Anda di halaman 1dari 1

Ang

buwan
ng Agosto ay
ang
tinaguriang Buwan
ng
Wika
ng
Pilipinas. Dati,hindi Buwan ng Wika ang ating ipinagdiriwang kundi Linggo ng
Wika lamang. Ito ay ilan sa mahahalagang pangyayari sa pagsisimula ng
selebrasyon natin ng Buwan ng Wika ay ang mga sumusunod
:Marso 26, 1946 Ipinalabas ni Pangulong Sergio Osmena ang Proklamasyon Blg.
35 na nagtatalaga ng petsa Marso 27 hanggang Abril 2 bilang Linggo ng Wika.
Setyembre 23, 1955- Iniutos ni Pangulong Ramon Magsaysay sa kanyang
Proklamasyon Blg. 186 na ilipat ang selebrasyon ng Linggo ng Wika papuntang
Agosto 13- 19. Bilang paggunita umano ito sa kaarawan ni Manuel L. Quezon na
tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.
Agosto 12, 1988- Inilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19
upang pagtibayin ang pagdideklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula
Agosto 13 hanggang 19 kada taon.
Enero 15, 1997- Ipinagtibay ni Pangulong Fidel V. Ramos sa pamamagitan ng
Proklamasyon Blg. 1041 na tataguriang buwan ng wika ang buong buwan ng
Agosto bilang pagpapalawig pa ng selebrasyong Linggo ng Wika.
Mahalagang iipagdiwang ang wika sapagkat isa ito sa mga pinakimportanteng
bahagi ng ating pagka-Pilipino at pagkatao.Ang buwan ng wika ay habang buhay
na magiging importante na parte ng buhay at kasaysayan ng mga Pilipino, kayat
hindi masama kung matutunan nating ipagmalaki at ipadiwang ang buwan na ito.

Anda mungkin juga menyukai