Anda di halaman 1dari 3

Mendez, Macalalad, Delgado, Lolong, Dy

Enero 15, 2015

Filipino 10A (AS)

G. Hilario

Ang Mga Sawimpalad


Mga Tauhan:

Sinong

Mr. Leeds-Imuthis

Tata Selo

Unang Monologo SINONG

Ako ay isang maralitang Indio lamang. Ang pagiging kutsero ang aking ikinabubuhay.
Katuwang ko sa buhay ang aking pampasaherong karomata. Isang mapagpalang araw
ang dumating sa aking buhay at ito ay ang Nochebuena ng San Diego. Oo, talagang
mapagpala sa kadahilanang binugbog lang naman ako ng walang-awang mga guwardiya
sibil pagkat nalimutan kong dalhin ang aking sedula! Haay buhay nga naman Pasahero
ko noon ang isang binatang nag-aaral ng medisina na pabalik noon sa San Diego
(Basilio) at nakakahiyang naantala ang kanyang biyahe nang ilang oras dahil sa
pagkulata sakin ng mga sibil. Ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa mga
santong nasa prusisyon at nakita ko si Matusalem na siyang pinakamatandang tao sa
kasaysayan ayon sa bibliya! Aking nasambit na marahil kaya nabuhay ng mahigit siyanna-daang taon si Matusalem ay walang mga sibil noon! Napakasarap na buhay hindi ba?
Nang makita ko ang 3 Haring Mago, ang negrong si Melchor ang nagpaalala sa akin sa
pag-asa naming mga Indio na si Bernardo Carpio na siyang magpapalaya samin sa
Espanya lalo na sa mga sibil! 300 daang taon po naming kayong hinihintay haring
Bernardo! Natapos itong mapagpalang araw na ito sa isang paraang aking naranasan
kani-kanina lamang Binugbog nanaman ako ng mga sibil na iyan! Walang ilaw ang
karomata ko kaya naman ako muling sinawimpalad! Dahil lang doon?! Sawimpalad,
Sawimpalad, Sawimpalad Ako na yata ang pinaka-sawimpalad sa mundong ito! Kung
meron pang mga sawimpalad gaya ko o mas sawimpalad pa sakin, damayan niyo ako!
Pakiusap

Unang Parte: Ikalawang Monologo MR.LEEDS (Voice Over)

Sawimpalad (sasagot kay Sinong)? Isa akong may-ari ng peryahan sa Quiapo na


kaibigan ng isang alaherong pamilyar sa lahat (Simoun). Ako ay maghahandog sa inyo
sa isang katangi-tanging palabas kasama ang aking kaibigan (Imuthis)!

Ikalawang Parte: Ikalawang Monologo IMUTHIS

Ako ay isinilang sa panahon ni Amasis ng Ehipto na namatay sa pananakop ng mga


Persas habang pabalik ang bantog na si Cambyses mula sa kanyang bigong pagsakop sa
Lybia. Ako ay nagtapos ng pag-aaral sa aking paglalakbay sa Gresya, Asirya at Persiya.
Umuwi ako sa sariling bayan hanggang paharapin ako ni Thot sa kanyang nakakatakot
na hukuman. Sa aking kasawian ay natuklasan ko ang lihim ni Smerdis na mang-aagaw
ng kapangyarihan at ng salamangkerong si Gautama na nililinlang ang pamahalaan.
Dahil sa takot na ipaalam ko kay Cambyses ang kanilang huwad na lihim, hindi nila ako
pinatay at ginamit ang mga saserdoteng namamahala sa aking bayan. Malugod na
tinanggap ng mga buwayang saserdoteng ito ang utos ng mga mananakop dahil
papayamanin sila nito at sa takot na ilantad ko ang kanilang mga baho. Ang mga
saserdoteng ito ay pinalaganap ang korapsyon sa bayan sa pamamagitan ng maling
pagbibigay ng edukasyon sa bayan at sa walang tigil na pagpapalit ng mga sinasambang
diyos ng taumbayan. Isang batang saserdoteng taga Abydos ang kanilang ginamit sa
kanilang plano upang magkunwaring mga santo! Dumating ang punto sa aking buhay na
akoy umibig. Ay, napakatamis umibig! Ngunit ang pag-ibig na meron ako ay
ipinagbabawal ng mundong ginagalawan ko dahil ang aking sinta ay isang dalagang
anak ng isang saserdote na pinagnanasahan rin ng kabataang saserdote ng Abydos!
Napakatamis ng aming mga sulatan upang mapawi ang aming mga lungkot pagkat lihim
ang aming pag-ibig. Nagbago ang lahat nang sapilitang kinuha ng huwad na batang
saserdote ng Abydos ang isa sa mga papirus ng sulatan namin ng aking mahal at ginamit
ang aking pangalan bilang ulo ng huwad na lihim nina Smerdis at Gautama! Sumiklab
ang rebolusyon kasabay ng pagbabalik ni Cambyses mula sa bigong misyon. Ibinilanggo
nila ako, kinamuhian ng bayan, pinaratangan ng kung anu-ano. Tumakas ako ngunit
tinugis at namatay ako sa lawa ng Moeris. Nakita ko ang pagwawagi ng kasamaan
habang pinapanood ang aking mahal na abusuhin ng walang-hiyang hayop na taga
Abydos! Ngunit, ako ay muling nabuhay upang isiwalat ang mga kabahuan ninyo! Mga
hayop! Maninirang-puri! Mamamatay-tao!

Ikatlong Parte: Ikalawang Monologo MR. LEEDS (Voice Over)

Isa nga namang nakapanlulumong salita ang sawimpalad. May mas sawimpalad pa ba
sa aking kaibigan? May mga pagdurusa pa ba akong mapakikinggan?

Ikatlong Monologo TATA SELO


Ako ay isang mahina at matandang sawing nawalan ng boses. Tinanggalan ng abilidad
na magsalita bunga ng sobrang kasawian! Isa lang kaming simpleng mag-anak noon sa
Sagpang na siyang sinira ng mga prayle sa pamamagitan ng kanilang kasakiman!
Inangkin ang lupang di kanila! Gustong-gustong lumaban ng anak ko noon (Kabesang
Tales) at ako naman ay nagtitimpi at sinisikap pigilan ang aking anak. Para akong
tangang hindi inilalaban ang aming karapatan! Naging sibil ang ikalawa kong apo
(Tano), nakidnap ang anak ko (Kabesang Tales) at ang huli kong apo (Juli) ay
namasukang katulong. Mag-isa na lang ako! Sa unang pasko kong mag-isa, walang
sinuman ang bumati sakin kahit kaibigan o pamilya lalo na ang aking apong namasukan
na siya na lamang natitira na mahal ko ngunit kinuha pa ng tadhana. Dahil di ko na
makayanan ang sakit, napipi ako! Maligayang Pasko hindi ba, ang mapipi ako?! May
pahabol pa atang aginaldo para sa akin, ito ay ang pagdakip sa akin ng mga sibil sa
aming tahanan! Nang malaman ng aking huling apo (Juli) na nakulong ang kanyang
nobyo (Basilio) ay pumunta raw ito sa kumbento upang hingin ang tulong ng isang
bantog na prayle (Padre Camorra) ngunit may nangyaring masama at napabalitang may
babaeng tumalon sa bintana ng kumbento. Sinubukan kong pumasok sa kumbento
upang hanapin ang mahal kong apo (Juli) ngunit pinagtabuyan pa ako! Narinig sa
buong bayan ang aking mga hinaing noong araw na iyon. Waring kinuha na lahat ng
mahahalaga sa akin! Sumagi sa isip kong lumaban! Nilisan ko ang aking lungsod na
puno ng kasawian at sumapi sa mga tulisan! Sa araw ng rebolusyon na pinamumunuan
ng alaherong moreno (Simoun), nagwakas ang buhay ko... At ang masakit pa, ang apo
kong sibil (Tano) ang nagbigay wakas sa sawing buhay ko! Ang mundong ito ay walang
awa! Kahit isang inosenteng matandang uugod-ugod na ay di pinalalampas ng
kapaitan! Halos lahat ng uri ng kasawian nasa akin na! Utak, Katawan, Puso at
Kaluluwa ang winasak sa akin ng malupit na mundong ito! Sino pang mas sawimpalad
kesa sa akin?! Ako na siguro ang sukdulang sawi!

Anda mungkin juga menyukai