Post navigation
SA BAYANG MALAYA: Tulang Kasaysayan (1969) ni Amado V. Hernandez, inaakda ang isang
buong ideolohiyao ang katipunan ng mga idea na tumatanaw sa daigdig sa isang partikular na
paraan, na laging tungo sa posibilidad na ideal. Maaari kung gayong sabihin na ang anumang
ideolohiya ay idea ng isang ideal para sa isang lipunan. Ganito, sa isang banda ang tinatalunton ng
pagpapakahulugan ni Raymond Williams sa ideolohiya sa aklat niyang Keywords: A Vocabulary
of Culture and History (1976), samantalang kinakatha niya ang dinaglat na kasaysayan ng
naturang termino bilang isang salita at sagisagmula sa pagbigkas umano rito ni Destutt de Tracy
noong 1796 bilang pilosopiya ng isipan hanggang sa salimuot ng kasalukuyang diskurso na
ginagalawan nito. Sang-ayon naman sa paghahalayhay ni Terry Eagleton sa aklat niyang Ideology:
An Introduction (1991), mapupuna ang naging trajectory ng pagtanggap sa implikasyon ng
salitang ito bilang positibo at negatibo, batay na rin na namamayaning ideolohiya ng bawat panahon,
o sa posisyon ng indibidwal na kamalayang nagtatasa sa kapangyarihan at hanggahan ng mismong
ideolohiya. Kung tutuusin, nagmula pa kay Marx, na isa sa mga pangunahing pinaghahanguan ng
mga kritikong nabanggit sa itaas, ang talaban ng mga pagpapakahulugang ito sa ideolohiya: sa
isang banda, maaari itong ituring bilang kamalayang lihis o isa nga lamang ilusyon; sa kabilang
banda, maaari din naman itong tingnan bilang kamalayan sa mga tunggalian sa lipunan at ang
mismong pagtatangkang labanan ito. Kahit si Amado V. Hernandez mismo bilang indibidwal, sangayon sa kritikong si Alice Guillermo, ay pinag-aagawan ng mga magkakaiba o magkakasalungat na
puwersang pampulitika at pang-ideolohiya. Sa harap ng ibat ibang posibilidad ng interpretasyon sa
kaniyang mga texto (at sa kaniya bilang texto), nauuwi sa kontestasyon ng mga nagsasalungatang
ideolohiya kahit ang pagbasa sa kaniya.
Sa pagtatasa kung gayon sa kontextong ideolohikal ng Bayang Malaya, mahalagang pansinin na
kumatha si Hernandez ng mga tauhangaya nina Tala, Magtanggol, Lantay at Dupilna paulit-ulit
na bumibigkas sa mga salitang malamang na iniinugan ng kontextong ideolohikal ng kaniyang
bisyon: kalayaan, katarungan, pagkakapantay-pantay, katuwiran, demokrasya. Kagaya ng iba pang
mga kaisipan, sa pamamagitan nga lamang ng salita naitutulay ng panitikan ang ubod at puwersa ng
isang partikular na ideolohiya.
Sa kamalayan ng akda ni Hernandez, halos iisa ang kahulugan ng ibat ibang salitang ito: lahat ay
umuuwi sa idea ng ideal, subalit hindi na lamang basta para sa kahit na anong lipunan, kundi para
sa kinikilalang bayan. Sa salaysay, nagsisimula ito sa Pinagbangunan kung saan itinatanghal ang
kadakilaan ng buhay sa nayon kakabit ng pagiging maralita. Sa puntong ito, nagiging kaduda-duda
ang tila-romantisasyon ng pamumuhay at paggawa sa lunan na ito (bilang Utopya na nga), sa
kabila ng paninikil at pananamantala ng mga asenderong gaya nina Kabisang Laki, kung hindi
aalalahanin na noon pa may binabagabag na ng sistemang amo-kasama si Magtanggol: Ang
puhunan ninyo ay tanging ang bukid,/ ang aming puhunay hirap, dugot pawis. Lumilinaw na
nagiging mahalaga lamang ang mala-paraisong paglalarawan sa Pinagbangunan sa gitna ng
pananamantala upang magkaroon ito ng alingawngaw sa pagtahak ng naratibo sa iba pang
lokasyon, ang Pugad na siya namang pagmumulan ng pagbabago ni Lantay, isang dating star
reporter, upang maging si Limbas, ang mahiwagang mandirigma at tagapagligtas ng bayan.
Pansinin na sa dalawang lokasyon, ang Pinagbangunan at Pugad, ang mukha ng ideal ay ideal
sapagkat huwaran at minimithi ng bayan, hindi dahil panaginip na imposibleng makamit. Si Lantay,
nang ikulong pagkatapos ng digmaan sa kabila ng kaniyang naging pakikipaglaban sa mga
Hapones, ay ayaw tumakas sa bilangguan at nananalig sa mga kinakatawan ng ideal na ito, ang
mismong ideal na ihihimutok ni Dupil bilang siyang dahilan kung bakit kaydaming bayaning nasawi!
Kung gayon, ang ideolohiya bilang idea ng ideal para sa lipunan ang pananalig na nagtutulak sa tao
para gawin at hindi gawin ang isang bagay.
Alalahanin na may ibat ibang diin ang ideolohiyamaaaring politikal, panlipunan, etikal. May
natatanging pagkiling si Hernandez sa Bayang Malaya sa isang uri ng ideolohiyang politikal na
naunang lumitaw sa dulo ng ikalabinsiyam na sigloang ideolohiyang sosyo-demokratiko. Tiwalag
na ito sa tradisyonal na Marxismo na ibig ng ganap na pagbabagong-panlipunan at siyang
iminumungkahi ni Dupil sa kanilang pagbaba mula sa bundok nang ideklarang tapos na ang
digmaan. Naniniwala si Lantay (Limbas) na maaaring magkaroon ng demokratikong reporma sa loob
mismo ng kapitalismo. Kahit nakabilanggo na, sa liham niya kay Tala, sinabi ni Lantay na bahagi ng
ay nakabilanggo,/ ang bunying kilusay hindi mahihinto. Matindi ang pangitain ni Lantay sa wakas ng
naratibo: bilanggo siya subalit hindi gaya ni Elias na hindi na inabutan ng pagsikat ng araw, natanaw
niya ito mula sa pagitan ng mga rehas sa kaniyang munting bintana at nakitang may dugong
sariwa;/ anakiy namalas/ na akay ni Dupil ang bayang malaya.
8 Votes