Anda di halaman 1dari 3

Ang mga lalaki , makukulet.

Totoo
yan. Lagi ka nilang kukulitin
nagpapapansin sila sayo. Kukulitin ka
nila kapag may problema ka , para
mag-open ka sa kanila. Kukulitin ka
nila , kase ganon sila magpakita ng
sweetness. Pero okay lang yan , malay
mo sa susunod hindi ka na niya
kukulitin para lang magpapansin sayo
kase nagsawa na siya. Hindi ka na
niya kukulitin para i-open ang mga
problema mo sa kanya kase wala na
siyang pakialam sayo. At darating rin
sa puntong , Hindi ka na rin niya
kukulitin dahil hindi ka na niya gusto
kaya hindi na siya sweet sayo. Gusto
mo ba yon? Yung wala na talaga siya
para lang magmalasakit sayo? Ang
mga lalaki , hindi emosyonal. Alam
niyo kung baket? Kase sila ,
tinatago lang nila yon sa sarili nila.
Marunong silang magtiis. Kapag may
problema sila hindi nila yon sasabihin
sayo kase ayaw ka niyang magalala.
Pero alam niyo ba mga girls , ang mga
lalaki kapag nagdrama totoo yan.
Kase once na mag-open sila satin na
nasasaktan na sila , totoo na yon.
Kaya
wag na wag niyong babaliwalain ang
mga sinasabi nila. Pero okay lang sa
inyo yon diba? Kase wala kayong
pakialam sa mga nararamdaman nila.
Akala niyo kase porke lalaki sila kaya
na nila yon mag-isa. Pero one day
marerealize niyo rin na mali ang mga
ginagawa niyong pangbabaliwala sa
kanila. Ang mga lalaki , nahihiyang
kiligin. Alam niyo na ba kung baket
sila
nahihiyang kiligin? Kase nasanay na
silang sila ang magpapakilig satin.
Pero alam niyo ba girls , kapag sila
kinilig , grabe yang mga yan. Oo hindi

nga nila pinapahalata katulad natin ,


pero deep inside nila sobrang kilig
yang mga yan. Isang tingin lang ng
mga babaeng mahal na mahal nila ,
masaya na sila. Pero kayo bahala ,
kung hahayaan niyo lang na
dumating yung panahon na mawawala
yung mga kilig factor nila
sa atin. Kaya kung ako sa inyo mga
babae , wag kayong masyadong
pakipot. Kase ang mga boys , minsan
naaasar na rin kapag nagiinarte tayo.
At darating yung panahon na sa ibang
babae naman sila kikiligin. Ang saya
nun diba? Wala ng magkakagusto
sayo? Yun naman gusto mo e.
Panindigan mo. Ang mga lalaki ,
torpe. Alam niyo yan. Kaya kase sila
nagiging
torpe , kase minsan naffeel nila na
parang wala naman silang pagasa sa
girl na gusto nila eh. Yung bang
feeling na hindi ka nila maga
ligawan kase parang mataas yung
tingin nila sayo. Kaya parang ang
inaakala nila ay hindi mo siya
papatulan. Alam niyo ba , nahihirapan
din ang mga boys sa pagiging
pagkatorpe nila. Kase yung babaeng
pinakamamahal nila , hindi nila
maangkin. Alam mo ate , hindi naman
kaso kung ikaw na ang magpapakita
ng motibo eh , bastat siguraduhin mo
lang na may gusto rin siya sayo.
Syempre mahirap din para sayo na
magpakita ng motibo para sa lalaki
diba? Pero alam mo kung ano ang
mas mahirap? Ang maghintayan lang
kayo sa wala. Saklap nun diba? Hintay
siya sayo , hintay ka rin sa kanya.
Saya
nun. Yun naman ata gusto niyo eh ,
yung pahirapan sila. Ang mga lalaki ,
laging busy. Dahil maraming rason

kung baket sila


busy. Pwedeng sa computer games ,
pag-aaral , o kaya meron lang
pinaghahandaan. Naiinis tayo kapag
hindi nila tayo napapansin. Kunware
nagdodota sila tas nagmessage ka ng
pagkahaba haba , sabay ang irereply
sayo teka po, nagdodota ako. wait
lang. Saklap diba? Pero minsan
kelangan din natin silang paglibangin
kung ayon ba naman ang ikasasaya
nila eh. Maganda lalo kung yung
pagaaral , kase ibig sabihin nun
inspired sila satin. Kase ang iniisip nila
ay yung kinabukasan natin. O baka
minsan may iba silang ginagawa.
Pwede nila tayon isurprise. Alam niyo
naman kung gano sila kasweet diba?
Aminin niyo lagi nila tayong
napapasaya. Masarap sa feeling yun
eh. Pero minsan nagsasawa ka na sa
pagiging busy nila , kase akala mo
wala na siyang pakialam sayo. Pero
hindi , hindi mo lang siya
naiintindihan. Pero alam mo kung
maikli yung pasensya mo pani gurado
iigil mo at iggive-up ang relasyon
niyo. Aminin mo te? Alam niyo ang
swerte natin kapag
merong lalaking nagmamahal sa atin
ng totoo. Kaya alam niyo na dapat ang
gawin jan. Wag niyo ng pakawalan.
Kase once na pinakawalan mo yan.
Magsisi ka , kase maraming
magbabago sa kanya , pwedeng
gagwapo siya o kaya mas magiging
maayos at ang pinaka masaklap yung
makikita mo siyang masayang masaya
na sa ibang girl. Yun ba gusto mo?
Diba hindi? Alam niyo girls hindi lang
tayo ang dapat nirerespeto , kelangan
pantay pantay. Respetuhin din natin
sila kung gusto nating irespeto nila
tayo. Minsan nagkakasawaan na kayo

sa
relasyon niyo. Pero hindi tamang
igive-up nalang lahat ng
pinagsamahan niyo. Kung parehas
kayong marunong magpababa
edi mas magiging maganda ang
relasyon niyo. Hindi rin dapat maging
under ang mga lalaki sa mga babae.
Hindi naman tama yon. Wag natin
silang pahihirapan. Hindi nga sila
emosyonal , pero minsan meron na rin
silang kinikimkim na sakit pero ayaw
lang nilang sabihin. Ang mga lalaki
minsan nakakaturnoff. Lalo na kung mabaho , eh kase
naman ang mga lalaki hinid nila
maiiwasang maging magaslaw kaya
lagi silang pagpapawisan diba?
Naninigarilyo/Umiinom , oo marami ng
ganyan ngayon , pero mas maganda
kung babaguhin natin sila diba? hindi
yung hahayaan lang natin sila. Gusto
niyo bang yung lalaking mahal niyo
ay nababawasan ang buhay ng 10
seconds kada hit hit ng sigarilyo? Diba
hindi? Nakakaturn-off kapag
malalande , alam mo hindi naman sila
magiging malande kung hindi mo sila
hahayaan eh. Kaya kung ako sayo ,
wag mong hahayaang mawala ang
pinakamamahal mong lalaki. Ipadama
mo dapat sa kanya mahal na mahal
mo siya para hindi siya maghanap.
Tama? At mas nakakaturn-off kapag
bastos , sino ba namang babaeng ang
gusto ng ganong lalaki? Syempre sino
ba namang babae ang gustong
mabastos? Diba wala? Kaya kung
kinakailangang prangkahin sila.
Gawin mo. Wag kang mahihiyang
pagsabihan sila eh kung magbabago
naman sila eh. Kaya kung alam niyong
mahal na
mahal ka niya at handa siyang gawin

ang lahat para sayo , wag mo ng


sasayangin ang pagkakataon. Oo
marami na ngang malalandeng lalaki
ngayon , pero hindi ka dapat maakit
kung may nanlalandi sayong lalaki.
Kase isa sa ayaw ng mga lalaki ay
yung may kahati sila. Wag na wag
natin silang sasaktan. Kapag dumating
na siya sayo , wag na wag mo ng
tatangkain pang maghanap ng iba.
Kase meron ngang kasabihan Nasa
huli ang pagsisisi. Mahalin mo ang
lalaki. Iparamdam mo sa kanila na sila
lang ang mahal mo , ang minahal mo
at ang mamahalin mo pa. O baka
naman naniniwala kayong mas

marami ang lalaki sa mundo kaya


marami pa kayong mahahanp jan.
Please , wag kang magpakaengot.
Marami ngang lalaki pero iba parin
ang lalaking deserving sayo at
deserving ka para sa kanya. Tandaan
niyo to. Ang lalaki
minamahal , inaalagaan , hindi
sinasaktan , iniintindi at pinaglalaban.
Sana maliwanagan na kayo girls. Hindi
yung puro tayo nalang ang iniintindi.
Salamat #Every boy deserves a girl
who will
truly love , care and understands
him.

Anda mungkin juga menyukai