18
Ang Batas Republika 1425 na mas kilala sa tawag na Batas Rizal ay
pinangunahan ng dating pinuno ng Pambansang Kapulungan ng
Edukasyon na si Sen. Jose P. Laurel. Bago ito mapagtibay noong Hunyo 12,
1956, dumaan ang batas na ito sa mga umaatikabong debate sa loob ng
Senado at Kongreso. Tinawag itong House Bill 5561 sa kongreso na
pinangunahan ni Cong. Jacobo Gonzales at tinawag naman itong Senate
Bill 438 sa Senado na pinangunahan naman ni Sen. Claro M. Recto. Hindi
makakapagtaka na sila ang mga pinunong nagtaguyod sa batas na ito,
dahil kung babalikan ang kasaysayan, malinaw na may marubdob na
pagmamahal sa bayan ang dalawang ito. Si Gonzales ay nakipaglaban
upang mapalaya ang kanyang mga kababayang sakdalista at si Recto
naman ay malinaw na ipinaglaban ang soberanya ng Pilipinas labas sa
Estados Unidos.
RIZAL: INSPIRASYON NG BAGONG HENERASYON
Ang pangunahing layunin ng mga mga nagtaguyod sa batas na ito ay
muling pag-alabin ang diwa ng nasyonalismo sa mga susunod na
henerasyon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsama sa kurikulum ng
lahat ng paaralan, pampubliko man o pribado ang kurso sa pag-aaral ng
buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal, partikular na ang kanyang
dalawang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Naniniwala sila
na si Rizal ay maaaring magsilbing inspirasyon sa atin, lalo na sa mga
kabataan. Bukod dito, layunin din ng batas na ito na parangalan si Rizal at
ang iba pa nating mga bayani sa lahat ng kanilang mga ginawa para sa
bayan.
BATAS RIZAL: KAPARIS NG RH BILL
Katulad ng RH Bill, hindi naging madali ang pagpasa ng batas na ito dahil
sa malakas na pagtutol ng Simbahang Katoliko. Naniniwala ang simbahan
at ang mga mambabatas na pumanig sa kanila na ang dalawang nobela ni
Rizal ay naglalaman ng mga pahayag na laban sa simbahan. Ayon sa
kanila, ang sinumang makabasa ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay
maaaring mawalan ng pananampalataya o sumalungat sa mga itinuturo
ng simbahan.Ibat ibang taktika ang ginamit nila upang takutin ang mga