Anda di halaman 1dari 3

Par.

228
1.
Dapat sikapin ng bawat Iglesiya lokal na ilista ang
mga pangalan ng kanilang mga miyembro para sa mga
gawain na makakapagpalago sa kanilang espirituwal na
buhay at upang sila ay magkaroon ng partisipasyon sa
mga ministeryo ng Iglesiya at ng mga organisasyon.
Pananagutan ng pastor at ng mga miyembo ng Konseho
ng Iglesya ang regular na pagbisita, pangangalaga at
paglikha ng mga aktibidades at oportunidad upang
mapanatili ang espirituwal na paglago ng mga miyembro
sa
pamamagitan
ng
personal
at
pampamilyang
pananambahan (family worship) at personal at grupong
pag-aaral (group study) upang maisabuhay ng mga
miyembro ang kanilang pananampalataya at upang
matulungan ang mga miyembro na magampanan nila ang
kanilang
sinumpaang
tungkulin
sa
Iglesiya
sa
pamamagitan ng regular na pagdalo sa pananambahan,
pananalangin, pagkakaloob at paglilingkod. Ang bawat
Iglesiya lokal ay mayroon ding pananagutan upang ang
mga hindi aktibong mga miyembro ay mas lalong
mapalapit sa Diyos at sa Iglesiya.
2.

Pangangalaga sa mga Miyembro

a) Ang pastor, sa tulong ng Konseho ng Iglesiya, ay


maaaring iorganisa ang mga miyembro sa mga grupo na
maaaring pangunahan ng mga lider upang mas lalong
mapaigting ang koneksyon ng mga miyembro sa ibat
ibang sulok ng pamayanan na kanilang kinabibilangan.
Ang mga grupo na ito ay hindi lalagpas sa walo o
sampung pamilya. Maaaring makatulong ang mga grupo
ng mga miyembrong ito sa mga gawain ng Iglesiya sa
pamayanan lalo na sa paghahayag ng Ebanghelyo sa
ibat-ibang paraan tulad ng mga gawaing ebanghelistiko
(evangelistic
activities),
pagbibisita,
gawaing
panalanginan (prayer meetings) sa kani-kanilang mga
tahanan at kung anu-ano pa.
b) Samantalang ang mga regular o professing members
ay may pananagutan upang gampanan ang kanilang
sinumpaang tungkulin sa Iglesiya noong sila ay
bininyagan, kung ito ay hindi nila magagampanan,
makakatulong ang mga sumusunod na hakbang:
1. Kung ang isang regular o professing member
na naninirahan malapit sa Iglesiya ay hindi regular na
nakakadalo ng mga pananambahan o gawain ng
Iglesiya nang walang dahilan, ang Pastor, katulong
ang Membership Secretary, ay may pananagutan na

ireport ang bagay na ito sa Konseho ng Iglesiya na


may tungkulin naman na gawain ang lahat ng paraan
upang mabisita ang miyembrong ito at mabigyan ng
apat na options:
(a)
muling magpahayag ng
sinumpaang tungkulin sa Iglesiyang kaniyang
kinabibilangan; (b) magpalipat sa ibang Iglesiya lokal
na Metodista; (c) magpalipat sa ibang denominasyon
(na hindi Metodista); (d) humiling ng withdrawal mula
sa Iglesiyang kinabibilangan. Kung ang miyembrong
ito ay hindi mamimili sa apat na pagpipilian na ito, sa
loob ng dalawang taon, maaari nang burahin ang
kaniyang pangalan mula sa listahan ng mga
miyembro;
2. Kung ang regular o professing member ay
naninirahan malayo sa Iglesiya lokal, at hindi na
regular na nakakadalo sa mga pananambahan nang
walang dahilan, maaaring ienganyo ng Iglesiya lokal
ang paglipat ng miyembro na ito sa ibang Iglesiya
lokal. Maaaring gawin ang pang-eenganyo na ito sa
loob ng dalawang taon, pagkatapos nito ay maaari
nang burahin ang kaniyang pangalan mula sa listahan
ng mga miyembro;
3. Kung ang tirahan ng regular o professing
member na ito na hindi na regular na dumadalo ay
hindi alam, nararapat na sikapin ng Iglesiya lokal na
alamin kung saan siya nakatira at kung hindi ito
malalaman, maaari nang burahin ang kaniyang
pangalan sa listahan ng mga miyembro;
4. Kung ang Par. 1, 2 at 3 na nakatala sa itaas
ay nagawa na ng Iglesiya at hindi pa rin naging aktibo
ang nasabing miyembro, maaaring pagbotohan sa
Charge Conference, sa rekomendasyon ng Pastor at
ng Chairman ng Evangelism Ministry, ang pagbubura
ng kanilang mga pangalan sa listahan.
Ang
pagbubura ng pangalan ay nangangahulugan ng
pagsusulat ng mga katagang: Removed by Charge
Conference Action sa tabi ng kanilang pangalan.
5. Maaaring ireklamo ang isang miyembro sa
pamamagitan ng pagsusulat ng reklamo na dapat ay
ibigay mismo sa miyembrong inirereklamo, sa
kaniyang
Pastor,
at
sa
kaniyang
District
Superintendent.

6. Ang reklamong ito ay dapat aksyunan ng


pastor at ng District Superintendent sa pangunguna
ng nasabing DS.
c) Pananagutan ng Pastor, katulong ang mga UMYF, at
MYAF, ang paglikha at pagkakalat ng impormasyon
patungkol sa mga campus ministries ng Iglesiya upang
magabayan ang mga kabataan na nag-aaral. Tungkulin
ng Iglesiya lokal na mapangalagaan ang mga kabataang
ito sa loob at labas ng Iglesiya lokal sa pamamagitan ng
mga campus ministries at iba pang mga gawain.
PAR. 229
Kung ang isang Iglesiya Lokal ay nangangailang magsara
o huminto, tungkulin ng DS na humanap ng malapit na
UMC upang ilipat ang mga miyembro dito. Maaari ding
mga miyembro mismo ang mamili ng UMC na kanilang
gustong lipatan.

Anda mungkin juga menyukai