Anda di halaman 1dari 2

ANG RETORIKA

Ang Retorika

Galing sa salitang Griyego na RHETOR na nangangahulugang guro o maestro na


mananalumpati o orador

Ang kaalaman sa mabisang pagpapahayag, pasalita man o pasulat

Mabisa sapagkat maayos, malinaw, maengganyo, at magandang pakinggan o basahin ang


pagsasabi

Isinasaalang-alang dito hindi lamang ang mga kaalamang gustong ibahagi, gayundin ang
mga kaalamang pangwika gaya ng palatunugan at palabigkasan kung pasalita, ng palabaybayan
at palabantasan kung pasulat, bagkos at lalot higit, yaong matimbang na pagpili at tamang
paggamit ng mga salita, at ang maingat at lohikal na pagbuo ng mga kaisipan
mapasapangungusap o mapasatalata.

Tumutukoy sasining ng maayos, malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag upang


maunawaan at makahikayat sa mga nakikinig at bumabasa.

Tumutukoy sa agham at sining ng pagpapahayag maging pasalita man o pasulat sa tulong


ng wasto at makabuluhang paggamit ng wika, kaagapay ng masining at mabisang estilo ng
pagpapahayag.
Retorika
Ayon kay Sebastian(2007), ito ay isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag na kung saan
ay tinukoy kung maganda o kaakit-akit ang pagsususlat at pagsasalita. Maaari rin itong tawagin
bilang pagaaral o kahusayan ng isang indibidwal sapagpili ng mga salitang gagamitin sa
pagsulat o pagsasalita.
Galing sa salitang rhetor (Salitang Griyego) na nangangahulugang guro o mahusay na
oradr/mananalumpati
Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong
pagsasalita o pagsulat.
Pag-aaral kung paano makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng mga piling salita at
wastong ayaw-ayaw ng mga ito upang maiangkop sa target ng awdyens at matamo ng
manunulat ang kanyang layunin.
Ang kasanayang ito ay natututunan o napagaaralan
Ang isang taong may kahusayan sa retorika ay kadalasan nagkakaroon ng isang magandang
impresyon sa kaniyang mga audience o tagapakinig. Halimbawa na lamang ay ang paborito
mong awtor ng libro tagapagbalita sa telebisyon. May kasanayan sila na kung saan sila ay ating
hinahangaan at maging tinatangkilik ng mga tagapanood.Samakatuwid, ang layunin ng retorika
ay maging kaakit akit at epektibo ang isang pahayag.
Bilang isang sining
Tulad ng awit ang retorika ay may roon ding sining o ibat ibang paraan o estilo na nalinawan sa
ating isipan, damadamin at mambabasa.

Isang Kooperativong sining


Hindi maaring gawin ng nagiisa. Sa pamamagitan nito nagbubuklod ang isang tagapagsalita at
tagapakinig sa iisan ideya.

Isang pantaong sining


Dahil sa ang wika ay midyum ng retorika, paslita man o pasulat. Dahil dito, ito ay pagaari ng tao
ang retorika ay isa ring siniong at pantao.
Isang Temporal na sining
Ito ay nababatay sa panahon.Ang gumagamit nito ay nangungusap sa lenggwhae ngayon at
hindi bukas o kahapon.
Isang limitadong sining
Marami ang hindi ito kayang gawin. Ang retorika ay mayroong sukdulan o hangganan. Dahil
maaring imahinasyon lamang ang gamitin sa sining na ito.
Isang may kabiguang sining
Hindi lahat ay may kagalingan sa paghawak ng wika. Ito ay likas na komplikado dahil sa mga
tuntunin na pababago bago. Sa iba ito ay nagiging frustrating na karanasan.
Isang nagsusupling na sining
Ito ay dumadami. Ang isang manunulat ay nagsusulat ng isang ideya sa isipan at nagsusupling
ng isang akda. At patuloy tuloy na napapasa ang kaalaman sa kaniyang kaisipan.

Anda mungkin juga menyukai