Anda di halaman 1dari 1

Awit ng Pasasalamat sa Ama't Ina

Verse
Kaybuti ng Panginoon
Ang tulad ko'y binigyan N'ya ng buhay, na puno ng kulay.
Wala na akong mahihiling
Dahil sa handog Niyang walang katulad, na mga magulang.
Kapag ako'y nalulumbay, handa akong kalingain
Kapag ako'y nagkukulang, unawa ang laan sa 'kin.
Chorus
Salamat sa Panginoon 'pagkat binigyan N'ya ako
Ng mga magulang na lubos lubos ang pagsinta.
Katulad ng pag-ibig ni Hesus sa mundong ito
Salamat Oh Panginoon para sa aking Ama't Ina.
Verse
Purihin ang Panginoon
Sa buhay ng aking mga magulang 'di S'ya nagkulang.
Dahil sa kanilang buhay
Ang aral ni Hesus ay natutunan, ipinamuhay.
Kaya't sa aking pagtanda, ang aral ay dala dala
Ang bilin ni ama't ina sa puso'y iuukit na.
Chorus
Salamat sa Panginoon 'pagkat binigyan N'ya ako
Ng mga magulang na lubos lubos ang pagsinta.
Katulad ng pag-ibig ni Hesus sa mundong ito
Salamat Oh Panginoon
Chorus
Salamat sa Panginoon 'pagkat binigyan N'ya ako
Ng mga magulang na lubos lubos ang pagsinta.
Katulad ng pag-ibig ni Hesus sa mundong ito
Salamat Oh Panginoon para sa aking Ama't Ina.