Anda di halaman 1dari 11

AGIMAT AT BERTUD

PAUNANG SALITA:
Tayo po ay binigyan ng DIYOS AMA ng sariling pag-iisip kaya kung ano man po ang
inyong paniniwala o relihiyon ay aking iginagalang at hindi ko hinihikayat ang sinoman
na maniwala at sumunod sa aking kinagisnang paniniwala.
Bago ako magsimula sa aking blog na "AGIMAT at BERTUD" nais ko munang
ihayag sa mga babasa nito ang aking paniniwala tungkol sa DEUS na
makapangyarihan sa lahat!!!

Ang DIOS AMA ay nag-iisa noong panahong wala pa ang lahat ng mga bagay, mga
bagay na nakikita man at hindi. (Awit 93:2, Genesis 21:13, Isaias 57:15) Siya ang
AMA ay isang Espirit (Juan 4:24). Siya ay nag-salita (Juan 1:1) ang kaniyang
pasimulang salita o ang unang tinig na nanulas sa kaniyang bibig ay naging isang
umiiral na Dios (Juan 1:2). Ito ngang Tinig ay isang Being o Umiiral na
Persona (Genesis 3:8) [Ipina-uunawang ang salitang persona na ginamit ay isang
salitang pang-ukol upang ipantukoy sa isa na pinag-uusapan.]
Ang Tinig o Salita ay isang buhay na Umiiral (Hebreo 4:12), Siya ang sa ngayon ay
ang tinatawag na ANAK. Kung ang Tinig ng Ama ay naging isang Dios o
Makapangyarihang umiiral na persona, Samakatuwid bag ay dalawa ang Dios?
Tunay na hindi! Ito ay sapagkat ang Dios AMA ay pumaloob o puma-sa
personang ito, alalaon bagay sa ANAK (Juan 14:10). Kung kaya tumpak ang
pagkasabi: ako at ang Ama ay iisa (Juan 10:30) Iisa sapagkat sila ay
nagkakalakip, gaya nang unang araw na lalangin ang tao; siya ay iisa sapagkat
hindi pa nahihiwalay mula sa kaniyang tadyang ang naging isang babae(Genesis
2:21, 5:2). Tunay nga ang pagka-sabi patungkol sa tao: sa wangis ng Dios siya
nilalang (Genesis 5:1, 1:27) Subalit kumusta naman ang Espirit Santo? Hindi bag
ito ay isa na tinutukoy na ikat-long persona ayon sa tradisyong turo ng pinakamalaking bahagi ng sangka-Kristiyanuhan? Sapagkat mapapansin sa talata ng
(Mateo 28:19) na tila bag may binabanggit na tatlo o talong persona na umiiral.
Tangi pa roon, bagaman at ang Ama ay isang Espirit ay tinukoy din na siya ay
mayroong Espirit (Isaias 61:1). Tunay nga na may isa pang umiiral na persona ang
Espirit Santo.(Genesis 1:2) Ngunit nangangahulugan ba ito na tatlo na ang Dios?
Tunay na hindi! Sapagkat kung mapapangsin ang sanaysay sa itaas ay
pinatunayan ng Kasulatan na iisa ang Dios bagaman at tila bag dalawa (ang Ama
at ang Anak) ang nabanggit. Ngunit sa usapin tungkol sa Espirit Santo bigyang
pansin lamang ang demonstrasyon o paghahayag sa pamamagitan ng Bautismo na
isinagawa ni Juan Bautista, ditoy mapapag-tanto na ang tatlong persona ay iisang
Dios. Mapag-uunawa na tatlo nga ang persona o umiiral ngunit ito ay iisa. Gaya
naman ng [isang]tao na kaniyang larawan, binubuo ng: espirit, kaluluw,
katawan. Tatlo ang binabanggit subalit siya ay iisa (1Tesalonica 5:23).

ANG AKING PANINIWALA


Nang matapos ang paglalang. Ang makapangyarihang I.D. ay nagpahinga sa
ikapitong araw at siyay lumuklok sa pinakamataas at IKAPITONG BAHAGI ng
kalangitan (sa tradisyon ng matandang paniniwala ay ang nuno). Ang wika ng
Infinito Deus YESERAYE ay: Sa kalakihan nitong sandaigdigan WALANG
KIKILALANING HARI NG MGA HARI AT DIOS NG MGA DIOS KUNDI AKO
LAMANG at WALANG PAGLIKHANG MAGAGANAP KUNDI TATAWAGIN
MUNA ANG AKING PANGALAN.

May tatlong katauhan ang lnfinito Deus: ito ay ang Dios Ama (MATAM), Dios Anak
(MITAM), at Dios Ina o Espiritu Santo (MICAM). Ang tatlong katauhang ito ang
bumubuo sa Santissima Trinidad. Ito ay ayon sa kaalamang bayang teolohiya.
Ang Dios Ama ay ang Dios ni Abraham at ni Moises. Noong unang panahon nakilala
siya sa pamamagitan ng tinig o boses. Sa simbolismo ng mga Pilipino, siya ay mata
sa loob ng isang trespiku. Kilala rin ito na Ohos Anima Sola.
Ang Dios Anak ay walang iba kundi si Jesus (YESHUA) na bumaba sa lupa,
nagkatawang tao, nabayubay sa krus, umakyat sa langit, at umupo sa kanan ng
Dios Ama.
Ang Dios Ina ay bumaba sa lupa, nagkatawang tao rin subalit sumakatao sa iba't
ibang pinagpalang mga babae na sinusunod ng iba't ibang samahan katulad nina
Maria Bernarda Balitaan, Victoria Piedad, Josefina Lopez, atbp. Sila ay may kanikaniyang tipan na ipinahahayag.
Sa konteksto ng kaalamang bayang teolohiya na itinuturing na apokripal sa Bibliya,
ang Dios Ama ang unang naghari sa daigdig na ipinagkaloob ng Infinito Dios.
Ipinalam niya sa sangkatauhan ang kaniyang naisin sa lahat ng kaniyang nilalang
sa pamamagitan ng tinig o boses. At ganito nga ang nangyari nang palayasin niya si
Adan at Eva sa Paraiso at pinagbilinan na sa sarili nilang pawis manggagaling ang
kanilang ikabubuhay. Gayundin ang nangyari kay Nunong Noe nang gunawin ang
sandaigdigan at kay Moises nang ibinigay niya ang kaniyang sampung utos.
Anopa't ipinagwalang bahala ng sangkatauhan ang pagmamahal ng Dios sa
kaniyang nilalang. Ito'y nalusak sa pagkakasala. Kaya't minarapat ng Santisima
Trinidad na pababain sa lupa ang Dios Anak sa pamamagitan ng pagkakatawang
tao upang iligtas ang sanglibutan. At gayun na nga ang nangyari. Si Jesus ay
nagkatawang tao, tinupad ang kaniyang ministeryo, ipinako sa krus, umakyat sa
langit at lumuklok sa kanan ng Dios Ama.

Subali't nagpatuloy sa gawaing pagkakasala ang sangkatauhan kahit na nga tinubos


niya sila sa pamamagitan ng kaniyang gracia dahilan sa kaniyang lubos na pag-ibig.
Ang konsistoryo ng Santisima Trinidad ay muling nagpulong at kanilang
pinagkasunduan na panahon na upang ang Dios Ina naman ang bumaba sa lupa.

KASAYSAYAN NG DEUS AYON SA LUMANG AKLAT NG ISANG


ANTINGERO "
Sa pasimula ng wala pa ang langit at lupa, ang lahat ay nababalot sa walang
hanggang kadiliman
Ang makapangyarihang "Infinito Deus YESERAYE" ang unang lumitaw at ang
kanyang anyo ay isang matang may pakpak na nakabalabal at sa kanyang balabal
ay nakasulat ang kanyang kauna-unahang pangalan na tanging siya lamang ang
nagbigay ng kanyang sariling pangalan. Siya'y paikot-ikot lamang sa kanyang
paglipad at Matapos ang kanyang paglipad, inisip ng Infinito Deus na gumawa ng
kanyang pahingaan, subalit bago siya magsimula sa paglikha ng anomang bagay ay
inisip niyang magkaroon ng isang makakatulong sa paglikha.
Sa kaniyang pag-iisip ay sumipot ang "Infinita Deus" sa kanyang ulo at ang anyo ay
limang titik na "M-A-R-I-A" na may sinag na nagni ningning sa anyo ng
limang talulot ng isang mayuming bulaklak. Ang bulaklak na ito ang tinatawag na
Gumamela Celis na ang ibig sabihin ay BULAKLAK ng LANGIT, o bulaklak ng
mundo (Rosa Mundi). Ang "MARIA" sa wikang Siria ay MIRIAM na ang
kahulugan ay KATAASTAASAN.
Ginawa na nga ng I.D. ang PLANO o ang ANYO ng kanyang mga lilikhain at
gagawin SA BUONG UNIVERSO: ARAW, BUWAN, PLANETA, LANGIT, LUPA,
TUBIG, APOY, HANGIN, mga kahoy at halaman, mga hayop at TAO, ngunit una
at higit sa lahat ay ang mga banal na Espirito na kakatulungin niya sa kanyang
paglikha.
Nang mayari na ang nasabing PLANO, ay ipinakita ng I.D. kay Bulaklak na
kaniyang kasangguni at sinabi naman nito na tumpak at mabuti kung Espiritual,
ngunitkailangang baguhin ang iba kung gagawing Material , sapagkat ang plano ng
I.D.,ang malalaking punong kahoy mamumunga ng malalaki at ang maliliit at
mabababang halaman ay mamumunga naman ng maliliit. Sinabi ni Bulaklak na
kung ang mga punong kahoy na yaon ay ilalagay sa lupa ay kailangang ang lalong
malalaki at matatayog ay siyang dapat bigyan ng maliliit na bunga, at ang maliliit at
mabababang halaman at gumagapang sa lupa ay siyang dapat bigyan ng

malalaking bunga, matataas ay malalaki ang bunga, at wika din ni Bulaklak na ang
matatayog at malalaking punong kahoy ay sisilungan ng mga tao at hayop kung
nadadarang sa init ng araw, at kung ang malaking bunga ng kahoy ay mahinog at
hindi makaya ng tangkay at malaglag at sa pagkakataong ito kapag may taong
nakasilong at mabagsakan ay maaaring mamatay o mapinsala ang kaya ito ay dapat
baguhin ang sabi ni Bulaklak. Kaya ang I.D. ay binago ang kanyang plano ayon sa
payo ni Bulaklak. Ang malaki at matayog ng kahoy ay siyang pinapagbunga ng
maliit, at ang maliliit na halaman ay siyang pinapagbungang malalaki, ayon sa payo
ni Bulaklak.
Nang nakahanda na ang lahat ay inisip ng Dios na likhain na ang kanyang mga
kakatulungin. Ng siya'y nag-iisip ay bigla siyang pinawisan sa kanang tagiliran, at
ng kanyang iwaksi ang labing anim nawisik ng pawis ay naging labing anim na
Espiritu (16). Muli siyang pinawisan sa kaliwang tagilirang at ng iwisik ang ay
tumalsik ang walong butil ng pawis na siyang naging walong (8) mga espiritu.
Matapos ang paglikha ng I.D. sa 24 na Matatanda o mga Espiritu ay binigyan niya
ng kanya-kanyang masasakupan at lilikhain at silay nagkahiwa-hiwalay na ayon sa
kanilang grupo, subalit ang habalin ng I.D. na bago sila gumawa ng ano mang
paglikha ay unahin munang tawagin ang kanyang KAMAHAL-MAHALANG
PANGALAN at magagawa nila ang lahat.

Sa 24 ay hinirang ng I.D. ang tatlo na magsisiganap at tutupad sa kanyang


ginawang plano. Ito ang tinatawag na tatlong makapangyarihang
"AAA" AVELATOR-AVETEMIT-AVETILLO +++ Sila ang Tatlong Persona o
Santisima Trinidad na nag-usap sa pagsisimula ng paglikha ng Tao, na ayon sa
Lumang Tipan ang nasusulat ay lalangin natin ang TAO ayon sa ating wangis

"AGIMAT at BERTUD"
Ang "Agimat at Bertud" ay katutubong katawagan sa natural power na galing sa
kalikasan na tulad ng "Mutya". Ang lahat ng Mutya ay nanggagaling sa kalikasan at may
kanya-kanyang taglay na kapangyarihan..... Ngunit kadalasan ang "Mutya" ay nagbibigay
ng proteksiyon o iwas sa mga disgrasiya sa may taglay nito. Mayroon ding "Mutya" na
bukod sa pangontra sa mga evil spirits at masasamang tao ay iwas din sa disgrasiya at
pangpasuwerte sa buhay. Sa madali't sabi pangkalahatan ang bertud nito.
Sang ayon po sa aking lolo na isa rin dating "Antingan'' at namatay siya sa edad na
98 years old, kung ang tao ay dapat na maligo ng tubig upang mabuhay.... ang
"Mutya" naman upang lagi siyang buhay ay dapat din na mabasa ng tubig o
paliguan o ibabad sa isang basong tubig ng mga 15 hanggang 30 minuto, at ito'y
gawin tuwing biyernes. Kung nasa probinsiya naman po kayo ay mas pabor sa
"Mutya" kung tubig na galing sa malinis na ilog o kaya naman sa poso ang
gagamitin. Ngunit kung nasa siyudad naman kayo ang tubig na galing sa gripo ay
pwede na rin gamitin basta't pwedeng inumin. Pagkatapos ibabad ang mutya sa
isang basong tubig ay inumin ito.
Ang "MUTYA" ay pwede rin na lunukin (subo) kung maliit lamang o ibaon sa
katawan, pero kadalasan ay dalhin lamang sa katawan sa pamamagitan ng supot na
pulang tela at gawing kuwentas o kaya naman ay itali sa baywang. BABALA:
iwasang ipahipo o ipakikita sa iba ang "Mutya".
Mayroon ding mga "Agimat at Bertud" na gawa sa "Medalyon", "Talandro o
panyong puti o pula na may imahe at may nakasulat na oraciones, o kaya sa papel o
inuukit sa kahoy, sa metal o maging sa bato. Subalit ang mahalaga po dito ang
patungkol dito ay dapat na soledo sa debosyon sa kanya-kanyang nauukol na
Orasyon o dasal sa pamamagitan ng Latin, Aramaic o Hebrew. Mahalagang dapat
ay kumpleto ang Susi, Panawag at Poder. Sa simula pa lamang ng pagtataglay nito
ay dapat na dasalan ito ng 7-biyernes na sunod-sunod na araw, sa madaling sabi sa
kabuoan ay 49 na araw. Dapat na magsimula sa araw ng Unang biyernes ng ano

mang buwan. Kung kayo po ay pumatlang ng kahit na isang araw lamang sa loob
ng 49 na araw, dapat ay umulit uli at mag-umpisa sa unang biyernes. Sa madali't
sabi dapat na makumpleto ang 49 araw na sunod-sunod hanggang marating ang ika
49 na araw. Kung natapos na ang 49 na araw, ay dapat na dasalan debosiyonan
parin ito tuwing araw ng biyernes kahit na anong oras subalit mas maganda kung
sa umaga gawin. Ganito po ang gagawin kahit saan mang lugar kayo naroon huwag
lamang po sa kubeta o sa mga bahay aliwan... hawakan ng kamay at ilapit sa inyong
bibig habang binabanggit mo ang Poder at panawag at saka ihuli ang susi sabay
hinga sa hawak mong agimat. Sa biglaang pagkakataon naman ay banggitin lamang
ang "SUSI" at ang taglag ninyong Agimat ay aandar na. Iwasan lamang po na ito'y
gamitin sa panglalamang sa kapwa, dahil bawat ginagawa nating masama sa kapwa
ay may katumbas na "BAD KARMA". Tandaan lamang po na ang pagtataglay ng
"AGIMAT O BERTUD" ay pang proteksiyon lamang o pananggalang sa ating
katawan.
Sa ngayon sa modernong mundo na ating kinabibilangan, bagamat marami na ang
naging pagbabago sa konteksto ng Agimat, ginagamit pa rin ito sa pang araw-araw
na pamumuhay ng mga taong nananalig dito. Sa mga katha at relihiyon, ang agimat
ay iniuugnay sa isang tao at sa kanyang mga ideya ukol sa pamumuno,
kapangyarihan, nasyonalismo at rebolusyon.
Ang pinagmulan nang paggamit ng Agimat ayon sa mitolohiya ay nagmula pa bago
dumating ang mga Kastila at ang Katolisismo. Ang pagsamba ng mga sinaunang
Pilipino ay nakasentro sa mga espiritu, anito at mga diyos, kung saan si Bathala ang
pinakamataas. Ang ganitong buhay ispirituwal ang nagbigay ng ibat ibang
paniniwala ukol sa agimat at sa mga kapangyarihang nilalaman nito.
Sa pagdating ng Katolisismo ay nadagdagan pa ang mga mahiwaga at paganong
elemento na hinaluan ng mga relihiyosong katauhan at konsepto gaya ng Ispiritu
Santo, Santisima Trinidad, Sagrada Familia, Virgen Madre, ang Mata, at iba pa na
naidagdag sa kredo ng agimat.
Sa rebolusyon at digmaan, naging mahalaga ang agimat bilang bahagi ng armas
pang-digmaan. Pinaniniwalaan na ang laman nitong ispirituwal at mahiwagang
kapangyarihan ay magbibigay ng walang-hanggang lakas, proteksyon, at
kagalingan.
Noong Rebolusyon ng 1896 laban sa Espanya, ginamit at taglay ni EMILIO
AGUINALDOang Agimat na Medalyon at Panyo ng Santisima Trinidad.
Si ANDRES BONIFACIOay Medalyon at panyo ng Santiago de Galicia (Birhen del

Pilar), at si ANTONIO LUNAMedalyon at panyo ng Virgen Madre. Karamihan sa


miyembro ng Katipunan ay mayroong mga Agimat at Bertud.
Sa Cavite na kilalang bayan ni Senador Ramon Revilla Sr., isang batikang Pilipino
actor ay isinapilikula niya ang true to life story ng mga taong nagtaglay ng Agimat
at Bertud sa bayan ng Cavite na sila:
LEONARDO MANICIO ng Imus Cavite as Nardong Putik na ang taglay na
agimat ay Medalyon at panyo ng Triangulong AAA at mutya ng lupa-isang maliit
na batong kulay pula.
SANTIAGO RONQUILLO ng Imus Cavite as Tiagong Akyat na ang taglay na
agimat ay Medalyong 7-Arkangeles at pangil ng kidlat.
EDUARDO SET as Kapitan Eddie Set na isang Bario Captain ng Silang Cavite
na ang taglay na Agimat ay Medalyong kalog ng Infinito Deus na lagpasan.
EDUARDO BERGADO ng Imus Cavite as Bergado Terror ng Cavite na ang
taglay na Agimat ay "subo" na mutya ng kahoy na Sinukuan na isang maliit na
batong kulay puti.
DOMINGO SANTIAGO ng Imus Cavite as Kapitan Ingo kumakain ng bala na
ang taglay na Agimat at Bertud ay Panyo ng SATOR at ngipin ng kidlat.
MAYOR PATROCINIO GULAPA ng Maragondon Cavite as Gulapa Barakong
Mayor ng Maragondon na ang taglay na Agimat at Bertud ay ngipin ng kalabaw sa
unang lagas at mutya ng isda.

"NIYOG NA WALANG MATA"


Ang "Niyog na walang mata" ay isangpangkalahatang Agimat at walang
makakasupil
sa may taglay nito kung na
kabaon dito ang kauna-unahang katutubong pangalan ng Infinito Deus na
MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT AT MAY GAWA NG LANGIT AT LUPA AT
ANG LAHAT NG NAKIKTA AT HINDI NAKIKITA O ANG LAHAT NG MGA
BAGAY SA LANGIT, KALAWAKAN AT SA SANDAIGDIGAN. Ang pangalang
itoy ibinigay ng INFINITO DEUS kay nunong ADAN at itoy kanyang ginamit

noong siyay bumaba sa Impeyerno at walang sino mang nakasupil sa kanya maging
ang hari ng mga demonyo.
Sa mga nakasubok na sa Mt.Banahaw, itong magkatakip na bao ng "Niyog na
walang Mata" na nakapalaman sa loob ang "Dignum Bakal at Dignum Dagat" ang
bertud nito ay tagaliwas o umiiwas ang bala ng baril kapag ito'y pinaputukan. Iwas
din ito sa mga disgrasiya at kapahamakan sa sinomang may taglay nito. Marami na
rin akong pinag-tanungan na mga antingero sa Batangas, Silang Cavite, Quezon
province at sa Lucena ay napatunayan ang bisa nito.
Sa akin naman po, ay makabubuting sangkapan narin ng "Dignum Goma" at
"kahoy ng Sinukuan". Sa madali't sabi ipalaman sa loob ng magkatakip na "Bao ng
Niyog na walang Mata" ang Dignum Bakal, Dignum Dagat, Dignum Goma at
Kahoy ng Sinukuan.

"BAGING NA LAMPASAN"
Taong 1992 Biyernes Santo noon at first time na pag-ayat ko sa Mt. Banahaw. Sa
aking pag-ayat papuntang Kuweba ng Diyos Ama ay may nakasabay akong isang
matandang lalake subalit akoy nagtaka dahil ang liksi ng katawan niya at parang
hindi napapagod. Naging interesado ako sa matandang ito kayat hindi ko siya
hiniwalayan at sumama ako sa kanyang bahay sa Liliw Laguna at inabot ako doon
ng magdamag kayat magdamag din kaming nagkuwentuhan tungkol sa mga
Anting-Anting. Ayon sa matandang ito na nagpakilalang "KA MIGUEL na isang
Arbularyo, ang isa pang mahusay na Agimat ay ang " BAGING NA TUMAGOS SA
GITNA NG LETTER-Y NA SANGA NG PUNONG KAHOY O
MASASABING BAGING NA LAGPASAN NA MAY PITONG BUKO O MATA".
Ang sabi sa akin ay matatagpuan ito sa "Bundok ngSan Cristobal" na tinag-uriang
kambal ng "Mt. Banahaw" dahil magkatabi lamang sila. Sadyang mahilig ako sa
AGIMAT kaya sa panahong ito ang aking dala sa katawan ay "MEDALYON AT
PANYO NG TATLONG PERSONA NA MAY TATLONG MUKHA SA IISANG
ULO", sa aking pag-reresearch ay ito rin ang AGIMAT na ginamit ni General
Emilio Aguinaldo.
Pinag-planuhan namin ni Ka Miguel kung paano makukuha ang nasabing
"BAGING NA LAMPASAN NA MAY PITONG BUKO O MATA" sa Bundok
ng San Cristobal. Kaya't madaling araw pa lamang ng Sabado De Glorya ay
pinutahan na namin sa Binangonan Rizal ang limang kakilala ni Ka Miguel na may
mga dala ding AGIMAT sa katawan.
Umaga ng Linggo ng pagkabuhay ng marating namin ang Bundok ng San
Cristobal. Pito kaming magkakasama at ang pinaka leader namin ay si Ka-Miguel.
Isang oras bago kami tumahak at akyatin ang bundok ng San Cristobal ay nagpoder muna kami sa aming mga katawan na may malaking tiwala sa aming mga

kanya-kanyang AGIMAT. Halos 2 oras naming tinahak ang talahibang kagubatan


ng San Cristobal at talagang ramdam ko at ramdam din ng mga kasamahan ko na
may mga Ingkanto sa lugar na ito. Pag-dating namin sa punong kahoy na
kinalalagyan ng "UGAT NA LAMPASAN" ay hindi kaagad kami makalapit dahil
sa aming pagtataka sa paanan ng punong-kahoy ay napapaligiran ito ng
napakaraming ibat-ibang kulay ng mga ahas na sa aking palagay ay mga 200 ang
bilang. Sa tanang buhay ko noon lang ako nakakita ng ganoong karaming mga ahas
na may ibat-ibang kulay. Sabi ni Ka-Miguel ay magdasal kami ng taimtim at muling
mag-poder sa sarili at pagkatapos ay isa-isa naming ibinato sa gitna ng mga ahas
ang basag ng aming Agimat sa pamamagitan ng PANYONG MAY NAKASULAT
NA MGA ORACION O LATIN. Ang unang ibinato ay BERTUD NG 7ARKANGELES, pangalawa ay BERTUD NG SANTO NINO NA DI BINYAGAN,
pangatlo ay BERTUD NG KRISTONG HARI, pang-apat ay BERTUD NG 7
BERHENG ATARDAR, pang-lima ay BERTUD NG SAN BENITO, pang-anim ay
ibinato ko rin ang aking taglay na panyo at BERTUD NG SANTISIMA TRINIDAD
O TATLONG PERSONA. Sa aming mga ibinatong panyo ay hindi man lamang
natinag ang mga ahas.......... kaya't nawalan na kami ng pag-asang makuha ang
"BAGING NA LAMPASAN" na noon ay mga 15 feet lang naman ang taas mula sa
lupa. Muling nag-dasal si Ka-Miguel ng taimtim at iwinagayway niya ng 7-beses
paikot mula sa kaliwa ang kanyang "PANYONG MAY BERTUD NA INFINITA
DEUS NA NAKATAYO SA MUNDO AT NAKA-APAK SA AHAS", pagkatapos ay
ibinato niya sa gitna ng kinalalagyan ng mga ahas...... nagtaka kaming lahat dahil
pagkabagsak ng nasabing panyo sa lupa ay isa-isang hinalikan ng mga ahas ito
at iyong kulay puting ahas ang huling humalik at pagkatapos ay mabilis na sabaysabay na nagsilikas patungong kanluran.
Nang silay maglaho sa aming paningin, nilapitan namin ang punong kahoy at
dinampot namin ang aming mga panyo. Ang isa sa amin na ang dala ay
"KRISTONG HARI" ay siyang umakyat sa puno at kanyang pinutol ang malaking
sanga ng punong kahoy na kinalalagyan ng "BAGING NA LAMPASAN",
samantalang kaming naiwan sa baba ay paikot na pinalibutan namin ang puno ng
kahoy.
Sa wakas ay nakuha namin ang ''BAGING NA LAMPASAN NA MAY PITONG
BUKO NA HUGIS MATA NG TAO". Ang parte lamang ng tumagos o lumagpas sa
butas ang aming pinag-putol putol sa pitong piraso. Kinuha lang namin ay parte ng
may "BUKO O MATA" na may 3 inches lang haba bawat isa ang haba. Lubhang
nagtaka kami dahil EKSAKTONG 7 LAMANG ANG BUKO O MATA NG
BAGING, at BUKO O MATA ng BAGING na ito ay pabaligtad ang pagkatubo,
dapat ito ay pataas ang pagkatubo mula sa butas ng kahoy na pinagtagusan, pero
ito'y pababa mula sa butas ng kahoy na para bagang nakatingin ang 7 mata sa
pinagtagusang butas.
Alas 2:00 na ng hapon ng lisanin namin ang Bundok ng San Cristobal at nagtungo
kami sa mahimalang ilog ng Mt. Banahaw na tinawag na "KINABUHAYAN" at
ayon na ring sa utos ni Ka-Miguel ay ilob-lob namin o basahin ang aming kanya-

kanyang "UGAT NA LAMPASAN" upang ito mabuhay at magkaroon ng


kapangyarihang TAGA-LIWAS O PANANGGALANG SA LAHAT NG
PANGANIB, KONTRA SA BARIL, KONTRA SA LAHAT NG METAL NA
NAKAKASUGAT SA KATAWAN, KABAL SA BUONG KATAWAN, KONTRA SA
MABABANGIS NA HAYOP AT AHAS, PANGONTRA DIN SA TAONG MAY
AGIMAT NA HINDI TINATABLAN NG BALA O ITAK. Para sa aming
magkakasama ay sadyang lubos ang aming paniniwala na tutuo ang sinabi ni KaMiguel dahil na rin sa aming pinagdaanang karanasan bago namin makuha ang
Agimat na ''BAGING NA LAGPASAN". Ayon kay Ka-Miguel marami nang
sumubok na makuha ang nasabing Agimat na ito subalit nangabigo silang lahat.
Gabi na ng Linggo ng pagkabuhay ng dumating ako sa aming tahanan sa Makati.
Kinabukasan ay binutasan ko sa bandang itaas ng buko ang taglay kong "BAGING
NA LAGPASAN" at ginawa kong kuwentas at sinasabit ko lagi sa akin leeg subalit
ito ay lagi kong itinatago sa mata ng tao, kayat kadalasan ay nakatali lamang ito sa
aking baywang sa loob ng supot ng telang pula. Totoo ngang may bertud na taglay
ang "BAGING NA LAGPASAN" dahil Biyernes Santo noong taon 1993 ay
isinasama ko ito sa subukan ng mga Agimat sa Silang Cavite: isinasabit ko ito sa
puno ng saging at binabaril ng malapitan ng tatlong lalake na mayroon ding mga
Agimat na taglay sa katawan subalit hindi pumuputok ang kanilang mga baril.
Marami pang kababalaghan ang naipakitang bertud ng "Baging na Lagpasan" sa
aking buhay, tulad ng pangontra sa taong may Anting na ginagamit sa kaliwa o
kasamaan at Kabal sa katawan.......
MEDALYONG KALOG NA INFINITO DEUS AT SANTISSIMA TRINIDAD:
PROTECTION FROM ENEMIES, EVIL SPIRITS, DANGERS AND BULLET
Ang medalyong kalog ng Infinito Deus at Santisima Trinidad ay magkabaligtaran
ang pigura.
Sadyang napakabisa ang bertud. Upang makamit ang "bertud" ng medalyong ito
dapat taglay din ang mga oracion-LATIN na Panalangin, Poder at Susi na
patungkol dito.Tuwing araw ng biyernes ay hawakan ang medalyon ng kanang
palad at pagkatapos ay bigkasin ang oracion-latin panalangin, poder at susi na ang
iyong bibig ay nakatapat sa hawak mong Medalyon.
Mahalagang dapat ang Oracion-latin na SUSI sa medalyong ito ay makabisado,
dahil ito lamang ang banggitin sa biglaang pagkakataon at asahan mong ikaw ay
maliligtas sa bala ng baril o ano mang metal na nakasasakit at sa disgrasiya.
Sa simula pa lamang ng pagtataglay ng Medalyong ito, dapat ay debosiyonan ng
pitong (7) biyernes na sunod-sunod na dasalin ang Oracion-Latin na Panalangin,
Poder at Susi. Sa madaling sabi sa kabuoan ay 49 na araw na sunod-sunod.

+++++++

Anda mungkin juga menyukai