Anda di halaman 1dari 4

Ang altapresyon o high blood pressure ay isa sa

pangunahing sanhi ng stroke at iba pangheart


diseases kaya mahalagang pangalagaan ang kalusugan
upang itoy maiwasan.
Ang isang tao ay may altapresyon kapag nanatiling
mataas ang kanyang blood pressure (BP). Tingnan sa
baba ang klasipikasyon ng BP batay sa Joint National
Committee on Prevention, Detection, Evaluation, and
Treatment of High Blood Pressure bilang gabay.

Mahigit 1.56 bilyong katao ang nanganganib na


magkaroon ng altapresyon sa buong mundo sa 2025,
ayon sa World Health Organization (WHO).
Sa Pilipinas, naitala ng Department of Health (DOH) na
mahigit 276 katao ang namamatay araw-araw. Hindi baba
sa isang Pilipino ang nagkakaroon ng stroke kada 9
minuto.
Bukod sa stroke, maaring mauwi sa pagkabulag, sakit sa
puso at bato (kidneys), pananakit ng paa, aneurysms at
pagkamatay ang altapresyon.
Mga karaniwang sanhi o risk factors:
Pagtanda (edad 40 pataas sa kalalakihan at
menopausal age sa kababaihan)

May family history o kasaysayan ng pagkakaroon ng


high blood pressure, heart disease, diabetes, at
kidney disease sa pamilya
Pagbubuntis
Sobrang katabaan
Chronic Stress
Mataas na serum cholesterol level
Unhealthy lifestyle kagaya ng paninigarilyo, paginom ng alak at kakulangan sa ehersisyo.
Susi ang pangangalaga ng katawan o healthy
lifestyle laban sa altapresyon. Narito ang ilan sa
mga paraan upang maiwasan ang sakit:
Iwasan ang sobrang maalat na pagkain
Mahilig sa pagkaing maaalat kagaya ng daing,
bagoong at toyo ang mga Pilipino. Marami ring
pagkain ang may hidden salt. Kabilang dito ang
keso, tinapay at processed food kagaya ng hotdog at
bacon. Bagamat mahalaga ang sodium sa ating
katawan, maaaring tumaas ang BP sa pagkain ng
sobrang maaalat.
Iwasan ang Paninigarilyo
Pinapataas ng nikotina ang presyon ng dugo at pulso
matapos manigarilyo. Bagamat hindi pa rin matukoy
kung gaano katagal ang epekto ng paninigarilyo sa
BP ng indibidwal, ang tobako ay nagdudulot ng
arterial stiffness o paninigas ng mga daluyan ng

dugo sa katwan. Maaring tumagal ito ng sampung


taon.
Batay sa mga pag-aaral, ang panganib na mauwi sa
heart attack ang altapresyon ay nababawasan sa
unang taon ng pagtigil sa paninigarilyo.
Bawasan ang pag-inom ng alak
Ang sobrang pag-inom ng alak ay nakadagdag sa risk
na magkaroon ng altapresyon. Bawasan ang paginom ng alak upang mapaganda ang daloy ng dugo
at mapanatiling normal ang presyon.

Mag-ehersisyo
Ang mga taong may sedentary lifestyle ay
masnanganganib na magkaroon ng altapresyon kaya
mahalaga ang ehersisyo.
Bukod sa healthy lifestyle, mahalaga ang regular na
pagkuha o pagmonitor ng BP at pagbisita sa doktor
sapagkat kadalasan ay walang sintomas ang altapresyon
na tinatawag ring silent killer.
Mahalaga rin ang early diagnosis para magamot kaagad
kung kinakailangan at maiwasan ang mga komplikasyon
kagaya ng stroke at heart diseases, pati na rin ang
pagbabara sa mga arterial pipelines na siyang daluyan ng
dugo.
Importanteng sundin ang medikasyon ng doktor upang
makontrol ang pagtaas ng BP. Huwag ding hintaying

lumubha pa ang karamdaman bago uminom ng gamot at


magpakonsulta.
Maaaring bumisita sa pinakamalapit na healthcare
center at sumali sa Hypertension and Diabetes Club ng
DOH upang makakuha ng libreng gamot na Losartan,
Amlodipine, o Metoprolol para sa altapresyon.
Namimigay rin ang DOH ng libreng gamot sa mga lugar
sa ilalim ng Conditional Cash Transfer Program ng
gobyerno.

Anda mungkin juga menyukai