Anda di halaman 1dari 3

Tungkulin Ng Wika

Anu-ano ang mga tungkulin ng wika ?


Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa
pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang
araling pangkomunikasyon ay ang disiplinang pang-akademya kung saan pinagaaralan ang pakikipagtalastasan.
Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling
maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito.
Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan
nito.
Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan
upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga
hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o
matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap
ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga
tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa
pinagmumulang wika.
Pagsasalitaan ang tawag sa isang paraan ng pakatuto. Nagpapalinaw ang
usapan tungkol sa isang paksa sa pagsasaulo ng mga bagay. Sa pamamagitan ng
salitaan ,nakapagpapalitan tayo ng mga kuro-kuro.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa
pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.
Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng
tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan
nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang
pulutong ng mga tao.
Iba-ibat tungkulin ng wikang pilipino ayon sa eksaktong kahulugan.
1. Interaksyunal- nagpapanatili ng relasyong sosyal.
halimbawa:
pasalita: pangangamusta
pasulat: liham pang-kaibigan

2. Instrumental- tumutugon sa mga pangangailangan.


halimbawa:
pasalita: pag-uutos
pasulat: liham pang-aplay
3. Regulatori- kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng iba.
halimbawa:
pasalita: pagbibigay ng direksyon
pasulat: panuto
4. Personal- nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
halimbawa:
pasalita: pormal o di-pormal na talakayan
pasulat: liham sa patnugot
5. Imahinasyon- nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
halimbawa:
pasalita: malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan
pasulat: mga akdang pampanitikan
6. Heuristic- naghahanap ng mga impormasyon o datos.
halimbawa:
pasalita: pagtatanong
pasulat: survey
7. Informative- nagbibigay ng mga impormasyon.
halimbawa:
pasalita: pag-uulat
pasulat: balita sa pahayagan

Anda mungkin juga menyukai