Anda di halaman 1dari 4

Modelong Pagpapahalaga

Inihanda ni Judisah Marie G. Cabios BSEd 3 D

Pagpapahalaga

pag-unawa o pag-intindi sa kabuluhan o importansiya ng isang ideya o


konsepto

pagpapakita ng lugod o aestetikong damdamin sa isang bagay

to admire and value something


magpahal
aga
malibang

umunawa

pagkat
uto

pagunaw
a

paglilib
ang

pagpapahal
aga

Ang isang batang nauunawaan at madaling nasasagutan ang isang


crossword puzzle, ay maaaring nalilibang, at sa kalaunay
napapahalagahan ang kanyang ginagawa.

Ang pangunahing layunin ay magplano ng mga nakawiwiling


aralin na maaaring magpasigla at humikayat sa mga mag-aaral
na mapahalagahan ang kanais-nais at makabuluhang mga pagkatuto

Ang mga pagkatutong ito ay maaaring matagpuan sa: literatura,


musika, sining, relihiyon at kultura o kahit na anong salik na
makatutulong sa pagkatuto

Napapabiliang sa Apektib na Domeyn ng pagkatuto ng mga magaaral

Nagbibigay ng aestetikong motibasyon sa mga mag-aaral na madebelop ang pagpapahalaga sa pagkatuto

Modelong Pagpapahalaga

Literatura pahalagahan at mawili sa akdang binasa

Musika pagbibigay-oportunidad na makinig sa musika at maipahayag


ang sarili sa pagkanta

Sining hikayatin na gumawa sa sariling pananaw at paniniwala

Kalikasan hayaang mag-obserba at mapag-aralan at lahat ng bagay


sa ilalim ng araw

Relihiyon turuan at gabayan na dapt unawain at respetuhin ang mga


pinaniniwalaan ng iba

Kultura masusuing suriin ang kultura at relasyon nito sa mga magaaral; turuan ng pagpapahalaga sa asal at gawi

Pamamaraan sa Modelong Pagpapahalaga


Pangunahing Paghahanda:

Yugto ng Pagpapahalaga:

Pagganyak sa mga mag-aaral paglalahad ng


layunin ng aralin

Ang unang impresyon ay mahalaga. Halimbawa. Sa


paglalahad ng isang akdang pampanitikan, basahin
ito ng may angkop na damdamin at ipakita ang
angkop na ekspresyon.

Pangkaisipang Pagtalakay:
Ebalwasyon ng mga naunawaan ng mga-aaral
Talakayan tungkol sa ano at iba pang sangkap ng

binasang akdang
pampanitikan.

Aestetikong Pagtalakay:
Paghihikayat ng guro sa mga mag-aaral
na tukuyin ang bahagi ng akdang maituturing na
nakawiwili o nakaka-agaw pansin.
Mahalaga ring talakayin kung bakit napili
ang bahaging ito upang mapahalagahan at kasiyahan
ng mag-aaral

Pag-sisipi
Pinakahuling hakbang ng Modelong Pagpapahalaga

Kapag napahalagahan ng mag-aaral ang nabasang akdang


pampanitikan, magkakaroon siya ng paghahangad na
makabisa at maisaloob ang nilalaman ng akda.
Kapag napahalagahan nila ang aralin, masisipi o
makokopya nila ito sa pamamagitan ng role-playing,
paggawa ng sariling akdang may katulad na paksa o
layunin sa akdang tinalakay.

Iba pang Mungkahi sa Paglinang ng Pagpapahalaga sa Pagkatuto ng


mga Mag-aaral

Pumili ng mga pagganyak at gawaing magugustuhan at mapupukaw


ang interes ng mga mag-aaral. (Choral reading, dramatization,
panonood ng mga movie clips)
Ang mga mag-aaral ay dapat na aktibong makilahok sa mga gawain na
pagmumulan ng lugod at magbibigay kasiyahan.
Ang mga pagpapahalagang aralin ay dapat na impormal sapagkat mas
nawiwili ang mga mag-aaral kapag sila ay may sapat na kalayaan.
Hikayatin ang mga mag-aaral na malinang ang kanilang mga
kakayahan na nagpapakita ng kanilang pagpapahalaga sa gawain at sa
tinalakay.
Ang tagumpay ng Modelong Pagpapahalaga ay nakabatay sa kaalaman
ng guro kung ano ang dapat na matutuhan at mapahalagahan ng
kanyang mag-aaral. Mas mainam kung maibabahagi ng mag-aaral ang
natutunan nang malaya at walang impluwensiya ng guro.
Dahil mahirap sukatin ang resulta, mayroon namang mapapansing
kinalabasan ang modelong ito. Ang kawilihan at kasiyahan ng mga
mag-aaral na nakuha nila sa kani-kanilang mga karanasan at
pagkatuto ay maiuugnay sa kanilang mental na pag-unlad.

Anda mungkin juga menyukai