Anda di halaman 1dari 12

San Gabriel de la Virgen Dolorosa

Posted February 27, 2011 by TV Maria


Categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw
Tags: catholic, christian, february 27, katoliko, perbrero 27, roman catholic, saint, saint for the day, saint gabriel of our
lady of sorrows, saint gabriel of the sorrowful mother,san gabriel de la virgen dolorosa, san gabriel ng birheng
dolorosa, santa, santo, tagalog,talambuhay ng mga santo, tv maria

Diakono
Kapanganakan: 1 Marso 1838
Kamatayan: 27 Pebrero 1862
Araw ng Kapistahan: 27 Pebrero
Pintakasi: ng mga mag-aaral at ng kabataan

Si Francisco Possenti ay isinilang sa Italya nang taong 1838, isa sa


labintatlong magkakapatid. Naging masama ang kanyang pasimula: nahilig sa mga sayawan, sine at mga
kasayahan sa mundo. Bago natapos sa pag-aaral, nagkasakit siya nang malubha. Nangako na kung
gagaling siya ay papasok siya sa pagkapari. Nang siya ay labimpitong taong gulang, pumasok siya sa
orden ng mga paring Passionista at tinaglay ang pangalang Brother Gabriel ng Birhen Dolorosa. Gumawa
siya ng maraming pagpepenetensiya o pagpapakasakit upang bayaran ang kanyang mga nakaraang
kasalanan at makiramay sa mga hirap at sakit ng Panginoon at ng Mahal na Birhen ng Pitong Hapis.

Winika ng kanyang director espirituwal: Kung ibig mong magtali ng mga tinik na bakal sa iyong
baywang, ang mabuti ay itali ang iyong kalooban sa kalooban ng Diyos.
Sa loob ng apat na taon ay nagpamalas siya ng pambihirang pagtalima sa mga pinuno, kababaang-loob at
diwa ng pagtitiis. Bago siya naordenahang pari, siyay nagkasakit sa baga, at namatay noong Pebrero 27,
1862, sa gulang na 24 taon. Maraming milagro ang inuugnay sa kanyang matapos ang kanyang
kamatayan isa na dito ay ang pagpapagaling kay Santa Gemma Galgani nang siya ay nanalangin sa
santong ito.

Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.
Jones, T. H. (n.d.). Saint Gabriel of Our Lady of Sorrows. In Saints.SPQN.com. Retrieved February 25,
2011, fromhttp://saints.sqpn.com/saint-gabriel-of-our-lady-of-sorrows/

Santo Domingo Savio


Mag-aaral
Araw ng Kapistahan: 5 Mayo

Tinupad ni DOMINGO SAVIO ang kanyang pangako sa unang


pakikinabang, Mamamatay na muna bago magkasala. Limang
taong gulang siyanang siya ay nagsimulang magsilbi bilang
sakristan ng simbahan. Sa edad na 12 ay naging isang ulirang magaaral sa Oratorio Festivo ni San Juan Bosco. Minsan, inawat niya
ang dalawang batang nagsusuntukan, at pinakita sa kanila ang
larawan ng Panginoong nakapako sa krus; ang isang masagwang
larawang tinitignan ng kanyang mga kasamahan ay pinagpunitpunit niya. Malimit siyang magsimba at makinabang at kung hapon
dumadalaw sa Santisimo Sakramento. Sa kanilang maralitang
tahanan ang kanyang pagmamahal at paggalang sa kanyang mga
magulang ay gayon na lamang, kinikilala niya sa kanila ang larawan
at kapangyarihan ng Diyos. Ang hindi magandang kalusugan ng
Santo ang naging hadlang sa kanyang papari, sa edad na 15 siya ay
pumanaw.
Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.).
Pasay: Paulines Publishing House.

Jones, T. H. (n.d.). Saint Dominic Savio. In Saints.SPQN.com.


Retrieved on April 22, 2011, from http://saints.sqpn.com/saintdominic-savio/
Si Domingo Savio (Italyano: Domenico Savio; Abril 2, 1842 Marso 9, 1857[5][6]) ay isang binatang
Italyanong mag-aarl si SanJuan Bosco. Nag-aaral siya upang maging pari nang siya'y nagkasakit
at namatay sa gulang na 14, marahil sa pleurisy.[7]
Mataas ang pagtingin kay Savio ng kaniyang guro na si Juan Bosco, na sumulat ng talambuhay ng
kaniyang batang mag-aarl Ang Buhay ni Domingo Savio. Ang tomong ito, kasama ng ilan pang
pagpapatunay patungkol sa kaniya ay naging mahalaga sa kawsa ng kaniyang pagkasanto. Sa
kabila ng pag-aalinlangan ng marami na siya'y bata pa masyado labing-apat na taong gulang
nang mamatay upang ituring na maging santo, kinilala ang kaniyang "dakilang kabanalan" sa pangaraw-araw na buhay kaya't siya'y itinuring na karapat-dapat sa karangalang ito. [8] Siya ang tanging
santo sa kaniyang mga ka-edad, kung saan napapabilang sina Maria Goretti (edad 11) at Ponticus
ng Lyons (edad 15),[9] na idineklarang santo, hindi dahil sa siya'y namatay na martir, kundi sa
pagkilala sa kaniyang banal na pamumuhay. Kinanonisa si Savio na santo noong Hunyo 12, 1954
ni Papa Pio XII,[10] upang maging pinakabatang kinanonisa sa Simbahang Katolika na hindi martir.[11]

San Luis Gonzaga


Posted June 21, 2011 by TV Maria
Categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw
Nobisyo
Kapanganakan: Marso 9, 1568
Kamatayan: Hunyo 21, 1591
Araw ng Kapistahan: 21 Hunyo
Pintakasi ng mga magaaral

Pintakasi ng mga mag-aaral, si SAN LUIS GONZAGA ay isinilanh sa kastilyo ng Castigliona, Lombardy
noong Marso 9,1568 sa isang angakang kinabibilangan ng mga prisipe, markes, duke at hari. Ang lahat ay
nasa kanya upang maging marangal sa daigdig at sa katunayan, nais ng kanyang ama na siya ay maging
sundalo. Mula pa sa kanyang pagkabata, sinanay na siya ng kanyang ama sa pagiging sundalo; binigyan
siya ng mga kanyon-kanyonan at baril-barilan at pinagsasama sa mga sundalo sa Kampo. Subalit iba
naman ang panalangin ng kanyang ina na siyay maging alagad ng Diyos.
Nahilig si Luis (Aloysius) hindi sa pagiging sundalo kundi sa gawang kabanalan. Sa katunayan, sinasabi
na lubos niyang pinagsisisihan ang pagmumurang natutuhan sa mga sundalo. Kapuri-puri ang naging
buhay ni Luis sa pagiging pahe niya sa ibat-ibang korte o palasyo tulad ng sa Mantua, Ferrara, Parma
Madrid at Florence sapagkat sa gitnang kasayahan at karangyaan ay lagi niyang naaalala ang katunayan
ng Diyos sa lahat ng dako at dahil diyan, naging malinis ang kanyang budhi. Sinasabi na ang santong ito
ay hindi nagkasala ng mabigat sa tanang buhay niya. Ano ang kinalaman nito, lagi niyang sinasabi, sa
buhay na walang hanggan? Upang malubos ang kanyang hangaring maging banal, na kanyang natutuhan
sa pagbabasa ng buhay ng mga Santo, pumasok si Luis sa Samahan ng mga Paring Heswita noong
Nobyembre 25, 1585 sa Roma.
Siya ay naging nobisyo, hindi Pari; ang kanyang buhay bilang nobisyo sa mga heswita ay kinamalasan ng
pambihirang kabanalan: ang matapat na pagtupad ng kanyang tungkulin, ang pag-iingat sa kanyang mga
paningin, ang matimyas na pagmamahal sa Mahal na Birhen at sa Santisimo Sakramento. Namatay siya
noong Hunyo 21, 1591 sanhi ng isang sakit na nakuha niya sa pagtulong sa nasalanta ng peste.
Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

San Pancracio
Posted May 12, 2011 by TV Maria
Categories: Mga Santa at Santo sa Araw-Araw
Kamatayan: 304
Araw ng Kapistahan: 12 Mayo
Pintakasi: laban sa pananakit ng ulo at pamumulikat at sa paghahanap

Si San Pancracio, isang ulilang taga-Syria, ay nagtungo sa Roma na kasama ng


kanyang amain at sa lunsod na itoy naging Kristiyano ang dalawa. Siyay nahikayat sa halimbawa ng mga
unang tagasunod ni Cristo, ang kanilang pagmamahalan at katapangan sa harap ng kamatayan, kayat
nang dumating ang oras na kailangang patunayan ang kanyang pag-ibig sa Diyos at pagsampalataya kay
Cristo, si San Pancracio ay hindi nag-atubiling maghandog ng kanyang buhay alang-alang kay Cristo.
Namatay siyang martir sa gulang na labing-apat na taon sa panahon ng Emperador Diocleciano noong
taong 304, humigit kumulang. Inilibing siya sa sementeryo ni Calepodio na pagkaraan ay pinagtayuan ni
Papa Simaco ng isang malaking simbahan noong taong 500.
Si San Pancracio ay itinuring na pintakasi laban sa pananakit ng ulo at pamumulikat, at sa paghahanap ng
trabaho. Sa Espanya ay may isang simbahang nakalaan sa kanya sa Santa Maria de Pino, Barcelona, na
mula pa noong unang panahon ay dinumog na ng makapal na taong humihingi ng kalusugan at trabaho.
Abriol, J. C. (2010). Talambuhay ng mga Santo, volume 2 (3rd ed.). Pasay: Paulines Publishing House.

St. Rose of Viterbo Age 18

Norbert
Schnitzler / Wikimedia Commons

St. Rose of Viterbo died when she was 18, which means she was just
on the cusp of adulthood. But her incredible life of holiness during
her childhood and teen years show why she deserves to be on this
list. Besides, how many of us were saints by the age of 18??
Born around 1233, even as a small child Rose wanted to pray and
help the poor. More than that, early on she displayed miraculous

gifts. At the age of three, she apparently appeared to bring her aunt
back from the dead.
At the age of 7, she decided to live the life of a recluse, closed off
from the world most of the time, engaged in prayer and penance.
When she was 10, it is said that the Blessed Virgin Mary appeared to
her and instructed her to enter the Third Order of St. Francis and to
go preach in a nearby town. She entered the order, started wearing
a habit, and would walk around town holding a crucifix, exhorting
people to live a Christian life faithful to the Catholic Church.
When she was 15, she attempted to found a monastery, but failed.
After that, she continued to live a recluse lifestyle, only infrequently
going in public, and only to exhort people to penance. Two years
later, her town erupted in revolt against the pope. Because she and
her family supported the pope, they were exiled. Soon after, though,
they were allowed to return.
When she heard that a nearby town was being oppressed by a
sorceress, she visited and won the conversion of everyone in the
town including the sorceress. Her method? She stood unharmed
for 3 hours in a large fire.
At the age of 18, she died of a heart condition. Within a year, Pope
Innocent IV opened the cause for her canonization, which eventually
took place in 1457.
Rose of Viterbo, T.O.S.F. (c. 1233 March 6, 1251), was a young woman born in Viterbo, then a
contested commune of the Papal States. She spent her brief life as a recluse, who was outspoken in
her support of the papacy. Otherwise leading an unremarkable life, she later became known for
her mystical gifts of foretelling the future and having miraculous powers. She is honored as a saint
by the Catholic Church.
The chronology of her life remains uncertain, as the acts of her canonization, the chief historical
sources, record no dates.[1] Most scholars agree she was probably born around the year 1233.[2]
Born of poor and pious parents, even as a child Rose had a great desire to pray and to aid the poor.
[3]

When but three years old, she allegedly raised to life her maternal aunt. [4] At the age of seven, she

had already lived the life of a recluse, devoting herself to penances. She prayed much for the
conversion of sinners.[4] Rose was not yet 10 years old when the Blessed Virgin Mary is said to have

instructed her to enter the Third Order of St. Francis and to preach penance in Viterbo, at that time
under the rule of Frederick II, Holy Roman Emperor.[1]

Saint Rose

Rose was soon admitted to the Franciscan Third Order and adopted its religious habit, a
simple tunic with a cord around her waist. While walking the streets with a crucifix in her hand, she
would exhort others to be faithful to the Catholic Church.[2]
Rose attempted at age 15 to found a monastery. The effort failed and she returned to a life of prayer,
penance and solitude in her father's home.
Every now and then she would emerge from her solitude to entreat the people to do penance. [4] Her
mission seems to have lasted for about two years. In January 1250, Viterbo, her native city, was then
in revolt against the pope. When Rose took the popes side against the emperor, she and her family
were exiled from the city and took refuge in Soriano nel Cimino. When the popes side won in
Viterbo, Rose was allowed to return.[3]
On December 5, 1250, Rose allegedly foretold the speedy death of the emperor, a prophecy fulfilled
on December 13. Soon afterwards she went to Vitorchiano, whose inhabitants, according to
surviving reports, were affected by a supposed sorceress. Rose secured the conversion of all, even
of the sorceress, reportedly by standing unscathed for three hours in the flames of a burning pyre.[1]

Rose wished to enter the Poor Clare Monastery of St. Mary in the city, but was refused because of
her poverty, as she was not able to provide the dowry required for admission. She accepted her
rejection, nonetheless foretelling her admission to the monastery after her death.
Rose died on March 6, 1251, in her fathers home.[3] It was long believed that Rose had died
of tuberculosis. In 2010, however, researchers examining her remains concluded that she had died
of a heart condition called Cantrell's syndrome.[5]

Veneration
The process of Rose's canonization was opened in the year of her death by Pope Innocent IV, but
was not definitively undertaken until 1457. Originally buried at the parish church of Santa Maria in
Poggio, in 1257 Pope Alexander IV ordered it moved to the monastery she had desired to enter, at
which time it was renamed in her honor.[6]
When the liturgical calendar of the Roman Catholic Church was reformed after the Second Vatican
Council, her feast day was transferred to the date of her death. September 4 is the date of the
translation of her relics to the Monastery of St. Damian. It is this latter date on which her feast is
celebrated in Viterbo and by the Franciscans.
On September 3, the eve of the feast of St. Rose, the people of Viterbo follow the transportation
of La Macchina ("the Machine of St. Rose") a massive 28 metre high tower, illuminated with 3,000
tiny electric lights and 880 candles, and topped off with a statue of her, which is carried for 1,200
metres through the darkened streets of the old medieval town on the backs of around 100 volunteers
called "facchini". The tradition goes all the way back to September 4, 1258, when the body of the
saint was exhumed and transported to the Monastery of Saint Damian; but it was not until 1664,
following seven years of plague in the city, that a "machine" first appeared. In gratitude for having
survived such a terrible pestilence the citizens voted to renew the veneration of their saint every
year.[7]
St. Rose of Viterbo Convent, named for her, in La Crosse, Wisconsin, is the motherhouse of
theFranciscan Sisters of Perpetual Adoration.[8] The convent is listed on the National Register of
Historic Places.
Viterbo University is a Catholic, Franciscan university in the liberal arts tradition, founded by these
Franciscan Sisters, also located in La Crosse, Wisconsin. [2]
Rose of Viterbo is one of the religious figures featured in the award-winning series of saint plays
byErik Ehn. The play celebrating her life premiered in October 2008 at Goshen College.

Talambuhay ni San Tarcisio


Si San Tarcisio ay isang batang 12 gulang na Sakristan (Tagapaglingkod sa Dambana)
na nabuhay noong ikatlong siglo sa Roma na nooy pinamumunuan ni Emperador
Valeriano kung saan inuusig at pinapatay ang mga Kristiyano. Nooy palihim ang
pagdaraos ng Banal na Misa at pagtatalaga ng Banal na Eukaristiya sa ilalim ng lupa at
mga katakumba. Sa kadahilanang ito, naging mapanganib din ang pagdadala ng Banal
na Komunyon sa mga Kristiyanong may sakit at nasa kulungan.

Isang araw, nagkataong walang diyakono na magdadala ng Banal na Komunyon sa mga


Kristyanong nasa kulungan. Nagtanong ang pari (pinaniniwalaang ito ang Santo Papa)
kung sino ang maaaring magdala ng Misteryo ng Kakristyanuhan sa piitan. Tumayo
ang batang si Tarcisio at dali-daling sumagot ng ganito: Isugo mo ako! Ang aking
kabataan ay mabisang kalasag para sa Banal na Eukaristiya. Marami ang tumutol dito
sapagkat siya ay bata lamang. Sa kabila ng pagtutol ng nakararami, pumayag ang pari
at ipinagkatiwala sa kanya ang mahiwagang tinapay. Tarsicio, tandaan mo na ang
makalangit na kayamanang iyan na nasa musmos mong kamay ay hindi kailanman
maaaring itapon sa mga aso ni mapakain sa mga baboy. Iwasan mo ang mataong lugar
at huwag mong kalilimutang banal ang bagay na iyan. Mapangangalagaan mo ba ang
Misteryong iyan ng buong pananalig at pag-iingat? Bilin sa kanya ng pari na may
kasamang pagtatanong. Mamamatay muna ako kaysa maibigay ang Banal na bagay
ng ito sa kanila. Tugon ni Tarcisio.

Sa daan patungo sa piitan, nakasalubong niya ang mga kalaro niyang pagano at inaya
siyang maglaro. Tumanggi ito sapagkat may malaking tungkulin na dapat niyang
unahin. Napansin ng mga kalaro niya ang hawak niya. Pinilit nila itong kunin subalit
hindi nila ito nakuha. Nalaman nilang Kristiyano si Tarcisio. Sinimulan nila itong
pagbabatuhin at pagsisipain. Sa kabutihang palad, may dumating na guwardiyang
Praetoriano na lihim ding Kristiyano at iniligtas ang hinang-hinang katawan ni Tarcisio.
Sa daan pabalik ng katakumba, namatay ang musmos na katawan ni Tarcisio nang dala
pa rin ang Misteryo ng Kakristyanuhan. Naging tapat siya sa kanyang tungkulin. Hindi
niya isinuko ang Banal na Eukaristiya maging kapalit man nito ang kanyang buhay.
Sinasabing ang Banal na Eukaristiya na kanyang bitbit ay naging parte ng kanyang

katawan, laman ng kanyang laman. Inilibing ang batang martir ng Banal na Eukaristiya
sa Katakumba ni San Callisto sa Roma at ang kanyang mga relikya ay matatagpuan sa
Simbahan ni San Silvestre sa Capite sa Roma.