Anda di halaman 1dari 3

MGA KASANAYAN SA PAGBASA NG MGA

TEKSTONG AKADEMIKO
Ang mga sumusunod na ilang
mga kasanayan sa pagbasa ay naglalayong
linangin ang komprehensiyon ng mag-aaral
sa higit pang komprehensibong paraan.
Pag-uuri ng mga detalye o ideya
Pagtukoy sa layunin ng teksto
Pagtiyak sa damdamin, tono, pananaw
ng teksto
Pagkilala sa opinyon o katotohanan
Pagsusuri kung balido o hindi ang
ideya o pananaw
Paghinuha at paghula sa kalalabasan
ng pangyayari
Pagbuo ng lagom at kongklusyon
PAG-UURI NG MGA IDEYA O DETALYE
Ang mga pangunahing ideya o
kaisipan ay higit na mauunawaan kung ang
maliliit na kaisipan o detalye na kabahagi o
kasama nito ay malalaman. Karaniwan, ang
pangunahing ideya ay hindi ipinahahayag ng
nag-iisa, kundi ang mga itoy umaasa lamang
sa maliliit na detalye upang bigyang
kasiyahan o kahalagahan ang mga ito o dili
kayay maging buo ang pagkakaunawa ng
bumabasa.
-

Paul Mckee

Ang kasanayang ito ay


tumutukoy sa kahusayan ng
mambabasa na kilalanin ang
impormasyon o detalye kung mahalaga
at pangunahin o kung sumusuporta sa
pangunahing ideya.
Karaniwan, kinikilalang
pangunahin at mahalaga ang detalye kung
ito ang sentro ng talakay ng akda. Ang mga
katangian nito ay ang mga sumusunod:
Pangunahing tema sa anumang
tekstong ekspositori
Batayan ng mga detalyeng ilalahad sa
teksto at kadalasay makikita sa una
at huling talata
Ang mga detalye ay
tumutulong sa pagpapalawak ng
talakay. Karamihan din sa mga ito ang
nagbibigay-linaw sa paksa. Ang detalyeng ito
ay tumutugon sa layunin ng teksto.
Pero..
Paano nga ba matutukoy ang
pangunahing kaisipan at mga kaugnay na
kaisipan sa kathang binabasa??
1. Basahin ng may pang-unawa ang
buong seleksyon/akda/artikulo
2. Pansinin ang pamagat ng paksa
sapagkat ang paksa ng katha ay
karaniwan nang nahihiwatigan sa
pamagat.
3. Itala ang mga mahahalagang kaisipan
sa isang pangungusap habang
nagbabasa.
4. Suriin ang mga itinalang kaisipan.
Tingnan kung alin sa mga inihanay na

kaisipan ang may lalong malawak na


saklaw ito ang pangunahing
kaisipan.
5. Upang higit na malinaw at maayos
ang pagkakakuha ng pangunahing
kaisipan at mga detalye, isulat ito
nang pabalangkas.
Halimbawa ng balangkas:
PAGTUKOY SA LAYUNIN NG TEKSTO
Ang isang teksto ay naisusulat
dahil sa layunin ng awtor na maipabatid sa
mambabasa ang nais niyang ibahagi o
ipaalam sa pamamagitan ng kanyang akda.
Kadalasan, ang layunin ng teksto ay
maaaring:
Magbigay ng impormasyon
Magbigay ng kasiyahan
Makapagbigay ng opinyon
Makatulong sa pagbabago sa lipunan
Sa kasanayang ito,
makikilala ang layunin o nais mangyari
ng manunulat sa mambabasa. Makikita
ang mga ganitong tuon sa mga salitang
gamit ng manunulat. Maaaring may mga
lumitaw na katanungan sa isipan ng
mambabasa, kagaya ng mga sumusunod:
Tutugon ba ako sa nais ng manunulat?
May bago bang kaalaman ang nais
ibahagi ng manunulat?
Tatanggapin ko ba ito?
Ang kasanayang ito ay
tumutukoy din sa kahusayan ng
mambabasang makilala ang layunin o
kahalagahan ng teksto batay sa
kanyang nakaimbak na kaalaman o sa
karanasan ng manunulat ng teksto.
Maaari rin niyang iugnay ang layunin o
kahalagahan ng teksto sa bagong kaalamang
taglay nito.
PAGTIYAK SA DAMDAMIN, TONO AT
PANANAW NG TEKSTO
Tumutukoy ang kasanayang ito
sa kahusayan ng mambabasang makita ang
hangarin, persepsyon at binibiyang-diing
kaalaman ng teksto. Sangkot din dito ang
pagkilala ng mambabasa sa damdamin ng
manunulat sa paksang tinalakay.
Sa kasanayang ito,
nakatuon ang pagkilala sa damdamin o
saloobin ng mambabasa at sa tono at
pananaw ng teksto o saloobin ng
manunulat na pinag-ugnay.
Tono tumutukoy sa damdamin ng
awtor o manunulat sa paksang
kanyang isinusulat. Ang ilan sa mga
tono ng awtor ay masaya, malungkot,
galit, magpasaya, mang-aliw at iba pa.
Damdamin tumutukoy naman sa
saloobin ng mambabasa habang
binabasa ang isang akda o pagkatapos
mabasa ang isang akda. Ang mga
damdamin ay maaaring lungkot, saya,
galit, takot at ba pa.

Pananaw tumutukoy ito sa


panauhang ginamit ng awtor sa
kanyang akda. May tatlo itong uri.
Unang panauhan ako, tayo, akin, ko,
namin at atin
Ikalawang panauhan ikaw, iyo, mo,
inyo, kayo at ninyo
Ikatlong panauhan tumutukoy sa
taong pinag-uusapan tulad ng siya,
sila, kanya, kanila at nila.
Halimbawa:
The warmth of the night, the coldness of
day. How can I cope up if your far away?
Hindi ko na ito kaya pang pigilan! Kailangan
ko na itong puntahan! At doon.. Doon ko
isisigaw ang kalayaan!
Mahalaga ang kasanayang ito
upang lubos na maunawaan ang teksto at
matanggap ang istilo ng manunulat. Sangkot
sa pagkilala ng kasanayang ito ang salitang
gamit ng manunulat sa pagpapalawig ng
kanyang akda na kadalasan ay nakabatay sa
kanyang paniniwala at prinsipyo sa buhay.
PAGKILALA SA OPINYON O
KATOTOHANAN
Walang maling opinyon,
sariling sagot ng tao yan. Pero, marami
naman ang mga maling katotohanan na
hindi alam ng nakararami na mali ang
kanilang pinaniniwalaan!
- Anonymous
Tumutukoy ang kasanayang
ito sa kahusayan ng mambabasa na
kilalanin ang katotohanan o
kabalintunaan ng mga detalyeng
ibinigay ng manunulat. Bahagi nito ang
paghahanap ng mambabasa ng ebidensiya o
katibayan mula sa teksto upang mapagtibay
ang mga isinaad ng manunulat.
Dalawang uri ng pahayag:
Ang katotohanan ay nagsasaad
ng isang pangyayaring talagang naganap o
napatunayan nang totoo.
Halimbawa:
Umuulan na kaya sumilong na
kayo!
Ipinahahayag dito ang isang
katotohanang batay sa nakikita at
nadarama.
Ang opinyon naman ay
nagpapahayag ng sariling damdamin o
palagay.
Halimbawa:
Naku! Sumilong na kayo at
baka umulan na!
Nagsasaad lamang ito ng
opinyon o haka na baka umulan
TANDAAN:
Kapag opinyon..
Kinikilalang opinyon ang detalye kung
ito ay nakabatay sa paniniwala lamang
ng manunulat.
May kakulangan sa paglalabas ng
ebidensiya

Ang mga opinyon ay hindi masasabing


tama o mali
Ang mga pahayag ay pansariling
saloobin o damdamin lamang ng isang
nagpapahayag
Kapag katotohanan..
Ito ay nakabatay sa pangkalahatang
kaalaman
Hindi mapapasinungalingan
May mga katibayan o batayan o
ebidensiya
PAGSUSURI KUNG BALIDO O HINDI
ANG IDEYA O PANANAW
Ang isang matalinong
mambabasa ay mahusay magsuri ng
tekstong kanyang binabasa. Napaglilimi-limi
niya kung katanggap-tanggap ba ang isang
ideyang inilalahad dito o hindi.
- Dr. Servillano Marquez
Masasabing balido ang isang
pahayag o ideya kung ito ay:
Tumutugon sa kaisahan ng mga
talatang bumubuo sa teksto
May batayan o saligan upang
mapatunayang dapat ngang
tanggapin bilang isang balidong ideya
Kapag ang mga pahayag ay
nakabatay sa mga aktwal na pangyayari,
karanasan at obserbasyon(factual na
pahayag).
Halimbawa:
Ang instabilidad ng ekonomiya
ng Pilipinas ay makikita sa tulak-kabig na
kalagayan ng piso.
Kapuna-puna nag
katotohanan(instabilidad ng piso) ay ibinatay
sa pagtaas at pagbaba ng halaga ng piso,
kalagayang mapupuna natin na napapabalita
at nalalathala sa mga pahayagan.
Kung hindi naman balido,
kailangan ang higit pang pag-aaral hinggil
dito sa pamamagitan ng pagbibigay ng
batayan o saligan kung paano nakuha ang
mga ideyang ipinapahayag.
Opinyon ang pahayag kapag
nagpapakita ng damdamin o
nagbabadya ng paniniwala ng isang tao
ukol sa isang bagay o usapin.
Halimbawa:
Sa tingin ko mas magaling si
Kobe Bryant kay LeBron James.
Ito ay kakakitaan ng personal
na persepsyon o pagtingin ng mananalita.
Tandaan na ang kongklusyon(mas magaling
si Kobe) ay pahayag na walang
pinagbabasehan na kung anuman maliban sa
pandamang sa tingin(mata) ko.
Narito naman ang ilang
simpleng pamamaraan upang matukoy kung
ang isang pahayag ay isang opinyon lamang:
Ang mananalita o manunulat ay
gumagamit ng mga salitang
nagbabadya o nagpapahiwatig ng
pandamang persepsyon: kagandahan,

kapangitan, kahali-halina at iba pang


kauri
Gumagamit ng mga salitang siguro,
parang, tila at iba pang pariralang
nagpapakita ng opinyon
Ang pagkakaiba lamang, ang
opinyon ay maaaring masabing katanggaptanggap kung ang isasaalang-alang ay ang
paggalang o respeto sa taong nagpapahayag
nito. Tandaan na walang tama o maling
opinyon.
Halimbawa:
Ang pagpapatupad ng
Reproductive Health Bill ay hindi suportado
ng mga Pilipino sapagkat hindi ito
makatutulong sa pagpapababa ng bilang ng
populasyon.
PAGHINUHA AT PAGHULA SA
KALALABASAN NG PANGYAYARI
Ang dalawang salitang
implikasyon at hinuha o palagay ay halos
nagbibigay ng iisang kahulugan. Nagkakaiba
lamang ang mga ito batay sa kung sino ang
gumagawa o tumatanggap ng ideya o
kaisipan.
Ang mga manunulat at
tagapagsalita ay
nagpapahiwatig(imply) o nagbibigay ng
implikasyon, samantalang ang mga
mambabasa at tagapakinig ang
nagpapalagay o bumubuo ng
hinuha(interference).
Ano nga ba ang implikasyon?
Ang implikasyon ay nagpapakita
ng mga palatandaan o pahiwatig. Hindi ito
tiyakang ipinahahayag o sinasabi.
Mula sa mga pahiwatig o
implikasyon ng isang manunulat o
tagapagsalita ay maaaring bumuo ng hinuha
o palagay.
Eh ano naman ang hinuha?
Ang hinuha o palagay ay
nabubuo batay sa mga patnubay na
makatuwiran.
Ang paksa ng isang talata ay
maaaring banggitin ng tiyakan ng manunulat
upang iwan sa mambabasa ang pagbuo ng
hinuha o palagay.
Ito ang hahamon sa
mambabasa na bumuo ng sariling hinuha o
palagay tungkol sa kanyang binasa.
PAGBUO NG LAGOM AT KONGKLUSYON
Ang lagom o buod ang
itinuturing na pinakapayak na anyo ng
paglalahad o diskurso.
Maituturing itong isang
pagpapanibagong-gawa ng akda ng ibang
tao.

Ang pangunahing layunin ng


pagbuo ng lagom o buod ay matulungan ang
mambabasa sa pag-unawa sa diwa ng isang
akda o seleksyon.
Ang mga salitang dapat gamitin
dito ay iyong mga magaan at madaling
maunawaan kaysa sa pananalitang
ginagamit sa orihinal.
Hindi dapat pasukan ng
anumang puna ang akdang hinahalaw.
Para makabuo ng lagom..
Basahin munang mabuti ang buong
akda upang makuha at maunawaang
mabuti ang mga panggitnang kaisipan
Hanapin din ang pangunahing kaisipan
at mga pamumuno o katulong na
kaisipan
Dapat gamitan ito ng mga payak na
pangungusap na sinulat sa isang
paraang madaling maunawaan ng
mambabasa
Hindi dapat na malayo ang diwa sa
orihinal sa ginawang buod
Hindi na kailangan pang banggitin ang
mga salitaan ng mga tauhan
Dapat namang taglayin ng lagom ang mga
sumusunod:
MAIKLI hindi maligoy at hindi hihigit
sa isang talata
MALINAW ANG PAGLALAHAD dapat
na ugnay-ugnay ang mga kaisipan
upang makabuo ng talatang may
kaisahan
MALAYA nakatatayo sa kanyang sarili
at taglay lamang ang pangunahing
ideya o kaisipan ng orihinal na teksto
MATAPAT NA KAISIPAN malinaw na
matutunghayan dito ang intensyon o
hangarin ng awtor.
Samantala..
Mahalaga ang komprehensyon o
pag-unawa sa kabuuan ng tekstong binasa
para makabuo ng isang matibay at
mapanghahawakang kongklusyon sa isang
seleksyon o akdang binasa.
Ang kongklusyon ay ang
paglalagom at pagbibigay-diin sa mga
ideya na inilahad sa kabuuan ng
tekstong nilagom.
Tandaan na..
Hanggat maaari, ang mga
signipikong bahagi lamang ang ikuwento sa
lagom, ngunit huwag kalimutan na maging
maingat para huwag malimutan ang
mahahalagang bahagi (tema, tunggalian,
tauhan at iba pa)

Anda mungkin juga menyukai