Anda di halaman 1dari 2

Andres Bonifacio Talambuhay Buod sa Tagalog/Filipino

Isinilang si Andres Bonifacio sa Tondo, Maynila noong Nobyembre 30, 1863. Ang
mga magulang ni Bonifacio ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Noong
labing walong taong gulang, Si Bonifacio ay nakilala at nagpakasal kay Gregoria de
Jesus ng Kalookan (kilala din bilang Lakambini ng Katipunan) sa simbhan ng
Binondo, isang taon matapos maitatag ang katipunan.
Si Bonifacio ay kilala rin sa tawag na Dakilang Karaniwang Mamamayan dahil sa
pinakitang kagitingan at pag lilingkod sa bayan. May pag-asa ang kanyang taguri
bilang kasapi ng Katipunan.
Edukasyon ni Andres Bonifacio
Nakapag aral sa paaralan ni Guillermo Osmena sa Cebu subalit sa kahirapan
nakatapos lamang ng pang unang grado sa mababang paaralan.
Propesyon at Buhay ni Andres Bonifacio
Nang labing apat na taong gulang ay naulila at napilitang maghanapbuhay para sa
kanyang kapatid.
Binalikat ang pagsuporta sa pamilya sa pamamagitan ng pagbebenta ng pamaypay
na yari sa papel de hapon at mga bastong yari sa ratan.
Naging malawak din ang isipan dahil sa pagbabasa ng mga aklat katulad ng Bibliya,
Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal, Les Miserables ni Hugo at libro tungkol
sa buhay ng mga pangulo sa Estados Unidos at mga libro tungkol sa batas
pangdaigdig.
Naging eskribyente-mensahero siya ng Flemming and Co., isang kumpanyang Ingles
at dito natuto siya ng wikang Ingles. Naging ahente sa Fresell and Co., isang
kumpanyang Aleman at ng maglaon bilang isang bodegero sa Tondo. Naging isang
aktor din sya sa moro-moro.
Itinatag ang Katipunan (Kataastaasan, Kagalang galang, Katipunan ng mga Anak ng
Bayan o KKK) isang lihim na pagtitipon sa isang bahay sa Azcarraga, Maynila noong
ika 7 ng Hulyo 1892 at 1895. Noong ika 23 ng Agosto, taong 1896 pinulong ng mga
kapwa katipunero sa Pugadlawin at doon sabay sabay nilang pinunit ang cedula
(katibayan ng pagkamamamayan) at sumigaw ng: Mabuhay ang Pilipinas na
naging hudyat ng pasimula ng Rebolusyong Pilipino laban sa Espana.
Noong ika 22 ng Marso 1897, sa kapulungan ng Tejeros na ginanap sa San Francisco
de Malabon, natalo si Bonifacio kay Gen. Aguinaldo bilang pinuno ng katipunan at
binuo ang kapulungan ng isang bagong pamahalaang rebolusyonaryo na hahalili sa
Katipunan.
Sumalakay ang mga tauhan ni Gen. Aguinaldo sa Limbon, Indang Cavite kung saan
napatay ang isa sa kanyang mga kapatid na si Ciriaco at sila kasama ni Procopio ay

nahuling sugatan at dinalang bihag sa Marogondon. Nilitis sa harap ng hukumang


militar at noong ika-7 ng Mayo, hinatulan ng kamatayan at iniutos na ipatapon sa
malayong lugar. Binaril at napatay kasama ng kapatid na si Procopio ng isang platun
ng tauhan ni Gen. Aguinaldo sa ilalim ng pamumuno ni Koronel Lazaro Macapagal
noong ika-10 ng Mayo 1897 sa Bundok Tala, sa Maragondon, Cavite.

Anda mungkin juga menyukai