Anda di halaman 1dari 1

BUOD GILINGANG BATO

Ang kuwento ito ay naglalahad tungkol sa isang pamilyang ang naging


ikinabuhay ay ang paggawa at pagtitinda ng mga kakanin gamit ang kanilang sariling
lumang gilingang-bato. Ang gilingang- bato ay naging instrumento ng inang si Aling
Trining upang kumita ng pera at mapag-aral ang mga anak hanggang sa kolehiyo. Nang
mamatay ang kanyang asawa ay inako na niya ang responsibilidad sa pagpapalaki ng
limang anak. Hinangaan si Aling Trining na kahit na ang buong angkan nila ay kilala sa
paggawa ng mga masasarap na kakanin ay naitaguyod niya ang kanyang mga anak at
napag-aral pa sa Maynila. Maliban sa kanyang ikaaapat na anak na di gaanong matalino
ay naiwan sa kanya hanggang sa makapag-asawa. Nagkaroon ng kanya-kanyang pamilya
ang mga anak ngunit di nila nalilimutan na dalawin ang kanilang ina. Alam nila ang ugali
ng ina na madali nitong nararamdaman kung kapos sa pera ang anak na dadalaw. Mas
nanaisin pa ni Aling Trining na siya ang mag-abot ng pera sa mga anak kaysa siya ang
bibigyan. Ang kanyang bunso na di gaanong naging matagumpay sa buhay ang siyang
naghihikahos ngunit hindi niya gusto na malaman ito ng ina kaya ang kanyang ginagawa
kapag siya ay dumadalaw siya ay nanghihiram ng pera sa kaibigan at kunwaring iaabot sa
ina. Alam niyang kapag inaabutan ang ina ay hindi naman ito tatanggapin. Ayaw lamang
ng bunsong anak na mag-aalala at maging pabigat siya sa kanyang ina. Ipinagpatuloy pa
rin ng ina ang paggawa ng kakanin kahit pa siya ay di na gaanong malakas tulad ng dati
dahil sa katandaan. Pinipilit siya ng mga anak na ihinto na ang ganitong gawain ngunit
laging sinasabi ng ina na lalo raw siyang manghihina. Namatay ang kanilang ina na
makikita sa mukha nito na masaya siya. Naging kaugalian sa kanilang lugar na kapag
namatay na ang kanilang magulang ay kailangang kumuha sila ng isang bagay na
maaaring makapagpaalala sa kanya. Ang magkakapatid ay kanya-kanya ng mga pinili
ngunit ni isa sa kanila ay walang pumili bilang pamana ng kanilang ina ang gilingangbato.