Anda di halaman 1dari 1

Ang Tigre at Ang Matalinong Lobo

Isang lobo ang nahuli ng


isang tigre. Papatayin na
sana ng tigre ang lobo
upang kainin nang bigla
itong magsalita at
tumutol.
"Huwag mo akong
saktan! Huwag mo
akong kainin!"
"Bakit?" tanong ng tigre.
"Sapagkat ako ay dapat mong katakutan! Hindi mo ba alam na ako ang
itinuturing na hari ng mga halimaw? Kapag ako ay iyong kinain, magagalit sa
iyo ang Diyos na naglalang sa akin . Parurusahan ka Niya."
Ayaw maniwala ng tigre. "Sa pagkakaalam ko, leon ang tinaguriang hari ng
mga halimaw sa buong kagubatan!"
"Kung gayon," ang sabi ng lobo, "Sumama ka sa akin at patutunayan ko sa
iyo!"
Sumama nga ang tigre sa lobo. Lumakad sila ng magkasabay sa isang
bahagi ng kagubatang may mga iba't ibang uri ng hayop.
Nang makita sila ng mga hayop na iyon, dali-daling nagtatakbo ang mga
iyon at lumisan nanag takot na takot.
Laking paghanga ng tigre sa lobo. "Totoo nga pala ang iyong sinabi! Dapat ka
ngang katakutan!"
Dahil dito, dali-dali rin itong nagtatakbo palayo sa lobo. Ang hindi nito alam,
sa kanya totoong natakot ang mga hayop at hindi sa lobong matalino.

Anda mungkin juga menyukai