Anda di halaman 1dari 2

Ang Super Hero ko

Roger A. Escamilla Jr.

Sa panahon ngayon, uso na ang ibat ibang super hero. Nariyan sina Spiderman,
Superman at Batman, sina Darna, Gagamboy at iba pa. Pero madalas, nakakalimutan
na natin ang tunay na superhero sa ating buhay ang ating ina.
Siyam na buwan nya tayong dinala sa kanyang sinapupunan, pinakain at
inalagaan para lumabas tayong walang diperensya at malusog. Hindi nya ininda ang
sakit mailabas lang tayo sa mundong ito at maibigay sa atin ang ligaya ng buhay. Halos
hindi siya makakain at makatulog ng maayos para masigurado lang na tayong mga
anak ay mapalaki ng maayos. Kung sina Spiderman at Superman ay nagliligtas ng
buhay, ang ina natin ang siyang taong nagbigay satin ng buhay.
Multi-tasker, ika nga. Sa araw-araw ay palagi siyang maraming trabaho, siya
ang nagluluto sa umaga, naghuhugas ng pinggan, naglalaba ng damit, naglilinis ng
bahay at iba pang gawain na para sa ikabubuti ng ating kinabukasan. Ngunit sa kabila
niyon ay kaya nya parin tayong bigyan ng tamang pagmamahal at pag-aalaga.
Hindi sya marunong mapagod. Lalo na sa pagmamahal at pag-iintindi. Madalas
na natin syang nakakasamaan ng loob. Madalas ay atin syang naaway. Pero ni minsan
ay hindi nya tayo sinukuan at hindi nya tayo itinakwil bilang anak. Palagi niya tayong
inintindi kahit na minsan, nasasaktan na sya.

Higit sa lahat, walang makakapantay sa isang ina. Walang superhero na


makakahigit sa kanya. Dahil sa lahat ng tao sa mundo, tanging ang ina lamang ang
kayang magsakripisyo ng kanyang sariling kasiyahan, at oras para lang mauna ang
kasiyahan ng kanyang anak. Yung masigurado lamang na sa pagdating ng panahon,
mabubuhay ng masagana at masaya ang kanyang anak.
Sino bang superhero ang kaya kang ipagtanggol kahit na inuusig ka na ng
buong mundo? Sino ang kayang tumanggap sayo at mamahalin ka paring ng tunay
kahit na nakagawa ka na ng malaking kasalanan? Sino baa ng kayang magtiis ng hirap,
mapasaya ka lang? Sino ba ng tunay na nagmamahal sayo?
Kasi ako? Yung nanay ko. At sya ang superhero ng Buhay ko.

Anda mungkin juga menyukai