Anda di halaman 1dari 15

Alamat ng Ahas (Alamat mula sa Thailand)

Bago pa man gumagapang ang mga ahas ay dati na silang may mga paa. Tulad ng iba
pang mga hayop, ang mga ahas ay may apat na paa na kanilang ginagamit upang
makalakad.
Sa gubat, tinuruan ng isang guro ang mga magkakaibigang kobra, sawa at dahong palay
ng pagtatanggol sa sarili. Ang mga ito ay tinuruan ng guro sapagkat napansin nito na
ang mga ahas ay maliliit at palagi silang kinakawawa ng mga mas malalaking hayop.
Matapos ang kanilang pagaaral, natuto nga ang mga ahas ng kakayahang ipagtanggol
ang sarili. Mahigpit na ipinagbilin ng guro sa mga ito na wag gamitin ang natutunang
kakayahan sa paghahambog lamang. Ito ay gagamitin lang nila kung kinakailangan at sa
mabuting layunin lamang.
Ngunit dahil sa bagong natutunan, naging mataas ang tingin ng mga ito sa sarili. Saan
man sila magpunta ay pinagyayabang nila na itinuro sa kanila ng guro ang kakayahan na
ipagtanggol ang sarili maski mas malaki pa ang kalaban.
Isang araw, ang mga ahas ay nagkatuwaan at nagpustahan kung sino sa kanila ang
pinakamagaling. Nagpatagisang gilas silang tatlo. Dahil dito, ang lahat ng mga hayop sa
gubat ay nagkagulo. Sumakit ang katawan ni Leon ng pilipitin ni kobra. Iika-ika si
elepante matapos sipa-sipain ni sawa ang kanyang mga binti. Si matsing naman ay
napagod at hinihingal sa katatakbo upang maiwasan ang mga suntok ni dahong palay.
Narinig ng guro ang ginawa ng mga tinuruan niyang ahas. Napa-iling ito at nag-isip kung
paano niya tuturuan ng leksiyon ang mga hambog at malilikot na hayop. Matapos magisip ay hinanap niya ang mga ahas.
Nang makita ng guro ang mga ahas, ito ay nagdasal. Napatulog niya ang mga ito. Itinali
niya at inipit ang mga paa ng malilikot na ahas at pinutol ang mga ito.
Nagising ang tatlo at nakita ang putol nilang mga paa. Nasa tabi nila ang kanilang guro.
Pinaunawa ng guro na kaya niya pinutol ang mga paa nito ay dahil sa naging hambog
ang mga ito dahil sa panibagong natutunan. Pinagsabihan niya ang mga ahas na simula
noon ay wala na silang paa at gagapang na lamang sila para makalakad. Hindi na rin nila
magagamit ang kakayahan sa pagtatanggol dahil hindi sila karapat-dapat para dito.
Simula noon ay gumagapang na lang ang mga ahas. Dahil hindi na rin nila magamit ang
kakayanan ng pagtatanggol at sa hiyang dinulot ng pagkakaputol ng paa, sila ngayon ay
naging mailap sa ibang mga hayop. Nagtatago sila at nag-aantay ng tamang
pagkakataon upang umatake sa kanilang biktima.

Anda mungkin juga menyukai