Anda di halaman 1dari 3

Aralin 8: Pagtindig ng haring bayan sa himagsikan

Ang himagsikan ay hindi lamang pagsalungat sa mga bagay na hindi mo ninanais. Ang
himagsikan ay para sa ikagiginhawa ng mga mamamayan ng isang bayan at para sa pagpapanatili
ng kanilang mga kasanayan. Ayon nga sa isang pilosopong Asyano, "Ang rebolusyon ay
kapistahan ng inaapi."
Simula ng maranasan ng Pilipino ang paghihirap at pagpapasakit na idinulot sa kanila
ng mga dayuhan ay isinulong at kanilang inumpisahan ang himagsikan. Ngunit ang himagsikan
na ito ay hindi tumutukoy sa paggamit ng lakas at pagdanak ng dugo. Ito ay ang pakikipaghamok
sa pagitan ng ating nararamdaman at ng ating iniisip. Nang dahil sa magkakasalungat na puso at
isipan ay nabuo sa kanila ang konsepto ng pagpupumiglas at kanilang binuo ang himagsikan.
Ang kalayaan ay maikukumpara sa isang salita: kalangitan, kaya naman may mga
taong handang gawin ang lahat maipaglaban lamang ito. Hindi nila kinailangan ang lakas ng
katawan at talim ng sandata para makalaban, gumamit sila ng papel at pluma para makipagbaka.
Isang nakakahangang estratehiya upang gisingin ang mga Pilipino sa kanilang pagkakabulag sa
katotohanan.
Sabi nga ni Rizal sa isang kantang Rebolusyon, Ayaw ko ng himagsikan. Ang
paggamit ng dahas. Hanggat sana maiwasan. Huwag digmaan ang landas. Pighati at kasawian.
Ang maghihirap ay bayan. Kayraming mauulila. Musmos na kaawa-awa. Dahas, galit at poot.
Ang wakas ay anong lungkot. Kayraming masasangkot. Mas masidhi, mas sigalot. Ang pasyang
padalus-dalos. Ang sa atin ay uubos. Kung walang kahandaan. Huwag makipagsapalaran. Iwaksi
ang himagsikan! Tinukoy niya dito na kailangang pag-isipan ang mga galaw na kanilang
isasakatuparan upang sila ay magtagumpay. Na sa bawat maling galaw na kanilang magagawa ay
yaong mga walang muwang ang siyang maaapektuhan. Kaya naman marami ang nagpalabas ng
kanilang mga saloobin, damdamin at katotohanan sa pamamagitan ng pagsusulat, pagpipinta at
etc. Dito inilabas nila ang mga maling gawi at pananamantala ng mga dayuhan upang ang mga
mamamayan mismo ay maging gising sa katotohanan sa kanilang pinaglalaban: Ang katarungan
at kalayaan
Katulad nga ng isinulat ni Jose Rizal na naging tanyag at siyang nagbigay ng
impormasyon sa kaniyang mga kapwa Pilipino ng katotohanan, ang El Filibusterismo at Noli Me

Tangere. Ang dalawang nobelang ito ay kapwa bunga ng isang uri ng pagbabangon sa katauhan
ng bayani, na noong panahong iyon ay maituturing na isang matapang na hakbang sapagkat
alipin ang mga Pilipino. Ang paghahain ng katotohanan sa El Filibusterismo ay naglalayong ang
bayan ay magising at maghimagsik, at hindi upang mangarap lamang ng pagbabago. Sa Noli ay
may pangarap, may ganda, may damdamin ng pag-ibig, may awa. Sa Fili ay walang madarama
kundi ibayong poot, kapaitan na tumitigid sa bawa't munting bahagi ng aklat, na bahagi ng bawat
karanasan ng mga mahahalagang tauhan ng nobela. (Kidapan, 2010) Isang mataas na uri ng
panitikan ang dalawang aklat na ito kung saan ito ay nagsisilbing salamin upang makita natin
ang tunay nating mukha bilang mga Pilipino.
Ang ating pusot katalinuhan ang siyang magbubuklod sa ating pagkakaisa. Ang
katalinuhan ang siyang mabubukas ng isipan natin tungo sa katotohanan at pang-aalipustang
gawa ng mga dayuhan. Hindi kailangan ng maagarang aksyon upang manalo at matapos agad
ang paghihirap na kanilang naranasan. Sabi nga ng tugon ni Andres Bonifacio sa Rebolusyon,
Kailangan ng dusat pighati upang makamit ang kalayaan. Dito naipamalas nila ang kakayahan
at katalinuhan ng isang Tunay na Pilipinong may pagmamahal sa kanyang mga kapatid at inang
bayan.

By: Jennelyn Salvador Crisostomo

Talasanggunian
Vardeleon. Himagsikan 1896. Retrieved From: http://www.slideshare.net/vardeleon/himagsikan1896

Kadipan. Pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa ibat ibang kaligiran. Retrieved


From: http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/07/pagkakaiba-ng-noli-me-tangere-at-el.html

Anda mungkin juga menyukai