Anda di halaman 1dari 3

Huling libro ni Bob Ong na binasa ko ngayong bakasyon.

Kung hindi siya gagawa ng adyasment,


huling libro na rin siguro na babasahin kong sinulat nya. O magdadalawang isip na siguro akong
bumili at/o magbasa ng akda niya kung sumulat pa siya ng iba. Nakakasawa. Paulit-ulit lang ang
tema. Halatang narating na niya ang hangganan ng mga paksang kaya niya sulatin. Pakiramdam ko,
doon sa huling sinulat niya na lumabas noong nakaraang taon: "Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan"
ay parang yong sinasabi ng mga Amerikano na he is already scraping the bottom. Balikan natin ang
kanyang 8 nobela na kababasa ko lang lahat:
ABNKKBSNPLAko?! (2001) - 2 stars - tungkol sa kuwento ng kanyang pagaaral mula sa
elementary hanggang college. Outdated na. May parts na napangiti ako (pero di natawa). Naala-ala
rin ang mga nakaraan ko sa public elementary school at private high school at college. Pero di kaayaaya ang kanyang buhay na na drop-out or kick-out sa college at pagiging laging late. Ewan ko, hindi
ako maka-relate!
Bakit Baligtad Magbasa ang mga Pilipino? (2002) - 4 stars - ito ang nagustuhan ko. May
kabuluhan. May adhikain si Bob Ong na imulat ang mga mata ng mga nagtutulug-tulugan na Pinoy.
Nais din nyang magkaroon ng pagbabago at naniniwalang may pag-asa pa ang Pilipino. Very
positive. Well-written except may mga fillers (yong kuwento ng mga bobo sa ibang bansa).
Ang Paboritong Aklat ni Hudas (2003) - 1 star - Pangit. Kuwentong tagpi-tagpi na kuwanri ay
isiningit sa paguusap ng kamamatay lang na karakter ni Bob Ong at ng Diyos. Napagkamalan pa ni
Bob Ong ang Diyos na si Lucifer! Non-sense. Halatang gusto lang makapagsulat dahil kumita ang
unang dalawang libro. Hit while the iron is hot siguro so na-suffer ang quality ng libro.
Alamat ng Gubat (2003) - 4 stars - Pero ang pagkakamali sa "Hudas" ay agad naituwid noong
ilabas sa parehong taon ang "Alamat". Isang satire sa buhay ng Pinoy lalo na sa pulitika. Gustonggusto ko ang karakter ng buhay ni Tong Talangka: masaya, matalinhaga, mapanganib at
makahulugan. Tapos may mga illustrations pa si Klaro na makukuhay. Ang pintas ko lang ay bakit
papaya ang drowing ng puso ng saging. Klasik na pagkakamali. At di rin prutas ang puso ng saging
kundi bulaklak!
Stainless Longganisa (2005) - 2 stars - Kung ang "ABNKKBSNPLAko?!" ay tungkol sa eskuwela
at ang "Baliktad" ay tungkol sa pulitika, dito sa "Stainless" sinubukan nyang ikuwento ang buhay
niya bilang manunulat. Masyadong self-centered na para bang siya na lang ng siya ang bida. Bakit
naman ako magiging interesado sa kanya ganoong maraming mas di hamak na mahuhusay na
nobelistang Pinoy at kahit hindi Pinoy. Pero in fairness, may mga natutunan ako sa kanya sa librong
ito, kaya 2 stars (it's OK ayon sa Goodreads definition).
MacArthur (2007) - 3 stars - Siguro, wala na syang maisip na isulat tungkol sa buhay nya at uso ng
mga panahong yon ang teleserye sa TV kaya nag-drama si Bob Ong. Mahusay naman. Malinis ang
pagkakasulat at interesante ang plot. Nagustuhan ko ito kahit medyo gasgas na sa TV ang tema ng 4
na durugistang kabataan. Huwag na lang kontrahin ang mga nagsasabing nahulaan nila ang
mangyayari ha ha.
Kapitan Sino (2009) - 3 stars - Tapos nauso rin sa TV ang Darna, Dyesebel, Mulawin, atbp.
kaya go with the flow rin si Bob Ong. Gumawa sya ng superhero na may local flavor at may patama
sa buhay pulitika sa bansa. Nagustuhan ko rin ito dahil sa mga makahulugang mga pangungusap ng
mga karakters lalong lalo na yong kay Rogelio at sa tatay niya si Ernesto. Ganda.
and finally...

Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan (2010) - 2 stars - Huwag na lang pagusapan. Baka lapangin
ako ng mga tinatawag ng kaibigan kong mga "Trolls" Basta sana huwag na lang ulit sumulat si Bob
Ong ng horror na kagaya nito. Ayan, sasabihin na naman ng kaibigan ko: Pati ako dinamay mo sa
review mo Eh bakit di kita ida-damay eh involved ako sa argumento ninyo at iyan ang dahilan kung
bakit naging curious ako kay Bob Ong (dahil self-declared fan ka niya) at ang mga tinatawag mong
"trolls" ay ganoon na lang ang pagtatanggol sa "Mama Susan" na para bang si Bob Ong na ng
maestro ng makabagong panitikang Pilipino ha ha.
He is indeed scraping the bottom sa aking opinion.
Matapos kung sunud-sunod na basahin lahat ng libro ni Bob Ong, ang akingfinal verdict: okay
naman si Bob Ong bilang manunulat. Positibo sa intensyon pero medya-medya ang istilo. Walang
kang isusuka pero wala ka ring kupkupkupi't hahangaan. Walang ikakamangha at sasabihin mong
"wow!" Madaling basahin. May mga parteng nakakaaliw. Matatapos ko ba ang 8 libro (6 ang binili, 2
ang regalo) nya sa loob ng kulang sa 2 linggo (suma) kung di naman ako na-aliw bilang mambabasa?

I remember I was depressed when I was reading this... I felt back then that everything wasn't
working for me. So I went to the bookstore and looked for a book that could possibly make me laugh.
I chose this book because it was the book that most of my classmates have already read and enjoyed.
After reading a few pages, I find his anecdotes and descriptions amusing. I was pausing to laugh at
each page. I can relate to him and it made me feel good. I think every Filipino middle-class will find
familiarity to Bob Ong's books. Anyway, I never thought I would also find it inspiring.
Bob Ong was criticizing our society, but in a satirical manner. You laugh while thinking, "Yes,
happened to me as well." But in the back of your mind, you thought that, "it was so wrong." There are
so many things we can learn from this book, which I think every Filipino must read. It influenced my
perspective of how I look at life, education, happiness, success and my country.

OBLIGASYON KONG MAGLAYAG, KARAPATAN KONG PUMUNTA SA KUNG SAAN KO GUSTO,


RESPONSIBILIDAD KO ANG BUHAY KO.
- page 87
Bababa ba ang bill ko sa internet pag nag-factor ako ng quadratic trinomial? Malulutas ba ng Laws of
Exponents ang problema natin sa basura? Mababawasan ba ng Associative Law for Multiplication
ang mga krimen ng bansa? Makakabuti ba sa mag-asawakung malalaman nila ang sum ang
difference of two cubes? Maganda ba sa sirkulasyon ng dugo ang parallelogram, polynomial, at
cotangent? Makatwiran bang pakisamahan ang mga irrational numbers? Anak ng scientific
calculator!
- page 27
Naniniwala akong quitters never win.
- page 55
May utak naman ako, pero pinili kong maging bobo.
- page 77

Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihin na mahina ka.
ISA LANG ANG HINIHILING KO SA KANILA: ANG KARAPATAN KONG MADAPA AT
BUMAGON SA BUHAY NANG WALANG TATAWA, MAGAGALIT, MAGTATANONG, O
MAGBIBILAG KUNG ILANG BESES NA 'KONG NAGKAMALI AT ILANG ULIT AKO
DAPAT BUMAWI.
- page 86
Ang problema lang e nasa Third World Country tayo, kung saan sa pagkakaintindi ko ngayon, ay ma
tatlong uri ng mamamayan: ang mahihirap, ang mas mahihirap, at ang mga makapangyarihang
aoprtunista na may likha ng dalawa.
- page 108
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi,
magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
- page 120
Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila?
- page 123
Nakabalik ako sa lugar, pero di ko na naibalik ang panahon.
- page 124 (less)

"nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. hindi ito multiple choice,
identification, true or false, enumeration, o fill in the blank na sinasagutan, kundi ESSAY na
sinusulat araw-araw. hinuhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung
may kabuluhan ang naisulat o wala. Allowed ang erasure"
Sa pagkakatanda ko, ito ang unang libro ni Bob Ong na nabasa ko, and that was 3 years ago at ang
mga salita sa itaas ang pinakang paborito ko mula sa libro at kahit sa iba pa niyang akda. Ang huling
linya lamang hindi ko gaanong sinasangayunan:
"allowed ang ERASURES." Sa aking paniniwala at dulot ng eksperiyensa sa buhay at taimtim na
pagmamasid sa aking kapaligiran, hindi ko masasabing sa bawat pagkakamaling nagagawa natin ay
maaari mo itong balikan at burahin na tila walang nangyari. no its not. dahil kahit kailan, hindi mo
na mabubura ang kung anuman ang kamaliang nagawa mo. Maari mo lang itong dagdagan (ng
gawang kabaligtaran o kabutihan ) para mabago into a good one ang kalabasan or gumawa ng ibang
hakbang para matabunan yung mga nakaraang nagawa mo na. you can never brought back the time
and erase all your wrongs.
Sa mga libro ni bob ong na karaniwang sikat sa mga kabataan ay kapansin-pansin ang mga linyang
sa kung tutuusin ay simple lamang ngunit nag-iiwan ng aral at nagmumulat ng isipan ng bawat
makababasa at makakaintindi. Katulad ng isa pang hindi ko makalimutang linya mula sa libro
niyang ito ay ang:
nakabalik ako sa lugar, ngunit hindi ko na naibalik ang panahon.