Anda di halaman 1dari 2

ALAMAT NG DURYAN

Ang ninuno ng tribo ng mga Bagobo na ngayoy naninirahan sa


kagubatan ng Mindanao ay mga sakop ni Datu Duri. Ang
kahulugan ng duli ay tinik pagkat siya ay laging nagbibigay ng
ligalig sa kanyang mga kaaway.
Iilan pang taon ang nakalilipas sa kanyang pagka-Datu nang siya
ay nagkaroon sa kanyang kabiyak ng isang tagapagmana ng
kaharian. Ang batay pinangalanang Durian, na ang gusting
sabihiy munting tinik.
Nagpakita sa Datu ang Dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na
ang kanyang anak ay mabubuhay ng labingsiyam na taon
lamang.
Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalin
ang sakop ng kanyang ama. Sa di-kawasa ay dumating ang
malungkot na sandali. Ang sinabi ng Dakilang Lumikha ay
natupad. Si Durian ay nagkasakit. Sinuman sa kaharian ay walang
makapagbigay ng lunas. Ang Datu ay nalungkot at nawalan ng
lakas na harapin ang katotohanan.
iniling ni Durian sa kanyang ama na kapag siyay namatay ang
kanyang bangkay ay doon ilibing sa ilalim ng durungawan ng
kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang kaluluwa sa lahat
ng sandali. Ito ay natupad.
Sa ikasiyam na araw ay napansin sa libing ni Durian na may
halamang sumisibol.
Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman, yumabong ang
sanga hanggang sa itoy namulaklak at namunga.
Isang araw, tinikman ni Datu Duri ang isang hinog na bunga.
Nagsisunod ang mga kawal sa palasyo pati ng mga nasasakupan.
Nakita nilang ang balat ng bunga ay manipis at maliit ang buto.
Ang laman ay malasutla at matamis. Naniwala ang mga taong
itoy ibinigay ni Bathala bilang isang alaalang tagapagpagunita
hinggil kay Durian noong nabubuhay pa siya.
Si Datu Duri ay matandang-matanda na. Isang taksil ang naggulo
sa mga alipin upang pag-imbutan ang kanyang kapangyarihan at
kayamanan. Itoy si Sangkalan. Sa huliy siya ang naging datu.
!anyang dinigma at pinasuko pati ang mga Bilaan at Manobos.
Napag-alaman ng Dakilang Bathala ang kasakiman ni Sangkalan.
!anya itong pinarusahan. "inawalan ang kidlat at kulog.
Nakatutulig na putok ang narinig pagkatapos ng ilang saglit may
nakitang mahiwagang liwanag na nakabalot sa punong-kahoy na
nakatayo sa libingan ni Durian.
Siniyasat ni Sangkalan at ng mga tao ang puno. Ang mga bunga
ay nagkaroon ng malaki at maraming tinik na katulad ng rimas.
Nagalit si Sangkalan at isinumpa ang Diyos. "inagpalaluan ang
!anyang karunungan.
Noon diy nangalaglag ang lahat ng mga bunga ng punong-kahoy
at natabunan ang katawan ni Sangkalan. Nadurog ang kanyang
bungo at nalamog ang buong katawan. Noon diy itinanghal na
bangkay si Sangkalan. Ang mga tao ay nasiyahan sa nangyari.
Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punong-kahoy,
kanilang nakitang ang balat ay makapal at ang buto ay malaki,
ngunit ang laman namay matamis. Nakatawag ng pansin ang
masama nitong amoy.
Iyan ang kauna-unahang puno ng Durian.