Anda di halaman 1dari 11

IDEOLOHIYA- v Nagsisilbing kaisipan, pamuntunan o pundasyon ng

sistemang pang ekonomiya at pampulitikal ng bansa. v Nagbibigkis sa


mamamayan upang maging isang nagkakaisang lakas.
KONSERBATISMO q laganap noong Middle Ages q Edward Burke
( 1729-1797 ) q layuning mapanatili ang kaayusan (status quo ) q
pinahahalagahan ang mga tradisyon ng nakaraang henerasyon kaysa
sa makabagong sistema. q Mga saligang Prinsipyo : kaayusan ,
pagkamakabayan, moralidad at katapatan q Binibigyang diin ang
mahahalagang papel na ginampanan ng moralidad bilang pamantayan
ng pag papasya, pamamahala at pakikipag ugnayan.
LIBERALISMO qpagkilala sa kakayahan ng isang indibidwal na
makapag ambag sa lipunan sa ibat ibang paraan, kapasidad at antas.
qKakayahan ng isang indibidwal na mapaunlad ang sarili. qDapat ang
mga patakaran ng pamahalaan ang magsilbing instrumento upang
bumuti ang negosyo at pamumuhunan. q Kabilang ang mga bansang
U.S. Canada at Japan
KAPITALISMO q Tumutukoy sa sistemang pang ekonomiya q pag-iipon
ng kapital upang higit na mapalago ang negosyo at mapalaki ang tubo
ng mga mamumuhunan. q Kompetisyon sa mga negosyante ang
dahilan ng pagpapahusay ng kalidad ng produkto. qNaniniwala sa
konseptong pribadong pag mamay-ari bilang karapatan ng
mamamayan.
DEMOKRASYA q Ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagpapatamasa
sa lahat ng pantay na karapatan. qPinamumunuan ng isang kinatawan
sa pamamagitan ng halalan q ang isang mamamayan ay maaring
bumoto, tumakbo bilang kandidato, at maluklok sa posisyon. qMay
mga karapatan ding bumuo ng samahan , makapag pahayag ng
saloobin , magmay ari ng ari arian maipagtanggol ang sarili. qPagkilala
sa Minorya q Pang masang Organisasyon
SOSYALISMO q sapilitang pagbawi sa mga kapitalista ng mga
makinarya at mapapsailalim ito ng estado q pagbuwag sa paghahari
ng mga kapitalista at mapapalitan ito ng mga mangagawa. qDahil dito
ang lahat ay makikinabang sa ekonomiya . q Mga bansang yumakap sa
Ideolohiyang ito. Cuba North Korea China Vietnam

KOMUNISMO q Nais lansagin ang di pagkakapantay- pantay ng mga


mamamayan batay sa uri na kinabibilangan q nagsisilibing kasing
batayan ng pagkakawatak watak ng tao ang estado sa buhay qNagugat dahil sa di makatarungang sistema ng kapitalismo q Ayon dito
dahil sa pagnanais ng kapitalista na mag karooon ng malaking tubo ay
ginigipit niya ang mga manggagawa sa pamamagitan ng mababang
pagpapasahod
PASISMO q Nakabatay sa paniniwalang napapailalim ang kapakanan
ng mamamayan sa tunguhin ng estado. qIsinusulong nag isang
estadong pinamumunuan ng isang partido q tutol sa anumang uri ng
oposisyon. q gumagamit ng ibat ibang uri ng represyon o pag supil sa
mga hindi sumasang ayon sa pamamalakad nito. q kontrolado nila ang
mass media at gumagamit ng propaganda. q Ito ang katwiran ni Adolf
Hitler nang iutos niya nag pagpuksa sa mga Jew noong Hllocaust.
Benito Mussolini GERMANY ITALY

IDEOLOHIYA
COLD WAR
NEOKOLON

YALISMO
KONSERBATISMO
LIBERALISMOKAPITALISMO
DEMOKRASYA SOSYALISMO
KOMUNISMO PASISMO

Joana Reyes 9-Platinum


Gng. Marayag
COLD WAR- Nang matapos na ang laban, nagka bitak bitak ang mga
bansang Allies lalo na ang ugnayang United States Of America Union
of Soviet Socialist Republics (Superpowers). Sa ganitong tensiyon
namuo ang tinatawag na Cold War (Uri ng malamig na tensiyon sa
pagitan ng superpowers) na nagsimula noong 1947 1991.
Berlin Airlift (1948) - Ginawang unang pagsubok ito para makita ang
determinasyon ng superpowers. Ang silangang Berlin ay napunta sa
U.S.S.R habang ang kanluran ay napunta sa U.S. Isinara ni Stalin ang
mga ruta papunta sa kanluran at ginawa ito bilang isang BLOCKADE.
Bagamat muntik nang magkaroon ng digmaan, inalis ni Stalin ang
Blockade sa huli.
Korean War (1950 1953) - Matapos ang WWII, inangkin ng U.S.S.R
ang North Korea at ang South Korea naman sa Amerika, Simula pa

noong 1949, tinangka nang tulungan ng Soviet ang N. Korea upang


masakop nito ang buong peninsula. Noong Hunyo 25, 1950, tinawid ng
North Korea ang 38th parallel at nagsagawa ng surprise attack ngunit
hinarang naman ito ng UN sa pamumuno no D. McArthur. Sa huli,
nagkasundo ang dalawang bansa sa isang Ceasefire Agreement.
Vietnam War (1959 1975) - Hinati ang Vietnam sa 17th parallel. Sa
hilaga ang komunistang pamahalaan ni Ho Chi Minh at ang France
U.S sa timog sa pamamahala ni Ngo Dinh Diem. Nagkaroon ng Coup at
napatay si Diem.Nakita nila ang tagumpay ni Ho na banta sa Asta kaya
naman nagpadala ng tropa ang Amerika. Naging popular ang Viet Cong
Guerillas dahil na sinuportahan ng mga komunista upang sakupin ang
Timog. Napilitan ang United States na umatras at naging isang
komunistang bansa ang Vietnam sa huli.
Cuban Missile Crisis (1962) - Ito ang tinatawag na October Crisis sa
Cuba na tumagal ng 13 araw na kompronatsyon sa paglalagay ng mga
Missile sa Cuba na ang tatamaan ay ang mga estado sa U.S. ito ang
pangyayari na maglulunsad sa isang nukleyar na paglalaban. Sa huli,
di na tinuloy ng U.S.S.R ang kanilang layunin.
Suez Crisis/Tripartite Agression (1956) - Ito ang pinagsamang
diplomatiko at armas na pakikipaglaban ng Egypt at Britain France at
Israel, U.S, U.S.S.R, at U.N para mapasuko ang Britain, France at Israel.
Korean Airlines Flight 007 incident (1983) - isang eroplano ng Korean
Airlines na napabagsak ng Soviet interceptor Su-15 na piniloto ni Major
Gennadi Osipovich noong Huwebes, Setyembre 1, 1983. lahat ng
opisyal at pasahero ng nasabing eroplano ay patay.

NEOKOLONYALISMO- Ang neokoloyalismo ay nangangahulugan


ng bago at ibang uri ng pagsasamantala sa mahihirap na bansa. Isang
uri ng suliraning pampulitika at pang-ekonomiya na ang lahat ng
estado, mayaman at mahirap, ay maaaring masangkot.
EKONOMIKO-Napalaganap ito sa pamamagitan ng kunwaring tulong
tungo sa pagpapaunald sa kalagayang pangkabuhayan ng bansa,
ngunit nakatali na ang bansang tinutulungan sa patakaran at motibo
ng bansang tumutulong.
KULTURAL-Nabago ang pananaw sa mga bagay na likas na angkin ng

bansa, dala ng mga ipinakilala ng mga dayuhan.Pagbabago sa ating


buhay.Higit na pinahahalagan ang musika, palabas at babasahin ng
mga dayuhan.

DAYUHANG TULONG O FOREIGN AID


v Ilang instrumento ng mga neokolonyalista ang napakaloob sa
tinatawag na dayuhang tulong (foreign aid)- magaing pang-ekonomiya,
pangkultura o pang militar.Sa unang malas ay mga tulong na walang
kondisyon,tulad ng pamimigay ng gatas sa mga bata at pamamahagi
ng libreng aklat.Kung titingnang maigi, napunta din sa mga
negosyanteng Amerikano ang mga binigay na tulong ng Estados
Unodos.Ang tulong ng Estados Unidos ay hindi libre. Ang ipinamimigay
na mga kagamitang militar ay mga SURPLUSna lamang.

DAYUHANG PAUTANG O FOREIGN DEBT


vAnumang pautang na ibigay ng INTERNATIONAL MONETARY
FUND(IMF/World Bank) o ng Estados Unidos ay laging may mga
kondisyon. Kabilang sa mga kondisyon ang pagbukas ng ekonomiya sa
dayuhang pamumuhunan at kalakalan, pagpapababa ng halaga ng
salapi at pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis. Kung hindi sundin
ang mga kondisyon, hindi makauutang ang umuutang. Dahil dito, hindi
rin makaahon sa utang ang mahihirap na bansa DEBT TRAP ang
tinawag dito.

LIHIM NA PAGKILOS (Covert Operation)


vKung hindi mapasunod nang mapayapa, gumawa ng paraan ang mga
neo-kolonyalista upang isang guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak
ito nang tuluyan.

Mga Pandaigdigang organisasyon, pangkat


at alyansa
Ang Mga Pandaigdigang Organisasyon

Bukod sa United Nations, marami pang organisasyong pandaigdig na nabuo na may


layuning pagbigkisin ang mga bansa upang matamo ang pandaigdigang kapayapaan at
kaunlaran.

Europian Union (EU)

Ang Unyong Europeo ay isang pang-ekonomiko at pampulitikal na


uniyon ng 27 malalayang bansa.

Ito ang pinakamalaking kompederasyon ng mga malalayang estado na


itinatag sa ilalim ng pangalang iyon noong 1992.

Ang mga aktibidad ng Unyong Europeo ay sumasakop sa patakarang


publiko, patakarang ekonomika sa ugnayang panlabas, tanggulan,
pagsasaka at kalakalan.

Organization of American States (OAS)

Ang Samahan ng mga Estadong Amerikano ay isang pandaigdigang


samahang nakabase sa Washington, D.C., Estados Unidos.

Mayroon itong tatlumput limang kasaping nagsasariling estado ng


Amerika.

Layunin nitong makamit ang kapayapaan at hustisya, itaguyod ang


pagkakaisa ng mga estadong kasapi, patatagin ang kanilang
pagtutulungan, pangalagaan ang kanilang awtonomiya, ang kanilang
teritoryo, at ang kanilang kalayaan.

Organization of Islamic Cooperation (OIC)

Ang OIC ay isang internasyonal na organisasyon ng 57 estado.

Ito ay samahan ng mga bansang Muslim na nagtatayong siguruhin at


protektahan ang interes mula sa pamamagitan ng pagsusulong ng
kapayapaang pandaigdig at pagkakaunawaan.

Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)

Ang Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya o kilala bilang


ASEAN ay isang organisasyong heopolitikal, ekonomikal, at pangkultura
ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.

Ang mga layunin ng samahang ito ay maitaguyod ang pagtago ng


ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura ng bawat
kasapi, at pagpapalaganap ng kapayapaang panrehiyon.

Narito ang iba pang mga pandaigdigang organisasyon.

World Bank

Ang World Bank ay isang pandaigdigang bangko na nagbibigay tulongpananalapi at teknikal sa mga bansang umuunlad para sa mga

programang pangkaunlaran tulad ng mga tulay, kalsada, paaralan, at iba


pa na may layunin ng pagpapababa ng antas ng kahirapan.

International Monetary Fund (IMF)

Ang International Monetary Fund ay isang organisasyong internasyunal


na pinagkakatiwalaang mamahala sa pandaigdigang sistema sa
pananalapi sa pamamagitan ng pagmasid sa mga halaga ng palitan at
balance ng mga kabayaran, gayon din ang pag-alok ng teknikal at
pinansyal na tulong kapag hiningi.

World Trade Organization

Ang World Trade Organization ay siang organisasyong pandaigdig na


itinatag upang mapanihalaan at magbigay ng kalayaan sa kalakalang
pang-intenasyunal. Ang WTO ay nabuo noong Enero 1, 1995 kahalili ng
Pangkalahatang Kasunduan sa mga Taripa at Kalakalan (GATT).

Ang Ideolohiya, Cold war at


Neokolonyalismo
Kahulugan ng Ideolohiya

Ang ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong


magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito.
Ideolohiyang Pangkabuhayan. - Nakasentro ito sa mga patakarang pang-ekonomiya
ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa mga mamamayan. .
Ideolohiyang Pampolitika-Nakasentro naman ito sa paraan ng pamumuno at sa paraan
ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala.
Ideolohiyang Panlipunan.-Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng mga
mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay ng
mga mamamayan.

Ang Ibat Ibang Ideolohiya

1. Kapitalismo.

Tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksiyon,


distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal
hanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng pamahalaan sa mga
patakarang pangkabuhayan.

2. Demokrasya.

3. Awtoritaryanismo.

Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao.

Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na
kapangyarihan.

4. Totalitaryanismo.

Ang pamahalaang totalitaryan ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o


grupo ng taong makapangyarihan.

Isang uri ng pamahalaang totalitaryan ang sistemang diktatoryal.

5. Sosyalismo.

Isang doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan


ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao.

Pagsilang ng Fascismo sa Italy

Sa Italy, ibang ideolohiya naman ang namayani. Tinawag itong fascismo.

Benito Mussolini

Ang mga tagasunod ni Mussolini ay bumuo ng mga pangkat militar na tinawag na Black
Shirts na nagsagawa ng mga pagpupulong ng mga grupong sosyalista at komunista.

Ang Nazing Germany

Bilang isang ideolohiya, ang Nazismo ay nangyari sa Germany simula noong 1930.

Isa sa pinakamalupit na diktaduryang totalitaryan sa makabagong panahon.

Nakakahawig ito ng fascismo sa Italy at ng komunismo sa Russia.

Adolf Hitler

Ang pagnanais na makabawi sa kahihiyan ng pagkatalo sa World War I at ang paniniwala


na ang Aleman ang dapat mamuno sa daigdig ay ilan lamang sa pangunahing layunin ng
diktaturyang Nazismo.

Si Adolf Hitler ang pinakamakapangyarihang pinunong Nazi.

Isinilang siya sa Austria at maituturing na isang panatikong nasyonalista.

Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, binuo niya ang National Socialist Party na
tinawag na Nazi.

Ang Pananaw sa Cold War

Ang United States at ang Unyong Sobyet ay naging makapangyarihang bansa matapos
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Hindi naging mabuti ang ugnayan ng mga bansang ito na kapwa tinatawag na
superpower.

Nauwi ito sa Cold War na bunga ng matinding kumpetensiya ng mga bansa noong 1940
hanggang 1990.

Hindi lamang tunggalian sa kapangyarihan kundi pati na sa ideolohiya ang dahilan nito.

Ang United States ang nagtaguyod ng demokrasya at kapitalismo samantalang


ang Unyong Sobyet ay kumakatawan sa sosyalismo at komunismo.

Mga Tunay na Sanhi

Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ay dating magkakampi at kasama sa mga


bansang nagtatag ng Nagkakaisang mga Bansa.

Ngunit dumating nga ang pagkakataong silay nagkaroon ng Cold War o hindi tuwirang
Ito ang tinagurian ni Winston Churchill na Iron Curtain o pampulitikang paghahati sa
pagitan ng Soviet Bloc at taga Kanluran.

Lalo pang umigting ang di pagkakaunawaan dahil sa kawalan ng bukas na kalakalan ng


mga bansang ito.

Noong 1945, hiniling ni Joseph Stalin, leader ng Unyong Sobyet, na magtayo ng base
militar sa bahagi ng Black Sea at Aegean.

Bahagi ito ng pagpapalawak ng Unyong Sobyet.

Bilang tugon, ay nagpalabas noong 1947 ng patakarang Truman Doctrine si Harry S.


Truman, pangulo ng Estados Unidos kung saan isinasaad ng doktrinang ito ang
pagsisimula ng U.S. ng patakaran na pagtulong sa mga bansang tumatanggi sa
sapilitang pagtatangka ng mga armadong minoridad mula sa labas.

Mabuting Epekto ng Cold War

Ang Estados Unidos at unyong Sobyet ang nagpasikat sa pagpapalaganap ng kanilang


ideolohiya.

Bukod sa larangan ng military, tiniyak din ng Estados Unidos na maayos ang takbo ng
ekonomiya ng pandaigdigang sistemang kapitalista.

Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War

Dahil sa Cold War, umigting ang di pagkakaunwaang pampolitika, pangmilitar, kalakalan


ng mga bansa.

Mga Pamamaraan at Uri ng Neokolonyalismo

Ang mga pamamaraang ginamit ng neo-kolonyalismo upang makuha ang kanilang gusto
sa malayang bansa ay kinabibilangan ng mga uring pang-ekonomiya at pangkultura.

May mga pagkakataong ginamit din ang military at ang mga palalim na gawain ng mga
institusyong pang-espiya.

Pang-ekonomiya

Naisagawa ang neokolonyalismo sa pamamagitan ng pakunwaring


tulong sa pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan ng isang bansa,
ngunit sa katotohanan ay nakatali na ang bansang tinutulungan sa
patakaran at motibo ng bansang tumutulong.

Pangkultura

Sa pamamaraang it, nababago ng neokolonyalismo ang pananaw ng


tinutulungang bansa sa mga bagay na likas na angkin nito.

Bahagi rin ng neo-kolonyalistang kultural ang pagpasok ng ibat-ibang pagkaing


Amerikano na ngayoy palasak na sa panlasang Pilipino-hotdog, hamburger, at
mansanas na ipinagpalit na sa katutubong mga pagkaing tulad ng kalamay, puto,
latik, ginatan, bibingka at marami pang iba.

Dayuhang Tulong o Foreign Aid

Isa pang instrument ng mga neokolonyalismo ang nakapaloob sa


dayuhang tulong o foreign aid na maaaring pang-ekonomiya,
pangkultura o pangmilitar.

Sa unay maiisip na walang kundisyon ang pagtulong tulad ng


pamimigay ng gatas sa mga bata o pamamahagi ng mga aklat.

Ngunit kung titingnang mabuti, may kapalit ang libreng pangtulong.

Nagbebenta ang bansang rumulong ng mga imported na produkto sa


bansang tinulungan kaya ngat bumabalik rin sa kanya ang malaking
tubo ng kanyang puhunan.

Dayuhang Pautang o Foreign Debt

Gayundin, anumang pautang na ibigay ng International Monetary Fund


(IMF/WORLD BANK) ay laging may kaakibat na kondisyon.

Kabilang dito ang pagbubukas ng bansang pinauutang sa dayuhang


pamumuhunan at kalakalan, pagpapababa ng halaga at pagsasaayos ng
sistema ng pagbubuwis. Kung hindi susundin ang mga kondisyon, hindi
makakautang ang umuutang na bansa.

Dahil ditto, hindi rin makaahon sa utang ang mahihirap na bansa. Debt
trap ang tinatawag dito.

Lihim na Pagkilos (Covert Operation)

Kung hindi mapasunod nang mapayapa, gumagawa ng paraan ang mga


neo-kolonyalista upang guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito
nang tuluyan.

Anda mungkin juga menyukai