SAGOT: Ang pag-alaga ng manok ay pakainin mo ito ng maayos at malinis na pagkain. Pinakain din ito ng dalawang beses sa isang araw. Dapat bigyan ng tubig. Tapos linisin nang mabuti ang kanilang bahay-kulungan para hindi sila magkasakit. Siguraduhing may atip ang kanilang bahay para kapag umulan ay hindi sila mabasa. 2. Anong kalase ng pagkain ang ipapakain sa kanila? Ok lang ba kung ibat ibang pagkain? SAGOT: Oo, basta ito ay malinis. Madalas ay feeds na BSC ang pinapakain sa kalian. Pinapainom din sila ng bitamina. 3. Pinapaliguan ba ang mga manok? SAGOT: Oo,kahit isang beses sa isang linggo upang matanggal ang mga kuto. 4. Mahirap bang alagaan ang mga manok? SAGOT: Hindi naman. Kailangan lang ang sipag at tiyaga. 5. Ilan na ba ang iyong mga manok? SAGOT: Mga nasa labintatlo ang alaga naming manok ngayon. 6. Kumikita ka na ba sa pag-aalaga ng manok? SAGOT: Oo. Sa ngayon, binibenta ko ang mga malalaking mga manok sa halagang Php 200 kada kilo. 7. Kumakain ka ba sa mga alaga mong mga manok? SAGOT: Hindi. Naawa kasi ako sa kanila. Napamahal na sila sa akin kaya ayaw kung kumain at hindi ako ang kumakatay sa kanila.