Anda di halaman 1dari 5

Itak ni Jose Bragado

May hangganan ba ang pagtanaw ng utang na loob sa mga magulang?


Masira sana ang *yubuyoban, isinumpa ko. Sa galit, ibinagsak ko ang mga muwelye sa tabi
ng yubuyoban. Kahapon, napag-usapan naming ni Pedring na manood kami ng sine
ngayon sa Vigan. Ayon kay Mang Bador, kahit hindi ka na raw manood ng sine sa loob ng
isang taon basta napanood mo na ang pelikulang iyon. Huling araw na ng palabas.
At saka manonood din daw sina Lumen at Loling. Balak naming ilibre sila sa pasahe at sa
sine. Uupo sana sila sa pagitan namin. Sa tabi ko si Lumen at si Loling kay Pedring.
Inilabas ko kagabi ang aking naipong pera sa alkansiyang kawayan. Kahit maubos ang
limang piso ko basta mapagbigyan ko lamang si Lumen. Aanyayahan ko pa silang kumain
sa restawran.
Kahit napuyat ako sa kapapangarap, maaga pa rin akong nagising at naligo upang hindi
ako mabahong makatabi ni Lumen. Ngunit nang akoy nagbibihis na, sumabog ang kulog
ng Itay. Hindi raw ako maaaring umalis dahil ipagpapatuloy naming ang pagpapanday sa
mga itak na hindi naming natapos kahapon. Kailangan daw matapos ngayon dahil ibibiyahe
na bukas. Darating daw mamayang hapon sina Manong Antonio at Manang Magdalena na
asawa niya. At kailangan malinis ang pandayan. Nakahihiya raw kay manang na ngayon
lamang madadalaw rito.
Sino ang magtatrabaho pag Linggo? Sasabihin ko sana ngunit wala ring mangyayari sa
anumang sasabihin ko. Iisa ang salita ng Itay. Sa pangalawa, may kasabay nang pingot o
batok. Kung hindi, tungayawan nang walang katapusan. Kung magpapakita ka ng
pagtanggi, bubunutin niya ang tumutubong sungay mo. Naranasan ko na ang mga ito. Pag
sinabi niya puti, sasabihin ko ring puti. Marami nang ulit na isinumpa ko ang Itay.
Parang hindi niya ako anak. Hindi naranasan ni Manong Antonio ang mga ito. Nag-aral siya
ng hayskul sa Vigan at tuwing Biyernes ng hapon lamang kung umuwi. Babalik siya muli
kung Linggo ng hapon. Halos hindi nagtatrabaho sa bahay. Kahit maghasa lamang o
magkorte ng mga sugnay ng kalabaw na gagamiting puluhan. Ngunit lakad dito, lakad
doon. Wala namang imik si Itay.
Gayundin kung bakasyon. Saka lamang hahawak ng itak kung mangangailangan ng pera.
Noong magpunta siya sa Maynila upang mag-aral ng abogasya, hindi na ako
nakapagpatuloy ng hayskul. Mag-aaral daw ako kapag nakatapos na ang kuya ko. Mula
noon hanggang ngayon, napasubo na ako sa pandayan. Ngunit hindi na ako makapagaaral dahil nag-asawa na ang kuya ko. Iyan ang isa kong kinikimkim. Ilang itak ang dumaan
sa aking palad upang makapag-aral lamang siya? Nakakahihinayang na pagpapagod.
Ngayong magbabakasyon silang mag-asawa, sasalubungin pa ng Itay ng kabutihan.
Pamalo sana ang isalubong niya sa kanila. Ngunit parang wala siyang sama ng loob.
Kinuha ko ang lumbo sa isang sulok at kinargahan ko ng uling mula sa kuribot. Ibinuhos ko
ito sa bunganga ng tubo mula sa yubuyoban, ang magkatabing bilog na kahoy na kasinlaki
ng katawan ko. Bilog din ang butas nitong pababa. Hinawakan ko ang mga tangkay at nag-

unahan ang kaliwat kanan sa pagtaas at pagbaba.


Tumilamsik ang mga nagbabagang uling sa labas ng ibinugang hangin.
Pwede na ba? Inipit ng Itay ang nagbabagang bakal at ipinatong niya sa palihan.
Kinuha ko rin ang maso. Isinabay ko ang lahat ng hinagpis, sama ng loob at sumpa nang
itaas ko ang maso.. Nang bumagsak ito sa nagbabagang bakal ay nag-iwan ng lindol at
malalim na bakas. Itinaas kong muli. At muli. At muli. Pinawisan ako, at namatay ang baga
sa bakal.
Ibinalik ng Itay ang bakal sa baga. Bumalik din ako sa harap ng yubuyoban na hinahabol
ang aking hininga. Naiisip kaya ng kuya ko ang mga paghahabol ko ng hininga habang ito
ay nag-aaral? Nakikita kaya ng Itay ang mga patay ng pawis na ito? Naiisip niya kaya na
lumuluha rin ang aking puso kahit hindi ako umiiyak tuwing papaluin at pipingutin niya ako?
Naging bata at binata rin siya.
A, ngunit lalo ring siyang-siya raw ako. Ngunit kahat na. Hiningi ko bang ipanganak ako?
Hindi! Isipin sana ng Itay na ako ay anak nila. Na ako ay katulad din nila noon. Na ako ay
magiging katulad din nila. At ang magiging anak ko ay matutulad din sa akin. Ngunit hindi
katulad ko ang magiging anak ko. Magiging mas mabuti siya sa akin. Ako ang magbibigay
sa kanila ng kailangan nila at hindi ako maghahanap ng kailangan ko sakanila. Sa
pamamagitan ng sipit, kinuha muli ni Itay ang nagbabagang bakal. Kinuha ko rin ang maso.
At ang sanga-sangang sumpa ay ibinagsak kong muli sa nahuhubog nang bakal.
Humapa ang baga sa bakal at ipinaraan ng Itay sa tubig. Hinigop ng lamig ng tubig ang init
ng bakal na ngayon ay matigas na. Magiging magandang itak. Magiging matalim. Hindi
malambot at madaling mapurol. Hindi magiging katulad niya na bagamat sanay sa hirap,
hinagpis at sumpa ay mapurol pa rin. Katulad din ni Manong Antonio.
May pumito sa kalsada. Si Pedring! Nakabihis na siya. Makisig siya sa kanyang bagong
poloshirt. Sumenyas siya. Umiling ako saka inginuso ang yubuyoban. Napasimangot si
Pedring. Pumasok siya sa pandayan.
Ne, saan ka pupunta, anak? tanong ng Itay.
Magsisimba ho sana, atata, sagot ni Pedring.
Sino ang kasama mo?
Si Andres ho sana, tata.
A, hindi siya makakasama. Dito na lamang sa pandayan siya magsisimba. Akala moy hindi
makikihingi sa Diyos ng kakainin dito? Hayan, pag natapos ang itak, may kuwarta na siya.
Magkakasala lamang kayo sa simbahan. Hindi naman pagsisimba ang gagawin ninyo. Ang
mag-usap at tumingin sa magagandang dalaga ang nasa isip ninyo.
Tiningnan ko si Pedring. Paano sina Lumen at Loling? Para niyang tinanong. Pinakawalan
ko ang malalim na hininga. Umungol muli ang loob ko at pinagpasan ko ang pag-angat at

pagbaba ng tangkay ng yubuyoban.


Dahan-dahan at tatalsik ang mga baga, sabi ng Itay.
Kayo naman ho kasi, atata, Linggung-Linggo ay nagtatrabaho kayo. Sabi hi Pedring,
Ang lolo ko ay ayaw niyang pagtrabahuin ang Itay sa pandayan. Kailangan daw niyang
igalang ang araw ng pahinga.
Tumawa ang Itay. Iisa ang patutunguhan naming ng lolo mo, Pedring, sabi niya Kapwa
kaming ililibing. Kaya gawin mo na ngayon ang mga ibig mong gawin.
Ganon pala, sasabihin ko sana upang magawa ko rin ang mga ibig kong gawin. Naalaala
ko ang sabi ng nagtuturo sa amin ng dasal noong nasa intermedya pa lamang ako. Sabi
raw ng Panginoong Hesus: Gawin mo na ngayon ang ibig mong gawin. Ibig sabihin, gawin
mo na ngayon ang mga paraang maaaring humugas sa iyong mga kasalanan. At ang iyong
kaluluwa ay mapupunta sa langit.
Ngunit iba ang Itay. Wala yatang kaluluwa. Sanay magawi rito ang pari at sasabihin kong
pagpayuhan ang Itay. Kahit anong ministro. Mapaniwala man laman siya na may buhay na
walang hanggan. Ngunit kung pari, baka masagutan lamang sila. Katulad ng pari noon na
nagpunta rito upang magbigay ng biyatiko sa isang maysakit.
Ang masama, nagkataong baligtad din ang kaluluwa ng pari kaya nagkasagutan sila. Iyon
marahil ang sumira sa paniniwala ng Itay. Mula noon ay wala nang araw na hindi siya
nagtatrabaho kahit Linggo.
Kung buhay pa sana ang Inay! Gustong-gusto ako noon ng Inay. Lagi niya akong
ipinagtatanggol kung papagalitan ako ng Itay. Hindi sana ako magpapanday kung araw ng
Linggo.
Bago tumalikod si Pedring ay tiningnan ako. Ang hina mo, parang sinasabi ng mga mata
niya. Ang matanda bang yan ang magtatali sa iyo? Kung ako lang, binalibag ko na siya sa
kahoy. Ngunit isa kang duwag! Tingnan mo ako. Nariyan naman ang gubat na pagtataguan
mo. Kung hindi, nariyan ang bukirin. Puwede nang kainin ang mga bunga ng mais. Sige,
subukin mo at tingnan mo kung hindi magtanda ang Itay mo.
Tutuloy ka ba?
Tumango si Pering. Naramdaman ko ang dakot ng inggit. Mula nang akoy magkaisip,
ngayon lamang sana ako makakapanood ng sine na kasama ang aking sinisinta. Malaki
nang bagay iyon na kasama ko sa pagtulog sa gabi. O kayay yayakapin ko sa panahon ng
tagalamig.
Nilingon ko si Pedring. Nakatawid na siya ng kalsada. Malapit na sa bahay nina Loling.
Marahil ay naghihintay.
Ano kaya ang mangyari kung takasan ko ang yubuyoban? Ngunit nakita ko ang matipunong
katawan ni Itay.

Magtatakipsilim na nang tumigil kaming magpanday. Natapos naming lahat. Ngunit


maghahasa pa ako bukas. Gagawin rin ng puluhan ang Itay. At kukulangin ang sungay ng
kalabaw. Bibili pa siya sa Parada. Maaaring bibili pa ng muwlye na papandayin naming.
Maganda ngayon ang presyo ng itak sa Bani at Bolinao.
Naisaayos na naming ang mga itak at kagamitan sa pandayan nang may tumigil na
sasakyang galling sa Maynila.
Tingnan mo nga kung ang mga kapatid mo na yan, sabi ni Itay.
Nang matawid ko ang bakod, nakatawa na ang kuya na may bitbit na maleta. Marahil ay si
Manang Magdalena itong babaeng nakapantalon at nakangiting kasunod niya. Ito ba ang
bunga ng maraming itak na nagpagiti sa aking pawis araw-araw? Mas mabuti sanang
huwag nang magpakita pa. Hindi bale kay Itay dahil tungkulin niyang palakihin at pag-aralin
ang kuya.
Upang wala naming masasabi sa akin, inabot ko ang maleta.
Ito si Andres, Del. Ipinakilala ako ng kuya. Ang ate mo, Andres.
Hi, Andy, kumusta ka? sabi ni Manang Magdalena. Mas pogi ka pala kaysa kuya mo.
Mas mabuti sanang huwag na niya akong bolahin dahil maliwanag na isang paghamak ang
kanyang sinabi.
Pinauna ko sila. Sumunod ako. Tiningnan ko kung saan pinakawalan ng kuya ang
maraming itak na dumaan sa aking palad. Hindi siya nagkamali.
Inilapag ko ang mabigat na maleto sa isang sulok ng bahay. Niyakap sila ng Itay.
Nahihiwagaan ako dahil maamo ang Itay sa kanila. Matamis ang ngiti na nakatingin sa
kanyang manugang. Marahil ay iniisip niya ang suwerte ng kuya na nakabingwit ng
ganitong kaganda.
Bago kami natulog, sinabi ng kuya na isasama raw ako pagbalik nila sa Maynila. Papasok
daw ako sa muling pagbubukas ng mga paaralan. Kahit hindi pa siya tapos sa pag-aaral,
mag-aaral daw siya sa gabi at magtatrabaho naman sa araw. Pumapasok na raw siya
bilang empleyado sa kompanyang pinapasukan ni Manang Magdalena.
Sa aking narinig, waring nagbago ang daloy ng aking dugo. Parang lumaki ang aking puso
at pagtingin ko kina kuya at ate. Pupunta na ako sa Maynila? Malalayasan ko na rin ang
pandayan.
Sa isang kisapmatay nilipad ko sa isip ang Maynila. Tinanaw ko ang malalaking gusali. Ang
mga kalsada na maraming sasakyan. At ang eskuwelahan na aking paaralan.
Nang magising ako kinaumagahan, mataas ang araw. Nariyan na naman ang Itay na
nagtatrabaho sa mga itak na nakakamada sa sulok. Nagulat ako dahil hindi niya ako
ginising. Nitong nakaraang mga araw, madilim-dilim pa ay ginigising na niya ako ng

kanyang mga paa.


Nang maraanan ko siya sa may hagdanan, hindi man lamang niya ako pinansin. Tahimik
siya ngayon. Nakayuko sa binubutasan niyang puluhan ng itak. Napangiti ako. Mayroon
yatang anting-anting si Manong Antonio na tumalo sa Itay. O Baka nahihiya lamang kay
Manang Magdalena?
Tumawid ako sa kalsada. Pupuntahan ko si Pedring
Ngunit wala si Pedring. Ipinastol daw ang kanyang kalabaw.
Umuwi ako. Nakabihis na sina Manong at Manang na mamamasyal sa Vigan. Isinasama
ako ngunit naisip ko ang trabaho naming. Kailangang ibuhos ko na ngayon ang natitirangn
panahon ko sa pandayan. Malapit na ang alis naming. Maiiwan nang nag-iisa ang Itay. Siya
lamang ang mag-aasikaso sa lahat ng Gawain sa bahay. Magluluto siya, maglalaba at
mamamalantsa. Marahil ay kukuha siya ng katulong sa pandayan.
Matagal nang nakaalis sina Manong Antonio. Matagal na rin kaming nakaharap sa mga itak.
Inaayo ng Itay ang mga puluhan samantalang naghahasa ako. Tahimik kami. Parang hindi
kami magkakilala.
Samama ka ba kina kuya mo sa Maynila?
Opo, Itay.
Gayon ba? Ang masasabi ko ay huwag ninyong galawing itong bahay. Maliban kung
maisipan mong dito ka tumira. Kung hindi, bayaan na ninyo itong masira. Minana ko ito.
Sasabihin ko na ngayon sa iyo na tapos na ang tungkol ko sa kuya mo. Ikaw na lamang
ang may karapatan ditto. Iyon ang dahilang kung bakit kita isinabak dito sa pandayan
upang matuto ka at upang malaman moa ng hirap dahil iyong ang pinakamagandang
patnubay. Pag-akoy namatay, hindi na kailangang maging katulong ka sa ibang pandayan.
Ngunit aalis ka pala
Tumayo ang Itay. Nilagyan niya ng tabako ang kanyang kuwako. Nagsindi. Pagkatapos,
ibinuga niya ang makapal na usok. Dumungaw siya. Marahil ay may itinatago siya. Paano
kaya ang magiging buhay niya? Sino ang mag-aasikaso sa kanya? Ang mga kapitbahay?
Ano ang sasabihin ng mga kapitbahay sa amin ng kuya?
Inaayo ko ang mga tapos nang itak sa isang sulok. Nabuhay ang Itay sa itak. Napalaki niya
kami. Nakapag-aral ang kuya dahil sa itak. Hindi ko kaya mabubuhay rin ang magiging
pamilya ko sa pamamagitan ng itak?
Inabot ko ang kampilan. Hinasa ko itong mahabang itak hanggang sa kumintab ang talim.
Naisip ko na katulad din ng itak ang buhay. Noon ay isang kalawanging bakal ngayon ay
isa nang kumikislap na talim.
Nagbalik ang itay sa kanyang upuan. Hindi ako kumikibo. Malalaman niya bukas kung hindi
ako magbibihis sa pagbabalik nina Manong at Manang sa Maynila.

Anda mungkin juga menyukai