Anda di halaman 1dari 4

PANITIKAN

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa
isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan
ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may
hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan. [1] Nagsasalaysay ng
buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad
ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. [2] Ito ang isang
dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga
mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil.
MGA ANYO NG PANITIKAN
Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang anyo ng panitikan: ang mga Piksiyon (Ingles: fiction) at ang mga Dipiksiyon(Ingles: non-fiction) na mga sulatin at babasahin. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa
pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Nag-iimbento sila ng mga kathang-isip na mga tauhan, pangyayari,sabunutan,
sakuna, at pook na pinangyarihan ng kuwento para sa kanilang mga prosang katulad ng mgamaikling kuwento.[1]
Para sa pangalawang anyo ng panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa
kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari.
Hindi gawa-gawa lamang ang nakakaingganyong kuwento. Kabilang sa mga hindi-bunganga-isip na mga sulatin at babasahin
ang mga talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay, at mga akdang pang-kasaysayan.[1]
Mga akdang pampanitikan

Mga akdang tuluyan

Anekdota

Nobela

Pabula

Parabula

Maikling kuwento

Dula

pasaling dila

Sanaysay

Talambuhay

Talumpati

Balita

Kuwentong bayan

Salawikain

Kasabihan

Alamat

Mga akdang patula

Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at
kabayanihan ng tauhan.

Awit at Korido

Epiko

Balada

Sawikain

Salawikain

Bugtong

Kantahin

Tanaga

Tula

Kaugnayan sa kalinangan
Nag-uugat ang lahat ng likhaing pampanitikan mula sa buhay, at naglalarawan ng kalinangang pinagmulan nito.[1]
Kaugnayan sa kasaysayan
Malaki ang kontribusyon ng Panitikan sa Kasaysayan dahil dito natin makikita kung ano ang buhay ng mga tao noon. Sa
pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o talumpati nalalaman kung ano ang obserbasyon ng mga may-akda sa kanilang
paligid at sa kanilang mga buhay.
Ang panitikan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa nakaraan. Tulad ng mga sulatin ni Jose Rizal na nagpapatunay
sa kalupitan na sinapit ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila.
Isang tradisyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ang mga tekstong pampanitikan. Isa itong metodong
nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat,
paghubog, at pag-unlad ng panitikan.

PANITIKAN; MGA URI AT ANYO


Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At
ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang pang-titik-an na kung saan ang unlaping pang ay ginamit at hulaping
an. At sa salitang titik naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na litterana
nangunguhulugang titik.
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng ibat ibang uri ng
damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
Dalawang Uri ang Panitikan
1. Patula Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o
bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong. Kabilang ditto ang
mga sumusunod: tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pangtanghalan, at patnigan.
2. Tuluyan o Prosa Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga
pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda. Kabilang ditto ang mga
sumusunod: maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita ateditoryal.
Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino
1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinihan ng
lahing ating pinagmulan.
2. Upang matalos natin na tayoy may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng
ibang mga kabihasnang nanggaling sa ibat ibang mga bansa.
3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.
4. Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad.
5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan an gating
panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.
Uri ng Panitikan

1. KATHANG-ISIP (FICTION) -ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa kanilang imahanisyon. Ang mga kuwento
ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento, nobela at .
2. HINDI KATHANG -ISIP- ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari katulas ng talambuhay, awtobiyograpiya,
talaarawan, sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan.
ANYO NG PANITIKAN
1. tuluyan o prosa ( prose) - Paggamit ng mga salita sa isang pangungusap na walang kinakailangang pagtutugma o pagbilang ng
mga pantig upang magkaroon ng parehong tunog sa huli ng tauludtod.
2. patula o panulaan ( poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na
pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga
taludtod sa isang saknong.
Mga akdang tuluyan
1. Alamat
1.1 Mga Halimbawa ng Alamat
* Anekdota
* Nobela
* Pabula
* Parabula
* Maikling kwento
* Dula

* Sanaysay
* Talambuhay
* Talumpati
* Balita
* kwentong bayan

Mga akdang patula


o Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan
ng tauhan.
+ Awit at Korido
+ Epiko
+ Balad
+ Sawikain

+ Salawikain
+ Bugtong
+ Kantahin
+ Tanaga

RETORIKA
Ang sayusay o retorika[1] ay isang uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng wika sa
paraang pasulat o pasalita. Ito rin ay maihahambing sa linggwistikal na pananaw kung saan ito ay maaaring maipakahulugan
bilang isang pag-aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na pagtukoy, lenggwahe. Ginagamit ng
isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang
tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na paggamit ng wika ay
mainam upang maipakita ng isang tao ang kanyang kagila-gilalas na kasanayan sapakikipagtalastasan.
Ang RETORIKA ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na
pagsusulat at pagsasalita. (Sebastian, 1967)
BAKIT MAHALAGA ANG RETORIKA?
Ang RETORIKA ay ang pagpapahayag o pagsasalita sa harap ng isa o maraming tao, sa makatuwid mahalaga ang retorika
upang makapagpahayag ka ng iyong mga nararamdaman sa mga bagay- bagay. Mahalaga ito sa pang araw-araw dahil kapag
walang retorika magiging napakatahimik ng mundo at walang komunikasyon at interaksyon ang magaganap sa bawat isa, hindi
magagamit ang wika ng bawat isa at wala nang pagkaka-intindihan sa bawat indibidwal. Mawawala ang ating pagkakaisa.
KAHULUGAN NG RETORIKA
Maraming pagkakahulugan ang ibat-ibang tao kung ano ang retorika ayon sa kanilang sariling pananaw, karanasan at lawak ng
tinamong kaalaman. Upang maiwasan ang kalituhan sa sinikap ng mga manunulat na ihain sa Bahaging ito ang mga baryasyon
sa dipinisyon ng retorika.
Ito ay nagmula sa salitang Griyego na rhetor na kapwa nangangahulugang isang Guro at Mananalumpati o tagapagsalita
sa isang pagpupulong. Matatandaan na Malaking papel ang ginagampanan ng retorika bilang isang mahalagang sangkap ng
pagpapahayag maging sa pormal na pananalumpati. Ito ay isang pag-aaral sa masining na paggamit ng lenggwahe upang
maimpluwensyahan ang damdamin at kaisipan ng ibang tao.
Ang balarila[1] (mula sa bala + (ng) + dila) ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga sumusunod:
ng morpolohiya o pagsusuri sa pakakabalangkas ng mga salita (morpolohiya); ng sintaks (syntax) o pagsasaayos upang ang mga
salita ay maging makabuluhang mga pangungusap; ng ponolohiya o wastong pagbigkas; ngsemantika o kahulugan ng mga salita
at parirala; at ng etimolohiya o ugat o palaugatan ng mga salita. Tumutukoy din ang balarila sa pagsulat o pananalitang
inihahambing sa wastong paggamit (ayon sa balarila). Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay at mga
pangungusap na nagtuturo ng wastong kabalangkasan, palakahuluganan, palabigkasan, at palaugatan ng mga salita. Kung
minsan, tumukoy din ang salita sa mga aklat na pambalarila, na nagiging batayang simulain, pamatagan o saligan ng mga
kaalaman. Tinatawag din itong gramatika o palatuntunan ng isang wika.
Ang balarila ay kailangan upang magkaroon ng isang mainam at maayos na pahayag. Sapagkat mula sa balarila maraming salita
ang nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng mga panlapi na isinasama sa mga salitang-ugat. Ayon kay G. Lope K. Santos; ang
balarila ay
BALA NG DILA. Tumutukoy ito sa pag-aaral ng anyo, uri ng mga salita, tamang gamit ng mga salita at tamang
pagkakaugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipan o diwa. Ang retorika at balarila ay
pawang mahalagang sangkap para sa maayos, masining, at magandang pagpapahayag. Kapag inalis ang balarila, mawawalan
tayo ng kawastuan sa anumang matinong panulat sa hinaharap.
KAUGNAYAN NG RETORIKA SA BALARILA Sa pamamagitan ng balarila makabubuo ng isang mainam at mayamang
pahayag. Subalit ang isang pahayag na may balarila lamang at walang retorika ay nagiging kabagut-bagot sa bumabasa o
nakikinig. Ang retorika ay sumasaklaw sa malikhain at masining na pagpapahayag, pasalita man o pasulat.
ANG PAGGAMIT NG TAMA AT ANGKOP NA SALITA Saklaw pa rin ng balarila ang paggamit ng tama at angkop na
paggamit ng salita. Kailangang maging maingat sa pagpili ng mga salitang gagamitin sa pagpapahayag. Ang maling gamit ng
salita ay nakakabawas sa kalinawan ng pagpapahayag ng mga salitang magkasing-anyo subalit may iba, tiyak at angkop na
kagamitan. Ang kawastuhan sa paggamit ng mga salita ay mahalaga upang maging kaakit-akit ang pahayag. Ang paggamit ng
tamang salita ay nakapagbibigay ng kaayusan, kalinawan at kabisaan sa paksang ipinahahayag. Kinakailangang ang mga salitang
ginagamit ay wasto at angkop sa pahayag. Sa ating pakikipagtalastasan may mga pagkakataon na nagkakapalit ang gamit ng
salita sa pangungusap tulad ng: 1.Ginagamit bilang pantukoy
Hal. a. Isang bantog na pinto rang gumuhit ng larawang iyon.
b. Nilusob ng mga maralita ang palasyo ng Hari.
2. Ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas sa Ingles ay with.
Hal. a. Sinaksak niya ng patalim ang kanyang kaaway.
b. Binusog ako ni inay ng pagmamahal.
3. Ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas ay sa.
Hal. a. Ang buong pamilya ay nagsitungo ng lalawigan.
b. Nagsiluwas ng bayan ang mga NPA.
4. Ginagamit bilang pang-ukol na nagpapakilala ng pangalang paari.
Hal. a. Si Sharon ay umawit ng madamdaming awitin para sa madla.
b. Gumawa ng katangi-tanging imbensyon ang mga siyentipiko. 5. Ginagamit bilang tagatanggap ng kilos.
Hal. a. Si Jeffrey ay gumawa ng sulat para sa kanyang katipan.
b. Si Ellah ay naghanda ng pagkain para sa mga panauhin.
6. Ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.
Hal. a. Si Pat ay naglagay ng pataba sa mga halaman.
b. Nagluto si Dang ng maanghang na laing. 7. Ginagamit na pananda ng actor o tagaganap ng pandiwa sa tinig na balintiyak.
Hal. a. Kinumutan ng Ina ang anak na natutulog.

Anda mungkin juga menyukai