Anda di halaman 1dari 3

Agustin dela Cruz's Mga Basang Sisiw Episode Guides

June 07, 2013


Episode 5
Muling pupunta si Vicky sa mansion. Ipipilit nito ang sarili kay
Froilan. Mahirap daw ang magpalaki ng limang bata all by himself.
Maari daw niyang palitan si Olivia kung gugustuhin ni Froilan.
Magpapanting ang tainga ni Froilan sa kabaliwan ni Vicky at
masasampal niya ito. Wala kahit na sino ang makakapalit kay
Olivia lalo pa si Vicky. Guguhit ang galit sa mukha ni Vicky. Hindi
nito matanggap na muling ipahiya ni Froilan. Mapapaisip ng
maitim na plano ang babae.
Isang araw, isang humaharurot na sasakyan ang babangga kay
Froilan. Nang dungawin ni Justin ang labas ng kanilang bahay,
makikita niyang si Froilan ang nakahandusay dito. Isusugod nila si
Froilan sa ospital. Lalambot ang puso ni Justin sa ama ngunit huli
na yata ang lahat dahil magfaflatline ito at mukhang susunod na
kay Olivia.

June 06, 2013


Episode 4

Hindi titigil si Froilan sa paghahanap sa asawa. Lagi itong


makikibalita sa rescue team. Isang araw, ipapakita ng rescue
team ang hilera ng mga nasawi sa sakuna. Isang singsing ang
makakaagaw ng pansin ni Froilan. Kapareho ito ng singsing ni
Olivia. Iaangat ni Ted ang nakatalukbong sa biktima at makikitang
hindi ito si Olivia. Muling mabubuhayan ng loob si Froilan.
After days of searching for Olivia, isang damit ang ipapakita ng
rescue team kay Froilan. Agad itong maaalala ni Froilan na
pagmamay-ari ni Olivia. Maiiyak na lang si Froilan at bubwelo sa
mga bata upang sabihin ang masamang balita.

June 05, 2013


Episode 3

Ituturo ni Cha sa ina ang nasusunog na propeller. Pipilitin naman


ni Olivia na kalmahin ang kanyang sarili at ang mga bata sa
naipintong sakuna. Ilang saglit pa, tuluyan na ngang babagsak sa
dagat ang eroplano tangan ang mag-iina.
Sa Maynila, hindi mapakali si Froilan trying to contact his wife. Its
been hours since she left with the kids pero hanggang ngayon ay
hindi pa rin ito sumasagot sa mga tawag niya. Isang TV news
report ang ipapakita ni Ted kay hinggil sa bumagsak na eroplano.
Agad kakabahan si Froilan dahil maaaring kasama doon ang
pamilya niya. Pupunta sina Froilan at Ted sa airport para
makibalita. Mapapanood din ito ni Vicky na ngayon ay
nanunuluyan kina Cecille, ang best friend niya. Sa sobrang
kasamaan ni Vicky, hihilingin pa nito na sana ay hindi nakaligtas
ang mga-iina.

June 04, 2013


Episode 2
Froilan defends his wife from Vickys attack. Itatanggi din ni
Froilan that he was aware of what happened between him and
Vicky. Hindi naman maniniwala si Olivia lalo pat nangangatwiran
si Vicky na nagmamahalan sila ni Froilan dati pa.
Maglalayas si Olivia with the kids kahit ayaw ng mga ito.
Magmamakaawa si Froilan sa asawa ngunit hindi siya nito
papakinggan. Kahit malakas ang ulan, hindi mag-aatubili si Olivia
na lumipad papuntang Iloilo para doon muna manatali sa ninang
ng mga bata.

June 03, 2013


Episode 1

Olivia and Froilan are happily married with five kids namely,
Justin, Faye, Shine, Cha and Mickey. Its their 15th wedding
anniversary kaya isang pagtitipon ang ipinagdiriwang ngayon sa
kanilang mansion. Nandoon sina Ted, Froilans best friend and
Vicky, Olivias distant relative and yaya to the kids. Unlike the
other guests, iirap-irap si Vicky at halatang naiinis sa pagiging
sweet ng mag-asawa. Obviously, naiinggit ang babae sa

kasiyahan ng dalawa.
One day, gagawa ng drama si Vicky. Magkukunwari itong umiiyak
dahil namimiss ang kapamilya niya. Aaluin ito ni Froilan. Bigla
namang ididikit ni Vicky ang mukha sa lalaki at hahalikan ito.
Gulat na gulat si Froilan sa ginawa ni Vicky at iiwan ito. Hindi na
ito ibabalita ni Froilan kay Olivia dahil ayaw naman niyang
magkagalit pa ang magpinsan.
- See more at:
http://www.gmanetwork.com/entertainment/shows/mgabasangsisiw/episod
e-guide#list