Anda di halaman 1dari 2

Edukasyon para sa Magandang Kinabukasan at Kaunlaran ng Bawat Kabataan

Ni: Cyrel Klein C. Godinez

Sa ating punong guro na si Ginang Sison, sa mga panauhin at sa aking mga


kamag-aral sa parokya ng paaralang Immaculate Conception, isang magandang
umaga/hapon sa inyong lahat.
Bilang isang estudyante, minsan ay hindi ko naiiwasang itanong sa aking
sarili kung ano ba talaga ang kahalagahan ng pagpasok ko sa eskwela araw-araw o
kung bakit pa kailangan sundin ang sinasabi ng aking mga guro.
Sabi nga ng ating pambansang bayani na si Doktor Jose Rizal, Ang kabataan
ang pag-asa ng bayan. Ngunit, paano tayo magiging pag-asa ng bayan kung wala
naman tayong kaalaman? Karamihan sa mga kabataan ngayon ay naliligaw na ng
landas. Bawat isa sa kanila ay may ibat ibang dahilan. Karamihan dito ay
nalululong sa mga masasamang bisyo at hindi na nakakatapos ng pag-aaral. Ang
iba naman ay may kakapusan sa pinansyal kaya hindi na kayang pag-aralin ng
kanilang mga magulang.
Sa panahong ito, marami sa kabataan ngayon ang nawawalan ng interes sa
pag-aaral. Hindi na nagsusumikap at nagpapabaya na lamang. Dahil dito, hindi na
alam ng nakararami kung ano ba talaga ang silbi ng edukasyon sa ating pang-arawaraw na pamumuhay. Ano nga ba talaga ang kahalagahan ng edukasyon at ano ang
kaugnayan nito sa ating kinabukasan?
Ngayon ay di pa natin lubusang maisip kung bakit ba talaga natin ito
kailangan. Sinasabi ng iba na ang edukasyon ang daan tungo sa kaunlaran at ito ay
tunay na mahalaga. Nakakasawa mang pakinggan ang mga ito dahil paulit-ulit pero
totoo naman talaga ang mga iyon.
Ang edukasyon ang ating susi at sandata sa ating kinabukasan. Ito ang susi
upang magkaroon tayo ng maginhawa at maayos na pamumuhay. Masasabi rin na
mabisa itong paraan upang umunlad ang ating lipunan.
Kung hindi tayo magsisikap sa pag-aaral, wala tayong makakamtan. Ni ating
mga pangarap ay hindi na matutupad. Ang pag-asang pagpapaunlad sa ating bansa
ay mawawala na. Alam ko naman na bawat isa sa atin ay gustong makapagtapos ng
pag-aaral. Wag nating pabayaan na may makahadlang sa mga ito. Hindi lahat ng
bagay ay madali. Sa umpisay mahihirapan talaga tayo. Ngunit, kung tayoy
makakatapos na, masasabi na lang natin sa mga sarili natin na, Sulit lahat ng hirap
at pagod na naranasan ko noon. Higit pa roon, isang magandang karangalan ang
maramdamang pinagmamalaki ka ng iyong mga mahal sa buhay.

Lagi nating tatandaang huwag kakalimutan ang pananampalataya sa Diyos


dahil sa tulong niya, kasabay ng pagsusumikap natin, magagawa at makakamtan
natin ang mga ito dahil walang imposible sa Kanya.

Anda mungkin juga menyukai