Anda di halaman 1dari 3

I. Mga Layunin: a) Nakikilala ang wastong pagtatapon ng basura. b) Napapahalagahan ang wastong pagtatapon ng basura.

c) Nakasusulat ng maikling tula ukol sa wastong pagtatapon ng basura II. Paksang Aralin: A. Paksa : B. Sanggunian : C. Mga Kagamitan:

Ang Pagtatapon ng Basura mga larawan ng wastong pagtatapon ng basura

III. Pamamaraan: Gawaing Guro A. Paghahanda a. Balik- Aral Kahapon ay pinag-aralan natin ang tungkol sa suliranin sa basura. Paano natin malulunasan ang suliranin sa basura? Malulunasan po natin ito sa pamamagitan ng pagiimbak, pag-iipon at pagtatapon nito. Gawaing Mag-aaral

Magaling! b.Pagganyak May inihanda akong awitin na pakikinggan ninyo.Ang pamagat nito ay Masdan mo ang Kapaligiran. Kinanta ito ng bandang ASIN.Pagtapos ng awit ay magtatanong ako hinggil dito.Handa na ba kayo mga bata? Opo Naibigan ba ninyo ang awit? Opo. Batay sa awit na inyong napakinggan, bakit sa palagay ninyo ang tubig sa dagat dati ay kulay asul ngayon ay naging itim? Ang tubig po sa dagat dati ay kulay asul ngayon ay naging itim dahil nagtatapon tayo ng mga basura doon. Mahusay! Ang pagtatapon ng basura sa kung saan-saan ay nakakasira Sa kalikasan. Kaya upang malunasan natin ito ay dapat nating malaman ang wastong pagtatapon ng basura na pag-aaralan natin sa araw na ito. Bago tayo magsimula ay narito ang mga salitang aalisin natin ng balakid Upang lubos ang inyong pagkatuto.

c. Pag-alis ng balakid 1. compost pit hukay sa lupa kung saan binabaon ang mga basura gaya ng tirang pagkain na kinalaunan ay maaaring gawing pataba sa mga halaman. 2. garbage grinder makina na ginagamit paggiling basura.

B. Paglalahad Narito ang mga halimbawa ng wastong pagtatapon ng basura. (Magpakita ng larawan) Ano ang nakikita niyo sa unang larawan? Binabaon at tinatabunan po ng lupa ang basura. Tama! Ang hukay ay tinatawag na compost pit. Ang mga nabubulok na basura ay maaaring maging pataba sa lupa. . Ano naman ang nakikita niyo sa ikalawang larawan? Sinusunog po ang mga papel at dahon. Magaling! Bakit ipinapayo na gawin lamang ito sa lalawigan at bayan at hindi sa mga lungsod at mataong lugar? Ipinapayo po na gawin lamang ito sa lalawigan at bayan at hindi sa mga lungsod at mataong lugar dahil ang usok na malilikha ay maaaring makaragdag sa polusyon sa hangin. Ngunit may maganda din itong naidudulot bukod sa Nakababawas ng basura ay ang usok na nagmumula sa pagsusunog ay nagtataglay ng carbon dioxide na kailangan ng halaman sa paglaki. Ano naman ang nakikita niyo sa ikatlong larawan? Pinapakain po ang mga hayop ng tirang pagkain Magaling!Kaysa itapon kung saan-saan, ang nabubulok na basura gaya ng tirang ulam, gulay at prutas ay maaaring ipakain sa hayop. Ano naman ang nakikita ninyo sa ikaapat na larawan? Ginigiling po ang basura sa makina. Tama! Ang makinang nagggigiling ay tinatawag na garbage Grinder. Ito ay ikinakabit sa lababo. Ang mga tirang pagkain kasama ng malilit na buto ay nagiging maliit na bahagi at tumutuloy Sa mga tubong daluyan ng dumi at tubig galing sa kusina hanggang septic tank ng tahanan o pampublikong tangke ng pamayanan. Ilan lamang iyan sa mga halimbawa ng wastong pagtatapon ng basura. Naintindihan ba ninyo ang aralin natin sa araw na ito? Opo C.Pagsasagawa Sumulat ng maikling tula ukol sa wastong pagtatapon ng basura.

D. Paglalahat Ano-ano ang mga wastong pagtatapon ng basura? Pagbabaon at pagtatabon ng lupa sa basura. Pagsusunog ng basura.

Pagpapakain ng nabubulok na basura sa mga hayop. Paggigiling ng basura sa garbage grinder. E. Pagpapahalaga Ano ang kahalagahan ng wastong pagtatapon ng basura? Ang kahalagahan po ng wastong pagtatapon ng basura ay upang maiwasan ang sakit na dulot nito. IV. Pagtataya Panuto: Isulat ang TAMA kung nagsasaad ng katotohanan at MALI kung walang katotohanan. Ilagay ang sagot sa patlang. __________1. Ang wastong pagtatapon ng basura ay nangangailangan ng mahal na halaga. __________2.Ang compost pit ay simpleng paraan upang maibsan ang problema sa basura. __________3. Ang pagsusunog ng papel at dahon ay nakakasama sa kalikasan. __________4. Ang nabubulok na basura ay maaaring ipakain sa hayop. __________5. Ang garbage grinder ay makina na gumigiling ng basura. V. Takdang- Aralin Magsaliksik ukol sa mga paraan ng pagtatambak ng basura.

Anda mungkin juga menyukai