Anda di halaman 1dari 42

MODYUL BILANG: 1

BILANG NG ARAW NG PAGTUTURO: 5 ARAW

Pamantayan sa Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas


ang mapanuring pag-unawa at
kaalaman
sa
kasanayang
pangheograpiya, ang mga teorya ng
pinagmulan ng lahing Pilipino upang
mapahalagahan ang konteksto ng
lipunan/pamayanan
ng
mga
sinaunang Pilipino at ang kanilang
ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng
Pilipinas.

Ang
mga
mag-aaral
ay
naipamamalas ang pagmamalaki
sa nabuong kabihasnan ng mga
sinaunang Pilipino gamit ang
kaalaman
sa
kasanayang
pangheograpikal at mahalagang
konteksto ng kasaysayan ng
lipunan at bansa kabilang ang
mga teorya ng pinagmulan at
pagkabuo ng kapuluan ng
Pilipinas at ng lahing Pilipino.

I. PANIMULA
Ang Pilipinas ay kabilang sa maraming bansang bumubuo sa mundo. Bilang
isang mamamayang Pilipino, mahalagang malaman natin ang kinaroroonan ng
ating bansa sa daigdig gamit ang mapa at pagtukoy sa lokasyon nito. Sa modyul
na ito malalaman natin ang kahalagahan ng pagtuklas at pagtukoy sa ibat ibang
mga lugar at bansa na nakapaligid sa Pilipinas. Kaya ating ihanda an gating
mga sarili sa bagong kaalaman gamit ang mapa at globo,

II. KASANAYAN
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Nailalarawan ang lokasyon ng Pilipinas sa mapa
1.1. Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo gamit ang
mapa batay sa absolute location nito (longtitude at latitude)
1.2. Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas
batay sa karatig bansa na nakapaligid dito gamit ang pangunahin at
pangalawang direksyon.
AP5PLP-Ia-1

III. PANIMULANG PAGTATASA


Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Guhit longitud na may sukat na 0 digri na makikita sa Greenwich.
a. Ekwador
c. Longitud
b. Latitud
d. Prime Meridian
2. Patag na larawan ng mundo o anumang bahagi nito at ginagamit upang
matukoy ang isang lugar.
a. globo
c. mapa
b. litrato
d. meridian
3. Linyang pahalang sa gitna ng globo na may sukat na 0 digri.
a. Ekwador
c. Longitud
b. Latitud
d. Prime Meridian
4. Linyang tumatakbo ng pasilangan at pakanlurang direksyon paikot sa mundo.
a. Ekwador
c. Longitud
b. Latitud
d. Prime Meridian
5. Ano ang dalawang uri ng pagtukoy sa lokasyon ng isang lugar o bansa?
a. tiyak at relatibo
c. latitude at longitud
b. hindi tiyak at tiyak

d. hindi relatibo at relatibo

6. Ito ay tumutukoy sa sukat ng layo ng isang lugar mula sa prime meridian.


a. Ekwador
c. Longitud
b. Latitud
d. Prime Meridian
7. Tumutukoy sa tiyak na kinalalagyan ng isang lugar sa mapa.
a. digri
c. latitud
b. grid
d. longitud
8. Ginagamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar mula sa ekwador.
a. digri
c. latitud
b. grid
d. longitud
9. Ang paglalarawan ng lokasyon ng bansa sa pamamagitan ng mga anyong
tubig sa nakapaligid dito.
a. absolute
b. bisinal

c. insular
d. relatibo

10. Ang paglalarawan ng kinalalagyan ng bansa sa pamamagitan ng mga karatig


bansa nito.
a. absolute
b. bisinal

c. insular
d. relatibo

IV. PAMAMARAAN
Aralin 1:1 Absolute na Lokasyon Gamit ang Mapa
ALAMIN
Pag-aralan mo ang mapang ito ng mundo. Matutukoy mo ba kung saan
matatagpuan ang bansang Pilipinas at ang eksaktong lokasyon nito?

HEKASI 4 MISOSA (Longitud at Latitud)

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:


1. Saang lokasyon makikita ang bansang Pilipinas?
2. Ano anong mga bansa ang karatig nito?
3. Ano ang kahalagahan na matukoy ang mga karatig bansa ng Pilipinas?

Alalahanin mo!
Para matukoy natin ang tiyak na lokasyon ng isang lugar kailangan natin
malaman ang mga sumusunod:
Grid- Ginagamit sa paghahanap ng tiyak na kinalalagyan ng isang lugar sa
mundo.
Digri- Ginagamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar mula sa
ekwador.
Prime Meridian- Guhit longtitud na may sukat na 0 digri na makikita sa
Greenwich.
Ekwador- Ito ay linyang pahalang sa gitna ng globo na may sukat na 0 digri.
4

Latitud- Linyang tumatakbo ng pasilangan/kanluran direksyon paikot sa mundo.


Longitud- Sukat ng layo ng isang lugar mula sa prime meridian.
International Date Line- ito ay nasa kabila g prime meridian at nasa 180 digri. Ito
ay mahalaga sa pagsasabi ng tiyak na araw at oras sa ibat ibang lugar sa mundo.
Ito rin ay dumaraan sa Greenwich London England.
Tiyak na lokasyon/Absolute location- ito ay ang eksaktong lokasyon ng isang
lugar sa pamamagitan ng longitud at latitud o paggamit ng sistemang grid. Ang
tiyak na lokasyon ng isang lugar o bansa ay karaniwang itinakda sa pamamagitan
ng longitud at latitud (halimbawa: Ang Manila ay nasa pagitan ng latitude 15 hilaga
at longitud 121 silangan.

PAUNLARIN
Sa pamamagitan ng grid matutukoy natin ang tiyak na lokasyon ng isang lugar
o bansa. Paano makukuha ang tunay na sukat at layo ng mga lugar na nasa
mapa? Upang makuha ang tunay na sukat at layo ng mga lugar sa mapa
kailangan gumamit din ng iskala. Ang iskala sa mapa ay tumutukoy sa ugnayan
ng sukat o distansiya sa mapa sa tunay na sukat o distansiya ng lugar. Ang
ugnayang ito ay ipinapahayag sa ibat ibang paraan.

- longitude
- latitud

Matatagpuan ang Pilipinas sa absolute


location sa pagitan ng 4 hanggang 21
hilagang latitud, 116 hanggang 127
silangang longitud.

GAWAIN 3: Anong digri mo?


Gamit ang sariling mapa ng mundo, hanapin kung saan ang tiyak na lokasyon
ng mga sumusunod na bansa/kontinente:
1. China
2. Japan
3. Italy

4. Hilagang Amerika
5. Australia

Matapos maisagawa ang pagsasanay, sagutin ang mga sumusunod na


katanungan:
1. Sa anong digri at direksyon ito matatagpuan?
2. Paano mo natagpuan ang tiyak na lokasyon ng mga bansa at
kontinenteng nabanggit?
Alalahanin mo!

Mahalaga na malaman natin ang pagtukoy sa lokasyon ng isang lugar o bansa


dahil malaki ang naitutulong nito sa ekonomiya ng bansa. Sa pamamagitan ng
digri, grid at iskala, natutukoy natin ang tiyak na lokasyon.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

GAWAIN 4: Pangarap na Bansa


Sa iyong paglaki, saang bansa ang nais mong marating. Tukuyin ang tiyak na
lokasyon nito sa mapa ng mundo.
*Bakit nais mong makarating sa bansang ito?

ILIPAT/ISABUHAY
GAWAIN 5: Sariling Mapa, Iguguhit
Gumuhit ng sariling mapa ng inyong komunidad at tukuyin ang tiyak na
lokasyon ng iyong tirahan gamit ang iyong natutuhan.

Pormatibong Pagtatasa
Gamitin ang mapa ng daigdig at alamin ang bansa na matatagpuan sa binabanggit
na lokasyon sa tulong ng grid. Isulat ang sagot sa kwaderno.
1. 30 timog latitud, 135 silangang loghitud
2. 15 hilagang latitud, 100 silangang loghitud
3. 25 hilagang latitud, 105 kanlurang longhitud
4. 70 hilagang latitud, 150 kanlurang longhitud
5. 60 hilagang latitud, 90 kanlurang longhitud

Aralin 1: 2 Relatibong Lokasyon gamit ang Direksyon

ALAMIN
Masasabi mo ba ang lokasyon ng larawang ito? Sa anong lokasyon kaya ito?

Natutuhan ninyo sa nakaraang aralin ang isa sa paraan ng pagtukoy sa


lokasyon at ito ay ang tiyak o absolutong lokasyon. Nais ba ninyong malaman
ang isa pang paraan nito?
Sa modyul na ito inaasahan na matutunan mo ang ikalawang paraan ng
pagtukoy sa lokasyon, ito ay ang relatibong paraan na may dalawang uri.

PAUNLARIN
May dalawang pamamaraan ng pagtukoy sa relatibong lokasyon.

1. Insular na Pagtukoy ng Lokasyon


- natutukoy ang lokasyon sa pamamagitan ng pag-alam sa mga anyongtubig na nakapaligid dito.
Bashi Channel

West Philippine Sea

Karagatang Pasipiko

Dagat Celebes

2. Bisinal na Pagtukoy ng Lokasyon


- natutukoy ang kinaroroonan ng isang lugar sa pamamagitan ng pagalam sa mga bansang katabi o nasa hangganan nito.
Taiwan

Vietnam

Guam

Malaysia at Indonesia

Gawain 1: I-Insular Mo!


Gamit ang sarili ninyong mapa, hanapin ang karatig na anyong tubig sa
mga sumusunod na lugar.

Pilipinas

Laguna

Gawain 2: Ibisinal Mo!


Gamit ang mapa sa ibaba, hanapin ang karatig na anyong tubig sa mga
sumusunod
bansa.
Tingnan
ang na
mapa
sa ibaba at itala ang relatibong lokasyon (Bisinal) ng mga
a. Japan

d. India

b. China

e. Malaysia

c. Brazil

http://mrnussbaum.com/world/asia/

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Gawain 3: Tamang Direksyon, Ituro!


Kung isang araw sa buhay mo, may dayuhang nagtanong sayo kung saan
matatagpuan ang naging tirahan ng dakilang bayani na si Gat. Jose Rizal,
paano mo siya matutulungan gamit ang iyong natutunan sa relatibong
pagtukoy ng lokasyon? Talakayin ito sa klase.

ILIPAT/ISABUHAY
Gawain 4: Sari-saring Gawain!
Gamit ang iyong natutuhan sa relatibong pagtukoy sa lokasyon, isagawa ang
pangkatang gawain na nasa ibaba.
Unang Pangkat- Iawit Mo, Natutunan Mo!
Ikalawang Pangkat- Itula Mo, Natutunan Mo!
Ikatlong Pangkat- I-Jingle Mo, Natutunan Mo!
Ikaapat na Pangkat- Isadula Mo, Natutunan Mo!

10

Pamantayan sa Pagbibigay ng puntos:


Pamantayan

Pinakamahusay
(4-5)

Mahusay-husay
(2-3)

Katumpakan ng
Ginawa

Tamang-tama ang
ginawang materyal
ng bawat pangkat.

Tama ang
ginawang
materyal sa
pangkat.

Mali ang
ginawang
materyal

Epektibong
kilos o galaw

Malinaw na
malinaw ang
pagkakatanghal

Malinaw ang
pagkakatanghal

Hindi nagging
maayos ang
pagpapakita

Kaayusan

Naging
napakaayos ng
mga mag-aaral
habang
nagtatanghal

Maayos ang
pagkakatanghal
ng mga magaaral

Hindi naging
maayos ang
pagkakatanghal

Kooperasyon

Buong pusong
nakilahok sa
gawain

Nakilahok sa
gawain

Hindi kusang
nakilahok sa
gawain

11

Mahusay
(0-1)

V. SUMATIBONG PAGTATASA
Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Tumutukoy sa sukat ng layo ng isang lugar mula sa Ekwador.


a. Latitud
c. Parallel
b. Longhitud
d. Prime Meridian
2. Patayong guhit na nagmumula sa hilaga patungong Timog ay
a. ekwador
c. guhit longhitud
b. guhit latitud
d. Prime Meridian
3. Ito ay tinatawag na zero digri meridian.
a. Ekwador
c. Parallel
b. International dateline
d. Prime Meridian
4. Instrumentong ginagamit sa pagtukoy ng direksyon.
a. compass
c. mapa
b. globo
d. thermometer
5. Tinatayang bilang ng mga isla o pulo sa Pilipinas.
a. 5, 700
c. 7, 107
b. 6, 000
d. 8, 100
6. Alin ang nagpapakita ng tunay na modelo ng mundo?
a. bola
c. globo
b. bilog
d. lobo
7. Pinakamalaking anyong tubig na matatagpuan sa daigdig.
a. dagat
c. karagatan
b. ilog
d. lawa
8. Ito ang tinatawag na pinakamalaking masa ng lupa sa mundo.
a. kabundukan
c. kapuluan
b. kapatagan
d. kontinente
9. Tinaguriang pinakamalaking karagatan sa mundo.
a. Arktiko
c. Indian
b. Atlantiko
d. Pasipiko
10. Ito ang kinikilalang pinakamalaking kontinente sa daigdig.
a. Antarktika
c. Asya
b. Aprika
d. Australia
12

11. Anong kontinente ang binubuo ng isang bansa?


a. Antarktika
c. Australia
b. Aprika
d. Europa
12. Pinakamalalim na bahagi ng dagat na matatagpuan sa katubigang sakop ng
Pilipinas.
a. Dagat Celebes
c. Kipot San Juanico
b. Kipot Luzon
d. Marianas Trench
13. Alin ang kontinenteng nasa dulong timog ng daigdig?
a. Antarktika
c. Asya
b. Aprika
d. Timog Amerika
14. Anong karagatan ang matatagpuan sa silangang bahagi ng Pilipinas?
a. Dagat Timog Tsina
c. Karagatang Indian
b. Karagatang Arktiko
d. Karagatang Pasipiko
15. Ito ang pinakamalayong lugar sa hilagang ekwador.
a. Kabilugang Arktiko
c. Polong Hilaga
b. Kabilugang Antarktiko
d. Polong Timog

13

MODYUL BILANG: 1
BILANG NG ARAW NG PAGTUTURO: 5 ARAW
Susi sa Pagwawasto

PANIMULANG PAGTATASA
1. A
2. B
3. B
4. D
5. D
6. C
7. B
8. C
9. C
10. D

SUMATIBONG PAGTATASA
1. B
2. B
3. C
4. B
5. D
6. B
7. D
8. C
9. D
10. A
11. B
12. B
13. D
14. B
15. B

14

MODYUL 2
BILANG NG ARAW NG PAGTUTURO: 10 ARAW

Pamantayan sa Pagkatuto
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas
ang mapanuring pag-unawa at
kaalaman sa kasanayang
pangheograpiya, ang mga teorya sa
pinagmulan ng lahing Pilipino upang
mapahalagahan ang konteksto ng
lipunan/pamayanan ng mga sinaunang
Pilipino at ang kanilang ambag sa
pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang
pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng
mga sinaunang Pilipino gamit ang
kaalaman sa kasanayang pangheograpikal
at mahalagang konteksto ng kasaysayan
ng lipunan at bansa kabilang ang mga
teorya ng pinagmulan at pagkabuo ng
kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino.

PANIMULA
Sa nakaraang aralin ay iyong napag-alaman ang ibat ibang paraan ng pagkuha ng lokasyon sa
mapa ng daigdig. Sa panibagong aralin na ito ay mas mapapalawak pa ang iyong kaalaman sa
lokasyon at ang epekto nito sa klima ng mga bansa lalot higit ang Pilipinas.
Nalibot mo na ba ang Pilipinas? Nakarating ka na ba sa ibat ibang lugar sa Luzon, Visayas, at
Mindanao? O tanging sa larawan, telebisyon, pahayagan, at paaralan mo lang nakikilala ang
mga lugar na mayroon ang iyong bansa. Naranasan mo na ba ang paiba- ibang panahon at klima
sa inyong lugar? Kung oo, binigyang pansin mo ba ito? Halika at maglakbay ng malaman ang
dahilan nito.
KASANAYAN
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
2. Nailalarawan ang klima ng Pilipinas bilang isang bansang tropikal ayon sa lokasyon nito sa
mundo
2.1 Natutukoy ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa tulad ng temperatura,
dami ng ulan, humidity.
2. 2 Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng panahon at klima sa ibat ibang bahagi ng mundo.
2. 3 Naiuugnay ang uri ng klima at panahon ng bansa ayon sa lokasyon nito sa mundo.

15

PASIMULANG PAGTATASA

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Panahong nararanasan sa Mababang Latitud
a.Taglamig
b. Tagtuyo

c. Tagtuyo at Tag-ulan
d. Taglamig, tagsibol,tag-araw, at taglagas

2. Ano ang pinakamahalagang elemento ng klima sa Pilipinas?


a. hangin
b. lupa

c. temperatura
d. ulan

3. Nakararanas ng ilang panahon sa buong taon ang bansang Pilipinas?


a. 2
b. 3

c. 4
d. 5

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik na sanhi ng


pagkakaiba ng klima sa bansa?
a. humidity
b. lupa

c. temperatura
d. ulan

5. Ano anong uri ng panahon ang nararanasan sa buong mundo?


a.
b.
c.
d.

tag-araw, taghangin, tag-ulap, tag-ulan


tag-araw, taglagas, taglamig, tag-ulan
tag-araw, taglagas, taglamig, tagsibol
tag-araw, taglagas, taglamig, tag-ulan

6. Ang klima ay sinasabing tumutukoy sa pangmatagalang kondisyon ng atmospera


na nararanasan ng isang partikular na lugar o bansa, ano naman ang ibig sabihin ng
panahon?
a. Ito ay ay tumutukoy sa kondisyon ng temperatura sa pang araw-araw na halos
hindi nag iiba.
b. Ito ay ay tumutukoy sa kondisyon ng atmospera sa pang araw-araw na halos hindi
nag iiba.
c. Ito ay ay tumutukoy sa kondisyon ng atmospera sa pang araw-araw na halos
mablilis nag iiba-iba.
d. Ito ay ay tumutukoy sa kondisyon ng temperatura sa pang araw-araw na halos
mabilis nag iiba-iba.

16

7. Bakit hindi lahat ng bansa ay nakararanas ng pare-parehong klima o panahon?


a.
b.
c.
d.

Dahil sa posisyon ng buwan.


Dahil hindi nararanasan ng ibang lugar ang pagsapit ng gabi.
Dahil may mga bahagi ng mundo na hindi sinisikatan ng araw.
Dahil may mga bahagi ng mundo na higit na nasisikatan ng araw at hindi gaanong
nasisikatan ng araw.

8. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ______________.


a. Ekwador
b. Golpo ng Alaska

c. Tropiko ng Kanser
d. Tropiko ng Kaprikornyo

9. Ilan sa mga Pilipino ay pumupunta dito tuwing tag-init.


a. Batangas
b. Baguio

c. Laguna
d. Mindoro

10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA?


a.
b.
c.
d.

Ang Pilipinas ay nakararanas ng tag-ulan lamang.


Ang altitud ay tumutukoy sa kataasan ng isang lugar.
Ang Pilipinas ay hindi nakakaranas ng climate change.
Magkakatulad ang tindi ng init, ulan, at lamig na nararanasan sa Pilipinas.

17

SUMATIBONG PAGTATASA
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Panahong nararanasan sa Mababang Latitud
a.Taglamig
b. Tagtuyo

c. Tagtuyo at Tag-ulan
d. Taglamig, tagsibol,tag-araw, at taglagas

2. Ano ang pinakamahalagang elemento ng klima sa Pilipinas?


a. hangin
b. lupa

c. temperatura
d. ulan

3. Nakararanas ng ilang panahon sa buong taon ang bansang Pilipinas?


a. 2
b. 3

c. 4
d. 5

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik na sanhi ng


pagkakaiba ng klima sa bansa?
a. humidity
b. lupa

c. temperatura
d. ulan

5. Ano anong uri ng panahon ang nararanasan sa buong mundo?


a. tag-araw, taghangin, tag-ulap, tag-ulan
b. tag-araw, taglagas, taglamig, tag-ulan
c. tag-araw, taglagas, taglamig, tagsibol.
d. tag-araw, taglagas, taglamig, tag-ulan
6. Ang klima ay sinasabing tumutukoy sa pangmatagalang kondisyon ng atmospera na
nararanasan ng isang partikular na lugar o bansa, ano naman ang ibig sabihin
ng panahon?
a. Ito ay ay tumutukoy sa kondisyon ng temperatura sa pang araw-araw na
halos hindi nag iiba.
b. Ito ay ay tumutukoy sa kondisyon ng atmospera sa pang araw-araw na
halos hindi nag iiba.
c. Ito ay ay tumutukoy sa kondisyon ng atmospera sa pang araw-araw na
halos mablilis nag iba-iba.
d. Ito ay ay tumutukoy sa kondisyon ng temperatura sa pang araw-araw na
halos mabilis nag iiba-iba.

18

7. Bakit hindi lahat ng bansa ay nakararanas ng pare-parehong klima o panahon?


a. Dahil sa posisyon ng buwan.
b. Dahil may mga bahagi ng mundo na hindi sinisikatan ng araw.
c. Dahil hindi nararanasan ng ibang lugar ang pagsapit ng gabi.
d. Dahil may mga bahagi ng mundo na higit na nasisikatan ng araw at hindi
gaanong nasisikatan ng araw.
8. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ______________.
a. Ekwador
b. Golpo ng Alaska

c. Tropiko ng Kanser
d. Tropiko ng Kaprikornyo

9. Ilan sa mga Pilipino ay pumupunta dito tuwing tag-init.


a. Batangas
b. Baguio

c. Laguna
d. Mindoro

10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA?


a. Ang Pilipinas ay nakararanas ng tag-ulan lamang.
b. Ang altitud ay tumutukoy sa kataasan ng isang lugar.
c. Ang Pilipinas ay hindi nakakaranas ng climate change.
d. Magkakatulad ang tindi ng init, ulan, at lamig na nararanasan sa Pilipinas.

19

MODYUL 2
BILANG NG ARAW NG PAGTUTURO: 10 ARAW
SUSI SA PAGWAWASTO

PANIMULANG PAGTATASA

SUMATIBONG PAGTATASA

1. b

1. a

2. d

2. c

3. d

3. a

4. a

4. b

5. b

5. c

6. a

6. c

7. a

7. d

8. b

8. c

9. b

9. b

10. b

10. c

11. c
12. d
13. d
14. b
15. d

20

Aralin 2:1 Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng Bansa


ALAMIN NATIN!
A. Pag-isipan mo!
Pagtambalin ang Hanay A at B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa kwaderno.

Hanay A
___1. lugar o kinaroroonan
___2. panandaliang kalagayan ng panahon sa
isang lugar
___3. pangmatagalang kalagayan ng panahon
sa isang lugar
___4. lugar o ang kinaroroonan
___5. tumutukoy sa tubig na kailangang ibagsak
sa kalupaan

Hanay B
a. klima
b. humidity (halumigmig)
c. lokasyon
d. panahon
e. salik
f. temperatura
g. tropikal
h. ulan

Alalahanin Mo!
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang lokasyon ng bansang Pilipinas sa mundo
sa pamamagitan ng mapa o globo. Ngayon naman, alamin natin ang klima ng
Pilipinas bilang isang bansang tropikal ayon sa lokasyon nito sa mundo.
Pagmasdan at pag-aralan ang mga larawan na nasa susunod na pahina.
a. rotation ng mundo sa axis

Mundo

Araw

21

b. ang pag-ikot ng mundo sa axis nito habang lumiligid sa araw (revolution)

Araw

https://sites.google.com/site/sangregorioseccionbilinguee/science-y6/the-solar-system---unit-7/the-earth

Ang mundo ay kumikilos tulad ng pag-ikot ng turumpo. Ang mga pagkilos na ito ng
mundo ang nagiging dahilan ng araw at gabi. Ang pagkilos kayang ito ng mundo
ay nakaaapekto sa pagkakaiba-iba ng klima sa ibat ibang panig ng mundo?
Kung gayon, ano ang klima? At ang klimang nararanasan ng bansang Pilipinas?
Ating alamin.

PAUNLARIN
Ano kaya ang klimang nararanasan sa Pilipinas?
Ano ang klima? Ito ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar na
may kinalaman sa hangin, init o lamig ng paligid at iba pang nakaaapekto sa
pamumuhay ng mga naninirahan dito. Ang klima ng bansa ay nakabatay sa
kinalalagyan nito sa mundo.
Basahin ang tekstong naglalahad ng pagtalakay sa Pilipinas bilang isang tropikal
ayon sa lokasyon nito sa mundo.
Matatagpuan sa mababang latitud o malapit sa ekwador ang Pilipinas kaya ito ay
may klimang tropikal. Nakararanas ito ng dalawang pangkalahatang klima sa
buong taon- ang tag-araw at tag-ulan. Hindi magkakatulad ang klimang
nararanasan sa ibat-ibang panig ng bansa. Ang dahilan nito ay sanhi ng ibatibang salik. Ilan sa mga ito ang temperatura, dami ng ulan at humidity o
halumigmig.
a. Temperatura
Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal. Subalit hindi ito nangangahulugan na
magkakatulad ang tindi ng init, ulan at lamig na nararanasan sa ibat-ibang panig
22

ng bansa. Ang mga lugar sa kapatagan at mababang lugar ay nakararanas ng


mataas na temperatura. Samantalang ang mga lugar na matatagpuan sa
mabundok, maburol, at matataas na lugar ay nakararanas ng mababang
temperatura. Ang pagkakaiba ng temperatura ng bawat lugar ay dulot ng altitud.
Ang altitud ay tumutukoy sa kataasan ng isang lugar.
b. Dami ng Ulan
Hindi magkakatulad ang dami ng ulang nararanasan ang mga lalawigan sa
bansa. May apat na uri ng klima sa Pilipinas batay sa dami ng ulan sa buong
kapuluan.
Unang Uri- nakararanas ng dalawang panahon: kalahating taon ng tag-ulan at
kalahating taon ng tag-araw
Ikalawang Uri- nakararanas ng pag-ulan sa buong taon
Ikatlong Uri- maulan ngunit nakararanas ng maikling panahon ng tag-araw sa
mga lalawigang kabilang sa ikalawang uri ng klima
Ikaapat na Uri- nakararanas ng pantay-pantay na distribusyon ng ulan sa buong
taon
c. Humidity- tumutukoy sa dami ng water vapor sa atmospera. Dahil sa mainit
na klima at masaganang anyong-tubig na nakapaligid sa bansa ay mataas ang
antas ng halumigmig sa Pilipinas at nakararanas ng maalinsangang panahon.

B. Hularawan
Ano ang uri ng klima ang tinutukoy sa mga larawan? Isulat ang bawat
letra ng iyong sagot sa loob ng kahon.

http://www.applebytown.org.uk/index.php?page=rainyday-attractions

http://www.123rf.com/photo_29684760_stock-vector-handicappedhappy-children-in-wheelchair-in-a-sunny-day.html

23

C. Paghambingin mo!
Iparinig ang awitin ng Apo Hiking Society na Pumapatak na naman ang Ulan.

Pamprosesong Gawain
Itala sa loob ng bilog 1 ang mga bagay na maaaring gawin sa panahon ng tagaraw. Isulat sa loob ng bilog 2 ang mga bagay na maaaring gawin sa panahon
ng tag-ulan. Isulat sa bilog 3 ang mga gawaing maaaring isagawa sa panahon
ng tag-araw gayundin sa panahon ng tag-ulan.

1.

2.
3.

Tag-araw

Tag-ulan

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa pagkakaiba-iba ng klima ay naaapektuhan ang mga pang araw-araw na
gawain ng mga tao.
D. Pagyamanin pa Natin!
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa loob ng kahon ang magiging
kasagutan.
a. Alin ang mas gusto mo, panahon ng tag-araw o panahon ng tag-ulan?
Ipaliwanag kung bakit?

24

b. Sa inyong palagay, maganda ba ang maitutulong ng klimang tropikal sa


ating pamumuhay? Bakit?

ILIPAT / ISABUHAY
E. Ilarawan mo ako!
Magbigay ng limang (5) katangian ng isang bansang tropikal. Isulat ang iyong
kasagutan sa loob ng ulap.

F. Punan Mo!
Ibigay ang tamang kasagutan na hinihingi ng bawat bilang. Ang bawat bilang ay
may naibigay na titik para matulungan ka.
Mga Dahilan ng Pagkakaiba-iba ng Klima:
1. init o lamig ng paligid
A
2. tubig na nabubuo dahil sa init
A
3. dami ng water vapor sa atmospera
A

25

ARALIN 2:2 KLIMA AT PANAHON


ALAMIN
Iyong natutuhan sa nakaraang aralin ang kahulugan ng klima, ngunit mayroon din
tayong
tinatawag na panahon. Sa iyong pananaw, may pagkakaiba ba ang klima sa panahon? Kung oo,
sa anong aspeto sila nagkaiba?

Gawain 1:
Basahin at suriin ang dayalogo sa ibaba. Hanapin at bilugan ang mga nabanggit
na bansa sa mapa.
Jeremy: Kumusta na mga pinsan? Kumusta na kayo riyan sa
Pilipinas, Canada at Saudi Arabia?

Nene: Maayos naman kami. Tag-ulan dito ngayon sa


Pilipinas, ngunit ayon sa balita ay may nagbabadyang bagyo
ngayong linggo.

Morris: Dito naman sa Canada ay halos araw-araw umuulan


ng nyebe, kayat hindi maaaring hindi ka magsusuot ng
makakapal na damit at sa sobrang pag-ulan ng yelo ay
maaaring magkaroon ng snowstorm.
Justin: Mala disyerto ang nararanasan naming init dito sa
Saudi Arabia, kulang na lamang ay maligo kami oras oras
ngunit kagabi ay nakaranas kami ng banayad na hangin.
Ikaw Jeremy anong klima naman ang nararanasan mo riyan?

Jeremy: Taglagas ngayon dito sa Japan, ngunit kanina


lamang ay nakaranas kami ng panakanakang pag-ambon.

http://mrnussbaum.com/world/asia/

http://www.infoplease.com/atlas/northamerica.html

26

Pamprosesong Katanungan:
Ano ang napansin mo sa diskusyon ng magpipinsan? Saan nakatuon ang kanilang paguusap?
Naranasan mo rin ba na kahit tag-init na ay may pagkakataon pa rin na biglang
bumubuhos ang ulan?
Ayon sa iyong binasang dayalogo, paano naipakita ang kaibahan ng klima sa panahon?

Alalahanin Mo!
Ang klima ay tumutukoy sa pangmatagalang kondisyon ng atmospera na nararanasan ng isang
partikular na lugar o bansa samantalang ang panahon naman ay tumutukoy sa kondisyon ng
atmospera sa pang araw-araw na halos ay mabilis nag iiba-iba.

Gawain 2: Pagnilayan mo!


Batay sa katatapos lamang na pagsasanay, ano ano na ba ang iyong mga bagong kaalaman?
Mayroon ka pa bang mga bagay na nais pang malaman? Gamitin ang talahanayan sa ibaba upang
iproseso at sagutin ang mga nabanggit na tanong.

Mga Bagong Kaalaman

Mga Nais Pang Malaman

27

PAUNLARIN
Gawain 3: Isulat mo sa Globo
Isulat ang ibat ibang panahon sa tamang kahon na nakapalibot sa istraktura ng globo.

tag-araw

taglamig

taglagas

tagsibol

Kabilugang Arktiko

Tropiko ng Kanser

Ekwador

Tropiko ng Kaprikornyo

Kabilugang Antarktiko

Pamprosesong Katanungan:
Ano-anong klima ang nasa bawat larawan?
Sa anong bahagi ng mapa mo inilagay ang bawat larawan? Bakit doon mo ito napiling
ilagay?

28

Gawain 4: Saksihan Natin


Ipapanood sa mga mag-aaral ang video nang pag-ikot ng mundo sa araw. Bigyang pansin ang
pagtama ng araw sa daigdig. Maaaring gamitin ang link ng video sa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=82p-DYgGFjI

Pamprosesong Katanungan:
Sa palagay mo, pantay ba ang distribusyon ng sikat ng araw sa buong mundo?
Base sa iyong napanood nakakaapekto ba ang lokasyon ng bawat bansa sa kanilang
nararanasang klima? Bakit?

Alalahanin Mo!
Gawain 5: Itula mo!
Basahin ang tula sa ibaba tungkol sa apat na uri ng panahon.
Si Panahon
ni Emeriza V. Red
Tuwing tagsibol ay may pag-ulan,
Upang punot halaman ay madiligan.
Kasunod nitoy ang pagsilip ni bahaghari
Mga bagong usbong na buhay maghahari
Si tag-init ay dakilang kaibigan ng karamihan,
Lalong-lalo na ng kabataan.
Mainit na hampas ng hangin at sikat ng araw dumadampi,
Kayat sa pagtalon sa ilog ay nagmamadali
Heto na naman si taglagas,
Kayat mga dahoy nagsisimula ng malagas
Unti-unti na ring lumalamig ang hangin
Tila nagbabadya ng tag-lamig na pinakahihintay ng iba sa atin
Kumapit ka pagkat heto na si kumareng taglamig
Hatid niyay yelo at nyebe na walang patid
Panahon kung saan sasaglit ang pagsikat ni haring araw
At matagal tatambay si buwan paglubog ni araw.

29

Gawain 6: Suriin ang Globo


Pagmasdan ng mabuti ang istruktura ng globo.

Pamprosesong Katanungan
Saang bahagi ng globo nararanasan ang iisang uri ng panahon?
Anong mga panahon ang nararanasan ng mga bansang nasa pagitan
ng Tropiko ng Kanser at Tropiko ng Kaprikornyo?
Ang klimang temperate na binubuo ng apat na panahon ay maaaring
maranasan sa anong bahagi ng mundo?
Gawain 7: Tukuyin mo, Klima ko!
Pangkatin ang klase sa apat, pangalanan ang bawat grupo gamit ang apat na
klima.
Pangkat 1-- tagsibol

Pangkat 3 -- tag-init

Pangkat 2-- taglagas

Pangkat 4 -- taglamig/tag-ulan

Mga Bansa:
1. Korea 5. France
2. Hawaii
3. Italy
4. Dubai

Sa bawat bansa na ibibigay ng guro, isang miyembro ng grupo ang


pupunta sa unahan kung sa palagay niya ay nararanasan ng
bansang nabanggit ang panahon o klima ng kanilang grupo.

30

Gawain 8: Klima o Panahon?


Sa kanilang muling pangkatan, gagawa ang bawat grupo ng dalawang flaglets
gamit ang materyales na mayroon sila, isusulat nila sa isang flaglet ang salitang
klima at sa kabilang flaglet naman ang salitang panahon. Magbibigay ng
sitwasyon ang guro at itataas nila ang flaglet na palagay nila ay naaangkop sa
sitwasyon na ibinigay.
Mga sitwasyon:
1. Dahil tag-init na halos araw araw ay naglalaro ng basketbol ang
magkakapatid sa harapan ng kanilang bahay, ngunit kanina lamang ay
biglang kumulimlim ang langit at bumuhos ang ulan dahilan kung bakit
hindi sila nakapaglaro. Ang biglaang pag-ulan ba ay panahon o klima?
2. Tuwing sumasapit ang buwan ng hunyo ay nagsisimula na rin ang tagulan. Ngunit may mga araw at pagkakataon na hndi bumubuhos ang
ulan kahit pa tag-ulan na. Base sa binigay na sitwasyon ang tag-ulan ay
tumutukoy sa _______.
3. Taglamig sa Japan at halos araw araw ay umuulan ng nyebe. Ayon sa
balita dahil sa tindi ng pagpatak ng nyebe ay maaaring magkaroon ng
snowstorm sa mga susunod na araw. Ang posibilidad na magkaroon ng
snowstorm ay tumtukoy sa _______________.
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Gawain 9: I-journal mo!
Gumawa ng isang journal tungkol sa nararanasang panahon sa iyong lugar
para sa isang buong linggo. Gawing gabay ang talahanayan sa ibaba.
PETSA
Mayo 27, 2016

KLIMA
Tag-init

31

PANAHON
Nakaranas ako ng pagambon kaninang
umaga at
mahalumigmig na
hangin kaninang
hapon.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos sa Journal


Pamantayan

Pinakamahusay

Mahusay-husay

Mahusay

(4-5)

(2-3)

(0-1)

Nilalaman

Kumpleto at wasto
ang impormasyon sa
petsa, klima at
panahon.

Hindi gaanong
kumpleto at wasto
ang impormasyon
sa petsa, klima at
panahon.

Hindi kumpleto
at wasto ang
impormasyon sa
petsa, klima at
panahon.

Paglalahad ng
Pananaw

Maayos naipahayag
ang sariling
obserbasyon sa
pagbabago ng
panahon.

Hindi gaanong
maayos naipahayag
ang sariling
obserbasyon sa
pagbabago ng
panahon.

Hindi maayos
naipahayag ang
sariling
obserbasyon sa
pagbabago ng
panahon.

Kaangkupan

Angkop ang naitalang


panahon sa
nararanasang klima.

Hindi gaanong
angkop ang
naitalang panahon
sa nararanasang
klima.

Hindi angkop
ang naitalang
panahon sa
nararanasang
klima.

ILIPAT / ISABUHAY

Gawain 10: Balitang Klima at Panahon


Pangkatang Gawain
Manood ng balita tungkol sa lagay ng panahon sa ibat ibang bahagi ng mundo.
Isulat ang klima na nararanasan ng mga partikular na bansa sa buwang ito at
ang panahon na kanilang naranasan/ nararanasan/maaaring maranasan sa
loob ng isang araw. Iulat ito sa klase kinabukasan.

32

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

Pinakamahusay

Mahusay-husay

Mahusay

(4-5)

(2-3)

(0-1)

Pamantayan

Pagbibigay ng
Diyalogo

Malinaw, angkop ang


lakas o hina ng boses.

Hindi gaanong angkop


ang lakas o hina ng
boses.

Malabo at hindi
maintindihan
ang dayalogo.

Malikhain at
Epektibong
Galaw o
Pagkilos

Malinaw at may
paglalapat ang kilosgalaw, ekspresyon ng
mukha, diyalogo, atbp.

Hindi gaanong malinaw


at lapat ang pagkilosgalaw.

Walang
pagkilos.

Kawastuhan ng
Diwang nais
Ipahayag o
Pinapagawa

Malinaw ang
mensaheng nais
iparating.

Hindi gaanong malinaw


ang mensahe.

Malabo ang
mensahe.

Malikhaing
Pagbubuo at
Paggamit ng
mga Materyales

Epektibo ang mga


materyales,
nakadagdag sa
ikahuhusay ng
pagtatanghal.

Hindi gaanong epektibo.

Walang bisa
ang materyales.

Nilalaman

Malawak ang
kaalamang ibinahagi.

Hindi ganong malawak


ang kaalamang
ibinahagi.

Walang bagong
kaalamang
ibinahagi.

*Maaaring baguhin o mas iayos pa ng mga mag-aaral ang mga iminungkahing


pamantayan.

33

Aralin 2:3 Ugnayan ng Uri ng Klima at Panahon ng Bansa ayon sa


Lokasyon nito sa Mundo

ALAMIN
Subukang sagutin ang mga katanungan.
1.
2.
3.
4.

Ilang kontinente mayroon ang mundo?


Saang kontinente nabibilang ang Pilipinas?
Saang espesyal na latitud ito makikita?
Nakakaapekto ba ang lokasyon ng Pilipinas sa mundo sa uri ng klima at
panahon mayroon dito?
5. May kaugnayan din ba ang lokasyon nito sa klima at panahon na
nararanasan ng mga pook/lugar sa buong bansa?
Alalahanin Mo!

Sa pag-aaral ng heograpiya ng mundo, nalaman natin na ang Pilipinas ay


matatagpuan sa mababang latitud. Ang mga bansang makikita rito kabilang
na ang Pilipinas ay nakararanas ng tropikal na klima
*Paano natin masasabi na ang bansa ay may tropikal na klima?

A. Hanap-hanap!
Ituro gamit ang mapa ng mundo ang lokasyon ng Pilipinas.

http://www.coiig.com/COIIG/index.php?option=com_content&task=blogcategory&id=69&Itemid=1110&lang=es_ES

34

Gamit ang Factstorming Web magbigay ng mga impormasyon tungkol sa


lokasyon ng bansa.

Lokasyon ng
Pilipinas sa Mapa
ng Mundo

Ang mapa ng mundo ay may espesyal na latitud. Ang mga ito ay tumutukoy sa
lokasyon ng isang bansa. Ang uri ng klima at panahon na nararanasan ng isang
bansa ay matutukoy kung saang latitud ito makikita.
Para mas maintindihan ito suruin ang larawan.

http://www.digilearn.com.ph/epub/books/gs4_ap01/Text/08_aralin2.html

35

Gamit ang globo tukuyin ang kontinenteng matatagpuan sa mababang latitud,


gitnang latitud, at mataas na latitud. Isulat ang sagot sa talaan.
Mataas na Latitud

Gitnang Latitud

Mababang Latitud

Masasabing ang Pilipinas ay kabilang sa mababang latitud.


Pamprosesong Katanungan:
Ano-anong uri kaya ng klima ang nararanasan sa mga bansang nasa
mababang latitud? gitnang latitud? at mataas na latitud?
May kinalaman ba ang lokasyon ng Pilipinas sa mundo sa uri ng klima
at panahon na nararanasan ng bansa?

PAUNLARIN
B. Pana-panahon!
Pagmasdan mabuti ang mga larawan na ipapaskil ng guro sa pisara.
Tukuyin kung anong panahon dito sa Pilipinas ito madalas na kinakain,
ginagamit, at nakikita.

36

Pamprosesong Katanungan:
Bakit nasabi na ang Pilipinas ay may tropikal na klima?
Mayroon pa kayang ibang uri ng klima ang maaaring maranasan ng
mga lugar sa bansa?
Bakit kaya hindi magkakapareho ang panahon na nararanasan ng mga
lugar sa bansa?

C. Gamit ang Bato Buuin mo ako!

Pangkatin ang klase sa tatlo; Luzon, Visayas, at Mindanao. Buuin ang


archipelago na nabunot ng grupo gamit ang mga batong kinuha sa loob ng
paaralan.
LUZON

VISAYAS

MINDANAO

http://www.traveltothephilippines.info/2011/09/18/see-the-candaba-bird-sanctuary-inpampanga/map-of-luzon-2/
http://www.alearningfamily.com/main/philippines-visayas-provinces-map/
http://www.goodshepherdsisters.org.ph/news/sendong

37

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos sa Pagbuo ng Batong


Archipelago
Pamantayan
Paglikha

Kalinisan

Kooperasyon
ng bawat
grupo

5
Wastong-wasto
ang
pagkakalikha.

3
May mga ilang
bahagi na hindi
wasto ang
pagkakalikha.

1
Hindi wasto ang
lahat ng bahagi na
nilikha.

Malinis na
malinis ang
pagkakabuo.

Malinis ang
pagkakabuo.

Madumi ang
pagkakabuo

Isang daang
porsyento ang
nakiisa sa
pagbuo ng
proyekto.

Limanpung
porsyento ang
nakiisa sa
pagbuo ng
proyekto.

Dalawangput
limang porsyento
lamang ang
nakiisa sa pagbuo
ng proyekto.

D. Maglakbay sa Pinas!
Pangkatin ang klase sa tatlo, bawat grupo ay may limang colored papers na
may nakasulat na lugar sa Pilipinas. Gamit ang graphic organizer, idikit ang
pangalan ng lugar kung saang archipelago ito matatagpuan.

LUZON

VISAYAS

38

MINDANAO

Pamprosesong Katanungan:
Ano ang naramdaman ninyo pagkatapos ng pangkatang gawain?
Ano ang inyong napansin sa colored papers?
Matatagpuan ba ang mga magkakakulay na colored papers sa isang
archipelago lamang? o mayroon din na nasa ibang archipelago?

E. Apat Dapat! (apat na uri ng klima)


Ilarawan ang apat na uri ng klima na nararanasan ng ibat ibang lugar bansa.

Unang Uri ng Klima

Ikalawang Uri ng
Klima

Ikatlong Uri ng Klima

Ikaapat na Uri ng
Klima

Pamprosesong Katanungan:
Bakit mayroong apat na uri ng klima na nararanasan sa loob ng
ating bansa?
May kinalaman din ba ang lokasyon ng lugar?
Ano ano pa ang maaaring dahilan nito?
F. Artista na Yan!
1. Pangkatin ang klase sa apat
2. Bumunot ng kategoryang isasadula
Unang Uri ng Klima
Ikalawang Uri ng Klima
Ikatlong Uri ng Klima
Ikaapat na Uri ng Klima
3. Bumuo ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng mga sitwasyon o
gawain na kadalasang nangyayari sa nabunot na uri ng klima.
Ipakita ang nabuong dula sa loob ng tatlong minuto.
39

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos sa Dula-Dulaan


Pamantayan

Pinakamahusay
5
Malinaw ang
pagkakabigkas,
angkop ang lakas
at hina ng boses.

Mahusay-husay
3
Hindi gaanong
malinaw at angkop
ang lakas ng boses.

Mahusay
1
Malabo at hindi
malinaw ang
pabibigay ng
dayalogo.

Epektibong
Galaw o
Kilos

Malinaw at
magkakonek ang
kilos-galaw,
ekspresyon ng
mukha, diyalogo,
atbp.

Hindi gaanong
malinaw at lapat
ang pagkilos-galaw
at ekspresyon ng
mukha, diyalogo,
atbp.

Walang
pagkilos na
ipinakita.

Wastong
pagpapahay
ag ng
diwang
pinapagawa

Naunawaan ang
mensaheng nais
iparating.

Hindi gaanong
naunawaan ang
mensahe

Hindi
naunawaan
ang mensahe

Kooperasyo
n ng grupo

Isang daang
porsyento ang
nakiisa sa pagbuo
ng proyekto.

Limanpung
porsyento ang
nakiisa sa pagbuo
ng proyekto.

Dalawangput
limang
porsyento
lamang ang
nakiisa sa
pagbuo ng
proyekto.

Mensahe ng
Diyalogo

Tugmang tugma
ang mensahe sa
paksa

May mga parte ng


diyalogo na hindi
tugma sa paksa

Hindi tugma
ang diyalogo sa
paksa

Diyalogo.

Pamprosesong Katanungan:

Ano ang inyong naramdaman pagkatapos ng dula-dulaan?


Sa inyong lugar nararanasan din ba ninyo ang paiba-ibang panahon?
Alam mo ba kung anong klima mayroon ang inyong lugar?
Mayroon bang kinalaman tayong mga tao sa pagkakaiba-iba ng
panahon at klima sa ating lugar?

40

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
G. Kilalanin Sariling Atin!
Kompletuhin ang mga pangungusap.

Ako si
_____________A
ko ay nakatira sa

Ako si
_____________
Ako ay nakatira
sa

_____________

_____________

H. Pagyamanin Natin!

Ang klima dito ay __________________________________________


Minsan nakararanas ng _____________________________________
At bigla na lang ___________________________________________
Dahil ito sa ______________________________________________

Pamprosesong Katanungan:
Masasabi mo na ba na ang uri ng klima at panahon ng isang lugar ay
may ugnayan sa lokasyon nito?
Ano-ano ang klima ng Pilipinas na nararanasan kaugnay ng lokasyon
nito sa mundo?

41

ILIPAT / ISA BUHAY


Pambungad na Katanungan:
Napapansin mo ba ang madalas na pagbabago ng panahon? Ang init
sa umaga at bigla na lang uulan sa hapon.
Sa tingin mo, bakit kaya napapadalas ang mga pangyayaring ito?
Ito ba ang sinasabing climate change?
Madalas itong nababalita sa telebisyon pero hindi natin binibigyang
pansin. Mayroon ba tayong kinalaman ditto?
Ano ano ang maaari nating gawin para matigil na ito?
Nasa peligro na ang ating bansa, kaya dapat na tayong gumawa ng
paraan para mailigtas ito.

I. Iginuhit ko, Isasabuhay ko!


Gumawa ng poster sa isang short bond paper na nagpapakita ng epekto ng
climate change at paano ito maiiwasan.
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos ng Poster
Pamantayan

Kalinisan

Mahusay

Katamtamang
Husay

Nangangailangan pa ng
Dagdag ng Pagsasanay
sa Paggawa ng Poster
1

Malinis na
malinis walang
anumang dumi

May kaunting
dumi

Maduming

Mensahe

Magkaugnay na
magkaugnay
ang iginuhit sa
mensahe

May ilang
iginuhit na
walang
kaugnayan sa
mensahe

Walang kaugnayan ang


iginuhit sa mensahe

Kasiningan

Malikhaing
malikhain ang
pagkakaguhit

Ordinaryo ang
pakakaguhit

Hindi maayos ang


pagkakaguhit

42

Madumi

Anda mungkin juga menyukai