun 'diskarte', its NATURAL! Natural na na kapag lalapit ka sa babae, disk arte agad kahit di mo alam kung gusto mo siya o hindi." Tahimik lang siya habang tinitingnan ang bonfire. "Bakit ba talaga parang hindi mo talaga kayang hindi ako i-offend sa bawat araw na nag uusap tayo?" Seryoso ang mukha niya. Parang na guilty naman ako dun pero di ko ipinakita. Pin aglaruan ko na lang ang buhangin. "Kung ayaw mo, edi wag mo na lang akong kausapin." "You know I can't do that..." Tumingin ako sa kay Brent. Ngumisi siya. Nararamdaman ko ang mga patibong sa mga sinasabi niya. Lahat ng moves niya, mga patibong para mahulog ako. "Bakit naman?" Tanong ko. "You know, I like you... differently." Umiling ako. "Naisip mo na ba na kaya siguro di talaga ako naniniwala sayo dahil isa ako dun sa mga babaeng hindi meant para bolahin mo at magpaloko sayo?" "Naisip mo na rin ba kung bakit sa tagal ng panahong ginaganito mo ako ay di par in ako tumitigil?" "Really? Eh nung high school pa tayo, binobola mo na ako nun. Pero may mga babaeng sunod ng sunod parin sayo. Marami ka paring babae." "Pero wala naman akong naging girlfriend sa kanila." "Wala kang sineryoso... Sa tingin mo maniniwala ako sayo ngayon? Ni isa wala kan g sineryoso? Sa tingin mo maiisipan kong seseryosohin mo ako? I'm not dumb, Brent."

Katahimikan. Ang weird naman nito. Bakit nga ba ganito ang topic naming dalawa? O sige na! Aamin na ako! Sa bawat salitang binibitiwan ko, nagsisisi ako. Pakira mdam ko ang harsh ko. Defense mechanism ko lang kasi yan. Nakakainis naman kasi `tong si Bre nt Cruz! Alam niya naman sa simula palang na alam ko kung anong klaseng lalaki siya. Ngumisi siya. "No. I still like you. Whatever you say..." Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi yun. What's the conne ction? Haller? Humilig siya paharap sa akin. Tiningnan ko siya, straight, sa mata. I never liked what I'm feeling every time we're together. "I think I'm even falling for you. I hate it more than you do."

Hinawakan niya ang kamay kong nasa buhangin. Para siguro di ako umangal. Nakatin gin lang ako sa kanya, nabibigla sa nangyayari. Sa akin. At sa kanya. Hinawakan niya ang chin ko at hinalikan ang mga labi ko. My first real kiss.

Ganito pala ang feeling? Bigla mo na lang isasarado ang mata mo habang hinahalik an. But wait? Bakit ako pumapayag na halikan niya ako? At bakit ko siya hinahalikan? Mejo mata gal tagal din bago ko narealize na ang isang kamay ko ay hinahawakan niya parin at ang isang k amay ko ay nakahawak na sa braso niya. Umurong ako kaya natigil ang paghalik. Hindi ako makatingin sa kanya. Nakatitig kasi siya sa akin. "P-Pagod na ako. Babalik na ako s-sa dorm!" Pinilit kong tumayo. Pero mas nauna pa siyang tumayo kesa sa akin at sinalo niya pa ako nang kumirot ang paa ko at muntik ng madapa. "Aryt!" Kinarga niya ako sa mga braso niya. "Then I'm taking you to your dorm." "Ibaba mo ako, Brent. Kaya ko!" Pero di siya nakinig sa akin at hinatid pa talaga ako sa dorm. "Brent, ibaba mo sabi ako!" "Ayoko nga." Ngumisi siya. "Errr! wag ka ngang ngumisi-ngisi diyan!" "Brent, why are you here?" Napatingin ako sa biglang nagsalita na si Coach Paul.

Nasa living room siya ng dorm, mukhang dumadaan lang. "Ihahatid ko lang sa kwarto niya. May nanalo na ba, Coach?" "Wala pa..." Ngumiti si Coach habang pinagmamasdan akong helpless sa braso ni Brent. "So, May I pass? Para makatulog na siya." "Sure. Pero, ihahatid ko na rin kayo." Katahimikan. "Just to make sure. After all, you're still Brent Cruz." "Whatever." Hinatid nga nila ako. "Good night Max." Sabi ni Brent. Pero di ko na pinansin at pinikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa umalis na sila. WHAT THE HECK? MY FIRST REAL KISS? J9.After all

Matagal akong nakatulog kagabi kaya eto, tinanghali ako ng gising. Masakit parin ang paa ko. Nag aalala nga si mama nang tumawag siya kanina para kamustahin ako. Pero sinabi ko sa kanya na mejo okay na. Totoong mejo okay na pero sumasakit parin kapag lumalakad ako. Kay a tuloy di ako kasali sa training ngayon. Walang tao sa dorm. Nasa basketball court daw silang lahat. Practice game ng bas ketball team. Kumain na lang muna ako ng pagkain, ginugutom kasi ako. Ayaw ko rin namang dumir etso sa court ng di pa naliligo eh. Naligo na rin ako pagkatapos kong kumain. Kinakabahan ako. First real kiss? Naramdaman siguro ng mokong na yun na first re al kiss ko yun?! Nakakahiya! Leche! Nalinlang yata ako sa kagwapuhan niya! Ilang labi na ka ya ang nahalikan nun? Sa tuwing iniisip ko yan, nandidiri ako eh. Ngayon ko lang din namalayang nag iiba talaga ang ekspresyon ko sa tuwing naaala la ko yung nangyari. Parang gusto kong sapakin ang sarili ko. Naaaninaw ko din sa isipan ko ang mukha ni Brent na nakangisi.

Ano ba kasing pumasok sa kokote mo, Maxine at hinayaan mo na lang ang Brent Cruz na yun? Ano naman ngayon kong gwapo siya, hot siya? Masyado ka talagang nasisinag at nal ilinlang sa

mukha niya. "GOOOO! GO! GO! WHOOOOOOOOOOO!" Iba't-ibang hiyawan ang narinig ko habang papalapit ako sa court. Napalunok ako. Ano ba palagi! Baka pag ngumiti ako, gabi. Sa tuwing may tumitingin alam nilang lahat na naghalikan kami ni dapat ang ekspresyon ko ngayon? AH! Dapat nakasimangot ako iisipin ng Brent na yun na nagustuhan ko ang halik niya ka sa akin, parang nahihiya at naiilang ako. Feeling ko kasi Brent kagabi. Ano ba naman yan!!! GRRR...

"Ang galing talaga ni Brent!" Sabi nung isang ka teammate ko pagkatapos maishoot ni Brent ang 3-points. Tumabi ako sa mga ka teammates ko. Tumingin si Brent sa akin at kumindat. Sinima ngutan ko na lang ang walang hiya. "5... 4... 3... 2... 1...!" Tapos na pala ang laro? Ang huling shoot ay ang 3 points ni Brent. At ang score ay... 97 to 45? WHOA! "Okay lang yan, Chad!" Sigaw ni Chloe na nasa harap ko pala nakaupo. What? Oo nga pala! Hindi pinagsasama sa isang team si Chad at Brent sa mga pract ice game kasi silang dalawa ang isa sa pinaka magaling sa team. "Wow! Anong nakain mo, Brent!? Galing mo ngayon ah?" Sabi nung senior na ka team ni Chad. Binati si Brent ng ibang ka team niya at mga taga volleyball team. OH NO! Pakiramdam ko dapat siguro umalis na ako dito at magtago kung saan. Nagka tinginan pa kami ni Brent kaya pinandilatan ko siya. Nag flying kiss ba naman ang halipar ot! Grrr! Makaalis na nga! "Maxine..." Lumingon ako. "Ch-Chad!" Nasa likuran niya si Chloe. Halatang bigo. "Ayos na ba ang paa mo?" Tanong ni Chad ng nakangiti. "Uh, oo." Tiningnan ko ang paa ko.

"By the way, Maxine..." Ayan na si Chloe! "Nanalo nga pala kami ni Chad sa game! Ang galing namin no? Kaya pagod si Chad ngayon kasi masyadong maraming drills kagabi. Care to congratulate us?" "Uh, congratulations! Enjoy sa concert." Sabi ko. "Aalis na ako ah... magpapahin ga lang." "Sige, bye!" "Max... sandali... are you okay?" "Oo, bakit?" "You look... sad. Or something." Ngumiti ako. "Hindi naman. Masama lang talaga ang pakiramdam ko." Kasalanan `to ng Brent na yun! Kung bakit pa kasi niya ako hinalikan kagabi edi sana di ko na naisipang mag susungit at sumimangot sa araw na `to. Tiningnan ko si Chad. Malungkot ang mga mata niya. Hay naku! Hindi ko naman mati is ang anghel na crush kong `to kaya binigyan ko ulit ng ngiti. "Miss Alvarado, kamusta ang paa mo?" "Uh, okay na coach!" Biglang sumulpot si Coach Paul. "Ganun ba? Nakaklakad ka na ba ng maayos?" "Mejo po." "Nag aalala lang kasi ako, eh kagabi binuhat ka pa talaga ni Brent. Akala ko nam an masyado pang masakit." Nagkatinginan kami ni Chad. Nag iba ang ekspresyon niya. Napatingin ako kay Bren t na kausap parin ang ibang teammates at nagtatawanan. After all, he's still Brent Cruz. "Mejo masakit pa, coach, pero kaya ko ng maglakad. Uh, sige, mag iimpake lang ako..." At umalis na. K-arcs K1.Confrontation

"Maxine, ano? Okay na ba ang paa mo?" Tanong ni Emily pagkatapos ng klase. "Oo. Mejo." "Naku! Naku! Kailangan maging okay na yan. Dalawang araw na lang Intergames na!"

"Maxine!" Biglang sumulpot si Kitchie kung saan. Naglalakad kasi kami sa corridor ni Emily papuntang court dahil practice ngayon. "Uy, Kitchie." Tiningnan niya ang paa kong may bandage parin. Naka flipflop nga lang ako ngayon dahil sa injury ko. "Naku naman! Tsss. Dapat maayos na yan bago mag intergames, Maxine!" "Oo nga eh." Umiling siya. "Ano ba kasi ang nangyari sa camp niyo?" "Uh, naaksidente lang ako." Sabi ko. Tumango siya. "Max, gusto mo pumunta tayo sa tita ko? Doctor kasi siya, ipatingin natin?" "Huh? Wag na no-" "Sige na! Max, pumayag ka na kay Emily!" Sabi ni Kitchie. "Gusto ko talagang mag heal na yan ng makapaglaro ka sa Intergames. Alam mo naman na idol kita!" "Uh, pero..." "Sige na, Max! Ngayon na!" Hinila ako ni Emily. "Pero kasi practice ngayon... Mag papaalam na lang muna ako kay Coach." Pumayag naman ako pero dapat mag paalam muna. "Hindi ako makakasama eh, kasi may pasok pa ako." Sabi ni Kitchie at nagpaalam d in. Pero pag dating ko sa court, wala si Coach. Ibig sabihin, sa kay captain ako mag papaalam. Walang ibang captain kundi si... Chloe de Silva! "Alvarado! Late ka! Anong tinutunga-tunganga mo diyan? Mag bihis ka na dun?" "Uh, kasi Chloe... liliban muna ako sa practice ngayon." "Huh? Bakit?" "Kasi magpapatingin lang sana ako sa spesyalista para sa paa ko." Pinandilatan ako ni Chloe. "Ano? Di parin ba yan nagiging okay? Ang OA naman talaga!" "Oo eh, kaya..." "Ows? Baka naman excuse mo lang yan para lumiban sa practice?" Nakakainis na talaga ang Chloe na `to ah! Maxine, mag timpi ka na lang muna plea se! Ayaw mong magkagulo diba? Tapos marami pa siyang kampon sa likuran niya. "Kainis naman, siya kaya ang may kasalanan..." Bulong ni Emily.

"Anong sabi mo? Hoy Emily, tumahimik ka diyan! May pabulong-bulong ka pang nalalaman!" Umirap ulit siya at padabog na inispike ang bola. "O siya, sige! Dahil mabait ako, papayag na ako sa petty excuse mo, Maxine Alvarado." Tumunganga siya sa harapan. "Lika nga dito!" Hinila ako ni Chloe palayo kay Emily. Nagtaka naman ako sa ginawa niya. Mukhang may sasabihing importante. Nagsalita lang siya nung nalayo niya na ako sa mga makakarinig. "Pinayagan lang kita sa kapritso mo ngayon dahil gusto kong layuan mo si Chad... " LAYUAN SI CHAD? Seryoso ang mukha ni Chloe. Halatang desperada. "Bakit naman?" "Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita?" Lumunok siya, sabay yata dun ay ang pag lunok sa pride niya. "Gusto ko si Chad! Gustong gusto ko siya. Gusto mo ba siya?" Natameme ako sa sinabi niya. Napanganga. Dahil sa unang pangungusap pa lang, nak akanganga na. Yung tanong nakakalula pa talaga. Hindi naman ako nabigla sa rebelasyon niya , kaso hindi ko matanggap ang paglunok niya ng pride at pag amin sa akin mismo. At ang tanong ni ya naman ay mas lalong nakakakaba. Paano ko sasagutin yun? Totoong gusto ko si Chad. "Ah? Gusto mo din siya? Diba? Sino ba kasi ang di magkakagusto sa kanya." Sabi n iya. Bitter na ang tono ng boses niya. Hindi parin ako makapagsalita. "But I doubt if you like him the way I do. I love him, Maxine. At ngayon pa lang , gusto kong layuan mo siya." "Pero, mag kaibigan kami." Nanlaki ang mata niya at nabigla sa biglang pagsagot at sinagot ko. "So? I don't care! You don't deserve him! Leave him alone!" Umalis din siya agad sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong layuan si Chad. Magkaibigan naman kami. Siguro pakiramdam ni Chloe na may gusto si Chad sakin? Imposible naman yun, mas marami

silang moments together kumapara samin ni Chad kaya malabo mangyari yun. Naglakad ako papunta kay Emily. Naguguluhan ako. Oo, gusto ko si Chad. Pero tama si Chloe, maaring mas gusto nga niya si Chad. Ka ya siguro nakaya niyang sabihin sa akin ang lahat ng yun. Pero nasaan ba ang sukatan sa pa giging 'deserving' sa pag ibig? Nasa laki ba ng pagmamahal mo? At paano mo naman sinusu kat ang pagmamahal mo? Siguro sa mga sakripisyong ginawa mo para sa mahal mo... sakripis yo? Mahal? Love? Love ko na ba si Chad? Love? Love? Love? Mukhang narinig ko yan kung saan... "I think I'm even falling for you. I hate it more than you do." Love ba yung ibig sabihin niya? I'm confused.

K2.Number 1

"Okay ka lang?" Tulala ako sa tabi habang nakaupo sa veranda nina Emily. "Ano ba kasi talaga ang nangyari sa inyo ni Brent sa training camp?" "H-Huh?" Kagagaling lang namin sa ospital para mag pa check up sa paa ko. Sabi ng doktor na tita naman ni Emily, hindi na lang raw muna ako magpapractice ng dalawang araw para makapagpah inga ang paa ko. Ibig sabihin, sa Intergames na ako makakapaglaro. Kinakabahan na tuloy a ko. Uminom si Emily ng kape. Kanina pa siya may binabasang mga libro at tahimik, nga yon lang siya nagsalita ulit para tanungin ako tungkol kay Brent. Napabuntong-hininga ako. "Ang alam ko lang ay naiwan kayo dahil may 'treasure hunt' daw na nangyari." Tiniklop niya ang libro.

Kanina kasi habang papunta kami dito, nadaanan namin ang bahay nina Brent. Hindi pala... talagang sinadya ni Emily na ipadaan ang sasakyan nila sa bahay nina Brent. Hind i ako makapaniwalang hindi namin makita ang kabuuan ng bahay nila dahil masyadong mata as ang gate nila. Sabi pa ni Emily, sila daw ang pinakamayaman dito. Naisip ko tuloy ang mga gianwa kong 'pang aapi' sa kanya. LOL? Pang aapi? May ga nun ba talagang nangyari? hehe. Ewan ko ba. "Hinalikan ka ba niya?" Nagulantang ako sa tanong niya. "Hinalikan ka nga." Ngumisi siya. Katahimikan. "Ano ba ang nararamdaman mo sa kanya?" "Nararamdaman? Wala! Naiinis lang ako. Naiinis ako sa kanya. Playboy." "Ows? Tapos, kay Chad?" Katahimikan ulit. "Talagang ibu-bully ng bruhang Chloe na yun pag papakealaman mo yun." "Hindi ko alam." "Do you like Chad?" "O-Oo." Tumango siya. "Hmm, sa bagay, nandyan naman si Ara. Ipagtatanggol ka nun kay Chloe. Sayang din yung friendship ni Chloe at Ara nun ah." "Huh? Magkaibigan sila nun?" "Uhm, oo. Nung grade school. Matagal na. Pero simula nung highschool, nag away na yata sila." "Bakit?" "Yun ang di ko alam." "Tsaka nga pala! Nabanggit sakin ni Jason na may dipagkakaunawaan daw si Coach Paul at Cruz Twins, bakit? Anong nanyari?" "Ah, matagal na yun. Nung high school pa kami. First year high school yata. Ang alam ko lang, grabe daw yung away ni Brent at ni Coach Paul. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Pero ngayon, sabi ni Jason, nagkakasundo naman daw sila." Tulala ulit ako. Curious parin talaga ako sa part na `to. Hindi ko parin maintin dihan. "Haaay, Maxine! Hindi kita maintindihan talaga. Pero sa tingin ko in denial ka s a feelings mo for Brent." "Wala akong feelings kay Brent. Talagang ang kulit niya lang." "Ang kulit na di matanggal tanggal sa isipan mo." Binigyan ko ng nandidiring mukha si Emily. "Okay, whatever! Nga pala, ipapadala ko na lang sayo 'tong ginawa mong cookies! HAHA!"

Oo, nagbake kasi kami ni Emily. Hindi siya makapaniwalang kahit na ako yung nags abi sa kanyang mag aral na dapat kaming magluto ay mas nauna pa siyang natuto kay sa sa akin. "Infairness masarap ang cookies na ginawa mo huh?" "Syempre, sa ilang years kong pag aaral, may natutunan din ako kahit paano." "Ibigay mo kaya yan kay Brent?" Ngumisi siya. Ayan na naman ang panunukso niya sakin kay Brent. Errr! "Eh ikaw, Emily. Sino ba ang gusto mo at ng mabigyan mo naman siya ng cookies?" "Naku! Ewan ko! May ibang gusto yun!" Hindi pa nga ako nakakapagsalita ay umalis na siya, pumunta yata sa kitchen. Per o pakiramdam ko, excuse niya lang yun para di ko siya matanong kung sino ba talaga ang gusto niya. Umuwi din naman ako bago gumabi. Inihatid ako ng driver nina Emily. Marami na tuloy ang gumugulo sa isip ko. Yung Brent na yun kasi eh! Bakit ba kas i ako naiinvolve sa Cruz Twins? Hay naku! Pag naiisip ko yung kiss namin ni Brent, ang mga sinabi niya, at siya, parang may kung ano sa tiyan ko. Parang gusto kong matawa at di ako makapaniwala . "Thank you!" Sabi ko sa driver nina Emily. Dala-dala ko na yung nibake kong cookies. "You're late Maxine." Gumulantang sakin ang isang Porsche sa tapat ng bahay at may nakasandal na nakaj ersey pa ng NUMBER 1, Cruz. K3.Cookies

"Bakit ka nandito, Brent?" Ngumisi pa siya at agad nakita ang dala kong mga cookies. Bakit ba kasi transpar ent tong lalagyan nina Emily eh! "Para sa akin ba yan?" Sabay kuha niya. "Hoy! Brent! Akin na nga yan!" Pinilit kong abutin ang itinataas niyang tupperwa re ng cookies pero di ko talaga maabot. Imbis na maabot ko nga yun eh pakiramdam ko ayan na naman at umaandar na naman a ng pagka manyak niya. Nachachancingan tuloy ako. Sinimangutan ko siya.

Talagang binuksan niya at tinikman pa ang isa. "Hmm, pwede na rin!" "Tse! Hindi naman yan para sayo!" "Para kanino?" Ngumisi siya. "Wala! Para sa akin! Duh!" "Edi kung di mo naman din ibibigay kahit kanino, akin na lang!" Umiling na lang ako habang linamon niya ang mga cookies ko. "Saan ka ba galing?" "At may gana ka pang magtanong ng ganyan ngayong nandito ka sa tapat ng bahay namin. Anong ginagawa mo dito?" "Oh, Maxine, nandito ka na pala!" Bigla kong naaninaw ang mukha ni papa sa palabas ng gate. "Sabi ko kasi kay Brent na sa loob na lang siya maghintay. Eh gusto niya dito na raw sa labas. Nandito ka na pala, pumasok na kayo sa loob." Si papa talaga! Ang manhid! Di man lang niya nakita ang nakasimangot at naiinis kong mukha. "Okay lang ba na sa labas lang nakapark ang sasakyan mo, Brent?" Tanong ni papa. "Opo. Di rin naman ako magtatagal." "Dito ka na mag hapunan." "Bakit siya nandito?" Tanong ko nang papasok na kami. Maghapunan pala huh? "Brent, pare, sabi ko sayo eh! Dito ka na sana naghintay kay ate! Kita mo yun? Panalo ako!" Sabay turo sa Xbox. Hello? "Maxine, don't be rude. Hinatid niya ang mga naiwan mong gamit sa school. Yung books mo, rubber shoes at jersey naiwan mo daw malapit sa court." Ay hinayupak! Oo nga pala! Di ko yun naalala ah? Naiwan ko nga pala ang mga baga y na yun. "Dapat nga magpasalamat ka pa." Sabi ni papa. Nagkatinginan kami ni Brent. Ngumiti lang siya. "Salamat..." At dumiretso na ako sa kwarto. Agad kong tinext si Emily na nandito si Brent sa bahay namin. Akala ko naman kun g anong solusyon ang maitutulong niya, yun pala, wala rin. Nireplyan lang ako ng: tamang tama! ibigay mo na yung cookies. Errr! Yun nga diba? Kahit di ko naman talaga binigay sa kanya, nakuha niya parin . Tumindig ang mga balahibo ko nang pagdating ko sa hapag kainan ay nandoon na si

Brent. Ako na lang ang kanilang hinihintay. "Dito ko na pinaghapunan si Brent para naman makapagpasalamat tayo sa ginawa niyang kabutihan." "Walang anuman po yun, pero salamat na rin sa hapunan." Ngumisi si Brent. Si mama at papa talaga, ang O-OA! Duh! Kumain na lang ako ng tahimik samantalang si Brent at si papa puro trabaho at ne gosyo ang pinag uusapan. "Salamat po sa hapunan..." Sabi ni Brent kay mama at papa pagkatapos ng ilang la ro nila ni Carlo sa Xbox. "O sige, sige. Maxine, ihatid mo siya sa labas." "Okay." "Naku, Brent, salamat talaga huh? Bumisita ka ulit!" Sabi ni mama. "Sige po..." Bumisita ulit? Grrr. Pinapaganahan lang yata nila si Brent eh. "By the way, Max..." Nauna siyang maglakad, nasa likuran niya naman ako. "I'm taking this with me... Thanks for this ah?" Sabay pakita niya sa tupperware ng cookies. "Hay, whatever, Brent..." Sabi ko nang papalabas na kami ng gate. "As if may mag agawa pa ako kung para pigilan kang kunin yan." Bigla ba naman siyang tumalikod at humarap sakin. Ayan tuloy, tuloy-tuloy ang la kad ko kaya nabunggo naman ako sa kanya. Nabigla ako. At siguradong-sigurado ako, sa mukha at ekspresyon na ipinakita niy a, pagkabunggo ko sa kanya at pagsalubong ng aming mga mata, di hamak na mas nabigla siya kesa sa akin. Pulang pula ang pisngi niya, saka ko naramdaman ang pag init ng pisngi ko. 1 inch. 1 inch lang yata ang pagitan ng ilong naming dalawa. Mabilis lang ang na ngyari pero parang nakakawindang. "Sorry." Sabi ko. Napatingin ako sa malayo. "bakit ka ba kasi bigla-bigla na lang tumatalikod, nabunggo tuloy ako." Sinimang utan ko siya. Pero sa ka looblooban ko, di ko mapigilang mabigla sa katahimikan at biglang ipi

napakita niya. Napabuntong hininga siya, ngumisi at umiling. "I like what you just said." "Ano?" "Wala kang magagawa para pigilan ako. I like that." Ano? Hibang na talaga ang lalaking `to no? "I never thought I'd be crazy for a girl's kiss." Sabay tingin sa mga labi ko. Umiling ulit siya. At ipinakita ang dalang cookies. "I'm taking your cookies with me, at tulad ng sinabi mo, wala ka ng magagawa. At di magtatagal, pati na ang puso mo." Kumindat siya. Binatukan ko na! Ang buang na `to! Sobra pa sa bagyo ang pagiging hangin! Tumawa siya ng malakas. Para bang nang iinis! Natawa tuloy ako! Ayan, nasira ang hairstyle niya. Kahit mukhang di niya naman talaga pinag eeffortan yung buhok niya, sinabunutan ko parin para gumulo. Pero, jusko, kahit anong gawin ko mas lalo siyang gumugwapo. Nagugustuhan niya p a yata ang inisan namin, kaya tawa siya ng tawa. "Umalis ka na nga! Tseh!" Pumasok naman siya sa sasakyan niya. "HAHA! Sure ka walang gayuma dito sa cookies mo ah?" Sabay ngisi niya. "Huh? At sa lahat pa ng mga lalaki dito sa mundong `to ikaw pa ang gagayumahin ko? Excuse me!" "Asus naman! Para namang kailangan mo pa akong gayumahin." Kumindat siya. "EWWWW! Shut up Brent." Ang laki ng ngisi niya. "Bye, Miss Beautiful. Good night! Tulog ka ng maayos." Sabay turo sa lips niya. "EW! Anong tinitingin tingin mo jan? Umalis ka na? Wag mong sabihing naghihintay ka ng kiss. No way!" "Not ever?" "Not ever!" "But you kissed me..." Andyan na naman yung ngisi niya. Natawa tuloy ako, "Yuck! Kung makapagsalita ka, para kang 13 years old girl na ninakawan ng halik. Excuse me, ako yung ninakawan mo ng halik, Brent Cruz... As if naman di ka pa nakakahalik ng maraming lips." Kawawa naman ako sa tuwing naii sip ko yun. Pero sige, I kissed back. Patunay `to na hindi ako... denial queen. "HAHAHA! Aryt. I had a great time, thanks to your family... and to you."

Ngayong sinabi niya naman bigla yan pagkatapos niyang mang inis... natahimik ako . "Get in your house. I don't like seeing you standing there and watching me leave ." Exclamatory point! Kung di lang sana ako nasa harap niya ngayon sa gilid ng sasakyan niya ay nalagl ag na ang panga ko. "Ow-Oryt. Sige." Tinuro turo ko pa ang gate bago ako pumunta doon. "Good night d in, thank you... at uhmmm, take care." He flashed a smile tapos umalis na. NAKANGITI AKO, saka ko palang yun na realize ng nakahiga na ako sa kama.

L-arcs

L1.Intergames

Intergames na. Unang game namin, pinaglaro naman ako pero sa tuwing ginagamit ko yung splitstep, pinupull out ako ni coach Paul at nagpapa substitute siya. "GO! GO! GO!" Halos mapasigaw din ako sa bench habang tinitingnan sila. Painit ng painit ang l aban. "Coach! Ipasok na si Alvarado!" Dinig na dinig ko ang boses ni Jason kahit nasa bleachers lang siya. "Oo nga!" Pati si Kitchie. "Go Alvarado!" Sa tingin ko, di na naman siguro ako kailangan. Nakita ko kasing ganado at mukha ng galit kung maglaro si Chloe ngayon. Parang ganadong panalunin ang team. Tumitingin tingin p a nga siya sakin gamit ang maarte niya mukha. "Go! Go! de Silva!" Marami ding fans si Chloe, magaling kasi siya at maganda. Kaso yung iba ay ayaw sa kanya dahil sa ugali niya. "Di na kita ipapaglaro, Miss Alvarado."

"Bakit coach?" "Kaya na nila yan!" Tumango naman ako. Kalahati pa lang sa oras ng game alam na agad ni Coach kung s inong mananalo ah. Tiningnan ko ang mga nasa bleachers. Syempre kinawayan ako ni Emily at Jason na magkatabi. Nakukyutan ako sa dalawa. Si Jason mukhang barumbado tapos si Emily ang laki lak i ng glasses. At syempre, sa likuran nila ay ang Cruz twins. Kumindat si Brent sakin samantala ng si Ara naman ay di napansing nakatingin ako sa kanila. Whoa! Nandito din pala si Chad. Sa mukha niya, kararating niya lang at umupo siy a sa tabi ni Ara. Lumingon si Chloe sa kanila. Hindi ko alam kung masaya ba siya o nawindang. Bast a ang alam ko lang ay nagbago ang takbo ng game. Halos matambakan na sila. Saka ako pinapasok ni Coach sa laro. Pagkapasok ko, hindi rin naman ako masyadong naka score kasi mukhang natauhan si Chloe sa nangyari. "I don't need you here." Sabi niya sakin. Buti na lang at nakahabol kami. Pinaglaro ako ni Coach hanggang sa huli. "Mine!" Sigaw ko nang nakita ko ang huling bola na papunta sakin. "Wrong!" Nakita ko si Chloe na tumalon sa harap ko at tinulak ako pababa para ma spike an g huling bola. Nanalo kami pero pumilipit ulit ako sa sakit. Hindi kasi ako naka-landing ng maa yos kaya ayan sumakit ulit ang paa ko. Nagsipuntahan silang lahat sa court. Nanalo kami, masaya ako. Pero ang sakit tal aga. At di ko mapigilang magalit kay Chloe. Masakit eh. Pero syempre, nagdedebate parin ang ka looblooban ko, siguro hindi niya ako narinig nung sinabi kong 'Mine!', pero teka, sabi niya 'Wrong!' ah? Tapos tinulak pa talaga ako! Grrr. "Chloe, this is all your fault!" Biglang sigaw ni Ara pagkatapos kong lapitan ng medics. Nandoon narin sina Brent, Chad, Jason at Emily. "I saw you, Chloe!" Sabi ni Ara. "What are you talking about?" Sabi ni Chloe.

"Tinulak mo siya!" "Really? Ano ang ebidensya mo, Ara?" "Only dumbsh1ts would want evidence for that! My God! Tinulak mo siya." "No I didn't! Why would I? Sinabi kong aking yung bola! Why would Maxine jump when I already told her it was mine?" "That's not the point. Kailangan mo ba talaga siyang itulak?" Natahimik si Chloe. Pinagtitinginan na kasi sila ng mga tao sa paligid. pati ang medics na naglalaga y ng ice sa paa ko. "Are you okay, Max?" Tanong ni Chad. Nasa tabi ko na agad. "Uh, oo. Pero mejo masakit pa." "Okay fine, I'm sorry! Pero di ko talaga sinasadya yun." Sabi ni Chloe. "And its not your business to stick your nose to us, Ara." Tumaas ang kilay ni Chloe nang hum arap siya kay Ara. "Stop it, Ara. Let me handle this." Sabi ni Coach sabay awat kay Ara. Nakasimangot parin si Ara at pumunta sa akin. "Max, are you alright?" "Yup, thanks Ara." "Di bale. Humanda yang Chloe na yan!" Gusto ko sana siyang pigilan sa ano mang binabalak niya kaso di ako makagalaw sa sakit at bigla na lang siyang umalis. L2.Disaster

Linagyan ng bandage ang paa ko. Buti na lang at wala namang masamang nangyari sa araw na yun. Wala namang ginawang masama si Ara. Mabuti na lang. Pero natatakot ako baka may kung anong pinaplano siya. Okay na naman ang paa ko eh. Sa tingin ko fully healed na siya. Nag CR ako mag isa. Papasok na ako sa cubicle nang marinig kong may pumasok. Sin a Chloe! Bigla-bigla na lang nila akong tinulak papasok sa cubicle at sinarado ang pinto. "Chloe! Ano ba! Buksan mo to!" Sabay hampas ko sa pintuan. "Yan ang bagay sayo!" Sabi niya. Kasama niya ang mga kaibigan niya.

"I told you! Layuan mo si Chad! Eto ang bagay sayo! Kala mo ba natatakot ako sa mga threat ni Ara sakin? Hindi! Mas takot siya sakin kaya wag kang feeling, Maxine!" "Chloe! Ano ba ang pinagsasabi mo, buksan mo-" Binuhusan ako ng tubig. "Oh hayan! Jan ka na!" Umalis na sila at iniwan akong naka lock sa cubicle at basang-basa sa tubig. Sa oras na 'to, inis na inis ako! Naiyak na nga ako dahil sa inis! Gusto kong sa bunutan si Chloe pero ewan ko. Ang mundong ginagalawan ko ay di ulad sa kanila. Kaya nilang gawin yun, pero ako hindi. Bakit may mga ganung klaseng tao? Hindi ko maintindihan. "Buksan niyo 'to!" Talagang kinareer ko na ang tumungtong sa inodoro para lang makakuha ng attensyo n kahit walang tao sa loob ng CR. "Oh my gosh!" Kakapasok naman ng grupo nina Ara. Hindi ko alam kung mag si-CR sila o narinig lang nila ako sa labas. Agad binuksan ni Ara ang pintuan ng CR. Nakita niya ako, syempre basang-basa at pulang-pula ang mata sa kakaiyak. "Who did this to you?" "Sino pa ba, Ara? Edi sina Chloe, malamang!" Sabi ni Lia. Ngayon ko lang ulit nakita si Lia simula ng kinausap niya ako bago mag camping. "That b1tch will pay!" Sabi niya sabay kuha ng phone. Inalalayan naman ako nina Ashley at Tasha kahit parehong bihis na bihis. "Ihahatid namin siya sa clinic, Ara." "Yes please. Get some of my clothes in my car." Sabay hagis sa keys niya na naku ha naman ni Lia. "Hello? Where is Chloe de Silva right now?" Tinalikuran niya kami. Hinatid naman ako ng dalawa sa clinic para makapagpahinga at magpatuyo. Binigyan nila ako ng maraming tuwalya. "Here are the clothes, Tash." Sabi ni Lia kay Tasha. Nagmamadali. "Saan ka pupunta?" "Don't you wanna see it?" Sabay kindat ni Lia. Tiningnan nila ako. "Makakapagbihis ka naman siguro mag isa, diba, Maxine?" "O-Oo." "Okay, go!" Umalis silang tatlo. Inabot pa ako ng siyam-siyam bago makapagbihis dahil pinroseso ko pa ang lahat n

g nangyari. OH MY GOD! May masamang mangyayari! For sure! Galit na galit si Ara! At ang laha t ng ito ay dahil sa akin. Dapat nandun ako! L3.Cat fight!

"Binasa niya si Maxine at kinulong sa CR!" Naabutan ko si Ara sa gitna ng court. Kaharap niya si Chloe. Nandun si Coach Pau l sa likuran ni Chloe samantalang si Chad naman ay nasa likuran ni Ara. Biglang may yumakap sa akin. A familiar scent. "Brent!" Halos maiyak ako sa higpit ng yakap niya. "Wag mong hayaang makipag away ang kapatid mo kay Chloe! Its not worth it." Sabi ko. Kumalas siya sa yakap. "I couldn't stand seeing you being treated like that, Max. Tama ka, ayaw kong makipag away si Ara. Especially with Chloe... But Ara's always been like that... to someone important to her..." Napatingin ako sa loob ng court. "...and to me." Hinawakan niya ang kamay ko at pumunta kami sa loob ng court. Natigilan ang lahat. Practice lang naman `to dito sa school namin pero marami pa ring taong nag abang. Siguro dahil parehong sikat si Chloe at Ara. "Oh really, Ara? May ebidensiya ka ba?" Galit na galit si Ara at si Chloe naman ay pa-cool lang. "Ara, stop it." Sabi ni Chad. "Baka nagkakamali ka, bakit naman yun gagawin ni Chloe?" "Oh yes, of course, because only I have the nerves to do those kind of things, C had?" Katahimikan. "Max!" Nakita ako ni Ara. "Tell them. Sabihin mo sa kanila kung sinong nag lock sayo sa CR at nagbuhos sayo ng tubig." "Ba't ko naman gagawin yun-" "Bakit? Kasi you like Chad, Chloe!"

Ngayon, nakita ko na talagang kinabahan si Chloe. Hindi lang kinabahan. Humiliat ed. "You like Chad! Alam ko na yan simula pa noon, right Chloe? Or you want to deny that, even? Huh?" "Binasa ko si Maxine because I like Chad? Come on, Ara! Where's the logic-" "You think may gusto si Chad kay Maxine... And poor you, confirmed it with Chad' s actions. Yes, it is true... It should be true. Chad's always concerned with Maxi ne. He always cared for her. Cared like he never cared for anyone else. I bet you're actually threatening her here in your team, Chloe." Di na makahinga si Chloe sa mga sinasabi ni Ara. "Maxine, sino ang bumuhos ng tubig at nag lock sayo sa CR-" "Hindi ka ba talaga natatakot sa akin, Ara? Sa maaari kong ibulgar?" Natigilan si Ara. "Kung makapagsalita ka, akala mo naman ako na ang may pinaka eskandalosong nagawa dito sa school natin. But don't forget, kahit nabayaran na ng pamilya mo ang eskandalong nagawa mo, may ibang tao paring hindi nakakalimot." "Chloe, stop it!" Sabi ni Chad. "Ikaw ba talaga ang gumawa nun kay Maxine?" Disappointed ang mukha ni Chad. Mas lalong kinabahan si Chloe. "Y-You believe her?" Ngumiti si Ara. Pagkatapos niyang matigilan sa huling sinabi ni Chloe. "You pathetic girl. Akala mo talaga sayo siya maniniwala ano? Give it up, Chloe. Your plastic layers have been peeled off. Your true nature has been exposed. Wel l at least to Chad... Kasi lahat naman kami dito alam na ganyan ka. Si Chad lang ang walang alam, kasi you like, oh! love!, him... You can't bear losing him if he fi nd out your true colors." *Slap!* Bakit ako nanonood lang dito? Dahil sa akin, nag aaway ang dalawa! Pareho kaming tumakbo patungo kay Ara na MUNTIK ng nasampal ni Chloe. Nasalo ni Chad ang sampal. L4.Second Offense

"Chloe, ginawa mo ba talaga iyon?" Tanong ni Chad. Mangiyak-ngiyak si Chloe. Ayaw sumagot.

"Bakit ko naman gagawin yon?" Mahina ang boses ni Chloe at di pa makatingin kay Chad. "Liar!" Sigaw ni Ara na ngayon ay nasa likuran na ni Chad. "Maxine, totoo ba yun?" Tumingin silang lahat sa akin. Ayaw kong aminin dahil naaawa ako kay Chloe. Kaso ayaw ko namang magsinungaling at madamay pa si Ara. "Oo." Saka bumasag ang bulong-bulungan ng taong nakapaligid. "That's enough! Magsibalikan na kayo sa pwesto." Sabi ni Coach Paul sa mga usese ro. Lost and angry. Habang napailing si Chad. "Chloe, you disappointed me. masama yung ginawa mo, nagsinungaling ka pa..." Hindi nag alisan ang mga usisero dahil sa mga salita ni Chad. Pero si Chad, nag walk-out. Hindi yata nakaya ang ginawa ni Chloe. "See? You lost the love of your life... Ha! Ha! Ha!" "Shut up, Ara! Shut up!" Tumulo ang mga luha ni Chloe. Naiinis at galit na siya ngayon. "Tutal nag aminan na rin naman, bakit di mo aminin sa harap ng buong school kung sino ang boyfriend mo, huh?" Agad hinawakan ni Brent ang kamay ko. "Tayo na." Sabi niya sakin. "Stop it, Chloe. this is not funny anymore." Sabi ni ya kay Chloe. "Yeah, Chloe, its just so boring. Admit it, you're ruined." Sabi ni Ara. Ayaw parin mag sialisan ng mga usisero. Siguro ay dahil na cu-curious din sila s a sinabi ni Chloe. "Anong kaguluhan `to?" May dalawang guard na dumating at nandito rin ang Director ng school, mukhang na padaan lang at nakiusisa narin. Masyado kasing maraming tao dito. Lumingon ako kay Chloe na ngayon ay center of attention na. Malapit na kasi kami ng makaalis sa maraming tao.

"Oh this is great! Saan ka pupunta, Ara Cruz?" Sigaw ni Chloe. Hindi nakinig si Chloe sa mga guard na umaawat sa kanya. Mukhang desperada na ta laga siya sa kanyang mga ginagawa ah. Hindi na lumingon si Ara. "And Coach, you're running away too? With Ara?" Si Coach Paul ay nasa tabi ni Ara at naglalakad palayo. OH MY!? Natigilan si Ara at si Coach kaya tumigil kami sa paglalakad ni Brent. His hands were firmer now. "Ara, Coach Paul Tan, why don't you admit in front of the crowd, in front of the school, in front of our director, what your relationship is all about?" Mas lalong nagbulung-bulungan ang mga tao. "Di ba, hindi pwede? Teacher siya, diba?" "Bawal ang student-teacher relationship, diba nasa code of conduct natin yun?" S abi nung isang estudyanteng narinig ko. Hindi `to maaari! Sigurado akong isa na naman sa kasinungalingan ni Chloe ito. Napailing ang Director habang nakatingin kay Coach Paul. "Totoo ba yun, Mr. Tan?" Tanong ng director. Coach Paul looked away, as if guilty. Si Ara naman ay nakatayo lang at nakatingin kay Chloe. Galit. "So this is how you wanna play this game, Chloe?" Katahimikan. "Oh no! Don't be so stubborn sis." Narinig ko ang bulong ni Brent kay Ara. Anong ibig sabihin nito? Totoo?!?! "You're gonna be expelled. Second offense."

M-arcs

M1.Territorial

"Kawawa naman si Ara." Sabi ni Jason. Papunta kami sa sasakyan nina Emily. Tatlong araw ng absent si Ara simula nung a way nila ni Chloe dun sa court. Kahapon, laro namin, grabe, tinambakan ang kalaban! Ganadong-ganado si Chloe sa laro! Hanggang ngayon naman ay di ko parin maialis sa isip ko ang mga nangyari. Coach Paul? Ara? "Gusto mong sumama kay Maxine, Jason?" Tanong ni Emily sa tonong di ko mawari. "Hindi naman. Hindi naman ako welcome dun, pero talagang naawa lang ako sa kanya." Suminghap si Emily at ngumiti nang tumingin sa akin. "Okay lang naman siguro, kailangan niya ng karamay." Sabi ni Emily. "H-Hindi na no." Sagot ni Jason. Pinapapunta kasi ako ni Ara sa bahay nila. Hindi ko naman alam kung paano ako pu punta dun kaya nagpresenta si Emily na ihatid ako. "Maxine!" Biglang sumulpot si Brent nang papalapit na kami sa sasakyan nila Emil y. "B-Brent?" "Let's go!" "Let's go?" Nagkatinginan kaming tatlo ni Emily at Jason. "Pinapapunta ka ni Ara sa bahay diba? Ihahatid kita." Oh! Hindi ko alam na may ganung usapan pala? "O... Sige, sure!" Sabi ni Emily ng nakangiti. Napawi ulit ang ngiti niya nang tumingin siya kay Jason at... "Jason, baka gusto mong sumama, okay lang! Sige na!" "Uh, hindi na. Salamat." Tumaas ang kilay ni Brent sa narinig. "Hindi na..." Sabi ulit ni Jason. "Aryt! So, we'll leave you here? Uh, tayo na, Max!" "Thanks, Emily, Jason! Alis na ako ah?" "Sige, bye! ingat Max!" Nang nakalayo na kami... "That was awkward. What's wrong with your friends?" "Ewan ko..." Nagkibit balikat na lang ako pero ako rin ay nagtataka. Oh well. "Kumusta si Ara?"

"Okay lang naman siya. Bored at home. Binibisita din naman siya nina Lia, Ashley at Tasha minsan. Lumabas nga sila last Friday, nag bar hop." "Ohh. Buti naman. So, ano? Nandun sa bahay niyo sina Lia ngayon?" "Uh, wala naman." Naisipan ko naman yung pangyayari bago kami nag training camp. "Bakit?" "Wala naman... Paano naman yung case niya dito sa school? Anong gagawin niya? Pano si Coach Paul? Meexpell ba sila?" Papalapit na kami sa sasakyan niya pero di ko alam bakit stuck-up masyado yung m ata niya sa iba. Sa dami ng tanong ko, wala siyang sinagutan kahit isa. Na-curious tuloy ako sa tinitingnan niya. YUN PALA! Nandun sa unahan si Catherine San Juan kasama ang short-shorts, tube t op, wedges, at red lipstick. Nainis naman ako dun! Marami akong tanong pero binalewala ako. Inunahan ko n ang mokong sa paglalakad papunta sa sasakyan niya. Oh well, manyak at playboy, what do you expect? "Teka!" Binalewala ko na. Ang layo kaya ni Kitchie, tapos parang telescopyo ang mata niy a nakatingin at nakita agad. Dumaan tuloy sa isipan ko ang soot ko ngayon na torn jeans at plain white T-shir t at owl na necklace. Nothing so special. "Ang bilis mo namang maglakad! Hanep yung Kitchie San Juan ah. Halos ma bali ang ulo nina Raphael at Seb dun sa malayo. Haha!" Sabi niya habang binubuksan an g pintuan ng sasakyan niya. "Pansin ko nga eh. Ikaw nga diyan halos lumabas na yung mga mata mo." Inirapan k o siya habang pumapasok sa sasakyan. He gave me a weird look. Half-smiling. Half-shocked. Hindi na talaga ako tumingin sa mukha niya at kinuha nalang ang phone at nicheck ang messages. Umikot siya at umupo na sa driver's seat. Nakatingin sakin, di pa pinapaandar an g sasakyan. "I think, they're gonna be expelled. Pero hindi ko alam kung may magagawa ba ang parents ko sa sitwasyon nila. But I'm sure Paul's parents will do something abou t it.

Mahirap kasi kung papakealaman pa ng parents ko yan, baka kasi sasabihin na ginagamit ang impluwensya nila. I don't know, the case is still pending." "Uh-huh! At narinig mo pala ang mga tanong ko. Okay." Saka niya pinaandar ang sasakyan. Humarurot pa ang mokong. "Bakit ko naman di maririnig?" Sumulyap ako sa kanya. Nakangisi siya. "Syempre, hanep naman talaga si Kitchie-" "Ah! So you're jealous!?" "I'm not! Wag masyadong feeling please. At ba't ako magseselos, may gusto ba ko sayo? La naman diba?" "Chill! Wala nga! Sino bang nagsabing meron!" "Wala... Errr. Naisipan ko lang kung gaano ka talaga ka manyak. Talagang naaakit ka sa mga legs na nakakasilaw." "Manyak? Almost all boys are like that. They like girls in shorts, bikinis, etce tera." Kumidat pa siya sakin. Suminghap ako. "But please don't wear those clothes." "Huh?" Tumigil sa traffic ng sasakyan. Tiningnan niya ng soot ko. "Well if you want to wear those, wala akong magagawa pero I don't want you wearing it in public. Dapat ako lang nakakita sayo. Especially bikinis? Haha! No way! I'd have to kill every single boy who will stare at you." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang bilis niyang sinabi yun na halos di k o maproseso. Nakatingin lang siya sakin habang nakatunganga at nakatingin din sa kanya. "Kung hindi mo alam, halos lahat ng lalaki sa skul kilala ka. They're admiring y ou. Hindi lang dahil maganda at magaling ka sa volleyball, dahil na rin sa legs na ipinapakita mo sa tuwing naglalaro ka. Very tight and short-shorts everytime you play volleyball, it can't be helped..." Umandar na naman ang sasakyan at humarurot. "Your point?" Sabi ko pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. "My point is, I don't like it. I-I don't like them to see too much of your skin. " "Kala ko ba natutuwa kayo sa tuwing nakakakita ka ng mga sexy?" Pinandilatan ko ulit siya. "Oo, pero wa'g ikaw. Kahit na alam kong di mo maiiwasan yan, pero when it comes to the girl I love, I'm territorial."

So you love me? What eveeeeeeeeeeeer! Hindi na lang ako nagsalita. Pero naramdaman ko kung paano ako kinabahan sa bawat minutong lumipas na tahimik kaming dalawa. M2.family

Narinig ko sa guard dun sa bahay nina Brent na kaalis lang daw ng friends ni Ara . "Are they around?" "Opo sir." Diridiretso ang lakad ni Brent habang ako'y natatagalan pa at namamangha sa laki ng bahay nila, sa magagarang kotse, sa mamahaling gamit, sa malalaking frame. May picture ni Br ent ( ang gwapon naman !), may picture ni Ara (ang ganda din!), at sa kanyang mama at papa. Kilala ko a ng papa niya dahil siya kasi ang Governor dito. Sikat siya dahil mabait at mayaman. Marami din kasi silang negosyo at lupain. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko..." Narinig ko ang mahinahong boses ng i sang lalaki sa 2nd floor ng bahay nila. Mukhang nasa balcony. Malawak ang bahay nila at tahimik. Kaya madaling marinig a ng mga boses ng nag-uusap. "Brent!" Sigaw ni Ara. "Maxine!!!" Sabay takbo niya papunta sakin at yakap. Kinabahan ako dahil kaharap ko ngayon ang mama at papa nila. Ang ganda ng mama nila. Elegante ang beauty at pormal. Ang papa naman nila ay ka lmado. "Mom, Dad. this is Maxine. Brent's, uhh,-" "Girlfriend?" Sabi ng mama nila. "-Ah hindi po." "Not yet!" Sabay naming sinabi ni Brent 'to. Napaka-intimidating din ng mama nila. Nakangiti naman pero halatang pinagmamasda n ako ng mabuti. "Maxine Alvarado?" Tanong ng Papa nila. "Opo..." "Kilala ko ang papa mo. Sabi kasi ni Brent sa akin, anak ka raw niya. May busine ss deal kami sa kompanyang pinapasukan niya." "Oo nga po eh, yun din po ang pinag uusapan ni Brent at ni papa sa bahay."

Natigilan ang papa ni Brent at mas lalong naging intimidating ang mama ni Brent. "You've been to their house, Brent?" "Yep." "Oh... May something." Ngumiti ang mama ni Brent sakin. Nabigla ako sa sinabi niya. Tumawa din ang papa niya. Naibsan ng konte ang kaba ko. Feeling ko kasi kanina masyadong seryoso ang pinag -uusapan nila at bigla na lang kaming sumulpot. "May something nga!" Tumawa din si Ara. "Take note, mom, since high school!" "Oh! Matagal na pala! Kawawang Brent." Nagtawanan sila. Ewan ko ba pero pakiramdam ko pulang-pula ako ngayon. "Tama na nga yan, namumula na tuloy si Maxine!" Lintik, sinabi mo pa, Brent! Nab atukan ko tuloy ng konti. Konti na lang muna kasi baka palayasin ako dito sa bahay nila . Nagtawanan ulit sila. "Hija, wa'g mo yang sagutin hanggang di natututo." Sabi ng mommy ni Brent ng ser yoso. "His dad is having a hard time convincing him to get serious." "Mom, I'm serious. Kaya nga di pa ako nagka girlfriend diba?" Tumawa na lang ang dad niya. "Brent, hindi ka nga nag gi-girlfriend, sobra naman ang panchi-chix." Umiling si ya. Tumawa si Ara at ang mama nila. "By the way, Ara, papunta na ba si Paul?" "Opo." "Good. Ask him to stay a little longer. Mag mi-meeting lang kami with my lawyer and his dad's. We have to talk about something. Maybe fix this mess." Sumimangot si Ara. "Dad, honestly, I don't want you to fix this. Gusto ko kami naman ang mag aayus ng gusot namin. Tama na yung ginawa ni Brent noon." Napatingin ako kay Brent. Ngumiti lang siya sakin. "Aryt. Pero we'll still meet them anyway." Tumayo ang mama at papa ni Brent. Hindi ako makapaniwalang nandito ako sa harapa n ng respetadong Governor at business man. Malakas ang dating. Ang mama naman nila, elegante, sopistikada, intimidating pero marunong din naman palang mag biro at mabait. "Maxine, enjoy here! Brent, don't do anything weird, aright?" Sabi ng mom ni Bre nt

sabay haplos sa buhok niya. "Yes, ma'am!" Nagpaalam na sila. At ako naman dito ay nakahinga ng malalim. Bakit parang ang l alaking tao nila para sa akin? "Maxineeee!" Sabay hug ulit ni Ara sakin. "Turuan mo ako gumawa ng cookies?" Kinindatan ako ni Brent sabay hila sakin ni Ara papuntang kusina. M3.weirdly

Heto kami ngayon ni Ara sa kitchen nila, gumagawa ng cookies. Si Brent naman, na sa kwarto niya at nagsha-shower lang daw. Hindi pa naman ako sigurado sa mga ginagaa namin pero buti na lang at nakakatext ko si Emily at natuturuan kami. "Max, liniligawan ka ba ng twin ko?" Tanong ni Ara habang linalagay ang mga choc ochip cookies sa oven. "Hi-Hindi naman..." "Ows? Don't tell me alam ng buong skul na nililigawan ka niya, tapos ikaw lang a ng hindi?" Natigilan ako. May mga tingin pa siyang tulad ng mga mata ni Brent pag iniis ako. Half-smiling din. "Hindi talaga." "Hay naku, my brother. Natotorpe siguro yun. Magaling yun pumorma sa babae eh. "Oo nga. Napansin ko. Masyado siyang maraming girls." "Alam mo naman, lalaki. Hindi pa nga yun naiinlove eh. Ngayon lang." The look. "Pero marami namang umaaligid sa kanya ah? Tsaka, di naman natin ma deny na magaganda naman talaga at halos mga model na." "Oo. Ganyan talaga pag lalaki. Pero pag sa mahal nila, wala lang yan ang lahat n g ibang babae." Ngumiti siya. Bakit parang pakiramdam ko dito may binibenta si Ara sa akin at di ako makakalab as sa bahay na to kung di ako bumibili. Hindi ako makapagsalita. "Alam mo, kahit ganyan si Brent he's actually a good person." Alam ko... Nararamdaman ko yan... pero... ewan ko.

"Nung high school pa kami, nakilala ko si Paul." Coach Paul. "He was 19 at that time. Coach siya ng basketball team. Hinihintay ko si Brent s a court dahil nagpapractice pa sila. Doon ko siya nakilala." Whoa! 19... around 24-25 pala si coach Paul ngayon. "Nagustuhan ko na siya, noon pa lang. Nagustuhan din niya ako." Sa mga mata ni Ara ngayon, parang nakikita kong mahal na mahal niya talaga si Co ach Paul. "Si Brent, Chad at Chloe lang ang nakakaalam nun. Magkaibigan kasi kami ni Chloe noon. Kaya lang hindi ko alam na may galit pala siya sa akin. Sinabi niya sa sch ool prefect ang relasyon namin ni Paul." Hindi ko alam kung ano ang mukha ko ngayon pero talagang napanganga ako sa mga s inabi niya. "I was immature. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pinahiya ko si Chloe at inaway. Hindi ko rin madeny sa prefect ang tungkol sa amin ni Paul dahil gusto kong panindigan ang pagmamahal ko sa kanya. I just don't wanna deny him." :O "Pero alam ko ding ma ki-kick out siya pag inamin ko. Wala naman kaming ginagawang masama. Pero I was too young to be involved in a relationship back then. Nalaman din ng mama at papa ko. Ayaw nila agad kay Paul. I was grounded. I thought I'll be grounded forever. Pero hindi... Brent saved me." Paano nasave ni Brent si Ara? Ito pala ang nangyari noon... "He punched Paul in front of everyone. Binugbog niya. Scandalous, isn't it?" Maslalo akong namangha. "Pero mas scandalous parin ang nangyari sa akin. Kaya sinabi niya sa school na hindi totoo yun. Na pinagtatakpan ko lang ang bangayan nilang dalawa sa basketball team. He told everyone that he was bullying Paul. At hindi siya makapaniwalang madadamay ang twin niya sa dito. Sinabi niya sa skul na handa siyang makick-out instead of me." Tumawa si Ara. "Galit na galit si Papa sa ginawa niya. Ako naman, hindi ko alam kung magagalit ako o maiiyak. Everyone believed him. Lahat ng rumors about me, na scratch. Si Brent naman ngayon ang pinag uusapan. Hindi lumaban si Paul kaya hayun, napuruhan. Halos idemanda na si Brent ng pamilya ni Paul." I can't believe it! Pero paanong hindi siya na kick out?

"But of course, sinabi ko sa family ni Paul ang totoo. I risked it all. Bahala n a kung magalit sila sa akin at hindi na ako tanggapin sa kanila forever. I just want to save Brent. Si Brent naman, kahit alam niyang ididemanda na siya, at oras oras pang napapagalitan sa bahay, nakangiti parin siyang humaharap sa akin." AMBAIT! "In the end, nagresign si Paul at hindi na sila nagdemanda. Na ayos na yata ni p apa. Pero nakatatak sa lahat ang ginawa ni Brent kay Paul. Simula noon, binabantayan na siya ng prefect. Konting away lang sa ibang estudyante, pinapatawag na agad a ng mga parents namin. Palagi yang napapagalitan coz he was always stubborn. But then again, he risked going to hell just to save me. I love him. Kaya imbis na m aging basagulero siya, mga babae na lang ang inaatupag niya. HAHA!" "Talaga? Hindi ako makapaniwalang ganun pala yung nangyari noon." "Oo nga eh. Natatakot nga ako at baka ulitin niya yun ngayon o baka may naiisip na naman siyang kalokohan. Thank God dad's at it na. Lagi na lang talaga akong napapasubo. Hay..." "Magiging okay din yan, Ara don't worry." "Ma'am, nasa sala na po si sir Paul." Sabi nung yaya nila. "Oh! Sige... Yaya, paki check nalang din po si Brent..." "Wa'g na yaya, ako na po." Sabi kong bigla. "Oh!?" Nandyan na naman ang ngiti ni Ara. Ewan ko rin kung bakit yun ang sinabi ko. Siguro namangha ako sa kay Brent. :O M4.They kissed

"Brent?" Kumatok ako sa pintuan, pero hindi naman pala nakasarado. Naiisip ko tuloy yung mga eksena sa movies. Diba nagsho-shower daw yung haliparot na yun? Baka maabutan ko siyang na katuwalya lang. Ano ba kasi ang iniisip ko at nagvolunteer pa akong ako na ang pumunta dito? Sig uro gusto kong makausap si Brent na kami lang dalawa. Pero ano namang pag uusapan namin? Sigura do ako kung pupuriin ko siya ngayon sa nagawa niya noon, iinisin lang ako nun at magfefeeling na inlove na ako sa kanya. "Brent? Hindi nakasarado ang pinto... Uhmm, labas ka na raw, sabi ni Ara." "Come in." Sabi niya ng pautos. Pautos na naman. Order.

"Don't worry, hindi ako nakatuwalya." Err. Para akong nabagsakan ng bato pagkasabi niya nun. Kakaisip ko nga lang nun eh. Pumasok ako. Ang laki din ng kwarto niya ah? Parang sa loob ng kwarto may sala pa. Nandun siy a sa isang sofa ng sala sa kwarto niya kaharap ang balcony na may puting kurtina. Nakaupo lang s iya, nagpapahinga. Nakabihis naman pero basa pa ang buhok. Tiningnan niya ako papalapit sa sofa niya pero ayaw ko namang umupo. Nakangiti s iya at kumindat. "Ikaw ang unang babaeng nadala ko dito sa bahay namin, at dito sa room ko. Aside , of course, kay mommy, Ara at sa mga maid." "Hmm, ako pa lang ang una. Sigurado akong may pangalawa... at may mga susunod pa." "You're just being insecure, Maxine. Kung sasagutin mo ko ngayon, ibig sabihin, ikaw na nga lang talaga." Ngumisi siya. "Alam mo kung bakit ako nandito? Kasi sinabi sakin ni Ara yung totoong nangyari tungkol sa inyo ni Coach. Pakiramdam ko, ang bait-bait mo talaga. Pero sa tuwing ganito ka? Natatawa na lang ako sa sarili ko." Katahimikan. "Why can't you see...?" Seryoso ang mukha niya. "...me?" Tumayo siya at lumapit sa akin. Kinabahan ako. Narinig ko ang puso ko. Mabilis a t malakas ang pintig nito. Heart? Natatakot ka ba kay Brent? Huh? Anong nangyayari sayo at bumibilis ka. Ang gwapo at ang bango ng mokong. Kung seryoso lang sana siya palagi eh na-inlov e na ako sa kanya. Kaso, di eh... teka? Seryoso ba siya ngayon? Ay ewan! "Nakikita kita, Brent. Nakikita ko ang mga pambobola mo." Hindi na ako makatingi n sa kanya. Papalapit na kasi siya at nagfa-flashback na naman ang mga memories ko nu ng hinalikan niya ako. "I doubt that..." Ngumisi siya. "Hindi ka makatingin sa akin ngayon. And you wer e closing your eyes while we were kissing..." "So? Hindi ka pala nakapikit nung naghalikan tayo?" Kainis! "Nasiyahan ka siguro nun! Feeling mo naisahan mo na ako!?" Tumayo ako at hinampas-hampas siya. Nakakainis! I can only imagine! Yung mukha n iya habang hinahalikan ako at nakikitang nakapikit ako habang humahalik sa kanya! The nerve ! I should have known! Haliparot `to eh!

"Wa-Wait! I was closing my eyes! Naramdaman ko lang na pumikit ka." "Ha? Shut up, Brent!" Sabay hampas ko parin sa dibdib niya habang nag struggle s iyang pigilan ako. "Okay! It was like this, Max!" Nauna kong nakita ang pagpikit niya saka ako hinalikan ulit. Hinampas ko siya ka nina, pero bakit parang nawalan ako ng lakas para hampasin siya ulit ngayong nakahalik na siya sa kin. At bakit di ko rin mapigilang pumikit din tulad noon. At di ko rin mapigilang halikan siya. Oh no! I am becoming more like Brent Cruz??? Hindi maari `toooo! Hawak niya ang mga kamay ko. Ngumiti siya pagkatapos ng halik. Mas matagal ito n gayon. "Oh... my gosh!" Narinig ko ang tawa ni Ara sa pintuan. ANG GALEEENG! May nakahuli pa! Pulang-pula yata ang pisngi ko ngayon. UGH! "You two kissed! And I heard its not the first time!? HAHA!" ANG GALEEENG! Ibig sabihin nun, narinig niya lahat. Kanina pa siya diyan! "Haha! I wasn't aiming for that, I want her heart." "Ewww! Brent!" "I know! HAHA! Wow! I am sooo happy!" Sabay lapit at akbay ni Ara sa akin. "O.M. G.!" Ang dami niya pang sinabi tungkol samin ni Brent na di ko na nakuha dahil iniisi p ko na naman yung nangyari. Haliparot na Brent na yun! Sinasanay ako! Leche! "Come on Brent! We baked some cookiesss! HAHA! I am so happyyy!"

N-arcs

N1.Wisdom

Pagkatapos nun, narinig ko hindi daw muna pinapasok si Ara sa school. At wala di n si Coach Paul. May substitute coach kami ngayon, babae. Okay lang naman siya. Nakakapress ure pa nga eh dahil sa mga sitwasyon. May game kami mamaya. Si Chloe naman, ang pangit makalar o. Siguro dahil na rin yun dun sa nangyari sa kanila ni Chad. Nandito ako ngayon sa bleachers, nakaupo. Nag re-ready sila mamaya sa game. Hind i ako

kinakausap ni Chloe, kahit tingin di niya magawa. Sobrang nainis siguro siya sa akin at sa nangyari. Pero bakit? Kung tutuusin nga, ako dapat ang mainis dahil sa ginawa ni yang pambabasa sa akin sa CR. "Max..." Tumingala ako at nakita si Chad may dalang Gatorade at binigay sakin. "Good luck sa game." Umupo siya sa tabi ko. "Salamat, Chad." Nataong nasulyapan ko ang court at teammates ko at nakitang nakatingin si Chloe sa amin. "Manonood ka?" "Hindi na muna. Sorry." "Uh, bakit naman? Galit ka parin ba sa kanya? Kay Chloe?" Hindi siya sumagot. Naisip ko tuloy na siguro may feelings si Chad kay Chloe kahit papaano. Noon ko pa napapansing abnormally close silang dalawa. "She lied to me... Sinaktan ka rin niya." "Uh, wala na yun sakin." Sabi ko with a fake smile. Ayoko lang namang gawing big deal yung paglo-lock niya sakin dun sa CR at pambab asa. Pero sa totoo lang, shocking yun at naisipan ko na talagang obsessed at hibang na talaga si Chloe para gawin pa iyon. Pero hindi ko parin alam kung ano ang tama, wala kasi ako sa luga r niya. Baka naman ganun talaga ang gagawin mo pag mahal mo ang isang tao. Hindi nga lang makatao ang ginawa niya. "She lied to me, sinaktan ka niya at nilaglag niya si Ara... Hindi ko alam kung bakit niya yun ginawa? Mabait naman siya." Napabuntong hininga ako. Kung alam mo lang, Chad. "Siguro nagsinungaling siya dahil ayaw niyang magalit ka sa kanya." "At bakit niya nilaglag si Ara? Bakit ka niya sinaktan? Hindi niya naman kailang an magsinungaling eh, mas lalo pa tuloy akong nagalit." Napabuntong hininga na lang ako. "Max!" Tinawag ako ng isang teammate ko. "Let's go!" "Yep! Teka lang!" Tumayo ako. "Chad, kung ano man yun, sigurado ako you mean so much to her kaya niya nagawang magsinungaling sayo. Sigurado din ako na malungkot siya ngayon dahil di mo na siya panapansin."

Wow! I sound like a saint! Pero sa totoo lang, naiinis din ako sa ginawa ni Chloe eh. Pasalamat siya't kaib igan ko si Chad at mukhang kailangan niya ang words of wisdom ko. Ngumiti siya at mukhang napawi ang stress sa mukha niya. Ngumiti na rin ako. "This is why I really like you, Max." Pagkasabi niya nun naramdaman ko talagang uminit ang pisngi ko. Di ko mawari kun g anong ibibigay kong reaksyon. Ngumiti na lang ako. "I will watch your game... for you." Tumayo siya. "Let's go?" OHHH EMMM GEEEEEEEE!

N2.Asa ka pa

Nanalo kami. Pero grabe, sobra ang pagod ko. Buti nalang at kahit paano ay tumino na si Chloe . Siguro dahil nanood si Chad. Kumaway sina Jason at Emily sa malayo. Katabi nila sa bleachers si Chad. Pupunta na sana ako sa kanila kaso nang nakita kong pumunta si Chloe malapit kay Chad... sinenyasan ko agad si Jason at Emily nasa ibang direksyon na lang nila ako salub ungin.Tinuro ko pa sina Chad at Chloe na mukhang nag uusap na. Mabuti na lang at naintindihan ng dalawa kaya umalis sila agad doon at pumunta s atinuro kong lugar. Nagsisialisan na ang mga tao sa bleachers, hindi ko nakita si... er.... wala... nevermind brain.

"Nice game!" Sabi ni Emily. "Salamat!" "Uh," Weird. "Max, kailangan kong umuwi. Kasi, uhhh, tinawagan na ako ni daddy.. ." "Oh, sige Ems! Kaw ba..." "Talaga? Di mo sinabi sakin kanina yan-" Sabi ni Jason. "Sige, una na ako. Text na lang tayo, Max." Ngumiti siya ng weird na ngiti at na gmadaling umalis na para bang di na narinig si Jason. "Emily! Hatid na kita!" Hindi na talaga lumingon si Emily at umalis na ng tuluyan. Umiling na lang ako. "Okay lang ba kayo?" "Ewan ko." "Max!" Bigla akong tinawag ni Chad kung saan. Pagkalingon ko, nakita kong iniwan niya si Chloe doon sa bleachers at pumunta sa amin ni Jason. "Ch-Chad." "Uuwi ka na? Ihahatid na kita?" "Hu-Huh? Uh, di, mag bibihis pa ako sa locker room." Sabay tingin ko sa nagbabag ang mga mata ni Chloe. "Ganun ba? Sige hintayin na kita." "Uh, Chad kasi..." Tiningnan ko si Jason, hayun tulala at mukhang walang marinig . "Sa tingin ko, kailangan niyo na talagang magkabati ni Chloe." Or else papatayin niya ako. "I'm trying. I just need some time..." Ngumiti siya ng ngiting nakakatunaw na ng iti. Nakakatunaw sa puso.... :O Nakita ni Chad si Jason na mukhang binalikan na ng kanyang kalulwa na nasa tabi ko. "So... uh, may lakad ba kayo?" "W-Wala." Sabi ko. Ay mali, wala pa palang kaluluwa si Jason, parang walang narinig eh. "Pero, uh, may gagawin pa kasi ako." Ngumiti ako. Masakit sakin ang sinabi kong yun lalong lalo na kung iniisip ko ang tunay na DA HILAN. "Oh, aryt! Sige, maybe I should go. Take care, Max! And.. Jason!" Ngumiti naman si Jason kahit walang kaluluwa. Pagkaalis ni Chad, binatukan ko na. "Ano bang problema mo?" "Kanina kasi habang nanonood kami ni Emily, hindi niya ako kinakausap. Actually,

ilang araw niya na akong di kinakausap at umiiwas din siya sakin." "Talaga? Bakit kaya? Baka..." sinaktan mo. "galit sayo?" "Bakit naman? Iniisip ko nga kung anong nagawa ko, wala naman..." "Sige mag-iisip din ako kung ano nga..." Tahimik kami papuntang locker room. Asan ba si... "Kumusta si Ara?" "Uh, okay lang naman siya... Uh- teka nga!" Tumigil ako sa paglalakad sa tapat ng locker room. "Sabihin mo nga sakin, Jason. May gusto ka ba kay Ara?" "W-Wala... I mean... Crush ko siya..." Tinignan ko siya ng masamang tingin. "C-Crush... Maganda siya diba? Lahat naman siguro may crush sa kanya. Well, ang ibang lalaki sayo din." "Ew, wag mo nga yang isali." "O sige, I like her. Kasi palaban at... maganda... really pretty." "Ayaw mo ng mga 'hindi' palaban?" Like Emily? "Uhh..." "Do you like Emily?" Wow! Direcho! Ako kasi, ayaw ko ng paliguyligoy na usapan. ANO DAW? Practice what you preach, Max! "B-Ba't mo naitanong?" "So... you don't like her?" "Hindi ko naman sinabi yun." "Hay naku, Jason. Siguro kailangan mong i-figure out yan mag isa..." Umamba akong papasok ng locker room... "Max!" "Yep?" "Thanks! Can I go now!?" Sa wakas at dinapuan din ng kaluluwa. Ang mga tao talaga ang tagal ma figure-out ng mga nararamdaman nila. "May pupuntahan lang ako." Ngumiti siya. "Sure.. " "And by the way, Max..." "Yezz?" "Nanood siya kanina..." O.o "Huh? Sino?" Pero tumakbo na si Jason at kinawayan ako with his evil grin.

Sino? Si... Pagkatapos kong magbihis, naisipan kong maglakad papuntang sakayan. Paminsan-minsan, naaalala ko yung nadapa ako dito habang naglalakad papuntang sa kayan. Dinala pa nga ako ni Brent sa ospital nun. Heh! Tama na nga yang Brent na yan! Napipicture out ko yung mukha niyang nakangi ti eh naiinis tuloy ako. Ba't ko nga ba tinanggihan ang offer ni Chad kanina? Ayan tuloy naglalakad ako n gayon dito. Err... Maxine, don't tell me umaasa kang i-rerescue ka ng mokong na yun? Hindi n o! siguro may inaasikasong chix yun!

"Maxine!" May narinig ako sa kalsada. Sa loob ng sasakyan.

"Brent.." Paglingon ko... Si Chad pala. Asa ka pa. Yan napapala mo. Umaasa ka naman alam mo namang wala ta laga...

"Hatid na kita? O may hinihintay ka?" Tumingin ako sa paligid. Clear. "Wala... Sige, sure. " N3.Sarcasm

Para akong nakakita ng multo ng nakita ko si Brent na nakaharang sa pintuan ng c lassroom ko. Kakatapos langng klase ko. Nakangisi siya. Kaso wala ako sa mood simula pa kahapon. Ang sarap tuloy sapakin. Ay hayan! Munt ik ko na talagang masapak habang papalabas ako ng room. "Oy anong nangyari sayo?" Tumawa pa siyang bahagya. Para bang natutuwa sa weird kong reaksyon. "Ano bang ginagawa mo dito?" Sabay irap ko. Nakangisi parin siya. Namamangha sa pag iinarte ko. "Sinusundo ka...Isn't it obvious?" "Tseh! Sunduin mong mukha mo!" Naglakad lang ako samantalang sunod siya nang sunod. "Ano ba?" "Anong ano ba? Ano bang nangyayari sayo? Bakit galit ka? May dalaw ka ba?" Ayun sinapak ko ng dala kong mga mabibigat na libro. "Ouch!" Kinuha niya naman ang mga dala kong libro. "Ano bah?" Ayun nag-agawan kami ng mga libro ko. "Ako ng magdadala." Umirap na lang ako at hinayaan siya. "Ba't ka ba-" "Saan ka ba pumunta kahapon?" Ayaw ko man yong itanong pero lumabas din sa bibig ko. Sa inis ko kasi di ko na napigilan. "May inasikaso lang ako sa business ni Dad." Tumalikod ako para harapin siya at hayun nakangiti. Tama ang hinala ko. Magfe-fe eling na naman ang mokong na `to dahil dun sa tanong ko. "Wa'g ka ngang feeling diyan! Di ako concerned! Tsaka, akin na nga yan! Ano ka, nanliligaw? Tseh!" Kinuha ko ang mga libro. "Galit ka ba kasi di kita nasundo? Bumabawi naman ako ah? Sorry... Babawi pa ako lalo, pramis. Tsaka...nanliligaw-" "Hep! Tumahimik ka nga!"

Tinitingnan na kami ng mga tao. May nakita pa ako kaninang nag fi-film saming da lawa habang sinusundan niya ako dito sa corridors. Naglakad ako palayo ng building at papuntang gate. Linsyak naman `tong si Brent! Ang feeling talaga! Ba't naman ako magagalit dahil hindi niya ako sinundo? Ano ko ba siya? F eeling talaga! Babawi? Bawiin niyang mukha niya!" Kinuha niya ulit ang libro ko hinila papuntang parking lot. Hawak-hawak niya ang kamay ko. "Brent, bitiwan mo nga ako." "Iuuwi kita sa bahay niyo." Sabi niya. "Bakit ba? Marunong naman akong umuwi mag-isa?" "Edi sana umuwi ka mag isa kahapon!" Natigilan ako... "Ano? Stalker!" Paano niya nalamang hinatid ako ni Chad? "I was about to fetch you! Binalikan kita ng school pagkatapos kong gawin yung business ni Dad. Pero obviously, it was too late..." Pero kahit na! Sana tinawagan mo ako! Loko ka! Sana sinabi mo sakin!!! Bakit ini wan mo na lang ako sa game!? Ni hindi ka nagpakita! Do you really care?! No one cares if you ca re... grrr. Ano ba `tong mga naiisip ko! Who cares about Brent Cruz! "Hey! Max!" Biglang may nagpark na sasakyan sa tapat namin. Chad! "Chad." Ngumiti ako ng parang walang nangyari. "Brent? Haven't seen you around ah?" "Ah, may inasikaso lang sa business ni dad." "Ahh, I see. so ano? May pupuntahan ba kayo?" "Ah hindi, nagkasalubong lang kami. Si Brent may pupuntahan pa yata, ako pauwi na." "Really? Coincidence! Pauwi na rin ako... Hatid na kita Max!" OH MY GOSH! No!!!!!!!!!!!! "Uh, di, uuwi na ako. Uhm, mag...ta-taxi ako. hehehe." "Wag na! Come on!" Ngumiti siya ng matamis na ngiti. Di ko to gusto... pero... ang sitwasyon... plus... "Sige na, Max..." Dagdag ni Brent. OKAY FINE! Ganun pala huh?

"Aryt! Sige, Bye Brent! Ingat ka!" Sarcasm. Sabay pasok sa sasakyan ni Chad. Brent texted: Pero ok lang, ang importante, di ka mag isa uuwi. O-arcs

O1.Nasaktan ka ba?

"Baka naman, gusto mo na siya." Sabi ni Emily sakin nang nakitang nakatunganga l ang pagkatapos ng klase namin. 2nd Semester na. Nag bakasyon ako kasama ang pamilya sa Palawan kaya ayun, kahap on pa kami nakabalik. At hindi pa kami nagkikita ni Brent. Napabuntong-hininga ako at nagligpit ng gamit. "Di no! OA! Imposible." Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung nangyari yun. Ang alam ko, busy pari n si Brent sa business. Samanatalang si Ara naman ay di pa nakababalik ng school. Kakatapos lang din ng Intergames. Nanalo naman kami, buti na lang. Papalabas kami ng room ng bigla kaming inabutan ni Kitchie. "Hi Max! Congrats! Champion kayo!" "Thanks!" Napansin ko ang pag iilangan ni Emily at Jason pero binalewala ko na lang yun ka si eto si Kitchie ngiting-ngiti na nakikipag usap sakin. "Kamusta naman kayo niChloe? Okay na ba kayo? Tsaka si Ara, nakabalik na ba?" "Ang alam ko, di pa eh. Di ako sure." "Uh, ganun ba..." "Bakit?" Gusto niya parin yatang makipagkaibigan kay Ara kahit ganun na ang ipinakita sa kanya. "Kawawa naman siya. Hindi niya naman kasalanan yun eh. Tsaka di naman labag sa batas ang pakikipagrelasyon sa faculty. Haaay."

"Magiging okay din siya, wa'g kang mag-alala." Sabi ko. Kelan ba nagkaroon ng interes itong si Kitchie kay Ara. "Sana nga no...-" "Kitchie!!!" Tawag ng mga kasama niya kanina. "Oo, andyan na... Sige Max, see you around!" "Aryt!" At umalis din naman. Kaya heto ako kasama ang dalawang tahimik na `to. "Hoy, ano ba kayo? Kung may problema kayo sa isa't-isa pag usapan niyo yan. Dyusko naman." Sabi ko. "Wala naman." Sabay pa silang dalawa sa pagsabi nun. Hay naku naman... "Cruz? Brent Cruz?" Aray naku! May bumunggo pa saking babae. Hindi niya naman namalayan. "At Catherine San Juan? Di nga? Sila na?" Natigilan ako nang narinig ko iyon.

Tiningnan ko ang babaeng nakabundol sakin na nag sabi ng kahindik-hindik na 'tsi smis' na yun. Palayo na siya nang palayo. Brent Cruz? Catherine San Juan? Kitchie? Sila na?

"Max, what's the prob?" Tanong ni Jason nang napansing natulala ako habang nakat ingin sa bumunggo sakin. "Nasaktan ka ba, Max?" Tanong ni Emily. Napatingin ako sa kanya. Inayos niya ang eye glass niya at... "I-I mean... may masakita ba sayo?" Nasaktan? "Binunggo ka diba? May masakit ba? Ba't natigilan ka?" O2.Misses

Nawala lang ako sa sembreak tapos may ganun na agad? Three weeks lang yun! Three weeks lang yun para magkaroon agad ng ganun. "Ang totoo, narinig ko nga din yun sa teammates ko. Alam mo naman sila, maraming nagkacrush kay Kitchie dun sa kanila kaso nakakaintimidate nga lang daw dahil beauty queen at matalino." Ang sama kong nakatingin kay Jason. Di naman namalayan ng mokong kaya talak lang siya nang talak. "Pero ibang klase din naman talaga si Brent ano? Well, what do we expect? Syempre, halos mga FHM models nga ang dinidate nun, si Kitchie pa kaya palalampasin niya." Napansin niya ang mga tingin ko. "Don't get me wrong, Max ah ? Maganda ka! Sobra! Crush ka din ng mga teammates ko along with Ara Cruz. Uso lang talaga ngayon si Kitchie dahil sa pagkakalink niya kay Brent." "Wala naman yang pakealam kung crush ba siya ng teammates mo eh, kay Brent lang yan affected." "OA ka ha! Hindi no! Syempre, nag-aalala lang ako para kay Kitchie!" Sila naman ngayon ang masama ang tingin.

"Alam niyo na, di ko kasi ma imagine kung paano pinormahan ni Brent si Kitchie.. . at kung bakit naman nagpaloko si Kitchie dun sa kanya." Patuloy ang katahimikan nila kasama ang masamang tingin sa akin. Akala ko ba Miss Teen Philippines, matalino... LOL! Sasabihin ko sana to sa kani la, pero di ko na nagawa, ang sasama na talaga kasi ng tingin nila eh. "Anyway, patingin ng schedule niyo." Para mawala kami sa topic na iyon. Habang tinitingnan ko ang schedule nila at kinukumapara sa akin, tahimik na nama n ang dalawa. Ibang-iba sa kanila noon. Hay naku! Torpe plus a girl who doesn't show her feelings = dead end. Bakit Max? A boy who show his feelings (Brent) plus a denial queen = ?? Dead end din? Argh! Ano ba yang iniisip ko! Kainis! "Maxxx!!!" Sabay hug sakin galing sa likuran! "Ara! nakabalik ka na?! Wow!" Yinakap ko din siya. "Oo! Actually, dapat last week of last sem pa ako nakabalik, kaso tinatamad ako eh. Kaya sa bahay na lang ako nag take ng final exams. At heto!" Umikot siya. "I'm b ack!" "Wow! Buti naman at nakabalik ka na, Ara! I was worried." Biglang sabi ni Jason. "UUh I mean..." "Do I know you?" Tiningnan ni Ara si Jason. Ayan na naman ang cruel side ni Ara. "Well anyway, thank you!" Tumingin ulit si Ara sakin. Si Jason naman parang nahiya sa sinabi niyang bigla. Mas lalong naging awkward a ng moment nilang dalawa ni Emily. "Let's go na, Max! You have no class na, right?" Sabay hawak ni Ara sa kamay ko papunta kung saan. "H-Huh? Saan? U-Uhm, Emily, Jason... Mauna na ako, see ya tomorrow!" Kumaway na lang sila at ngumiti. Ito talagang si Ara, di man lang nakita na kasa ma ko silang dalawa. Bigla-bigla na lang akong kinukuha. Daming nakatingin sa amin, lalong lalo na kay Ara. Nadaanan pa namin si Chloe na mukhang nabigla dahil nandito si Ara. "Ara!" Sabay salubong nina Lia, Ashley at Tasha sa kanya. "See ya tomorrow!"

"Yeah, girls! Bye muna!" Sabay kaway niya. Linagpasan lang namin ang mga usisero. Pagkalabas namin ng gate, naghihintay ang MercedesBenz GL. Pinasakay niya ako agad tapos siya naman sa front seat. "I wanna make cookies again! This time, lagyan natin ng nips! Bumili ako ng cook book!" Sabay bigay sakin ng sandamukal na cook book! "Let's make brownies!" Ang laki ng ngisi niya sabay pinaandar ni Coach Paul ang sasakyan. Papunta kami sa bahay nila. "At miss ka na ni Brent."

O3.The call

"Paul decided to resign. Pero you see, its not a violation naman. Before siya nagresign, naresolve na yung case. Okay na ako, okay na rin siya." Sabi ni Ara s akin papasok kami ng bahay nila. Si Coach... Paul naman nasa likuran namin. Kinurot ni Paul ang pisngi ni Ara. "So Max, better call me Paul nalang. Haha! I'm not your Coach anymore." "Sinong pumalit sayo, Coa-I mean, Paul?" "Hindi ko pa alam eh." "Don't worry Max, di ka magagalaw ni Chloe dun. That girl! Gaga talaga siya! Kun g gusto niya si Chad, edi mag sila! Yun ay kung gusto din siya ni Chad. Hahaha!" Oo, naririnig ko ang mga sinasabi ni Ara pero sobrang kaba na ako ngayon kasi et o nga, kakapasok lang namin sa bahay nila...Brent... "By the way, Max, saan nga pala ang victory party ng volleyball team?" Tanong ni Paul. Meron pala nun? "Uh, di ko alam eh..." "Ganun ba? I heard my victory party kayo this coming Friday." "Mag memeeting pa kami bukas kaya bukas ko pa siguro malalaman."

Tumango naman siya. Umupo si Paul sa living room at napabuntong-hininga. "Wala ba si Brent?" Tanong niya kay Ara. "He's here." Kinabahan naman ako dun.

"Anyway, babe, dito ka muna o dun sa table sa labas. Magluluto muna kami." "Aryt!" Hinalikan ni Coach Paul si Ara sa noo at tumayo papuntang garden table nila. Pagkatingin ko sa labas, saka naman pumasok ang naka-darkblue jersey. Knights. N umber 1. Pawis na pawis at hinihingal pa. "Paul!" Sabay high five nila. Dala-dala niya pa ang bola. Nakatingin agad sakin. Natigilan naman ako dun sa tingin niyang parang weird. Nakatingin siya pero para ng wala lang. "Brent, shower ka muna." Sabay hila sakin ni Ara papuntang kitchen. Si Brent naman sinusundan kami. Pagkadating sa kitchen, andun nga siya, umiinom ng tubig samantalang binabasa ko ng pabalikbalik ang recipe ng brownies. Paulit-ulit dahil wala akong maisip kundi... siya. "Flour, chocolate bar, ano pa yung nandyan Max?" Kumukuha naman si Ara ng mga ingredients. "Ugh! Wait, yaya--" Tapos umalis ng kitchen. Shucks! Kami lang dalawa ni Brent dito sa kitchen. Pumunta siya sa likuran ko at tiningnan ang cook book na tinitingnan ko. "Brownies? Wow! Gusto ko yan." OMG! Hindi ko alam kung paano ako re-react.

"Tulad ng pagkagusto mo kay Kitchie." Nagkatinginan kami. Seryoso ang tingin niya.

*Kriiing-Krinnnng!*

Kinuha niya ang cellphone ko nasa mesa katabi ng ibang recipe book. Tiningnan niya muna bago binigay sakin. "Si Chad, sagutin mo..." Umalis siya sa kitchen. O4.Okay lang ba?

Bweset! Kainis naman talaga si Brent! "H-hello, Chad?" "Max? Hmm, hehe nakaka istorbo ba ako?" "Hi-Hindi naman. Ba't ka napatawag?" Napapadalas ang tawag ni Chad sa akin. Kahit nung bakasyon namin sa Palawan halo s tumatawag siya araw-araw. "Hmm, I just want to ask you if you're free sa Sunday." "Sunday? Hindi ko pa alam eh, siguro." "Ahh.. O sige, tell me if you're free. Wanna watch a movie? Maraming magagandang showing ngayon." "O-Ow! Oo ba! Sige, sasabihin ko sayo kung free ako at papayagan ako." "O sige, sige." "hehehe." "So, okay. Will call you later, aryt?" "Okay Chad." "Bye." "Bye..." Binaba ko ng may ngiti pa sa labi ko. "Si Chad? Nanliligaw ba siya sayo?" Ngek! Nandyan na pala si Ara. "H-Hindi!" "Ba't siya tumatawag?" "May tinanong lang." "Ahh, ang alam ko, crush ka niya. Do you like him, too?" "Weh? Di nga!? Impossible." "Do you like him?" Uminit ang pisngi ko.

"Brent's losing?" Ngumiti si Ara. Nakanganga lang ako habang nag-iisip ng sagot sa lahat ng binato niyang tanong. "No. Of course not. I know mahihirapan siya. And whatever is your decision, I'll always like you for him. At di rin ako naniniwalang hindi magiging kayo o hindi kayo magkakatuluyan." Ngumisi siya sa akin. Her words marked with finality. "Sila na ni Kitchie, diba? Paano magiging kami?" Nawala ang ngisi niya. "Kitchie? Who the hell? Some girl from FHM?" "Hindi, yung Miss Teen Philippines noon. Uh, Catherine San Juan." "Ew! Of course not." Sabay mix niya sa ingredients. Ano ba ang totoooooo??? Maxine! Galing yun kay Ara! Edi yun yung totoo! Pero paa no kung di pinapakilala ni Brent kay Ara dahil alam niyang bad vibes si Ara dun? ARGHH! "TADAAAH!" Sigaw ni Ara nang palabas na kami sa bahay nila at papunta dun sa garden na may table. Whoa! Doon pala nagbabasketball si Brent, may nakita akong court sa malayo. Bask etball court at Badminton Court sa bahay nila! Grabeh! Linapag namin ang brownies sa table. Parang may pinag-uusapan silang nakakatuwa dahil naabutan namin silang nagtatawanan. Lumapit si Ara kay Paul at hinalikan niyo ito sa noo. "Masarap yan! Tinikman namin! Let's eat!" Sabi ni Ara. "Tawagin ko muna si Yaya for the juice. Umalis naman siya. Nagkatinginan kami ni Brent. Linapit niya ang upuan sa tabi niya sabay... "Sit here." "K." Umupo naman ako. Nakita kong nakangisi si Paul. "Bagay na bagay kayo!" Sabi niya. "Haha! Kung pwede sana yang excuse para sagutin niya ako, eh matagal ng kami." Nagtawanan sila. "Whatever, Brent."

Dumating na si Ara kasamang ang mga yaya nila at kumain kami din naman kami. "Babe, punta tayong poolside, hayaan muna natin ang dalawang `to dito." Sabi ni Paul. "Sige sige!!!" Evil smirk naman ni Ara. "Oy, wala namang ganyanan!" "Byeeeeee!" Nagtawanan silang dalawa palayo. Ang sweet-sweet. "Are you dating Chad?" Bigla niyang tinanong. "Hindi." "Do you wanna date him?" Napatingin ako sa kanya... Nakangisi siya. Err. Anong isasagot ko? I like Chad, pero... :O "Ayaw ko kasing idate mo siya, ang gusto ko ako ang i-date mo... Okay lang ba yu n sayo?" O5.Brentism

"Grabe yung topak mo, Brent no?" Sabi ko. "Di ba pwedeng magseryoso ka na? Please?" Pinandilatan ko siya. "Bakit ka nagagalit diyan eh seryoso naman ak-" "Seryoso? Kanino? Sino saming dalawa ni Kitchie ang siniseryoso mo?" Nakangisi parin siya. "Nagseselos ka ba?" Ang sarap talagang sapakin ng isang `to! Bwiset! "Hindi! Ang feeling mo talaga! Galit ako, di mo ba nakikita? Ang lakas lakas tal aga ng loob mong pumorma no? Kala mo naman gusto ka ng lahat ng babae. Pinagsasabay-sabay mo." "Sakit mo namang magsalita. Don't be so reckless naman." Sabi niya ng seryoso an g mukha. "Naaalala mo ba noon, nung na injured ka... Naalala mo pa ba yung sinabi mo sakin?" Tahimik na lang ako. Di ko maalala eh. "Di mo naaalala? Alam mo bang tumatak yun sa isipan ko." Napabuntong hininga siya. "'Palibhasa hindi ka marunong magmahal! Palibhasa ikaw `tong nananakit eh!', yun yung sinabi mo sakin."

Naaalala ko na ngayon. Yung ibig sabihin niya ay nung umiyak ako dahil kay Chad! Para namang na guilty ako. Pero... Weh? Ano naman ngayon? Kasama lang `to sa pac kage ng pagka playboy ni Brent. Kasama na dun ang pagiging convincing actor at persuasiv e speaker. Kaya mag iingat pa ako ngayon lalo. "Hanggang ngayon naiisip ko parin yun. To think na ikaw pa ang nagsabi sakin nun . Ang babaeng masyadong nakakaapekto sa akin. All this time, ikaw `tong walang alam at nananakit sa akin eh... Hindi mo lang nakikita." Brentology 101: Wag maniwala sa kahit anong sabihin ni Brent tungkol sa nararamd aman niya... dahil... dahil wala naman talaga siyang nararamdaman. Di siya marunong makiramda m. "Bakit? Nasaktan ka dun kasi totoo diba?"

I know... Pati ako nagagalit narin sa sarili ko. Errr. I'm so confused.

"Makinig ka, Brent. Kahit anong sayo. Brentism... Yan ang tawag sa school nung highschool, alam sa babae. Nung nag isang linggo

sabihin mo sakin, hinding hindi ako ma-fa-fall sa mga bobong nagpapaloko sayo. Unang tapak ko ko ng notorious na manloloko ka at mambobola na ako sa school na yun, napatunayan ko na. Kaya

hinding hindi mo ako masisisi kung bakit ito ang opinion ko sayo-" "I know..." Parang nawalan siya ng sasabihin. "Pero di ibig sabihin nun na hindi kita mahal..." This is ridiculous.

"Brentism?" Ngumisi siya. Gwapo talaga ng leche. "Wa'g mo nga akong daanin sa pag ngiti-ngiti diyan. Usap-usapan sa buong campus na kayo na ni Kitchie. Wa'g mo siyang saktan." ERRR. Ano daw?

"Huh?" Tumawa siya. "See? Yan ang hirap sa inyong mga babae... Narinig lang kung

kanino, naniniwala agad. Bakit naman magiging kami, eh ikaw naman ang gusto ko." "May rason kung bakit pinag uusapan yun ng mga tao sa skul. Kaya wa'g mo kong sisihin kung pinaniwalaan ko iyon agad." "Okay, okay! Sa 3 weeks na nandun ka sa Palawan, nag party ako kasama ang barkada. Eh nandun din siya sa bar, nagkataon. Nag usap kami, socialize, diba? Y un lang. Exchange numbers... That was all. And a little dancing..." Bar!? Bar!? Hindi pa ako nakakapunta sa isang bar! 'That was all.' Huh? Exchange numbers? "Tapos? Text kayo ng text so naging kayo?" "Whut? No! It's just a friendly gesture. Tsaka, tinitext naman kita araw araw nu n ah. WALA AKO NI ISANG TEXT NA NATANGGAP SAYO. That was the most frustrating thing ever happened to me." Anak ng teteng kinikilig naman ako ngayon.

Max, ibang klase din mood swing mo. Kanikanina lang kinakabahan ka na magkikita kayo, tapos nagalit ka, ngayon naman, ewan! Confused, magpamental ka na! "Siguro text din kayo ng text ni Chad nun. Crush mo diba? Sinong makakatanggi." "Wala akong load ng 3 weeks, pwede wa'g mo kong pangunahan." "O ano pang problema natin? Di kami ni Kitchie, wala kayo ni Chad, nagselos ka, nagselos ako, pero okay na tayo. Ba't di parin nagiging tayo?" Nakangisi na nama n.

Sinapak ko na ang dibdib... Wow! Ang tigas. May abs jan! I can only imagine! HAH A! Err...

"Wa'g mo nga akong pagtripan! Hindi ako nagseselos! Feelingero!" "Brentism?" Tumawa siya at mukhang nag isip. "Napaka-amazing mo talaga." Sabay k urot sa ilong ko. "Aray." "Alam kong may feelings ka na sakin..." EWWW! "Let's drag it out of you, Max. You just declared war..." Nakangisi siya, parang may masamang binabalak. Kinabahan naman ako sa sinabi niya...

Brentism, Brentology... War. I declared war against the dark prince... P-arcs

P1.Textmate VS Date

"Max?" "H-Huh??" "You're spacing out..." Sabi ni Chad habang naglalakad kami sa loob ng mall. "Ah... Sorry... Uh, kahit saan na..." Sabi ko. Tinanong niya kasi ako kung saan ko daw gustong pumunta. Eh hindi ko naman alam at kakatext lang ni Brent sakin kung nag ho-holding hands na ba raw kami ni Chad. Kainis! Ano ba yung mga iniisip niya. Namamasyal lang naman kami, may holding ha nds na agad. Tsaka di naman ganyan si Chad eh. Di tulad niya. Quote Maxine: Hindi no! Loko! Hindi naman siya manyak tulad mo. "O sige, gutom ka na ba? Kumain muna tayo?" "Sige bah. Mejo ginugutom na rin ako." Napili namin sa T.G.I.F. kumain. Nahihiya nga ako kay Chad kasi libre niya lahat . "Thanks, Chad ah?" "Ano ka ba, wala yun. Ako naman yung yumaya makipagdate sayo eh. Kaya ako ang sasagot." Sa totoo lang, kung ako naman ang nagbayad sa kinain namin ngayon, di ko rin nam an yun mababayaran, kukulangin ang pera ko. Makapaghugas na nga lang ng plato. Quote Brent: So? Ano na ang ginagawa niyo? Type ko agad... Quote Maxine: Kumakain. Quote

Brent: Anong kinakain mo? Quote Maxine: Ewan ko. Basta may mashed potatoes. Ba't ka ba tanong nang tanong? Quote Brent: Anong gusto mo? Magtatanong ako dito o susundan ko kayo? Quote Maxine: Eww! stalker! Quote Brent: Kaya nga diba, magtatanong na lang kesa mag s-stalk ako. Quote Maxine: So kaya mo talagang mag stalk! Kakahiya ka! Gwapo ka pa naman, stalker ka pala! "Max?" "Y-yes?" "Sino yung ka text mo? Kanina ko pa napapansin text ka ng text." "Ah! Yung teammates ko, tungkol sa uhmmm, victory party namin." "Ow!? Talaga? San nga pala ang victory party niyo." LOL! Sige Maxine! Magsinungaling ka pa! "Yun nga eh, hindi ako sigurado kung makakapunta ba ako. Kasi, sa isang bar." "Ohh Talaga? Saang bar ba?" "Sa Core daw?" "Galing ako dun last friday ah. Hmmm, ba't naman sa bar?" "Ewan ko nga, sila yung nag desisyon dito eh." Quote Brent: Ikaw lang naman ang ii-stalk ko eh. Ugh! Brent! Quote Maxine: Whatever! What are you doing? Quote Brent: Nag gy-gym ako ngayon. Bakit? Stalk mo rin ako? Quote Maxine: Just curious. Sino ka text mo. Quote Brent: Kaw lang naman. Kainis nga. May katext akong may kadate na iba. I date mo rin ak o, please?

Quote Maxine: Asa ka pa. Di pala kayo nag ti-text ni Kitchie? Quote Brent: Minsan lang. Bakit? Di naman ako interesado. Quote Maxine: Ah okay! "So ano na daw?" Sabi ni Chad na parang naghihintay sa atensyon ko. Naguilty naman ako agad dahil text ako ng text kay Brent dito. "Uh, ewan ko eh. Itetext ko pa mamaya sina mama at papa. Anyway, sa Friday pa naman eh." "Oo nga. Or you can talk to them later." "Oo nga! Good idea!" Pagkatapos naming kumain. Napansin kong may mukhang magandang palabas sa sine. "Nood tayo ng sine?" Sabi niya. "Yun nga rin ang iniisip ko eh! Sige!" Dahil sa excitement ko, may muntik akong nabunggo na lalaki. Buti na lang ay hin awakan ni Chad ang bewang ko para di tuluyang mabunggo. "Uh, sorry! Salamat." Nahiya tuloy ako. Ngumiti siya sakin. "Just be careful." Sabay haplos sa mukha ko. Ang bait niya talaga. Feeling ko namumula na ang pisngi ko dahil sa tingin niya at mga ngiti niya. Nandoon na kami sa loob. Hindi pa nagsisimula ang movie kaya nag CR muna ako. (E xcuse para makasilip sa phone.) Quote Brent: Ay, galit? Quote Brent: Ano ng ginagawa niyo? Quote Brent: Nagkakamabutihan na ba kayo? Loko talaga `tong si Brent ano? Quote Maxine:

Nagkakamabutihan ka jan! Manonood kami ng sine! Quote Brent: Ang tagal naman makareply! Quote Maxine: Ikaw kaya idate ko, tapos itetext ko si Chad magugustuhan mo ba? Quote Brent: Hindi! Kaya wag mo na nga lang akong pansinin! Ba't nagrereply ka pa? Quote Maxine: Eh text ka nang text eh! Sige! Di na ako magrereply! Gag0! Kainis! Pasalamat siya diyan at nagrereply pa ako. Quote Brent: Sorry. Kainis lang kasi, nanood na kayo ng sine, tayo di pa. Whatever. Di ko na nireplyan. Kaya hayun, nanood na kami ni Chad ng sine. Pero h alos nakasimangot ako buong oras dahil kay Brent. Quote Brent: Anong pinapanood niyo? Di ako magrereply! Quote Brent: Nabo-bored na ako, nasa bahay niyo ba si Carlo? CARLO? Kainis! Don't tell me pupunta siya sa bahay! Lagot ako! Paano kung nasa l abas ng bahay nakapark ang sasakyan niya tapos ihahatid ako ni Chad doon. Lagot ako! Quote Maxine: Tumigil ka nga, Brent! Mambabae ka dun kung bored ka. Quote Brent: Ayoko. Kahit di ka loyal sakin, loyal parin ako sayo. Quote Maxine: Pick up line! Quote Brent: Di ah! Quote Maxine: Whatever! Basta wa'g kang pumunta sa bahay.

Pagkatapos naming nanood ng sine, napagdesisyonan naming umuwi na. Alas syete na rin kasi. "Okay lang ba sayo na ihahatid kita sa bahay niyo?" "Oo bah." P2.Pag-alis

"Salamat, Chad!" "Ako nga dapat mag pasalamat sayo eh." Ngumiti siya. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko. Grabe, kinabahan ako. Bumilis ang takbo ng puso ko. Pumikit siyang bigla at hina likan ako sa pisngi. "Ang saya ko today." Ngumiti siya. Grabe, pakiramdam ko ang pula-pula ang pisngi ko, wala akong masabi. di ko alam kung ano ang dapat na reaksyon ko. "Ako rin." Tumingin ako sa paligid at napabuntong hininga. Salamat naman at wala yung lintik na yun. "Uh, sige. M-Mauna na ako." Sabi ko. "Wait..." Lumabas siya at binuksan ang pintuan galing sa labas ng nakangiti. "S-Salamat, Chad." Nakaharap ako sa gate, samantalang nakaharap siya sa sasakyan at nakangiti. Sa itaas ng gate may nakita akong kamay na pakaway-kaway. Langya! Ang langyang yun! Talagang ang kapal ng mukha! Teka! Patay!!! Baka makit a siya ni Chad. Dapat umalis na agad si Chad. "Uhh, lumalalim na ang gabi, Chad. Baka hinahanap ka na sa inyo." "Yep. I should go now." Nagtitigan pa kami. Nakangiti siya kaya eto ngingiti-ngiti din ako. Di lang yon, namumula pa. Bumalik na siya sa driver's seat. "Max, you should get inside." Sabay ngiti niya. "Uh, di na... Gusto kong makita kang umaalis. Gusto ko i-make sure na maayos ka.

" Ngumiti ako. Ngumiti din siya. "Thanks! Well then, good night! Let's do this again, ayt?" "Sure!" Kumaway siya at unti-unting umalis. Nakatayo parin ako sa labas nang binuksan ni Brent ang gate. "Nakaalis naba siya..." Hayun, sinapaksapak ko na. Todo naman yung sangga niya gamit ng dalawang braso p ero umaabot parin ang sapak ko sa ulo niya. "Bakit??" Sabi niya gamit ang maamong boses. "'Bakit?' Ba't ka nandito? Diba sabi ko sayo wa'g kang pumunta dito??" "Oh, easy lang... Naglaro lang kami ni Carlo ng Basketball kanina. Ang OA mo naman. Tsaka di naman ako nakita ni Chad ah?" "Tseh! Kahit na!" "O sige, sige... Aalis na rin naman ako eh." Para namang naguilty agad ako sa sinabi niya. "Huh? Paano? Sasakyan mo?" "Kukunin lang ako nina Paul at Ara ngayon. Papunta na sila dito." Umupo siya sa upuan sa labas ng bahay. Ayaw ko naman siyang iwan dito. Nakakagui lty. Parang ayaw ko nga siyang umalis eh. Kaya lang...baka mag fee-feeling naman `to pag di ako pumayag. Kaya umupo ako sa isa pang upuan. "Ba't di mo dinala ang sasakyan mo?" "Para di makita ni Chad na nasa labas ang sasakyan ko..." Napatingin ako sa parking space namin sa bahay, nandun na ang sasakyan namin. Di na kaxa kay Brent. o.O Mas lalo naman akong naguilty sa sinabi niya... Err... "Maxine! Nandito ka na pala." Lumabas si papa nang nakita ako. "Saan ka ba galing? Akala ko kayo ni Brent magkasama." "Pa." Nagmano ako. "Uh, sa mall lang po." "Pumasok muna kayo sa loob. ba't nandito kayo." Papasok ulit si papa sa loob ng bahay. "Dito na lang po ako, tito. Aalis na rin po ako ngayon... Naghihintay na lang po ng sundo..." Ngumiti siya. Para namang ako yung kontrabida dito. errr. "Oh? Sige, Maxine, samahan mo muna si Brent jan hanggang makaalis na. Papasok muna ako sa loob..." Pumasok sa loob si Papa at tinawag si Carlo.

Napailing ako. "Kailangan pa talagang utusan ka ng papa mong hintayin ako hanggang makaalis... Samantalang, si Chad, ikaw na mismo ang nagsabing gusto mo siyang nakikitang umaalis. Gusto mong i-make sure na maayos siya. Hindi ka ba concerned sakin." May evil smirk pa siya. Para bang sarcasm yung tanong niya. Mukhang alam niya na ang sagot, pero tinanong niya pa. Para mang-inis lang. Kainis naman `to. Kita ngang umupo ako dito sa harap niya at hinihintay yung twi n niya... Talagang alam ng mokong na MEJOOOOOO concerned ako sa kanya. Kaya hayan at ngisi ng ngisi. Abot tenga. "Napaka chismoso mo talaga. Nakikinig ka pala sa usapan eh..." Inirapan ko ulit. "Syempre, I'm curious." "Wehh? Curious ka jan." "Malay ko, nag a-i love you na kayo, ako na lang ang huli sa balita." Sinapak ko ulit. "Aray naman..." "I love you ka jan! Ang OA mo!" "Oo! May pag-asa diba? Iniyakan mo siya noon. Ngayon naman, mukhang siya na ang mag hahabol sayo." Ngumisi siya. Kakainis naman `tong si Brent. Ba`t niya sinasabi yang mga bagay na yan. Hmp! "But then again, we'll see about your response to his feelings... Pag sasabihin ba niyang 'I love you', mag a-i love you ka rin?" Nakangisi parin siya. "Ba't ka ba dumarating sa ganung usapan..." "Kasi doon din yan patungo..." *Beeep-Beeep-Beeep* *Krrriiiing-Krrriiiing-Kriiingg* "Ooppps, they're here." Tumayo ako at binuksan ang gate. Nakita ko si Ara sa fornt seat at si Paul sa dr iver's. "Maxxx!" Sabay kaway niya. "Hi! We're fetching Brent." Sabay ngiti. "Ewan ko ba ba't di yan nagdala ng kotse." "Oo nga eh." LOL "Wait lang, tawagin ko siya." Nawala si Brent sa kinauupuan niya at nakita kong palabas ng bahay... "Dude, balik ka ulit dito!" Narinig ko ang sigaw ni Carlo. "Sure, dude!" Dude! Dire-diretso ang lakad niya sa gate papunta sakin.

"Nagpaalam lang ako kina tita at tito, pati kay Carlo. Bye Max!" Pagkalapit niy sakin, umambang hahalikan ako pero nakailag ako. "Grrr! Brent!" "Sus! Max, wa'g ka ng pakipot. I saw you! hahaha!" "Shh!" Napailing ako at nahiya sa sinabi ni Ara. Umupo na siya sa likuran... "Goodnight, Max!" Sabi niya habang binababa ang mirror ng sasakyan. "Mag a-i lov e you ka rin ba??" Kumindat siya. Kay Chad? Si Chad yung tinutukoy niya, syempre. Napakibit-balikat ako. ang totoo, hindi ko din alam. "Bye Ara, Paul... Brent! Ingat kayo..." Ngumiti ako sa kanila. "Thanks, Max!" Nagbeso kami ni Ara saka niya tinaas ang mirror niya. Linapitan ko si Brent. "Text me pag nakauwi na kayo..." Sabi ko. "Of course." Ngumisi siya at tinaas na din ang mirror. Umalis din agad. Ayokong nakikitang umaalis si Brent. Q1.Tequila

Pinayagan akong lamabas ni mama at papa sa gabi para makapagbar. Kaya lang, yun nga, pag umabot na ng 12 midnight na hindi pa ako nakakauwi, susunduin nila ako. Nakakahi ya pero okay lang sakin yun dahil ayaw ko rin namang mag bar. Nahihiya lang akong tumanggi sa teammates ko. Sino ba kasing may pakana ng bar na victory party? "Andito pala si Chad?" May narinig ako sa isa kong teammate. Ano daw? Napatingin ako sa paligid. Papasok na kami ng bar. May malaking lights sa itaas ng building! CORE. Sa tabi ng building na `to, ay m ga bar na naman. Pero ito ang pinaka mamahalin, kasi dito nagpupunta ang mga artista at mga mayay aman. Nasa itaas pa nito ay isang casino.

"Ay wala... Dumaan lang daw yung sasakyan ni Chad." Nakita kong nagmamadali si Chloe. Nagkatinginan kami pero inirapan niya lang ako . Hanggang ngayon kaya di parin sila nag iimikan ni Chad? Malamang! Matindi parin ang galit niya sakin eh. Pagkapasok namin, napansin kong may bineso agad si Chloe. Kakilala yata.At ang i ba ko namang teammates, halatang nakailang beses na sila dito sa Core dahil alam na nila kung anu-anong gagawin etc. "One shot, tequila..." Sabi nung isa. Maingay. May mga sumasayaw. Naghihiyawan ang mga tao sa bawat kanta ng DJ. Oo. F irst time ko `to, kaya heto at tulala ako sa tabi. Iniwan ng teammates na sanay na dito. This was a bad idea after all. Pagkatingin ko sa relo ko, 9:00pm. "Wala pa masyadong tao, mamaya pa siguro `to." Narinig ko sa isang teammate ko. Tumingin ako sa paligid, nakita ko si Enzo Santos. Minsan niya akong yinaya sa p rom noon. "Malapit na nga pala ang Year-end dance ng school, ano?" "Yup! I'm sure bongga na naman yan. That's why I like our school." "Of course, it should be classy." Napatingin ent sa basketball ya nito sa May kasama ako sa kabila, nakita ko na naman si Yael Escudero, ka teammate ni Br noon. At hanggang ngayon, sikat na sikat parin. Minsan din akong yina prom. siyang babae. Girlfriend niya yata.

"Maxine..." Tawag nung isangteammate ko. "May date ka sa Year-end?" "Year-end? Ano yan?" "Ay oo nga, di mo pa pala alam. Sa year-end dance ng school. Malapit na rin yun. 2 weeks na lang. Di naman kailangan ng date eh pero usually ganun ang nangyayari." "Ah, wala... hehe. Siguro ako na lang pupunta." "Yeah, I remember! You were alone nung sa JS prom natin sa high school. So, ngayon, ikaw parin mag isa?" "Siguro. hehe." "Tsaka... diba pati si Brent Cruz ay mag isa din nun- and inspeaking of him." Ng inuso niya si Brent sa dance floor. Hindi siya sumasayaw, naglalakad lang, para bang may hinahanap. Ang gwapo niya talaga. "Ang gwapo niya talaga, punyeta!" Sabi nung ka teammate ko.

WHAAAAAAT? At talagang naisip ko rin yun minus the bad word! Ininom ko yung one shot tequila niya na nasa table. Nabigla sila sa ginawa ko. Sinenyasan kong babayaran ko din yun at magsi-CR lang muna ako. Q2.Get out of here

Halos sampung minuto din ako sa loob ng CR. Una tiningnan ko ang sarili ko sa sa lamin at nag retouch. Underage. Hindi dapat ako nakapasok sa bar na `to. Kaya lang hindi nama n kailangan ng ID o birth certificate para makapasok kaya nakapuslit ako. Iilan lang samin a ng 18 na. Di naman nahahalata eh. Yun nga lang, nandito si Brent sa bar na `to. Palagi siguro siya dito... Naalala ko yung sinabi niya na nagkakilala sila ni Kitchie sa bar na `to. *1 message received* Galing kay Chad... Chad: Nag bar ba ang vollayball team? Sumama ka? Hindi ko na nireplyan. Pumunta lang naman ako dito para makisama. Di rin kami na pagsabihan ng coach kasi bago pa lang yun. Mas nasunod yung captain. Umalis ako sa CR. Pagkabalik ko nandun parin yung teammates ko. Yung iba nga lan g ay sumasayaw na at dumami na rin ang mga inumin sa table. "Wa'g mo ng bayaran yun, Max. My treat!" Sabi nung inagawan ko ng tequila. Tinulak niya naman palapit sakin ang isa pang shot. "Ikaw yata ang nagpanalo sa team natin!" Ngumiti na lang ako at ininom ulit ang isang shot. Hindi ko alam kung bakit. Muk ha akong sanay na uminom kahit ito ang unang nakainom ako ng tequila. Sa tuwing nasa bahay kasi , wine, sparkling juice, at Cali lang ang usong inumin kapag may okasyon. "Totoo pala talaga yung bulung-bulongan, ano? Akala ko talaga eh si Maxine at Brent yung magkakatuluyan. Pero..." Nginuso ulit nung teammates ko ang kabilang table. Wala akong nakita. Una, nakita ko si Chloe na dumaan, papuntang dancefloor galin g sa kabilang table. Pero kalaunan... si Kitchie!!! At si... Brent!

Nag ngingitian sa kabilang table. Nainom ko ulit ang pangatlong shot ng tequila. "Easy lang, Max! Di ka pa naman sanay uminom..." Dapat wala ako dito eh. Ooooppps! Napatingin si Brent sa bandang table namin at nagkatinginan kami haban g nakangiti pa siya. Patay! Kinabahan ako! Ewan bakit! Tumayo siya sa table at ako naman lumagok ulit ng isa pang shot. Ano ba? Aalis a ko dito or what? Uuwi na lang ako? Nakita ko ang crowded na dancefloor. Dumarami na ang tao... sh all I get lost? Nakita kong may kumausap kay Brent na dalawang babaeng magaganda. Papunta siya d ito sa table namin pero natigil ang paglalakad dahil dun... eto na ang magandang tyempo ! "Max? Saan pupunta yun? Sasayaw?" Hindi na ako nagpaalam... Pumunta muna ako sa dancefloor para mawala ako sa paningin ni Brent at makalabas ako ng bar. Ang sikip-sikip. May lalaking sumayaw pa talaga sakin. Kinabahan tuloy ako pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Halos di na ako makalabas dahil nagsasayawan sila at sumisiki p na... Sa wakas!!! Air! Nakalabas ako dun sa dancefloor. Ang una ko namang nakita ay ang naghihintay na si Brent. Seryoso ang mukha. "Let's get out of here..." Sabi niya sabay kuha sa kamay ko. Tinanggihan ko ang kamay niya. "Hindi, ako lang... Dito ka na muna... Uuwi na ako." "Tayo na..." Sabay kuha ulit sa kamay ko at hila sakin. "Whoaa! Brent, easy lang! Hinahanap ka ni Kitchie, oh." Sabi nung isang teammate niya na nakakita samin pero binalewala niya lang `to. "Oo nga, Brent! Dito ka na muna. I'm fine... Ba't mo ba ako hinihila?" "Underage ka diba? Tsaka, this isn't you. Hindi ka pumupunta dito..." "Bakit? Ayaw mo ko nandito? Ayaw mo siguro makita kita na nakikipaglandian? Tanggapin mo na kasi, hindi ako magpapaloko sayo! Makipagharutan all-you-can ka dun, la akong pakealam!" Ooooppps! Masyado naman yata akong madaldal at nasabi ko yun?! What's wrong!? Si guro dahil

sa tequila! Inamoy niya ako. "Tequila? Uminom ka pa talaga? Max, let's go..." "Brent! Nandyan ka lang pala!" Magkasabay kaming napatingin kay Ktchie. "And Max! Oh! Oo nga pala! Victory party niyo! Wow! Lika dun, Max! Sayaw tayo!" Sabi ni Kitchie. "Ahh, hehe, pauwi na ako eh. May curfew kasi... So... uh, alis na ako ah? Kayo n a lang ni Brent..." Umalis ako ng walang pag-aalinlangan. Di ako makapaniwalang di ako sinundan ni Brent! Q3.Sober up

Pagkalabas ko, at paglakad ko ng maayos, saka ko naramdaman ang epekto ng tequil a sa sistema ko. Nakapaglalakad naman ako ng maayos pero yung paningon ko, disaster! Parang umiik ot yung mundo. Ang straight-straight ng daanan pero nahihilo ako kaya hayan at naapektuh an na yata ang paglalakad ko. Nasa parking space ako ng Spotlight Square kung saan pinapalibutan ng mga malala king bar dito sa syudad. "Ahhhhhh!" Napasigaw ako ng may biglang humarurot na sasakyan sa harapan ko. Hinarangan nito ang dinadaanan ko. Si Brent! Lumiko ako para makadaan at makalayo sa sasakyan. Ngunit agad siyang lumabas ng sasakyan, hinabol ako, at hinila papasok. "God, Max?! Ano bang pumasok sa kokote mo?" Nakasandal ako sa upuan sa sasakyan niya. Nakalimutan ko kung paano niya ako hin ila ng papasok. Bakit ako napunta dito at ba't di ako nanlaban? Matino pa ako, yun nga lang gusto na talagang pumikit ng mga mata ko kaya heto a t nakasandal lang ako sabay pikit. Ang ingay ni Brent. Teka, ba't siya ang kasama ko?

"Makipag party ka muna dun kay Kitchie..." Hindi pa umaandar ang sasakyan. "Alam kong ayaw mo pang umalis... sige..." Umayos ako at nakita ko sa labas si Lia... Lia Evangelista. Yung last na nalink sa kanya. Girl friend niya raw, di umano. "Ayun pa, may isa pa dun. Go on with your girls. Bakit mo ba ako pinagtitiyagaan dito? Nananahimik yung tao." Weird naman nitong feeling ko. Daldal ako ng daldal pero hindi ko naman iniisip. "Let's go." Pinaandar niya ang sasakyan. "Saan mo ko dadalhin? Wa'g Brent! Wa'ggg!!! Huwaggg! Itigil mo `to!" Sabay sapak ko sa braso niyang nakahawak sa manibela. Lumikong bigla ang sasakya n at napaliko din ang nasa likuran namin. Buti nalang at di kami nabunggo. Para akong natauhan dun ah!? Pati si Brent ay k inabahan dun sa nangyari na nakapagpark sa 7-eleven kung saan malapit lang dun sa pinangyarih an. "I'm sorry." Sabi ko nang narinig ko ang malalim na buntong-hininga niya. "I went there to fetch you." "Bakit? inutusan ka ni mama?" "Hindi. Dahil gusto ko. You can't go there, Max?" "Bakit? Dahil makikita kitang makikipaglandian? you know what, Brent? Kahit di k o na makita, alam ko na yun. Kaya no worries." Kinabahan na naman ako dahil tinitigan niya ako, seryoso-look. Lumabas siya ng s asakyan at binuksan ang pintuan para sakin. Sa sobrang bad trip ba niya sakin ay paglalakarin niya ako pauwi? Mali. Kinuha niya ang kamay ko at hinila papasok sa 7-eleven. "Coffee, miss." Sabi niya sa babae. Hila siya ng hila sakin. Hinila niya ako papalapit sa fridge, sabay kuha ng dala wang litro ng mineral water. "Sober up, Max." Sabay lapag sa kape at mga mineral water sa table. "And don't b e drunk again."

Ininom ko yung kape. "Aray!" Napaso pa ako. Kainis naman! Sakit ng dila ko. Nakakabadtrip. "Mag ingat ka nga." Kinuha niya ang kape ko at hinipan. Uminom ako ng tubig. Grabe, uhaw na uhaw ako. "Amoy alak ba ako?" "Hindi naman masyado. Don't worry, pag maayos ka na, di na yan mahahalata." Napabuntong-hininga ako. "Sorry." Hindi siya nagsalita. Tiningnan ko lang siya habang hinipan ang kape. Kung ang habol niya sakin ay ang titulong girlfriend, bakit hanggang ngayon nandito parin siya. Honestly, alam kong pinagm umukha ko siyang tanga at gag0 sa tuwing pinagtatabuyan ko siya. Pero may magagawa ba ako, ayokong masaktan. Ayokong masaktan ng isang playboy. Hinalikan ko siya. 3rd time? "Max, you're just drunk." Sabi niya pagkatapos. Hindi niya binalik sa akin ang halik ko. Max, what the hell are you doing? Hindi niya binalik ang halik ko dahil may iba na siyang gusto. Naaawa lang siya sakin ngayon. Ininom ko ang kape at tubig. "Uuwi na ako." I'm all screwed up. I'm falling for him . In the wrong time. Q4.Nanghihinayang

"Gusto mo na siya ano?" Tanong ni Emily. "Hindi naman sa ganun..." "Pero ganun din yun. Kung disappointed ka dahil feeling mo may iba na siya...ibi g sabihin nun, gusto mo siya." "Hindi naman sa lahat ng pagkakataon... siguro."

Siguro makasarili lang ako, ngayong may gusto na siyang iba, at di na ako ang gu sto niya, naiinis ako. Dahil kahit di ko siya gusto, gusto ko paring ako ang magustuhan niya. Ayy ewan! Nakakalito. "Well, ewan ko sayo Max pero sa tingin ko, ganun yun." Eto namang si Emily, parang ina-analyze lahat ng moves ko. Genius eh. Pero geniu s din kaya sa pag-ibig? "Teka, asan ba si Jason?" Nag iba naman yung tono ng boses niya. Kanina'y masigla, ngayon... "Ewan." "O! Ayun pala siya!?!" Sabay turo ko kay Jason na papalapit. "Asan!?!" Ngayon parang nataranta na. "Hi Max! Hi Emily!" Kaway ni Jason. Katahimikan. Awkward moment. "Alam niyo, lahat siguro ng tao alam na may gusto kayo sa isa't-isa. Kayo na lan g yung walang alam." "H-Huh?" Sabay silang dalawa. "Emily? Diba gusto mo siya, pero ang alam mo si Ara ang gusto niya?" "H-Ha?" "At ikaw naman, Jason? Diba gusto mo rin siya, pero di ka lang sigurado. Ayaw mong aminin kasi ayaw mong masira ang pagkakaibigan niyo?" "H-Huh? O-Oo!" HAHAHA! Umo-o ba naman? "Sige! Diyan na kayo! Alis na nga ako. Mag usap kayo. Walang uuwi hanggang di nagiging kayo, okay?" Umalis na ako agad. Galing kong magsalita dun ah? Pero pag ako naman ang nasa hotseat, natatameme na man. "Ngayon pa natapos ang ball gown na susuotin mo sa Year-end?" "Oo eh. Masyado Kasing maarte yung designer ko." "Talaga? Sakin kasi inorder ko lang, Chanel yun. Pinadala lang ni Mommy." "Wow." Napatingin ako sa bulletin board. "All students are cordially invited to the Year-End Dance 2011, Theme: Masquerad e, A Night of Mystery."

"Excited?" Napatingin ako sa katabi ko. Si Chad. "Kanina ka pa?" "Hindi naman masyado. Nakita kitang naglalakad at huminto dito, kaya pumunta ako dito. Excited ka na sa Year-End?" "Di ko nga alam na next week na yan. Hindi siguro ako makakasali, wala pa akong damit." "Sad to say, pero compulsory yan." "Talaga?" Shet . "Oo, Year End Dance is the only time that the students here assemble. Kaya compulsory. Alam yan ng parents mo. They were informed bago ka pa inenrol." Ngek! Alam ko din `to, pero last month ko lang nalaman. "Di ko naman alam na next week na pala. Patay!" Makauwi na nga at makahanap ng gown sa mall. Haha! Masquerade. "Need help for your dress?" "Huh? Uh, wa'g na, Chad. kakahiya naman. Hehe! Wa'g na. Mukhang may sinasabi si Mama nung isang araw about this dress..." Sinungaling ka Max! Kakahiya naman kasi. hayan, namumula tuloy ako. "Uhm, so do you have a date for a dance?"

Nashock ako sa tanong ni Chad. Shocked. At may konting panghihinayang.

"Uh, wala pa eh." "Ehem... wil you be my...date?"

Nanghinayang ako kasi alam kong di ko siya matatanggihan. Paano si Brent? Q5.Too late

"Uhmm." Naghihintay ng sagot si Chad. "Hi Chad! Hi Max!!!" Biglang nagpakita sa picture si Kitchie. "Hello!" Kaway namin.

"Hoo! Hoo! Kinakabahan ako." Sabay paypay sa sarili niya. "Bakit naman?" Tanong ni Chad. "Yinaya ko si Brent Damien Cruz na maging date ko for the dance!!!!! AYYY!" Kili g na kilig pa. "Talaga? Wow!" Sabi ko.

Napa tingin si Chad sa reaction ko. Masyado yatang na exaggerate yun kaya heto a t nag mukhang plastik. "Pero ba't ka kinakabahan? Eh tapos mo na palang na tanong." Ba't naman `to tatanggihan. "Kasi di pa niya ako sinasagot." Ouch! Sakit nun! Parang nanligaw lang ah? Sagot? Naunahan ako. "Huh? Weird! That guy... I'm sure papayag yun." Sabi ni Chad. "Talaga? Sure ka?" "Oo naman! I think he likes you!" Dagdag pa ni Chad. "Aww!" "Hey Kicth!!! Kumusta? Napapayag mo bah?" Tawag nung friends niya. Nagmadali naman si Kitchie na pumunta sa mga kaibigan niya at nag share ng kilig moments kung paano niya yinaya si Brent na maging date sa Year end. Tumingin ako sa wrist watch ko. "Oh, naku! Late na pala. Uuwi na ako Chad, Sabi kasi ni Mommy sabay daw kami uuwi ngayon, baka kanina pa yun nag hihintay..." Sabi ko. "Oh! Sure! T-teka nga pala... Uhm..." Napatingin ako sa kanya. "Bout what I asked you... Uhmmm" OMG! Oo nga pala! Yinaya niya akong maging date! Pero si Brent??!? Di daw niya m atatanggihan si Kitchie... HE LIKES YOU! HE LIKESSS HEEEEEEEEER! AHHH! Tseh! Sure ka ba jan Max? This is not what you want. Si Brent ay isang kumag na linalandi ka para mas lalong dumami ang babae niya. Kaya hindi niya agad sinagot si Kitchie a y dahil isa yun sa strategies niya. Mas magugustuhan siya ng babae pag mejo hard-to-get siya. Yes! Bakit ngayon ko lang yan naisip!

"Uh, sure!" Katahimikan. Ngumiti siya. Napangiti narin ako. "Thank you!" "Lang anuman, so... uhh, mauna na ako?" "Sige, sige! See you, Max!" Tumango na lang ako at nagmadaling maglakad palayo. Ang sakit ng puso ko. Parang kinukurot. Di ko alam kung bakit at alin sa mga nan gyari ang nagdulot nito. "Max, are you okay?" Tanong ni Mommy nang kanina pa ako tahimik sa sasakyan pauw i sa bahay. "uh, yes ma. Kailangan ko po ng damit para sa year-end." "Ah! oo nga pala... Who's your date? I hope it's Brent." "Po?" "Ayoko namang pangunahan yun si Brent pero mabait na bata eh, at kilala na namin ng Papa mo. Kaya mas maigi kung siya." "Hindi po siya. Yung school buddy president po nung high school kami ang date ko ." "Ahh!" Tahimik ulit. Tiningnan ko ang phone ko. WTF? 61 messages? 15 missed calls! From Brent! Messages: Max, why are you not replying or answering my calls? Will you be my date for year end? You have to be my date for the year end. Max, I'm waiting. Magbibilang ako ng hanggang 20. Reply ka before mag 20. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12.

13. 14. 15. 16. 17. 18. 19. 19. 19. 19. 19. 19. 19. 19. 19.................. May tumawag! "Hello?" "Max, ba't ngayon mo lang sinagot?" "May date na ako." Katahimikan. "Sino?" "Si Chad." "Aryt then." Binaba na.

Chineck ko ang oras ng mga texts niya. Kanina pang umaga ang 'will you be my dat e for Yearend?' At yung nagbilang siya up to 19 ay yung kausap ko si Chad. Ang sakit ng puso ko. May tumulo na luha sa pisngi ko. Agad ko namang pinunasan. Tumingin ako sa labas. Ba't iba ang nararamdaman ko ngayong umiiyak ako para kay Brent du n sa umiyak ako para kay Chad noon?

Q6.Birthday

Imbes na magcelebrate kami sa bahay ng birthday ko, pumunta kami sa mga pagawaan ng dress para bumili ng susootin. Alas otso pa ng umaga. Binaha ako kagabi ng text messag es na happy birthday. Pero wala ni isang Brent akong nakita. *Krriiiing*

"Hello?" "Happy birthday, Max!" Si Chad! "Salamat Chad." "Maxine, bilisan mo na, bumaba ka na." "Opo" "Uh, ang aga-aga ah? Nakakaistorbo ba ako? May ginagawa kayo?" "Kasi naghahanap kami ng maisusoot sa year-end." "Ahh! Aryt! I'm sorry. Maybe sa Year-End ko na lang ibibigay ang surprise ko." "Haha! Naks! Wa'g ka ng pa surprise-surprise jan! Nakakahiya sayo." "Haha! Sos! Aryt? Happy birthday again! I guess I'll have to put my phone down." "Haha! Sige, sige... Bye..." Habang naghahanap kami ng dress, tingin ako ng tingin sa phone ko. Nagbabakasaka ling si Brent ay mag text. "Ginugutom ako." Sabi ko. "Naku, Max! Kanina pa tayo dito, la ka paring mahanap? Paano ba kasi tingin ka nang tingin sa phone mo." Sabi ni Mama. "Kasi naman, maraming gumigreet sakin ngayon. Birthday ko kaya." "Hmmm..." Binigyan niya ako ng sarcastic na expresyon. "O siya, sige, kumain mun a tayo." Pagkatapos naming kumain, naghanap ulit kami ng isusoot ko. At sa wakas, nang tumungtong ng alas singko sa hapon, may naibigan din ako. Kula y champagne ang tube dress. Flowing lang siya, simple at di bongga. "Ang ganda! Wow! Ngayon ko lang nakitang sinoot yan at di ako makapaniwalang ganyan pala yan kaganda." Sabi nung bading sa boutique. "Kukunin namin." Sabi ni Mama. Nagandahan din siguro siya kaya di na niya hiningi ang opinion ko. "Hay salamat naman at meron na akong dress! Nakakagutom. Ma, Pizza Hut muna tayo." "Ay naku, wa'g na. Umuwi na tayo..." Ewan ko ba kung bakit nagmamadaling umuwi si Mama. Pero nasagot din ang tanong k o pagkauwi namin. "Happy biiiirrrrrrrrrrrthdddddaaaaaaaaayy Maxx!!" Sigaw sabay sabay ng mga kaibi gan ko sa volleyball team, sina Emily at Jason at si Ara. Napatili ako dahil nabigla talaga ako sa nangyari. "Thank you!" Isa-isa ko silang yinakap. May dala silang balloons, confetti, at cake. Kinabaha n naman ako pagkayakap ko kay Ara. Sa likuran niya kasi, nakatayo si Brent.

Awkward moment. Yinakap ko silang lahat except kay Brent. May dala siyang white roses. "Happy birthday, Max!" "Thanks!" Katahimikan. "O sige na! Kain na tayo!" Sabi ni mama at agad silang pinapunta sa table. Grabe, pinaghandaan `to. Catered food. Lechon!? Umupo lang ako sa sofa, nawala yung gutom ko lalong lalo na nung nakita ko ang g ifts nila. Hinanap ko yung gift ni Brent, pero wala doon. "So ano? Nakahanap ka na ng dress?" Tanong ni Ara na umupo naman agad sa tabi ko habang kumakain ng lasagna. "Oo. Hehe. Natagalan nga kami." Tumingin siya sa palagid. "Wow! I can't believe I'm with this people! Anyway... I'm so excited for the yea r end!" "Sino ang date mo?" Tanong ko. Curious. "Uhmm, si Sam Beaufort." Sam Beaufort. French soccer player na kinuhang model ng kilalang clothing line d ito. Syempre, si Ara Cruz kaya yung pinag uusapan natin. Hindi si Ara ang worthy na maging date n i Sam. Si Sam ang worthy maging date ni Ara. "Asan nga pala si Co-este Paul?" "Working. Pero darating yun mamaya. He'll fetch us." Oo nga pala. Walang dala si Brent na sasakyan. "Thank you, Max!" Sabay sabi ng mga taga volleyball team na kaibigan ko. Alas otso na sila natapos kumain at nagchikahan. KAIBIGAN KO! Ibig sabihin, wala si Chloe. In speaking of Chloe, asan na kaya yun . Hinatid ko ang mga kaibigan ko sa labas. "Disappointed, eh?" Napatingin ako sa nakangising lalaki sa likuran ko. "Disappointed, Brent?" "Max, dito lang ako uupo ah? Nasa subdivision niyo na si Paul. I'll wait for him ." "Okay! Ipagdinner mo na rin muna siya." "Yezzz!" Tumingin si Ara sa kabilang bench kung saan nandoon si Emily at Jason n akaupo

magkatabi, parang nagkakaigihan. Umiling na lang siya. "Bakit naman ako madidisappoint?" Pumasok ako sa loob at hinakot ang mga regalo. Sina mama at papa nandun sa kusin a kasama si yaya. Si Carlo naman hayon at naglalaro na naman ng Dota. Tinulungan ako ni Brent sa pagkuha ng mga regalo. Bigla namang nagkahawakan kami ng kamay habang kinukuha ang isang regalo. Parang scene lang sa isang movie... errrr. Ngumiti siya. "Kasi wala siya?" "Sino?" Hindi siya sumagot. Ngumiti lang. "Whatever Brent! Hindi ko naman iniexpect `to. Ba't ko naman iiexpect na nandito si Chad?" "Maxxx?! Nandito na si Paul!!!" Sigaw ni Ara pagkapasok namin ni Brent sa kwarto ko. Agad akong lumabas para makita si Paul. "Happy birthday Max!" "Salamat!! Kain ka muna!" "Ako na ang bahala!" Kumindat pa si Ara at agad hinila si Paul sa kitchen. Hindi sumunod si Brent. Nandun lang siya sa kwarto ko. Naabutan kong nakahiga sa kama ko. "Sino nga pala ang date mo for Year end?" Umupo ako sa tabi niya. Tiningnan niya ako habang nakahiga. "Catherine San Juan." Tumango ako. "Sabi na nga ba!" "May date ka na kasi..." "Ako pa yung may kasalanan? Alam mo namang di ko matatanggihan si Chad eh! Hindi mo naman kasi agad ako tinanong! Kung sana hinanap mo ako nung araw na yun! Edi sana, tayo!" Grabe! Ang strong ko! Ang init ng pisngi ko. Samantalang siya, nakangiti lang at nasiyahang nakita akong sinabi yun. Umupo siya.

"I know you like her, Brent. Diba nga pinormahan mo siya nung high school kayo? Kinantahan mo ng Crazy for this Girl sa birthday ni Chad?"

Nag isip siya sandali. "Ah? Siya pala yun? Kaya pala familiar." Sinapak ko na! "Aray! Eh hindi ko nga yun naalala. Kaya pala kung makapagsalita si Kitchi paran g nagkakilala na kami somewhere." Sinapak ko ulit. "Flirt!" "Aray naman! Sorry na!" Ngiting-ngiti ang haliparot. "So, you wanna be my date?" "Anong date? Wala na! May date ka na, may date na ako! Huli ka na!" "No I'm not asking you to be my date... Ang tanong ko, ay kung gusto mo bang maging date ko?" Katahimikan. LOL! HINDI! Syempre... "Uh..." Naghihintay siya sa sagot ko. Pumikit ako, "Okay lang." Ang lakas ng tawa niya. "Ayaw mo parin talagang magpatalo, huh?" Sinapak-sapak ko ng marami. "Leche! Wa'g mo nga akong pag laruan!!! AHHH! Haliparot kaaa! feeling mo!!! pangit! Eto! Eto pa!" Inis na inis ako! naiisip ko yung hinalikan ko siya nung na lasing ako, tapos yu ng mga texts niya! Pagkatapos nung mga nangyari ganito lang parin siya. Akala ko naman indifferent na siya sakin, pero nagagawa niya pang magbiro!? Grabe yung pinagdaanan ko! Nakakalito yun! Tap os bibiruin niya lang ako ng ganito. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. "Alam mo ba kung ano ang gift ko?" "Wala ka namang gift!"

May kinuha siya sa ilalim ng unan ko. Isang box. "Hindi ka kukunin ng date mo dito sa bahay niyo. Sa venue na kayu magkikita. No. Hindi kayo magkikita. Dahil yun ang rule. Masquerade." Sabay open niya sa box.

Nandun sa loob ang isang mask. Kulay gold na vintage. Madetalye ang design. Hala tang mamahalin at isa lang ito sa buong mundo. Inayo niya ang buhok ko at sinoot sa a kin ang maskara.

"Makikilala din kita kahit wala nito dahil kilalang kilala ko ang mga mata mo. P ero you should wear this to indicate that you... are mine." R-arcs

R1.Masquerade

*1 text message*

Nakatingin ako sa salamin. I'm ready! Ara: Ngayon ko lang nalaman, ba't di ikaw ang date ni Brent? Yun nga rin ang tanong ko. Ngayong gabi na ang Year-end. Kakatapos lang ng final s namin. "Ate, di pala si Brent ang date mo?" Tanong nang tanong si Carlo, parang nananad ya. "Di nga eh. Obyus bah!" "Bakit? Di ka yinaya? Ayan kasi... napaka arte!" Sinapak ko na.

"Malis ka nga dito, ba't palaboy-laboy ka sa kwarto ko." Bumehlat pa bago umalis. Kainis! In speaking of Brent, sa tingin niyo available pa yung war na sinasabi niya? Kas i naiinip na ako eh. Wala naman siyang ginagawa para mangyari kaming dalawa. Nag text, tumawag? Y un lang para yayain ako sa year-end? Eh kung sana hinanap niya ako nung araw na yun o hu nili niya kami ni Chad para mas sigurado... haay. Pero, okay! Binigyan niya ako ng mask! Mahana

p niya naman kaya ako?? Reply ko: Na una kasi si Chad magyaya. Tapos, sila na din naman ni Kitchie. Hindi ko rin naman kasi alam kung paano tatanggihan si Chad. Parang masyado siya ng mabait para tanggihan sa mga ganitong bagay. Kung ikukumpara ko kay Brent na lagi ko na lang sinasapak at tinatanggihan, mas mahirap tanggihan `tong si Chad. Kaya naman ganito ang nangyari sakin! Kainis! Kainis? Nasan na nga ba ang feelings ko kay Chad? Crush ko siya. Gwapo, matalino at mabait si Chad, pero may kung ano kay Brent na hahanap hanapin mo. Ewan ko. Baka yun na yu n! Yung kamandag na matagal ko nang alam, Brentism. Unang araw ko palang sa school nung thirdyear high school ako, matunog na si Bre nt Cruz, number 1 varsity, anak ng governor, chicboy, play boy, manyakis, heart breaker. Alam ko na yun. Pero bakit kahit alam ko na yun, nakuha ko paring magkagusto nang ganit ka liit sa kanya? Ganito ka liit dahil talagang di ako buang sa kanya ano! "Max, text us kung magpapasundo ka na." Sabi ni Mama habang nagpapark sa venue at sinusoot ko naman ang maskara na bigay ni Brent. "Huh? Diba si Chad na po yung magahahatid sa akin?" "Ay oo nga pala. Pero just in case lang. Mag text ka parin pag tapos na at pauwi ka na, aright?" "Yes, ma." Bumaba ako sa sasakyan. Marami ng tao. Tama! Wala talagang nagkakilala sa mga ma skara namin. Bakit kaya? Paano kung itetext ko ngayon si Emily at sasabihin ko sa kany ang magkita kami sa CR, edi magkakilala din kami. "Miss, bawal mag text." Sabi nung nag usher sakin papasok sa loob. "Sorry." Ganun pala, bawal mag text.

May mga photographer. Marami. Sobrang dami. Ngisi na lang ako ng ngisi. "Miss, ang ganda mo! Tingin ka sa camera!" Sabi ko nang patahak ako papasok sa l oob ng venue. Hindi ko talaga makilala ang mga tao. Halos wala ring nagsasalita. Pumapasok lan

g sila sa loob ng tahimik at uupo kung saan nila gusto. Walang designated seats. Walang nagsasa lita. Halos lahat naka maskara ng venetian masks. Full. Hindi nakikita ang ilong at bibig. G anun ka tindi kaya di ko makuha kung sino sila. ANg buhok ng mga babae ay naka ayos kaya mas l alo akong nahirapan. Pati mga lalaki puro pareparehas ang tindig. Tanging instrumental mus ic lang at mga camera ang naririnig sa loob. Engrande! Inabangan ko ang mga pumasok. Grabe! Puro magaganda at ang gwapo ng dating nilan g lahat. May isa pa doong naka itim na ang sexy-sexy! At marami pang iba. "Good evening everyone!" Sabi ng nakamaskarang emcee pagkatapos nang halos tatlu mpung minuto. "We are all gathered here to celebrate the Annual Year End Dance! let's start th e night with a quotation from Alexander Pope, 'And, after all, what is a lie? 'Tis but the truth in a masquerade.'" Marami pa siyang sinabi tungkol sa quote. Katahimikan. "Let us all enjoy the mysterious ball. One shall not mention his or her name to anyone. Let us all eat, drink and dance covering our faces, our identity with ma sks. And by 10 oclock! We'll altogether find out who are you with and where...is... y our date." Nagbulong-bulungan ang mga tao. Para bang dissapointed sa sinabi ng emcee. "What the? Boyfriend ko ang date ko, does that mean he gets to be with another chic? This is rtidiculous!" Sabi nung ka table ko. Kinuha niya ang cellphone niya pero sinita siya ng waiter na bawal ang phone. "I don't care! I'm going to the CR!" Ang iba naman, ay kumain na at nagustuhan ang exciting na mangyayari. Again, eng rande ang lahat! Maraming waiter at waitress. May performers na nag peperform. Kumakanta, nagpipiano, at sumayaw. Asus! Bahala na kung magkalat ako sa pagkain o ano, wala namang naka kakilala sakin. HEEEEP! Wala!? Meron!! Si Brent! Napatingin ako sa paligid para hanapin si Brent pero wala akong makita. Pagkatapos ng isang oras (4 courses ang dinner), sinumulan na ang sayawan. May m ga naglakas loob na sumayaw.

"Sht! This is so ridiculous!" Sabi nung babaeng kanina pa reklamo ng reklamo. Puro wine na ang siniserve at caviar. Nag set up din ng table kung saan may mga sweets at iba pang mamahaling pagkain. Tinikman ko ang caviar... weird. Kaya dun ako sa sweets. LOL! Bahala na! Kain la ng nang kain! Ewan ko kung nasaan na yung mga tao! Basta. "May I have this dance?" Napatingin ako sa nakangising lalaki na naglahad sakin ng kamay. Ang maskara, ma y hawig sakin. R2.Blue Rose

Tumingin ako sa paligid. Kahit nakamaskara silang lahat, kitang kita parin ang m ga tingin nilang naka toon sa aming dalawa ng nakamaskarang `to. Tinanggap ko ang alok niya pero nanginginig ang paa ko. Kinakabahan ako. Magkaha wig ang maskara namin. Hindi rin full ang sa kanya. Tumugtog ang isang panibagong kanta na nakakuha sa atensyon ko. "Kinakabahan?" Ngayong masmalapit na siya sakin habang nakasayaw kami, mas klaro ang narinig ko ng boses. Si Brent ito! Sigurado! May blue rose pang nalalaman! Nakalagay sa bulsa ng Tux niy a ang isang corsage ng blue rose! Ngayon ko lang naalala na ang lalagyan ng maskara ay may b lue roses na disenyo. "Ba't naman ako kakabahan?" "I told you I'll find you." *The first time that I saw you, looking like you did, we were young we were rest less, just two clueless kids*

"Ba't di si Kitchie ang hinanap mo?" "Ba't siya ang hahanapin ko?" "She's your date." "She's just my date..."

Hindi na ako nagsalita. Hindi rin siya nagsalita. Sumayaw lang kaming dalawa. *If I knew then, what I knew now, I'd fall in love.* "Tell me, Maxine... Kung sabay ba kaming nagyaya ni Chad na maging date mo for the dance, sino ang pipiliin mo?" Natagalan ako sa pagsagot. Inisip ko pang mabuti. Totoo, gusto ko si Chad. Pero may kung ano kay Brent na nagpapadalawang-isip ko sa pagsagot kay Chad. "Mahirap tanggihan si Chad." Sabi ko. *Love only comes once in a while...* Pero gusto kita. Hindi ko masabi! Ano ba yan!

Sumayaw lang kami ng walang imikan. Ngayon mas lalo niya akong nilapit sa dibdib niya. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso niya. Makisig talaga siya. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko at baywang ko. "I love you, Max." Sabi niya. May kung ano sa boses niyang nagpapasakit sa puso ko. Para bang kinukurot ito. B akit kaya? Naramdaman kong galing sa puso ang sinabi niya, at tumagos naman iyon sa puso ko . "I've always loved you." Bahala na yung mga doubts ko! Ibabalewala ko na muna yun ngayon! May tumunog na relo! Parang Cinderella lang ang dating ah. "Its 10 oclock! Let us all together remove our masks and uncover the mystery!!!" Tumigil kami sa pagsasayaw at dahan-dahan niyang inalis ang maskara ko. Inalis n iya rin ang sa kanya. "This isn't the first time that I revealed my feelings for you, Max. You know th at." Ngumiti siya. Ngayon, isang malungkot na ngiti. Para bang may isinusuko siya. "The program is over! Let us altogether enjoy the night of dancing! Good night!" Sabi

ulit ng Emcee. Ibig sabihin pwedeng sumayaw lang ng sumayaw ang mga tao dito. "Brent, there you are!" Sabi ni Kitchie sa likuran ko. Linagay ni Brent ang blue rose na corsage niya sa tenga ko. "Sana ako yung mahirap tanggihan para sayo. Not the invisible man." Umalis si Brent sa harapan ko ng hindi ko maintindihan. Nakita ko agad si Chad n a nasa alayong likuran ni Brent nakatayo, nakangiti at nakatingin sa akin na may dalang bouquet . Hindi ko maintindihan bakit umalis si Brent! Iniwan ako sa ere! Lumapit si Chad sakin. Hinanap ko si Brent sa paligid at nakita ko siya katabi si Kitchie na nakatingin saming dalawa ni Chad. Ngayon ko lang din na realize na ang nakapaligid samin ay ang volleyball t eam, basketball team, few friends, Emily at Jason sa gitna ng dancefloor habang sumasayaw ang mg a tao. Pinalibutan kami ng mga kaibigan ko para magkaroon ng space sa gitna. Binigay ni Chad sakin ang bulaklak. "I'm inlove with you, Max. Will you be my girlfriend?" Ngiting-ngiti silang lahat! Ang iba kinikilig at napapatili at palakpak sa sinab i ni Chad. Pagtingin ko sa tinatayuan noon ni Brent, nawala na siya! He left me here with this question?! Naghihintay sila ng sagot ko. Paano ko tatanggihan? S-arcs

S1.Waiting in Vain

Nakahiga parin ako sa kama. Wala parin akong gana hanggang ngayon! Magdadalawang buwan na simula noon. One month and 2 weeks to be exact. Wala parin akong gana hanggan g ngayon. Oo na! Kasalanan ko na! Eto nga ang nababagay sakin. Text message!

Dali dali kong inopen. Chad: Good morning! Iniscroll ko ang phonebook ng cellphone ko at hinanap ang numero ni Brent. Wala akong lakas ng loob na itext siya. Summer na. Matagal na. Malapit na ngang magpasukan eh. Hindi ko parin nakikita s i Brent. Pagkatapos ng gabing yon, hindi na ulit siya nagpakita o nagparamdam. Pati na ri n si Ara. Balita ko nag vacation daw ang family nila at hanggang ngayon ay di pa umuuwi. Uuwi pa kaya yon? Pag di umuwi yon tatawagan ko na talaga. Nivisit ko yung Facebook ni Ara. Ang last status niya: Off to Palawan! (Na noong April pa lang). Kay Brent naman: (smiley lang talaga. At ang date? Sa araw ng iniwan niya ako doon). Tama! Alam niyo ba kung ano ang nangyari? Hinabol ko si Brent! Oo! "I'm in love with you, Max. Will you be my girlfriend?" Tiningnan ko lahat ng nandoon na masayang-masaya para samin ni Chad. Hawak-hawak ko ang bulaklak at kinakabahan. Mahirap tanggihan si Chad pero siguradong sigurado ako na hindi ako willing maging girlfriend niya. At sigurado ako na hindi siya ang tunay na gusto ko, na mahal ko... "I'm sorry..." Binigay ko ang bouquet sa isang teammate ko at umalis sa crowd. Di ko alam kung nasan si Brent pero hinabol ko siya. Wala akong naabutan kaya na ghintay ako sa labas hanggang sa tinawagan na ako nina Mama dahil nag-aalala sila. Sinabi kasi ni Chad na umalis ako sa party at di nila ako mahanap kaya sinundo ako nina Mama. Simula non, di na ulit nagparamdam si Brent. Balita ko nagbakasyon. "Maxine?" Kumatok si Yaya. "Po?" "Gumising ka na diyan, ayan ka na naman tinatanghali ka... Nandito si Emily at Jason." "Opo." Pinapasok ko sa kwarto sina Emily at Jason. Ba't naman kaya nandito silang dalaw a? "Oy Max! Parang di ka na nasisinagan ng araw dito ah? Bumangon ka nga diyan!" Sabi ni Jason sabay ayos sa kurtina ng kwarto ko. Tinabunan ko ang mukha ko ng kumot. "Max! I have good news!" Sabi ni Emily.

"Ano?" "Tanggalin mo nga yang kumot sa mukha mo nang makita mo." Ipinakita ni Emily at Jason sakin ang dalawang envelop na kulay cream. "Ano yan?" Sa likuran nito Emily de la Torre at Jason Go. "First time ako nainvite sa upcoming birthday ng twins." Sabi ni Jason. "Ako rin." "Nagbibirthday sila noon pero pili lang ang naiimbitahan." Naalala ko noon yung napulot kong envelop sa sala na birthday daw ni Brent pero di ko pinansin at di ko dinaluhan. "Tapos? Sa inyo naman yan! Di ako invited pero okay lang." "Eto oh!" Sabay pakita sakin ang isa pang envelop ni Jason. "Nakita namin yan sa mailbox niyo." Kinuha ko naman agad ang envlop at binasa. Maxine Theodora Alvarado! Akin nga!!! Binasa ko ang buong invitation! Bongga ang venue! Ibang klase!!! Sa bagay, masyado silang mayaman kaya heto. Tiningnan ko ang date at sa makalawa na pala! OMG! I need to get ready! S2.Pressure

"Dyusmiyo! Kailangan kong makahanap ng magandang susootin!" Sa araw ding iyon, kinaladkad ko si Emily at Jason para maghanap ng kahit anong magandang sootin. Nagpaalam na din ako kay Mama at pinagamit sakin ang tatlong credit card at pati na rin ang atm ko. Si Emily doon sa mamahalin nagpupupunta kaya heto at napapasubo ako sa presyo. "Ano ba ang magandang kulay?" Pressured ako masyado. "I can't wait. I'm sure bongga na naman yan, its The Twins eh." Sabay sukat ng i sang babae sa isang baby pink na dress. Hindi lang pala iyon isang babae. Si Ashley pala yon na isa pang kampon ni Ara a t kasama niya si Leandra na rumored girlfriend ni Brent noon. "Of course. Ngayon pa na kagagaling nila sa vacation. I'm sure they're throwing a

very good party." Sabi ni Leandra. "Si Maxine." Narinig ko ang bulong ni Ashley kay Leandra. Ngumiti sila sakin at ngumiti din ako. "Alin dito, Max?" Tanong ni Emily sakin nang pinakita ang mga bagong dress sa sh op na yon. Nagpanggap ako na nag iisip kung alin ang pipiliin ko. "I feel sad for her..." Bulong ni Leandra kay Ashley. "Sila na ni Brent diba? Si la na ni Kitchie?" "Most likely. She was with their family last vacation... kaya tingin ko totoo ya n. Lia was freaking out pa nga. Di ko pa natatanong si Ara pero tingin ko na confirm na ni Lia. Di naman siguro yun mabubuang sa kakaiyak kung di totoo." Sabay tingin nila sakin. "I'll get this." Sabi ni Ashley. "Let's go, Max. Humanap tayo ng iba." Sabi ni Emily at umalis kaming tatlo sa sh op na iyon. "K-Kung di na lang kaya ako pumunta?"

Umiling si Emily. "Naniwala ka naman dun? Asus!" Di makatingin si Jason sakin. "Bakit? May narinig ka ba sa teammates mo?" "W-Wala." "Sa tingin mo sila na?" "H-Hindi!" "Nagdududa ako sa mga sagot mo, Jason umayos ka! Upakan ko `tong boyfriend mo ngayon Emily." "Wa'g naman! Jason! Umamin ka nga diyan!" "Actually..." Kinamot niya pa ang ulo niya. "May mga naririnig ako na sila na ng a. May pics sila na magkasama sa Bora." "Bora? Akala ko ba Palawan?" Sabi ni Emily. "Boracay yung nakita ko na picture eh. Ewan.. Malay ko." Binatukan ni Emily si Jason. Napabuntong hininga ako. "Baka Palawan at Bora." Todo naman ang pag-eencorage nila na di totoo ang rumors at etc. "S-Si... Chad!" Sabi ni Emily na parang agad nagsisi sa pagturo niya kay Chad. Nakita ko agad si Chad kasama si Chloe. Namamasyal at namimili. Nakita na rin ni la ako. Napawi

ang ngiti ni Chloe sa mukha samantalang mas lumaki ang ngiti ni Chad. "How are you?" Tanong ni Chloe, plastikan. "Okay lang." Ngumiti ako. "Kayo?" "Eto, namimili." "Ahh!" "For The Twins party... Oh wait! Are you invited?" Tanong ni Chloe. "Uh-" "Balita ko not in good terms kayo ni Ara." "Huh?" May balitang ganun? "Oo nga, Max? Anong nangyari?" Tanong ni Chad. "Huh? Okay naman kami. Di nga lang kami, uh, nakakapag usap." "Ahh!" Panira talaga `tong si Chloe. Pero kung may rumors na ganun, sa tingin niyo totoo? Siguro may sinabihan si Ara na galit siya sakin or something? Paano na `to ngayoooon??? Dyusmiyo! Ang malas naman! "Uh, sige ah? Ginutom ako eh! Dito na kami! Balik na kayo sa date!" Hinila ko si Emily at Jason palayo sa kanila. Narinig ko ang pag apila ni Chad pero di ko pinansin. Ano ba ang nangyayari dito? Si Kitchie at Brent na! Plus! Galit sakin si Ara!? Text message! Chad: We're not dating. Are u rily ok? Why aren't u replying? I'll wait, Max. Reply: I'm ok. thanks, Chad. Ayokong umasa si Chad. Wala akong maibibigay na higit pa. True, mabait, gwapo, m atalino siya. Pero di ko alam kung anong nangyari at nabali ang standards ko at nagustuhan ko ang heart breaker. Tingnan niyo ngayon, ako yung nasasaktan! Ayan! Isa pa... GIFT! Ano ang ibibigay ko kay Brent? Kay Ara siguro bag o di kaya acce ssory. Pero kay Brent??? Sa tingin niyo kailangan ko pang magbigay ng gift? Di niya rin siguro y un mapapansin. Gusto ko ng nakakatawag pansin na gift! Love letter?? (Saan ko nakuha ang ideyan g yun?) Love Letter? Enclosed with my feelings? No way!!! Its too early to amin... No way!!! Anything basta wag lang yun... Pero ano? Help! S3.Love letter

Isang magandang barette ang gift ko para kay Ara. At... Loveletter. Oo. Loveletter na lang talaga ang tanging maibibigay ko kay Brent. Pero love let ter ba yun? Siguro letter lang. Eto ang nakalagay: Dear Brent, Happy Birthday! Natutuwa ako na inimbita mo ako sa birthday mo kahit feeling ko galit ka sakin. Sana hindi ka galit sakin. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginawa par a ikagalit mo. Kung bakit ko naisip na galit ka sakin? Kasi una, di mo na ako tinitext. Pan galawa, hindi ka na nagpaparamdam. Nalaman kong nag bakasyon ka sa Palawan ba yun o Bora? Okay , hindi ako nag eexpect ng text mo kasi siguro masyado kang abala sa mga ginagawa niyo ni Kitchie doon. Pero you know, hindi ako sanay na di ka nag ti-text akin. Yun lang. Pero siguro dapat na akong masanay ngayon kasi alam kong busy ka na talaga. Mahirap p ero gagawin ko. Pasensya ka na kung eto lang ang maibibigay ko sayo. Hindi kasi ako prepared at mahirap umisip ng gift para sayo. Di bale next time, bibigyan na kita ng mas matinong gift. -Maxine. YESYES! Alam kong mejo hindi love letter yun! Alam niyo kasi, ayaw ko lang ng gu lo. Kung sila na nga ni Kitchie, ayaw kong mag confess na gusto ko siya ngayong sila na. Para akong nagcoconfess lang dahil sa pride kung iyon ang gagawin ko! Ayaw ko ding isipin n ila na evil ako dahil may girlfriend na yung tao tapos sumasalida pa ako. Basta. Ngayon? Kung ano man yung nararamdaman ko para sa kanya, akin na lang yun . Tutal kung gusto niya akong talaga, siya na ang maghahanap ng paraan para mangyari kam ing dalawa at di niya ako pag mumukhaing tanga. Alam kong kailangan ko ding magpahiwatig. Kaya lang... alam niya eh. Alam niya n a gusto ko siya. Alam niya noon pa kahit di ko pa narerealize yun! Alam na alam niya! Kaya sapat na yung letter na yun para ipahiwatig sa kanya na tama siya!

"Mauna na kayo sa loob, mag C-CR lang ako." Sabi ko kina Emily at Jason habang p apasok ako sa CR. Nauna na sila. Maaga kaming pumunta sa venue ng birthday nila para di kami makaa gaw ng atensyon. Bago ako makapasok sa CR, may napansin akong lalaking mukhang may hinihintay sa labas. Gwapo siya, halatang executive, late early thirties siguro. Kaso mukhang suplado . "Aray..." "Sorry!" Nabunggo pa ako sa isang babaeng maganda! Mukhang early thirties din! At soooper ganda! Sobra! May kamukha siya! Artista p a nga yata. "Okay ka lang ba?" Linapitan kami ng lalaking nakita ko na naghihintay. Ito siguro ang hinihintay n iya. Nahulog ko pala ang loveletter. Nakabalot ito sa wrapper kaya nag mukhang gift n a rin na maliit at nipis. Pinulot nung babae ang nahulog na gift. "For Brent?" Hula agad nung babae. "Opo." "Uy couz!" May dumating na lalaki na may kasamang babae. Early thirties din siguro. Etong i sang to, kamukha ni Brent! Sobra! Younger version ni Governor. Parang gusto kong umexit. Mukha kasing mga kamag-anak `to nina Brent. Sa tikas a t mukha halatang relatives nila. "Teka..." Sabi nung babaeng nabangga ko. "I'm Serene Cruz-Tanseco." Ngiting-ngiti siya habang naglalahad ng kamay. Naglahad din ng kamay ang lalaking kakarating lang, "Crayon Cruz." Ngiting-ngiti siya, pero sinapak nung nasabing Serene ang kamay niya. "Call me 'Tita Serene', you are?" "Uh... Uhm... Maxine Alvarado po." "Maxine?" Singit nung babaeng ngayon ay kaholding hands na nung kamukha ni Brent . "Maxine the volleyball player?" Tanong nung kamukha ni Brent. Kilala nila ako? How come. "This is your Tito Dae." Sabay kapit niya sa braso nang mukhang suplado.

Pero ngumiti din naman siya sakin kaya di siguro siya suplado. Ngumiti na rin ak o... I don't effing know what's happening! "Asan nga pala si Night?" "He's with Ney. Sobrang likot eh, nasa loob na." Wait. Anong ginagawa ko dito sa harapan nila? "Di ka pa nakapasok?" Tanong ni 'Tita Serene'. "Di pa po..." "Kung ganun, let's go?" Tumango ako at pumasok na sa loob. Sa loob, agad kong nakita ang dalawang malalaking table na maraming gifts. "You have a gift for Ara?" Tanong ni Tita Serene. "Opo." "Ilagay mo sa table na yan." Sabay turo niya sa isang table. "And give me your g ift for Brent, I'll find him and give him your gift now." "Uh? Huh? Uh... Wa'g na po, nakakahiya." "No, it's okay!" Ngumiti siya. Parang di ko siya matanggihan at agad niyang kinuha ang gift ko. At umalis. Nakita ko agad sina Jason at Emily kahit maraming tao. "Maxine!!!" Nabigla ako sa boses ng tumawag sakin. Andito siya? Of course, Max! S4.The Cousins

"Kitchie!" "Wow! Tita yun ni Brent!" Alam ko! Kainis naman! "Wow! Close kayo?" "Uh, hindi... ngayon lang kami nagkakilala." "Ahh! She was with us kasi sa Palawan kasama yung anak niya at yung hubby niya. I like her so much!" Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa upuan nina Jason at Emily. Si Kitchie naman, sunod ng sunod sakin.

Umupo ako kung saan sina Jason at Emily at umupo din si Kitchie dun samin. Bongg a ang soot niya. Para bang party niya ang dinaluhan namin. "Bench Jimenez..." Bulong niya sakin habang nakatingin sa mga bagong pasok lang na mga tao. "Huh?" "Bench Jimenez ang pangalan nung kamukha ni Brent na kakapasok lang. Relative nila yun." Yeah, right! Alam ko yan. Kilalang kilala si Brent diyan dahil Brent Damien Jime nez Cruz. Governor ang ama, malawak ang lupain. Ang ina niya naman ay anak ng isang mayama n na may ari ng isang malaking airline sa Pinas, plus ilang hotel at bars kasama ang pina ka malaking brewery dito. Yun sigurong Bench Jimenez ang tagapagmana. "Ahh oo." "And he's with Denise Gozon. Sino kaya yang kasama nilang isa pang babae?" Ang dami namang alam nitong si Kitchie. Siguro close na nga silang talaga ng fam ily ni Brent. May tumawag kay Kitchie sa isa pang table at parang narinig ko na dumating na da w si Ara. "Excuse lang ah?" At umalis siya. "Eliana Jimenez ang pangalan ng kasama nila." Sabi ni Jason. Ang tinutukoy niya ay yung maganda, matangkad, sobrang ganda, sobrang hot, sobra ng ganda! Ay nasabi ko na bang sobrang ganda? LOL! "Ba't mo kilala?" "Low profiled siya. Kilala ko siya dahil minsan ko na siyang nakita sa isang bar noong nag celebrate kami ng victory party sa team." Tumango ako at naintriga sa mga pinsan ni Brent na puro high end. Haaay! Pakiram dam ko tuloy sobrang liit ko. Wala akong na accomplish na kahit ano. Sila, pinanganak na yata na sikat. Ako? Wala. Volleyball player... spiker... yun lang! Nakita kong pumasok si Ara, soot ang puting damit at nagmukhang prinsesa ng mga diwata. Sobrang ganda niya. "Nakalimutan ko tuloy kung bakit ako invited dito." Sabi ni Emily nang nakita si Ara. Nagbeso si Ara sa mga pinsan niya. Biglang sinimulan ang party. Huh? Wala pa nga si Brent! Gulat na gulat ako nang tinawag si Ara para pumunta na sa table na nararapat sa kanya.

"Wala pa si Brent ah!?" Sabi ko. Pagkaupo ni Ara sa table, biglang sumulpot si Brent out of nowhere, tinawag, at umupo na din sa kanyang table. "Kanina pa yata siya nandito eh." Sabi ni Jason. WHUUUUT? Ba't di ko siya nakita?!?! Invisible man? S4.What?

Nakita ko si Chloe at Chad pero di ako makalapit kasi nahihiya ako. Lalong lalo na sa mga schoolmates ko na nakakita sa pagbasted ko kay Chad kaya dito lang ako kasama si Jason at Emily. Nakita din naman nila ako, pero hanggang kaway lang ako. Kainan na pagkatapos ng ilang performance for the birthday celebrants. Hindi ako makakain ng maayos dahil di ko na naman makita si Brent. Saan ba yun nagpupunta? Hindi ko ri n nakikita si Kitchie. "Maxine!" Ang mommy ni Brent! "Uh, si Jason at Emily po." "Hello po!" Sabi nina Jason at Emily. "Hi! Hindi pa kayo napapakilala o nababanggit ni Ara o Brent sa akin... But anyway... Enjoy the party, aryt? We have to go." Sabay turo niya sa readyng-read y na na si Governor. "Okay po! Ingat po kayo..." "Thanks sweetie. You enjoy the party. Wait, nagkita na ba kayo ni Brent?" "Uh..." "Nag usap na kayo?" "H-Hindi pa po." Biglang sumulpot si Tita Serene. "Aalis na kayo ni Kuya? Kami rin ni Dae at nina Crayon. I love this party but Ni ght's asleep." "Yes, sweetie... We have to go... The next events are for them na. You know, teenagers." Sabi ng mommy ni Brent. "Maxine, binigay ko na nga pala ang gift mo kay Brent." Tumingin siya sa paligid . "I think I saw him there kanina, wait... waiter!" Tumawag siya ng waiter at parang pinahanap si Brent.

"So, alis na kami Max ah? Enjoy the party ayt?!" "Opo! Thank you!" Umalis din naman sila. "Grabe ah, special treatment ka dito." Sabi ni Jason. "Iba talaga pag..." "Hindi no... Siguro na awa lang sila sakin kasi akala nila kami ni Brent e, di n aman pala." Umalis na ang mga oldies at naiwan ang halos lahat ng friends nbi Ara at Brent a t mejo dumidilim na ang lights. Alas diyes na ng gabi. May nakita akong nag set up ng chocolate fountain at iba't-ibang cocktail drinks . "CR muna ako ah?" "Aryt!" Papunta ako ng CR nang nakita kong nabangga si Kitchie sa isang guest ng party. Yung nakita ko kanina. Si Denise daw yun? "Oopps, sorry!" Sabi nung Denise. Grabe, ngayon lang ako nakakita ng nagso-sorry na halatang-halata na sinadya ang ginawa. Sobrang plastik! "Naku! Paano na yan?" Nabuhusan kasi ng strawberry martini ang damit ni Kitchie. "Uuwi ka na kasi nabasa ko ang damit mo?" Nakita ako nung Denise na nakatingin. Grabe! Tumindig lahat ng balahibo ako! Par a akong tiningnan ng isang multo! Nagpatuloy ako sa paglalakad at di na ulit tumingin. "Denise, tama na yan. Let's just chill sa table natin... Benj, help me here." Sa bi nung isang sobrang hot na babae. "Aryt!" Kaboses pa ni Brent yung Bench! "Lagot ka kay Brent, Denise." Sabi nung hot nang kinaladkad nila si Denise palay o kay Kitchie. Pareho yatang papunta sa CR. Patay! Nasa CR ako at nasa CR din ang dalawa! "Buti nga sa kanya! Ara told me that she doesn't like that girl. Tinanong niya p a nga si Brent kung bakit nandito yun sa party. Muntik na silang nag away." "It's their problem, not yours..." Sabi nung hot. Ngumisi lang si Denise. Pareho kaming tatlo nakatingin sa mirror. Pero ako, tahimik lang at inaayos ang buhok ko. "I like your dress." Sabi nung hot sakin at ngumiti.

"Ah... Thank you..." Ngumiti din ako. "Channel, Balenciaga o Dior?" Tanong ni Denise sakin, nakataas ang kilay. "Uh, hindi, nabili ko lang sa Rustans eh... naka display." Nagkibit balikat na lang si Denise at nagpatuloy sa pag mi-make up, di na ulit a ko pinansin. "Actually, kanina pa kita tinitingnan, I like your beauty. But I'm not lesbo ah? Haha!" Grabe! Ang ganda niya! Flattered ako sa sinabi niya. Imagine kanina pa ako sabi nang sabi na ang ganda niya tapos nagandahan daw pala siya sakin? "I'm Eliana." Naglahad siya ng kamay. "Maxine." Kinamayan ko siya. "Maxine? Maxine...." Bakit? "Uh, this is Denise naman." Balewala parin yung Denise. "At yung lalaking kasama namin, is Bench. We are Ara and Brent's cousins. She's Ara's bestfriend." Sabay turo kay Denise na balewala parin. "Ahhh. Uhm. kaibigan ko si Ara at Brent. Same school." Awkward moment. Hmmp! "Can you go now?" Sabi ni Denise sakin bigla. "Ahaha!" Parang mas awkward kay Eliana yung sinabi ni Denise kesa sakin. "Uhm, p asensya ka na sa kanya..." "Di... hehe. Aalis na ako. Tapos na rin naman ako." "Thank you." Sabi ni Denise na ngumiti sakin. "Actually..." Ngumiti si Eliana sakin. Pero di niya pinagpatuloy ang sinabi at t iningnan niya na lang si Denise at pinandilatan. Nakalabas ako sa CR at una ko nakita ang nakasandal na lalaki sa kabilang CR. Si 'Bench'. Ang gwapo niya. Pero etong sang `to, mukhang iba kay Brent... Kung si Brent ay babae ro at accommodating. Eto mukhang babaero pero hindi maginoo. Mukhang...evil... "He's my cousin, Benjamin Jimenez. Like him?" Biglang sumulpot sa harap ko si Brent!!!! S5.A disappointing night

"Huh? Ano ba yang pinagsasabi mo Brent?" Ngumisi siya. Grabe, sobrang kinabahan ako. "Kung hindi siya, edi sino ang gusto mo?" Sumeryoso bigla ang mukha niya. Its not that simple, Brent. Gusto kita pero di ko masabi. Takot ako. Baka masakt an ako. Baka totoong kayo na ni Kitchie. "Tumigil ka nga, Brent." Linagpasan ko siya. Pero di pa ako nakalayo nang hinila niya ang braso ko. "Right! Kayo na pala ni Chad. Hindi mo nga pala siya matanggihan." Ang obyus naman na hindi! Kitang kita niya na si Chad at Chloe ang magkasama tap os sasabihin niya pa yun? "Ang manhid mo.-" "Excuse me lang ah, pero Brent, I think your girlfriend is looking for you." Sab i ni Bench sa kalagitnaan ng pagtatalo namin ni Brent. Tinuro pa niya sa likuran ko si Kitchie na mukhang may hinahanap. 'Girlfriend'! Totoo nga! Tiningnan ko si Brent, nagbabakasakaling ideny niya pero wala. Kumunot lang ang noo niya habang nakatingin kay Bench at sakin! Nag walk-out na ako! SEEEEEEEEEEEEEEE?! Once a playboy, always a playboy! Hinding-hindi ko na ulit gagawin `to! Hinding-hindi ako aamin sa kanya sa narara mdaman ko! Hinding-hindi! Yan kasi, Max! Alam na alam mo ng playboy siya, nagkagusto ka pa! "Have you seen Brent?" Tinuro ko na agad si Brent kay Kitchie. "Alis na ako ah?" Kinuha ko ang purse ko sa table namin nina Emily at Jason. Hin di na sila nakapagsalita dahil dali-dali akong umalis. Tumakbo na talaga ako papalabas! Naisip kong di ko pa nakikita o nababati si Ara . Pero useless yun. Dahil kung totoo yung rumor na mag-on sina Kitchie at Brent, paniguradong t otoo ding galit si Ara sakin. "Want a ride, Max?" Si Chad, nasa loob ng sasakyan. Nabigla ako kasi bigla na lang siyang sumulpot n

a nag-da-drive ng sasakyan sa harapan ko. T-arcs T1.Galit

Nagsimula na ang training para sa volleyball this year. ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ. Alam ko. Matagal na yung birthday na yun, at alam kong hinahanap ninyo kung anon g nangyari. Walang nangyari! Hinatid ako ni Chad sa bahay, tapos! Hindi kami masyadong nag i mikan. Lahat ng conversation-attempts niya ay pinapatay ko. Wala akong ganang makipag-usap no n at halatang naramdaman ni Chad. I felt sorry for him. At si Brent? HINDI KO ALAM! Wala akong pakealam! Actually, tinext niya ako nung birthday niya... Brent: Can we talk? Hindi ko nireplyan! At yun na lang yung text niya. Di na ulit siya nag text, Nab asa ko sa fb na 'In an Open Relationship' si Kitchie. At may nag post sa wall ni Brent, mga limang t ao, 'Congrats pare! Don't hurt her!' Di naman ako pulis para kailangan pa ng pag-amin bago ako maniwala. Andyan na an g ebidensiya, nagbubulag-bulagan ka pa? "Aray naman, Maxine!" Sabi ng senior na napunterya ko sa mukha pagka spike ko. "Oopps! Sorry!" Kainis lang!!! Kainis ako eh! Alam kong playboy yung tao, nagpaloko pa ako. Kaya ngayon, kahit anong mangyari, di ako magpapaloko! Ano ako, bobo? Sige, bobo na ako dahil na gu stuhan ko siya NOON, pero pasensya't di ako tanga! Alam niyo kung bakit ako galit ngayon? Kasi... may text siya!!! Brent: Kausapin mo naman ako, Max... For what? Gag0 talaga! Kainis lang! Kahit anong mangyari, di ako magpapaloko sa kanya. Nakikita ko ang parating na bola, inisip kong mukha iyon ni Brent. PAAAAAAAAAAAA AK! After 18 years, yun na yung pinaka malakas kong spike. World record!

"AAAAAAAAH!" "Kitchie..." "Kawawa naman si Kicthie!" "Ay naku, Maxine Alvarado, anong ginawa mo?" "Ha?" Pumunta lahat ng tao kung saan napunta yung inispike kong bola. "Si Kitchie, natamaan mo!" "Anooo?" Napatakbo ako agad don. Pero actually, gusto kong tumakbo palayo at iwan lahat n g tao dito. "So-Sorry!" Sabi ko. Nakita ko si Brent sa crime scene. Salamat ha? Sana pala talaga tumakbo ako. Tinitigan niya ako. Parang galit at may kung ano. Si Kitchie, naka handusay sa lupa at walang malay. "Tabi!" Agad kong linagay si Kitchie sa braso ko, umaambang bubuhatin ko. "Ako na..." Sabi ni Brent. "Ako yung may-" "Ako na!"

T2.Nasabi ko rin

"Nahimatay lang siya. No severe damage..." Sabi nung nurse. Grabe! Sobrang kinabahan ako. Di kaya ako makasuhan ng kung ano nito? HUHU! Hara ssment? lol! "Ms. Alvarado, paki bantay muna ah? I'll call her family doctor." "Okay po." May doctor naman sa school namin, marami, pero ayun sa records ni Kitchie, call the family doctor daw. Katakot tuloy, di kaya may sakit `to?" "Ba't ang lakas ng mga spikes mo this past few days?" Biglang nagsalita si Brent pagkaalis ng nurse. Kami lang tatlo dito sa room. Si Kitchie, na tulog,

ako at si Brent. "Ano bang pakealam mo?" Nakadungaw lang ako kay Kitchie. Ang ganda! Sobra! Kaya di na ako magtataka kung bakit nagkagusto si Brent sa kanya. Pero nakakainis na rin kasi bakit nga nagkagusto s i Brent sa kanya? Akala ko ba sakin? SIGE NA MAX! Awat na ako! Di nga kasi siya nagkagusto sakin, joke lang yun! "You know may pakealam ako." "Tumahimik ka nga, Brent!" Inirapan ko siya. This time, walang halong pagdududa. Alam na alam kong bola iyon! "Ano bang kasalanan ko sa'yo at bakit galit na galit ka?" Tiningnan ko siya nang may mas halong galit at poot ngayon. "Tanungin mo ang sarili mo!" Lumapit siya sa akin. Lumayo ako. "See? It was you! I made all the efforts, Max! Ikaw yung lumalayo." "Tumahimik ka, Brent! Let's just be friends, okay?" Sinabi ko yun dahil pagod na ako. Pagod na akong makarinig ng pambobola galing sa kanya. Lahat ng sinasabi niya, n irereject na lang ng pandinig ko. Wala na! Wala ng halaga. Anong effort ang sinasabi niya? Yung pagti-text sakin? Oh come on! Tumahimik siya. Tiningnan ko siya at nakita ko ang mukhang miss na miss ko ng ta laga. I miss you, Brent, but you're not mine to miss. "I'm sorry that I thought sinagot mo si Chad. You told me di mo siya kayang tanggihan, and I know you like him so much." Kaya ba linigawan mo si Kitchie? "Brent, alis na ako? Ikaw na magbantay sa kanya?" Pero di niya ako pinansin. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "And this whole thing about Kitchie and me? Kung ano man yung naririnig mo, they're simply rumors. I know its hard to believe, pero totoo... walang kami... hindi ko siya mahal. At alam kong alam mo kung sino ang mahal ko, Max. Don't deny your beliefs, coz I know you know it. Di mo lang alam kung bakit ito ang nangyayari. Galit ka dahil akala mo I failed you. Galit ka kasi akala mo binobola lang kita. Galit ka kasi nagseselos ka. Pero sa ayaw at sa gusto mo, Maxine, mahal kita, at di yon mababago kahit ilang beses mong sabihin sakin na di mo ako gusto." Huminga siya ng malalim habang ngumiti. Ako naman ay di makaimik.

"Nasabi ko rin." At akala niya naman maniniwala ako? Bigla niyang hinalikan ang noo ko. "Ano ba, Brent!" Tinulak ko siya palayo. "Alis na ako, bago ka pa mas lalong magalit sakin... See you, Max." Ngumiti siya . Para bang ang saya niya. Parang lahat ng pasan niya kanina nang nagkita kami ay nawal a na bigla. Pambihirang buhay `to. Ano ba talaga? pero kung ano man yun, di na ako magpapalo ko. Isa lang yan sa mga kalokohan niya. Parte lang yan sa mga plano niya para mapaibig ako. T3.Karibal

"Gising ka na pala." Nabigla ako nang nakita kong dilat ang mga mata ni Kitchie. Halos trenta minutos na akong nakatulala sa nangyari. "I-I'm sorry... nga pala." Napatayo ako at biglang kinabahan sa blankong expresy on na ipinakita niya. Sinikap niyang umupo, tinulungan ko. "A-Asan si Brent?" "Uhh, umalis..." "Nandito siya kanina?" "Oo." Ngumiti siya. "Uh, pasensya na talaga ah? Ano ba yung masakit sayo? Teka lang, tatawagin ko an g nurse." Hinawakan niya ang kamay ko bago pa ako makaalis. "Wala naman `to. Dito ka na muna para may kasama ako." "O-O sige... Sorry talaga." Katahimikan. "Saan daw pumunta si Brent?" "Hindi ko alam eh, bigla na lang siyang umalis." "Talaga? Bakit naman kaya..." Kinuha niya ang cellphone niya. Maraming messages. Di ko na lang inusisa kung na gtext ba si Brent.

Ilang sandali, mukha siyang disappointed. "You think Brent likes me?" Tanong niya. Nawindang naman ako dun. "U-Uhh... Hindi ba kayo na?" Aray naman. Dahil sa panic ko, naging tanong yung sagot ko. Tumawa siya ng mahinahon, "How I wish..." Tiningnan niya ako gamit ang pagod niyang mga mata. "Hindi ba? Balitang-balita eh." Ayan na, nakikiusyoso na ako. "Hindi... Ewan ko kung saan at kanino nanggaling ang mga rumors na yan. Pero sana naging totoo na lang siya." Kung ganun, kung totoong hindi talaga, paano naman kaya nabuo ang rumors na mga yun? Baka masapak ko ang mga gumawa nun. Pero imposble... kasi naman pati si Jason ay kumb insidong sila na nga... Pero sino ba ang paniniwalaan ko, heto na si Kitchie at sinasabin g hindi sila, edi hindi sila. "I know he's a playboy..." Sabi ni Kitchie sabay ngiti sakin. "Pero I don't know why I'm so into him." Sabi niya sa kawalan. "Alam mo bang playboy siya?" "Ah! Oo naman! Magkakilala na kami since highschool. Alam kong playboy siya. Sasaktan ka lang nun." Nyek!!! Ano daw? "Bakit, Max, nasaktan ka na ba niya?" Buffering... WHATTT A QUESTION! Ngayong tinanong niya, wala akong maalala. "Hindi naman..." "Hindi naman kasi di mo naman siya gusto diba? I'm wondering why di ka niya pinormahan." At ngayon, di ako makatingin sa mga mata niya. "Maganda ka... mabait... hmmm." Tahimik lang ako at di makapagcomment. "Di niya lang talaga ako type... hehe." "Ikaw ba, type mo siya?" Natagalan ako sa pagsagot. "Di rin naman..."

WHAT THE? "Mabuti naman. Kala ko karibal na kita..." "Haha! Di noh..." Ano baaah! Pero talagang sa sitwasyon kong ito, nakakapanic na. Ako yung may atr aso eh. "May gusto ba siyang iba?" T4.But why?

Umalis na ako agad pagkatapos naming mag-usap ni Kitchie. Napapaisip parin ako s a mga sinabi ko. Nagsisisi... Pero wala akong magagawa. Nasabi ko na iyon. Kung ikaw din ang nasa sitwasyon ko, sa totoo lang, yun din ang una mong sasabihin kahit kasalungat nito ang tuna y mong nararamdaman. Walang sigurado sa mundong ito. Kaya mas mabuti pang wa'g na lang sumugal. "Maxineeeeeeeee!" Sabay hug sakin. Nabigla naman ako kay Ara nang ginawa niya yon. "Miss na miss na kitang talaga! Ay nakooo! Marami akong pasalubong sayooo! Sobra! Tapos na ba yung class mo? kung di pa, hintayin kita. Punta tayo sa bahay namin!" "Ah, tapos na!" "Kung ganon, lika na!" Hinila niya na agad ako papunta sa sasakyan at dumiretso na sa kanila. "Nagkita na kayo ni Brent?" "O-Oo." Habang nasa loob kami ng sasakyan papunta sa kanila, panay ang bato niya ng mga tanong tungkol kay Brent. "Anong sabi?" "Ah wala naman... Kasi, mabilis lang yun. May nangyari kasi." "Anong nangyari?" "Na... na tamaan si Kitchie ng spike ko. Dinala namin sa clinic kaya di kami masyadong nakapag usap." Grabe! Tumawa nang tumawa si Ara sa narinig. "Buti nga sa kanya! Haha!" Hiningal pa siya sa kakatawa. "Hah! Tapos? Nahimatay ba?"

"Uh, oo. Hiyang hiya nga ako eh." "Hay nako. Dapat sana tinuluyan mo na yun. Inis na inis ako sa babaeng yun. Such a flirt! Masayang masaya pa siya nang akala ng lahat ay sila na ni Brent. Kung sin o mang nagpakalat nun, ewan ko. Its not true ah? Don't tell me naniwala ka don." "Uh... Me-Mejo. Kasi naman, yun yung narinig ko sa buong school." "Well, hindi yun totoo. Nag fe-feeling lang yung isang yun." Kung ganon, bakit yun kumalat? Sinong nagpakalat? At bakit may nag 'congrats' ka y Brent sa Facebook? Hindi na ako nagtanong ng marami kay Ara. Nakarating din naman kami agad sa baha y nila. "Let's go to my room." Hinila niya na naman ako. Marami siyang pinamigay sakin. Hindi ko alam na nagpunta pala sila ng Europe nin a Brent. Sa Gibraltar, Paris at etc. Ang dami niyang pinamili para sakin. Scarf, dresses, at iba pang kung anuano. "So pagkatapos niyo ng Palawan, nagtour kayo sa Europe?" "Yes..." Tumango ako. "With my family. FA-MI-LY. With my mom and dad, Brent, tita and tito and cousins . No Kitchie allowed. Si Kitchie kasi, nakita lang namin sa Palawan and Bora. Di naman talaga namin siya kasama. Gross!" Tumango na lang ako at tiningnan ang pinamigay ni Ara. "Hay, nakakalungkot nga. Tingnan mo yung mga pinamili ko kina Lia, Ashley at Tasha." Sabay turo sa mga malalaking box na may nakalagay na pangalan nila. "Ang dami. Tapos sayo eto lang... Si Brent kasi..." "Bakit?" "Wa'g daw kita bilhan ng shoes, bags, etc. Siya nadaw bibili. Actually, ang dami niyang pinamili sayo. Ayaw niya lang na may ibibigay kaming parehas... Where's m y phone?" Lumabas siya sa kwarto at hinanap yung cellphone niya. Lumabas din ako at sinund an siya. "Brent, where are you?" Tinawagan niya si Brent. "Max's here-" Pinutol niya agad nang nakitang pumasok si Brent sa living room. Kararating lang ... "Hi, Ara! Max, you're here!" Nakita kong pinandilatan ni Ara ang kasama ni Brent.

"Ah, oo eh. Sinama ako ni Ara." Si Kitchie...

T5.Huli

"Ayan! Ang dami ng sayo, Max!" Sigaw ni Ara. Para bang nananadya nang binigay ni Brent sakin ang mga pasalubong niya. Nakita kong sumulyap si Kitchie sa pasalubong ko at sa pasalubong niya naman... "Dami ng sayo, Max! Sigurado ako ang gaganda niyan! Halos lahat kasi galing kay Ara." Nakita kong pumula ang pisngi ni Ara. "Sinasabi mo bang pangit ang mga pinamili ni Brent?" Nagkatinginan kami ni Brent. "And are you saying na mas marami akong pinamili kay Max kesa sa kay Brent? Are you blind? Isang bag lang yung binili ko for her, and look at Brent's pasalubong ~" "Shh! Ara, stop it." "Kitchie should stop it, Brent! Ilusyonada!" "Shhhh! Ara! That's enough! Sumusobra ka-" Nagwalk out si Ara bago marinig ang lahat. Nakita kong mangiyak-ngiyak si Kitchie habang tumatayo. Nasa awkward situation a ko. Anong gagawin ko? Errr. Nakita ko ang pagcomfort ni Brent kay Kitchie. Lumapit din ako sa kanila. "I'm sure di yon sinasadya ni Ara." Sabi ko kay Kitchie. Guilty ako masyado. "I know ayaw niya talaga sakin." "I'm sorry bout her. May ugali lang talaga siyang ganyan." Tumulo ang luha niya na pinahiran niya agad. "Lika, ihahatid na lang kita sa inyo. Shhh... Let's go?" Sabi ni Brent kay Kitch ie. Wulang hiya! Parang kinurot nang husto ang puso ko! Para akong nanonood ng teles erye kung saan ako yung extrang maldita na nagseselos sa bidang gusto ng leading man. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko.

"Max, sumabay ka na." Sabi ni Brent. "Uh, wa'g na-" "C'mon." Wala na akong nagawa. Sinigurado kong hindi ako mapapel masyado. Nang nandoon na kami sa labas ng gagamitin niyang sasakyan, hindi ako pumunta sa front seat agad. Nasa l ikuran lang ako dala-dala ang mga pasalubong. Tinitigan ako ni Brent saka niya binuksan ang pint uan sa front seat kung saan agad pumasok si Kitchie. Binuksan ko nalang din agad yung pinto s a likuran. Kaya ko namang buksan yun, ba't pa ako maghihintay ng magbubukas. "Una tayo kina Max?" Tanong ni Kitchie nang pinaandar na ni Brent ang sasakyan. "Ikaw ang unang ihahatid." Sabi niya habang nakatingin sa pabukas na gate. Di ko naman alam na di pala ako yung tinutukoy niya kay sabi ko, "Okay." Tumingin siya sa likuran... sa akin. "Kina Kitchie muna tayo, huli ka na." Aray naku! Una nga kasi sabi si Kitchie! Hindi ako! Sabi ko na nga ba! Max, wa'g kang tatangatanga. "Hindi, okay lang naman na kina Max yung una." Ngiti ni Kitchie. "Ah, hindi. Kina Kitchie na. Okay lang naman. Akala ko kasi ako yung una." KATAHIMIKAN. Ano ba yun! Masyadong malaman ang sinabi ko na parang gusto ko na lang lumabas a t maghanap ng taxi. "Una tayo sa inyo, Kitchie. Max, you're the last." Hindi ko alam kung alin yung mas maganda - yung una o yung huli.

T6.Sugal

Kanina pa sila nag uusap sa kung anu-anong bagay. Pilit akong sinasali ni Brent pero wala naman akong masabi kundi, "Ahh. Talaga?" Sana nga hindi na lang ako sinasali ni Brent. Mas nagmumukha kasi akong tanga sa tuwing hinihingan nila ako ng opinyon sa bagay na wala naman akong alam. Alam ko! Umeepal ako dito. Nagkakaigihan na tong dalawa, nakikisawsaw pa ako. "Dito na lang." Sabi ni Kitchie. Hinalikan niya si Brent at agad binuksan ang pintuan.

"Thanks Brent!" Para akong nabigla. Si Brent, haatang nabigla! Tumingin pa talaga sakin. Inayos ko ang mukha ko para di magmukhang basang sisiw. Ang laki ng ngisi ni Kitchie nang nakalabas na sya sa sasakyan. "Pasok muna kayo, Brent." Sabi ni Kitchie sabay ngiti kay Brent. "W-Wa'g na. Maybe next time. Ihahatid ko pa si Max." Para akong nabunutan ng tinik sa narinig ko. Ginawa pa akong dahilan? Sana kasi di mo na lang ako hinatid! "Ah hindi! Pasok ka Brent, makakahintay naman ako dito. Or pwede naman akong tumawag sa bahay at magpasundo." "Di na talaga, Kitchie. Max, come here." Sabay alok sa front seat. Di ako gumalaw. "Bakit?" Tumawa si Kitchie, "Magmumukha siyang driver mo pag diyan ka uupo." Nahiya naman ako sa sinabi ni Kitchie. Dali-dali akong pumunta sa front seat. Hi yang hiya ako na naramdaman ko talaga ang pag init ng pisngi ko. "Uwi na kami, Kitchie." "Okay! Bye Brent! Bye Max!" Saka ako nakahinga nang nakaalis na kami! Halik pa lang nakakapigil hininga na. Naisip ko tuloy si Ara. Galit yun kay Kitchie nang iniwan namin sa kanilang bahay. "Why so quiet?" "Ba't naman ako dadaldal?" "Ba't ka galit?" "Di ko galit! Asa ka pa!" Hinawakan niya ang pisngi ko, agad ko namang sinapak ang kamay niya. "Aray naman! Sakit ah?!" Tumawa siya. Kainis! Tatawa-tawa pa siya. "Ang saya mo yata?" "Di ah!" "Weeeh? Naka iskor ka lang naman kasi sa chix!" "Edi nasabi mo rin! HAHA! Hindi ako yung nakascore sa kanya. Siya yung nakascore sakin!" "Shut up Brent! Yung tunay mong kulay nakapinta na naman sa mukha mo!" "Di naman ako yung humalik ah?!" Nagseryoso siya. "Yun yung laging sinasabi ng mga tulad mo!" "Di parin ba nagsisink in sayo yung mga sinabi ko? Na ikaw ang mahal ko?" Katahimikan.

"Alam mo Brent? Nevermind. Pagod na akong makipag talo sayo. Alam ko naman kung saan to patungo." "Ako, di ako napapagod. Kahit di ko alam kung saan to patungo. Sugal parin ako nang sugal." Halos matawa ako at di makapaniwala sa naririnig ko. "Kay Kitchie ka nalang sumugal. Mananalo ka dun... Sa kin? Wala kang makukuha." "Is that really what you want?" Sabay tingin niya sakin habang huminto ang sasak yan sa traffic light. T7.liliko

Hindi na ako umimik. Wala din siyang imik hanggang makarating kami sa bahay. "Thank-" Halik agad siya sa lips ko. Saglit lang. Tumingin na lang ako sa kanya habang humingang malalim at sumandal sa manibela. Pagod na akong magreklamo sa ginawa niya. Pagod na pagod na ako. "Alis na ako." "Is this really what you want?" "Anong ibig mong sabihin?" Natigilan ako. Maharap nga. "Si Kitchie ang gusto mo para sakin?" "Kung sino yung gusto mo, edi yun!" Katahimikan. Tumawa siya. "Nakakalito ka talaga! Edi ikaw!" Tawa niya. "Ilang beses ko bang sinabi sayo na kilala kita. Alam ko kung anong mga pinaggagawa mo." "Bakit? For the past years, may narinig ka ba tungkol sakin?" "Meron! Marami! Hello Brent!? Paano naman yung issue niyo ni Kitchie? kela ba yon? 3 years ago?" Natahimik siya. Napabuntong hininga. Para bang may gusto siyang sabihin pero di niya masabi. "Tapos ka na?" Sabi ko. Nang-iinis. "Pag dating sayo, useless talaga ang words. Pati pa nga yata ang actions. Or may be it isn't enough." Sabi niya. Mukhang malalim ang iniisip niya. "Wa'g ka nang mag aksaya ng oras para sakin dahil kahit kailan, di na mababago

ang isip ko." Paano ba naman kasi. Hindi lang sa narinig ko yung nangyari sa kanila ni Kitchie , nasaksihan ko din. *Krriiiing* Tumatawag si Ara. "Hello?" "Max? Where are you?" "Uh, nasa lbas na ako ng bahay namin.-" "Ano? Sinong naghatid sayo? Si Brent?" "Oo." Tumingin ako kay Brent. Malalim ang iniisip. "Akala ko kasi hinulog ka ni Kitchie kung saan. Anyway, is she there? Pwede mo bang i-loud speaker?" "Uh-" "Nevermind! I don't think she deserves that. That flirt! Dapat di ako nagagalit sa kanya kasi alam kong mahal ka ni Brent." Wala akong masabi. Di naman pwedeng sabihin kong ayaw ko sa kapatid niya. "Wala naman siya dito." "Oh! Ganun ba? hihihi! Sige, baka pala nakaistorbo ako. Bye bye!" "Bye-" Agad niyang pinutol ang linya. "Alis na ako Brent." Sabay lagay ng phone ko sa bag. "Salamat! Bye!" "Max, I'll never stop." Sabi niya nang binuksan niya ang salamin. Ngumisi siya. Tumindig ang balahibo ko. "Stop it na! Si Kitchie na lang ang gawin mong goal, wa'g ako dahil nasa kabilan g kanto ako, samantalang ikaw, diretso sa kanya." "Haha! Hindi no! Pero... kung ganun sa tingin mo, Liliko ako, dumiretso lang ako sayo." Kumindat siya kasama ang ngiting nakakapanindig balahibo. U-arcs

U1.shoot

Ang ganda ng umaga ko. Ang sarap ng tulog. Siguro maganda yung panaginip kong di ko naman maalala. Ang gaan ng pakiramdam ko habang tinatahak ko ang daan patungong librar y. Napaaga

nga ako sa school ngayon, may gana kasi akong mag aral. Maingay naman si Carlo m asyado sa bahay kaya dito na lang ako mag-aaral. Sarap pa nang pakiramdam ko nun, nang biglang may sumira. Lumingon ako sa mga basketball players na nakajersey. Maingay pa sila nung di pa nila ako nakita. Tawa nang tawa. Pero nang nakita na ako, tumigil silang lahat at isa isa ng tumingin sakin. Mga lalaki talaga, di marunong tumingin ng di nahahalata. Tapos, nagbulung-bulun gan sila. Lumingon ako sa kabila. May nakita akong grupo ng mga babaeng napatingin sa akin at biglang nagbulung-bulungan. Nakita ko sina Ashley at Tasha, yung mga kaibigan ni Lia na may gusto kay Brent at kaibigan din ni Ara. Nakatingin lang sila sakin na para bang may hindi ako nalalaman. Ite-text ko na sana sina Emily at Jason nang... "Max!" "Uy Chad!" Kita ko agad ang ngiti niya. Napansin ko ang pagbabago. Noon, sa tuwing nakikita ko siya, kabang kaba ako at parang di makahinga. Ngayon, ay parang isang Jason ulit. Wala lang. Kaibigan. Walang malisya. "Aga mo yata ngayon?" "Oo nga eh.-" May dumaang may dalang masyadong malaking camera, reflector at iba pa. "Nagsimula na daw si Sir Ramon, bilis na kasi." Sabi nung isang nakatutok sa iPh one niya. Normal lang yun dito sa campus. Halos lahat ng estudyante may baong mga malalaki ng DSLR na camera. Pero bakit parang na weirdohan ako nun. "Anong meron, ba't parang may media? HAHA!" Tumawa pa ako nang may nakitang isan g lalaking may dalang malaking case... make up case? "May shoot ang Preview magazine dito, diba sinabi ni Brent sayo?" "Bakit? Ano bang pakealam ni Brent sa mga shoot?" "Kinuha kasing model si Kitchie, tapos nirecommend siya ni Kitchie na mag model. Ayun, silang dalawa ang..." Bumulagta sakin sa soccer field si Brent na naka itim, Dark Lord... at si Kitchi e na naka puti, White Angel. "...model. Gagawin kasi nilang tourist attraction ang isa sa mga hacienda nila k

aya tamang-tama din to na promotion. Yung second set of pictures kasi i-shoshoot sa hacienda. And malaking catch din kasi si Brent sa Preview eh, you know, he's famous.The governor's son." "Onga eh! Yung line na yan? Parang mas nakakadagdag ng angas sa kanya. Di naman bagay." Nakita kong pumwesto na sila sa isang malanding posisyon. "Galit ka ba sa kanya?" "Ako? Di noh! Nang iinis kasi siya sakin, kaya hayun. hehe." Sabay lunok. Actually pinilit ko lang sumagot kahit ang sarap ng mag walk out. Si Chad kasi, masyadong kagalang galang. "Alis na ako, Chad. May gagawin pa..." Di ko na hinintay na pumayag siya. Agad na akong umalis. Walang hiyang Brent na yan! Kagabi lang eh may pa flirt-flirt pa siya sakin mero n pala siyang pasabog kinaumagahan! Nagag0 na naman ako ng walang hiyang yun! Naiisip ko tuloy ang theme ng shoot nila. Devil na nainlove sa angel!? Kung sinabi ko sa kanya kagabi na mahal ko siya, sa tingin niyo kaya di siya sis ipot dito? Hindi ko alam. At bakit ko naman sasabihing siya seryoso. Kung sana ay di niya tinuloy mga pinagsasabi niya. Dahil ginawa niya `to, . Sana nag isip ka, Brent! Maling mali `tong mahal ko siya? Sisipot din siya dito kasi di naman ang shoot na `to, mas pinaniwalaan ko sana siya sa mas lalo na lang tuloy akong di maniniwala sa kanya ginawa mo!

Porke si Kitchie sika't, dun din siya? For promotion? Wala naman siyang makukuha sakin eh! Di naman kasi ako sikat! Walang makukuhang promotion galing sakin. Ang bitter ng iniisip ko. "Miss Maxine..." "Huh?" Kinausap ako ng isang libririan assistant. "Baka po mapunit ang libro. Dahan-dahan lang sa pag turn ng page." "Ahh.. hehehe! S-Sorry." Lanya! Pulang pula ako. Di ko na tiningnan kung sinong nakatingin. Linagay ko na lang ang libro sa mukha ko at naghintay sa next class. U2.Stop annoying

Nakasalubong ko si Brent pagkatapos ng klase ko. Pagkakita ko pa lang sa mukha n iya, tinalikuran ko na agad. "Hey!" Di ko pinansin. "Where are you going, my love?" "My love ka dyan! Tseh! Tabi ka nga." Hinarangan niya kasi ako sa daanan. "Sungiiiiiiiiit talaga!" Sabay akbay sakin ng nakangiti. "Kinikilig talaga ako p ag nagsusungot ka. Lalo ka pang gumaganda, paano mo ginagawa yun?" "Ikaw Brent, nakakainis ka talaga!" Sabay hampas ko sa dibdib niya ng librong da la ko. "Ano?" "Anong 'ano'? Grabe! Manhid ka ba? Nakangiti pa talaga siya. "'tol..." May tumawag sa kanya. Napalingon kaming dalawa. Mga teammates niya sa basketball. Tatakas na sana ako pero nang tumingin sila sakin... agad silang... "Mamaya na lang... sige..." Tapos ang bilis nawala! Inakbayan niya ulit ako at nagsimulang maglakad. "It's for our future..." Napatingin ako sa kanya kasama ang "Huh?"-face. "Its for our future. Kailangan kong ipromote ang negosyo natin para mas marami tayong pera at nang di na tayo mahirapan pa. You know, and I also want a son named after me." "Tseh! Tumahimik ka nga dyan! Future mong mukha mo! Si Kitchie, yown! Sigurado may future kayo! Galing mo talagang manloko! Kay bago-bago mo pa nga akong niloko, tapos mag eexpect kang maniniwala ako sayo sa nangyayari ngayon?" "That's why I'm telling you its for our future." Napailing na lang ako. Nagmumukha na siyang tanga sa ginagawa niya. "By the way, sama ka sa shoot namin sa Hacienda huh?" "At ba't ako sasama?" "At bakit di ka sasama? You jealous?"

"Hindi no!" "Kung di ka sasama, then you are..." "Parang bata..." Pinandilatan ko. "Do I have to bribe you to make you come with me?" Di ako umimik. "Well, okay, then kasama si Chad." Di na kailangan Brent.

"So? Di ako parin ako sasama!" Katahimikan. "Just come with me. After that I'll stop annoying you."

"Akala mo talaga naniniwala ako sayo no?" "Alam kong di ka naniniwala sakin." Nagseryoso siya. "I just wish every time you reject me, your doubts are lessened." U3. I love him, too

Sumama ako. "Max, sino pa ang kasama niyo ni Brent dun?" Tanong ni mama. "Ah yung ibang friends po namin. Pati na rin sina Emily at Jason." "Okay!" Yun lang naman ang tanong nina mama at papa sakin. Hindi ko alam kung ba't sumama pa ako dito kay Brent. Napatingin ako sa kanya ha bang nag ddrive. Kami lang dalawa sa sasakyan niya. Dalawang oras yung layo galing sa city papunta sa hacienda nila. "Saan nga pala si Kitchie sumakay?" Tanong ko. "Sumama siya sa mga photographers." Katahimikan.

"Kung sinabi ba niyang dito siya sasama, siya ang isasama mo?" Ngumisi siya at tumingin sakin. "Nevermind." "Hindi, syempre." Nagtanong pa ako, eh alam ko namang hindi ako maniniwala sa kung anong isasagot niya. "Sigurado ka bang titigilan mo na ako pagkatapos neto?" "Oo." Sabi niya. "Ba't ba atat kang tigilan na kita. Galit ka ba sakin? Bakit pa rang diring-diri ka sakin?" Tanong niyang bigla. "Kasi... playboy ka! May nakapagsabi na ba sayo nun? Nananakit ka ng babae." "Bakit? Sabihin mo nga, Max.. Kung nananakit ako ng babae, nasaktan na ba kita?" "Wow! Hindi ako makapaniwala! Parehong pareho kayo ng tanong ni Kitchie sakin!" "Wa'g kangang change topic." "Naku! Magkadugtong talaga kayo ng bituka ni Kitchie! Bagay na bagay!" Sabi ko n a mukhang kinainis niya. "Hindi mo pa ako nasasaktan. Kasi... di mo naman ako kaya ng saktan. Kasi-" "Kasi mahal kita. Can you believe me even just for today?" Wala akong masabi. Kasi sa totoo lang, gusto ko din siya. Mahal ko rin siya. Per o parang may ayaw sumunod sa sistema ko. Parang nangingibabaw ang pride at takot ko. Pride, k asi pag sinabi kong mahal ko siya masasama ako sa koleksyon niyang mga babae. Takot, baka sa hu li, totoong isa ako sa koleksyon niyang mga babae. Hindi ko talaga alam. Paano ko sasabihin 'to sa kanya? Tahimik kaming dalawa sa loob ng 30 minutes hanggang sa nakatulog na ako... Nagising ako. Ang una kong napansin ay ang bango ng sinasandalan ko ng ulo... "Brent?" Sabi ko habang hinaplos ko ang mga mata ko para mas luminaw ang paningi n. Confirmed! Itinigil niya ang sasakyan sa isang daan malapit sa dagat at ilinagay niya ang ulo ko sa dibdib niya. "Ba't mo itinigil ang sasakyan?" Ngimiti siya. Halatang marami siyang iniisip at bakas sa mukha niya ang lungkot. "Malapit na rin naman tayo eh. Itinigil ko lang kasi ayokong tumuloy. Ayoko munang pumunta dun." Tumingin ako sa relo ko. Isang oras na kaming late! "Ano ba yang pinagsasabi mo! Paano na yung shoot niyo! Tayo na!"

Tahimik lang siya at ang tagal nagsalita. "Brent!" "Hindi mo ba talaga naappreciate ang mga ganitong moment?" Na aappreciate. Sa totoo nga lang gusto ko dito muna tayo. Hindi ako nagsalita at lumabas na lang bigla sa sasakyan niya. "Maxine?!" "Oh sige! Dito na nga lang muna tayo!" Sabi ko habang tumatakbo palayo sa kalsad a at pumunta malapit sa dagat. Sumunod din siya. Kung ano man yung plano niya ngayon, ayaw ko yung mangyari. Natatatakot akong ma wala siya. Mahal ko siya pero paano ko sasabihin sa kanya? Totoo kaya yung mga sinasabi niy a sakin? Binasa ko siya sa tubig ng dagat! Nakakatawa siya! Nabigla at parang di makapani wala na ginawa ko yun sa kanya! Binasa niya rin ako! Pero di ko na pinuruhan kasi ano na lang a ng sasabihin nila dun kung dumating kaming dalawa na basang basa. Ayoko namang magpalit ng damit. "Tama na, Brent! Hahaha!" Tumakbo ako papalayo sa kanya. Umupo ako sa buhangin, nakaharap sa dagat. Narinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko lalong lalo na nang nakita ko siyang ti nanggal ang t-shirt at umupo sa likuran ko. "I love you, Max." Hindi ako makagalaw. Bigla niya akong yinakap galing sa likuran. Halos matunaw ako sa sinabi niya at sa yakap niya. Ganito pala ang nagagawa ng t aong mahal mo. Ganito ang pakiramdam. Ibang klase. Parang kaya kong ibalewala ang pride ko para lang masabi din sa kanya ang gusto niyang marinig - ang totoo kong nararamdaman. Yinakap niya ako ng mahigpit. "I'm surprised. Di mo pa ako sinasampal." Sabi niya sabay halakhak ng konti. Sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin. Gawin ang gustong gawin... kasi mahal din kita. Mahigpit ang yakap niya sakin at linagay niya ang mukha niya sa balikat ko. "Please don't slap me yet. Even just for this moment." Sabi niya. Hindi ako makagalaw at naninigas na. Ito ang first time na may ganito ka lapit s akin. Except dun sa mga part na hinalikan niya ako - mabilis yun at parang nakakainis kasi manaka

wan ng halik. Pero ngayon, ayokong umastang gusto ko ang ginagawa niya, but I don't want to pu sh him away either. I love him, too. Lalong humigpit ang yakap niya. Parang naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit. May kung ano sa yakap niya na di k o maipaliwanag. "I'll never let you go, keep that in mind." Ano ba ang nagustuhan ni Brent sakin? Bakit mahal niya ako? Bakit noon pa siya g anito? *Krrriiiing* "Brent, yung phone mo." Di siya umimik. "Brent... sagutin mo." "Don't" Sabi niya nang kinuha ko. Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa phone niya. *Kriiiing!!!* Ni-click ko yung phone. "Hello, Brent? Where are you? Why are you not replying or even answering our cal ls? Hello?" Hindi siya umimik. "Kitchie..." Sabi ko. "Who's this? And where's Brent?" "Si Maxine 'to. Pasensya na natagalan kami. Kasalanan ko. Matagal kasi akong nagising kaya natagalan kami." "Magkasama kayo?" "Oo. Papunta na kami. Malapit na." "Asan siya?" "Bumili lang ng pagkain, kasi ginugutom." "Okay! Hurry up! Sabihin mo sa kanya na bilisan niyo na." Binaba ko na agad. "I don't want to go. Let's just stay here, please?" U4.Meet Thunder

Nakarating din kami sa hacienda. Pinilit ko siyang pumunta para makapag shoot. K ung kami talaga ang para sa isa't-isa, pumunta man siya o hindi, kami parin ang magkakatu

luyan diba? Hindi ako makapaniwalang iniisip ko yun. Magkakatuluyan? Pero bahala na. Kung hi ndi totoo yung mga sinabi niya, edi masktan na ako kung masaktan! Bahala na! "Sa'n ba kayo galing?! Get dressed na!" Sabi ni Kitchie. Sinalubong niya agad si Brent. Ilinayo niya sakin para makapagbihis para sa shoo t nila. Si Kitchie naka gown. Ang ganda niya talaga! Bagay sila ni Brent. Nagmukha tuluy'ng sila da lawa yung mag mamay-ari nitong hacienda sa hinaharap. Maganda yung hacienda! Sobra! Ang daming kabayo. Nakita ko nga yung mga teammate s ni Brent doon na nakasakay na sa mga kabayo. "Max!!!" Narinig ko ang boses ni Emily. Mukhang natataranta. Iyon pala, nakasakay sa isang kabayo kasama si Jason. "OH my! Oh myy!" Sabi niya habang papalapit ang kabayo sakin. Si Jason naman, natatawa na sa reaksyon ni Emily. "Ibaba mo nga ako dito! Ahhh!" "Mamaya na.. Relax ka nga lang! Haha!" "Errr. Uh... Max... Kala ko di ka kasama? Nagkasabay kayo ni Brent?" Tanong niya ng wala sa sarili. "Oo eh. Nakumbinsi niya ako." Tumigil sa paglalakad yung kabayo kaya huminahon din si Emily. "Akala kasi namin di ka kasama. Tinanong kasi ni Emily si Kitchie kanina, di ka raw naman inimbitahan... sabi niya." Sabi ni Jason. "Hindi nga ako makapaniwala eh.. na alam mo yun... di ka naimbitahan. Kasi halos lahat ng kaibigan ni Brent nandito. Pero wala si Ara tsaka yung mga kaibigan niy a." "Uh. Uhm... di ko rin naman alam na makakasama pala ako eh." "Hmmm. That's probably why Kitchie looked so upset kanina after niya tinawagan si Brent. Baka sinabi ni Brent na magkasama kayo." "Ako yung nakasagot sa phone ni Brent." "Huh?" Nagkatinginan sila sabay, "Why?" "Uhhh, may binili lang siya." Sabi ko. Umiling si Emily. Yung palagi niyang ginagawa sa tuwing may nararamdaman siyang di ko sinasabi. "Hey, Max!" Biglang dumating si Chad. Bumaba siya sa kabayo na parang propesyonal na kung maka asta. Sina Emily at Jas on naman, biglang umalis.

"Chad!" Ngumiti ako. "I'm so glad you came." Ngiting-ngiti siya sabay yakap sakin. "You came with Bre nt?" "Oo eh." Hinawakan niya ang kamay ko. Nailang ako sa nangyayari. Napatingin tuloy ako sa paligid. Baka kasi makita ni Brent. Pero wala naman siya. Agad ng nagpunta sa rest house para makapag bihis. Dala-dala niya ang bag ko. "Come with me?" Sabay tapik sa kabayo. "Wa'g na, takot ako sa kabayo." Kahit ang totoo, naka ilang beses na ako ng sakay sa kabayo sa iba't ibang pasya lan at parke. Hindi ako takot. "Come on, Max!" Ngumiti siya. "Andito naman ako." "Wa'g na, talaga Chad. Okay lang ako dito." Kalahating-tawa na yung pagkakasabi ko. Ayoko kasing magmukhang seryoso sa ginagawa kong rejection sa kanya. Hindi ako s anay nito. Maaring kay Brent, sanay ako, pero sa kanya hindi. "Sige na... pleaaase?" Sinalida niya ang ngiti at puppy eyes na isa sa pinakamab entang mukha niya sa mga tao. Kaso, hindi tumalab sakin. Pero ganun pa man... ayaw ko ring tanggihan siya ulit . Sumakay ako. Nasa unahan niya ako habang pinapalakad niya yung kabayo. "Kala ko ba takot ka?" Hindi na lang ako sumagot. Takot ako... oo. Hindi sa kabayo kundi sa reaksyon ni Brent. Naisip ko rin... Si Brent na mahal ko, lagi kong ni-rereject. Samantalang si Cha d na crush lang, halos di ko ma atim. Bakit kaya? Pero naaawa din ako kay Chad, nagawa kong iwan siya sa ere nung umamin siya sakin, nakaya niya paring maging mabait sa akin. Nakita ko yung field at yung lugar kung saan sina Brent ay mag pho-photoshoot. "Grabe! Parang dyosa si Kitchie!" Sabi ko habang tinitingnan at manghang-mangha kay Kitchie na literal na mukhang dyosa. At si Brent naman, ano pa ba ang inaasahan niyo? Syempre parang diyos lang. Kay gandang lalaki talaga ng mokong! Naiinis ako sa tuwing naaamin ko sa sarili ko ang pagiging mag anda lalaki niya. Napapangiti nga ako ngayon. Sa tuwing tumitingin siya sakin at iniisip ko ang kagwapuhan niya, pakiramdam ko nababasa niya ang iniisip ko kaya mas lalong nakakainis.

Bigla siyang napatingin sa amin ni Chad. Nasa gilid kami at di na lumapit pa. Ba ka kasi maka istorbo kami sa shoot. Nanunusok ang mga titig niya. Nakita ko siyang hinawakan ang phone niya at may n i-text. Napa tingin tuloy ako sa phone ko. Sakin siya nag text! Brent: Di ka ba marunong sumakay ng kabayo mag isa? Max: (reply) Hindi masyado. Y? Brent: May picture ka sa bahay niyo na sumakay ng kabayo. Bata ka pa nun. Tapos madami. Meron ding high school na. May nakita pa nga akong nag e-equestrian ka. Max: You stalker! Paano mo nakita yung photo album namin? Itinago ko yun! Tiningnan ko siya habang nakatitig sakin. May tinawag na isang lalaki na mukhang nag t-trabaho sa hacienda. Busy pa ang mga tao sa pag mimake up kay Kitchie. Siya naman, text nang text. Brent: My point is, you don't have to be with Chad. Get off! Pagka tanggap ko sa message na yun, agad pumunta yung lalaki sakin na may dalang itim na kabayo. "Miss Maxine?" Nung una, di ako makapaniwala. Kilala niya ako? "Ho?" Sabi ko. "Uh.. Maari p-po ba kayong bumaba. Ito kasing si Thunder..." Bumaba akong bigla. Pati si Chad ay nabigla sa ginawa kong pagbaba. "Thunder?" "Yung kabayo." Sabi niya. "Ipanapasakyan ni Brent yung kabayo niya sa iyo." Brent's porsche is Lightning and his horse... Thunder. Hinaplos ko ang mukha ni Thunder... okay naman siya. Mabait. Sumakay ako. Pagkak ita ko kay Brent nang nakasakay na ako kay Thunder. Ngumisi siya at kinindatan ako. Nagsimula ang nakakapigil-hiningang photoshoot. Napaalis ako dun dahil masyadong masakit ang nakita at narinig kong puri sa kanila. "Bagay na bagay!" "Mukhang future Mrs Cruz aaah?"

Good bye world! Sana kaya kong itago pati sa sarili ko.

U5.future wife

Namasyal ako kung saan-saan. Mag-isa. Nahihiya din kasi akong bumalik kasi iniwa n ko si Chad dun. Ang sama ko talaga! Kawawa yung tao. Nakokonsensya tuloy ako. Pero kanina pa ako dito nakasakay sa kabayo. Nakikita kong bukod sa mga barkada ni Brent ay parang may tatlong care takers pang nakabantay sakin sa malayo. Alam ko... Si Br ent na naman. Wala naman akong problema dun eh. Linapitan ko ang isa na nagtangka pang umiwas sakin. "Manong..." "P-Po?" "Teka lang po. May itatanong lang. Hanggang saan po ba yung lupain ng mga Cruz?" Tiningnan naming dalawa ang malawak na lupain. "Hanggang sa maabot ng mga mata niyo." Sagot niya. Nakita ko ang mga bundok sa malayo at mga kakahoyan. "Ahhh." "Bakit po?" "Wala lang. Lawak po pala ng lupain nila." "Oo. Hindi lang ito. Meron din silang lupain sa Albay at sa Davao." "Ah." Tumango ako. Umalis din naman ako at patuloy na namangha sa lupain nila. Haciendero ang mokon g. Kung ihahambing ko sa aming pamilya na wala namang malalawak na lupain... talaga ng walang makukuha si Brent sakin. Eww. Ba't ko ba yun naisip? Biglang kumalam ang sikmura ko. LOL! Gutom yata ang mga worms ko sa tiyan. Sa ba gay. Ilang oras din yung byahe namin. Hindi naman kami kumain. Pagkarating dito agad silang nag shoot. Makapunta nga sa rest house nina Brent. Nakita ko din kasi yung mga friends niya ay nagpunta na dun. Tinapik ko ang kabayo na si Thunder na bigla na lang kumabig. Naalala ko nung hi

gh school na sinubukan kong pumasok sa equestrian team sa dati kong school. Ganun parin naman . Kaya pa. Mabait din tong si Thunder, eh. Hindi nakakakaba. Malayo pa lang, nakita ko si Brent. Nakaabang sa akin sa pintuan ng rest house. Naka pang photoshoot get-up pa kasama ang cow boy hat. Nakangisi. Napalingon ako sa field. .. yung mga assistant photographers na lang ang natira. Nag lilinis at nagliligpit ng mga ga mit. Pinatigil ko si Thunder sa harapan niya. Agad akong bumaba at hinaplos ang mukha ng kabayo. "How many times do I have to fall in love with you?" Sabi niya. Sinimangutan ko siya. "Ewan ko na nga sayo..." Sabi ko. "Kuya, please..." Sabay bigay sa caretaker ng lubid ni Thunder. "Good job, Thund er." Sabi niya sa kabayo. Napangiti ako. Sa puntong ito, naramdaman ko ang pagkatunaw ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero... oo... mahal ko siya. Hindi ko alam kung paano ko ipapakita sa kany a. "Lets eat!" Sabay hawak sa kamay ko papasok sa rest house na pagkalaki-laki. "Brent..." Sabay tanggal ko sa kamay niya. "Okaaay." Ngumisi siya. Pagdating namin sa dining area. Nandun na ang lahat ng friends ni Brent atsaka a ng mga photographers, kumakain. Si Kitchie ang nag aasikaso sa kanila. "San ka ba galing, Brent? Yung future wife mo na yung nag asikaso sa food." Aray! Future wife. Agad akong umalis sa tabi niya at nakitabi kay Emily. "Kain ka, Max." Ngiti ni Chad sakin. Nang nilingon ko si Brent eh nag uusap na sila ni Kitchie at yung isang yaya nil a dito sa rest house. Seryosong usapan. Naalala ko tuloy yung sinabi... Siguro nga talagang mas bagay si Kitchie na Cruz kesa sakin. "Chill... Di pa yan magpapakasal." Bulong ni Emily sakin nang napansin ako ng da lawa. Nawalan ako ng gana. Kumain parin ako. Busy si Brent sa pag asikaso. Hinayaan ko na lang. Wala rin naman akong magagawa. Pagkatapos dun ay ni-check ko yung tutulugan namin. Tatlong palapag ang malaking rest house nila. Sa 2nd floor kami matutulog. Nang pumasok ako

sa isang malaking kwarto na may limang king size bed at mga double deck, nareali ze kong wala doon ang bag ko. "Emily... Ba't wala ang bag ko dito?" "Hindi ko alam. Siguro di ka dito matutulog?" "Max." Tinawag ako ni Chad. Pinuntahan ko agad. Alam niya yata kung saan. "I'm gonna have to sleep beside your room." Sabay turo sa isang room na may pink na wind chimes sa labas. "That's Ara's room. Dun ka yata ipapatulog ni Brent-" "Max..." Si Kitchie. "Nag text kasi si Ara. Tutal naman daw wala siya, dun ka ra w sa kwarto niya matutulog." "Ahh. Okay..." "Dun ako ipapatulog sa isang guestroom ni Tita eh. Pati din si Chad. Yung mga players nasa 3rd floor." Sabi ni Kitchie. "Ah ganun bah." Sayang naman, gusto kong kasama si Emily. Nakakahiya naman kung mag rerequest ak ong kasama kami eh di naman ako yung may ari or guest man lang. "Sige, iche-check ko lang ang room ko." Agad akong pumunta sa all-pink na room ni Ara at sinarado ang pinto. May shower dito. Naisip kong maligo at magpalit ng damit nang may narinig akong gumalaw sa kurtina! Walang hiya! Si Brent! Tapos halos matanggal ko na yung soot ko! Sisigawan ko sa na pero natatakot akong malaman nila na nandito siya sa kwarto ko. "Anoooong ginagawa mo dito?" Mahinahon ang boses ko pero galit. "Its my room, too." Ngumisi siya. "Anong room? Kay Ara 'to!" "Were twins so..." Tiningnan niya ako kasama ang ngisi niyang abot tenga. "Sinungaling!" "HAHA! Easy ka lang... Inaayos ko lang naman yung higaan mo eh." Sabay puppy eye s. "Umalis ka nga dito! Ma issue pa tayo dito ng kung anu-ano!" Tinulak ko siya pap alabas. "Opooo! Eto na po... Paalis na po..." Tumayo pa siya sa pintuan habang tinititigan ako. "Walang kissing scene na mangyayari. Wa'g ka ng mag expect." Sabi ko. Humalakhak siya ng konti. Pero nariyan na naman yung mukha niya na kanina ko pa napapansin. Yung mukha niyang di ko kaya tanggihan. Yung mukha niyang ipinakita dun sa beach . Malungkot pero nakangiti. "May gusto ka bang sabihin sakin?" Tanong niya. "W-Wala naman. Bakit?" Umiling siya at kinurot ang pisngi ko. "Bilisan mo na..." Ngumiti. Kumindat. Uma

lis. Anong ibig niyang sabihin? Natigilan tuloy ako... Habang nakatingin ako sa kawalan, napansin ko ang isang p icture frame. Mga bata pa sila... Ang nasa gitna, si Ara. Si Brent yung kasama at sa kabila ay si Chad. Close na close pala talaga silang tatlo simula pagkabata. Naisip ko tuloy kung kasali ba si Chloe sa kanila. Alam kaya ni Chad ang nararamdaman ko para kay Brent? Hindi, siguro! Hindi nga a lam ni Brent... si Chad pa kaya. V-arcs

V1.Trophy

Namasyal kami buong hapon sa hacienda. Nang gumabi, naisipan nilang kumain sa la bas ng rest house. Sa field, may bon fire atsaka handaan. Masayang-masaya sila. Ako din nama n, okay. Masasarap na pagkain, tapos sina Emily at Jason. Okay na okay! "Are you okay, Max?" Tanong ni Chad. "Oo naman." Ngumiti ako. "Bakit? Mukha ba akong di okay?" Humalakhak ako. Natawa din naman siya. "Akala ko kasi napilitan kang sumama dito." "Parang ganun na rin... Pero okay naman. Di naman ako nagsisi." Nagkatinginan kami. Naka-ngiti siya sakin. Biglang nag vibrate ang phone ko. Si Brent, nagtext! Brent: U done eating? Ako: (Reply) Oo. bakit? Brent: Can we have some time, alone? Napatingin ako sa harapan. Agad kong nakita si Brent na nakangisi at biglang uma lis. Busy ang lahat kaya walang nakapansin. Si Kitchie, may kausap sa phone kaya di r in napansin ang kanina niya pang binabantayan na si Brent. "Excuse me lang, Chad. CR muna ako."

"Okay." Ngumiti siya. Umalis ako at sinundan si Brent. Nandun siya malapit sa stables. Tumitingin sa langit na puno ng bituin. "Bakit, Brent?" Tanong ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Napapaisip ako... Sana gawin niya ulit yung ginaw a niya sa beach. Kailangan kong patunayan sa sarili ko na kaya ko na talagang sumugal. Kaya ko ng ibalewala ang pride ko para lang masabi ang totoo kong nararamdaman. Ipinakita niya ulit sakin yung malulungkot na mata na nagpupumilit ngumiti. Yung Brent na nakita ko dun sa beach, yung Brent na nakita ko nung Masquerade. "May problema ka ba?" Dinaan ko sa tawa ang nakita ko sa kanya. "Meron..." "Ano?" "Ikaw." "Huh? Kung problema mo naman pala ako, ba't mo pa ako dinala dito?" Linapit niya ako sa kanya at yinakap. "Brent, baka may makakita satin." Sabi ko. "Ano naman kung merong makakita satin?" Hinarap niya ako kung saan siya nakaharap - sa malawak na langit na puno ng bitu in. "Ano bang problema mo?" Ang sarap ng pakiramdam na natupad niya ang gusto kong mangyari. Gusto ko ng yin ayakap niya ako galing sa likuran. Tulad ng 'pagmamahal' na ipinapakita niya sakin. Na kahit tinatalikuran ko na siya, pinipilit niya parin ang pagmamahal niya. "May plano si Kitchie ngayong gabi." Sabi niya. Linagay niya ang mukha niya sa left shoulders ko. "I'm so happy, Max. Ngayong araw na `to, ilang beses mo akong hindi-tinanggihan. " Sabi niya ng pabulong. "Bakit?" Katahimikan. Binalewala ko yung sinabi niya sakin. "Ano ang plano ni Kitchie?" "She'll confess. Na mahal niya ako." "Huh? Panu mo nalaman?" Kinalas ko ang pagkakayap sa kany at hinarap ko siya. "I just know." "Ano namang problema mo dun?" "Coz its not just that... Chad, too. I never want to hurt anyone. But I love you . I've

always been confessing my love for you. Hindi ka naman nakikinig sakin. O nagbibingi-bingihan ka." Binalewala niya ang tanong ko.

"Brent?!?!" May narinig kaming boses sa likuran. Galit na galit. Naiiyak. Paglingon naming dalawa. Agad sinuntok ni Chad si Brent. Sapul sa mukha. "Chad!!! Tama na!" Sabi ko. Hindi lumaban si Brent. Tinuro-turo siya ni Chad. "How dare you, pare! Walang talo-talo! You kneeewww! Y ou kneeew about my feelings for Max! Noon pa! Pero anong ginawa mo? Walang hiya ka!" Sinuntok niya ulit. Hindi umilag o lumaban si Brent. Tinanggap niya lang. Parang ipinapakita niya na tama lang yung ginagawa ni Chad. Na wala siyang karapatang lumaban. "Chad! Ano ba!" "Max, I thought you won't let him fool you?" Umiling siya. Disappointed. "Sinabi ko sa kanya, Max, na gusto kita! Alam niya! At alam ko rin na gusto ka niyang maging girlfriend, as trophy! Coz everyone in the school knows how much you hate him! And by making you his girlfriend-" "Hindi ko sinabi yan, Chad!" "You told me, before! Nung highschool! Na gusto mo siya! We both know what you're up to, Brent! But I told you to back off, coz I like her! Nag deal tayo! Man up, Brent! We've had a deal!" Galit na galit si Chad. Ako naman, nakikinig sa kanila. Mangiyak-ngiyak. Hindi ko alam kung kanino manin iwala. Trophy lang ba ako? "Pinalampas ko nung hinalikan mo siya sa prom! Akala ko, its just you and your foolish tricks! Pero ngayon? Alam kong alam mo na I was planning to court her again! It was you, all along! Ikaw yung sumisira sa diskarte! And I thought you' d help! You told me you would!" Nakatingin sa kawalan si Brent. Guilty!? Gusto niya ako as trophy! Pero kahit na! Huli na ang lahat! Mahal ko na siya! Naduduwag na ako! Narinig ko lang galing kay Chad na gusto ako ni Brent as troph y, naduwag na ako! Pero anong magagawa ko! Pinoprotektahan ko lang ang sarili ko. Nagawa ko siyang mahalin ng palihim, magagawa ko rin siyang kalimutan ng palihim !

Hindi ko na maitsura ang puso ko. Gutay-gutay. Ang sakit. Parang nawalan ako ng tiwala sa lahat ng pagkakataon at pati sa tadhana. Tinibayan ko ang sarili ko. Tutal magaling naman ako dito eh. "Siguro naman Brent mas malaking trophy si Kitchie sakin." At umalis...

V2.Who said it first

Halos mangiyak-ngiyak akong bumalik kina Emily. Pagkabalik ko, may binigay na ma liit na kulay pink na papel sakin. "Para sa'n `to?" Tanong ko kay Emily na binigyan din ng isa. Hindi siya umimik at tiningnan si Jason. Nakatingin lang si Jason sakin. "Ready na ba ang lahat? Sige na! Please, dito tayong lahat sa bandang kanan." Sa bi nung taga volleyball team na kaibigan ni Kitchie. May nakita akong maliit na round table katabi ng bonfire. May tatlong kandila na nakalapag at tatlong red roses din. May biglang humila sakin papunta dun sa bandang kanan na sinabi. Wala akong naga wa. Nagulat ako dahil sa nangyari kanina kay Brent at Chad. Nasaktan ako at di maalis sa isi p ko ang salitang 'trophy'. Galit ako at naiinis sa sarili ko. Ba't pa kasi ako naniwala! Sinasabi ko na nga ba... Eto yung dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi ako bumibigay sa kanya. Kung sana naalala ko 'to kanina bago ako pumunta dito... kung sana naalala ko ku ng paano ko nalamang playboy siya... kung sana naalala ko yung lahat ng babaeng nakita kong pinaiyak niya, hindi sana magkakaganito. Ang tanga tanga ko. Naaninaw ko si Brent. Naglalakad siya papunta sa amin at nagkukunwaring walang n angyari. Pagkakita ko sa kabilang dulo, nakita ko si Chad na kararating lang. Tulad ni Br ent, nagkunwari din siyang walang nangyari. Agad siyang binigyan ng maliit na papel. Nang palapit na si Brent, may narinig akong nag simulang tugtog sa violin. Napal ingon kaming lahat at nakita ko ang isang teammate ni Brent na tumutugtog dito. Saka ko napag tanto kung ano

talaga ang mangyayari. Bakit ako nandito? Pero di na ako makaalis. Lalo na nung biglang nagpakita sa KItchie. Sinalubong s i Brent na papunta sa akin... sa amin. Nasa likuran na ako ni KItchie ngayon. Siya, iniinta y ang bawat hakbang ni Brent. Naramdaman ko ang pag aalinlangan ni Brent, pero nagpatuloy siya sa paglalakad. Ang mga mata niyay nakatuon sa akin. Napayuko ako. "Brent..." Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kitchie. "She loves Brent because he is very handsome and kind." Sabi nung nasa dulo. Sinundan naman ng katabi niya, "She loves Brent because of his voice when he san g 'Crazy for this Girl'" At sumunod na katabi, "She loves Brent because of his expressive eyes." At sa sumunod pa, "She loves Brent because he inspires her to do well in school. " At sumunod pa, "She loves Brent because he's always there when she needs him." Ako na pala yung kasunod. Sa pag bukas ko sa papel na maliit, naramdaman ko ang pagbubukas ng aking pag-ii sip sa katotohanang totoong nangyayari ang lahat ng kabaliwang ito. "She loves Brent... because he is the only person who made her believe... in lov e." Sabi ko. Biglang tumahimik at halos malimutan ng katabi ko na siya ang susunod. "Ehe-Ehem, she loves Brent because..." "Max, pwede mo ba akong samahan?" Tanong ni Emily na nasa likuran ko. Hindi na ako nakapagsalita. Kinuha niya ang kamay ko at hinila palayo sa kanila. Ganun pa man, narinig ko parin ang pagsasalita ni Kitchie... "Alam kong isa lang ako sa napakamaraming babaeng na in-love sayo. Pero sana yung kaibahan ko sa kanila ay... ang pagseseryoso mo. I love you so much, Brent Damien Cruz!" V3.HELLO!

Tulala ako sa loob ng kwarto ni Ara. Dun ako dinala ni Emily. "Ilabas mo na yung luha mo." Sabi niya. "Hindi pwedeng dun mo ilabas sa event na yun." Kahit anong pilit ko, walang lumalabas na luha. Gusto ko lang ng ganito... tulal a. May biglang kumatok sa pintuan. Binuksan naman ni Emily. Si Chad. "Maiwan ko na muna kayo. Max, just call me when you need something." At umalis s i Emily. Tinitigan ko si Chad. Inisip kong sana siya parin yung gusto ko hanggang ngayon, hindi sana ako magkakaganito. "Max... I love you... And you told me you like me... and I believed you. Akala k o tumakbo ka nung masquerade kasi hindi ka pa ready at masyado kitang na pressure. Naniwala kasi talaga akong gusto mo ako..." "Noon." Sabi ko. "Crush kita, Chad." Katahimikan. Kinuha niya ang frame sa table. Yung frame na may picture nila ni Brent at Ara. "So its him?" Tanong niya. Umiling ako. Tumulo ang luha ko na agad kong pinunasan bago pa niya makita. "Akala ko hindi ka kailanman magkakagusto sa kanya. Lagi ka niyang pinopormahan pero kampante akong hindi siya ang tipo mo." Nakita kong bumuo ng luha ang kanyang mga mata. "Gusto kita Chad, noon. Ayaw na ayaw ko sa kanya. Pero hindi ko alam kung bakit ganito na ngayon. Hindi ko maintindihan. Siguro na uto niya talaga ako. Ay hindi ... talagang na uto niya ako!" Sabi ko. "Sana ikaw parin yung gusto ko hanggang ngayon." Tumulo ang luha niya at yinakap ako. "Bakit pa kasi siya yung nagustuhan mo, nasaktan ka tuloy." Damang-dama ko yung yakap ni Chad. Yakap ng kaibigan. Yakap na kailangan ko ngay on. "But I'm sorry, I can't help you with that. I can't help you win him." Sabi niya . "Hindi naman ako nagpapatulong eh. Alam ko nang talo ako. Nagpakatanga lang ako. Alam kong di siya kailanman magseseryoso." Katahimikan... "HELLLLLOOOO!?" Sabay bukas ni Kitchie sa pintuan ng kwarto ni Ara.

Kasama niya si Brent at kitang kita nilang yakap ako ni Chad. Agad kaming kumala s. "Ooops! I just want to say, uh, thank you, at may midnight snack at bonfire part y sa labas... Anyway, baka nakaistorbo lang kami..." Tumawa si Kitchie. Si Brent, nasa labas at mukhang disappointed. Disappointed ka? Ako din... Kasi naniwala ako sayo.

V4.Walk away

Hindi na ako lumabas. Wala na akong lakas para lumabas pa. Naririnig ko sila sa labas na naghihiyawan. Para bang nag ce-celebrate. Kung ano man yung nangyari, gusto ko n a lang kalimutan ang lahat. Kalimutan na nagpauto ako. Kalimutan na minahal ko siya ng totoo. Kalimutan na nabigo ako. Tinakpan ko ng unan ang mga tenga ko pero naririnig ko parin sila. Ilang oras din akong nanatiling ganuna hanggang sa nawala din yung ingay. Siguro natutulog na sila. 3am na din kasi... Hindi ako makatulog. Lumabas ako ng kwarto. Gusto ko ng fresh air. Umakyat ako sa ikatlong palapag. I nakyat ko ulit ang pang-apat. Kanina ko pa kasi napapansing may rooftop dito sa rest house nila . Una kong nakita ang mga lata ng Carlsberg sa isang bench. Ang lamig ng simoy ng hangin. Nakita ko ang nakatalikod na umiinom ng napakaraming Carlsberg. Napabuntong hini nga siya... Si Brent. Tumalikod ako at aalis na sana... "Max..." Paglingon ko, nakaharap na siya sakin kasama ang malungkot niyang mukha. "Hindi ko sinagot si Kitchie..." Aniya. "Wala akong pakealam kung sinagot mo siya o hindi. Mas mabuti nga kung sinagot mo siya diba?" "Max, I love you... I've been such a jerk before, but I love you now." "Really Brent?" Naglakad ako papalapit sa kanya. This is it! Lalaban ako! At ito na ang

panghuli. Pagkatapos nito, ayoko na! Tama na! Sobra na! "Trophy?! Ako?! Trophy mo lang ako kaya tigilan mo na yan! Mas malaking trophy s i Kitchie! Kaya please, tama na ang kasinungalingan mo! Nakakahiya ka na! Sobrang playboy mo na!" "I never said that! Hindi ko kailanman sinabing trophy kita! I liked you before and I've been loving you ever since, Max!" Nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Hindi niya sinabing trophy lang niya ako? "So, sinasabi mo ba na sinungaling si Chad? Ha, Brent?" Natahimik siya at natulala. Nakita kong pinigilan niya ang luha ng bumuo sa mata niya. Tumingala siya ng mga ilang segundo.

"Yan ang problema eh. Coz you only see him... ONLY HIM! Akala mo siya lang yung mabait sayo! Siya lang yung nakikita mo! Siya lang ang alam mong hindi ka kayang saktan! What about me, Max?" Tumingin siya sa malayo habang pinipigilan ang luha niya. "God! I can't believe I'm begging for someone's attention!" Bulong niya. "Can't you see? Lalaban ba ako ng ganito ka tagal... kung hindi kita mahal! Lalabanan ko ba si Chad, kung hindi kita mahal! Why don't you see that Max! For just...one... time. .. look at me... see me..." Napabuntong-hininga siya. Tinitigan niya ako. "Mahal na mahal kita! Pero kung hindi mo kayang maniwala sakin..." Umiling siya. "Sumuko ka na!" Hamon ko sana. Pero tunog-utos yung pagkakasabi ko. "Yun naman y ung palagi kong sinasabi diba? Sumuko ka na!" "Yun ba talaga ang gusto mo, Max?"

"Oo!" Umalis ako... Pero hindi pa ako nakakalabas sa pintuan. Narealize kong mahal ko talaga siya at ang lahat ng sinabi niya ay maliwanag na kawakasan ng lahat ng tungkol sa amin. Hindi ko kaya. Paglingon ko sa kanya, nandun parin siya, nakatayo. Parang tinitingnan lang ang pag alis ko... o inaabangan ang pagbabalik ko. Naglakad ako pabalik... Pero bago ko pa nasabi lahat ng gusto ko... "Hindi pa ba kayo natutulog?"

Kung hindi niya sinagot si Kitchie, bakit parang ang saya nila kanina? Bakit par ang wala lang nangyari sa kanila? "Matutulog na ako..." Umalis ulit ako at linagpasan si Kitchie. Magsama kayong dalawa. Masakit. Pero k akayanin ko 'to. Kasalanan ko rin naman eh. Wala akong masisisi kundi ang sarili ko. V5.dahil mahal ko siya.

Hindi ko alam kung nakatulog ba ako o pinikit lang ang aking mata pero dilat ang isipan. Hindi kasi naalis sa isip ko ang lahat ng nangyari. Hindi ako umiyak. Nag isip lang. P abalik-balik ang pag-iisip ko. Parang sirang plaka na inuulit-ulit ang lahat ng nangyari kahapon. May mga

pagkakataon na inisip ko ang unang pagkikita namin ni Brent. Ang unang naramdama n ko sa kanya. Pero kahit anong gawin ko, di ko na maibabalik yun. "Max, tulungan na kita." Sabi ni Emily. Tinulungan niya akong ilagay ang ibang gamit pabalik sa bag ko. Uuwi narin kasi kami. Isang araw lang naman ang stay namin dito kasi balik-school na naman. "Salamat." "Uh, sasabay ka ba kay Brent?" Tanong niya nang papalabas na kami sa kwarto ni A ra. "Ewan ko..." Bago pa kami nakababa sa second floor, nakasalubong namin agad si Brent at Kitch ie. "Wow! Timing!" Sabi ni Kitchie. Si Brent, ganun parin ang mukha. Malungkot parin. "Max! Pwede bang ako na lang sumabay kay Brent pauwi?" Sabi ni Kitchie with pupp y eyes. "Pretty, please?" Ngumiti ako pero halos ayaw sumunod ng panga ko. Hindi ko alam kung ngiti nga ba yung ginawa ko. "Si Brent kasi, sabi niya magpaalam daw sayo." "Sure!" Sabi ko agad pagkasabi niya nun. May kung ano sa sinabi niya na at sumakit ang puso ko. "Walang problema."

NAG-EXPECT akong aapila si Brent o may sasabihin siyang kasalungat sa gustong ma ngyari ni Kitchie, kaso wala eh. Wala siyang ginawa. "Okay na, Brent?" Sabi ni Kitchie. "Okay, kung yun ang sabi ni Maxine." "Kung yun ang gusto niyo." Sabay halakhak ko ng konti, tinatago ang pagsabog ng utak. Agad kong hinila si Emily pababa ng stairs. "I can't believe na sinabi yun ni Brent. Ano ba kasing nangyari?" Sabi ni Emily. Sinimangutan ko na lang si Emily. Hindi ako sigurado kung anong isasagot ko kaya sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari.

Nakatunganga siya sakin habang papalapit kami sa sasakyan ni Jason. Sasabay na r aw ako sa kanila. At grabe naman si Brent, di man lang inalam kung kanino ako sasabay ngay ong hindi ako makakasabay sa kanila. "I can't believe this!!!" Sabi ni Emily. "Dapat sinabi mo na lang sa kanya na gu sto mo rin siya. Haaay! Kaso baka kasi masaktan ka." "Aamin na sana ako. Kaso biglang dumating si Kitchie. Aamin naman talaga ako, masaktan man ako, aamin ako." Sabi ko. Nakita kong dumaan ang sasakyan ni Brent, naiisip ko kung ano ang itsura niya sa loob. Baka sa likod ng tinted glass na yan ay masaya pala siya. Pero ang totoo, hindi ko alam kung paano. Nandyan si Kitchie. Tapos si Chad. Naa awa ako sa mga taong nasa paligid. Hindi naman ako ang nauna. Nahuli ako sa pagrealize na mahal ko pala siya. Wala akong karapatan. Sa likuran ako ng sasakyan ni Jason pinaupo. Tulala ako kahit alam kong pabalikb alik akong sinusulyapan ng dalawa sa salamin habang bumabyahe kami. Alam ko, kasalanan ko. Maayos ko pa kaya 'to? At ano pa ba ang aayusin ko? Mukha ng wask na wask na yung lahat. Kanina pa naka-on yung ipad ni Emily na puro mga backtraxks boyband ang kumakant a. Westlife, A1, Nsync, 98 degrees at iba pa. Baduy pero naalala ko si Brent sa isa ng kanta. *I wish you'd look at me that way Your beautiful eyes looking deep into mine Telling me more than any words could say But you don't even know I'm alive Baby, to you all I am is the invisible man Oh, you don't see me baby* Sorry, Brent. Pinag hintay kita ng napakatagal. At kung di mo na talaga ako mahi hintay, okay lang. Ang importante, no regrets. Tumulo ang luha ko sa sakit ng sitwasyon, pagk akataon, pride na dapat iurong, mga taong masasaktan, at sariling di na mapipigilan. Sigurado n a ako, babawiin ko siya. Hindi dahil nasaktan ako, kundi dahil mahal ko siya. W-arcs

W1.all at once

Simula na naman ng second sem. Oo, plano ko talagang bawiin si Brent sa kahit an ong paraang pwede. Plan A. Una kong plano ang pagiging normal lang. Normal life. Kasi ang alam ko, bumabalik at bumabalik siya sa akin kahit anong gawin ko. Plan B. Pag di gumana ang plan A, magpapapansin na ako ng todo. Yun lang muna ang naisip ko sa ngayon. Ayokong masyadong agresibo. Nasaktan ako, nasaktan ko rin siya, kailangan pang maghilom ang mga sugat. Naglalakad ako sa corridor papunta sa klase ko nang bigla kong nakita ang mga ka ibigan at teammates niya. Hindi ko alam kung haharapin ko ba o tatakbo na ako kasi kabang-kaba na ako. "Hi Max!" Isa-isa ko silang tinignan. "Hello!" Wala siya! Napawi yung kaba ko. Haay! Akala ko ba strike back na? Oo, strike back na! Yun lang ang naisip ko nang nakita ko siya sa harapan ko. Na glalakad siya papunta sakin. Nagpatuloy ako sa paglalakad, normal... normal lang... dapat walang pagbabago. P lan A. "Br-" Hindi ko na tinuloy ang pagsasalita ko... kasi nilagpasan niya na ako.

HINDI NIYA AKO PINANSIN! "HINDI NIYA AKO PINANSIN!" Sabi ko kay Emily. Nagiging hysterical na ako sa harapan niya sa locker room habang nagbibihis ako ng jersey. Simula na rin ng practice namin for volleyball. "Anong gagawin mo ngayon? Eh di ka niya pinansin?" "Baka... baka hindi niya ako nakita?" Sabi ko. Nagbabakasali.

Bumuntong-hininga si Emily. "Susubukan ko ulit... Normal." "Sigurado ka ba? Baka kailangan mo ng magpapansin?" Tanong ni Emily. "Masyado pang maaga para magpapansin."

Ang weird ng pinag uusapan namin. Para akong may masamang plano! Pero bakit nama n kaya di ako pinapansin ni Brent? Nagtanong pa ako, eh alam ko na naman eh. Pero di lang ako makapaniwala na ganun . Ganun ba talaga ka lala yung nangyari at di niya na ako pinapansin ngayon? Habang papunta ako sa court, nakita ko si Ara. Good timing! "Ara!" "Uy Max! Kamusta yung hacienda?" "Uh, okay lang naman. Salamat nga pala sa pagpapatulog sakin sa room mo." "No problem! Dapat talaga ikaw dun no! Baka si Kitchie pa ang makatulog dun! Feeling!" Sabi niya. Wala na akong masabi. Para naman kasing wala siyang alam. "Practice niyo?" Tanong niya. "Oo." "Nasaan si Brent?" "U-Uhh, hindi ko alam eh." "Hindi paba kayo nagkikita today?" "Nagkita kami kanina... Uh... Hindi ako sigurado. Siguro ako lang yung nakakita. " "Huh? Ano?" "Nagkasalubong kasi kami, di niya ako pinansin." "Huh? Bakit?" "Hindi ko alam." "Wala naman siyang sinasabi sakin. Sige, wait, hanapin ko lang siya at magtatano ng ako." "Ara, wa'g na." "Don't worry, whatever it is, its gonna be okay." At umalis. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos nito. Natatakot ako na baka pati si Ara ay wala ng magagawa. I missed my chance. It might be too late. But I need to at least tr y to extend my hand, eat my pride, break my own heart and do it all at once. W2.Commence the war

Pinilit ko ang sarili kong maniwala na hindi ako nakita ni Brent. Habang nagpa-p ractice kami, naglalaban ang isipan ko. Hindi ako pinansin ni Brent! Totohanan na 'to! Talagang galit siya at ayaw niya na sakin! Pero pwede ring talagang di niya ako nakita? Wake up, Max! Nagkasalubong kayo! Bulag lang yung hindi makakakita! Si Brent yun! Hindi yun si Chad! Si Brent! KSP yun! Laging nagpapapansin sakin! Hindi pwedeng ako naman ngayon ang di niya mapansin! "Ouch!" Yun na lang ang nasabi ko nang di ko namalayang takbo pala ako nang takb o kaya eto at na-cramps ang paa. Point sa amin. Sigaw ni Chloe na nasa kabila. Siya ang huling tumira. Walang pumansin sa tira niya dahil may cramps na ako. I think we won. Dagdag pa niya. Chloe, tumigil ka nga diyan! Kita mong namimilipit si Maxine sa sakit dito. Tinulungan ako ng ibang teammates ko, habang si Chloe ay nagpahinga lang sa benc h. Hindi ko na pinansin at di na ako lumaban dahil masyadong masakit na ang cramps ko. Nakit a kong dumaan si Brent malapit sa court kasama ang lima sa mga ka-teammates niya. Ngayon, pag si Brent ay si Brent parin, mag-aalala yun sakin. "Arayyy!" Sabi ko sa sobrang sakit. Napapikit ako ng konti. "Max! Kaya yan!" Sigaw ni Jason at Emily na kanina pa nanonood ng practice sa la bas ng court. Imposibleng sa sigaw na yun ay di ako napansin ni Brent. Ni lingon, wala siyang ipinakitang senyales. Napawi na yung cramps. Tiningnan ko sa malayo si Brent. Hanggang sa nawala na. Padabog kong sinarado ang locker pagkatapos kong magbihis. Wala na akong class. Sina Emily at Jason meron pa. 5PM na, wala na akong gagawin kaya uuwi na lang ako. Useless na araw. Wala akong improvement kay Brent. Pagkalabas ko sa locker room, nakita ko si Brent! Nagkasalubong ang mga mata namin! Wala siyang takas! Pero may biglang dumaan sa harapan naming dalawa. Isang batalyon ng freshmen. Hi

nanap ko talaga ang mga mata niya para magkatagpo ulit. Pero nang nakaalis na yung mga fr eshmen, nakita ko siya, pero may iba ng kasama - si Kitchie. "Max! Ikaw pala!" Sabi ni Kitchie. "Uh, oo." Sabay ngiti. Hindi na ako makatingin sa mga mata ni Brent ngayon. Siya naman yung nakatingin sakin. "Uuwi ka na?" Tanong ni Kitchie. "Oo eh." "Ihahatid ka ba ni Chad?" "Uh, hindi eh. Mag ta-taxi na lang siguro ako." Napatingin ako ng konti kay Brent. Normal lang naman ang reaksyon niya. "Kayo?" Tanong ko. Tinitigan ko siya at hinintay na sumagot. Nagkatinginan muna sila... at nagsalit a si Kitchie. "Pumayag ka na kasi..." Sabi ni Kitchie. Masyado namang nakakakilig ang scene na 'to. Parang nanunuyo lang na mag kasinta han ah. "Max, sabihin mo nga kay Brent? Yinaya ko kasi siyang mag dinner sa bahay. Eh ayaw, nahihiya." Nagngititan pa ang dalawa. "Kung nahihiya siya, edi next time na lang." Straight to the point kong sinabi y on. Wala akong pakealam kung anong sasabihin nilang dalawa. Kung hindi man ako makat ingin sa mga mata ni Brent pagkatapos kong sabihin yon, okay lang. "Hmmmp! Ano ba yan, Max! Hindi mo man lang ba pipilitin si Brent for me? Sige na Brent, pleaseee?" "Hehe. Hindi naman kasi magandang pinipilit mo kung ayaw..." LOL! Para akong naghahanap ng away dun sa sagot ko kaya bigla kong tiningnan ang wrist watch ko at... "Sige, ingat kayo! Alis na ako. Baka kasi gabihin pa ako. Wala pa namang maghahatid. Sige, Brent, Kitch... Bye!" W3.tawag

Alam niyo ba yung feeling na gusto mong ipakitang aalis ka na pero ayaw mo pa ta laga? Simula kahapon nang umalis ako sa harapan nina Kitchie, eto na ang nararamdaman ko. Isa

ng salita lang - MAPAIT. "Hi Max!!" Sabi ni Kitchie bago pa ako makaiwas sa kanya. "Hello!" "May pasok ka?" Sasabihin ko na sanang wala pero naisip ko baka yayain niya ako sa game ni Brent . Kaso ang bagal ko kasing mag-isip kaya naunahan niya na ako. "Lika na! Watch tayo sa game ni Brent!" Sabi niya sabay hila sakin. "Pero may gagawin pa kasi-" "Naku naman! That can wait! Friend ka ni Brent diba? Dapat suportahan mo siya!" Sabi niya. "Uh, o sige." Tama, Max! Ano bang ginagawa mo at parang iniiwasan mo pa ang mga bagay na mas makakapagpalapit sayo kay Brent? Hindi lang siguro ako sanay na pumupunta kung s aan siya. Sanay akong umiwas pero hinahabol niya. Pero ngayon, magbabago na ang lahat. Pagkapasok namin sa gym, nakita ko agad ang pag lay-up niya. Ayun na naman ang k agwapohan at kayabangan niya. Walang kupas na pamamayagpag. "Go Breeeent!" Sigaw ni Kitchie... Nakuha niya naman ang atensyon ng halos lahat ng tao sa gym kaya tumili ang iba. Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya nung nakatingin na ang lahat ng tao sa kan ya. Ang weird naman ng lugar na 'to. Ang ibig kong sabihin, ang lugar ko. Di tiyak. Ang alam k o, gusto ako ni Brent... Hindi ko lang alam kung dapat ba present-progressive ang gagamitin kong tense o past tense na talaga. Nakatingin ako dito sa babaeng akala ng sangkatauhan ay gusto n i Brent. Mabait. Hindi mahirap magustuhan. "Go Breeeeeeent!" Sigaw ulit niya ng nag three-point shot si Brent na sumablay. "You're the best!" Umupo kami sa front na bleachers. May kung ano akong nararamdaman sa lalamunan at tiyan ko. Para bang naiinggit ak o kay Kitchie. Nakatuon sa kanya ang madla dahil ang akala ng lahat ay sila na ni Bren t. At kung ako man yung makakatuluyan ni Brent, di maaaliw ang mga tao sakin. Hindi naman kasi ako nakakaaliw. Di ako sumisigaw pag may game siya. Tahimik lang akong nanonood. "Nga pala Kitch, kumusta naman yung dinner niyo with family? Tumuloy ba si Brent?" Tanong ko. Napatingin si Brent samin ni Kitchie.

"Oo." Sabi niya habang nakangiti kay Brent. Tumango na lang ako. Di kaya... talagang mawawala na si Brent sakin? "Alam mo ba? Gustong-gusto siya ni mama at papa!" Ngumiti siya sakin. "First tim e kong nagdala ng guy nun eh. Kinabahan ako pero grabe! It was worth it." Hindi gumana yung advice ko nung isang araw. Walang hiya. Ang sarap lang sumipa ng kahit anong bagay sa inis ko sa sarili ko. Pagkatapos nung game, nakita kong papalapit si Brent samin pero ilang beses napi gilan dahil sa coach at mga teammates niyang bumabati at sa ibang kaibigang nakikipag-usap sa k anya. Andun kami ni Kitchie, parehong nakatayo at nag-aabang sa kanyang makarating samin. Na paka estupidang tanawin naman 'to. Aalis na ako. "Kitch, mauna na ako." "Huh? oh sige... Di mo na ba talaga hihintayin si Brent?" "Di na." Umalis na ako agad. Nakita ko si Chad sa malayo. Nanood din pala siya sa game. *bump* "Opps sorry." Sabi nung nakabangga sakin. "Sorry." Sabi ko. Concentrate sa pag-alis sa gym. Kay daming tao. "Miss, you're phone..." Sabi niya sakin. Nahulog ko pala. Natigilan kaming dalawa sa gitna ng nag-aalisang mga tao. Kinuha ko ang phone ko . "I'm Renzo, by the way. You don't look familiar..." Hinayupak. Ikaw din, hindi. "Are you from here?" Tanong niya. Habang may nabanggang babae sa shoulders ko. "Oo." "Ingat naman diyan..." Sabi niya dun sa babae. Pero nginitian siya. "That's why pala... I'm not from here." Ngumiti siya. Ngumiti din ako. "Max-" "MAX!" Halos sabay ang pagtawag ni Chad... at... ni Brent sakin... W4.walang pakealam

Nakatingin pa ako kina Brent nang lumapit na si Chad sakin at umalis na yung Ren zo. "Sorry, kilala ko kasi yung si Renzo eh. Playboy yun. Alam mo na." "Ah, ganun ba?" Wala namang kaso sakin yun eh. Si Brent nga na mas gwapo pa sa Renzo na yun eh d i ako napasagot... wait... pero in love ako sa kanya. Ano bang kinakatakutan nila? Tumingin ako kay Brent. Andun lang siya at kausap si Kitchie na para bang walang nangyari. "Teka lang Chad ah, narinig ko kasi kanina na tinawag ako ni Brent." Pumunta agad ako kina Brent at Kitchie. "Ano yon, Brent?" "Ha?" "D-Diba tinawag mo ako." "Kilala ko kasi yung kausap mo. Alam mo na. Baka pormahan ka eh andami ng pinaiyak na babae nun." Sabi niya. "Si Renzo yun. Classmate ko nung high school." Sabi ni Kitchie. "Ahhh. Okay." So nagkakasundo pala talaga sila ni Kitchie ah? Naiinis ako. Ano bang pakealam nila? Si Brent... ano ngayon kung paiyakin ako nu n? Eh mukha namang wala na siyang pakealam sakin. Pagkatapos niyang sabihin yun, nakipagharu tan ulit siya kay Kitchie. Umalis na si Chad kasama si Chloe. At si Brent naman, nakatuon ang atensyon kay Kitchie na halata namang trying hard para magpa-impress kay Brent. "Uuwi ka na ba?" May biglang nagsalita galing sa likuran. Isang ka teammate ni Brent. Kakalabas ko lang sa locker room. Mukhang hinintay n iya talaga akong lumabas kasi inabangan niya ako. Naisip kong kailangan nga ng third party para makuha ko ang atensyon ni Brent. K aya... "Oo. Bakit?" Hindi pa kami nakakalayo sa locker. Marami ng nakatingin samin. "Sabay na tayong lumabas ng gate." Sabi niya. "Tol! Sa'n ka? Di ka papasok?" Sabi nung isa pang kateammate ni Brent sa kasama ko. Pero sakin siya nakatingin. Para bang nagtataka kung bakit sabay kaming naglalakad.

"Nabuking naman ako dun." Sabi niya. "Akala ko naman uuwi ka na. May pasok ka pa pala." Ngumiti ako. "Sige na, baka m alate ka." "Hindi naman. Ihahatid lang naman kita sa gate eh. Kung ayos lang sayo." Ngumiti siya. "By the way I'm Luis." Sabi niya. "Ah Oo. Kilala lang kita sa mukha dahil teammates kayo ni Brent... I'm Max-" "Maxine... Of course! Kilala ka rin namin." Nagngitian kami habang naglakad papuntang gate. Hindi ako komportable. Hindi naman kasi ako ganito na bigla-bigla na lang nag ee ntertain ng kung sinu-sino. Ganito na ba talaga ako ka desperada kay Brent? Eh mukha namang wala na siyang pakealam sakin. "Hanggang dito ka na lang." Sabi ko nang nasa gate na kami. "Mali-late ka na." "Okay! Salamat nga pala at pinayagan mo akong ihatid ka." Sabi niya sabay kuha s a cellphone niya. "Can I h-have y-your number?" Tumawa ako. So awkward. Hindi ako ganito... pero... "Sure." Pagkalabas ko ng school, marami akong inisip. Sa sakayan... tumingin ako sa pali gid. Walang kahit anino ni Brent. Ganito na lang ba talaga? Tapos na ba talaga? Kailangan mas pagbutihin ko pa ang mga moves ko.

W5.May problema ba tayo?

Binisita ko ang Facebook ni Brent. Online siya. Online din si Kitchie. May dalawang status siya ngayong araw. Ang una: 'When I looked at her face, I felt absolutely nothing anymore.' Ang pangalawa: 'Maybe, its just not meant for me.'

Maraming nag like at nagcomment, kasama pa si Kitchie. Parang may kung ano sa lalamunan ko. ang sakit. Parang gusto ko na lang umiyak n ang umiyak. Ba't ako iiyak eh kasalanan ko naman ang nangyari? Ako kasi eh... ang tagal kong naniwala. Natapos na yung Championship ng volleyball at pinanalo ko ang team namin... pero di parin ako nananalo kay Brent.

Ilang linggo na yung nakalipas at ganito parin kami ni Brent. Yung tanong... may kami pa ba? "Siya yung si Maxine diba?" May binibili ako sa isang convinient store malapit sa school nang narinig ko iyo n galing sa grupo ng schoolmates ko na nasa loob din. "Oo." Tumingin sila sakin at sa isang magazine. Binalewala ko na lang. "Si Luis na yung kasama niya palagi eh." Simula nung nagkakilala kami nung Luis lagi niya na akong hinahatid palabas ng g ate. Kainis naman, ba't ba kami pinag-uusapan? Tinitigan kong mabuti ang magazine ni tinitig nan nila. Preview. Yan na kaya yung issue na nandun si Kitchie at Brent? Sa counter, bumil i ako ng isang kopya at umalis na. Plan A. Normal lang... Yun ang plano ko. Normal lang... Hindi magpapakita ng mot ibo. Pero ayan na at nakikita ko siyang parating. Magkakasalubong kami. Seryoso yung mukha niya . Bitbit ko pa yung Preview magazine. Ang sarap ihagis ng dala ko! Ayokong makita niyang binili ko 'to kasi nga dapat normal lang. Si-Maxine-na-hindi-fan-ni-Brent and dapat ipakita ko. "Maxine!!!" May biglang sumigaw. Dalawang babae. Akala ko kakilala ko. Natigilan ako. Si Brent, patuloy sa paglalakad at papalapit na sakin. "Pwede pa p-picture?" Sabi nung isang babae. "Akin na ang camera." Sabi ni Brent. Ikinabigla ko. "Wow! Si Brent pa talaga ang magpi-picture? Brent, sa next picture kayo naman dalawa ni Maxine yung kasama namin ah?" Sabi nung dalawang babae. "O sige bah!" Sabi ni Brent. Pumwesto na yung mga babae sa tabi ko habang ni-click na ni Brent ang camera. Ha los di ako makangiti. "O isa pa! Yung kasama na si Brent." Sabi nung babae. Simula nung natapos yung championship. May bigla na lang nagpapapicture sakin. E wan ko kung bakit. Ang alam ko, may fan page na daw ako sa Facebook sabi ni Emily. Pumwesto si Brent sa tabi ko. Tinignan ko siya. Ang laki ng ngiti. Eh ako halos umiyak na dito.

"Ay! Ano ba yan... Pwede bang ulit? Si Maxine, hindi nakatingin sa camera." Tumingin si Brent sakin habang nakangisi. Tinignan kong mabuti ang mukha niya. M ay nagbago. May gap... May wall na siyang ipinapakita. Hindi tulad noon. Palabiro at totoo. Ngayon, parang... reserved. *click* "Thank youuuu! BrentMax!" Tapos umalis din naman yung mga babae. Kami na lang ni Brent yung naiwan. Nagkatinginan kami. "May pasok ka?" Tinignan niya ang hawak kong Preview. Kaya di na ako nagpaliguy-ligoy pa. "Binili ko to. Gusto ko kasing makita yung pictures niyo ni Kitchie." Ngumiti ak o. Gusto kong makita yung mukha mo. Di na kasi tayo nagkikita at nagkakasama. Miss na miss na kita. Napabuntong-hininga siya. "Oo, may pasok ako mamaya. Ikaw? Congrats nga pala sa championship." "Thanks." Nanood ka ba? "Mamaya parin yung pasok ko eh." Katahimikan. "May problema ba tayo?" Tanong ko. Tumingin siya sa malayo, iniiwasan ang mga mata ko. W6.plan B

"May problema ba tayo?" "What do you think?" Tanong ni Brent. Seryosong seryoso ang mukha niya. "Wala." "So... wala." Humalakhak siya. "Kung ganun, ba't mo ko iniiwasan?" Ang sakit sakit na. Alam ko. Magaling ako sa ganito. Pinipigilan ko ang sarili k ong magpakita ng kahit ano. "Iniiwasan?" Nakangiti siya. "Hindi kita iniiwasan."

Nakakainis lang! Kaya niyang ipakita sakin ang ngiti niya habang deny nang deny sa halatang nangyayari. Tahimik lang ako at tinitigan siyang mabuti. Hindi ko alam kung bakit ginagawa n iya 'to sa amin. "Ah. Sorry. Nahuli ako sa balita. Ganito na pala talaga tayo kung magpansinan simula pa noon. Akala ko kasi may nagbago... yun pala... dati ng ganito." Umalis ako sa harapan niya. Hindi ko kaya. Hindi ako umiyak o nanginig man lang nang sinabi ko yun at nang tinalikuran ko siya. Naiyak lang ako nang habang papalayo ako sa kan ya... ay hindi ko man lang naramdamang nanghinayang siyang hindi ako pinigilan. Sa araw na yun, di ako pumasok ng school. Umuwi ako nang bahay at nalaman kong k ami lang ni yaya at Carlo ang nasa bahay buong araw dahil si mama at papa may inasikaso. Text ni Emily: Sa'n ka? Ba't absent? Reply ko: Gusto kong maglasing. Hindi totoo yun. Hindi totoong gusto kong maglasing. Hindi ko ugali yun at lalon g lalo nang hindi ko kailanman naisipang maglasing, pero inuudyok ako nang sitwasyon. Kailangan ko ng magpapansin kay Brent. Oo. Alam kong OA na 'to. Pero pa'g di gumana ang Plan A, Plan B na naman ako - ang magpapansin kay Brent. Nasimulan ko na... tatapusin ko. Ang sakit... Masakit sa pride. Masakit sa puso. .. Masakit na masakit. Ang sakit sakit pero kasalanan ko. Hindi ko masisi si Brent. Nagsisisi ako. Sinisisi ko ang sarili ko. Kaya para wala na akong pagsisisi, sasagarin ko na. Text ni Emily: Why would you do that? what happened? Hindi ko na nireplyan. Ang unang mission, pumunta sa bar at magpakalasing. Alam kong ayaw ni Brent na n agpupunta ako dun. Kaya yun ang gagawin ko... W7.Mystery Man

Pumunta ako dun sa kasagsagan ng sayawan. May sumasayaw sa akin habang naglalaka d ako sa

dancefloor at naninibago sa mga nangyayari. Pakiramdam ko nawawala ako sa isang lugar na ngayon ko lang napuntahan. Naka dress ako. Black na longsleeve pero maiksi. Pama tay ang shoes ko. At mismong ako masasabing mukha akong parating nagba-bar sa soot at mukha ko . Pero ang totoo, pangalawang beses ko pa yata 'to. "Maxine..." Sabi nung lalaking mejo lasing na na sumasayaw sakin. Una, pinandilatan ko siya at kinabahan ako. Pero ilang sandali ang nakalipas, na isipan kong sumabay sa kanya. Ito naman ang pinunta ko dito diba? "Whoa!!!" Namangha siya dahil sinayawan ko. Pero agad naman akong naglakad ulit palayo. Hanggang sa ilang lalaki na ang suma yaw sa akin. Di ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa may naramdaman a kong humipo sa legs ko. "Ano bah?" Sigaw ko. Natigilan ang ibang taong nakarinig sa sigaw kong mas malak as pa sa stereo. "Easy..." Nakangisi ang isang lalaking nakatingin sakin habang natigilan ang mga kasama niyang kanina pa sayaw nang sayaw sa harapan ko. Pinandilatan ko sila. Nainis ako pero alam kong kasalanan ko. Ba't pa kasi ako n agpunta dito kung hindi ko naman gusto na ganun ang mangyari. Umalis ako sa harapan nila at u mupo malapit sa barista. "Tequila?" Sabi ng bartender. "Sige." Isang shot lang. Ayokong malasing. "Hindi kita masyadong nakikita dito. First time?" Sabi ng babaeng bartender nang binibigay ang tequila. "Oo." Iniwan niya ako para pumunta sa ibang customer. Hinintay kong mag isang oras bago umorder ulit ng isa pa. Walang Brent na dumati ng. Kailangan ko na talagang tanggapin ang katotohanan: na si Brent ay hindi na yung dati. Hin di siya superhero o prinsipe... tao lang siya, nagsasawa rin. Nainis ako sa sarili ko. P ero wala akong magawa. Naiisip ko paring gagawin ang mga plano ko kahit wala na talagang pag-as a. Para bang sumusugal ako para sa bagay na alam kong di kailanman mananalo. Bahala na! Yun a ng gusto ko! Parang may kung ano sakin na hindi papayag at hindi makokontento kung hindi ko g agawin yung

gusto ng puso ko. Pagkalipas ng ilang oras, napailang shot na ako ng Patron. Sumayaw ako at... Bumangon ako... Nasa kwarto na at umaga na??? Paano nangyari yun? Nalasing ba ako kagabi? Tinign an ko ang soot ko... Pajama at T-shirt? Teka? Panaginip lang ba yung bar? *Krrrrriiiiing* "Hello?" Si Emily. "O Emily?" "OH MY GOD! Thank God sinagot mo na talaga! Kagabi pa kami tawag nang tawag sa'yo! Hinalughog na namin ang lahat ng bar dito at hindi ka namin na kita!" So totoo yung nagpunta ako sa bar? "Nasan ka ba?" Ang sakit ng ulo ko. "Nasa bahay." Hinawakan ko ang ulo ko. Hangover. "Sinong kasama mo kagabi? Grabe! Pumunta kami sa bahay niyo kagabi kasi nagaalala na kami ni Jason. Sabi ni Carlo, wala ka nga talaga... Asan ka ba?" "Nasa Core ako kagabi." "Kaya naman pala eh hindi namin yun napuntahan. Sa kaydami-daming bar at kay lalaki, hindi na namin naubos! Anong nangyari?" "Hi-Hindi ko ma alala eh." "Ano? Nakainom ka ba kagabi?" "Oo." "Ohh my God!" "Tawag ka na lang mamaya. Mag-aayos muna ako." Binaba ko ang cellphone ko at pumunta sa sala kung saan nanonood ng Basketball T V si Carlo. Tinitigan ko siya. "May pagkain sa kitchen." Sabi niya pero nakatingin parin sa TV. "Alam mo ba kung saan ako pumunta kagabi?" Kinabahan ako. Baka kasi isumbong niya ako kina Mama at Papa. Tapos mukhang umuw i yata akong lasing. "Oo. Sa kaibigan mo. Nagmovie marathon kayo. Yung pinanood niyo ay How to Train Your Dragon, 3 Idiots, at My Name is Khan." "Ha?" "Oo." "Sinong nagsabi sa'yo niyan?" "Ikaw!" "Saan sina mama at papa?" "Mamayang gabi pa sila uuwi." Sabi ni Carlo. May weird na nangyayari. "Anong soot ko kagabi?"

"Short pants at jacket... Yung pink mong jacket?" "Parang robot ka namang makasagot! Sigurado ka ba? Wala akong maalala." "Wa'g mo nang isipin yun! Kumain ka na lang." "Wa'g ka ngang magsinungaling, Carlo? Okay! Wala na akong pakealam kung isumbong mo ako basta sabihin mo lang sakin ang tunay na nangyari." Natahimik siya at tinignan niya ako. "Yun nga ang totoong nangyari!" "Umalis ako dito kagabi, pulang-pula ang labi ko... Soot ko yung black dress na maiksi, naka Louboutins pa. Pumunta ako sa Core. Uminom at nalasing. Paano ako nakauwi?" "Hinatid ka ng mga kaibigan mo." "Sino?" "Si??? Emily at Jason???" "Sigurado ka ba?" "O-Oo." "Sino ang nagpalit ng damit ko?" "S-Si Emily at Jason?" Tinitigan ko siya. Nakakainis ang mga pagsisinungaling niya! "Okay... okay! Umuwi ka dito ng lasing... Wearing the same dress. Sumuka ka kaya pinalitan na. Kaya yan yung soot mo ngayon." "Sino ang naghatid sakin dito?" Si Brent ba? Si Brent ba? Hindi makatingin si Carlo sakin. "H-Hindi ko kilala." "Si Brent ba?" Sabi ko. "H-Ha? H-Hindi no! Hindi!!! Ang feeling mo talaga ate. Hindi si Brent! Hindi ko nga kilala! Sige! Ang dami mong tanong, isumbong kita riyan kay Yaya nang masumbong ka kay mama!" "Ano? Hindi alam ni yaya? Kung ganun sinong nagpalit ng damit ko?" "Si-no? Ako! Syempre!" Hinagis ko ang pinakamalapit na unan sa mukha niya. Nainis ako kaya tinigilan ko na lang. Pero di ko mapigilan ang pag-iisip ko... Sino kaya talaga yung naghatid sakin? X-arcs

X1.Engaged

Tinigilan ko na ang pag-iisip kung sino talaga yung mystery man na yun. Hindi ko

makuha kay Carlo yung sagot kaya tinigilan ko na. Kung si Brent man yun, eh masaya. Kung hi ndi siya... walang magbabago sa mga plano ko. "Hi Max!" Biglang sumulpot si Kitchie. Kumakain ako ng sandwich sa canteen at bigla siyang umupo sa katabing upuan ko. "Hello!" "Bakit kaw lang mag isa?" "Huh? Uh... may class pa si Emily at Jason eh." "Ah ganun ba?" Katahimikan. "Wala kabang ibang friends?" Tanong niya. "Meron din naman. Sina Angelie at Kitty-" "Na teammates mo? Sila lang ba?" Ano kaya ang ibig niyang sabihin? "Marami naman akong friends. Yung mga classmates ko sa FS at Arts. Bakit?" "Yung super close talaga na kasama mo... uhm... kahit saan?" "Ah... Si Emily at Jason lang yung close ko." Sagot ko naman. "Sure? How about high school friends?" "Si Chad? Si Ara. Si... Brent." "Diba transferee ka nung high school? Wala kabang friends sa dati mong school?" "Meron din naman pero hindi talaga sobrang close. Bakit?" Weird naman. Tanong nang tanong sakin 'tong si Kitchie. "Wala lang. Kasi yung kilala ko sobrang daming friends. Naiinis nga ako eh kasi kung kani-kanino lang sumasama." Sabi ni Kitchie. "Huh? Sino?" "Yung kilala ko nung highschool. Friend ko siya noon, hindi na ngayon eh. Kainis kasi... naglihim kasi siya sakin eh. I really hate 'friends' who keep secrets. L along lalo na yung nang aahas!" Whoa! Anong nangyayari sa kanya at bakita parang may pinaghuhugutan siya at sina sabi niya ngayon 'to sakin? "Excuse me lang... bye, Max! See you later." Para naman siyang nakakita ng multo sa likuran ko at umalis agad. Halos mahulog pa nga yung ibang books na dala-dala ni ya. Sinundan ko siyang umalis at naisipan ulit na ang kinis-kinis niya at halos laha t napapatingin sa kanya... kaya lang may weird na sinabi sakin... hmmm? Ano kaya ang ibig sabihin nun? Pero kung ganda ang pagbabasehan, di hamak na mas maganda 'tong multong nasa likuran ko. N aagaw niya ang pansin ng mga tao galing kay Kitchie. Napatingin ako...

"WAAAAAAAAAAAH!" Sigaw niya at tumawa! "WAAAH!" Halos kasing lakas ng boses niya ang sigaw ko. "Dyusmiyo! Sorry... Ikaw pala Ara!" "HAHAHA!" Hindi siya matigil sa kakatawa. Mas mahaba na ang buhok niya ngayon. Mas sumeksi at mas gumanda pa siya! "Long time no see!!!" Sabay yakap niya. May dala-dala siyang mga paperbag. "This is my pasalubong for you!!!" Sabay bigay niya sakin. What? Ang dami naman nito... "I went to Macau with Paul! And guess what???" Hindi ko pa nga naaabsorb yung mga sinabi niya may pinapahula na agad siya sakin . Ipinakita niya yung singsing sa kamay niya. O. M. G.

"Engaged ka na!!??!" Sa pinaka unang pagkakataon, narinig kong sumigaw ang sarili ko sa sobrang kilig ! Kilig! Feeling ko kaming dalawa ni Brent yung na engage. At kung hindi man kaming dalawa yung e ngaged, feeling ko bukas agad, yayayain niya ako! Nagyakapan kami ni Ara! Kitang kita ko sa mukha niya ang saya. "And... wait lang... enough about that. I'll just call mamaya or see you sa baha y to tell you all the details... Nagpunta ka ba sa Core mag-isa... uh... last week?" Tanong niya bigla. "Oo. Bakit?" Kinabahan ako. Biglang tumaas ang kilay niya at nag evil smirk. "B-Bakit?" "Hmmmm...." Tinitigan niya ako at nag isip ng mabuti. "Hindi ko alam kung alin a ng mas gusto ko: ang sabihin sayo ngayon na wa'g ka ng bumalik dun o ang papuntahin ka dun gabi-gabi." Nagkibit-balikat siya. "Well, whatever!" Evil-smirk. Umalis din siya pagkatapos binilin na sukatin at picturan ko lahat ng binagay ni ya para makita niya kung bumagay ba.

X2.Nasaktan yata

Inspeaking of marraige... mag propose kaya ako kay Brent? Hindi naman propose na magpapakasal na kami. Parang proposal lang pero sasabihin ko lang naman ang nara ramdaman ko para sa kanya? Alam mo yun? Yung kagaya ng ginawa ni Kitchie? Para narin akong desperada. Pero yun na lang ang tangi kong pag-asa. Ganito din siguro yung naisip ni Kitchi e nang ginawa niya yun. Pero di tulad niya... na pagkatapos mag confess ay didikit parin. Pagk atapos ng lahat ng to ay lalayo na ako. Lalayo sa kanila. Sasabihin ko kay Ara ang dahilan. Siguro naman maiintindihan niya ako. TAMA! Ganun ang gagawin ko! "Max! Pasensya natagalan kami ni Jason." Sabi ni Emily. Inayos niya ang kanyang glasses. May dala siyang papel. "Ano 'tong mga paperbag?" Tanong niya. "Ah, pasalubong ni Ara. Nagpunta pala siya sa Macau." "Oh! Naku! Alam ko na ba't siya nagpunta dun. Siguro dun siya bumili ng dress pa ra sa ball." Umupo si Jason sa tabi ko at si Emily naman sa tabi niya. Binigay nila ang daladala nilang papel sa akin. "Annual Ball? Hollywood?" TAMA! Siguro pagkatapos ng ball ko sasabihin sa kanya ang tunay kong nararamdama n ano? Yun yata ang tamang panahon. Sino naman kaya ang yayayain niyang date? At sino ang magiging date ko? "Emily... Jason..." Kinabahan ako. "May plano ako..." Sinabi ko sa kanila ang plano ko... Flowers... Dinner for two... lights... at iba pa. Kailangan ko ang tulong nilang dalawa. Hindi ko

magagawa yun pag ako lang mag isa. Wala akong pakealam kung maubos ang pera ko p ara dito. Last resort. Last-est resort. Napanganga silang dalawa nang sinabi ko yun. "Talaga? Gagawin mo yun?" Sabi ni Jason. "O-Oo." "You're not the type..." Nagkatinginan silang dalawa. "Eto na ang huli. Pagkatapos nito... wala na." Ang pag-amin ang last resort ko. Sa ngayon, gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang katotohanan kay Brent. Buong araw ko yung inisip yun. Pauwi na ako nang bigla kong nakita si Brent sa m alayo... OMG! Relax Maxine! Inayos ko ang sarili ko at makikipag usap na sana ako sa kany a nang biglang... "Hi Max! Uuwi ka na?" Si Luis! Si Luis yung ka teammate ni Brent na madalas akong hinahatd sa gate kapag uuwi n a... Madalas din kaming magkasama. Buti nandito siya... hindi ako magiging loser sa paningin ni Brent! BRING IT ON! "Ah! Oo eh..." Ngumiti ako sa kanya. "Ihahatid na kita sa gate. Kung okay lang..." Ngumiti din si Luis. Siguradong nakita ni Brent ang pagngingitian namin ni Luis. "'Tol!" Sabay high five niya kay Brent nang makalapit na ito. "Luis! Uh... Max!" Sabi niya. "Diba may pasok tayo Luis? Sa'n ka pupunta?" Kapal talaga ng Brent na 'to. Kung makatanong parang pulis. Napakamot sa uli si Luis at namumula. Nahiya sa diretsong tanong ni Brent. "Ihahatid ko lang sandali..." Sabay ngiti sakin. Ngumiti din ako sa kanya. "Ang bait niya noh? Pero ano... Luis... baka ma-late ka na kung ihahatid mo ako? " "Ihahatid mo siya? Sigurado ka bang papasok ka sa klase natin?" Tumingin si Bren t sa relo niya. "Baka di ka na makaabot. Pag balik mo ng school, uuwi na kami." Tumaw a si Brent. "Hindi naman, Brent. Sa gate lang naman. Okay lang yun, Maxine. Nakasanayan ko na rin kasi 'to eh. Di naman ako nali-late." Sabi ni Luis. Ang bait ni Luis. Ano ka ngayon Brent? "Ah? Nakasanayan? So palagi palang ganito?" Tumaas ang kilay ni Brent at tumingi

n sakin. Halos di ako makatingin sa kanya. "I'm happy for the both of you..." Sabi niya. "Nu ba, 'tol! Wala pa namang nangyayari eh. Hatid-hatid lang naman 'to." Nahiya tuloy si Luis sa sinabi ni Brent. Umiling si Brent sakin, "Diyan naman yan nagsisimula eh... Diba Max?" "Ewan ko. Di naman kasi ako palaging ganito. Ikaw? Diba nagsimula kayo ni Kitchi e sa hatid-hatid? Siguro kaya mo nasabing nagsisimula diyan dahil sa mga experiences mo..." Ngumiti ako sa kanya. Bigla siyang umalis ng walang paalam. "Ay nagalit?" Sabi ko kay Luis. "Nasaktan mo yata." Sabi niya. X3.Date Contest

Mabilis yung panahon. Lalong lalo na pag walang magandang nangyayari at walang d evelopment yung mga plano ko kay Brent. Malapit na rin ang Hollywood Dance. Ibig sabihin, kailangan ko ng magplano para samin ni Brent. Pero nawawalan na talaga ako ng pag-asa... Parang... ayoko na... "Hi Max!" Si Kitchie. "Hello!" "May susootin ka na sa Dance?" "Wala pa eh. Ikaw?" Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong bigla-bigla na lang siyang sumusulpot out of nowhere. Lalong lalo na pag mag isa lang akong naglalakad sa mga corridors o sa school grounds. "Meron na." Ngumiti siya. "Paano yan? Di ka na makakapili ng maayos kasi malapit na ang Dance. Bukas ng gabi na yun." "Okay lang. Sanay naman ako. Nung Masquerade nga ganito rin yung nangyari." "Diba si Chad yung date mo nung Masquerade?" Pagkasabi niya nun, agad kong nakita si Chad. Marami siyang kasama at nagkakasiy ahan sila. Nandun din si Chloe kasama niya. "Oo." Lumunok ako. Tumaas yung kilay niya nang nakita akong nakatingin kina Chad.

"Looks like you wont be his date for the Dance... anymore..." Napatingin si Chad samin kaya nagpatuloy ako sa paglalakad at di na sila tinigna n ulit. "Pero sa tingin ko..." Sumabay siya sa paglalakad ko. "Di ka naman mahihirapan makakuha ng date eh..." "Pwede namang pumunta ng walang date eh." Sabi ko. "That would be a big slap for you... si Maxine Alvarado walang date?" Natigilan ako. Parang nainis ako sa sinabi niya!!! Nakataas parin ang isang kila y niya at nakangiti sakin. Hindi ko na maitsura ang sarili ko habang tinitignan siya. "Bakit Kitchie? May date ka na ba?" Tumingin lang siya sakin. Nakataas parin ang isang kila. "Nakakahiya sigurong pumunta nang Hollywood Dance nang di si Brent Damien Cruz and date ni Catherine San Juan, ano?" Umalis ako at iniwan siyang nakatunganga sa sinabi ko. "Bilis, Max! Hanapin mo si Brent! Kailangan ikaw yung date niya!" Sabi ko sa sar li ko habang hinahalughog ang buong school. Makikita nang Kitchie na yun!!! Type ko agad sa cellphone ko: Brent? Where are you? Can we talk? Kinabahan ako nang nisend ko yun sa kanya. Pero bahala na! *1 message!* Akala ko kay Brent. Galing pala kay Emily... Emily: I think kailangan na nating magplano sa surprise mo kay Brent. And wear a great dress for the dance... Reply ko: Sige. Punta kayo mamayang gabi sa bahay namin. *Kriiiing* Akala ko ulit si Brent, si Ara pala yung tumawag! "Hello?" "Hi Max! Punta tayo sa bahay! Please? Just for a while?" "SURE!" Yes!!! Eto na ang magandang pagkakataon! X4.Naunahan

Hindi pa kami nakarating sa bahay nina Ara, naikwento niya na sakin ang nangyari . Kung paano siya yinaya ni Coach Paul na magpakasal at kung paano siya pumayag. "Grabe! Kinilig talaga ako na halos di ko masabing 'Oo'!" Aniya. Nasa sala na nila kami at tinignan kong mabuti ang singsing niya. Ang ganda! May naka engrave pang 'Paul loves Ara'. Parang na eexcited na rin ako sa mga nangyayari sa kanya. "Yaya, nandito na po ba si Brent?" AHA! Oo nga pala! Yung misyon ko kay Brent. Tinignan ko ang cellphone ko. Walang nag text! "Ahh.. O-Oo. Nandito na..." Bago pa makapagsalita yung yaya nila. "Ayun..." At u malis. Si Brent, pababa sa stairs... kasama si... KITCHIE!!!!!!!!!!! "Ano ang ibig sabihin nito?" Bulong ko sa sarili ko. "Hi Max! Hi Ara!" Umiling si Ara at di na pinansin ang ngiting abot tenga ni Kitchie. Si Brent naman, parang nabigla nang nakita ako. Dapat lang mabigla ka, Brent! Oo ! Nandito ako at huling-huli ka na sa akto! Kasama mo na naman si Kitchie! Sila na yata talaga eh! Yaman din lang na nasaktan ako ngayon at naiinis kay Brent at Kitchie, makapag comment nga ! "Uy! Kitchie! Niyaya mo na ba si Brent sa Hollywood Dance?" Sabi ko. "Huh? Why would she? And she can't have Brent for the dance, Max. Of course not! " Siguradong sigurado si Ara sa sinabi niya. "Talaga? At bakit naman hindi?" Kumapit si Kitchie sa braso ni Brent. "Eh ang to too, siya nga yung date ko sa Hollywood Dance, Max." Ngumiti siya. "WHAAAT!?" Sabi ni Ara umiling na lang siya. "You probably asked him... Kasi I k now you're not his choice-" "Ara! Tama na nga yan!" Sabi ni Brent. Pinandilatan ni Ara si Brent. "Excuse me, ihahatid ko lang si Kitchie." Yung mukha ni Kitchie habang papaalis sila ay parang talunan sa gyera. Pero sa t otoo, siya yung nanalo! Haaaay! Nawawalan ako ng pag-asa. "I really hate her! That flirt! Si Brent naman... pinapaasa pa yun! Kainis!" Sab i ni Ara.

"Pinapaasa? Baka hindi... Baka gusto niya si Kitchie..." "No!! Of course not, Max!" Ngumiti siya. "Kelan niyo ba titigilan yung war ninyo ni Brent?" "Huh?" "Haaay naku!" Umiling siya. "Nagkakasakitan lang kayong dalawa, dahil sa ginagaw a niyo. Umamin na kayo sa isa't-isa. Ay di pala. Umamin na siya, ikaw na lang yung kulang. Ikaw na lang yung hinihintay niya..." Sabi ni Ara. Nag flash back sakin lahat ng nangyari sa gabing sinabi ni Chad sakin na trophy lang ako. Pero isusugal ko ang lahat... wala akong pake kung masaktan man ako pag umamin ako sa kanya. Ang importante masabi ko. Nagpakatotoo ako. "Kung hinihintay niya ako, ba't siya sumasama kay Kitchie?" Tanong ko. Tumawa si Ara. "War nga diba!? Barilan? Patayan! Sa ayaw at sa gusto mo, may nasasaktan." Napabuntong hininga siya. "Wait lang. You stay here. Kukunin ko lang yung cake a t iba pang snacks..." "Ah O-Okay..." Parang napatunganga ako sa sinabi ni Ara... Tama siya. Pero tama na talaga 'to. Masaktan na kung masaktan... ang importante, masabi ko. Tatanggapin ko naman kung ayaw niya na talaga. Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko eh. Sasabihin ko lang kung anong nara ramdaman ko... at hanggang dun na lang yun. Ilang sandali ang nakalipas, biglang dumating si Brent. Eto na ang pagkakataon k o... Sana di ako naunahan ni Kitchie. "May date ka-" Sabay kami ni Brent. Katahimikan. Awkward moment. "Wait..." Sabi niya. May panghihinayang sa kanyang mukha. "Are you asking me if I have a date for the Dance?" Hindi ako makatingin sa kanya. "O-Oo." Sabi ko. Lakas nang loob, Max! Kahit na dinig na dinig mo yung sinabi ni Kitchie!!! "Why? Would you date me if I didn't have one?" Nakataas ang kilay niya at may evil-smirk pa. "Di bale na nga! Alam ko namang meron na eh... Gusto ko lang i-confirm." Sabi ko .

Di lang talaga ako makapaniwala. Tinignan ko siya, pero nandun parin siya, nakaa bang sa sagot ko, dun sa tanong niya. "Bakit ikaw? Bakit mo ako tinatanong kung may date ako-" Tanong ko. Bigla niyang linapit ang mukha niya sakin. Ang kamay niya nakalagay sa makabilan g panig ng sofa, ako yung nasa gitna. Para niya akong ikinukulong. "Don't answer my question with another question..." Nakangiti siya. "Oo. Gusto kitang makadate sa Dance..." Sabi ko. SA WAKAS! Nasabi ko rin! Nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin iyon. Kinalas niya ang mga kamay niya sa sofa at tumayo ng maayos. Tulala siya at para ng di siya makapaniwala sa narinig niya. "Um-oo ka na kay Kitchie?" Sabi ko. Hindi niya yata masabi. "W-wa'g kang mag alala, okay lang..." Ngumiti ako. Tinatago ang lungkot... Tumango siya, "I thought you already have a date. Anyway, di ka naman siguro mahihirapan diba... I mean... sa pagpili..." Ngumiti pa siya. "I mean, you have Luis... at si Chad." OO NGA NAMAN MAX! SEE?! Wala siyang feelings! Wa'g kang maglagay ng meaning! ARA Y! "Oo nga naman..." Sabi ko. Kung si Brent ay si Brent parin... hindi ganito ang gagawin niya. Ako ang pipili in niya. Kahit anong mangyari... diba? Nag flashback sakin lahat ng sinabi niya dun sa tabing dagat... "Just come with me. After that I'll stop annoying you." sabi niya nun. Yun na nga siguro yung panghuling move niya. Kaya nga ako na ang gumagawa ng paraan ngayon, diba? "Cookies, anyone?" Biglang sumulpot si Ara na may dalang mga cookies. X5.Laru-laro

'Pinilit kong magmahal ng iba, pero ikaw parin yung gusto ko.' Sus jusko! Yun an g iniisip kong marinig kay Brent kanina, kaya lang iba ang narinig ko! Na si Kitchie na nga yun g date niya sa dance! Tinitignan ko siyang seryosong nakatingin sa iPad niya. Para bang galit at ewan ko. Tinignan niya ako habang nakatitig sa kanya. Nasa harap ko siya, nakaupo sa sofa nila. Inalis ko agad yung mga mata ko sa kanya at tinignan ang cookies. "Silence?" Sabi ni Ara. *Kriiiiiing* Tumatawag sakin si Jason. "Hello, Bakit?" "Nasaan ka? Bukas ng gabi na yung party, yung plano mo?" "Nandito ako kina Ara..." Natigilan siya. Narinig ko pang sinabi ni Jason kay Emily na nandito ako kina Ar a. "Nasabi mo na ba?" "Hindi pa." Sabi ko. "Sunduin ka nalang kaya namin? Nandito kasi kami malapit sa inyo, diba malapit lang yung kanila dito?" Nagtaka ako at atat masyado silang dalawa na makita ako. Para bang excited silan g gawin yun... or worst... may masamang nangyayari na di ko alam. "Uhh..." Sumenyas ako kay Ara ng 'Excuse me' at umalis sa harapan nila para kaus aping mabuti si Jason. "O sige. May problema ba?" "Basta, mamaya na. Sabihin mo na lang kung pwede kana naming sunduin." "Okay! Sige, punta na kayo dito. Para makapunta tayo ng Mall at makahanap ng damit." Sabi ko. Edi pupunta na ako ng Dance nang walang date! Ano ngayon? "Uh..." Bumalik ako sa sofa. "Aalis na ako ngayon." "Huh? Bakit?" "May susundo kasi sakin eh. Maghahanap pa ako ng damit... para bukas." Pagkasabi ko nun, tumingin si Brent sakin. "Sinong susundo sayo?" Tanong ni Ara. "Sina Emily at Jason." Sabi ko. "Tsaka, sino nga pala ang magiging date mo sa Dance? Brent? Yinaya mo na ba siya?" Tanong ni Ara sa twin niyang nakatunganga parin sa iPad. Napabuntong hininga si Brent. "Hindi, okay lang Ara!" Sabi ko.

"Oo nga, Max. Why don't you go with me?" Singit ni Brent! Natigilan ing. Nung lang yung ong nakikinig ako sa sinabi niya pero agad namang na realize ang gusto niyang iparat kami nag-usap, okay lang sa kanya na hindi kami yung pumunta sa Dance. Ngay na si Ara, yinayaya niya ako! NAKAKAINIS KA, BRENT!

ANO BA TALAGA ANG NASA ISIP MO!? "Hindi na, Brent!" ONE WORD IS ENOUGH FOR A WISE GIRL! "Gaya ng sabi mo kanina, makakahanap din ako ng date ko. Marami naman diyan eh... diba?" Napatunganga si Ara nang narinig ang sinabi ko. "Haaay nako! Why are you always fighting? Alam yata ng lahat ng tao kung gaano niyo ka mahal ang isa't-isa, kayo na lang yung walang alam!" Umiling si Ara at n ag beso sakin. "Maiwan ko na kayong dalawa, Max. I'll just answer Paul's call. See you tomorrow. Brent, ewan ko sayo! Ikaw na nga yung bahala!" Umalis siya, aalis na rin sana ako at pupunta sa gate nila pero... "Bakit mo ako yinaya, Max?" Tanong niya. "Bakit mo ba ako yinaya nung Masquerade, Brent?" Natahimik siya. *Krrrriiing!* Tinignan ko ang phone ko. Tumatawag na si Jason. Siguro ay nasa labas na sila at naghihintay na sa akin. "Kung talagang gusto mo akong maka-date sa dance, kanina kapa umo-o nung tayo lang dalawa at hindi sa harap pa ni Ara!" Nakatingin lang si Brent sakin, seryoso. Hindi ko na talaga mabasa ang iniisip n iya. "Kung sayo, laru-laro lang 'tong lahat... manigas ka na lang diyan!" Sabi ko at umalis. Pero bago pa ako tuluyang nakaalis, hinawakan niya ang braso ko at pinigilan. "Did I finally catch your eye?" Y-arcs

Y1.The Unknown Failed Proposal

Padabog kong sinarado ang pintuan ng sasakyan ni Jason. "Sorry!" At nag peace-sign ako nang nakitang nabigla silang dalawa ni Emily sa f ront seat. "Did I finally catch your eye?" Sabi ni Brent kanina. Nakakainis! Ginagawa niya ba ang lahat ng to para lang magpapansin? Hindi nakaka tawa eh kasi nasasaktan ako. Tinitigan ko lang siya habang inaalis ang kamay niya sa braso ko. "Oo, Brent. Napapansin na kita, kasi nagbago ka na! Hindi na ikaw ang Brent na nakilala ko!" Sabi ko. "Hindi ba ito yung gusto mo? Yung layuan na kita? Now, tell me Max, bakit gusto mong mapalapit ulit sakin?" Natahimik ako. Akala ko talaga ngayon na ako aamin. Kaso... naunahan ako ng inis ko. "Why do you want to be with me? Kung meron ka naman nito?" Nabigla ako nang nakita ko sa iPad niya, sa Facebook niya ang mga pictures ko. M arami. Iba'tibang pictures ko kasama ang kung sinu-sinong lalaki! AT WORST!!! Meron din dun yung picture ko habang hinipuan doon sa bar! OMG! Bakit? Natigilan ako ng ilang sandali at agad nakuha ang point ni Brent! Na mara mi akong nilalandi. Seryoso at disappointed ang mukha niya. "Aalis na ako." Sabi ko. May kung anong kumurot sa dibdib ko. Bakit, Brent? Alam mo ba kung bakit nandun ako sa bar na yon nung gabing yun? Bigong-bigo ako dahil sayo at ngayon gagawin mo pa yang dahilan para magalit sakin? Wala kang alam! At bwisit din yung mga tao! Bakit ang dami kong stolen shots at sa iba-ibang lal aki pa? Ano ang gusto nilang iparating? "So that's it? You're not going to explain?" Sabi ni Brent. Bakit ako mageexplain, Brent? Wala ka na namang pakealam diba? Umalis ako nang para bang di ko siya narinig! Oo! Kung nanghihingi siya ng expla nation, ibibigay ko sa kanya yun pero hindi ngayon. Lulubos lubusin ko na bukas! Sasbihin ko ang lahat sa kanya! Wala akong pakealam kung anong mangyayari pagkatapos, ang importante na lang sak in ngayon ay ang masabi ang lahat ng walang paliguy-ligoy! Masaktan man ako, handa na ako!

"It's all over the internet." Sabi ni Jason habang ipinapakita ang iPad niyang n akatutok din sa pictures ko kasama ang iba't-ibang lalaki. Comments: ang landi mo te... akala ko iba ka sa kanila... sayang idol pa naman kita. one big sl-t. pinagpasapasahan na ng mga lalaki. [see more...] Walang hiya! Alam ba nila ang pinagsasabi nila? Hindi! Nasasaktan ako! Sa fan pa ge na ginawa para sakin, doon nagkalat ang mga pictures ko sa bar. Napaiyak ako habang nagdi-drive ng tahimik si Jason papunta sa mall. "Max, ano... tuloy parin ba yung plano mo bukas?" "Oo." Sabi ko. No regrets... Nakarating na kami sa mall at sinabi ko nalang kina Jason at Emily na hintayin n a lang ako sa restaurant. Bibili lang ako ng dress na simple at pupunta sa flowershop magpapaa wa siguro ng corsage. Ayaw pa nila akong iwan nung una, pero nakumbinsi ko din sila. Ako lang mag isa ang naghanap ng damit. Iniisip ko parin kung sino ang nagpasimu nong isiwalat ang lahat ng pictures na yun. At bakit niya gagawin yun? Wala siyang alam at wal ang karapatan! Papunta ako sa flowershop, inuna ko ang pagpapagawa ng corsage. May naabutan akong mga kaklase ko sa isang subject na pinagtitinginan ako at nag bubulungbulungan. Tinitigan ko sila... kaya napaalis agad. Ano bang problema ng mga tao? Ano ba yung ginawa ko sa mga pictures na yun? Nagl alakad kasama si Luis? Anong masama dun? Guilty ako dun sa bar pictures na nahipuan ako at lasing ako, pero ano ngayon? May ibang tao pa diyan na mas masama pa ang ginagawa sakin , ba't di sila ang pagtuunan nila ng pansin? Ang pinakamasakit pa sa lahat... pati si Brent ay naniniwala sa mga pictures! Sino ba kasi yung nag kalat nun!? Namili na lang ako ng bulaklak at naalala yung blue rose na corsage ni Brent nun g masquerade. Akala ko talaga espesyal yung gabing yun para saming dalawa... kaso... hindi pal a. Si Chad yung nag propose sakin at nagtampo pa si Brent. Napangiti ako nang naisip kong nagtam po siya... nagwalk-out kasi akala niya hindi ko kayang tanggihan si Chad. Bakit ko 't pinat

agal ng ganito? Bakit ngayon lang ako nagkalakas loob na aminin sa kanya kung gaano ko siya kama hal. At ngayon aaminin ko na sa kanya, bakit ngayon pa lumabas ang mga pictures na makak asira sakin? "Pang corsage, miss. Etong red roses." Sabi ko sa babaeng nasa counter. "Okay miss. Paki fill-up na lang etong form. Pwedeng kunin after one hour." Sabi niya. Ni-fill up ko naman agad at binayaran. "Maxine Alvarado?" Sabi nung cashier habang tinitignan ang form ko. Akala ko naman pati siya ay kilala ako dahil sa mga pictures na nagkalat... pero di pala. "So, ano... sinagot mo ba yung nangligaw sayo?" Ngumiti siya at kuminang ang mat a. "Huh?" Anong ibig niyang sabihin? "I think more or less 6 months ago, may nag order dito ng napakaraming bouquets ng red roses. Di ko makalimutan, may nidesign pa nga kaming 'Be my girlfriend, Maxine Alvarado.'" Pagkasabi niya nun, parang kinurot ang puso ko. Hindi ko alam pero nararamdaman kong ako yung tinutukoy... at si Brent yung nag order ng ganun karaming roses. "More or less 6 months ago?" Wala akong nakuhang ganun sa kanya. "Baka hindi ako . Marami naman sigurong Maxine Alvarado." "Siguro... Hmmm. Basketball player yung lumapit dito. Hindi ako sigurado pero parang Brent yata yung pangalan ng nanliligaw daw dun kay Maxine... Swerte! Hindi ko makalimutan kasi ang sweet talaga!" Binigay niya sakin ang receipt habang tulala ako. Walang duda... Ako ang tinutuk oy niya. Mas lalong kinurot ang puso ko. Naninikip ang dibdib ko. Bakit di ko alam yun? Gusto kong tawagan si Brent pero sa daming tanong sa isip ko, parang di ko alam kung ano ang uunahi n ko. Bakit ngayon ko lang nalaman? Anong nangyari? Umalis ako sa flowershop dala ang napakaraming tanong!!! Y2.The Mystery Man

Tulala parin ako at di makapili ng maayos. Nandito ako mag-isa sa isang store na maraming simpleng gown.

"I think this will look better on you!" May boses sa likuran ang nagsabi. Paglingon ko, nakita kong dala-dala ni Kitchie ang isang kulay pula at sexy na gown. "Hindi ko naman type." Ngiti ko. Siya pa ang nakita ko dito sa dinami-dami ng tao. May kung anong aura agad akong naramdaman sa kanya. Sa tingin niya pa lang at sa ngiti. "Bagay to sayo, sukatin mo! Mas makakatawag ka pa ng pansin pag soot mo 'to." Ngiti nya. Sabi na nga ba! May inaatake siya sakin! "Hindi naman kasi ako nagpapapansin kaya di ko yan kailangan." Tumaas ang isang kilay niya at ibinalik ang gown na ipinakita. "Talaga? Eh sa internet nagkalat yung pictures mo na ganun. Akala ko pa naman demure ka... nag papa-demure-demure ka lang pala." Sabi niya. "Ano bang ginagawa ko sa pictures na yun? Nag uusap kami ni Chad, nag uusap kami ni Luis, anong problema sa mga pictures na yun? Maari may picture dun na nahipuan ako ng kung sino pero di mo ba naisip na pwedeng biktima ako?" "Biktima? May biktima ba na siya mismo ay walang malay the whole time? Wala kang malay kasi lasing ka? What kind of girl? Bakit ka nga pala lasing?" Isang segundo lang ang katahimikan ng may agad akong narealize! "Paano mo nalamang wala akong malay at lasing ako?" Sabi ko. Natahimik si Kitchie. "Nandun ka sa Core sa mga oras na yun?" Tahimik parin siya. "Ikaw ba ang nagpakalat ng pictures sa internet?" Tanong ko. "Ano ngayon kung ako, Max?" OMG! I can't believe it! Agad ko siyang nasampal! Pulang-pula ang pisngi niya at mangiyakngiyak niyang hi nawakan 'to. "Wala kang karapatang gawin yun sakin!" Sabi ko. "How dare you slap me!" Ngumiti siya. "Pero okay lang. I'm sure maraming nakakit a at mapag-uusapan yan! Masisira ka lang! HAHA!" KAINIS TALAGA! Makaalis na nga lang at baka masupalpal ko ang mukha ng nagladlad na demonyitang ito! "I know, Max! You like him, don't you?" Natigilan ako at hinarap siya. Ito ang unang pagkakataong aaminin ko 'to...

"Oo, gusto ko siya!" Sabi ko. "Well guess what? Hindi ka niya gusto! Kung ang pinanghahawakan mo lang ay ang paghatid niya sayo sa bahay niyo nung lasing ka, pasensya ka na lang... ako ang date niya... At sirang sira na ang pangalan mo... Kung tutuosin wala ka naman talagan g pag-asa sa kanya simula pa lang kaya sorry ka na lang!" Nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya! SI BRENT ANG NAGHATID SAKIN SA BAHAY NUNG GABING YON? OMG! Ginanahan akong sampalin ulit si Kitchie! "Tingnan natin kung sino ang totoong walang pag-asa satin sa simula pa lang!" Alam kong hindi ako sigurado sa nararamdaman ni Brent ngayon... pero sa lahat ng ginawa niya para sakin, pakiramdam ko ngayon ako naman ang dapat na may gawin. Y3.The Unread Words

Si Brent ang naghatid sakin sa gabing yon!? At si Kitchie ang nagpakalat sa mga pictures ko? Tulala ako papunta sa T.G.I.F kung nasaan sina Emily at Jason, naghihintay sakin . Bibit ko ang kulay puting gown na nabili ko nang halos wala sa ulirat. Pagkapasok ko sa restaurant, halos di ko rin mahanap si Emily at Jason lalong la lo na nung narinig ko ang intro ng isang pamilyar na kanta. Kumaway si Jason at Emily sa malayo. Linapitan ko na agad para di na magmukhang tanga. *We watched the season pull up its on stage* "Anong nangyari sayo?" Tanong ni Emily sakin. Nagkibit-balikat na lang ako. *You have... stolen my heart...* "May mga nalaman ako tungkol kay Brent... at nagkita kami ni Kitchie." "Ano? Saan?" Sabi ni Emily. "Inspeaking of Brent, naaalala ko siya sa kantang 'to." Sabi ni Jason bigla. Napatingin ako kay Jason habang binabalewala si Emily. "Bakit?" Tanong ko. Naalala ko rin si Brent sa kantang 'to. Kinanta niya to sa training camp nung hi ghschool para sa diumano'y babaeng gusto niya.

"Di mo ba nabasa yung issue na yun sa Preview?" Sabi ni Jason habang umiinom ng iced tea. "Ang alin?" Di ko agad ma gets pero kinakabahan ako. Yung Preview, tama! Bumili ako ng isang kopya non pero di ko pa kailanman binuks an. Anong makukuha ko dun? Pictures lang naman ni Brent at Kitchie eh? Nakakainis pa si Br ent sa mga oras na yun! "Na kinanta niya raw yung kantang yan sa tanging babaeng minahal niya. Stolen diba? Akala ko alam mo na yun kaya di ko na sinabi sayo..." "Sinabi niya yun sa Magazine?" Tanong ko. "HINDI KO PA NABABASA YUN! BIBILI AKO NG KOPYA NGAYON!" Grabe! HIndi na ako makahinga! Ang daming oportunidad ang pinalagpas ko! Hindi ko na maitsura ang sarili ko. Di ko alam kung anong gagawin. Bibili na... saan? anong nasa loob? Anong nakasulat?! "Chill, Max! Luma na yung issue na yon, maaring sa Booksale lang natin yun makikita." "Pero gusto kong makita!" Sabi ko. "Ang sabi dun kasi... yun nga... kinantahan niya daw ng Stolen yung girl na maha l niya. ONLY GIRL NA MINAHAL NIYA. Bakit, Max? Why are you so interested? By any chance, nakantahan ka na ba niya nun?" Tama... di alam ni Emily at Jason kasi wala sila sa training camp na yon nung hi ghschool. Yung mga nandun sa training camp lang ang mga may alam nun! Pero paano ko malalaman n a sa training camp lang nun kumanta si Brent? Dalawa lang ang sagot diyan... si Chloe at Chad, dahil silang dalawa ang close kay Brent. Ako nga ba talaga yung kinantahan ni Brent nu n? Magsisimula na sana akong mag duda na di ako yung kinantahan niya, pero sa lahat ng nalaman ko ngayong araw na 'to... panahon na siguro na panghawakan ko ang sa tingin ko'y totoo. "Oo! May isang time nung highschool na kumanta siya niyan. Pero hindi ako sigurado kung ako eh. Sa training camp nun. Inaway ko kasi siya bago yun nangyari." Tahimik lang silang dalawa habang tinatanggap ang mga sinasabi ko. "Tapos, ngayon naman, nalaman kong may surpresa siya para sakin 6 months ago. Hindi ko alam kung bakit naudlot. Sabi dun sa flowershop, nag order daw si Brent ng maraming roses para sa isang Maxine Alvarado. Marami bang Maxine Alvarado sa mundo?" Natawa silang dalawa. "Marami... siguro... pero di naman yata ako maniniwalang may isa pang Maxine Alvarado na kakilala si Brent?" Sabi ni Emily.

Tama siya! "Isa pa... nagkita kami ni Kitchie... siya ang nagpakalat sa mga pictures ko." S abi ko. "Ano? Di nga? Mabait yun!" Sabi ni Jason. "Ewan ko nga eh. Pati ako di makapaniwala pero umamin siya! At hinamon niya pa ako kay Brent!" Halos di makapaniwala sina Emily at Jason... "So... ano, Max? Anong plano mo bukas?" Tanong ni Emily. "Makikipag-usap ako kay Brent, yun kami lang dalawa. Wala ng maraming pakulo. Sasabihin ko na ang lahat. Sasabihin ko na mahal ko siya." Tumango silang dalawa. "Anong maitutulong namin ni Emily?" Tanong ni Jason. "Maghihintay ako sa isang part dun sa garden ng Plaza Maria Clara. Kung pwede sana kayo ang gumawa ng paraang mapapunta si Brent dun." Sabi ko. "O sige, sige! GAME!" Sabi nilang dalawa. Y4.The Last Revelation

Pauwi na kami. Hindi na ako nagpahatid kina Emily at Jason papasok sa Domino Hei ghts kasi naawa ako sa dalawa. Kanina pa kasi kami paikot-ikot dahil sakin. Dinamay ko pa sila. "Are you sure?" Tanong ni Emily na nakatingin sakin galing sa front seat. Nasa labas na ako. Nasa gate ng subdivision. "Oo. May bibilhin din kasi ako sa isang convenient store sa malapit eh." Sabi ko . "Okay! Sige... Itext mo ako pag nakauwi ka na ah?" Sabi ni Emily. "Okay." Tapos umalis na ako. Ang totoo, ayaw ko lang talagang pumasok pa sila kasi gabing-gabi na. Si Emily k asi may curfew kaya nag-aalala na rin si Jason. Naglakad ako papasok sa subdivision dala-dala yung gown na susuotin ko bukas. Ga bi na. Iniimagine kong may bigla susunggab sakin at ho-holdapin ako. Yiii! Katakot! Hal os ma butas na yata yung flats ko sa bilis ng lakad ko. Mamaya habulin ako ng aso dito... grrr. .. Pagkatapos ng parang isang oras na paglalakad (kahit ilang minuto lang naman), n akarating na rin ako sa kanto namin.

Pagliko ko... agad akong kinabahan sa nakita.

"Brent?" Napabulong ako sa sarili ko at naririnig na ang lakas ng tibok ng puso.

Malapit sa bahay, nakapark si Lightning. Nakasandal si Brent sa Porsche niya hab ang tumitingin sa langit. Nakalagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa. Naglakad ako patungo sa bahay... papalapit sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. "Waiting for you." Tumingin siya sakin.

Yung mga mata niya ay tulad sa araw na na yon. Nung nasa beach kaming dalawa. Tumigil ako sa harapan niya. Tahimik kaming dalawa. "Nandito ka ba para tanungin ako tungkol sa mga pictures ko sa Facebook?" Tanong ko. Umiling siya. "Ba't ka nandito?" Hindi siya sumagot agad.

"Hindi ko alam." Aniya. Gusto ko ng ganito lang. Nandito ako sa harapan niya. Kami lang dalawa. Nagtitin ginan. Kahit di na ako pumasok sa bahay at lamukin kami dito, okay lang.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sasabihin ko ba sa kanya kung anong nalam an ko sa araw na 'to? Bigla niya akong yinakap. "I miss you so much." Bulong niya sa tenga ko. Nasiyahan ako sa ginawa niya! Hindi niya alam kung gaano ako kasaya sa sinabi ni ya. Gusto ko ngang umiyak sa sobrang saya. "Please don't slap me... please don't push me..." Sabi niya. Mas mahina pa dun s a unang bulong niya. NAHAHABAG NA AKO! SOBRA! TAMA NA! Mahal naman kita eh? Ba't pinapahirapan kita n g ganito? Minsan ka lang mahal ng mahal mo.

Di ko na napigilan. "I miss you, too." Sabi ko ng pabulong.

Di ko mapigilan ang pagkabasag ng boses ko dahil sa paninikip ng lalamunan. Kumalas siya sa pagkakayakap at hinarap ako. Mga kamay niya ay nasa magkabilang balikat ko. Kuminang ang kanyang mga mata at sabay nito ang abot tengang ngiti. Di siya makapagsalita. Ngumiti lang ng parang bata.

"Ang totoo hindi ko alam... Marami akong di alam. Marami akong tanong sayo... Masyadong marami na ayaw ko na lang pansinin. Kung alam ko lang lahat ng nalaman ko ngayon, di ko na pinatagal 'to... Brent... I lo-" Hindi ko nasabi.

Kasi nilagay niya ang index finger niya sa lips ko.

Humalakhak siya pero nakita kong lumandas ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Ba't niya ako pinigilan? Kung yun ang kayu tagal niya ng hinintay na sabihin ko yon... bakit? Suminghap siya. Nakangiti parin. Pinipigilan ang mga luha. Sa totoo lang, ngayon ko lang nakitang ganito siya. Parang ang saya niya. May luha sa mata niyang hindi pa lum alabas pero parang ang saya niya. "Ang dami kong... ang dami kong gustong sabihin sayo... noon pa lang, pero sa tingin ko di mo din yun maririnig kasi halos di mo ako makita. Lahat ng tao naki kita ako... ikaw lang yung hindi kahit sobra-sobra na ang pagpapansin ko sayo. And yo u know what? Masakit..." Natatawa siya sa gitna ng mga salita pero may luha parin sa mga mata. I'm so hap py that I am here standing with him, hearing him saying the words I wanted to hear from him. "Nasasaktan ako sa tuwing iniisip ko yun. I told myself... 'di bale na. Minsan l ang ako magmahal kaya lulubos-lubosin ko na. Masaktan na kung masaktan basta gagawin ko ang lahat.' I felt like I was born to be your man, Maxine. And now yo u know that I won't ever back down... I will never wave the white flag. Kahit ilan g beses mong sabihin sakin kung gaano mo ka ayaw sakin. hindi ako titigil, dahil a lam kong ikaw lang ang mamahalin ko. Even if it takes forever, I will wait for you.. ." Bumuntong-hininga siya. "I was harsh with you, for the past few months, but please know that its coz I'm desperate. If theres only a faint hope that you'll love me back, I will still ri sk everything." Ngumiti siya. Pinunasan ang konting luhang nakawala sa mga mata... "Ever since I met you, the only thing I asked from Heaven is for you to say it b ack... Now... please... say it back." Simula pa noon, lagi niya na lang akong inuutusan. Sa lahat yata ng utos niya, i to ang pinakanagustuhan ko. "I love you so much, Max." Hinintay niya ang sagot ko. Mukha niya'y kinakabahan na baka di ko sabihin ang g usto niyang marinig. Pero sa unang pagkakataon, naniwala ako ng buong-buo sa mga sinabi niya

kasi naramdaman ko. At sa unang pagkakataon, maririnig niya sakin ang matagal niya na ng gustong marinig... "I love you too, Brent Damien Cruz." Ngumiti siya at pinigilan ang luha. Niyakap niya ako. "Every night, I dreamt about you saying it back... nasisiyahan ako kahit di toto o. Ngayong totoo na talaga... hindi mapapantayan ang saya ko. Kahit ilang beses kon g panaginipan 'to! God knows how much I love you!" "God knows how much I love you too." Sabi ko.

Z-arcs

Z1.I love you more

1:00am... Wala na akong hihingin pa sa'yo, Lord! Kontentong-kontento na ako sa buhay ko! S alamat at tinuruan ako ni Brent magtiwala sa mga bagay na hindi ko kayang kontrolin at mga bagay na hindi ako sigurado. "Sigurado ka bang ayaw mo akong maging ka date bukas?" Tanong nya. Kanina pa kami nag tetelebabad. Siya yung tumawag sa cellphone ko pagkauwi niya at hanggang ngayon ay di parin niya ibinababa na nagustuhan ko naman. "Wa'g na. Kawawa naman si Kitchie eh." Oo. Kahit na kami na... Ehem! talagang kami na... ayoko paring indianin niya si Kitchie sa Dance. "Edi di nalang kaya tayo pumunta? Mag date na lang kaya tayo?" Sabi niya. Kahit gusto ko ang ideya niya, hindi ko yon magagawa. Hanggang ngayon, di ko pa

sinasabi sa kanya ang tungkol sa nalaman ko ngayong araw. Di ko pa naitanong kung bakit hind i ko nareceive ang roses, bakit hindi niya sinabing siya yung naghatid sakin galng co re, at si Kitchie ang naglabas ng pictures ko sa Facebook! "Nukaba?! Wa'g no! Gusto ko ring pumunta. Sayang naman 'tong damit na binili ko." "Aryt my princess." Sabi niya. Grabe! Parang kinilabutan ako pagkasabi niya nun. Naninibago kasi ako. "But I can't promise I'll act the same tomorrow..." Sabi niya. "Ikaw bahala. Hehe. Ang importante pumunta ka sa Dance kasama siya." Sabi ko. "Hmmmp!" "Alam mo... sa totoo lang... Dapat sana bukas a-ako mag c-confess na sayo..." Pa rang may kung anong pumilipit sa tiyan ko. Ba't ko pa yun sinabi? Grrr! Nakakahiya! "Talaga??" Tumawa siya. "Kaya mo ba yun?" "Tseh! Anong akala mo sakin torpe?" Sabi ko. Mas lalong nahihiya! "Eh alam ko namang matagal mo na akong gusto, natotorpe ka lang umamin eh!" Sabi niya sabay tawa. "Feeling mo no! Hindi no!" Sabi ko. "Siguro akala mo talagang maagaw na ako ni Kitchie no?" "Hmmp! Kapal mo naman! " "Its part of the plan, its part of my plan..." Sabi niya. "But... kahit ako yung may mas maraming strategies at plano, ikaw parin ang nanalo." Bakit naman? Eh bumigay ako sa war diba? So ako dapat yung talo! "Kasi... hindi ko na natiis. Hindi ako makapaghintay sa plano mo bukas. Talagang pinuntahan na kita sa bahay niyo para lang masabi ulit sayo at ipaalala sayo kun g gaano kita ka mahal..." Sabi niya ng seryoso. Natahimik ako. Hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari. "I-I can't believe that I finally made you fall for me..." Napabuntong-hininga s iya. Halatang masayang-masaya. "Alam mo naman yatang maiinlove ako sayo eh." Sabi ko. "Hindi no! Pero minsan napapansin ko na nadedevelop ka na." Tumawa siya. "Tse!" Natawa din ako. OMG! Talagang di ako makapaniwalang in love na in love kami sa isa't-isa ngayon! Parang ayaw ko na rin yatang pumunta sa Dance bukas, gusto ko lang mag date kaming dalawa! O MG! "Haha! Hmmm. My princess... Let's sleep na? Para di ka mastress bukas." Sabi niy a.

Malamig na malamig ang boses at halatang nakangisi sa pagkakasabi. Kinikilig yat a! Eh ako sobra sobrang kinikilig na rin eh! "Hmmm. Oh sige... Good night! See you tomorrow!" Sabi ko nang nakangiti at kinik ilig. "Pa-kiss bukas ah?" Sabi niya! "Tseh! Ayoko nga!" "Girlfriend na kaya kita! Nung di pa tayo, nikiss mo nga ako. HAHA!" Kahit kailan ang manyak talaga ng isang 'to! "Hooy! Hindi no! Lage mo kaya akong ninanakawan ng kiss!" "O sige, edi kelan ba kita iki-kiss?" Tanong niya. "HAHA! Saka na pag engaged na tayo!" Sabi ko ng pabiro. "Orayt my princess." Nabigla ako nang wala siyang angal sa sinabi ko. "Let's sle ep na and we'll see each other tomorrow sa party, ayt?" "Okay!" "Good night! I love you..." Sabi niya. May ngiti sa labi ko pagkasabi ko ng... "Good night! I love you too!" At... "I love you, more..." habol niya. Mas lalo akong napangiti. Di ako makapaniwala talaga! Sa isang iglap, naging kam i na. Alam kong masyadong matagal ang paghihirap na sinapit niya pero di ko alam na sa gitna ng paghihirap ay masasagot ko siya. Pagkagising ko sa umaga at hanggang sa paghahanda ko para sa Dance ay nakangiti parin ako. Wala pa akong nasasabihan kahit na sino tungkol samin ni Brent. "Ayan!!!" Sabi ni Mama. Siya ang nagmake-up at nag-ayos ng buhok ko. Wala kasi silang trabaho ni Papa ng ayon. "Sigurado ka ba ate na di yung boyfriend mo ang date mo?" Tanong ni Carlo. Parang napatunganga si Mama at Papa sa sinabi ni Carlo. "Huh? May boyfriend ka na?" Tanong ni Papa. Hindi ko alam kung itatanggi ko ba o ano. Pero bago ko pa matanggi o maamin... "Oo! Si Brent! Sino pa ba!" Sabi ni Carlo. Halos masapak ko ng pumps ang kapatid ko. Paano niya nalaman!? Naku!!! Sigurado ako na yung Brent na yun ang may kasalanan! "Totoo ba yun, Maxine?" Tanong ni Papa. Ngumiti na lang ako at uminit ang pisngi ko. Nakakahiya naman 'to!

"Ehe-Ehem... Kung ganun, tama yung sinabi ng papa niya kaninang umaga." Sabi ni Mama. WHAAAAAAAAAAAT??! "Huh?" "Oo, Max. Tumawag yung papa niya dito tinatanong kung bakit di kayo ang magkadate sa dance ngayong kayo namang dalawa..." "Ahhh!" "Bakit nga ba?" Tanong ni Papa papasok sa sasakyan. Ihahatid kasi nila ako sa Plaze Maria Clara! Yung Brent na yun talaga!!! GRRRR! Kakahiya naman oh! Para yatang atat siyang malaman ng lahat na kami na... sigurado ako al am na ng lahat na kami na! GRRR! Hindi ko na sinagot si mama at papa. Pagkarating sa venue... "Papasok na ako, ma, pa..." Sabi ko. "Okay!" Sabi ni mama. "Kung di siya yung date mo, eh siguraduhin mo na lang na siya ang maghahatid say o sa bahay mamaya, okay?" Sabi ni papa. "Huh?! Bakit?" "Byeee Maxxx!" Agad ng kumaripas ng takbo ang sasakyan namin! Langya talaga bakit ganun sila? Si Brent talaga ang may kasalanan! And in speaki ng of him... Nakikita ko siyang nakangiti ngayon katabi ng door!!! Inaabangan ako. At ang gwa po-gwapo! Parang mas gumwapo pa siya ngayon! Pataaay! Kinakabahan ako! "Max..." May naglahad ng kamay sa harapan ko bago pa ako nakarating kay Brent. Natigilan ako at tinignan kung sino... Si Luis na naka ngiti. Z2.Not coming

Tinignan ko parin ang kamay ni Luis habang napanganga. Nabigla lang talaga ako. Napakamot siya sa ulo. "Alam kong tatanggihan mo ako pa'g yinaya kita dahil sa mga nagkalat na pictures , kaya eto ako at inaabangan na lang ang pagdating mo." Sabi niya. Tinignan ko ang kinatatayuan ni Brent pero wala na siya dun. Kinabahan tuloy ako .

"So I guess you wouldn't take my hand..." Ngumiti si Luis. Nakakaawa naman kaya kinuha ko ang kamay niya at magkasabay kaming pumasok. "Pasensya ka na. Dapat sana di nalang kita inabangan. Hindi ko maiwasan eh." Sab i niya. "O-Okay lang. Wala din naman kasi akong date eh." Pumasok na kami sa loob. Kanina pa pala nagsisimula. Nakita ko si Brent kasama s i Kitchie. Nandun narin sina Emily. "Lord Luis Ynigo Guevarra and Lady Maxine Theodora Alvarado." Imbis na magpalakpakan ang mga tao, narinig ko ang bulung-bulungan nila. "Sino ba talaga?" "Dami niya naman kasing lalaki." "Flirt! Crush ko pa naman sana." "Parang kailan lang si Chad yung date niya ah?" "Kaya nya siguro tinanggihan si Chad noon dahil gusto niya munang magflirt sa ib a't-ibang lalaki." Nakita ko si Chad kasama si Chloe. Tinitigan niya ako kasama ang disappointed-fa ce niya. Napayuko ako at umupo. Bulung-bulungan parin siya. Haos mangiyak-ngiyak ako dahil sa mga sinasabi nila. Kahit kailan di ko pa naran asang kamunhian. Ni ayaw ko ngang maging sikat at makakuha ng atensyon sa kahit anong mga event para lang di ako mapagsalitaan ng masama... "Okay ka lang?" Tanong ni Luis. "O-okay lang naman." Sabi ko at ngumiti. Nasaan ba si Brent? Mejo malayo yata kami sa table nila. Kasalanan ko 'to eh. Ba 't pa kasi ako pumunta dito sa kabila ng mga pictures na yun. Nakita ko si Emily at Jason, abala sa pagpaplano yata dahil nag-uusap ng seryoso . Nakita nila ako at ngumiti sila sakin. Sisenyasan ko na sanang 'Abort mission' kaso di ako naint indihan. Pinagtinginan parin kami ng mga tao. Si Ara ang huling pumasok bago nagsmula ang program. As usual ang ganda niya at super blooming. Wala siyang date pero abot tenga ang ngi ti. Lumapit pa siya sakin bago umupo sa isang table. "Tonight is the night, Max." Sabi niya at kumindat. Di ko naman maintindihan... Malapit ng matapos ang program ng bigla akong nilapitan ni Emily. "Pagkatapos ng program at kainan, punta ka na sa gazebo. He'll meet you there."

Sabi niya. Umalis agad siya bago ko pa napigilan ang mga plano. Hindi ko nasabi sa kanya na kami na ni Brent. Kumain na kami. Halos wala ako sa pag-iisip habang kinakausap ni Luis kaya tumig il na lang siya sa pagtatanong. Naawa nga ako at naguilty. "Sorry ah? Marami lang akong iniisip." Sabi ko. "Okay lang. Alam ko naman yun." Sabi niya at ngumiti. Nakita kong sumenyas si Jason na 'Go!' sakin kaya... "Mag c-cr lang ako ah?" Sabi ko. "Okay." Ngiti ulit. Naglakad ako patungo sa gazebo... "Maxine, talagang isinama mo pa talaga ang isang yan. Siya na ba ang pinili mo?" Nagtawanan ang ilang mga babaeng humarang sakin. "Excuse me lang, may pupuntahan ako." Sabi ko. "Ano? Pupuntahan mo ang isa mo pang lalaki?" Sabi nung isa. Grabe! Gusto ko siyang sampalin kaya lang nabigla ako nang... "Tumigil nga kayo..." Sabi ng isang pamilyar na boses. "Kala niyo naman ang lini s niyo... Ilang pics lang yung na expose sa kanya. At anong mga pictures yun? Wala naman siyang ginagawang masama. Kung mga pictures niyo siguro ang ie-expose mas masahol pa siguro dun!" Si Chloe! Hindi ako makapaniwalang sinabi niya yun! Kinampihan niya ako! Umalis ang mga babaeng humarang... "Sala-" "Wa'g kang magpasalamat." Sabi niya. "We were rivals since highschool so I know you very well. And now I know we aren't rivals anymore... Sakin na si Chad kung mapupunta ka kay Brent, so go to the gazebo now and make everything clear... okay?" Paano niya nalaman yun? Nakakapagtataka. Umalis na siya. Di bale na nga! Ang imp ortante ay makapunta na ako sa gazebo! Tumakbo ako kahit nakaheels, baka kasi umalis na si Brent dahil sa tagal ko... "Brent?" Humihingal pa ako nang nakarating sa gazebo. "Brent?" "Brent's not coming..." Biglang nagpakita si... Kitchie. Z3.The Proposal

"Brent's not coming!" Sabi niya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Mukha siyang naiinis. Ako dapat ang nagtatanong sa kanya niyan eh! "Alam kong magtatapat ka sa kanya ngayon! Narinig ko sina Emily at Jason kanina..." Sabi niya."And Brent's not coming!" Ngayon mangiyak-ngiyak na siya. "Bakit mo 'to ginagawa sakin?" Natanong ko din. Akala ko talaga mabait siya. Paano niya 'to nagagawa sakin? "Ano??" Napatawa siya. "Ako dapat magtanong sayo niyan, Max!" Aniya. Tumataas na ang boses niya ngayon. "Ilang beses kong tinanong sayo kung gusto mo ba siya! I've been your friend! Ta pos gaganituhin mo lang ako?" Natahimik ako. Alam kong may kasalanan ako... "Ilang beses kong tinanong sayo kung gusto mo siya, kahit katiting, sabi mo hind i!!!" "Hindi sapat na rason yun para siraan ako, Kitchie." "Hindi ba sapat yun, Max? Hindi sapat? Alam mong MAHAL ko si Brent! Alam mo yun! At bakit ganito ngayon, huh? Buti nga sayo, ngayong sirang-sira ka na sa mg a pictures na kinuha ko, wala ka ng magagawa! Alam mo ba kung gano ako nasaktan sa ginawa mo? Tinraydor mo ako!" Sigaw niya sakin. Tahimik parin ako... Alam kong may kasalanan ako. Di ko kasi sinabi sa kanya noo n ang nararamdaman ko para kay Brent. Pero sa puntong yun, nalilito pa ako at ayaw ko siyang masaktan. Di ko naman inasahang darating sa puntong ito. "Hindi ka niya papatulan! I'm his date now. Pinakilala ko na rin siya sa pamilya ko. Ang kulang na lang ay ipakilala niya ako sa pamilya niya! Naiintindihan mo ba yu n? Kaya lumayo ka na samin!" Halos mapaiyak ako pero mas nangibabaw ang galit ko. "Sa tingin mo ba di ako nasaktan sa ginawa mo, Kitchie?! Sinira mo ang pangalan ko!" "Sinira mo ang puso ko, Max. You were my friend!" "Kung ganun, Kailanman di kita naging kaibigan. Walang nagsisiraan sa mga

kaibigan!" Sabi ko. Naiinis kasi idinidiin niyang wala akong kwentang kaibigan. "Oo nga. At walang kaibigang nag tatraydor at nang-aahas!" Halos sabunutan niya na ako!!! "Walang inaahas at tinatraydor si Maxine..." Lumabas si Brent sa likuran ni Kitchie! Halatang-halata sa mukha ni Kitchie ang pagkakabigla at pagsisisi sa mga nasabi niya. Natahimik siya. "You knew from the very beginning, right!?" Sabi ni Brent. Ano?! Alam na ni Kitchie yon?! Paano? "Sinabi ko na sayo nun na si Maxine ang gusto ko." Natahimik ako... Parang sila pala ang maghaharap ngayon imbis na kami. "Oo Brent, pero sa tingin mo ba maiisip ko na may pag-asa ka pala sa kanya kung di ka naman niya gusto?" Sabi ni Kitchie. "It's all Maxine's fault! Wa'g ka ngang p lastic Max!" Linapitan niya ako at umambang sasabunutan pero pinigilan siya ni Brent. "Stop it, Kitchie! Sinabi ko na sayo noon! Nun naudlot ang proposal ko kay Maxin e, na wala na akong iibigin pa kundi siya!" "Shut up!" At umalis siya ng galit! Natakot ako dun! Para bang galit na galit talaga siya at marami pa siyang ipapas abog sakin. Naaawa din ako sa kanya. Mahal niya si Brent at hindi ko agad inamin sa kanya na gusto ko din si Brent. Kaso hindi rason yun para manira ng kapwa. Masama ang loob ko sa kanya at the same time naaawa. Bigla akong niyakap ni Brent!!! "I'm so sorry. Kasalanan ko 'tong lahat." Sabi niya. "I dragged you in this situ ation," Nasa chest niya talaga ang ulo ko ha. Naririnig ko ang bawat pintig ng puso niya . Napabuntonhininga siya. "Hindi..." Tumingala ako sa kanya. "Ako ang may kasalanan. Alam kong di mo siya pinapaasa, ako tong denial. Kung sana noon ko pa sinabi sa kanya kung gaano kita kamahal, edi di na humantong sa ganito." Nakangiti siya ng sobra. Parang pagkatapos ng sinabi ko ay nakalimutan niya na y ung madramang sinabi ni KItchie. Bigla niya akong hinila papasok ng venue. Nanigas ako.

"San tayo?" "Basta! Come here..." Nakangiti parin siya. Pagkapasok namin, ayun, nagsasayawan ang mga tao pero bawat taong nakita kami ay tumigil. Nabigla yata! Nakita ko si Kitchie kausap ang napakaraming tao. Tinignan ako ng mga kausap niya. Para bang may sinabi siyang masama tungkot sakin. "Eww~ Mang-aagaw!" Sabi nung isa. Buti na lang natakpan ako ni Brent kaya di ko na sila nakita. "Don't worry about them." Hawak parin niya ang kamay ko. Grabe, pakiramdam ko ang taas taas ko na kasi kasama ko si Brent. Parang pagkasa ma ko siya pumapantay ako sa kanila. Sa Cruz Twins na sikat at bigatin. Sa mga anak ng gove rnor at ng haciendero. Bakit siya nagkagusto sakin? Ganun ba ako ka swerte? Pinoprotektahan niya ako laban kanino. "You stay here, Max." Sabi niya bigla. Ewan ko kung bakit pero malungkot ang kanyang mga mata. Kinabahan tuloy ako. Nak ita kong umakyat si Ara sa stage at pinahinto ang music. Hindi pa nga ako um-Oo ay umalis na siya. Kinurot bigla ang puso ko at patuloy n a kinabahan. Kinabahan tuloy ako! Di ko pa naman mahanap sina Emily at Jason. Nakita ko lang si Chloe na nakangiti at si Chad na walang ekpresyon. Si Luis naman ay mukhang papalapit sa akin at nakangiti pa. "Good evening everyone! I hope you're enjoying..." Sabi ni Ara. Naghiyawan ang ilang mga kalalakhan. Lalong lalo na yung mga lalaking di alam na engaged na si Ara. "But I'd like to interrupt this party for a moment." Nagtagpo ang mga mata namin ni Ara. Nasan na ba si Brent? Bakit malungkot ang mga mata niya nang umalis siya? "Sana maintindihan niyo sa huli kung bakit." Sabi ni Ara sa tonong englesera. "I have a twin... and you all know that... you all know him." Kinabahan ako lalo! Mukhang may palabas ah! "Alam kong akala niyong lahat na may iba siyang mahal... if you know what I mean . Palagi niya kasing kasama yun this past few days."

Hinanap ng mga tao si Brent. Pati ako napahanap din. "Hindi niya po ako inutusang pumunta dito sa harapan para diretsohin kayong lahat na isa lang ang babaeng mahal niya. I'm his twin. Ako lang ang nakakaalam sa mga totoong nangyayari sa buhay niya. Sana po ay hindi niyo ipakalat ang malimaling kwento tungkol sa kanya, maging sa babaeng mahal niya." Nabigla ako ng may nag pop-up na picture sa stage. Naka LCD pa. Isang picture ng Magazine. Preview. At isang article. "Eto ang mga ebidensya sa mga hindi makapaniwala. 'Question number 14: Have you ever been in love?' Ang sabi ng twin ko, 'Yes I have been and still am in lo ve with only one girl. 'Question number 15: What's the sweetest thing you did to her?' A ng sagot niya, 'Sing a song for her nung nasaktan niya ako. Stolen by Dashboard Confessionals.' Luckily, I have a video of him singing Dashboard Confessional's Stolen during a training camp nung highschool kami. Hindi ako kasama sa camp na yun, pero kasama dun ang first and only love of his life." Ipinakita niya ang chorus part sa pagkanta ni Brent noon at nanumbalik sakin ang mga alaala kung paano kami nagkakilala at ang simula ng panunuyo niya sakin. "It wasn't his first time singing for a girl. Alam niyong playboy siya. And I kn ow that his words isn't enough for you to believe that... again... all this time, he is inlove with only one girl. Kaya ako nandito sa harapan niyo. Hoping that you... especia lly her... would believe me." May ipinakita siya ulit. Picture ni Brent na naghihintay sa isang lugar kung saa n maraming roses. Nakaupo siya at mukhang malungkot. "This is a picture of my twin waiting for that girl to come after his birthday l ast year. Hindi pumunta yung girl because... again... nobody would believe a playboy." Nagbulung-bulongan ang mga tao. "I know you think he's proposing for another girl with this picture kasi yung is ang girl ang dumating... but he's not. He never proposed to anyone..." Lalong lumakas ang bulung-bulungan. "Alam kong mayroon na kayong feeling kung sino ang mga babaeng tinutukoy ko, pero to avod misunderstanding... I want you to know that the only girl my twin loved is Maxine Alvarado..." Halos di makapagpatuloy si Ara sa pagsasalita dahil sa ingay na naggagaling sa s choolmates ko. "I never wanted to say this n public because I know she's a very privte person k aya

lang di ko kayang manahimik na lang lalong lalo na kung alam ko yung tama. Her 'scandalous' pictures were posted on the net para siraan siya kay Brent... those attempts were futile. My twin is deeply in love with her... AND we all know she' s not that type of girl. Everyone is in denial na siya ang mahal ng twin ko. Akala nil a na madi-discourage ang twin ko sa tuwing makikita ang mga pictures na yun." Ipinakita niya yung mga nakakahiyang pictures pero saglit lang. Buti na lang. "What's wrong with these pictures? She's with other guys? They aren't even kissi ng! Wala! Nothin's wrong but everyone chose to believe that there is! Kasi alam nila na she should only be with one guy... my twin... Brent Damien J. Cruz. And nobody cared to post these pictures." Ipinakita niya ang mga larawan na kami lang ni Brent. At yung larawan kong nasa mga bisig niya habang kinukuha ako sa gitna ng bar. Sheeemaaay! Nakatingin halos lahat ng mga tao. "I won't mention anyone here...or who's to blame... but I want you all to keep t hat in mind. Para maliwanagan na ang lahat ng issue kay Maxine Alvarado. Max, this is f or you!" Ngumiti siya sakin. Pero ganun pa man kinakabahan parin ako dahil sa pag-alis ni Brent. "Sa tingin ko sinabi mo na ang lahat." Sabi ni Brent ng di nakla microphone pero dinig parin siya dahil natahimik ang lahat ng nakita ko siyang pumunta sa stage, Akala ko doon siya pipirmi, pero hindi pala. Lumapit siya sakin. Umalis tuloy an g ibang taong nakapaligid sakin. Nakangiti siya at kumikinang ang diamond earring niya. "Hindi masasayang ang pakikinig niyo sa twin ko." Sabi niya. "Dahil huli na 'to. .." Bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Narinig ko pa ang hiyawan ng mga tao. Kilig na kilig ang mga babae, Sinuportaan naman siya ng barkada at teammates niya. "Maxine Theodora Alvarado..." Linabas niya ang isang red na box. Agad akong pinagpawisan kas alam ko kung anong nasa loob. Akala ko sa sine at pa labas ko lang makikita ang mga ito pero di ko alam na sa isang iglap, mararanasan ko rin. "Alam kong bata pa tayo, pero ayoko nang pakawalan 'to..." Binuksan niya at naaninaw ko ang isang singsing na may diamond sa gitna at dalaw ang diamond sa magkabilang dulo. "I've never been and never will be in love with anyone like I am with you." Ngum

iti siya. "And I never want to part with you... ever again." Katahimikan. "So... Marry me." O-M-G! Sa hindi mabilang na beses, inutusan ulit ako ni Brent Damien Cruz. At et o na! Eto na ang pinakapaborito ko. Hindi niya talaga ako tinanong. Inutusan na talaga ako. P ara bang wala nang kawala. Halos mapaiyak ako. Alam kong may mga taong masasaktan sa gagawin ko. Pero ayokong saktan ang taong pinakamamahal ko para pagtakpan ang tunay kong nararamdaman. Kaya I'm sorry... I 'm sorry kung may masasaktan ako ngayong magpapakatotoo na ako. Life is short. Love. Kung masaktan ako, bahala na. Kung masaktan ko sila... bahala na. Just for this time... I want to be selfish. Just this one. Kasi di ko kayang makita siya ulit na malungkot ang mga mata at namama limos ng pagmamahal kong kaya ko namang ibigay. "Yes!" Umulan ng palakpakan... lalo na nung hinalikan niya ako.

Postface.<3

*Do you know I exist just to promise you this... endlessly to be true to you...* Nasa isang private island kami habang hinihintay ang bride. Malamig ang simoy ng hangin at dinig namin ang alon ng dagat. Hindi naman siya late maaga lang talaga ako. Maag a din yung groom at ang kanyang pamilya. Nakaupo ako sa dulo. Puti ang soot ko. All white k asi ang kanyang kasal... *and if you answer my prayer, I'd cross my heart and I swear...* Nakakahiya tuloy, parang excited na excited ako dahil ang aga ko dito. "Uhm, Paul..." Sabi ko sa groom na mukhang nininerbyos at masayang-masaya. "Stro ll lang ako sandali ah?" "Oh sure! May isa pang private resort diyan sa kabila. Maraming turista. Siguraduhin mong makakabalik ka very soon ah baka maudlot ang kasal namin sa pagwawala ni Brent." Tumawa siya. "Oo naman no! Hindi na rin siguro ako aabot sa resort na yun." Sabay ngiti ko. Umalis ako at naglakad-lakad. Ang ganda ng tanawin, sobra! Grabe ang taste ni Ar

a! Ilang sandali ang nakalipas, narealize kong mejo lumayo na ako sa venue at napunta na ako sa k abila. "Malapit lang pala dito ang kabilang resort." Tinanggal ko ang sandals ko at lumapit pa sa dagat. Nabigla ako nang may malakas at maliit na alon ang paparating kaya tumakbo ako n g paatras para di mabasa ang paa... "Oooopps!" Bumunggo ako sa isang tao. Oh no! "I'm sorry." Sabi ko kahit di ko nakita ang mukha niya. Paatras kasi akong tumak bo kaya paatras ding bumunggo. Nasa likuran ko siya. Pareho kaming nakaupo sa buhangin dahil natumba sa pagkaka bunggo. Agad akong tumayo. Nasira tuloy ang buhok ko. Naaninaw ko rin siya nang humarap ako sa kanya. May dala siyang camera at nakang iti kahit nabunggo ko. "You're pretty." Sabi ng mukhang may dugong foreigner at naka board shorts lang na lalaking kasing edad ko. "Are you staying in our resort?" OUR? Meaning kanila 'tong resort na 'to? "Hindi... Uh..." Naglahad siya ng kamay pero bago siya makapagsalita... may bigla ng humawak sa b aywang ko. "Brent Damien Cruz." Siya yung kumuha sa kamay nung lalaki at nakipagkamayan. "Brent?" Nakangisi ang ungas. "D4mn pretty right, my wife?" Speechless ang half-foreigner na may ari ng resort na 'to. Si Brent naman, nakan giti. Sarcastic ang mokong. Nagseselos? My wife pa ah? Okay lang... Yinaya niya naman akong magpakas al at um-oo naman ako kaya okay lang siguro... Hinalikan niya pa ang noo ko na para bang nagpapasikat. "Tayo na, Brent." Sabi ko. "Oh... okay!" Sabi niya tapos tumingin siya sa half foreigner habang papaalis. "Agawin mo kung kaya mo." Bulong niya.

Sinapak ko na! "Huy! May pa wife-wife ka pa diyan ah? Anong problema mo?" Tumawa ako. Halatang nagseselos ang mokong. Natatawa tuloy ako sa ginagawa niya. Di naman ka ilangan yun eh. "At ikaw naman... kung saan saan ka nagpupunta!" Kiniliti niya ako. Napatakbo tu loy ako papalayo pero agad niya namang naabutan. "Kung wala ako dun, ano na?" Sabi niya. "Kung wala ka dun edi umalis na ako." Sabi ko ng tumatawa. "Kung wala ako dun baka... naagaw ka na." Mahinang mahina ang boses niya nang si nabi niya ang huling mga salita. Narinig ko naman kaya kiniliti ko na ang nagtatampon g Brent. "Ano ka ba? Hindi no! Hinding hindi!!!" Sabi ko. "Tsaka buti na lang di kayo nag -away nun, mukhang may ari yun ng resort na 'to." Tumaas ng kilay niya, "Magkano nga ba 'tong islang 'to? mabili nga ng mapaalis k o na siya dito?" Nagtawanan kami. Bigla siyang nagseryoso... at... "Wa'g mo akong iwan." Sabi niya. "Hindi ko maka kaya yun. Halos buong buhay ko binuhos ko sa pagmamahal at pagpapaibig sayo. Ngayong mahal mo na ako, ibubuhos ko naman ang buhay ko sa pagmamahal sayo at pagsisimula ng buhay na tayong dalawa. Kung mawawala kang bigla, mawawala ang lahat sakin." "Ba't mo ba iniisip na mawawala ako? Eh hindi naman. Kahit ilang gwapong lalaki pa diyan ang magpakita, mas gwapo ka parin at ikaw lang yung gusto ko, ikaw yung mahal ko.." Seryoso ang mukha niya nang tumigil siya at hinarap ako. Di parin siya nagbabago . Mabango, gwapo lalo na kung ngumiti, nakakainlove, malakas ang dating, at hot parin siya. Nung highschool ko pa alam na ganito dapat ang description niya kaya lang nabulag ako sa first impression ko sa kanya. "Mahal na mahal kita." Sabi niya habang hinahawakan ang kamay ko at ginagalaw an g binigay niyang engagement ring sakin, isang taon na ang nakalipas. "Mahal na mahal din kita." Sabi ko. "Mas mahal kita." Sagot niya. Ngumiti ako. Dahan-dahan niyang tinanggal ang singsing ko... "Bakit?" Tanong ko. "Marry me." Sabi niya.

"Oo! Pakakasalan kita Brent Damien Cruz." Sabi ko, nagtataka. Lumuhod ulit siya. Napangiti ako. Di alam kung ano talaga ang nangyayari sa kany a. Ipinakita niya ang dalawang eternity ring sa loob ng kulay pulang mas malaking b ox.

"I mean... tomorrow." Napanganga ako. Kaya niya tinanggal ang singsing ko!!! OMG! OMG! OMG! Nag hyperv entilate na ang lola niya. Bukas agad? Di pa nga tayo nakapagplano! Sa likuran niya nakita ko ang ibang teammates niya, si Chad at si Chloe nakangis i at pumapalakpak. Bumagsak na kung bumagsak sa Brentology, bahala na. This is it! Brent Damien Cru z, number 1 basketball varsity, Ara Cruz's twin brother, the governor's son... and tomorrow. ..

"Oo! Pakasal na tayo! Bukas agad!" Pinatayo ko siya at niyakap. Halos mangiyak-n giyak ako. Naiisip ko ang mga sakripisyong ginawa nya para magising ako sa katotohanan na m ahal ko siya. Ayaw ko na ring patagalin 'to. Kung ibang lalaki 'to, matagal na sigurong nag gi ve-up. Pero si Bren't to eh, yung playboy na nagmahal... ng sobra. "And tomorrow, you'll be my wife." Ngumisi siya at hinalikan ako. "Sabi ko sayo eh, mahal mo ako, di mo lang alam... I guess I'm finally visible... to the only woma n I see." jonaxxstories.blogspot.com

Anda mungkin juga menyukai