Celebrado
Sanaysay
Paksa: Ugnayan ng wika, kultura at lipunan
Bilang panimula sa sanaysay na ito, nais muna nating malaman kung ano ba ang wika,
ang kultura at ang lipunan. May kaugnayan ba ang tatlong ito? At ano ang kahalagahan ng mga
ito sa pagkilala ng ating pagka-Pilipino? Ilan lamang iyan sa mga katanungan na mabibigyang
linaw ng sanaysay na ito.
Sa pagsisimula, alam naman natin na ang tao ang bumubuo sa lipunan sapagkat mahalaga
ang tao dahil kung walang tao, wala rin ang lipunan. Tao ang gumagawa ng kaniyang kapalaran,
nag-iisip ng mga nararapat gawin at nagdedesisyon para sa kaniyang ikabubuhay. Kagaya ng tao,
mahalaga rin ang wika. Ang bawat grupo ng tao o lipunang may sariling kultura at kabihasnan ay
lumilikha at lumilinang ng wikang angkop sa kanilang pangangailangan. Pangangailangan ng
buong lipunan at hindi ng isang partikular na tao lamang. Sa madaling salita, mahalaga ang tao
sa lipunan tulad ng pagiging mahalaga ng wika sa tao.
Bilang patunay, narito ang pahayag ng Pambansang Alagad ng Sining para sa literatura
na si Bienvenido Lumbera (2007): Parang hininga ang wika, sa bawat sandal ng buhay natin ay
nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa nating
gumagamit din nito. Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit tao ng wika upang kamtin
ang kailangan natin. Halimbawa ay kung nagugutom, humuhingi ng pagkain; kung nasugatan,
Maaari rin nating isama sa wika ang pagkakaroon nito ng baryasyon, tulad ng diyalekto,
sosyolek, jargon, idyolek at mga antas sa paggamit ng wika. Sa pamamagitan ng mga baryasyon
ng wika, nalalaman natin ang kultura at lipunang kinabibilangan ng mga taong nagsasalita ng mga
wikang ito. Unahin na natin ang sa Dayalek o diyalekto. Sinasabi sa mga aklat na ang dayalek ay
nalilikha dulot ng dimensyong heograpikal at ginagamit sa loob ng isang partikular na
lugar/teritoryo ng isang pangkat ng tao. Halimbawa na nga rito ay ang Pilipinas. Dahil sa pagiging
arkipelago ng Pilipinas ay nagkakaroon tayo ng mga rehiyon na may ibat ibang wikang sinasalita.
Sa kabila nitoy dapat nating isaisip na ang diyalekto ay wika rin sapagkat nagkakaroon ng
maling pananaw na ang diyalekto ay wikang pamprobinsya na nagbubunsod sa pagkakaroon ng
diskriminasyon sa mga wika. Dahil dito, nakalulungkot sabihin na nangingibabaw pa rin sa mga
Pilipino ang rehiyonalismo at higit nating pinahahalagahan kung saang grupo, komunidad,
probinsya at rehiyon nagmula ang isang Pilipino. Ayon nga kay Jean Jacques Rousseau (1950),
ang pagkakaiba sa kultura at wika ay nagbubunga sa bawat panahon, pag-uugali at kaasalan, na
may kaugnayan sa di pagkakapantay-pantay ng mga wika, sangkot ang tagapagsalita, kultura at
sibilisasyon. Dapat din nating tandaan na walang isang wika ang pinakamahusay o nakahihigit
kaysa sa ibang wika.
Ang wikang tagalog, halimbawa ay sinasalita hindi lamang sa Maynila kundi pati sa
malaking bahagi ng Luzon. Dahil sa magkakaibang lugar ay nagkakaroon ng barayti na makikita
sa paraan ng pagsasalita, tono o punto, at istruktura ng pangungusap. Halimbawa, sa lalawigan ng
Laguna, mapapansin ang kanilang lumanay at lambing sa pagsasalita at ang paggamit ng panlaping
[na-] sa mga salita sa halip na gitlaping [-um-]. Halimbawang pangungusap ay ang: Pare, nakain
ka ba ng baboy? At Naulan sa bahay. Kung susuriin natin ang mga halimbawang pangungusap sa
punto ng mga taga-Maynila, aakalain ng nagtatanong sa nagsasalita na kausap nito kung siya ba
ay kinain ng baboy. Sa Batangas naman, mapapansin ang lakas sa pagsasalita ng mga Batangueo
at ang paggamit nila ng ala eh! Halimbawang pangungusap ay: Ala! Ang kanin eh malate eh!
Malata eh! Kaya naman kung ikaw ay hindi pamilyar sa ganitong uri ng pagsasalita ng mga tagaBatangas ay maaaring ikaw ay matawa at ito ay hindi agad maunawaan.
Pumunta naman tayo sa iba pang baryasyon ng wika tulad ng sosyolek. Ayon kay Dr. Jessie
Grace Rubrico sa kanyang pananaliksik tungkol sa wika at lipunan, may kaugnayan sa
pagkakaroon ng baryasyon ng wika ang: kalagayang panlipunanmayaman o mahirap;
namang grupo ng tao. Halimbawa nito ay ang pagkakaiba sa paraan ng pagsasalita ng mga reporter
at newscaster sa telebisyon na sina Mike Enriquez, Noli De Castro at Ted Failon. Hindi bat
mapapansin na may kani-kaniya silang paraan ng pagsasalita o paggamit ng wika? Sa madaling
salita, ang idyolek ay nakadepende sa indibidwalidad at pagiging kanya ng gumagamit ng wika.
Sa kabilang banda naman, alam natin na ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang kultura
ay bahagi ng lipunan at tao sa kabuuan. Ang kultura at wika ay iisa, ibig sabihin, habang umuunlad
ang kultura, umuunlad din ang wika. Ngunit bago tayo pumunta sa ugnayan ng wika at kultura,
atin munang basahin ang punto mula sa lingguwistang si Henry Gleason. Sinabi niya na ang wika
ay tumutukoy sa masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo na ginagamit sa komunikasyon ng mga tao sa lipunang may iisang kultura. Kung
susuriin natin ang kahulugan ng wika na ito mula kay Gleason, makikita natin na isa sa mga
katangiang taglay ng wika ay ang pagiging kabuhol nito ang kultura. Sa katunayan, madali para sa
atin na makilala ang isang tao sa pamamagitan ng wikang kaniyang ginagamit. Ito ay dahil
sumasalamin sa mga salitang ginagamit niya ang kanyang kultura sapagkat malaki ang ugnayan
ng dalawa.
Umuunlad din at nagbabago ang wika dahil sa taong gumagamit nito na kabilang sa isang
lipunang may umiiral na kultura. Sa kabilang banda naman, ang kultura ay nabubuo at
napepreserba dahil sa wikang ginagamit ng tao. Isa sa pinakatiyak na halimbawa nito ay ang
pagiging limitado sa mga salitang yelo at nyebe ang panumbas natin sa salitang ice, habang ang
salitang rice naman ay marami tayong panumbas tulad ng palay, bigas, kanin, atbp. Sa madaling
salita, ito ay nagpapatunay lamang na ang wikang Ingles at wikang Filipino ay magkaibang
kultura. Kaya naman limitado sa bansa natin ang panumbas sa salitang ice sapagkat isa sa mga
tropikal na bansa ang Pilipinas at hindi bahagi ng ating kultura ang frost, glacier, hailstorm, iceberg
atbp. Gayundin naman ay limitado rin ang salitang rice sa Ingles dahil hindi naman sila agrikultural
na bansa at hindi bahagi ng kanilang kultura ang pagkain ng kanin.
Isa pa sa mga katangian ng wika ay ang pagiging natatangi nito. Alam naman natin na ang
bawat wika ay may kani-kaniyang katangian na iba sa ibang wika. Walang wika ang parehongpareho. Halimbawa ay ang wikang Tagalog. May katangian ang wikang Tagalog na maaaring
ikinaiba nito sa ibang wika. Tulad na lamang sa Maynila, Laguna, Batangas, Mindoro at iba pa na
parehong tagalog ang sinasalita ngunit may mga baryasyon. Isa pa ay ang pagkakaroon ng
verbalizing power ng ating wika o ang kakayahan ng mga salitang pangngalan na maging pandiwa.
Halimbawa, ang pangngalan na sapatos ay maaaring maging pandiwa o kilos kapag nilapian:
nagsapatos, nagsasapatos, magsasapatos.
Kung susuriin naman natin ang mga isyu na may kinalaman sa ugnayan ng wika, kultura
at lipunan, hindi natin maiaalis diyan ang isyu tungkol sa panghihiram natin ng Ingles sa pagbubuo
ng mga salita o pangungusap na ang balangkas ay nasa Filipino. Dito pumapasok ang mga
tinatawag nating Taglish o Enggalog. Talaga namang laganap ang ganitong tipo ng pagsasalita
dito sa Pilipinas. Hindi lamang Tagalog at Ingles ang pinagsasama, maaari ring Ingles at iba pang
wika sa Pilipinas. Ngunit bago ang lahat, atin munang suriin kung ano nga ba itong sinasabi kong
Taglish o Enggalog? Ano naman ang kaugnayan nito sa ating lipunan at kultura?
Ang wika ay hindi lamang bahagi ng ating kultura at lipunan, bahagi rin ito ng ating
kasaysayan. Mula sa mga aklat na aking nabasa, sinasabing ang Taglish o Enggalog ay buhat mula
sa impluwensya ng mga dayuhang nanakop sa atin tulad ng Kastila, Amerikano at Hapon, kasama
riyan ang impluwensya mula sa mga tsinong nakipagkalakalan sa atin noon. Ang ganitong uri ng
impluwensya ay nakapagbibigay kalituhan lalo na sa hanay ng kabataan kayat nagkakaroon ng
mga tinatawag na Taglish, Enggalog, Bakla jargon (gay lingo), yaya jargon atbp. Bukod sa
nasabing impluwensya, sinasabi rin ng ilan na ang ganitong uri ng wika tulad ng taglish at gay
lingo ay resulta lamang ng pagiging malikhain nating mga Pilipino. Nais din ng ilan na maging
kakaiba (marka sa lipunan) kayat nagkakaroon ng ganitong mga wika.
Hindi rin natin maiaalis ang modernisasyon, dahil nais ng ilan na makiayon sa kung ano
ang uso. Ito ay dahil kung hindi ka makikiuso, ang tingin sayo ng ilan ay ignorante, taga-probinsya
at napag-iiwanan na ng panahon. Bukod sa mga impluwensyang dayuhan, sinasabi rin na ang
Taglish o Enggalog ay karaniwang maririnig sa mga babaing estudyante na karamihan ay anakmayaman na nagsisipag-aral sa mga eksklusibong pribadong paaralan sa kamaynilaan. At
ginagaya naman sila ng ibang estudyante na ibig magpaka-class at maka-adapt sa kung ano ang in
sa lipunan. Mapapansin din natin na ang Taglish o Enggalog ay hindi naman itinuro sa paaralan
ngunt sa mga estudyante sa paaralan naririnig. Nakakatuwa hindi ba? Sa paningin naman ng isang
karaniwang estudyante, maaaring ito ay hindi niya kilalaning matinong pangungusap.
Bukod sa mga sosyal na estudyante, may mga nagsasabi rin na ang pinagmulan ng Taglish
o Enggalog ay sa mga yaya. Bakit? Dahil karaniwan nang hindi gaanong marunong ng Ingles ang
isang yaya. Kadalasang wala sa tahanan ang mga magulang ng batang inaalagaan ng isang yaya
kayat siya ang madalas na kausap ng bata. Dahil dito, napipilitan siyang makipag-inglesan sa
kanyang mga alagang bata na nag-iingles.
Malinaw na Taglish o Enggalog ang tawag dito ng ilan sapagkat ito ay pinaghalong
Tagalog at Ingles. Tiyak na hindi maiintindihan ng isang monolingguwal na Amerikano ang
Taglish o Enggalog na ito ngunit, sapagkat sa Pilipinas nabuo, tiyak na mauunawaan ito ng
maraming mga Pilipino, lalo na ng kabataan. Ngunit dapat din nating linawin na sa mga Taglish o
Enggalog na pagsasalita, ang mawawasak ay Ingles at hindi ang Filipino. Mapapansin din natin
ang paggamit ng mga panlaping Filipino kapag tayo ay nagsasalita ng Taglish tulad ng pa-cute,
mag-search, maka-adapt, magpaka-class, atbp.
Sa katunayan, ang sistema ng paglalapi ng Filipino ay napakatatag. Marami-rami ang mga
panlaping Kastila sa ating wika tulad ng -ero/-era sa salitang babaero (babae+ero) ngunit nananatili
pa ring matatag ang ating katutubong sistema ng paglalapi. Sa madaling salita, hindi dapat tayo
mangamba sa mga isyung pangwika, lalo na ang paggamit ng wikang Filipino. Matatag ang
Filipino sa kabila ng panghihiram nito sa Ingles. Sadyang may mga salita lamang sa Ingles na wala
tayong panumbas sa Filipino kaya tayo nagbabaybay o di kayay nanghihiram. Nasa antas pa rin
ng panghihiram ang mga Taglish na ito sapagkat atin ang panlapi at ang istruktura. O hindi bat
nakakatuwa? Sapagkat Filipinong-Filipino pa rin. Sa kabilang banda, ang panghihiram na ito ay
nakapagpapayaman ng ating mga salita at maging ng ating kultura. Hanggat may mga panlapi at
ang istruktura ng Filipino ay atin, hindi ito mawawasak.
Sa katunayan, sadyang napakarami ang ugnayan ng wika, kultura at lipunan. Ang mga
nabanggit ay ilan lamang sa mga ugnayan na makikita natin sa ating wika, kultura at lipunan.
Napakahalaga ng mga nabanggit na ito dahil sumasalamin ito sa atin bilang Pilipino. Sa kabuuan,
ang bawat isa ay mahalaga: wika, kultura, at lipunan. Dahil kung walang wikang ginagamit ang
mga tao, walang mabubuong lipunan, at kung walang lipon ng mga tao o lipunan, walang uusbong
na kultura.
Mga Sanggunian:
Lumbera, Bienvenido. (2007). Ang Wika ay Kasangkapan ng Maykapangyarihan: Ang Wika
Bilang Instrumentong Politikal nasa http: //avhrc-kultura.blogspot.com/2007/08ang-wika-aykasangkapan-ng.html.
Santiago, Alfonso O. (2002). Panimulang Linggwistika. Rex Bookstore: Makati City
Stalin, J.V. (1995) salin ni Mario I. Miclat. Marxismo at ang mga Problema ng Linggwistika nasa
Daluyan. Sentro ng Wikang Filipino: Quezon City