Anda di halaman 1dari 1

Abstrak

Abstracum; Latin
Maikling buod ng artikulo o ulat na inilagay bago ang introduksiyon.
Siksik na bersiyon ng mismong papel
Ipinaalam nito ang paksa at kung ano ang aasahan sa pagbabasa ng isinulat na artikulo o ulat
Uri ng abstrak
deskriptibo at impormatibo.
Ang uri ay nakadepende sa paksa o disiplinang kinapapalooban nito.
Kalikasan at Bahagi ng Abstrak
Deskriptibong Abstrak

Impormatibong Abstrak

Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga ang


mga pangunahing ideya ng papel.
Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin, at tuon ng
papel o artikulo

Ipinahahayag nito sa mga mambabasa ang


mahahalagang ideya ng papel.
Binubuod dito ang kaligiran, layunin, tuon,
metodolohiya, resulta, at kongklusyon ng papel.

Kung ito ay papel-pananaliksik, hindi na isinasama


ang pamamaraang ginamit, kinalabasan ng pagaaral, at kongklusyon.

Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong papel at


isang talata lamang

Mas karaniwan itong ginagamit sa mga papel sa


humanidades at agham panlipunan, at sa mga
sanysay sa sikolohiya

Mas karaniwan itong ginagamit sa larangan ng agham at


inhinyeriya o sa ulat ng mga pag-aaral sa sikolohiya.

Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


1. Basahing muli ang buong papel. Habang nagbabasa, isaalang-alang ang gagawing abstrak. Hanapin ang mga
bahaging ito: layunin, pamamaraan, sakop, resulta, kongklusyon, rekomendasyon, o iba pang bahaging kailangan sa
uri ng abstrak na isusulat.
2. Isulat ang unang draft ng papel. Huwag kopyahin ang mga pangungusap. Ilahad ang mga impormasyon gamit ang
sariling salita.
3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan sa organisasyon at ugnayan ng mga salita o
pangungusap, tanggalin ang mga hindi na kailangang impormasyon magdagdag ng mahahalagang impormasyon,
tiyakin ang ekonomiya ng mga salita, iwasto ang mga maling grammar at mekaniks.
4. I-proofread ang pinal na kopya.
Katangian ng Mahusay na Abstrak
1. Binubuo ng 200-250 na salita.
2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na nakatatayo sa sarili nito bilang isang yunit ng impormasyon.
3. Kumpleto ang mga bahagi.
4. Walang impormasyong hindi nabangit sa papel.
5. Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na mambabasa.

Anda mungkin juga menyukai