Anda di halaman 1dari 3

Ang Sayaw ng Mandirigma

Noong unang-unang panahon ay mababa lamang ang kalangitan. Napakababa nito na


kayang abutin ng mga tao.
Dahil sa lapit na ito ng langit, ang kahilingan ng mga tao ay agad na naririnig ng mga
diyos sa kalangitan at kaagad na ipinagkakaloob sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit
sadyang inilapit ng mga diyos ang langit sa mundo. Ang nais nila ay matulungan ang mga
tao. Sa ganitong kalagayan, maligaya ang mga tao. Wala silang gagawin kung hindi humingi
at agad namang ipagkakaloob sa kanila.
Hindi nagtagal, umabuso ang mga tao. Naging tamad na sila. Ayaw na nilang
magtrabaho at iniaasa na lamang sa mga diyos ang kanilang panga-ngailangan. Dahil dito,
nagalit ang mga diyos kaya binago nila ang kanilang panuntunan. Patuloy pa rin nilang
pangangalagaan at pagbibigyan ang mga tao sa kanilang kahilingan ngunit paghihirapan
muna nila ito. Kailangan nilang magtrabaho bago nila makamtan ang anumang nais nila.
Mula noon, hindi na naging madali ang pamumuhay ng mga tao. Nagsimula na silang
gumawa sa bukid sa ilalim ng init ng araw o buhos ng ulan. Ang pagtatanim at pag-aani ay
kanilang pinagtutulungan.
Pagkatapos ng anihan, sila ay nagkakaroon ng mga pagdiriwang bilang pasasalamat
sa masaganang ani. Naghahanda sila ng maraming pagkain at inumin. Ang kasayahang ito ay
inaabot ng isang buong linggo. Masaya ang lahat, lalo na ang mga magsasaka, dahil
makapagpapahinga sila ng ilang buwan habang marami pa silang pagkain.
Isang araw ay inihayag ni Abing, pinuno ng tribu, na magkakaroon sila ng marangyang
pagdiriwang dahil sa higit na masaganang ani. Tulad ng inaasahan, nagkaroon ng malaking
kasayahan ang buong nayon. Bumaha ang napakaraming pagkain at inumin.
Matapos magpasalamat sa mga diyos, nagsimula ang pagdiriwang. Pinagpistahan ng
mga dumalong panauhin ang masasarap na pagkain at inumin. Matapos ito ay inanyayahan
ng pinuno na manood ang lahat sa ipakikitang sayaw ng mga mandirigma bilang parangal sa
pagpapanatili nila ng katahimikan sa kanilang lugar.
Gayon na lamang ang tuwa ng mga tao nang magsimulang sumayaw ang mga
mandirigma na buong husay na iwinawasiwas ang kanilang mga sibat. Sinabayan sila ng mga
panauhin sa pag-indak sa tugtog habang pumapalakpak. Isang mandirigmang napakahusay
humawak ng sibat ang labis na hinangaan ng mga manonood. Bigla silang natahimik habang
pinanonood ang kakaibang husay nito sa pagsayaw at paghawak ng sibat. Dahil sa
kalasingan at nakikitang paghanga ng tao sa kanya, marahan itong umikot paitaas at
ikinumpas ang kanyang sibat nang napakataas.
Napasigaw ang lahat! Nakalimutan ba ng mandirigma na mababa lamang ang langit?
Hindi lamang niya natusok ang mga ulap, nasugatan din niya ang isa sa mga nanonood na
diyos!
Nagalit ang ibang mga diyos sa pangyayaring ito. Nang gabi ring iyon, ipinasya nilang
itaas ang langit mula sa lupa.
Simula noon, ang panalangin ng mga tao ay naglalakbay muna ng napakalayo bago
marinig ng mga diyos at ito ay ipagkaloob sa kanila. Patuloy pa ring pinangangalagaan ang
mga tao ng mga diyos sa langit ngunit ang binibigyan lamang nila ng grasya ay iyong mga
karapat-dapat. At kung ibigay man ang hinihiling nila, ito ay karaniwang hindi kaagad.
Nagtatagal muna bago ito ipagkaloob. Nangyari ito dahil lamang sa walang ingat na
pagsasayaw ng isang mandirigmang nakatusok sa ulap at nakasugat sa isa sa mga diyos.

Alia Florence V. Quintos


SSC Euclid

I Pamagat: ANG SAYAW NG MANDIRIGMA


II Tagpuan: Sa isang nayon, sa bukid
III Tauhan: 1. Abing pinuno ng tribu
2. Mga diyos tagapagpatupad ng mga kahilingan ng mga tao
3. Mga tao naging tamad at mapang-abuso
4. Mga mandirigma sumayaw ng buong husay at isa sa kanila ay may angking galing
sa paghawak ng sibat
5. Mga panauhin umiindak sa tugtog habang pumapalakpak
IV Banghay ng Kuwento:
Noong unang panahon ay mababa lamang ang kalangitan. Napakababa nito na kayang abutin ng
mga tao. Dahil sa lapit na ito ng langit, ang kahilingan ng mga tao ay agad na naririnig ng mga diyos sa
kalangitan at kaagad na ipinagkakaloob sa kanila. Dahil dito, naging maligaya ang mga tao. Wala silang
gagawin kung hindi humingi at agad namang ipagkakaloob sa kanila.
Hindi nagtagal, umabuso ang mga tao. Naging tamad na sila. Ayaw na nilang magtrabaho at
iniaasa na lamang sa mga diyos ang kanilang panga-ngailangan. Dahil dito, nagalit ang mga diyos kaya
binago nila ang kanilang panuntunan. Patuloy pa rin nilang pagbibigyan ang mga tao sa kanilang
kahilingan ngunit paghihirapan muna nila ito. Kailangan nilang magtrabaho bago nila makamtan ang
anumang nais nila. Mula noon, hindi na naging madali ang pamumuhay ng mga tao. Nagsimula na silang
gumawa sa bukid sa ilalim ng init ng araw o buhos ng ulan. Ang pagtatanim at pag-aani ay kanilang
pinagtutulungan. Pagkatapos ng anihan, sila ay nagkakaroon ng mga pagdiriwang bilang pasasalamat sa
masaganang ani.
Isang araw ay inihayag ni Abing, pinuno ng tribu, na magkakaroon sila ng marangyang
pagdiriwang dahil sa higit na masaganang ani. Tulad ng inaasahan, nagkaroon ng malaking kasayahan
ang buong nayon. Bumaha ang napakaraming pagkain at inumin. Nagsimulang sumayaw ang mga
mandirigma na buong husay na iwinawasiwas ang kanilang mga sibat. Isang mandirigmang napakahusay
humawak ng sibat ang labis na hinangaan ng mga manonood. Bigla silang natahimik habang pinanonood
ang kakaibang husay nito sa pagsayaw at paghawak ng sibat. Dahil sa kalasingan at nakikitang
paghanga ng tao sa kanya, marahan itong umikot paitaas at ikinumpas ang kanyang sibat nang
napakataas. Napasigaw ang lahat! Nakalimutan ba ng mandirigma na mababa lamang ang langit? Hindi
lamang niya natusok ang mga ulap, nasugatan din niya ang isa sa mga nanonood na diyos!
Nagalit ang ibang mga diyos sa pangyayaring ito. Nang gabi ring iyon, ipinasya nilang itaas ang
langit mula sa lupa. Simula noon, ang panalangin ng mga tao ay naglalakbay muna ng napakalayo bago
marinig ng mga diyos at ito ay ipagkaloob sa kanila. Ang binibigyan lamang nila ng grasya ay iyong mga
karapat-dapat. At kung ibigay man ang hinihiling nila, ito ay karaniwang hindi kaagad. Nangyari ito
dahil lamang sa walang ingat na pagsasayaw ng isang mandirigmang nakatusok sa ulap at nakasugat sa
isa sa mga diyos.
V Suliranin: Tao laban sa sarili
Sa pagbibigay ng mga diyos sa kahilingan ng mga tao, naging masaya at magaan ang kanilang
pamumuhay na nagdulot ng hindi maganda. Sila ay naging tamad at mapang-abuso na ikinagalit ng mga
diyos sa langit. Mula noon, hindi na naging madali ang pamumuhay ng mga tao. Nagsimula na silang
gumawa sa bukid sa ilalim ng init ng araw o buhos ng ulan.
Dahil sa idinaos na pagdiriwang, may isang mandirigma na sumayaw at mahusay sa paghawak
ng sibat, sa kalasingan at nakitang paghanga ng tao sa kanya, marahan itong umikot paitaas at
ikinumpas ang kanyang sibat nang napakataas. Natusok niya ang mga ulap, nasugatan din niya ang isa

sa mga nanonood na diyos! Dahil doon, nagalit ang ibang mga diyos. Nang gabi ring iyon, ipinasya nilang
itaas ang langit mula sa lupa. Simula noon, ang panalangin ng mga tao ay naglalakbay muna ng
napakalayo bago marinig ng mga diyos at ito ay ipagkaloob sa kanila.
VI Kasukdulan:
Isang mandirigmang napakahusay humawak ng sibat ang labis na hinangaan ng mga manonood.
Bigla silang natahimik habang pinanonood ang kakaibang husay nito sa pagsayaw at paghawak ng sibat.
Dahil sa kalasingan at nakikitang paghanga ng tao sa kanya, marahan itong umikot paitaas at
ikinumpas ang kanyang sibat nang napakataas. Napasigaw ang lahat! Nakalimutan ng mandirigma na
mababa lamang ang langit. Hindi lamang niya natusok ang mga ulap, nasugatan din niya ang isa sa mga
nanonood na diyos! Nagalit ang ibang mga diyos sa pangyayaring ito.
VII Wakas:
Ipinasya ng mga diyos na itaas ang langit mula sa lupa. Simula noon, ang panalangin ng mga tao
ay naglalakbay muna ng napakalayo bago marinig ng mga diyos at ito ay ipagkaloob sa kanila. Patuloy
pa ring pinangangalagaan ang mga tao ng mga diyos sa langit ngunit ang binibigyan lamang nila ng
grasya ay iyong mga karapat-dapat. At kung ibigay man ang hinihiling nila, ito ay karaniwang hindi
kaagad. Nagtatagal muna bago ito ipagkaloob.

Anda mungkin juga menyukai