Anda di halaman 1dari 17

ISANG ORAS NA PAGSAMBA SA

BANAL NA SAKRAMENTO
Unang Bahagi
PAGTATANGHAL NG SANTISIMO SAKRAMENTO
Ilalagay ng pari ang Santisimo Sakramento sa Ostensoryo.

PAG-IINSENSO
Iinsensuhan ng pari ang Santisimo Sakramento.

Lahat

Aawitin ang O Salutaris


O salutaris hostia,
Quae caeli pandis ostium:
Bella premunt hostilla,
Da robur fer auxilium
Uni trinoque Domino
Sit sempiterna gloria:
Qui vitam sine termino
Nobis donet in patria.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari
:
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
Sino ang marapat umahon sa burol
Sa burol ni Yahweh, sino ngang aahon?
Sinong papayagang pumasok sa templo,
Sinong tutulutang pumasok na tao?
Siya, na malinis ang isip at buhay
Na hindi sumamba sa diyus-diyusan;
Tapat sa pangako na binibitiwan.
Ang Diyos na si Yahweh, pagpalain siya,
Ililigtas siyat pawawalang-sala.
Gayon ang sinumang lumalapit sa Diyos,
Silang lumalapit sa Diyos ni Jacob (Awit 24:3-6)
Namumuno:

Manahimik sumandali at pagsisihan ang mga pagkakasala lalo


na laban sa Bagong Utos ng pagmamahalan ni Hesus.

1 | Page

Lahat

Hugasan mo ang aking mga kamay, Panginoon, at dalisayin


ang aking puso, upang sa ganitong kalinisan, akoy maging
karapat-dapat na humarap sa iyo, kalinis-linisang Kordero ng
Diyos.

Pari

Nakatayo ako sa labas ng pintuan at tumutuktok. Kung

diringgin
ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, akoy papasok
sa kanyang tahanan at magkasalo kaming kakain.
Lahat

Panginoon, buksan mo ang aking isipan upang maunawaan ko


ang iyong salita; buksan mo ng aking puso upang makatugon
ako sa iyong pagmamahal; buksan mo ang aking kalooban
upang matanggap ko ang iyong kalooban; buksan mo ang
aking mga labi upang maihayag ko ang pagpupuri sa iyo.

Pari

Ang sinumang nauuhaw ay bibigyan ng walang bayad na tubig


mula sa bukal na nagbibigay-buhay.
Lumapit ang sinumang nauuhaw; kumuha ang may ibig ng
tubig na nagbibigay-buhay itoy walang bayad.

Lahat

O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap.

Pari

O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap;


Ang uhaw kong kaluluway tanging ikaw yaong hangad;
Para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas.
Bayaan mong sa santuwaryo, sa lugar na dakong banal,
Ikaw rooy mamasdan ko, sa likas mong karangalan.

Lahat

O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap.

Pari

Ang wagas na pag-ibig moy mahigit pa kaysa buhay,


Kaya akoy magpupuri at ikaw ang pag-uukulan.
Habang akoy nabubuhay, akoy magpapasalamat,
At akoy dadalangin na kamay koy nakataas.
Itong aking kaluluway kakaing may kasiyahan,
Magagalak na umawit ng papuring iaalay.

Lahat

O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap.

Pari

Laman ka ng gunita ko samantalang nahihimlay,


2 | Page

Magdamag na ang palaging iniisip ko ay ikaw;


Pagkat ikaw sa tuwina ang katulong na malapit,
Sa lilim ng iyong pakpak galak akong umaawit.
Itong aking kaluluway sa iyo lang nanghahawak,
Pagkat ako kung hawak mo, kaligtasay natitiyak.
Lahat

O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap.

Pari

Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita; iibigin siya ng


aking Ama, at kamiy sasakanya at mananahan sa kanya.

Lahat

Halina, Hesus, itayo mo ang iyong trono sa aking puso, at


Itatag dito ang iyong kaharian. Halina, Ama at Espiritu, angkinin
ninyo akong lubos, at manahan kayo sa akin.

HALINAT SUMAMBA
Namumuno :
Magsitayo po ang lahat.
Pari

Sambahin natin si Hesus sa Eukaristiya.

Lahat

Sambahin natin si Hesus sa Eukaristiya.

Pari

Tayo ay lumapit sa ting Panginoon, siya ay awitan,


Ating papurihan ang batong kublihan natit kalakasan.
Tayo ay lumapit sa kanyang harapan na may pasalamat,
Siya ay purihin ng mga awiting may tuwa at galak.

Lahat

Sambahin natin si Hesus sa Eukaristiya.

Pari

Sapagkat ang Diyos ayang Panginoong napakadakila,


Ang dakilang haring higit sa sinumang binabathala.
Nasa kanyang palad ang buong daigdig, pati kalaliman;
Ang lahat ay kanya maging ang mataas nating kabundukan.
Kanya rin ang dagat at pati ang lupa na kanyang nilalang.

Lahat

Sambahin natin si Hesus sa Eukaristiya.

Pari

Tayo ay lumapit, sa kanyay sumamba at magbigay galang,


Lumuhod sa harap nitong Paninoong sa atiy lumalang.
Siya ang ating Diyos,
Tayo ang Kalinga niyang mga hirang,
Mga tupa tayong inaalagan.
3 | Page

Lahat

Sambahin natin si Hesus sa Eukaristiya.

Pari

Lahat

Ang kanyang salita ay ating pakinggan:


Iyang inyong pusoy huwag patigasin, tulad ng ginawa ng
inyong magulang nang nasa Meriba, sa ilang Masa.
Ako ay tinuksot doon ay sinubok ng inyong magulang,
Bagamat nakita ang aking ginawang silang nakinabang.
Sambahin natin si Hesus sa Eukaristiya.

PANANAMPALATAYA, PAG-ASA AT PAG-IBIG


Namumuno :
Magsiluhod po ang lahat at sabay-sabay nating dasalin.
Lahat

Kaisa ni Tomas na iyong alagad, ipinahahayag ko, Jesus, na


ikaw ay Panginoon ko at Diyos ko! At kaisa ng buong
Simbahan, ipinagbubunyi ko ang aking pananampalataya.
Sumasampalataya ako:
Na ikaw, Jesus, walang simulat walang hanggan,
ay anak ng Diyos;
Na sa takdang panahon ay nagkatawang-tao at ipinanganak
ni Birheng Maria;
Na ikaw ay namatay sa krus upang iligtas kami sa kasalanan at
walang hanggang kamatayan;
Na ikaw ay nabuhay na mag-uli pagkaraan ng tatlong araw
upang magkaroon din kami ng bagong buhay;
Na umakyat ka sa langit upang mapaghanda kami ng
matitirhan;
Na ikaw ay hari ng bagong sangnilikhang naganap sa
pamamagitan ng iyong pagliligtas;
Na itinatag mo ang Eukaristiya at inilaan mo itong pagkain at
inuming espiritual ng aming kaluluwa;
Na ang Eukaristiya ay isang alaala ng iyong pagpapakasakit,
isang bukal ng biyaya,
isang balon ng kabanalan, at
isang pangako ng buhay na walang hanggan;
Na ikaw ay laging narito sa aming piling.
At sa harap ng iyong Eukaristiya ,
Muli kong ipinahahayag:
ang aking pananalig, pag-asa at pag-ibig sa iyo,
4 | Page

ang pagtanggap ko ng iyong Bagong Utos


ng Pagmamahalan,
ang pagmamahal ko sa aking kapwa.
Idinadalangin ko:
Na ang Eukaristiya ay mamalaging tampulan ng
aking buhay;
Na lagi kong mailagay sa aking buong katauhan
sa iyong banal na harapan; at
sa pamamagitan mo, sa banal na harapan ng Ama;
Na akoy maging masunurin sa iyong Banal na Espiritu;
At balang araw naway makamit ang biyayang
makasama ka sa Walang-katapusang piging, sa
walang hanggang pagdiriwang pasasalamat at
pagsamba sa iyong kaharian sa langit.
Amen.
Namumuno :

Magsi-upo po ang lahat at sandaling manahimik at magnilay.

Koro

Aawit ng Awit ng Paghahangad.

Ikalawang Bahagi
PAGNINILAY SA MISTERYO NG EUKARISTIYA
Namumuno :

Magsitayo po ang lahat.

Pari

Ipagbunyi natin ang Misteryo ng ating Pananampalataya.

Lahat

Si Kristoy namatay, si Kristoy nabuhay, si Kristoy babalik sa


wakas ng panahon.

Lahat

Aawitin ang O Sacrament most holy


O sacrament most holy!
O sacrament divine!
All praise and all thanksgiving
Be every moment thine,
Be every moment thine.

PAGBASA
Namumuno :

Magsi-upo po ang lahat at ating pakinggan ang Pagbasa.


5 | Page

LEKTOR

ANG EUKARISTIYA AT ANG SANTISIMA TRINIDAD


Si Hesus ay ang bugtong na Anak ng Diyos. Siya ang
Ikalawang Persona ng Santisima Trinidad.
Si Jesus ay isinilang na tao. Subalit ang Ama ang nagsugo sa
kanya at siyang pumili kay Maria upang kanyang maging ina.
Ang kagilagilalas na pagkakapanganak kay Jesus ng isang
Birhen ay nangyari sa pamamagitan ng Espiritu Santo, ang
Lakas ng Panginoon.
Si Jesus ay namatay sa krus. Subalit itoy sa pahintulot ng
mahal na Amang pumayag na manaig sumandali ang
kapangyarihan ng kasamaan. Mula sa simula hanggang sa
katapusan ng kanyang pagpapakasakit si Jesus ay inaliw at
pinaginhawa ng kalakasan ng Espiritu Santo.
Si Jesus ay nabuhay na mag-uli. Sa araw ng Muling
Pagkabuhay muling naganap sa kapangyarihan ng Diyos Ama
ang pagbuhay na muli kay Jesus sa bisa ng Espiritu Santo.
Sa Banal na Eukaristiya si Hesus ang iniaalay sa Ama; at ang
pagbabagong anyo ng tinapay at alak sa kanyang katawan at
dugo ay isang makapangyarihang gawain ng Espiritu Santo.
Ni minsan ay hindi napahiwalay ang Ikalawang Personang si
Jesus sa Una o Ikatlong Persona, kahit noong siyay
nabubuhay pa dito sa mundo. Datapuwat sinasamba natin si
Jesus na mag-isa sa Banal na Eukaristiya, sinasamba natin
siya sa kanyang Espiritu na gumagabay sa atin at kasama
nating nananalangin. At sa pamamagitan ni Jesus sinasamba
rin natin ang Ama sapagkat si Jesus ang daan patungo sa
Ama. Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama Akoy
sumasa-Ama at ang Amay sumasaakin.
Bagamat sa pagtanggap natin ng Eukaristiya ay si Jesus
lamang ang tinatanggap nating sakramento, lagi nating
tandaan ang kanyang mga salita: Ang umiibig sa akin ay
tutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kamiy
sasakanya at mananahan sa kanya.
6 | Page

Habang inihahanda ng pari ang kalis sa Misa siyay


nagdarasal: Sa paghahalong ito ng alak at tubig, kami naway
makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na nagpagindapat makihati
sa aming pagkatao. Ang layunin ni Jesus sa pagliligtas sa atin
ay upang mabahaginan tayo ng kanyang pagka-Diyos at
maisama tayo sa dakilang pamilya ng Diyos, habang pinupuno
tayo ng Espiritu at ginagawa tayong mga anak ng Ama.
Ang ating tadhana sa langit ay ang makasama sa pamilya ng
Diyos, ang Santisima Trinidad. Ang buhay natin sa mundo ay
dapat ding maging katulad ng sa Tatlong Persona.
Namumuno :

Sandali po tayong manahimik at magnilay.

Pari

Homiliya

TAHIMIK NA PAGNINILAY
Pari
:
Tumahimik kayo; dapat malamang ako ang inyong Diyos.
Pagnilayan natin, sa loob ng limang minuto, ang dakilang
Misteryong nasa harap natin.
PAGBUBUNYI
Pari

Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

Lahat

Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

Pari

Ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang nananalig sa


akin ay hindi mauuhaw kailanman.

Lahat

Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

Pari

Tandaan ninyo: malibang kanin ninyo ang laman ng Anak ng


Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng
buhay.

Lahat

Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

Pari

Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay


may buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa
huling araw.

Lahat

Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

Pari

Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking


dugo, tunay na inumin.
7 | Page

Lahat

Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

Pari

Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay


nananahan sa akin, at ako sa kanya.

Lahat

Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

Pari

Buhay ang Amang nagsugo sa akin, at akoy nabubuhay dahil


sa kanya. Gayon din naman, ang sinumang kumain sa akin ay
mabubuhay dahil sa akin.

Lahat

Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

Pari

Ito ang pagkaing bumaba mula sa langit; ang kumakain nitoy


mabubuhay magpakailanman.

Lahat

Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.

Namumuno :

Sandali po tayong manahimik at magnilay.

Ikatlong Bahagi
PAG-AALAY NG MGA PANALANGIN
Namumuno :

Magsiluhod po ang lahat.

Pari

Tanggapin nawa ng Diyos Amang makapangyarihan ang ating


pagdalo dito.

Lahat

Tayoy tinawag ng Panginoon sa kanyang harapan. Naway


malugod niya tayong tanggapin, pakinggan ang ating mga
panalangin, at lalo tayong ilapit sa kanya .

Koro

Aawitin ang Dakilang Pag-ibig.

ANG BAGONG UTOS


Namumuno :
Magsiupo po ang lahat.
Pari

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo!


Kung paanong inibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan
kayo.

Lahat

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo.

Pari

Huwag ninyong hatulan ang inyong kapwa, upang hindi kayo


hatulan ng Diyos.
8 | Page

Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan ng


Diyos.
Lahat

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo.

Pari

Bakit mo nakikita ang puwing sa mata ng iyong kapatid, ngunit


hindi mo pinapanisin ang puwing mong gatahilan sa iyong
mata?

Lahat

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo.

Pari

Kung pinatatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo,


patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit.

Lahat

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo.

Pari

Ibigin niyo ang inyong mga kaaway, at idalangin niyo ang mga
umuusig sa inyo.

Lahat

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo.

Pari

Kung ang umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano
pang gantimpala ang inyong hihintayin?

Lahat

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo.

Pari

Gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila sa


inyo.

Lahat

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo.

Pari

Kung naghahandog ka sa Diyos, at maalala mo na may sama


ng loob sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang handog sa
harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Saka ka
na magbalik at maghandog sa Diyos.

Lahat

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo.

Pari

Maging mahabagin kayo gaya ng inyong Ama.

Lahat

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo.

Pari

Nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong


ito, ito ay sa akin ninyo ginawa.

Lahat

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo.


9 | Page

Pari

Kung kayoy mag-ibigan, makikilala ng lahat na kayoy mga


alagad ko.

Lahat

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo!


Kung paanong inibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan
kayo.

MGA PANALANGIN NG KAHILINGAN


Namumuno :
Magsitayo po ang lahat.
Pari

Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko.


Sa diwa ng Bagong Utos, at sa ngalan ni Jesus, manalangin
tayo para sa mga pangangailangan ng mundo at ng Simbahan.
Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa iyong lingkod na si Papa Francisco: upang maging


matatag ang kanyang loob sa pagiging saksi ng
pananampalataya, at tinig ng pagmamahalan at katotohanan
sa buong mundo.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa lahat ng mga obispo at mga pari: upang maakay nila


ang mga mananampalataya sa tamang daan ayon sa
Ebanghelyo.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa mga nakatalaga sa paglilingkod sa Diyos: upang


manatili silang matatag sa kanilang bokasyon at tapat sa
kanilang sinumpaan.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa bokasyon sa pagpapari at buhay-relihiyoso: upang


maraming banal na kabataan ang tumugon sa paanyaya ng
Diyos.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa mga tapat na laiko: upang maging lebadura sila saan


Man sila mapadako.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.


10 | P a g e

Lektor

Para sa lahat ng Katoliko: upang mamuhay silang lagi ayon sa


mga aral ng Inang Simbahan.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa pagbubuklod-buklod, pagmamahalan at


pagtutulungan ng mga Kristiyano.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa mga taong hindi nanampalataya: upang makilala nila


at mahalin si Jesus ng mga hindi pa nakakakilala sa kanya.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa mga nagsusulong ng kapayapaan at katarungan sa


mundo: upang ang kanilang pagsisikap ay maging
matagumpay.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa mga dukha: upang matugunan ang kanilang material


na pangangailangan at mabuhay na sagana sa mga bagay sa
espirituwal.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa mga walang trabaho: upang mabigyan sila ng sapat at


makahulugang hanapbuhay.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa mga may karamdaman: upang manumbalik ang


kanilang kalusugan sa katawan at pag-iisip.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon .

Lektor

Para sa mga kaluluwa ng mga namayapa na: upang


makamtan nila ang buhay na walang hanggan na ipinangako ni
Jesus sa mga nananalig sa kanya.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa buong daigdig: upang mapanibago ang lahat ng


nilikha ng Panginoon.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.


11 | P a g e

Lektor

Para sa lahat ng naririto: upang lagi nating ilagay ang ating


sarili sa banal na harapan ng Ama, sa puso at damdamin.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa mga nagkasala sa isat isa: upang mapanumbalik ang


kanilang pagkakaibigan at pagmamahalan.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa pansarili o pangmadlang pamumuhay moral: upang


ang mga krimen at kahalayan ay tuluyang mawala sa mundo.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa katapatan at karangalan ng mga pinuno ng ating


pamahalaan.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa ikasusugpo ng katiwalian at kabukulan sa ating


sambayanan.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa ating mga pamilya: upang silay maging tunay na


pamilyang Kristiyano.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa mga pamilyang nagkakahiwalay: upang sa


pamamagitan ng pagmamahal at pang-unawa ay muling
magkabalikan.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa mga kabataan: upang lumaki silang mamamayang


mapagmahal sa ating bansa at mga anak ng Diyos na
namumuhay ayon sa Ebanghelyo.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.

Lektor

Para sa ating matatanda: upang matatag at mapayapa nilang


harapin ang kinabukasan.

Lahat

Hinihiling namin ito sa pangalan mo, Panginoon.


12 | P a g e

Pari

Ipanalangin natin ang ating pansariling kahilingan.


Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesukristong aming
Panginoon.

Lahat

Amen.

PANALANGIN NI HESUS
Namumuno :
Magsiluhod po ang lahat.
Pari

Si Hesus ang tagapamagitan at daan natin, sa pamamagitan


ng banal na krus at Eukaristiya, patungo sa Ama. Sa Huling
Hapunan una niyang pinagdasal ang mga naroong alagad, at
pagkatapos ay ang mga susunod na mananampalataya, tayo.
Buong galang at pasasalamat nating dinggin ang kanyang
panalangin para sa atin:
Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga
mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag. Maging isa nawa
silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at akoy
nasa iyo, gayon din naman, maging isa sila sa atin upang
maniwala ang sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin. Ang
karangalang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang
silay ganap na maging isa, gaya nating iisa: akoy nasa kanila
at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. At sa
gayon, makikilala ng sanlibutan na sinugo mo ako, at silay
iniibig mo katulad ng pag-ibig mo sa akin.
Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga
ibinigay mo sa akin, upang mamasdan nila ang karangalang
bigay mo sa akin, sapagkat iniibig mo na ako bago pa nilikha
ang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng
sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay
mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa
kanila, at ipakikilala pa, upang ang pag-ibig mo sa akin ay
sumapuso nila at ako namay sumakanila.

PANALANGIN KAISA SI HESUS


Namumuno :
Magsitayo po ang lahat.
Pari

Aawitin ko ang pag-ibig ng Diyos magpakailanman.


13 | P a g e

Lahat

Ipahahayag ko ang iyong katotohanan sa lahat ng salinlahi.

Pari

Kaisa si Hesus, tayoy manalangin.

Lahat

Ama namin, sumasalangit ka, sambahain ang ngalan mo.


Mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa
para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw; at
patawarin mo kami sa aming mga sala para nang
pagpapatawad naming sa mga nagkakasala sa amin; huwag
mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya mo kami sa lahat ng
masasama. Amen.

PAGPAPASALAMAT SA DIYOS AMA


Namumuno :
Magsiluhod po ang lahat.
Pari

Amang nasa langit, ang kahulugan ng Eukaristiya ay


pasasalamat. Kasama si Jesus, pinasasalamatan ka namin:
Sa pagkakalikha mo sa amin;
Sa aming pananampalataya;
Sa pagkakatawang-tao ni Jesus at pagkakabahagi sa atin ng
kanyang pagka-Diyos;
Sa handog na krus at sa pag-aalis ni Jesus ng mga kasalanan
at pagpapanumbalik niya ng ating pagkakaibigan;
Sa Eukaristiya, ang banal na pagkain mula sa langit;
Sa aking mga kamag-anak at kapwa alagad na naglalakbay
patungo sa iyo;
Sa Banal na Oras na ito, kasama ng iyong Anak at kapiling mo .
Naway lumago ang pananampalatayang Katoliko sa amin at sa
lahat ng iyong bayan. Hinihiling naming ito sa ngalan ng anak
mong si Jesus at aming Panginoon.

Lahat

Amen.

PAGPUPURI KAY HESUS


Namumuno :
Magsitayo po ang lahat.
Pari

Kaisa ni San Pablo, papurihan natin si Jesus:


14 | P a g e

Lahat

Si Kristo ang larawan ng Diyos na di-nakikita, at siyang may


kapangyarihan sa lahat ng nilikha. Sapagkat ang lahat ng nasa
langit at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang mga
naghahari at namamahala, mga namumuno at may
kapangyarihang espirtuwal ay pawang nilikha ng Diyos sa
pamamagitan niya at para sa kanya.
Siyay una sa lahat, at sa kanya nasasalalay ang kaayusan ng
lahat ng bagay. Siya ang ulo ng iglesiya na kanyang katawan.
Siya ang Una, ang panganay na Anak ang naunang nabuhay
na muli upang siya ang maging pinakadakila sa lahat ng bagay.
Ipinasiya ng Diyos na ang kanyang kalikasan ay manatili rin sa
Anak, at inibig niyang ang sandaigdigan ay makipagkasundo sa
kanya sa pamamagitan ng Anak. Sa pamamagitan ng
pagkamatay nito sa krus, nagkasundo nga ang Diyos at ang
lahat ng nilikha sa langit at lupa.

Ikaapat Bahagi
PAGBABASBAS
Namumuno :

Magsiluhod po ang lahat at ating awitin ang Tantum Ergo.

Lahat

Aawitin ang Tantum Ergo

Tantum ergo
Sacramentum Veneremur cernui:
Et antiquum documentum
Novo cedat ritui:
Praestet fides supplementum
Sensuum defectui.
Genitori Genitoque
Laus et jubilatio,
Salus, honor,
virtus quoque
Sit et benedictio:
Procedenti ab utroque
Compar sit laudatio.
Amen.

PANALANGIN
15 | P a g e

Pari

Binigyan mo sila ng tinapay buhat sa langit.

Lahat

Na naglalaman sa kanyang sarili ng lahat ng katamisan.

Pari

O Diyos, sa ilalim ng kamangha-manghang sakramento ay


Iniwan mo sa amin ang alaala ng iyong hirap at sakit.
Ipagkaloob na naway sambahin namin ang mga banal na
hiwaga ng iyong katawan at dugo; nang lagi naming madama
sa amin mga sarili ang bunga ng iyong kaligtasan. Ikaw na
nabubuhay ang naghahating kasama ng Diyos Ama, sa
kaisahan ng Espiritu Santo, Diyos magpakailanman at
magpasawalang hanggan.

Lahat

Amen.

PAGPUPURI SA BANAL SA SAKRAMENTO


Purihin ang Diyos.
Purihin ang kanyang Santong Ngalan.
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at Tao namang totoo.
Purihin ang ngalan ni Hesus.
Purihin ang kanyang Kamahal mahalang Puso.
Purihin ang kanyang kabanal-banalang Dugo.
Purihin si Hesus sa Banal na Sakramento sa Altar.
Purihin ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw.
Purihin si Maria, dakilang Ina ng Diyos.
Purihin ang kalinis linisang paglilihi sa kanya.
Purihin ang kanyang maluwalhating pag-akyat sa langit.
Purihin ang ngalan ni Maria, Birhen at Ina.
Purihin si San Jose, ang kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa kanyang mga anghel at mga santo.
PAGLISAN
Namumuno :

Magsitayo po ang lahat.

Pari

Magsiyuko at ipanalangin ang pagpapala ng Diyos. (Tumahimik)

Niliwanagan ngayon ng Ama ang mga isipan ng mga disipulo


sa nag-uumapaw ng Espiritu Santo. Bigyan nawa kayo ng mga
kaloob ng Espiritu magpakailanman.
Lahat

Amen!

Pari

Matupok nawa ng mga dilang apoy, tulad ng lumapag sa


16 | P a g e

mga disipulo, ang lahat ng kasamaan sa inyong mga puso at


papagningasin kayo nang buong ningning.
Lahat

Amen!

Pari

Ipinagkaloob ng Diyos ang pagpapahayag ng isang


pananampalataya sa ibat ibang wika. Tibayan Niya nawa ang
inyong pananampalataya at magkatotoo ang inyong pag-asang
makita Siya nang harapan.

Lahat

Amen!

Pari

Pagpalain nawa kayo ng Diyos Ama, Anak,


at Espiritu Santo.

Lahat

Amen!

Pari

Humayo kayong taglay ang kapayapaan ng Diyos; at mahalin


at paglingkuran ang Panginoon sa inyong mga kapwa.

Lahat

Salamat sa Diyos.

PANGWAKAS NA AWIT
Lahat
:
Aawitin ang We Offer our Lives

17 | P a g e

Anda mungkin juga menyukai