Anda di halaman 1dari 3

ANG BATANG HINDI NALILIGO

Si Lotlot ang batang hindi naliligo. Tuwang-tuwa siya kapag nakakatakas siya sa dulas ng sabon,
kuskos ng bimpo at higit sa lahat, sa lamig ng tubig.
Lotlot, maligo ka na. Kanina pa naghihintay ang tubig mo sa banyo. yan ang mga katagang
nagdudulot sa kanya ng takot. Sa tuwing bibigkasin iyan ng kanyang nanay, para itong
binubuhusan ng isang balde na malamig na malamig na tubig.
Kung ano-ano lagi ang dahilan ni Lotlot para makaiwas siya sa paliligo - Nay, parang may sakit
po ata ako. Nay, sandali po ha, hindi pa po ako tapos maglinis ng bahay.
O di kayay itatago niya ang shampoo at sabon at sasabihing, Nay wala na po akong shampoo at
sabon!
Minsan ay umalis ang kanyang mga magulang para magbakasyon sa kanilang kamag-anak sa
malayong lugar. Iniwan nila si Lotlot sa kanyang Lola. Laking tuwa naman ni Lotlot.
Sa wakas! Matagal akong hindi makakaligo!
Apo,
ikaw
ba
ay
naligo
na?
tanong
ng
kanyang
Lola
Pepay.
Opo Lola, sagot naman ni Lotlot. Tignan niyo po oh, basa pa nga po ang buhok ko. Tapos
bagong palit po ang sando ko. Pero ang totooy binasa lamang niya ang kanyang buhok at
pinalitan niya ang kanyang sando nang hindi naliligo.
Aba, oo nga apo. Buti naman naligo ka na. laking tuwa ng kanyang Lola. Pero ano ba iyong
naaamoy ko na parang amoy-araw? tanong ni Lola Pepay.
Naku Lola, si Doggy po iyon. At tinuro ni Lotlot ang alaga niyang aso.
Sa unang araw na wala ang mga magulang niya, libreng-libre si Lotlot. Wala siyang ginawa kung
hindi ang maglaro sa loob ng bahay.
Yipee! Walang pasok! Wala sina Nanay at Tatay! At syempre, walang ligo!
Inilampaso niya ang kanyang katawan sa sahig. Ginulong-gulong ang sarili, Inisiksik pa niya ang
kanyang sarili sa ilalim ng maalikabok na kama.
Sa pangalawang araw, sa bakuran naman naisip maglaro ni Lotlot. Umakyat siya sa puno ng mga
mangga at hinabol ang mga alagang manok.
Yipee! Walang pasok! Wala sina Nanay at Tatay! At syempre, walang ligo!
Dumating ang ikatlong araw. Wala pa rin ang Nanay at Tatay ni Lotlot. At tatlong araw na siyang
hindi naliligo. Magulong-magulo na ang kanyang buhok. Nanlalagkit na ang kanyang katawan sa
pawis at masama na ang kanyang amoy.

Apo, gumising ka na! Abay mahuhuli ka sa klase. sabi ng kanyang Lola.


Bumangon si Lotlot at dali-daling isinuot ang kanyang uniporme. Hindi na siya nakapagsuklay ng
buhok.
Aba apo, ikaw ba ay naligo? Ang dungis ng mukha mo!
Eh, Lola, pag-uwi na lang po ako maliligo. Mahuhuli na po kasi ako sa klase eh.
Masayang pumasok sa eskwelahan si Lotlot dahil muli niyang makakasama maglaro ang kanyang
mga kaibigan. Ngunit, habang masaya silang nagpapatintero ay di mapakali si Lotlot. Kamot sa ulo
. . kamot sa braso . . sa pisgi . . sa tiyan . . Kaya naman . .
Lotlot, hindi mo nataya si Choleng!
Hindi mo nataya si Jose, Lotlot!
Hay nako! Kamot ka kasi nang kamot! Siguro, hindi ka naligo, no?
Pagkatapos nilang magpatintero nang dalawang beses, hindi na isinali muli si Lotlot.
Naiwan siyang nag-iisa. Malungkot niyang pinanood ang mga kalaro mula sa malayo.
Bakit kaya ayaw na nila akong makasama maglaro? Malungkot na tanong ni Lotlot sa kanyang
sarili. Gusto niya pang makipagtakbuhan, ngunit wala naman siyang kalaro.
Muli niyang nilapitan ang kanyang mga kaibigan. Pwede bang sumali ulit sa inyo?
Pwedeng-pwede Lotlot . . . pero kung nakaligo ka na! sigaw ng kanyang mga kalaro, sabay
nagtawanan.
Tinignan nang maigi ni Lotlot ang kanyang mga kaibigan. Napansin niya ang itsura nila. Ibang-iba
sa kanya! Maayos ang kanilang buhok. Malinis ang kanilang mga mukha. Samantala, siya naman
ay gusgusin at kamot nang kamot sa katawan.
Dali-daling umuwi si Lotlot. Agad niyang hinanap ang pinakamabangong sabon, pinakamalaking
bimpo at nagsimula siyang magkuskos .
Kuskos dito, kuskos doon. Isa, dalawa, tatlong buhos ng tubig. Sa kauna-unahang pagkakataon,
naramdaman ni Lotlot na masarap pa lang maligo. Masarap pala sa pakiramdam ng katawan
kapag nililinis ng sabon at hinuhugasan ng tubig. Ni hindi niya napansin na malamig ang tubig.
Pagkalabas ng banyo, may isang sorpresa ang naghihintay kay Lotlot.
Wow, ang bango-bango naman ng anak ko. sigaw ng kanyang Tatay.
Nay! Tay! Bumalik na po pala kayo! masayang sabi ni Lotlot. At hinagkan niya ang kanyang mga
magulang.

Oo, anak. Sa katunayan ay nag-aalala kami sa iyo habang kami ay nasa ibang lugar.
Marami kasi sa iyong pinsan ay kung hindi may bungang araw ay may galis-aso naman. dagdag
ng kanyang nanay. Nagkasugat-sugat na nga ang kanilang balat dahil siguro kamot sila nang
kamot.
Ttalaga po? Ppwede po bang mangyari sa akin iyon, Nay? Tay? takot na takot na bigkas ni
Lotlot.
Oo anak. Pero maiiwasan naman ito kung laging malinis ang katawan mo, sagot ng kanyang
Tatay.
Napaisip si Lotlot sa sinabi ng kanyang mga magulang. Naalala niya na muntik na ring
magkasugat-sugat ang kayang balat dahil sa kanyang pagkakamot.
Tinignan ni Lotlot ang kanyang mga magulang. Nay, Tay, patawad po. Kasi po, mula nang umalis
kayo ay ngayon na lang po ulit ako nakaligo. Nagsinungaling pa po ako kay Lola noong tinanong
niya ako kung naligo na ba ako. Pero mula ngayon, susundin ko na po ang lahat ng mga sinasabi
niyo. At kahit na si Lola lang po ang kasama ko dito, maliligo na rin po ako.
At simula noon, siya na ang paboritong kalaro ng kanyang mga magulang.

Anda mungkin juga menyukai