Anda di halaman 1dari 4

Ang Kasaysayan ng Pagsasalingwika sa Daigdig

Ulat ni. Jomaj F. Dela Cruz


I. Kasaysayan ng Pagsasalin sa Daigdig

Ang kinikilalang unang tagasalin ay si Andronicus na siyang nagsalin ng


Odyssey ni Homer sa anyong patula (240 B.C.) Sinundan ito nina Naevius
at Ennius, gayon din nina Cicero at Catulus. Sa pagdaraan ng maraming
taon ay dumami nang dumami ang mga tagasaling-wika na siyang
nagdulot ng malaking pag-unlad ng mga bansa sa Europa at Arabya.
Nakilala ang lungsod ng Bagdad bilang isang paaralan ng pagsasalingwika
sa pamamagitan ng isang pangkat ng mga iskolar na nakaabot sa Bagdad
at isinalin sa Arabiko ang mga isinulat nina Aristotle, Plato, Galea,
Hippocrates at iba pa. Pagkaraan ng tatlong siglo, Toledo naman ang
sumibol

sa

larangan

ng

pagsasalingwika.

Ang

mga

tanyag

na

tagapagsalin ay sina Adelard at Retines. Ang sinasabing pinakataluktok


na panahon ng pagsasalingwika ay ang panahon ng pagsasalin ng Bibliya.

Ang kinikilalang pinakamabuting salin ng Bibliya ay ang salin ni Martin


Luther (1483-1646).

Ang kinikilalang Prinsipe ng Pagsasalingwika sa Europa ay si Jacques Amyot na


siyang nagsalin ng Lives of Famous Greeks and Romans(1559) ni Plutarch sa
wikang Aleman.

Si John Dryden ay ibinibilang din na isang mahusay na tagapagsalin dahil pinaguukulan niya ng maingat na paglilimi ang gawang pagsasalin sapagkat naniniwala
siyang ang pagsasalin ay isang sining.

Noong 1792, sa aklat na Essay on the Principles of Translation ni Alexander Tyler,


binigyang diin ang tatlong panuntunan sa pagsasalin. Ang mga ito ay ang mga
sumusunod: Ang isang salin ay kailangang katulad na katulad ng orihinal sa diwa; Ang
istilo at paraan ng pagsulat ay kailangang katulad ng sa orihinal; Ang isang salin ay

kailangang magtaglay ng luwag at dulas ng pananalitang tulad ng sa orihinal upang


hanggat maaari ay magparang orihinal. Ayon naman kay Matthew Arnold ang isang salin
ay kailangang magtaglay ng bisang katulad ng sa orihinal. Ang paniniwalang ito ay
sumasalungat sa paniniwala ni F.W. Newman na ang isang salin ay kailangang matapat sa
orihinal, na kailangang madama ng bumabasa na ang kanyng binabasa ay isang salin at
hindi orihinal. Sa pagsapit ng ikadalawampung siglo ay isa na lamang karaniwang gawain
ang pagsasalingwika kaya naman ang uri ng mga nagsisunod na salin ay mababa sa uring
nararapat.

A. Ang mga Pagsasalin sa Bibliya

Ang orihinal na manuskrito o teksto ng Bibliya ay


sinasabing wala na. Ang kauna-unahang teksto nito ay
nasusulat sa wikang Aramaic ng Ebreo at ito ang
pinaniniwalang pinagmulan ng salin ni Origen sa
wikang Griyego na kilala sa tawag na Septuagint
gayon din ang salin ni Jerome sa wikang Latin.

Ang tatlong itinuturing na pinakadakilang salin ng Bibliya ay ang kay Jerome (Latin), ang kay
Luther (Aleman) at ang kay Haring James (Ingles-Inglatera). Samantalang ang kauna-unahang
salin sa Ingles ng Bibliya ay isinagawa ni John Wyclif. Ang unang salin ng mga Katoliko Romano
ay nakilala sa tawag na Douai Bible. Sa lupong binuo ni Haring James sa pagsasalin ng Bibliya,
naging panuntunan na ang pagsasalin ay maging matapat sa orihinal na diwa at kahulugan ng
Banal na Kasulatan, dito nga nakilala ang Authorized Version. Ang maituturing naman na
pinakahuling salin ng Bibliya ay ang The New English
Bible (1970) na inilimbag ng Oxford University. Sa
dinami-dami ng mga pagsasaling isinagawa sa Bibliya,
kinailangan pa rin ang muling pagsasalin dahil sa mga
sumusunod

na

dahilan:

(1)

Marami

nang

mga

natuklasan ang mga arkeologo na naiiba sa diwang


nasasaad sa maraming bahagi ng mga unang salin;
(2) Naging marubdob ang pag-aaral sa larangan ng
linggwistika na siyang naging daan ng pagpapalinaw ng maraming malabong bahagi ng Bibliya;
(3) Ang sinaunang wikang ginamit sa klasikang English Bible ay hindi na halos maunawaan ng
kasalukuyang mambabasa bukod sa kung minsan ay iba na ang inihahatid na diwa.

B. Ang mga Pagsasalin sa mga Akdang Klasika

Ang kalakhan ng kinikilalang mga akdang klasika ay ang mga orihinal na


nasusulat sa Griyego at Latin, ngunit ayon kay Gng. Virginia Woolf, ang alin
mang salin ay hindi makakapantay sa orihinal sapagkat ang wikang Griyego
ay isang wikang maugnayin, mabisa, tiyak at waring may aliw-iw na
nakaiigayang pakinggan.

Dalawang pangkat ang mga tagapagsaling-wika sa Ingles ng wikang


Griyego, ito ay ang makaluma o Hellenizers at ang makabago o Modernizers. Ang layunin ng mga
makaluma ay maging matapat sa pagsasalin sa paghahangad na mapanatili ang orihinal na diwa
at katangian ng kanilang isinasalin kaya naman pinapanatili nila ang paraan ng pagpapahayag,
at balangkas ng mga pangungusap at idyoma ng wikang isinalin sa wikang pagsasalinan.
Kasalungat naman ito ng paniniwala ng mga makabago na nagsasabing ang salin ay dapat
nahubdan na ng mga katangian at idyoma at nabihisan na ng kakanyahan ng wikang
pinagsalinan.

Ayon naman kay Robert Browning, ang tagasaling-wika ay kailangang


maging literal hanggat maaari maliban kung ang pagiging literal ay
lalabag sa kalikasan ng wikang pinagsasalinan.

Naniniwala naman si Robert Bridges na higit na mahalaga ang istilo ng


awtor kung ang isang mambabasa ay bumabasa ng isang salin. Sa kabila ng magkasalungat na
opinyong nabanggit ay may ikatlong opinyong lumitaw, ito ay ang paniniwalang hindi
makatwirang piliting ipasok sa wikang pinagsasalinan ang mga kakanyahan ng wikang isinasalin.
Pareho naman ang paniniwala nina Edward FitzGerald at Samuel Butler na alin mang salin ng
mga akdang klasika ay dapat maging natural ang daloy ng mga salita, madaling basahin at
unawain. Sa mga pagsasalin ni F.W. Newman sa mga akda ni Homer, pinilit niyang mapanatili
ang kakanyahan ng orihinal hanggat maaari dahil naniniwala siya na kailangang hindi
makaligtaan ng isang mambabasa na ang akdang binabasa ay isa lamang salin at hindi orihinal.
Sumasalungat naman sa paniniwalang ito si Arnold na tagapagsalin din ni Homer. Ayon sa kanya,
ang katapatan sa pagsasalin ay hindi nangangahulugan ng pagpapaalipin sa orihinal na wikang
kinasusulatan ng isasalin. Samantala, unti-unting nahalinhan ng Roma ang Atenia bilang sentro
ng karunungan nang mga panahong iyon.

Ayon kay C. Day Lewis sa kanyang pagsasalin ng Aeneid ni Virgil (na siyang
pinakapopular sa panulaang Latin) sa wikang Ingles, upang mahuli ng
tagapagsalin ang tono at damdamin, kinakailangang magkaroon ng ispiritwal
na pagkakaugnayan ang awtor at ang tagapagsalin.