Anda di halaman 1dari 3

Aralin 1: ANG PAMAHALAANG BARANGAY

I. Layunin: Nailalarawan ang pamahalaang barangay


II. Paksang-Aralin:
Ang Pamahalaang Barangay
SAngunian: BEC-PELC I.A 1.1
Batayang Aklat sa HEKASI 5
Kagamitan: plaskard, tsart
Pagpapahalaga:
Paggalang sa namumuno
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magbalitaan ang mga bata tungkol sa mga pangyayari sa kani-kanilang barangay.
2. Pagsasanay
Ipaayos ang mga titik upang makabuo ng salita. Pagbigayin ang mga bata ng mga
kabatiran tungkol ditto.
a. N O U N I N (Ninuno)
b. I P O N L I P I (Pilipino)
3. Balik-Aral
Magbigay ng mga konseptong natutuhan ng mga bata nang sila ay nasa ikaapat na baiting.
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang salitang PAMAHALAAN na nakasulat sa plaskard.
2. Ipakita ang kahulugan nito.
3. Ipakita ang larawan ng balangay. Magtanong ng ilang bagay tungkol ditto.
4. Iugnay ito sa pamahalaang barangay.
5. Ipabuo ang suliranin.
Paano ang sistemang pamumuno ng mga unang Pilipino sa pamahalaang barangay?
6. Paglikom ng mga kaalaman sa mga sanguniang aklat.
7. Pagtatalakayan.
Gamitin ang retrieval chart.
Pamahalaang Barangay
a. Namumuno
b. Bilang ng mga Kasapi
c. Mga Tungkulin ng Namumuno
d. Paraan ng Pamamahala

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ang barangay ay ang payak na sistemang pamamahala ng mga unang Pilipino na
pinamumunuan ng datu na gumaganap ng ibat ibang tungkulin.
2. Paglalapat.
Sabihin sa mga bata na magdalawan (diads). Ibahagi sa isat isa ang kanilang sagot sa
sumusunod na mga tanong.
a. SAang barangay ka kabilang?
b. Kung ikaw ay isang datu, anu-ano ang iyong gagawin para sa ikabubuti ng inyong barangay?

IV. Pagtataya
Punan ng wastong sagot ang bawat patlang.
1. Pinamumunuan ang pamahalaang barangay ng isang_____
2. Gumaganap siya ng mga tungkuling _____, _____, at __________
3. May tagahatid ng balita sa barangay na tinawag nilang ___________
4. Binubuo ang isang barangay ng mga __________ mag-anak.
5. Mula sa salitang balangay ang barangay na ibig sabihin ay ______
V. Kasunduan
1. Gumupit ng mga titik ng salitang BARANGAY. Idikit ito sa puting papel. Bumuo ng akrostik
tungkol ditto.
2. Basahin sa inyong batayang aklat ang tungkol sa pamahalaang sultanato. Sagutin ang
sumusunod na mga tanong.
a. Ilarawan ang pamahalaang sultanato.
b. Saang panig ng Pilipinas may pamahalaang sultanato?

Anda mungkin juga menyukai