Anda di halaman 1dari 7

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region IV A CALABARZON
Division of Batangas
Bauan East District

BAUAN EAST CENTRAL SCHOOL

PRE TEST/ POST TEST in ARALING PANLIPUNAN


1st Semester
Panuto: Piliin at isulat ang titik nang wastong sagot.
1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa _________________
A. Timog Asya
C. Kanlurang Asya
B. Silangang Asya
D. Timog-Silangan Asya
2. Ang samahang politikal na itinataguyod ng tao at may layuning tugunan ang kanilang mga
pangangailangan ay tinatawag na________________
A. Bansa
B. teritoryo
C. soberanya
D. pamahalaan
3. Ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar na may kinalaman sa atmospera,
temperatura at iba pang nakaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito ay ______________
A. Amihan
B. bagyo
C. klima
D. monsoon
4. Ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas ay ang ________________.
A. Bashi Channel
C. Karagatang Pasipiko
B. Dagat Celebes
D. Dagat Kanlurang Pilipinas
5. Ang direksyon ng Vietnam mula sa Pilipinas ay nasa gawing _____________.
A. hilaga
B. silangan
C. timog
D. kanluran
6. Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas ay ang ____________________.
A. China
B. Japan
C. Taiwan
D. Hongkong
7. Ang Pinakamalayong bansa mula sa kanluran ng Pilipinas ay nasa ________________
A. Laos
B. Thailand
C. Myanmar
D. Cambodia
8. Alin ang tamang naglalarawan sa klima ng bansa?
A. Napakainit sa Pilipinas
C. Malamig sa Pilipinas
B. Napakalamig sa Pilipinas
D. Hindi gaanong mainit at malamig sa Pilipinas
9. Saang lalawigan nakapagtala ng pinakamababang temperature?
A. Baguio
B. Thailand
C. Bukidnon
D. Atok, Benguet
10. Aling rehiyon ang may pinakakakaunti ang naninirahan?
A. ARMM
B. CAR
C. Caraga
D. MIMAROPA
11. Bakit maraming naninirahan sa NCR?
A. Dahil maraming oportunidad o pagkakataon ditto upang makapag-aral at kumita.
B. Dahil maraming naggagandahang gusali rito
C. Dahil nasa sentro ito ng bansa
D. Dahil makabago ito
12. Ang magkakaibigang Ramcis, Ronell, Susan, Wilma at Walter ay nakatira malapit sa malawak na
taniman ng palay. Anong uri ng hanapbuhay ang naaangkop sa kanilang lugar?
A. Pangingisda
B. Pagsasaka
C. Pagmimina
D. Pangangaso
13. Ito ay mga lugar na kilala at angkop sa pagtatanim ng mga gulay, prutas at mga bulaklak.
A. Tagaytay at Baguio
C. Paracale at Davao
B. Batangas at Mindoro
D. Quezon at Batanes
14. Anong produkto o kalakal ang matatagpuan o makukuha sa mga lugar na malapit sa baybaying
dagat?
A. Palay, abaka at mais
C. perlas, isda at alimasag
B. Hipon, mani, at saging
D. manok, baboy at kalabaw
15. Bakit dapat nating tangkilikin ang sariling produkto?
A. Dahil sa ganitong paraan ay makatutulong ka sa pag-unlad ng sarili mong bansa.
B. Dahil mas matibay ang gawang Pinoy kumpara sa gawang imported.
C. Dahil mas mura ang produkto rito sa Pilipinas
D. Lahat ng nabanggit
16. Nais ng aking ina na bumili ng perlas para sa aming magkakapatid. Kanino sa mga sumusunod
kong tiyahin kami lalapit para magpabili ng perlas?
A. Sa aking Tiya Maria na taga-Bicol
C. Sa aking Tiya Arsenia na taga -Sulu
B. Sa aking Tiya Lucia na taga- Davao
D. Sa aking Tiya Soledad na taga-Cagayan
17. Bilang isang guro, paano ka makatutulong sa pagpapatupad ng likas kayang pag-unlad o
sustainable development?
A. Pagbabawas sa pagpalaki ng mga rural na lugar.
B. Pagpapaigting ng edukasyong pangkalikasan
C. Pagkakaroon ng Property Rights Reform

D. Pag-aayos ng mga nasirang ecosystem.


18. Handang damayan ng mga Pilipino ang kababayang nawalan ng mahal sa buhay. Ano ang
ipinapakita nito?
A. Ang Pilipino ay tiwali at hindi mapagkakatiwalaan.
B. Ang Pilipino ay maawain at matulungin.
C. Ang Pilipino ay malupit.
D. Ang Pilipino ay tamad.
19. Paano ka higit na maging mabuting tao?
A. Hindi ako sasama sa kahit anong cultural na grupo.
B. Pag-aaralan na matutunan ang kultura ng ibang mga grupo.
C. Sasama sa pinakamagaling na grupong cultural sa sariling bayan.
D. Hindi ko pakikialaman ang paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga ng ibang tao.
20. Ano ang palagay mo sa iyong kultura?
A. Pinakamababang kultura sa lahat.
B. Mas magaling sa kultura ng ibang tao.
C. Pinakamagaling na kultura sa buong mundo.
D. Iba sa kultura ng ibang grupo, ngunit ayos lamang ito.
II. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

Bulkang Mayon
Bundok Apo
Bundok Banah
Lambak

Lambak ng Cagayan
National Capital Region
Rehiyon XII
Rehiyon II

Pangasinan
Rehiyon III
Tangway

21. Anong lalawigan sa Rehiyon ng Ilocos ang may malawak na kapatagan?


22. Anong rehiyon ang itinuturing na pinakamalaking lambak sa buong bansa?
23. Saan matatagpuan ang pinakamalawak na kapatagan sa buong bansa?
24. Anong bundok ang naghihiwalay sa mga lalawigan ng Laguna at Quezon?
25. Ano ang tawag sa anyong lupa na nakausli nang pahaba at napapalibutan ng tubig?
26. Ano ang tawag sa anyong lupa na mahaba at mababa at nasa pagitan ng mga bundok o burol?
27. Ano ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa Pilipinas?
28. Saang rehiyon matatagpuan ang Ilog Cagayan na pinakamahabang ilog sa buong Pilipinas?
29. Anong rehiyon ang binansagang Kamalig ng Palay sa Mindanao?
30. Aling rehiyon ang sentro ng pamahalaan, edukasyon, relihiyon at industriya?
III. Panuto: Gamit ang simbolo, tukuyin kung sino ang gaganap sa sumusunod na pananagutan. Iguhit
ito sa inyong sagutang papel.
-

pamahalaan

- pamilya

paaralan

simbahan

- mamamayan

pribadong samahan

31. Hinuhubog ang mga anak sa tamang pangangalaga ng kalikasan.


32. Gumagawa ng mga batas at programa para sa kalikasan.
33. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mga paraan sa wastong pangangasiwa ng mga
pinagkukunang yaman.
34. Magkaroon ng disiplina sa sarili.
35. Ipabatid sa mga tao ang tunay na kalagayan n gating kapaligiran.
IV. Panuto: Itugma ang mga salita sa hanay B sa mga inilalarawan sa hanay A. Isulat ang letra sa inyong
sagutang papel.
A
B.
36. nakikisali sa uso o moda
A. ningas cogon
37. maski ano ang mangyari
B. mentalidad na bandwagon
38. isang tagapamagitan na tumutulong
C. pakikisama
upang malutas ang alitan
D. bahala na
39. handing tumulong nang walang
E. unawa
hinihintay na kapalit.
F. padrino
40. masigasig lamang sa umpisa
ngunit hindi tinatapos ang
gawain.

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV A CALABARZON
Division of Batangas
Bauan East District

BAUAN EAST CENTRAL SCHOOL

TALAHANAYAN NG ISPISIPIKASYON SA ARALING PANLIPUNAN IV


Unang Markahang Pagsusulit
2015-2016
Layunin

Bilang ng
Aytem

1.Naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang


bansa.
Binigyang Pansin ni:
2.Natutukoy ang relatibong lokasyon ng
Pilipinas batay
sa mga
nakapaligid dito gamit
BRENDA
C. BOONGALING
ang pangunahinPunongguro
at pangalawang
direksyon.
III
3.Natataluntun ang mga hangganan at lawak
ng teritoryo ng Pilipinas gamit ang mapa.
4.Nakikilala na ang Pilipinas ay isang bansang
tropikal
5.Natutukoy ang iba pang salik na may
kinalaman sa klima ng bansa
6.Napapaliwanag na ang klima ay may
kinalaman sa uri ng mga pananim at hayop sa
Pilipinas.
7. Naipapaliwanag ang katangian ng Pilipinas
bilang isang bansang maritime o insular
8.Napaghahambing ang ibat ibang
pangunahing anyong lupa at anyong tubig ng
bansa.
9.Naiisa-isa ang tatlong pangunahing likas na
yaman ng bansa.
10. Nailalarawan ang katangian ng
magagandang tanawin at pook pasyalan sa
bansa
11.Nasasabi ang kahulugan ng topograpiya.
12.Natutukoy ang mga rehiyon at bilang ng
populasyon nito gamit ang demographic map.
13.Nailalarawan ang lokasyon o kalagayan ng
Pilipinas sa mapa ng mundo.

Kinalalagyan

3
3

1-3
Inihanda ni:
MARY ANN F. MARANON
4-6
Guro

7-9

10-11

12-15

16-20

21-22

23-25

28-30

31-33

34-35

36-37

38-40

40

40

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV A CALABARZON
Division of Batangas
Bauan East District

BAUAN EAST CENTRAL SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN IV


Pangalan: ____________________________________________ Petsa: _____________
Baitang/Seksyon:________________
Marka: ____________
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang titik nang wastong sagot.

_______1. Ano ang tawag sa lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may

magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika,
pamana, relihiyon, at lahi?
A. teritoryo
B. bansa
C. pamahalaan
D. lalawigan
______2. Ano ang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na
naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan?
A. bansa
B. pamahalaan
C. departamento
D. organisasyon
______3. Anu-ano ang mga salik ng isang lugar para masabing isa itong bansa?
A. may tao
C. may tao, teritoryo at pamahalaan
B. may tao at teritoryo
D. may tao, teritoryo, pamahalaan, at soberanya
______4. . Alin sa mga sumusunod na bansa ang nasa Hilagang bahagi ng Pilipinas?
A. Taiwan
B. Malaysia
C. Borneo
D. Indonesia
______5. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?
A. Timog-Kanluran
C. Gitnang-Silangan
B. Timog-Silangan
D. Pinakatimog ng Mundo
______6. Nasa Hilagang-Kanluran ng Pilipinas ang mga isla ng Paracel. Ano ang isinasaad ng
pangungusap?
A. Tama
B. Mali
C. Hindi kapanipaniwala D Minsan totoo
______7. . Ano ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas?
A. 4 20 H latitude at 116-127 S longhitud
B. 4-21 H latitude at 116-126 S longhitud
C. 4-20 H latitude at 116-127 S longhitud
D. 4-21 H latitude at 116-127 S longhitud
______8. Kung ang bawat sentimetro sa iskala ay katumbas ng 100 kilometro, ang 1000
kilometro ay katumbas ng________
A. 20 sm
B. 5 sm
C. 10 sm
D. 1 sm
______9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang angkop na paglalarawan sa Pilipinas?
A. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng lupa.
B. Ang Pilipinas ay ang may pinakamataas na populasyon.
C. Sa Pilipinas matatagpuan ang lahat ng uri ng hayop.
D. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng tubig
______10. Bakit tinawag na bansang tropikal ang Pilipinas?
A. Dahil ito ay may apat na uri ng panahon.
B. Dahil nakatatanggap ito ng pahilis na sinag na araw.
C. Dahil malapit ito sa ekwador at nasa mababang latitude.
D. Dahil ito ay nasa pagitan ng ekwador at Tropiko ng Kaprikorn.
______11. Alin sa mga sumusunod ang tamang kahulugan ng klima?
A. Ito ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar.
B. Ito ang tumutukoy sa nararanasang init at lamig ng isang lugar.
C. Ito ay ang pabago-bagong direksyon ng hangin.
D. Ito ay ang di pangkaraniwang nangyayari sa kapaligiran.
_______12. Tawag sa hanging paiba-iba ang direksyon ng ihip ng hangin na nakabatay kung
saan ang mas mainit o malamig ba lugar.
A. Hanging Amihan
C. Hanging Monsoon
B. Hanging Habagat
D. Climate Change
_______13. Ang Marinduque at Batanes ay nakatatanggap ng pantay pantay na dami at
pagkakabahagi ng ulan sa buong taon. Sa anong uri ng dami ng ulan sila nabibilang?
A. Unang Uri
B. Ikalawang Uri
C. Ikatlong Uri
D. Ikaapat na Uri
_______14. Anong babala ang nararanasan ng nasa larawan na may bilis na hangin na umabot
hanggang 185 kilometro bawas oras sa loob ng 18 oras.
A. Babala Blg. 1
B. Babala blg. 2
C. Babala blg. 3
D. Babala blg. 4

_______15. Ang mga sumusunod na mga lalawigan ay nakararanas ng unang uri ng klima ayon
sa dami ng ulan maliban sa:
A. Antique
B. Romblon
C. Iloilo
D. Capiz
_______16. Anong pananim ang nangangailangan ng temperaturang hindi bababa sa 21 C at
hindi naman tataas sa 32 C?
A. mais
B. palay
C. niyog
D. abaka
_______17. Saan makikita ang pinakamaganda at pinakamalaking orkidyas sa Pilipinas?
A. Luzon
B. Visayas
C. Mindanao
D. Palawan
_______18. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa tamaraw?
A. Kahawig ito ng baka.
B. Mas maikli ang sungay ng tamaraw kung ihahambing ito sa kalabaw.
C. Ito ay makikita lamang sa Palawan.
D. Maraming tamaraw sa Mindoro.
_______19. Hayop na kamukha daga at baboy ang mga paa.
A. Tarsier
B. pilandok
C. usa
D. tamaraw
_______20. Bakit unti-unti nang nauubos ang mga hayop sa Pilipinas?
A. Hinuhuli sila at hindi inaalagaan
B. Hindi na nanganganak ang ibang mga hayop.
C. Wala na silang makain.
D. Wala na silang tirahan.
_______21. Ano ang pinakadulong pulo ng Pilipinas sag awing hilaga?
A. Yami
B. Saluag
C. Tawi-Tawi
D. Sulu
_______22. Alin ang hindi kapakinabangan ng pagiging isang bansang insular?
A. Ang kainaman ng mga daungan sa bansa na nagsisilbing daanan ng mga sasakyang
pandagat.
B. Nagsisilbing pang-akit sa mga turista ang kagandahan ng mga dagat at baybayin nito.
C. Nagsisilbing daanan ito ng mga kalakal mula sa ibang bansa.
D. Madaling masasakop ng ibang bansa ang ating bansa.
_______23. Ang kapatagan ay malawak na lupain na patag at mababa. Alin sa mga sumusunod
ang pinakamataas na anyong lupa?
A. bundok
B. burol
C. talampas
D. lambak
_______24. Ang mga sumusunod ay katangian ng Karagatan maliban sa isa. Alin ito?
A. pinakamalalim B. pinakamalawak C. pinakamahaba D. pinakamalaki
_______25. Ang Pansol Hot Spring ang pinakabantog na bukal sa Laguna. Saan naman
matatagpuan ang mainit sa singaw na nangagaling sa hotspring at maaaring pagkunan ng lakas
geothermal na makatutustos ng elektrisidad sa Bicol?
A. Masbate
B. Albay
C. Catanduanes
D. Sorsogon
_______26. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Tulay ng San Juanico?
A. Nakikita ng mga turista ang magagandang tanawin sa kabisayaan
B. Pinapadali nito ang transportansyon papunta sa Samar at Leyte.
C. Mabilis na nakakarating mga naglalayag papuntang Bicol.
D. Pinag-uugnay nito ang Luzon at Visayas.
_______27. Si Rommel ay taga Davao, anong magandang tanawin ang matatagpuan sa
kanilang lugar na maaari niyang maipagmalaki?
A. Bundok Apo
B. Bundok Arayat
C. Bulkang Mayon D. Sierra Madre
_______28. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng yamang mineral?
A. sinarapan, perlas, korales
C. tanso, chromite, sulphur
B. bakal, kapok, waling-waling
D. abaka, karbon, tubo
_______29. Ang Pilipinas ay pumapangalawa sa buong daigdig sa pagluluwas ng ________
A. pinya
B. niyog
C. abaka
D. palay
_______30. Anong yaman ng bansa ang pinagkukunan ng inumin at daanan ng mga
sasakyang pantubig?

A. yamang lupa
B. yamang tubig
C. yamang mineral
D. yamang di- mineral
_______31. Anong magandang tanawin ang matatagpuan sa Palawan?
A. Underground River
C. Bangui Windmills
B. Mayon Volcano
D. Banaue Rice Terraces
_______32. Upang mapalaganap ang turista sa Pilipinas, ano ang kampanya ng Kagawaran ng
Turismo?
A. Wow! Philippines
C. Pilipinas, Kay Ganda
B. Its more fun in the Philippines
D. Tayo na, sa Pilipinas
_______33. Saan matatagpuan ang Talon ng Maria Cristina na isa sa pinakamataas na talon sa
bansa?
A. Hilagang Cotobato
C. Lanao del Norte
B. Zamboanga del Norte
D. Carmen, Bohol
_______34. Ang Bulkang Taal ang pinakamaliit ng bulkan sa bansa. Saang rehiyon ito
matatagpuan?
A. Rehiyon I
B. Rehiyon II
C. Rehiyon III
D. Rehiyon IV-A
_______35. Ang mga sumusunod ay mga batayan kung paano pinaghati-hati ang mga rehiyon
sa bansa maliban sa
A. Pagkakatulad ng pisikal na kapaligiran o magkakalapit ang kinaroroonan.
B. Pagkakaisa ng kultura, pagkain at paniniwala.
C. Yaman at estado sa buhay ng mga mamamayan.
D. Pagkakapareho ng wika, paniniwala at tradisyon.
_______36. Bakit marami ang naninirahan sa NCR?
A. Dahil maraming oportunidad o pagkakataon ditto upang makapag-aral at kumita
B. Dahil maraming naggagandahang gusali rito
C. Dahil nasa sentro ito ng bansa
D. Dahil makabago ito
_______37. Ito ay tumutukoy sa katipunan ng mga tao o sa dami ng tao na naninirahan sa
isang tiyak na lugar.
A. populasyon
B. topograpiya
C. rehiyon
D. teritoryo
_______38. Ano ang tawag sa isang lugar o rehiyon kung saan nakalatag ang maraming
aktibong bulkan at kung saan nagaganap ang madalas namga paglindol?
A. Pacific Ring of Fire
B. PHIVOLCS
C. DRRMC D. Circum Pacific
_______39. Kung ikaw ay nasa loob ng paaralan o gusali at biglang lumindol, alin sa mga
sumusunod ang dapat mong gawin?
A. lumayo sa mga puno
C. Duck, cover & hold
B. umalis sa mga lugar na mataas
D. Lumayo sa poste
______40. Alin sa mga sumusunod na babala ng bagyo ang nagtataglay ng katangiang dapat
mong gawin kapag Signal No. 2?
A. Tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng inyong tahanan sakaling lumakas ang bagyo
B. Manatili sa loob ng bahay
C. Lumayo sa tabing-dagat at mga lugar na malapit sa ilog
D. Lahat ng mga outdoor na Gawain at mga paglalakbay ay dapat kaselahin
Inihanda ni:
Binigyang Pansin ni:
BRENDA C. BOONGALING
Punongguro III

MARY ANN F. MARANON


Guro

Anda mungkin juga menyukai