Anda di halaman 1dari 2

Aralin 2

GABAY SA PAGSISIMULA NG PANANALIKSIK


Sinisimulan ang pananaliksik sa pagtatanong ng tao. Kailangang may pumitik munang
kuryosidad sa isipan ng mananaliksik nang sa ganoon ay magkaroon ng lalong mataas na
motibasyon na magpatuloy sa pagtuklas. Bukod pa rito, kailangnag magkaroon ng malawak na
kaisipan ang nagsasagawa ng saliksik upang makakita ng mabisang paraan sa pagsisimula ng
masalimuot na proseso ng pananaliksik.
Ang Paksa at Titulo
Sino? Saan? Kailangan? Ano? Paano? Bakit?
Hitik sa maraming katanungan ang tao. Ang pagiging kontento niya ay di lamang
natutugunan ng mga simpleng oo at hindi. Dito nagsisimula ang pagsisikap na makabuo nang
hindi lamang payak na tanong kundi potensiyal na sasaliksiking mga paksa.
Gamitin ang mga salitang patanong bilang gabay sa pagsisimulang pagtukoy ng paksang
pag-aaralan. Narito ang halimbawang matrix na maaaring sundan at sundin.
Gabay
Sino?
Saan?
Kailan?
Ano?
Paano?
Bakit?
Halimbawang
awtput na
papaksain:

Dapat Isaalang-alang na Tanong


Sino/sino-sino
ang
mga
kasangkot? sino ang tatanggap ng
kahalagahan?
Saan
magaganap
ang
pananaliksik?
Kailan ito magaganap?
Ano ang pangkalahatang paksa?
Ano-ano ang mga espesipikong
suliranin?
Paano
isasakatuparan
ang
pagtuklas?
Bakit ito isasagawa? (pagtukoy sa
layon)

Tinukoy na Paksa
Ang mga nagmemedyor
Filipino.

ng

Rizal technological University


Taong Panuruan 2013
Panunuring Pampanitikan

Sarbey sa maka-Pipilipinong
paraan ng kritika.
Mailarawan ang maka-Pipilinong
kritikang
mga
akdang
pampanitikan.
Isang sarbey sa Maka-Pilipinong Kritika ng mga Nagmemedyor ng
Filipino ng Rizal Technological University sa mga Akdang
Pampanitikan, Taong Panuruan 2013.

Ang nabanggit na halimbawang awtput ay potensyal na paksa pa lamang. Ito ang


magbibigay-daan sa pagbuo naman na potensyal na titulo.
Hindi nauubos ang papaksain katulad ng sinasabing hindi maubos-ubos na tanong ng mga
tao. Habang nagkakaedad ang mundo ay nagpapatukoy ang buhos ng mga kaalaman. Kaya nga
hinihikayat ang multidisiplinaryo at kolaboratibong pananaliksik nang sa ganoon ay maiugnay pa
ang maraming butil na karunungang nasa paligid lamang. Marami ang maaaring gawing
sanggunian. Sikapin magbasa muna ng mga aklat-reperensiya sa mga aklatan at internet
sites. Ito ay makatutulong sa ikatatagumpay ng pagtiyak sa potensyal na paksa ng saliksik.

Maaaring gawin sanggunian ang research agenda ng sariling institusyong kinabibilangan


o kaya ng mga tanggapang pampubliko at pribado na may Research and Development Center.
Sa lawak ng daigdig, hindi maitatatwang marami ang mga potensiyal na paksa. Kailangan
lamang, sa aktwal na pananaliksik ang paglimita rito upang ganap at obhetibong
maisasakatuparan. Gawing batayan ang prinsipyong ito: Espisipiko, Nasusukat, Naaabot ang
Layon, Nakatuon sa Resulta, Batay sa Oras/Panahon.
Maaaring gawing batayan ang tala sa baba.

Gabay sa
Paglimita
Espisipiko

Nasusukat

Paksa

Nilimitahan

Multilinggwal na edukasyon
sa mga mag-aaral sa
Elementarya.
Saliksik sa Filipino sa mga
Paaralang Gradwado.

Multilinggwal na
Edukasyon sa Mababang
Paaralan ng San Jose
Sarbey sa mga saliksik sa
Filipino sa mga Paaralang
Gradwado ng mga SUCs sa
NCR.
Pagsusuri sa Estruktura ng
Neolohismo sa mga piling
Awit ni Gloc-9.
Barayti ng mga Filipino sa
Tweet ng mga Pilipino News
Anchor: Batayan sa Pagbuo
ng Klasipikasyon.
Pagsususri sa paggamit ng
Filipino sa mga Programang
Balitaan mula Enero-Mayo
2016.

Naaabot ang Layon

Neolohismo sa mga Rap.

Nakatuon sa Resulta

Barayti ng mga Filipino sa


Tweet ng mga News Anchor.

Batas sa
Oras/Panahon

Uri ng Filipino sa Filipino


Newscast Araw-araw

Mula sa tatlong inilahad sa itaas, maaari na ring bumuo ng titulo ang mananaliksik.

Anda mungkin juga menyukai