Anda di halaman 1dari 1

ANG AKING PANATA

PANATA SA PAMILYA
Panata ko na mamahalin
Ipagtatanggol at aarugain
Ang aking pamilya
Hanggang sa aking pagtanda.

PANATA SA PAAALAN
Panata ko sa aking paaralan
Na susundin ko ang mga patakaran
Para sa ikabubuti ng kapwa mamamayan
At sa pag-unlad ng buong bayan.

PANATA SA LIPUNAN
Bilang isang Pilipino,ipinagmamalaki ko
Ang aking bayan na mahal kong totoo
Saan man magpunta,aking dala-dala
Pangalan ng bayan kong mahal at Malaya.

PANATA SA SARILI
Bilang isang Pilipino,aking pahalagahan
Ang karaatan ng iba hindi ko pababayaan
Magbibigay-galang at gagawin ang tama
Ako ang pag-asa ng mahal kong bansa

Anda mungkin juga menyukai