lamang nila noong nagdaang linggo. Hindi ito nagsasalita ngunit nakaunat
ang mga kamay at waring hinihingi ang bata.
Huwag, Linda, ikaw ay patay na. Hindi maaari! Hinigpitan ni Roberto ang
pagkapangko sa bata at umiiling.
Umalis ang babae, ngunit sa sunod na gabi ay naroon uli. Lalong mahigpit
ang pagtanggi ni Roberto na iabot ang bata. Ngunit hindi siya makatulog sa
malaking takot at pagtataka. Nang nangyari uli sa ikatlong gabi, naisip niyang
sumangguni sa mga matatandang taga-nayon.
Hindi multo ni Linda iyon, Roberto. Tikbalang iyon na nag-aanyong tulad ng
asawa mo. May mga tikbalang diyan sa ating parang. Doon sa mga puno ng
lumbang sila natutulog pag-araw at sa gabi lumalabas.
Tunay po bang may tikbalang? Akala ko poy mga istorya lang iyon, takangtakang tanong ni Roberto.
Totoong may tikbalang. Kilala mo ba si Karyong sintu-sinto? Kaya naging
ganoon ang taong iyon ay dahil nakuha iyon ng tikbalang noong bata pa.
Nawala nang dalawang araw at natagpuan ng ama sa ilalim ng puno ng
lumbang.
Naku, ano po ang aking gagawin? Gabi-gabi po ay lalong humihigpit ang
pamimilit niyang makuha ang bata, halos maiyak-iyak si Roberto.
Hayaan mot paghahandaan natin, pangako ng matanda.
Nang gabing iyon, dumating sa dating oras ang tikbalang na mukhang si
Linda. Nang dudukwangin na sana nito ang batang pangko ni Roberto,
biglang naglabasan sa silid ang mga lalaki. Nagitla ang tikbalang at dagling
tumalon sa bintana.
Ngunit sa ibaba ay nakahanda rin ang ilang taong bigla siyang nasunggaban
sa buhok. Pinagtulung-tulungan nila itong iginapos sa puno ng niyog.
Hinampas nang hinampas hanggang magsisigaw ito sa paghingi ng awa.
Patawarin! Aalis na ako rito sa lugar ninyo, pakawalan lamang ninyo ako.
Isasama ko lahat ng mga kampon ko. Lalayo na kami at di na kayo
gagambalain. Maawa kayo.