Pag-aralang mabuti ang mga sumusunod na datos at gumawa ng naangkop
na balita. 1. Nickel ang minimina ng Emir Mineral Resources Corporation 2. Chromite ang minimina ng Mt. Sinai 3. Nagmimina ang Emir Mineral Resources Corporation at Mt. Sinai sa Eastern Samar 4. Sinuspinde ng DENR ang operasyon ng Emir Mineral Resources Corporation at Mt. Sinai sa Eastern Samar 5. Polusyon ang idinudulot ng operasyon ng Emir Mineral Resources Corporation at Mt. Sinai sa Eastern Samar 6. Nagdudulot ng polusyon sa ilog ang operasyon ng Emir Mineral Resources Corporation at Mt. Sinai sa Eastern Samar ayon sa DENR 7. Ang suspensyon ng Emir Mineral Resources Corporation at Mt. Sinai ay tinukoy ni Lina Lopes 8. Si Lina Lopes ang kalihim ng dept of environment and natural resources administration 9. Ang Emir Mineral Resources Corporation at Mt. Sinai ay kabilang sa 8 minahan na sinuspende ng DENR. Ito ay sinabi ng undersecretary ng DENR na si Leo Jasareno 10. Maraming tutol sa paglilibing kay Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga bayani 11. Paliwanag ni Jasareno: The audit team found that Mt. Sinai caused the siltation of a river and recommended their suspension 12. Ang suspensyon ay alinsunod sa kampanya ng denr laban sa illegal at iresponsableng pagmimina.
brye2bu 8/13/2016
Pagsulat ng Balita
2 mining firm, sinuspinde sa polusyon
August 12, 2016 Filed under Probinsya Posted by Balita Online
RSS Feed
Sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang operasyon ng
dalawang mining firm sa Eastern Samar dahil sa idinudulot umanong polusyon ng mga ito. Tinukoy ni DENR Secretary Gina Lopez na suspendido ang chromite miner na Mt. Sinai, at ang nickel miner na Emir Mineral Resources Corporation. Ayon sa kalihim, matagal nang nagdudulot ng polusyon sa ilog ang operasyon ng dalawang minahan. The audit team found that Mt. Sinai caused the siltation of a river and recommended their suspension, paliwanag naman ni DENR Undersecretary Leo Jasareno, sinabing kapareho rin ang naging paglabag ng Emir Mineral. Sinabi pa ni Jasareno na kabilang ang Mt. Sinai at Emir Mineral sa walong minahan na sinuspinde ng DENR, alinsunod sa kampanya ng kagawaran laban sa ilegal at iresponsableng pagmimina. (Rommel P. Tabbad)