Anda di halaman 1dari 2

Agyu

(Epiko ng Ilianon)
Ang mga bayaning sina Banlak, Agyu, at Kuyasu ay nakatira sa bayan ng Ayuman.
Sa tradisyong Ilianon silay magkakapatid na anak ni Pamulaw. Si Agyu ay may
apat na kapatid na babae, ngunit sina Yambungon at Ikawangon lamang ang
binanggit sa epiko. Isang araw nagpadala si Agyu sa datung Moro ng siyam na
komu-buu-buong pagkit sa pamamagitan nina Kuyasu at Banlak. Nagalit ang
datung Moro dahil kakaunti ang pagkit pambayad, kayat kanyang ibinalibag ang
pagkit kay Kuyasu na tumama sa may ulser. Gumanti si Kuyasu at kanyang
sinibat ang datu na tinamaan sa dibdib. Nahulaan ni Agyu na magkakagiyera
dahil napatay ang datu. Nagtungo sila sa Ilian at ipinasiya ni Agyu na magtayo ng
kuta sa bundok ng Ilian. Ang mga mandirigmang Morong nagdaan sa Ilog Palangi
ay dumating at nakita ang kutang ginawa ng mga Ilianon. Nakipaglaban sina
Agyu sa mga Moro at halos naubos ang mga kaaway.
Pagkatapos ng tagumpay, ipinasya ni Agyu na lumipat sa bayan. Pinili niya ang
bundok ng Pinamatun. Hanggang narating nila ang bayang Tigyandang at dito
sila sinalakay. Lumaban ang mga tauhan ni Agyu sa pampangin ng look ng
Linayagon. Nang silay naubusan ng tauhan, ang batang anak ni Agyu na si
Tanagyaw ay nagprisintang sasagupa sa mga kaaway. Napatay niyang lahat ang
kalaban nang ikaapat na araw. Narating ni Tanagyaw ang bayang Bablayon.
Nanghihilakbot ang mga tao rito at nang malaman niyang lulusubin sila ng mga
kaaway o mananakop nanlaban at napatay ni Tanagyaw ang mga mananakop.
Dahil dito ay ipinakasal ng datu ang kanyang anak kay Tanagyaw.
Di nagluwat ang bayan ni Agyu ay nanganib din sa mga mananakop na galing sa
ibayong dagat. Ang mga lalaki, bata at matanda ay sinabihang lumaban ngunit
silay natalo. Hinulaan ng propeta ang malagim nilang wakas ngunit sinalungat at
pinarusahan siya ni Tanagyaw. Nagbihis siya ng sampung suson makasiyam ang
kapal at dinampot ang kanyang sibat at kalasag na hindi nasisira. Nilabanan niya
ang mga mananakop sa dalampasigan. Naghambalong ang mga patay, patungpatong, na parang bundok at burol.

Itinalaga ni Agyu ang bayan sa kanyang matagumpay na anak na nanirahan doon


kasama ang kanyang kaakit-akit na asawa.

Anda mungkin juga menyukai