Anda di halaman 1dari 6

Ang Katamaran ng mga Pilipino

ni Dr. Jose P. Rizal


(Ang matutunghayan ay isang lagom sa Tagalog ng sanaysay na La
Indolencia de los Filipinos, na nalathala sa La Solidaridad mula
noong Hulyo 15 hanggang Setyembre 15, 1890. Ang sanaysay na
itoy isinulat ni Rizal sa ikalawang pagtungo niya sa Europa. Isinulat
niya ito bilang tugon sa paulit-ulit na upasala sa mga Pilipino na silay
mga tamad. Ang upasalang itoy hindi tinutulan ni Jose Rizal sa
kaniyang sanaysay. Manapay inamin nga niya ang pag-aangkin ng
katamaran ng kaniyang mga kababayan. At sa pag-amin niyang iyan
ay nagbigay siya ng mga matuwid kung bakit ang mga Pilipino ay
masasabi ngang tamad. Narito ang kaniyang mga matuwid.
Ang pangunahing sanhi ay ang mainit na singaw ng panahon. Kahit
na ang mga banyagang nandarayuhan sa Pilipinas buhat sa mga
bayang malamig ang klima ay nagiging tamad pagdating dito at ayaw
humawak ng mabibigat na gawain. Sa bayang mainit ang panahon,
kahit hindi kumilos ang isang tao, siyay pinagpapawisan at hindi
mapalagay. Wika pa ni Rizal: Ang mga Europeong naninirahan sa
Pilipinas ay nangangailangan pa ng mga tagapaypay at tagahugot ng
sapatos, at hindi nagsisipaglakad kundi laging lulan ng kanilang
karwahe, gayong masasarap ang kanilang kinakain at ginhawa ang
kanilang kabuhayan. Silay malaya, ang bunga ng kanilang mga
pagsisikap ay para sa kanilang sarili, may pag-asa sa kinabukasan,
at iginagalang ng madla. Ang abang katutubo, ang tamad na
katutubo ay kulang sa pagkain, walang inaasahan sa araw ng bukas,
ang bunga ng kanilang pagod ay sa iba napupunta, at kinukuha sila
sa paggawang sapilitan.
Sinasabing ang mga Europeo ay nahihirapan sa mga bayang mainit
ang singaw ng panahon palibhasay hindi sila hirati sa gayong klima,
kayat karampatan lamang na dulutan sila ng balanang
makapagpapaginhawa sa kanilang kalagayan. Datapuwat ang wika
nga ni Rizal, ang isang taoy maaaring mabuhay kahit saan kung
sisikapin lamang niyang ibagay ang kanyang sarili sa hinihingi ng
pangangailangan.
Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa
kagagawan ng mga Kastila. Ang mga Pilipino, nang bago dumating
ang mga Kastila ay ginhawa sa kanilang kabuhayan,
nakikipagkalakalan sila sa Tsina at iba pang mga bansa, at
hinaharap nila ang pagsasaka, pagmamanukan, paghabi ng damit at
iba pa. Kayat mapagkikilalang nang wala pa rito ang mga Kastila,
ang mga Pilipino bagaman ang mga pangangailangan nilay hindi
naman marami, ay hindi mga mapagpabayang gaya ngayon.

Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan


sapagkat ang mga Pilipinoy hindi makapagtanggol laban sa
pananalakay ng mga mandarambong buhat sa Mindanaw at Sulu.
Paanoy ayaw pahintulutang makapag-ingat ng mga baril at iba pang
sandata ang mga Pilipinong naiiwan sa bayan habang ang ibay wala
at kasama sa mga pandarayuhang walang kabuluhan. Nang
panahon ng Kastilay maraming digma at kaguluhan sa loob ng
bayan at maraming ipinapapatay. Isinalaysay ni Rizal ang nangyari
sa isang pulong malapit sa Sebu, na halos nawalan ng tao sapagkat
madaling nangabihag ng mga piratang buhat sa Sulu palibhasay
walang sukat maipananggol sa sarili.
Ang pagsasakay napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na
ipinatutupad ng pamahalaan. Dahil sa maraming pandarayuhang
ginagawa ng mga Kastila, kailangan ang walang tigil na paggawa ng
mga barko, kayat maraming Pilipino ang pinapagpuputol nila ng mga
kahoy sa gubat upang magamit. Wala tuloy katiyakan ang
kabuhayan ng mga tao kayat naging mga mapagpabaya. Tungkol
ditoy sinipi ni Rizal si Morga na nagsabi (sa kanyang Sucesos) na
halos nakalimutan na ng mga katutubo ang pagsasaka,
pagmamanukan, ang paghabi, na dati nilang ginagawa noong silay
mga pagano pa hanggang sa mga ilang taon pa pagkatapos ng
pagsakop. Iyan ang naging bunga ng tatlumput dalawang taon ng
sapilitang paggawa na ipinataw sa mga Pilipino.
Ang pamahalaay walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay
mahikayat na gumawa. Pinatamlay ng mga Kastila ang
pakikipagkalakalan sa mga bansang malaya, gaya ng Siam,
Cambodia, at Hapon, kayat humina ang pagluluwas ng mga
produktong Pilipino at ang industriya ay hindi umunlad. Ang Pilipinoy
hindi maaaring gumawa sa kanilang bukid kung walang pahintulot ng
pamahalaan.
Bukod sa mga iyan, ang Pilipinoy hindi tumatanggap ng
karampatang halaga sa kanilang mga produkto. Sinabi ni Rizal na
alinsunod sa istorya, matapos alipinin ng mga encomendero ang
mga Pilipino, silay pinagagawa para sa sarili nilang kapakinabangan,
at ang iba namay pinipilit na sa kanila ipagbili ang inaani o produkto
sa maliit na halaga at kung minsay wala pang bayad o kayay
dinadaya sa pamamagitan ng mga maling timbangan at takalan.
Alinsunod pa rin kay Rizal, ang lahat ng negosyoy sinasarili ng
gobernador, at sa halip pukawin ang mga Pilipino sa kanilang
pagpapabaya, ang iniisip lamang niyay ang kanyang kapakanan
kayat sinusugpo ang ano mang makaaagaw niya sa mga
pakinabang sa pangangalakal.

Mga kung anu-anong kuskos-balungos sa pakikitungo sa


pamahalaan, mga kakuwanan ng pulitika, mga kinakailangang
panunuyo at pakikisama, mga pagreregalo, at ang ganap na
pagwawalang-bahala sa kanilang kalagayan,- ang mga iyan ay
naging pamatay-sigla sa paggawang kapaki-pakinabang.
Nariyan pa ang halimbawang ipinamalas ng mga Kastila: pag-iwas
sa pagpaparumi ng kamay sa paggawa, pagkuha ng maraming
utusan sa bahay, na para bang alangan sa kanilang kalagayan ang
magpatulo ng pawis, at ang pagkilos na animoy kung sinong
maginoo at panginoon na ipinaging palasak tuloy ng kasabihang
para kang Kastila,- ang lahat ng iyan ay nagpunla sa kalooban ng
mga Pilipino ng binhi ng katamaran at pagtanggi o pagkatakot sa
mabibigat na gawain.
At ang wika pa ng mga Pilipino noon: Bakit gagawa pa? Ang sabi ng
kura ay hindi raw makapapasok sa kaharian ng langit ang taong
mayaman.
Ang sugal ay binibigyan ng luwag, at itoy isa pa ring nagpapalala ng
katamaran.
Ang Pilipinoy hindi binibigyan ng ano mang tulong na salapi o
pautang upang maging puhunan. Kung may salapi man ang isang
Pilipinong magsasaka, ang natitira, matapos bawasin ang buwis at
iba pang impuwesto ay ipinambabayad naman niya sa kalmen,
kandila, nobena, at iba pa.
Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng bagyo, ang
pamahalaan ay hindi nagbibigay ng ano mang tulong sa mga
magsasaka, kaya ang mga ito ay inaalihan ng katamaran.
Walang pampasiglang ibinibigay sa pagpapakadalubhasa. May isang
Pilipinong nag-aral ng kimika sa Europa, ngunit hindi man lamang
siya pinag-ukulan ng pansin.
Ang katamaray pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema ng
edukasyon. Ganito ang wika ni Rizal:

Iminulat palibhasa sa halimbawa ng mapagbulay-bulay at tamad na


pamumuhay ng mga monghe, ang mga katutubo namay walang
ginawa kundi iukol ang kanilang buhay sa pagkakaloob ng kanilang
salapi sa simbahan dahil sa inaasahang mga himala at iba pang
kataka-takang bagay. Ang kanilang kalooban ay nagayuma; buhat sa
pagkabata ay wala silang natutuhan kundi ang pagkilos na parang
mga makina na hindi nalalaman ang buong kabagayan. Kataka-taka
bang ang ganitong maling pagmumulat sa isip at kalooban ng isang
bata ay magbunga ng kahambal-hambal na mga
pagkakasalungatan? Iyang walang puknat na pagtutunggali ng isip at
ng tungkulin ay humantong sa pananamlay ng kanyang mga
pagsisikap, at sa tulong ng init panahon, ang kaniyang walang
katapusang pag-aatubili, ang kaniyang mga pag-aalinlangan ay
siyang naging ugat ng kaniyang katamaran.
Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit, ay
nagpatamlay sa halip na magpasigla sa Pilipino. Siyay nagkaroon ng
mababang pagkakilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa.
Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang
kawalan nila ng damdamin bilang isang bansa palibhasay
pinagkaitan sila ng karapatang makapagtatag ng mga samahan na
magbibigay sa kanila ng pagkakataong magkaunawaan at
magkaisang damdamin.
Palibhasa ngay walang bansang kinaaaniban, ang mga Pilipinoy
hindi nagkaroon ng pagkabahala sa ano mang kahirapang dinaranas
ng mga tao. Patay ang apoy ng kanilang pagsisikap, at walang sukat
makaganyak sa kanila na mag-ukol ng panahon at sigla alang-alang
sa kaunlaran at kasaganaan ng kanilang Bayan.
Ang sabi ni Rizal: Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan
ay siyang araw, ng sangkatauhan. Kung walang edukasyon at
walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang
hakbang na makapagdudulot ng bungang ninanais.

ang kanyang sarili sa hinihingi ng


pangangailangan.

Ano ang KATAMARAN?


kauntian ng pag-ibig sa paggawa
kakulangan ng kasipagan
Buod: Kabanata 1
Ang mainit na singaw ng lupa ay naguudyok
sa tao na manahimik at magpahinga, gaya
rin na ang lamig ay naguudyok ng paggawa
at pagkilos
(La Indolencia de los Filipinos)
La Indolencia de los Filipinos
Unang lumabas sa Madrid
Nailathalang limang yugto na baha-bahagi sa
La Solidaridad
Mula Hulyo 15- Setyember 15, 1980
Layunin ito ay ang pagtuligsa sa paratang ng
mga prayle
Ang mga Europeong naninirahan sa Pilipinas
ay nangangailangan pa ng mga tagapaypay
at tagahugot ng sapatos, at hindi
nagsisipaglakad kundi laging lulan ng
kanilang karwahe, gayong masasarap ang
kanilang kinakain at ginhawa ang kanilang
kabuhayan.
Ang isang taoy maaaring mabuhay kahit
saan kung sisikapin lamang niyang ibagay

Kabanata II
Ayon kay Pigafetta (1521)
Unang napansin ni Pigafetta ang
pagpipitagan at kabutihan ng mga
naninirahan at ang pangangalakal ng mga ito
Sa Butuan natagpuan niya, ang mga
mamamayang an hinaharap ay pagmimina.
Sa Pulo ng Paragua, masagaa ang mga
makakain. Halos lahat ng mga naninirahan
doon ay bumubungkal sariling bukirin.
Kabanata III
Ayon kay Gaspar de San Agustin:
Ang mga Pilipino ay kumaunti sa bilang dahil:
ang mga nabibilang sa magagaling na
mandaragat ay kinukuha ng alkalde mayor
para sa mga sasakyang-dagat na ipinadadala
sa labas ng bansa
madami ang naging bihag dahil sa mga
pananalakay ng mga tulisang-dagat, tagaholo at taga-mindanao
marami ring Indyo ang binitay, namundok,
nag-iwan ng asawa't anak
marami din ay pinagbili ang sarili para
maging alipin dahil sa mataas na buwis
Kabanata IV
Ayon kay Rizal, ang mga kasakiman at
pagmamalabis ng mga encomendero at
gobernador ay nagdulot din ng mga
pamatay-sigla upang ang mga Pilipino ay
gumawa.
Halimbawang ipinamalas
ng mga Kastila:
1. pag-iwas sa pagpaparumi ng kamay sa
paggawa,
2. pagkuha ng maraming utusan sa bahay,
na para bang alangan sa kanilang kalagayan
ang magpatulo ng pawis, at
3. ang pagkilos na animoy kung sinong
maginoo at panginoon
Bakit gagawa pa? Ang sabi ng kura ay hindi
raw makapapasok sa kaharian ng langit ang
taong mayaman.
Ang sugal ay binibigyan ng luwag.

Kabanata V
Ang masamang sistema ng edukasyon noon
ay nagdulot din ng mababang pagkilala sa
sarili. Ani nga ni Rizal, "buhat sa pagkabata
ay wala silang natutunan kundi ang pagkilos
na parang makina na hindi nalalaman ang
buong kabagayan."
Ang di-pagkakaroon ng nasyonalismo dahil
na rin pagkait sa karapatan na magtatag ng
mga samahan na magbubuklod sana ng mga
Pilipino.
Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang
kalayaan ay siyang araw, ng sangkatauhan.
Kung walang edukasyon at walang kalayaan,
walang pagbabagong maisasagawa, walang
hakbang na makapagdudulot ng bungang
ninanais.

Nagturo ang mga espanyol ng bagong pananaw o


relihiyon/paniniwala sa mga tinatawag na Indio.
Dahil rito, Sinabi ni Rizal, ang mga Pilipino ay
naging pala-asa sa diyos dahil tinuro ng mga
kaparian na ang mga inaapi ay pinagpapala at
tanging mahihirap lamang ang nakararating ng
langit. Maaring ito ay isa sa mga istratehiya ng
gobyerno/relihiyon upang tuluyang masakop ng
mga Kastila ang Pilipinas. Naging submissive tayo
sa mga Espanyol sa pamamagitan, syempre, ng
relihiyon. Marami pang itinuro ang mga pari sa atin
tulad na lamang ng mga dasal. Kadalasan, dahil
hawak ng kaparian o simbahan ang marami sa
mga kolehiyo at Unibersidad, nagtuturo na lamang
sila ng mga dasal at nobena sa mga estudyante
imbes na turuan ng mga lektura. Naipapakita
lamang rito na naging alipin tayo sa isang banyaga
sa pamamagitan ng relihiyon.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Pinag-ugatan ng katamaran ng mga Pilipino:


1. Maraming labanan at gyerang naranasan
ang mga Pilipino kung kayat natatakot silang
magtrabaho dahilsa kanilang seguridad.
2. Hindi tinutulungan ng gobyerno ang mga
Pilipino.
3. Ang mga sugal at bisyo ay lumaganap
4. Walang sapat na kasanayan at edukasyon
ang mga Pilipino
5. Hindi binabayaran ang mga Pilipino kung
sila ay nagtatrabaho sa gobyerno.
6. Malaki ang binabayarang buwis ng mga
Pilipino

Ang ating kinikilalang bayani ng ating baying si


Jose Rizal ay may isinulat na isang artikulong
naglalaman ng kontrobersyal na pahayag laban sa
mga kastila na sinisisi sa kanila ang pagiging
tamad ng mga Filipino, ang Indolence of the
Filipinos. Meroong dalawang ipinrisentang ideya si
Rizal sa pagsusulat ng Indolence of the Filipinos,
unang-una, ang edukasyon o kawalan ng sapat na
edukasyon, at pangalawa, ang relihiyon. Sinabi
nya na ang relihiyon ang isa sa mga dahilan kung
bakit tamad ang mga Pilipino. Panahon ng mga
Kastila nang papilla ang relihiyong katoliko.

Kung ating paguugnayin ang ideyang ito ni Rizal sa


kasalukuyang konteksto, talagang naiukit ng husto
ang ang kanilang mga paniniwala. Panatisismo. Isa
sa mga nakikitang ugali ng Pilipino na naging
kultura na rin nang naglaon. Hanggang ngayon,
maling-mali pa rin ang relihiyon. Napasailalim tayo
sa impluwensya ng simbahan kaya kahit na alam
nating hiwalay ang estado sa simbahan, patuloy pa
rin nating hinahayaang makisawsaw at utuin tayo
ng simbahan. Meroon tayong ilang relihiyon na
nakaiimpluwensya pati na sa politika. Kung makadilaw ang lider ng simbahan, maka-dilaw na rin pati
na ang mga miyembro/mananampalataya (tsk, tsk!)
talaga namang hanggang ngayon, ay
napapasailalim pa rin tayo ng simbahan na tulad na
lamang noong panahon ni Rizal. Di na lamang
nakapagtataka kung ang pananaw ng mga Pilipino
sa kasaysayan ay paulit-ulit! Hay!

Ayon kay Pigafetta:

Taong

1521 nang dumatingkasama si


Magallanes sa Samar.
-pagpipitagan at
-kabutihan ng mga naninirahanat ang
pangangalakal

Sa Butuan natagpuan niya angmga


mamamayang ang hinaharapay pagmimina
Sa Pulo

ng Paragua (Palawan),

buhat sa *indanao at Sulu.


$indipinahintulutan ng mga #astila ang mga
Pilipino na mag-ingatng baril at iba
pang sandata.

masagana ang mga makakain

Halos lahat ng mga naninirahandoon ay


bumubungkal ng sarilingbukirin

Ayon kay Gaspar de


San Agustin:

%akalimutan na ang pagsasaka paghahabi


atpagmamanukan ng dahil sa sapilitang
paggawa. ,ahil samaraming pandarayuhang
ginagawa ng mga #astila aywalang tigil ang
paggawa ng barko

abibilang sa mga magagaling namandaragat ay kinukuha ng


mgaAlkade Mayor para sa mgasasakyang-dagat na
ipinapadala salabas ng bansa.

P i n a u n t i

n g

m g a

p a n u n u l i

s a n g dagat ang bilang ng mga Pili


p i n o dahil ang mga malayong Malaya ayn a t a t a n g i ,
l a l o n a s a k a n i l a n g m g a kalupitan

Ang sikap at pagkukusa natin ay nawala nang


dahil sa mga#astila. +ago sila dumating ay
maginhawa ang ating buhay.
%akikipagkalakalan tayo sa (sina at ibang
bansa nagsasaka
Ang pangangailangan natin noon ay hindi marami at
hinditayo mapagpabaya di gaya ngayon.

%apabayaan ang lahat ng industriya at pati ang


pagsasakadahil hindi nila maipagtanggol ang sarili
laban sa kaguluhanat pandarambong buhat sa *indanao
at Sulu. $indipinahintulutan ng mga #astila ang mga
Pilipino na mag-ingatng baril at iba pang sandata.

%akalimutan na ang pagsasaka paghahabi


atpagmamanukan ng dahil sa sapilitang paggawa. ,ahil
samaraming pandarayuhang ginagawa ng mga #astila
aywalang tigil ang paggawa ng barko

Ang pangangailangan natin noon ay hindi


marami at hinditayo mapagpabaya di gaya
ngayon.

%apabayaan ang lahat ng industriya at pati


ang pagsasakadahil hindi nila maipagtanggol
ang sarili laban sa kaguluhanat pandarambong

ahat ng ngosyoy sinasarili ng


gobrnador sa halip napukawin ang mga
Pilipino sa pagpapabaya ay makasarili
silakayat sinusugpo nila ang mga kaagaw sa
makikinabang sapangangalakal.

#ailanagn pa ng /pagrrgalo0
pakikisama panunuyo at angganap na
pagkawalang-bahala sa kalagayan ng Pilipino
angnagpatay ng sigla sa paggawang kapakipakinabang.

Pagiwas sa pagpaparumi ng kamay


at
Pagkuha ng maramingutusan sa bahay
ang nagpunla sa kalooban
natin ang binhi ngkatamaran at pagkatakot sa
mabibigat na gawain.

Sabi ng kura noon /$indi makakapasok sa


kaharian ngangit ang mga taong mayaman0
Ang sugal ay binigyang luwag at isa na rin sa
nagpalala ngkatamaran.

$indi tayo binigyan ng tulong na salapi o pautang


upangmamuhunan. Ang natitirang salapi matapos
bawasin angbuwis ay pinambabayad sa kandila
nobna at iba pa.

#ung ang pananim ay napinsala ng balang o


bagyo angpamahalaan ay hindi nagbibigay ng
ano mang tulong samga magsasaka kayat ang mga
ito ay inaabot ngkatamaran.

[Liam]
You're insecure.
So half of four.
Your old brains are not what they
were before.
[Zayn]
Add two threes. It's fun for us.
Cause we're young and we can still
remember stuff.
[Harry]
Everyone else can multiply by sixty.
Everyone else can add two.
[All]
Now take off one hundred, and add
on 24.
Then divide by two and add on
seven more.
And if you're struggling now it's not
hard to tell
You don't know, oh, oh, your math
skills are terrible
If only you had a mind like me
You'd understand how to divide the
sum by three
And then just add on the age of
this OAP
You don't know, oh, oh, your math
skills are terrible, oh, oh
It's really kinda pitiful
"Your Math Skills Are Terrible"
(parody of "What Makes You
Beautiful")