Anda di halaman 1dari 27

Genre: Horror

I am Faith Cortez and I have this so called '6th sense'. I'am a clairevoyant. I could see things a
normal person couldn't. I can predict the death of a person, but not the exact date. I wanted a
normal life but I know, it wouldn't happen to me, I'm no normal, and I am different.
Andyan nanaman sya, the Jackass, playboy and the so called 'crush ng bayan,' Harvey Mendez.
Pero hindi sya ang nakakaagaw ng pansin ko kundi ang babaeng nakaputi na laging nasa likuran
nya. She's neither a student nor a human, she's an earth-bound spirit. Nakikita ko na sya sa likod
ni Harvey simula pa no'ng lumipat ako sa school nila. Not even once I try to tell this to him, dahil
ayokong katakutan nila ako at itratong kaiba sakanila.
"Aminin mo nga Faith, crush mo 'ko nuh?" di ko namalayan nasa harapan ko na pala si Harvey.
"Huh?" tanung ko sakanya.
"Malayo pa lang kasi ako, titig na titig kana sakin" saad nya habang nakangisi..
Nag-iwas ako ng tingin ng lumingon saakin ang multo sa likuran nya. I never dare to stare at
ghost' eyes, sa paraan kasing ito di nila malalaman na nakikita ko sila.
"Wag kang assuming" simpleng sagot ko at naglakad na palayo sakanya. Hinabol naman ako ni
Harvey at sumabay sa paglalakad ko.
"Lagi mo na lang akong iniiwasan? naiilang ka sakin nuh?", pangungulit nya nanaman saakin.
Yumuko na lang ako para hndi dumapo ang paningin ko sa likuran nya. Nag-ring na ang bell
hudyat na malelate na kami. Nagmadali narin ang mga estudyante sa pagpasok sa kani-kanilang
room. Sa isang daang estudyanteng nakakasalubong namin, dalawa sakanila ay hindi na tao.
Ganyang ratio lagi ang nakakasalubong ko araw araw. Sanay na ako pero may halong takot parin.
Nabigla ako ng higitin ako ni Harvey, muntik ko na palang mabundol ang janitor namin.
"Ayan, di ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo" Nagsorry na lang ako sa janitor. Sa paglingon ko
sakanya, di ko sinasadyang mapatitig sa isang matanda nasa loob ng room. Nag-iwas ako ng
tingin ng lumingon saakin ang multo sa likuran nya. I never dare to stare at ghost' eyes, sa
paraan kasing ito di nila malalaman na nakikita ko sila.
"Wag kang assuming" simpleng sagot ko at naglakad na palayo sakanya. Hinabol naman ako ni
Harvey at sumabay sa paglalakad ko.
"Lagi mo na lang akong iniiwasan? naiilang ka sakin nuh?", pangungulit nya nanaman saakin.
Yumuko na lang ako para hndi dumapo ang paningin ko sa likuran nya. Nag-ring na ang bell
hudyat na malelate na kami. Nagmadali narin ang mga estudyante sa pagpasok sa kani-kanilang
room. Sa isang daang estudyanteng nakakasalubong namin, dalawa sakanila ay hindi na tao.
Ganyang ratio lagi ang nakakasalubong ko araw araw. Sanay na ako pero may halong takot parin.
Nabigla ako ng higitin ako ni Harvey, muntik ko na palang mabundol ang janitor namin.
"Ayan, di ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo" Nagsorry na lang ako sa janitor. Sa paglingon ko
sakanya, di ko sinasadyang mapatitig sa isang matanda nasa loob ng room. Nag-iwas ako ng
tingin ng lumingon saakin ang multo sa likuran nya. I never dare to stare at ghost' eyes, sa
paraan kasing ito di nila malalaman na nakikita ko sila.
Hindi nakaapak ang mga paa ng matanda sa sahig. Pakunwari kong tinawag si Jane na nasa
likurang bahagi lang ng matandang iyon. Buong araw ganito ang ginagawa ko, nagkukunwaring

wala nakikita. Pilit na tinatakasan ang mga mata nila. Nang dumating ang recess, magkasabay
kami ni Jane pumuntang canteen.
"Faith" mahinang bulong nya sakin. Napalingon naman ako sakanya.
"anu yun?"
"Nasa likod parin ba sya ni Harvey?" tanung nya sabay nguso sa bandang unahan ng table namin
kung nasan sina Harvey at mga kaibigan nya. Si Jane ang nag-iisang may alam na nakakakita
ako, alam nya rin yung tungkol sa laging nakasunod kay Harvey. Tumango naman ako bilang
sagot sakanya.
"Sabihin na kaya natin sakanya?" "ayoko, bahala sya sa buhay nya" Tinuon ko na lamang ang
pansin ko sa pagkain. Lumingon saamin si Harvey. Nakita nyang nakatitig kami sakanya. Magaassume nanaman ang isang 'to. Tumayo sya at lumapit saamin. Manggugulo nanaman. Tumabi
sya saakin at umakbay.
"Tunaw na ako, Miss" natatawang anas nya
"Tigilan mo ako" sabay hawi ko sa braso nya. Tumayo na ako. Pagtalikod na pagtalikod ko kina
Harvey, mukha ng matandang nakita ko kanina ang bumungad saakin
"Nakita mo ako," saad saakin ng matanda. Nakakausap nya ako ng hindi bumubukas ang bibig
nya. Nilampasan ko na lang sya at tumagos sya sa katawan ko.
"WAG KANG MAGKUNWARI!" sumusunod parin sya saakin. "WAG KANG MAGKUNWARI!" iyan ang
paulit ulit nya sinasabi saakin. Nabigla ako ng may humawak sa kamay ko kaya naibalibag ko
kung anu man yun.
"TIGILAN MO NA AKO!! AYOKO! AYOKO! HNDI, HNDI KITA NAKIKITA!!" "Faith." natauhan lang ako
ng napagtanto kong si Harvey lang pala.
"Anung sinasabi mong hndi mo nakikita?" nag-aalalang tanung nya. Dumapo ang paningin ko sa
mga estudyante nabigla sa pagsigaw ko.
"w-wala" at tumakbo na ako palayo sakanya. Dinala ako ng mga paa ko sa rooftop. Paulit ulit
kong sinasaulo ang Our Father. Dinasal ko narin ang Apostle creed. Alam kong di ako titigilan ng
matandang iyon lalo na't alam nyang nakikita ko sya.
Mabuti na lang at di na nagparamdam ang matandang iyon.
"Hatid na kita Faith," bigla nanaman sumulpot si Harvey.
"Ayoko" simpleng sagot ko.
"Basta ihahatid kita", at inagaw nya ang mga librong dala-dala ko kaya di na ako pumalag.
"Alam mo Faith, napaka-misteryoso mo. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko marami kang
sekreto" Napakadaldal nya talaga.
"Wala kang pake" tanging sagot ko. Sa araw din iyon ay hinatid nya nga ako. Si mama, si papa
at nakababatang kapatid na lalaki lamang ang kasama ko sa bahay. Wala naman akong
nararamdang kakaiba dito samin at wala naman namamahay na multo dito. Sa hapunan, puro
pangungumusta nanaman sina mama at papa sa araw namin ni Matthew. Puro sermon naman

inabot ni Matthew dahil nabalitaan nilang nangopya ito sa exam. Pagkatapos ko naman kumaen
ay pumasok na ako ng kwarto namin ni Matthew. Ewan ko ba kung bakit parang pagod na pagod
ako kaya humiga na ako sa kama ko at natulog. Bigla akong naalimpungatan dahil sa init
Tatayo na sana ako para buksan ang electric fan pero hndi ko maigalaw ang katawan ko. Sunod
ay nakarinig na ako ng mga yapak na parang papalapit saakin. Sinubukan kong tawagin si mama
pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Naramdaman ko na lang na may parang umupo sa
may paanan ko. Gusto kong humiyaw dahil sa sakit, napakabigat ng pumatong sa may paa ko na
parang madudurog ang mga buto sa aking paa. Maraming beses kong sinubukang gumalaw pero
hndi ko magawa, tsaka ko napagtanto na sleep paralyze lang to. Una ko munang ginalaw ang
daliri ko, tatlong beses kong sinubukan hanggang sa nagising na ako. Pagkatingin ko sa mga paa
ko, mayron na itong pasa. Napatingin ako sa wall clock, saktong alas tres na ng madaling araw,
unholy hour. Magkakasunod na sitsit naman na nanggagaling sa may binta ng kwarto ang
nakapagpatayo ng balahibo ko. Ayoko man lumingon pero parang may bumubulong na lumingon
ako. Halos himatayin ako ng nalingunan ko ang mukha ng matandang sobrang lapit sa mukha ko.
Bigla nyang inilagay ang kamay nya sa noo ko. Sunod ko na lang nakita ay ang isang binata na
natutulog habang may hawak na papel. Bigla nya itong nabitawan at napadpad sa may paanan
ko. "nawawala, Alejandra Rodriguez" ito ang nakalagay sa papel at may litrato ng isang matanda.
'Teka, ito yung matandang...' Pupulutin ko na sana nang may pares ng paa akong naaninag.
Pagtingala ko, andun nanaman ang matanda at biglang tinakpan ang mata ko. Pagkamulat ko ay
nasa ibang lugar na ako, familiar ang lugar, likod 'to ng paaralan. sunod kong narinig ang
pagmamakaawa ng isang matanda sa tatlong lalaki. Nasaksihan ko kung panu sinuntok ng isa sa
mga lalaki ang matanda at tatlong beses pinukpok ng malaking bato ang ulo naito. Gusto ko man
pumigil pero di ako makaalis sa kinatatayuan ko, iyak ng iyak na lang ako. Pinagnakawan nila
ang matanda at itinago sa talahiban ang bangkay nito.
"ATE! ATE!" bigla akong napamulat, bumungad saakin ang nag-aalalang mukha nina mama, papa
at Matthew.
Iyak parin ako ng iyak. Niyakap ako ni mama at sinabing iyak daw ako ng iyak habang nakaupo,
akala nila ay gising na ako pero binabangungot pa pala ako sa mga oras naiyon. Wala akong
binanggit sakanila, pinatulog na lang ulit ako ni mama. Kinaumagahan, takot na akong pumasok
sa school. Iniisip ko pa lang na may napatay sa likuran lang ng school, kinikilabutan na ako. Nung
nasa corridor na ako ng 4th year or grade 10, nakita ko ulit ang matanda. Nakatingin ito saakin
at nakaturo ang kamay sa loob ng room katabi lang ng room namin. Parang may nagtulak saakin
para lumapit at tingnan kung anong tinuturo nito sa loob, bigla rin nawala ang matanda
pagkalapit ko. Kakaunting estudyante pa lang ang nasa loob at naagaw ang pansin ko ng isang
lalaking nakatulala lang sa harap ng bintana. 'sandali, ito ang lalaki sa panaginip ko, apo ba ito
ng matanda?' Pumasok ako ng room nila, at lumapit sakanya.
"sino ka?" tanung nya saakin.
"mamayang recess, magkita tayo sa rooftop, kilala ko ang lola mo"
Di ko na sya hinayaang magtanung pa at pumasok na ako ng room namin. Pagkaupo ko, biglang
lipat rin ng upuan si Harvey at tumabi sa akin.
"Good morning" nakangiting bati nya. Napaiwas na lang ako ng tingin. Ba't ba kasi may bitbit
syang multo?

"ayan, umiiwas ka nanaman ng tingin, siguro kinakabahan ka kapag nakikita ako nuh?" tsk -,Hindi lang kinakabahan, kinikilabutan narin.
"yabang" bulong ko na lang.
"Alam mo Faith, wala naman masama kung aamin ka. Sanay naman akong maraming
nagkakagusto sakin, hahaha"
"Gago, layuan mo nga ako" Mas lalo pa yatang natuwa, first time daw nyang makarinig ng
badword galing sakin. Buong class hour nambulabog si Harvey, pinagpipilitan nya talagang may
gusto ako sakanya. Nang dumating na ang Recess time, inaya ako ni Jane pero pinauna ko na sya
sa canteen. Inaya rin ako ni Harvey pero tinanggihan ko agad. Kukunti na lang ang mga
estudyante sa corridor dahil nasa baba pa ng building ang canteen.
Ewan ko ba, parang may nakasunod saakin. Napaka-uneasy ng nararamdaman ko kaya binilisan
ko na lang ang paglalakad hanggang sa nakarating ako sa hagdan papuntang rooftop. Patakbo
ang ginawa kong hakbang. Pagkarating ko sa rooftop, nandun na yung apo ng matanda.
"Sabi mo, kilala mo ang lola ko?" agad na bungad nya saakin.
"Nagpapakita sya saakin, gusto nyang malaman mong patay na sya", deretsong paglilinaw ko.
Hindi sya naniwala, tinawag nya pa akong baliw. Pero nung inisa isa ko ang mga detalye sa
pagkamatay ng lola nya, pumayag syang hanapin ang bangkay nito sa talahiban. Sa araw ring
iyun pinuntahan namin yung lugar sa panaginip ko. Malayo pa lang ay nangangamoy na ang
bangkay kaya agad nyang tinawagan ang ilang kapamilya nya at tumawag narin sya ng pulis.
Gustong gusto ko ng umalis pero nung nagpaalam ako sakanya, bigla nyang hinawakan ng
mahigpit ang braso ko. "b-bakit?"
"akala mo ba naniniwala ako jan sa sinasabi mong 6th sense? siguradong may kinalaman ka dito,
di mo ako maloloko"
Pumiglas ako sa pagkakahawak nya ngunit sadyang malakas sya.
"Hoy hoy hoy, ba't mo hinaharass si Faith" biglang sulpot nanaman si Harvey.
"b-ba't andito ka?" tanung ko sakanya, pero di nya ako pinansin at hinawi nya ang kamay ng
lalakeng nasa harapan ko.
"Ang babae minamahal, hindi sinasaktan. Tandaan mo yan ha!" anas ni Harvey at dinuro duro
nya pa ang lalaki. -.- "Wala kang alam dito" sagot nito kay Harvey. Hanggang sa dumating na nga
ang mga pulis na tinawagan nya at inumpisahan nilang ginalugad ang lugar. "Huh? anung
meron?" narinig kong bulong ni Harvey. Nahanap nila ang bangkay at kinumpirma naman ng mga
kaanak na yun nga ang matanda. "Sheeet! anu yan?" bulong ulit ni Harvey at napayakap sya sa
braso ko -.- takot siguro. Lumapit sa akin ang lalakeng yun at hinigit ang kamay ko. "Sumama ka,
kelangan ka nilang imbestigahan" sana pala di na lang ako tumulong. Sasama pa sana si Harvey
pero di ko na sya hinayaan. Makikigulo lang sya dun, wala naman kaalam alam.
"Paano mo nalaman nandun ang bangkay?" unang tanong saakin ng isang pulis. "Malakas ang
clairevoyance sense ko, naaabsorb ng mata ko hndi lang ang visible lights. Nakikita ko ang mga
bagay na hndi nakikita ng ordinaryong mata" Bahagyang natawa ang pulis. "Wow, interesting.
Pati ang mga multo.. pero hindi kasi makatotohanan ang alibay mo" Lumapit yung apo ng
matanda at sinabing sya na daw ang magpapaamin saakin. "Nakikita mo sya?" tanung nya. "oo"

"andito ba sya?" Katabi lang ng binata ang matanda, kaya tumango ako bilang sagot. "Paano ko
malalamang nagsasabi ka ng totoo?" "She used to call you 'junjun' ikaw daw ang pinakapaborito
nyang apo dahil kamukha ka ng lolo mo nung binata pa ito. Favorite nya yung blouse na niregalo
mo nung huling kaarawan nya" habang kinukwento ko sakanya ang bawat sinasabi ng lola nya,
namuo na ang mga piraso ng kuha sa gilid ng kanyang mata. Hanggang sa tuluyan na syang
humagulhol "La, miss na kita" yan lang ang malinaw na nabigkas nya.
'salamat' huling salitang narinig ko sa lola nya tsaka ito sumama sa liwanag. Hinayaan narin nila
akong makaalis ngunit bago ako tuluyang umalis, kinausap ko muna si Marco, apo ng matanda.
Nagpasalamat sya at hiniling kong wag ipagsabi ang kakayanan ko. Ayoko ng responsibilidad.
Pagkalabas ko ng police station, si Harvey at Jane agad ang bumungad sakin. Alalang alala ang
mukha nila. "Ba't kayo nandito?" tanung ko sakanila. "'tong si Harvey, pinilit akong magpunta
kami dito, natatakot daw sya para sayo-" "oi, hindi ha" biglang singit ni Mendez -.- "Ano ba
kasing nangyari?" tanung ulit ni Jane. "Wala, hindi importanteng bagay-" "Ba't ka nakipagkita dun
sa lalaking yun sa rooftop?" singit ulit ni Mendez -.- "Ba't mo alam?" tanong ko pabalik. "basta
alam ko lang" napairap na lang ako. Kaya pala parang may sumusunod sakin kanina. Hinatid
muna nila ako sa bahay at samin narin sila naghapunan. "May tinulungan ka, proud ako sayo as
bestfriend", bulong sakin ni Jane bago sila nagpaalam.
Bigla akong nagising mula sa masamang panaginip. Nakita ko sa panaginip si Danica, isa sa mga
kaklase namin, naliligo sa sariling dugo. Agad kong tinawagan si Jane. "Mamamatay si Danica.."
"Oh my God.." yan na lang ang nasabi ni Jane at narinig ko na syang humagulhol. Nakita ko na
ang kapalaran ni Danica at wala akong kapangyarihang pigilan ito. Useless din kung bibigyan ko
sya ng babala, matatakot lang sya at mas malala pa kung maging mas maaga ang kamatayan
nya dahil sa akin. Kinaumagahan, naging usap-usapan narin ang pagkamatay ni Danica nitong
alas-kwatro lang daw ng umaga, apat na oras ang pagitan ng tinawagan ko si Jane. Nasa burol
daw ito ng lolo nya nang nagkaro'n ng hindi pagkakaunawaan ang kanyang ama at kapatid ng
mama nya. Lasing ang tito nya at sya ang napagdiskitahan. Pinagsasaksak sya nito. Lumapit
saakin si Jane, takot na takot ang mukha nya. "Faith, 4 na oras lang pagkatapos mong
mapanaginipan."
Ilang araw din nagluksa ang mga kaklase namin. Kilala kasi si Danica bilang isa sa mga kengkoy
o joker sa room. Sabi nga nila, parang di na magiging masaya pa ang klase. Nung huling gabi ng
burol nya, sama sama ang buong klase nagpunta sa bahay nila. Kakaapak ko pa lang sa harap ng
bahay nila, iba na ang pakiramdam ko. Pati nga raw si Jane parang ang creepy daw ng
atmosphere. Isa-isa kaming dumungaw sa labi ni Danica. Pero nung kami na ni Jane ang
dumungaw, halos maiyak na ang mukha ni Jane nang lumingon ulit sya saakin. "Umalis na tayo"
yan na lang ang sabi ko sakanya. Walang laman ang kabaong. Sunod naming narinig na
humihiyaw na yung isang pinsan siguro ni Danica. Nagpakita daw sakanya si Danica,
nakalambitin daw sa kesame. Naiyak na rin tuloy ang ilan naming kaklase dahil sa takot. "Umalis
na tayo, Jane. Galit ni Danica ang nagpapakita sakanila. Dahil ang totoong kaluluwa nya ay
sumama na sa liwanag"
Habang papauwi kami, iyak ng iyak parin si Jane. "Haynaku, wag ka na ngang umiyak jan,
siguradong tinatakot lang tayo nung pinsan nya. Siguro wala na silang kape at biscuit kaya
tinakot na lang tayo para makaalis na. Style nila bulok" sermon ni Harvey na nagpumilit pang
ihatid kami pauwi. "Tumahimik ka nga, wala ka kasing alam" naiinis na sagot ni Jane. Di ko na sila
sinuway, nakatingin lang ako sa rear mirror ng tricycle na sinasakyan namin. Nasa labas lang kasi
ang earth-bound spirit na sumusunod kay Harvey. Ang-creepy lang kasing tingnan na kahit
mabilis ang paandar ng tricycle ay nakakasabay ito. "Ayos ka lang?" tanung saakin ni Harvey ng

mapansing wala ako sa sarili. Tumango na lang ako bilang sagot. Nang naihatid nila ako sa
bahay, nagpaiwan narin si Jane. Mag o-over night daw sya dito samin.
Welcome naman sya sa bahay dahil kilalang kilala na sya nina mama. Hindi lang sila
magkasundo ni Matthew dahil puro kababalaghan na lang daw pinagsasabi ni Jane. "Faith,
ipaliwanag mo nga sakin, sabi mo kinuha na ng liwanag ang kaluluwa ni Danica. Paanong
minumulto sila ng GALIT nya?" "Satingin mo ba, kung hindi magkaaway ang ama nya at tito nya,
buhay pa kaya sya ngayon?" "satingin ko, oo. e' yun naman talaga kasi ang dahilan ng
pagkamatay nya" "hindi, dahil kapalaran nyang mamatay. Oras nya na. Hanggang dun na lang
ang buhay nya. Kaya nung namatay sya, agad syang kinuha ng liwanag. Yun naman nagpakita sa
kamag-anak nya, hindi sya iyun. Have you heard about the fallen angels? iyong may pangalan na
numero?" "666" mahinang sagot nya. "Oo, si satanas. Napatay si Danica, kaya iyon fallen angels
ginagamit ang katauhan nya para manakot. Mga impostor sila, kunwari hindi matahimik ang
kaluluwa ng namatay. Magtiwala lang tayo sa Diyos at lalayuan tayo ng mga yan."
Dahil malapit na ang undas, nag-announce na si ma'm tungkol sa Holloween party before ang
sembreak. "Ano ka ba naman Faith, magsesembreak na naman. Ano ba naman ang mag attend
man lang sa party diba?" pangungulit ni Jane. "Ayoko, may gagawin ako sa gabing yan"
"magsesembreak na beh! imposibleng may project or assignment kang gagawin, knowing na
hindi ka naman talaga gumagawa ng assignment", pambubwelta nya. Narinig siguro ni Harvey
ang pamimilit ni Jane kaya naki-pilit narin. "Oo nga naman Faith, tsaka enjoy 'to... puro takutan"
nagsalita ang hindi matatakutin -,- "Bahala na nga" walang ganang anas ko. "Kunwari 'Oo'
nayan" sabay tawa ni Jane at nakipag-high five pa kay Harvey. One week pa bago ang Holloween
party pero kanya kanya na ng prepare sa mga holloween costume nila.
Mas pinaghandaan pa nga yata ng mga estudyante ang pangangalap ng holloween costume
kesa sa nalalapit na 2nd periodical exam. Ano pa nga bang eneexpect sa mga average students
na kagaya namin? Nang dumating ang gabing iyon, sinundo ako ni Jane at ni Harvey. Nakabloody white na dress si Jane at naka-vampire costume naman si Harvey. Naka-black dress
naman ako at witch hat. "Hihi, para tayong couple." panunuya ni Harvey. "Kelan pa naging couple
ang bampira at mangkukulam?" sabay irap ni Jane. "KJ talaga" rinig kong bulong ni Harvey. Sa
Pavillon na nasa loob ng campus lang ang venue ng party. Pagkarating namin sa venue,
napakarami na agad ang nandun kahit alas-otso pa lang. At napakarami nila. May kanya kanyang
table ang bawat section, 8 sections lang naman ang nandito at puro grade 10 pa. Puro sweets
naman ang mga makakain. Para ngang pang-elementary dahil sa mga candy at marshmallow.
"Ang cute nito" tuwang tumang sabi ni Jane. Disappointed naman ang nasa mukha ni Harvey.
Nagkaron naman ng maiksing program. At sunod dun miggle na. Nagkaron rin ng sayawan sa
gitna ng pavillon na napapalibutan ng mga tables. Iniwan ako ni Jane sa table namin, makikigulo
rin daw sya sa gitna. Kaya heto ako ngayon, katabi si Harvey na enjoy na enjoy sa pagkain ng
candy worms. Nakayuko lang ako buong oras, at sising-sisi na umattend ako sa party na'to. Ilang
minuto pa ang lumipas, bumalik si Jane. Siksikan na daw kasi sa gitna. "Sumunod ka sakin" utos
ko sakanya at tumayo na mula sa pagkakaupo. "Hoy? bakit?" "Basta, sumunod ka" Naglakad na
kami palabas ng pavillon. "Faith, ba't tayo nandito? nakakatakot dito, oi!" "Tingnan mo ang mga
nagsasayawan" Muntik na syang mag-faint ng makita ang dance floor. "P-pero... maraming tao
sa gitna kanina.. imposibleng bigla silang u-umalis ng tumalikod tayo" kinakabahang saad nya.
"Tingnan mo ang mga paa nila mamaya, ang totoong tao nakadikit ang paa sa sahig. Kapag
naka-elevate ang paa, patay na sila"

Natakot ko yata si Jane kaya ayaw ng bumalik. Nagstay na lang kami sa labas ng pavillon. Mga
ilang minuto, sumunod narin si Harvey. Puro strangers daw kasi ang nakatabi nya kanina, siguro
daw taga kabilang section yung mga yun. Tinitigan tuloy ako ni Jane. "ghost hunting na lang tayo
dito sa campus" suhesyon ni Harvey. "Edi mag-ghost hunt ka mag-isa! tapang tapang mo, pano,
di mo kasi sila nakikita!" naiinis na sagot ni Jane. "Oh kalma lang, tsaka hindi naman yan totoo.
Bata lang naniniwala sa mga ganyan" "Pakitaan ka sana!" Natigil ang bangayan nila ng may
narinig kaming sumigaw mula sa building1 kung nasan ang grade10 rooms. "Ano yun?" pabulong
na tanong ni Harvey. Aalis na sana sya para puntahan kung saan nanggagaling ang sigaw nang
pinigilan ko sya. Siguro kami lang ang nakakarinig ng sigaw dahil masyadong maingay sa loob ng
pavillon. Sunod namin naaninag ang isang babaeng tumatakbo papalapit saamin. "TULONG!
TULONG!" hingal na hingal nyang sigaw.
Taga-kabilang section 'to, si Shaira. Nakaklase ko 'to nung unang taon ko sa paaralang ito.
Hinawakan ni Harvey ang magkabilang balikat nya, parang wala pa kasi ito sa kanyang sarili.
Sigaw sya ng sigaw habang umiiyak. "Ano nangyari?" tanong ko habang tinatahan pa sya nina
Jane. "Si Christy!! naiwan ko dun si Christy!!" takot na takot nyang sabi. "Bakit? ano ba kasing
nangyari?!" "Nag-CR kami sa ibabang building... a-ako nagbukas ng ilaw.. tapos may tao sa loob
ng isang cubicle.. out of order naman y-yung k-katabing cubicle kaya naghintay na lang kami sa
occupied.. dun namin narealize na.. panung may nauna samin mag-CR, e' ako nga ang nagswitch
ng ilaw! sunod... yung babaeng nakasabit!! nakakatakot sya!!.. NAHIMATAY SI CHRISTY!! INIWAN
KO SYA DUN!!" mangiyak-ngiyak nyang kwento. "A-ano bang pinagsasabi nyo, s-siguro
namamalik mata lang kayo. T-tinatakot nyo lang yang sarili nyo" anas ni Harvey na mukhang
takot narin.
"TOTOO YUN!! NAKITA NAMIN!!" pasigaw nyang sagot. Tinitigan naman ako ni Jane na parang
may gustong sabihin. "Balikan mo sya, namamalik mata lang kayo" kalmado kong sagot na
lalong nagpaiyak sakanya. "FAITH!!" dismayadong tawag saakin ni Jane. AYOKONG TUMULONG!
Panu kung ako ang gambalain nung nakita nila?! Oo, sanay akong makakita ng multo pero ayoko
ko! "Please, tulungan nyo yung kaibigan ko..." "Tara! baka kung napano na yun" inakay sya ni
Jane at nagsimulang umalis. Maswerte sila kasi piling pangyayare lang ang nakikita nila. Kasi ako
hindi e! sa oras na pumunta ako dun, marami akong makikita, lahat makikita ko! Kasabay ng
pagtulo ng luha ko ay yun ding pagsunod ko sakanila. Bahala na, God is with us. Sa pagdaan pa
lang namin sa corridor, may nakasalubong na agad kaming lalake na nakabarong. Yumuko na
lang ako para hindi nya mapansing nakikita ko sya.
Nagmadali kami ng umalingawngaw ang sigaw na mula siguro sa CR. "Si Christy yun!" Nang nasa
may pinto na kami ng ladies room, ipinihit ni Harvey ang doorknob pero parang may nakaharang
sa loob. "LUMAYO KA SAKIN!!" sunod na sigaw ang narinig namin. "Christy! andito na kami!
buksan mo 'tong pinto" utos sakanya ni Shaira. Pinagtulungan naming apat na itulak ang pinto
tsaka pa ito bumukas. Nadatnan namin si Christy na nasa loob ng isang cubicle, nakaupo sa
sulok. Iyak parin sya ng iyak. Nang pinatayo namin sya, bigla na lang sumara ng malakas ang
pinto at nagswitch on-and-off naman ang ilaw. Nagsisisigaw naman si Christy ng makita nya ulit
yung babae. May tumutulo naring dugo sa salamin na syang nagpahiyaw sa mga babae.
Nakayuko lang ako at pinipilit na wag tumingala. Umiiyak na sina Jane, Christy at Shaira. Nang
tumingin ako ng deretso, babaeng walang mata at napaka-putlang balat ang bumungad saakin.
"Titigan mo ako" rinig kong binulong nya at hinawakan ako sa leeg na parang sinasakal.
Paulit-ulit kong sinasaulo sa utak ko ang Apostle creed hanggang sa makita ko ang bagay na
gustong ipaalam saakin ng babae. Isa sya sa mga namatay noong nagkaro'n ng sunog dito sa
paaralan taong 1899. Nakulong sya dito sa CR at kasabay ng pagkatupok ng buong building ay

sya namang pagkamatay nya. Ang natitira nyang labi ay di na nakuha hanggang sa narenovate
ang building taong 1996. Hanggang ngayon ay di pa sya makalabas at nakukulong parin sa mga
panahong iyon. Bigla akong napamulat nang may humawak sa magkabilang kamay ko. "Faith,
ayos ka lang?" narinig kong boses ni Harvey. Hinahabol ko parin ang hininga ko na parang
kakaahon ko lang galing sa pagkakalunod. Inilibot ko ang paningin ko, parang walang nangyari.
Niyakap ako ni Harvey at bumulong "Tapos na, wag ka ng mag-alala" Pero mali sya, pagtingin ko
sa salamin, andun parin ang babae. Nakalabas narin kami at bumalik sa pavillon kung saan
nakaabang ang adviser namin na mukhang alalang-alala.
Kinausap kami ng mga guro dahil kanina pa daw kami nawawala. Pasado ala-una na ng madaling
araw at kakaunti na lang ang tao sa pavillon. Ikinuwento nina Christy at Shaira ang nangyari.
Nanatili lang akong tahimik hanggang sa sinabi ng mga guro na wag na lang daw naming
alalahanin ang nangyari. Kaya nagsalita na ako. "Taong 1899, nagkaron ng sunog doon sa bldg.1,
maraming namatay na estudyante. After marenovate ang bldg.1 hindi pa po iyon napapa-bless.
Andun parin ang mga kaluluwa ng mga hindi nakaligtas kasama doon ang dating 4th year
student na si Samantha Soriano." Nagulat ang isang datihang guro ng banggitin ko ang
pangalang iyon. Iyon pala ay isa ito sa mga naging estudyante nya. Nangako sila na iaapila nila
ito sa principal at mabasbasan ang buong building. Pinasundo na lang kami sa magulang namin
at baka mapano pa daw kami sa daan. Hindi naman nalaman nina Christy at Shaira na nakausap
ko ang multo kaya di na ako nag-abalang hingan sila ng pabor.
2 araw ang nakalipas simula ng gabing iyon, nagkaro'n ng mass sa pavillon at pinabless ang
buong bldg.1 pati narin yung ibang rooms and offices. Sa panaginip ko na lang nagpasalamat si
Samantha. Sembreak na at undas nanaman. Hindi na ako sumama kina mama papuntang Bicol.
Nagstay na lang ako dito sa bahay. Nagbabasa ako ng Manga ng biglang nagtext sakin si Jane,
"Punta ka naman dito". Kaya nagkaron ako ng dahilang umalis. Pagkarating ko sa bahay nila,
nadatnan ko syang nagsasampay ng mga pinaglabhan. "Oh Faith? ba't ka nandito?" pambungad
na tanong nya saakin. "Huh? tinext mo kaya ako" "Ha? di naman ako nagtext, di ko nga
nahawakan cp ko." nagtatakang sagot nya. "Ano bang pinagsasabi mo? heto nga oh" at pinakita
ko yung text nya. "Panu nangyaring.. e nasa kwarto yung cp ko at buong araw ako sa likod dahil
naglaba ako. Wala naman yung mga pamangkin ko, nasa probinsya kasama nina mama kaya
walang mangengealam nun."
Unti-unti syang lumingon sa terrace ng kanyang kwarto. "Gaaash... may multo ba dito Faith?"
kinakabahang tanong nya. Napatingala rin ako sa may kwarto nya at "may batang lalake,
nakasilip" Bigla nyang binitawan ang hawak nyang damit at nag-ayang umalis. "Ha? panu 'tong
bahay nyo? baka manakawan kayo" "Satingin mo may pake pa ako? Faith, ayoko talaga ng
multo!" "Hey" mas nabigla yata kami sa pagsulpot ni Harvey. "A-anong ginagawa mo dito?"
nauutal na tanong ni Jane. "Tinext mo kaya ako, sabi mo andito si Faith kaya pumunta rin ako"
sagot nya sabay kindat saakin. "WAAAH!! AYOKO NA!!" naiinis na sigaw ni Jane. "Punta ka sa
kwarto ni Jane" at tinuro ko kung sa'ng bahagi ba "kunin mo yung cellphone nya nasa may table
or kama nya-" "Nasa ilalim ng unan" pagkokorek ni Jane. "Tapos isara mo lahat ng bintana at
pintuan" utos ko kay Harvey. Napakamot pa sa batok si Harvey pero sinunod nya naman ang
utos ko. Tinulungan ko naring magsampay si Jane.
Nang bumalik si Harvey, iniabot nya agad ang cellphone kay Jane. "Ang creepy nito" anas ni
Harvey at pinakita ang wallpaper ng cp. Picture naming tatlo na na-capture-an mula sa terrace.
"Wala namang tao sa loob, at siguradong ngayon lang yan na-capture-an" pahabol nya. Biglang
nabitawan ni Jane ang kanyang cellphone. Buti na nga lang sa may maliliit na damo ito nabagsak
kaya hindi nabasag ang screen. "umalis na tayo dito" kinakabhang anas nya. Ako na lang ang

pumulot ng cellphone nya, halatang wala na nga syang pake dito. "Ba't mo pa pinulot? itapon mo
na yan!" naiinis na utos sakin ni Jane. "Wag kang matakot dito, hindi napopossess ng espirito ang
kahit na anong bagay na walang buhay" Umalis nga kami sa bahay nila at dumeretso na lang sa
bahay namin. Sumama pa si Harvey kahit na pinapauwi na namin.
"Pilitin mo syang umalis! may multo nga rin syang kasama" pangungulit saakin ni Jane habang
naghahanda kami ng snacks. "Hayaan mo na, di naman nang-aano yung guardian nya" Dito
narin kasi naghapunan si Harvey at balak yata maki-overnight. Ang alam rin daw ng magulang
nya, kina Lexter, isa sa mga barkada nya sya makikitulog. Dahil wala naman kaming magawa,
nanuod na lang kami ng anime sa sala, Tokyo Goal. Nasa mahabang sofa kami ni Jane habang
nakaupo naman sa sahig si Harvey at ang follower nya. Wala yata kaming balak matulog kasi
1am na ng matapos ang pinapanuod namin at sumalang ulit silang ng bagong anime, Code
Geas. Maya-maya ay nakarinig kami ng sunod-sunod na sitsit at tatlong katok sa pinto. "Umuwi
na yata yung parents mo, ako na magbubukas" anas ni Harvey at tumayo na. Maglalakad na
sana sya papuntang pinto ng pinigilan namin sya ni Jane. Alam nya narin yata 'to. Napatingin
kami sa wall clock at saktong 3am na pala ng madaling araw.
"Oh bakit? di mo ba sila pagbubuksan?" tanung nya. "Basta umupo ka lang dito at wag mo yan
papansinin" sagot ni Jane. "Ang weirdo nyo, paranormal activity nanaman ba 'to? lahat na lang
ha" "Gusto mo talagang malaman ha? saktong 3am ngayon, devil's hour" paliwanag ni Jane. "AH!
another superstition" pang-inis ni Harvey. "Nakastate sa bible, Matthew's gospel 27.45 'From the
sixth hour until the ninth hour darkness came over all the land. About the ninth hour Jesus cried
out in a loud voice 'Eli, Eli, lema sabachthani?' and when Jesus had cried out again in a loud
voice, he gave up his spirit'" paliwanag ko. "So, what's with that 3am?" "The jewish way of
counting time was, nagsisimula sa 6am. Kaya 3rd hour was 9am. 6th hour naman ay noon at 9th
hour was 3pm. Kaya nasabing namatay si Jesus nung nag-3pm na base narin sa na-state sa
bible." sagot ko. "Eh AM kaya ngayon, di naman PM" pambubwelta nya.
"Minadali ng Roman guards ang pagkamatay ng mga na-crucified dahil sa Sabbath na
nagsisimula ng 6pm. Kelangan ng ibaba ng mga jews ang mga napako sa cross bago magsimula
ang Sabbath. The 9th hour ulit na nagsimula sa 6pm ay 3am na. Sa mga oras nayan nagiging
malakas ang mga evil spirits, it has nothing to do with superstition. Kaya nga every 3am may
nagaganap na paranormal activities. At evil ang tatlong katok pagpumatak ang 3am, dapat hindi
sila pagbuksan. At kung sinasabi mong baka magulang ko yun, nasa Bicol sila ngayon at sa
susunod na araw pa sila uuwi." paliwanag ko ulit. Natakot yata sya kaya nakisiksik sya sa sofa.
"Ano? naniwala kana?" pang-inis na tanung ni Jane. "Oo na! Oo na! malay ko ba sa mga
ganayan? at ba't ba kasi alam mo yan Faith?" kinakabhang tanong nya. "Ikaw lang yata ang
walang alam sa mga ganung bagay" anas ni Jane
Napagdesisyunan na lang namin na matulog na. Sa guest room namin pinapatulog si Harvey
kaso ayaw nya. Ayaw pang umamin na naduduwag sya. Magkatabi na lang kami ni Jane sa kama
ko habang sa higaan naman ni Matthew nahiga si Harvey. Di pa ako nakatulog habang wala ng
malay 'tong katabi ko. "Faith? Jane? gising pa ba kayo?" pabulong na tawag ni Harvey. "Tulog na
si Jane, bakit?" sagot ko sakanya. "Ano... hmf... wala" "ok, matutulog na ako" at tumahimik na
naman ang buong kwarto. Mga ilang minuto, "Faith? tulog kana?" tanung ulit nya. "Matulog kana,
matutulog na ako" utos ko sakanya. "wag kang matulog" mahina nyang sabi. "huh? pinagsasabi
mo?" "Di ako makatulog.. baka kasi ano.. feeling ko kasi, may kumakaway sa may binta"
naaninag kong tumalukbong sya ng kumot at humarap saamin. "Wala lang yan, imahinasyun
lang yan" "natatakot ako" mahinang-mahina nyang saad. "Wag kang matakot" "Huh? sino naman
nagsabing takot ako? hindi ha" matapang nyang sagot "sinungaling"

Hindi nakabukas ang aircon pero malamig ang atmosphere sa loob ng kwarto, siguro dahil sa
presensya ng babaeng kasama ni Harvey. Nakatayo lang ito at nakatitig sakanya. Binabantayan
nya talaga si Harvey. Nagtataka lang ako kung kaano-ano ba nya itong si Harvey. Kinaumagahan,
pagkatapos mag-agahan pinagtabuyan na namin si Harvey. Kaya nasolo ko si Jane. Naitanung ko
ang history ng bahay nila. Lumipat daw sila sa bahay naiyun nung grade1 pa lang sya. Wala
naman daw kakaiba dun, maliban na lang sa imaginary friend ng kanyang pamangkin na 5 yrs.
old pa lang. Nagkaro'n na rin sya ng imaginary friend nung unang lipat nila pero nawala nang
nag-grade 3 na sya. Binaliwala na lang nila dahil normal lang sa edad na 3-10 magkaro'n ng
imaginary friend. Hindi nya naman ikinoncider na iyun nga ang batang lalake sa bahay nila
kahapon. Dahil curious kami, kahit takot, napagpasyahan namin puntahan iyon pagpatak ng
hapon. Nung nagtanghali, bumalik si Harvey sa bahay. Makikitambay raw -,"Hindi pwdeng sumama ang mga duwag" parinig ni Jane nang sinabi ni Harvey na sasama sya sa
bahay nila Jane. "Huh? sinong duwag? meron ba dito? baka ikaw Jane, paiwan ka na lang kaya
dito?" pang-inis ni Harvey. "sus.. gusto mo lang masolo si Faith" bulong ni Jane na rinig naman
namin. "Tara na nga" agad na singit ko at dinampot ang sling bag. Nang nasa harap na kami ng
bahay nina Jane, "Sasama ka talaga sa loob?" tanong ko kay Harvey. "Ba't naman hindi? exciting
kaya ito" mayabang sagot kahit halatang kinakabhan. "Sabi mo e'" Nang binuksan namin ang
buong bahay, parang wala namang kakaiba. Wala naman akong nakita. "Parang normal lang
naman ha" komento ni Harvey. Nilibot pa namin ang buong bahay, wala naman talagang
nakakakilabot kaya nagstay na lang kami sa sala nila. "May mapapala ba tayo dito?" tanung ni
Harvey. Hindi naman nagsasalita si Jane, mukhang nakikiramdam sya sa paligid. Gayon din ako
kaya di namin pinapansin si Harvey.
"Wala ba ditong makakain?" tanong ni Harvey at dumeretsong kusina. "Tsk. Patay gutom. Feeling
at home" bulong ni Jane. Ilang minuto pa, nakaramdam na ako ng kakaiba. At nagkatinginan pa
kami ni Jane ng may narinig kaming mga yapak sa ikalawang palapag nila. Gawa lang kasi sa
kahoy ang sahig nila kaya rinig na rinig kapag may naglalakad. "Pumuntang kusina si Harvey
diba?" paninigurong tanong ni Jane. Tumango naman ako. "Tunog yun ng mga yapak ng paa
diba?" tanung nya ulit sabay turo sa ikalawang palapag. "Satingin ko nga" Sunod naming narinig
ang pagtalbog ng bola sa itaas. "Gaaaash! HARVEY! ASAN KA?" tawag ni Jane. "Dito lang sa
kusina" at lumapit sya na may dala-dalang mansanas. "E-edi, sino yung nasa itaas?"
kinakabhang tanong ni Jane. "Aba, ewan ko" sagot ni Harvey. At dahil curious nga ako, iniwan ko
sila sa baba at nagmadaling pumunta sa ikalawang palapag.
Nahagip ng paningin ko ang pagtagos ng isang batang lalake sa pintuan ng kwarto ni Jane. "Asan
sya?" agad na tanung ni Jane nang naabutan nila ako ni Harvey. "Nasa kwarto mo" at nagmadali
agad akong buksan ang pinto ng kwarto ni Jane. Binungad kami ng malamig na hangin at amoy
ng Jasmine. "Bukod sa kakaibang atmosphere, may nakikita ba kayong kakaiba na parang ako
lang ang di nakakakita?" tanong ni Harvey na di naman namin pinansin. Wala akong nakita. Ayaw
magpakita ng multo? nagtatago? Inisa-isa kong binuksan ang mga cabinet tumingin narin ako sa
CR pero wala sya. Sunod naming narinig ang iyak ng isang bata. Nanggagaling sa ilalim ng
kama. "sssh, wag kang umiyak, di ka namin sasaktan" mahinahon kong saad at unti-unti akong
dumapa para makita ang ilalim ng kama
Isang batang nakadapa at nakatakip ang mga palad sa kanyang mukha. Siguro nasa 5 taon
gulang ito. "Wag kang matakot saakin, mabait ako..." malumanay na sabi ko. "Talaga? lapit ka
nga sakin" mahinang saad nya. Gumapang ako pailalim nang may humawak sa mga paa ko.
"Hoy! Anong gagawin mo jan? at sinong kausap mo?" rinig kong sabi ni Harvey kaya nilingon ko
sya. "Bitiwan mo nga paa ko, kaya ko 'to" Sinunod nya naman. Nagulat ako nang pagharap ko,

nakalingon narin saakin ang bata. Maputla, itim lahat ang mata, at mukhang naaagnas ang
balat. Napapikit at napatili ako ng hinigit nya ako papuntang ilalim ng kama. Nang iminulat ko
ang mga mata ko, nasa ilalim parin ako ng kama, wala na yung bata. Lalabas na sana ako nang
marinig ang hindi pamilyar na boses ng isang lalake. "Dito ka lang! sa oras na lumabas kapa dito,
malilintikan ka talaga sakin!" pagalit na sigaw nito. "Pero, gusto ko ki mama, ayaw ko sayo, si
mama lang ang gusto ko!" boses naman ng batang lalake.
Isang batang nakadapa at nakatakip ang mga palad sa kanyang mukha. Siguro nasa 5 taon
gulang ito. "Wag kang matakot saakin, mabait ako..." malumanay na sabi ko. "Talaga? lapit ka
nga sakin" mahinang saad nya. Gumapang ako pailalim nang may humawak sa mga paa ko.
"Hoy! Anong gagawin mo jan? at sinong kausap mo?" rinig kong sabi ni Harvey kaya nilingon ko
sya. "Bitiwan mo nga paa ko, kaya ko 'to" Sinunod nya naman. Nagulat ako nang pagharap ko,
nakalingon narin saakin ang bata. Maputla, itim lahat ang mata, at mukhang naaagnas ang
balat. Napapikit at napatili ako ng hinigit nya ako papuntang ilalim ng kama. Nang iminulat ko
ang mga mata ko, nasa ilalim parin ako ng kama, wala na yung bata. Lalabas na sana ako nang
marinig ang hindi pamilyar na boses ng isang lalake. "Dito ka lang! sa oras na lumabas kapa dito,
malilintikan ka talaga sakin!" pagalit na sigaw nito. "Pero, gusto ko ki mama, ayaw ko sayo, si
mama lang ang gusto ko!" boses naman ng batang lalake.
Namulat ulit ako at nasa harap ko na ulit ang bata, nasa ilalim parin ako ng kama. Di ko
inalintana ang nakakatakot nya hitsura, hinawakan ko ang magkabiglang pisngi nya. "Gusto ko si
mama, miss ko na si mama" saad nya. "Hahanapin ko sya" sagot ko sakanya. Nabigla ako ng
may humigit sa paa ko papalabas sa ilalim ng kama. Napa-upo ako at nagulat nang hawakan ni
Harvey ang magkabilang pisngi ko. "Faith, ayos ka lang ha? ano? magsalita ka" Hinabol ko parin
ang hininga ko at pilit na kinakalma ang sarili. "Faith, magsalita ka" rinig kong utos ni Jane na
nasa tabi ko. Ang sabi nila, hinahatak daw nila ako papalabas ng kama pero parang may
humahatak rin raw saakin papasok kaya hindi nila ako nailalabas. Sumilip ulit ako sa ilalim ng
kama, pero wala na sya.
Ipinagkuha muna ako ng tubig ni Jane bago hinayaang magkwento. "Ang pagkakaalam ko, mga
De Guzman ang binilhan nina mama nitong bahay. Di ko lang maalala kung anong buong
pangalan dahil matagal na iyon" sabi ni Jane matapos kong ikwento ang lahat. "Tawagan mo si
tita, itanung mo kung anong fullname at kung saan natin matatagpuan" utos ko sakanya.
Nagstay lang kami sa sala nila habang kinakausap ni Jane ang mama nya. Nang ibinaba ni Jane
ang kanyang cellphone, mukha syang bigo. "Bakit?" "Ang huling balita raw nina mama, nagmigrate na daw iyon sa Norway" Pare-pareho kaming napa-buntong hininga. "Tara pa-Norway
tayo" sarkastikong anas ni Harvey. Napalingon ako sa bintana at may matandang nagwawalis sa
kabilang bahay. "Nung lumipat ba kayo dito, andyan narin ba ang matandang yan?" sabay turo
ko sa kabilang bahay. "Satingin ko Oo" sagot ni Jane. "Baka alam nya"
Pasado alas-kwatro na ng e-check ko ang oras. Nang nilapitan namin ang matanda, pinatuloy nya
muna kami sa bahay nila. Kilala nya naman si Jane kaya naging magaan naman ang pakikitungo
nya saamin. "Ang pagkakaalala ko, may mag-asawang tumira jan at may apat na anak. Nung
naghiwalay ang mag-asawa, yung lalake at bunsong anak na lang ang naiwan. Di rin tumagal ng
isa o dalawang taon, ipinagbili ng magulang ng lalake ang bahay dahil narin sa pagkamatay ng
bata" kwento ng matanda. "Ano po bang kinamatay ng bata?" tanung ni Jane. "Ang alam namin,
dahil may sakit na sa puso ang bata. May butas raw" "Asan na po ba yung mag-iina?" tanung rin
ni Harvey. "Ang usap-usapan, umuwi daw sa magulang nito sa Daet. Bakit pala kayo interesado
sakanila?" tanung ng matanda. "Hmf.. ano po, may naiwan po kasing mga.. dokyumento" sagot

ni Jane. "Halos isang dekada na ha, pero kung gusto nyong mapuntahan sila, may address ako sa
mga magulang ng asawang babae. Hindi ko lang alam kung dun parin ba sila nakatira"
May kinuha itong booklet at pinunit ang isang pahina. Address daw iyun ng mga magulang ng
babae. Napag-alaman rin namin na malayong kamag-anak pala nila ang pamilya ng babae.
Nagpasalamat at nagpaalam narin kami. Pagkatapos nun ay umuwi na lang kami samin.
"Pupunta tayo ng Daet?" tanung ni Harvey. "Hindi tayo, kami lang ni Jane" sagot ko. "Ba't ba
parang ayaw nyo akong isama sa mga gimik nyo? Parang di nyo ako kaibigan ha" nagtatampong
sabi nya. Pareho na lang kami napairap ni Jane. "Pero sasama parin ako pa-Daet!"
pagkokomperma nya. Nang nagdilim na, di parin umuwi si Harvey kaya napagsabihan nanaman
ni Jane. "Ano? Makikibahay ka nanaman? Magiging palamunin ka nanaman dito? Aba Mendez, di
ka kasama sa budget nina Tita" "Nagsalita ang hindi palamunin" pambubwelta nya. Padarag ko
na lang inilapag ang kanin at ulam sa mesa para magtigil sila.
Kagaya ng nakaraang gabi, sa kwarto ulit namin ni Matthew natulog kaming tatlo.
Kinaumagahan, umuwi ulit si Harvey sakanila. Maliligo at manghihingi daw ng pamasahe sa
magulang nya. Pinagbantaan pa kami na kapag daw umalis kaming di sya kasama, susunugin
nya raw bahay namin. Alas-otso ng bumalik si Harvey at pumunta na kami ng terminal ng bus
papuntang Daet. Mabuti na nga lang at nasa Albay sina mama kaya di kami magkakasalubongsa
Bicol. Alas-onse kami nakababa at naghanap pa kami ng pinakamalapit na karenderya para
makapag-tanghalian. Pagkatapos namin kumain dumaan na kami sa may mga nakahelerang
tricycle at ibinigay ang address na ibinigay saamin ng matanda. Ilang minuto lang ay nasa harap
na kami ng isang lumang bahay. "Tao po" May humarap saaming babae na siguro nasa mid-30s.
"Dito ho ba nakatira si Emily Martinez?" agad na tanung ni Jane. "Dito nga, pero matagal ng
patay si Lola?" "Ai hindi po sya ang pakay namin dito, yun anak nya pong si Nelissa Martinez"
"Nasa loob si mama"
Nagkatinginan na lang kami ni Jane. Anak sya nung Nelissa, kapatid nya ba iyong bata?
Pinapasok nya rin naman kami at iniharap ang matandang nakaupo sa wheelchair. Di ko
inasahan na ganito na pala katanda ang ina nya. Ikinuwento ko sakanya yung tungkol sa bunso
nyang anak pero imbes na maniwala ay pilit pa niya kaming pinapaalis. "Lola naman, 3 oras
binyahe namin matunton lang 'tong lugar ninyo tapos sasabihin nyong niloloko lang namin kayo,
asan hustisya dun?" saad ni Harvey kaya agad kong siniko. "Kailangan po kayo ng anak nyo, wag
kayong mag-alala, kami na pong bahala sa pamasahe at titirhan nyo." ani ko kaya binulungan
ako ni Jane kung may budget ba ako sa pamasahe nila. Malawakang pagkukumbinsi ang ginawa
namin. Kaya alas-singko na ng um-Oo sila at bumyahe pabalik. Pinag-ambagan na lang naming
tatlo ang pamasahe dahil kulang narin naman ang pera ko.
Alas-onse na ng gabi kami nakauwi. Sa bahay namin sila namalagi. Pati narin sina Jane at Harvey
dito narin natulog. Bukas na uuwi sina mama, saktong bukas na bukas wala na ang mga ito rito.
Kinaumagahan, pagkatapos mag-almusal, sinama namin ang mag-ina sa bahay nina Jane. Nasa
labas pa lang kami ng bahay ay nakita ko na ang bata sa terrace. Bumubuka ang bibig nya na
parang tinatawag ang mama nya. Pagkabukas namin sa frontdoor, kagaya ng naramdaman
namin sa kwarto ni Jane, bumungad ulit saamin ang malamig na hangin at amoy ng Jasmine.
Hindi na sumama pagpasok sina Harvey at Jane. "Andito ba sya?" tanong saakin ng matanda.
"Nasa kaliwa mo po sya" sagot ko. Humarap ito sa kaliwang bahagi nya. "Ronald? Anak? Andito
na si mama, sorry kasi ngayon lang ako nakauwi" saad nya. Habang nagsasalita sya, unti-unting
nag-fade ang paligid at nagkaron ulit ako ng vision.

Ipinakita lang saakin ang masasayang alaala nila sa bahay naito. Hinayaan ko muna ang magiina sa loob at pinuntahan sina Jane at Harvey. Biglang umakbay saamin si Harvey, "HAY!! Astig
ng sembreak naito." Nang nagtanghali, umuwi na ang magulang at mga pamangkin ni Jane.
Hinatid narin namin sina Lola Nelissa sa terminal. Natapos ang araw, naghiwa-hiwalay narin
kaming tatlo. Pagkauwi ko sa bahay, nakauwi narin sina mama. Walang kaalam-alam sa mga
nangyari. Nagsasawa na ako sa pagmumukha ni Jane at Harvey, bukas pasukan nanaman.
"Hindi hustisya ang pakay nung bata" pagbubukas ng topic ni Jane habang naglalakad kami sa
corridor. "Siguro, parang nabaliwala kasi ang pagmamalupit sakanya ng lalakeng iyon. Talagang
'mama' nya lang ang nakapagpatahimik sakanya" saad ko. Nabigla kami nang pumagitna si
Harvey at umakbay saamin. "Anong gimik ulit natin?" tanung nya. "Feeling close kana ha"
kometo ko sakanya at hinawi ang braso nya gayun din ang ginawa ni Jane. "Hala, best of friends
na tayo diba?" saad nya kaya natawa na lang kami ni Jane. "Grabe kayo, nakaka-hurt kayo ng
feelings. Makapag-walk out nga" Tawa lang kami ng tawa ni Jane. Natigilan si Jane at napatitig
saakin kaya natigilan rin ako sa pagtawa. "Hmf? bakit?" "First time mo kasing tumawa, dati
hanggang ngiti ka lang." Napairap tuloy ako. First time yata talaga ito.
Pagkatapos ng pangyayari sa bahay nina Jane, wala na naman nakakatakot na kasunod maliban
sa mga kaluluwang nakakasalubong ko araw-araw. Hanggang sa dumating ang christmas
vacation, sumama ako kina mama sa Albay kung nasan sina lola. Sa Albay naman ako nang
nagkaron ng mga nakakakilabot na pangyayari. Naghuhugas ako ng pinagkainan, e' ang lababo
nila dun may bintana sa itaas na may net lang. Naagaw ang pansin ko nung may narinig akong
mga sitsit. Nung una akala ko guni-guni lang pero nang napatitig ako sa may bintana kung sa'n
galing ang sitsit, isang ulo ng lalake ang nakita ko. Ulo lang talaga, at lumulutang ito. Kumaripas
na lang ako ng takbo. Nananakot kasi iyon, hindi tulong ang kelangan nya dahil masama syang
espirito. Ikinuwento ko kina mama pero hindi naniwala si mama, guni-guni ko lang daw iyon. Pero
nung kami na lang ni lola ang nasa sala, pinayuhan nya akong magdasal dahil marami ng beses
nagpakita ang pugot na ulong iyon dito sa lugar nila.
Kahit siguro ang mga ordinaryong tao, talagang makakaramdam ng kakaiba sa buong bahay nina
lola. Sinauna narin kasi ito at namana lang nina lola sa magulang nila. Apat ang kwarto dito, tatlo
sa itaas at isa sa ibaba. Yari din sa makakapal na kahoy ang mga dingding kaya rinig na rinig
kapag may kumakalabog sa kabilang kwarto. Sama-sama lang kami nina mama sa isang kwarto.
Sa kaharap na pinto ng kwarto namin ay yun naman ang tinutulugan nina Tita Abel, kapatid ni
papa. Katabing kwarto naman namin ay yung parang bodega nina lola, tambakan ng mga
lumang gamit. Sa ibabang kwarto naman natutulog sina lolo't lola. Nung unang gabi namin sa
kwarto, nasa sahig natulog sina mama at papa. Sa kama naman kami ni Matthew. Nagising ako
nang may parang bumagsak sa kabilang kwarto. Nagising rin si mama, ang sabi nya baka pusa
lang. Pero ang pagkakaalam ko, ayaw nina lola sa pusa kaya wala silang alagang nito sa bahay.
Sa ikalawang gabi namin, mas lumala ang ingay sa kabilang kwarto. Parang ulo na paulit-ulit na
inuuntog sa makapal na dingding. Nagising rin si mama pero pilit nyang pinapaniwala saakin na
wala lang iyun. Na baka bukas lang ang mga bintana at nahangin ang mga gamit. Di ko na lang
tuloy pinansin. Kapag umaga naman, biglang may nahahagip ang paningin ko na may
tumatakbong babae na kasing edad ko yata. Di ko nakukomperma kung kaluluwa ba iyon o guniguni dahil maiilap sila. Di ko alam kung alam ba nilang nakikita ko sila o hindi. Sa pangatlong
gabi naman namin, ginising kami ni mama ng madaling araw. Magsisimbang gabi raw kami. Dun
ako nakakita ng totoong 'black parade'. Papunta kami ng simbahan, nakasakay lang kami sa
tricycle. Nasa likuran ako ng driver pumwesto. Nang dumaan kami ng crossing, sa kabilang daan

nakita ko ang mga taong nakabelong itim, itim lahat ng damit at parang pumaparada dahil narin
sa paglalakad nila. Di ko naaaninag ang mga paa nila kaya mistulang nakalutang sila sa ere.
Habang tinititigan ko ang mga pumaparada, hinawakan naman ni mama ang kamay ko kaya
napalingon ako sakanya na nasa sidecar ng tricycle. "Tumingin ka lang sakin Faith" utos nya
saakin kaya nagtaka na ako. Nang nasa simbahan na kami, naghanap na ng mauupuan sina
papa at Matthew habang ako naman pinaiwan ni mama para magsindi ng kandila na nasa gilid
ng pintuan. "Sa susunod na makakakita ka ng ganun, wag mong tititigan" biglang saad ni mama
na ipinagtaka ko. "B-bakit po? nakita mo rin po sila?" "Kukunin ka nila, basta wag ka na lang
tumitig sa susunod" Nanlamig ang buo kong katawan ng marinig ang impormasyong iyon. Nang
natapos ang misa, isinama pa ako ni mama kay Father. Pinabasbasan nya ako. Minsan talaga ang
weirdo ni mama, ba't ako lang at si Matthew hindi naman. Nang pauwi na kami, madilim parin
ang paligid. Sa loob ng tricycle na ako pinasakay ni mama kasama namin si Matthew habang sa
dati ko namang pwesto naupo si papa.
Wala siguro akong mapapala kay mama dahil kanina ko pa sya tinatanong tungkol sa black
parade pero wala syang sinasabi. Lumapit na lang ako ki lola na nasa kanyang tumba-tumba at
nagpa-kwento. "Ang alam ko apo, sila yung mga kulto. Mga dating myembro na matagal ng
patay. Ang sabi-sabi, yung may mga third eye lang ang nakakakita sakanila. Pinagbabawalan ng
mga matatanda na tumitig sa parada dahil naghahanap ang mga ito ng tutulong sakanila para
makipagkumunika sa mga sinasamba nilang espirito" kwento nya saakin. Napaisip ako, hindi
tungkol sa parada kundi tungkol sa nakita ni mama. Kung ang may aktibong 6th sense lang
nakakita sakanila, si mama rin kaya? Kagaya ko rin ba sya? Minabuti ko munang hindi gambalain
si mama. Kung gusto nyang malaman ko, sasabihin nya rin naman yata.
Pang-apat na araw na namin dito kina lola, umalis si mama at papa, papuntang palengke. Si
Matthew naman niyayang makipagbasketball ng kapitbahay nina lola. Sina lolo may meeting sa
kooperatiba nila. Kaya heto, naiwan naman ako sa bahay kasama ang dalawa kong pinsan at si
Tita Abel. Ibinilin muna sakin ni Tita ang dalawa kong pinsan, naglalaba pa kasi sya. Nasa sala
lang kami ng mga pinsan ko. Nakikipaglaro ako kay Nikka, 5 years old habang tulog naman sa
duyan si Mikey, 1yr old. Habang sinusuklayan ko ang manika ni Nikka, napansin kong nagising si
Mikey. Nakatayo na ito sa duyan kaya kinabhan ako na baka mahulog. Enjoy na enjoy pa yata ito
sa pagtayo kasi nakangiti pa. Napaka-unusual kasi kapag bagong gising si Mikey, palagi syang
umiiyak taliwas sa nakikita ko ngayon. Kaya agad kong nilapitan, halos mapatili ako nung
tumalon sya palabas ng duyan. Pero nung nalapitan ko ang duyan, nakita kong tulog na tulog
parin si Mikey. "Sino iyong tumalon?" natanung ko na lang sa sarili ko.
Di ko na lang pinansin, 'baka guni-guni ko lang' saad ko sa sarili ko. Nang bumalik na ako sa tabi
ni Nikka, nagring naman ang cellphone ni Tita na nakapatong lang sa may TV kaya ako na ang
kumuha. Baka kasi si Tito Alex 'to na nasa Dubai. Pero nang chineck ko ang cp ni Tita, wala
naman tumatawag at bigla na lang nagshutdown. Halos mabitiwan ko ang cellphone nang may
naaninag ako sa reflection na itim na tao sa likuran ko. Agad akong lumingon pero wala naman
tao, maliban kay Nikka na malayo naman sakin. Sunod kong naaninag ang mabilis na pag-akyat
sa hagdan ng isang babae kaya sinundan ko naman ito. Pero pagkarating ko sa pangalawang
palapag, wala naman akong nakitang kakaiba. "Wag nyo 'kong pagtripan!" ani ko kahit wala
naman akong kausap. "Ate Fay, sino kausap mo?" narinig kong tanung ni Nikka. "Ah wala Niks" at
bumalik na lang ako sa tabi nya.
Ika-apat naman ng gabi, may nangaroling sa amin. Tatlong babae at dalawang lalake, binigyan
ko sila ng 100. "Tig-tu-twenty kayo nito ha" saad ko dun sa parang leader nila. "Baka, tig-tu-

twenty-five po? 100 divide 4 diba equals 25?" mukhang bibigyan pa nya ako ng calculator kaya
binawi ko na lang sinabi ko. "Joke lang, alam ko namang apat lang kayo" ani ko at nagkunwari pa
akong natatawa. Paulit-ulit ko pa silang binilang habang papaalis na ang mga ito. Lima talaga
sila. Ewan ko nga ba kung bakit mas maraming kababalaghan dito kumpara sa Quezon.
Binaliwala ko na lang ang oras-oras na pagpaparamdam saakin. Binuksan ko na lang ang
cellphone ko para makibalita kay Jane. Saktong pagka-bukas ko ng cp, pangalan agad ni Harvey
na tumatawag ang bumungad saakin. Kaya sinagot ko na. "HAY! after 999,999,999 years!
sinagot mo rin ang tawag ko" pambungad nya saakin. "Problema mo?" tanung ko naman agad.
"Wala lang, baka kasi namimiss mo na ako kaso nahihiya ka lang tawagan ako" pang-iinis nya
kaya binabaan ko. Ilang segundo pa ay tumawag ulit sya. "Ito naman hindi mabiro" "Anong
kailangan mo?" tanung ko agad sakanya. "Hmf.. ano, itatanung ko lang kung sino yung gumanap
na casper" sagot nya. "Mukha ba akong google?" "Ai hindi ba? Nasa iyo na kasi lahat ng
hinahanap ko" sabayan pa ng nakakaloko nyang tawa kaya binabaan ko na ulit. Sa pangatlong
tawag nya, nainis na talaga ako, "PROBLEMA MO BA MENDEZ?!" Natigilan lang ako nang puro
tawa lang ng babae ang naririnig ko. 'Ano bang gimik ng Mendez naito?' naitanung ko na lang sa
sarili ko. Bigla ko na lang nabitawan ang cellphone nang sumigaw ang babae. Halos mabingi ako
sa lakas ng pagkakasigaw nya. Nang tiningnan ko ang call logs, dalawang beses lang naman
tumawag si Harvey at walang naka-register na number sa pangatlong tawag.
Nang ika-limang araw naman, nagyaya si Tita Abel na pumasyal sa buong Legaspi. Una naming
pinuntahan iyong Kawa-Kawa. Napakaganda, halos three-forths ng lugar ay puro sunflowers.
Nang sa Linnon Hills naman, gustong-gusto kong sumama para libutin ang lugar, kaso pinaiwan
na lang ako ni mama kasama sya dito sa van. Ewan ko nga ba, napaka-unusual ng inaakto nya.
Dumungaw na lang ako mula sa bintana, 'kaya pala' saad ko sa sarili ko. Kaya pala di na ako
hinayaang lumabas ni mama. Masyadong haunted ng mga kaluluwa ang buong lugar. Nasa baba
pa lang ng Linnon Hills, tanghaling tapat, isang sundalong walang ulo na ang nakabantay. May
ilan ring mga kaluluwa ng sundalo. Wala naman akong alam sa history ng Linnon Hills kaya
nangalap ako sa internet. Mabuti na lang at may data pa ako. Dati pa lang kuta ito ng mga
sundalo noong panahon ng gyera.
Nang papunta na kami sa Cagsawa church, nag-aya ng umuwi si mama. Siguro dahil haunted rin
ang lugar naiyun. Kilala ang simbahan dahil isa ito sa natabunan noong sumabog ang Bulkang
Mayon, daan-daan rin ang nasa loob noon dahil akala nila ay maisasalba sila. Nang sumapit ang
gabi, kagaya parin ng dati. Maraming pagpaparamdam akong naranasan. Nagkaron narin ako ng
lakas ng loob para kausapin si mama tungkol sa abilidad namin. Nung una ay nagalit sya, sumpa
raw ito kaya wag kong pinagsasabi. "Bakit po ba? ano ba tayo?" Nag-alinlangan pang magkwento
si mama pero bumigay rin naman. "Bawat unang babae sa kada henerasyon natin, nagkakaron
ng ganitong kakayahan. Ang kwento ng lola ko, o lola mo na sa tuhod, isa sa mga ninuno natin
ang nagkaron ng kaibigan na engkanto. Dun nya nakuha ang ganitong abilidad. Sa paniniwala
ngayon, masama ang may ganitong abilidad. Nakikita natin ang dapat ay hindi, kaya tinuturing
'tong sumpa"
Nang gabing iyon ko rin nakumpirmang, hindi ako nag-iisa. 24 ng umaga, tulong-tulong na kami
sa pagluluto ng pang noche buena. Nagsimba pa kami kinagabihan. Pagkatapos ng noche buena,
nauna na ako sa kwarto namin dahil narin sa antok habang sila naman ay nasa sala pa. Isa na
yata sa dapat kong pagsisihan iyon. Nang nahiga na ako sa kama, biglang bumigat ang
pakiramdam ko. Parang may nakadagan sakin pero wala namang ibang tao sa kwarto. Sunod na
gumambala sakin ang biglang pag-uga ng kama. Ewan ko ba kung anong tumulak sakin at
dumungaw ako sa ilalim ng kama. Wala akong ibang nakita maliban sa isang pares ng paa na

alam kong hindi akin. Halos matuod na ako sa pagkakadungaw ko, baka kasi kapag lumingon ako
nasa harap ko na ang kung ano. Nang nawala na ang paa tsaka lang ako nakaupo ng maayos na
agad ko namang pinagsisihan dahil nasa paanan ko na ang isang babaeng lumuluha ng dugo.
Gustuhin ko mang sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.
Sinisimulan kong idasal ang 'Our Father' pero hindi ko matapos tapos. Para akong na-mental
block habang nakikita ang babae na unti-unting gumagapang papunta sakin. 'God is with me'
yan na lang ang nabanggit ko at pinilit ko na lang pumikit. Nang ipinikit ko ang mata ko, yun
naman ang pagmulat ko sa totoong mundo. Isa lang palang panaginip ang pangyayaring iyon.
Ngunit hindi ko lubusang naigagalaw ang katawan ko. Sleep Paralyze. Pinipilit kong igalaw ang
buong katawan ko pero hindi ko magawa. Hanggang sa may pumasok na kung ano sa kwarto.
Hugis tao. "Sino ka?" kahit sa dalawang salita lang, para bang lahat ng lakas ko ang nagamit.
Lumapit sya akin at naupo rin sa may paanan ko. Walang syang mukha. Pinisil nya ang paa ko na
naging dahilan kaya nagising na talaga sa ikalawang panaginip. "Ok ka lang Faith?" rinig kong
tanung ni mama mula sa labas ng kwarto. Sasagot na sana ako nang napagtanto kong katabi ko
na si Matthew at tulog narin sa sahig na sina mama at papa.
Binaliwala ko na lang ang narinig ko at bumalik na ako sa pagkakatulog. Naalimpungatan ulit ako
dahil sa uhaw kaya bumaba ako ng kusina. Nasa hagdan pa lang, kitang-kita ko na si Anty Abel
malapit sa may ref. Nakatalikod sya saakin pero alam kong sya iyun dahil sa damit na suot-suot
nya at sa hubog ng katawan nya. Nakatayo lang sya sa harap ng pridyeder at hindi gumagalaw
kaya tinawag ko ito. Nagsusumigaw na ako nang lumingon si Anty Abel, dahil hindi ito bastabastang lumingon. Umikot lang kasi ang ulo nya, hindi kasama ang katawan. Ni hindi gumalaw
ang balikat. At mas kinilabutan ako nang nagbend sya patalikod at naglakad ng ganung hitsura
papalapit saakin. Halos hindi na ako magkamayaw sa kakasigaw kaya nagising ko ang mga tao
sa bahay. "Anong problema?!" natatarantang tanong ni papa. "Si Anty Abel!" yan na lang
naisagot ko. "Bakit? anong meron?" naguguluhang tanong ni Anty Abel na kakalabas lang ng
kwarto nila.
Ikinuwento ko kina mama ang naranasan ko ng gabing iyon. Kinabukasan may pinapuntang
albularyo sa bahay sina Lola. Ansabi, magaling daw ito. Sabi nya, gusto daw akong paalisin ng
mga namamahay na kaluluwa. Alam daw kasi ng mga kaluluwa naiyun na gusto kong paalisin rin
sila. Simula pa lang nang dumating ako sa bahay, pilit ko raw silang hinuhuli. Kaya sa araw ring
iyon, nag-aya ng umuwi si mama sa Quezon. Pinagsabihan pa ako ni mama na wag ng gumawa
ng hakbang para makausap ang mga kaluluwang iyon dahil magiging komplikado raw ang lahat.
Gabi na kami nakauwi. At dahil napaka-boring talaga dito sa Quezon, buong araw na lang akong
kaharap ng DVD, nanunuod ulit ng anime. Nalaman rin naman ni Jane at Harvey na nakauwi na
ako kaya nagbabalak ulit silang tumambay dito sa bahay. Kaya halos limang araw silang present
sa bahay. Ok lang naman kina mama. Natutuwa rin si Matthew para sakin, di na lang raw si Jane
ang makakausap ko na puro kababalgahan lang ang alam.
"Alam mo Ate, cool kaya si Kuya Harvey" biglang sabi ni Matthew nang papatulog na kami. "Oo
siguro, parang ganun na nga?" sagot ko. "Pogi at astigin pa" muli nyang saad. "Oh? di ka naman
yata interesado sakanya diba?" paninigurado ko. "I'm not gay Ate! basta ok na ok si Kuya Harvey
para sakin" "Ano bang pinagsasabi mo jan ha?" nagtatakang tanong ko. "Wala lang, naisip ko
lang... cool syang maging older brother" "Gusto mo ng magpaampon?" "Hindi! Naisip ko lang...
pwede naman yatang kayo na lang diba, girlfriend-boyfriend?" sagot nya na ikinainis ko agad.
"Manahimik ka nga Matthew, ke-bata bata pa namin tapos yan na agad isina-suggest mo? Kay
papa mo yan sabihin kung di ka nya masermonan" "Pe-pero, bagay kayo ni Kuya" pambubwelta
nya. "Matthew, matulog kana" utos ko sakanya. "Faivey" panunuya nya

Ewan ko nga ba kung anong pinakain ni Harvey sa kapatid ko. Ipinagdiwang namin ang bagong
taon ng kami-kami lang nina mama, papa at Matthew. Sa rooftop na lang kami nagsindi ng
sparkle, masyado kasing delekado sa kalsada. Habang pinagmamasdan ko ang mga maliliit na
baga, biglang ako nagkaron ng vision. May nakita akong ataol na ibinabaon sa lupa. Hindi ko
matukoy kung sino ang nasa loob dahil nakasara naito. Biglang sumikip ang dibdib ko, hindi ko
alam kung bakit. Hanggang sa isa-isa ng tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit ganito
ang naging epekto sakin. Usually kapag may ganito akong vision, agad kong tinatanggap, pero
ba't ngayon parang ayokong tanggapin? Sino ba iyon? Hindi napapansin nina mama na umiiyak
na ako dahil nakatalikod ako sakanila. Ayokong magsabi tungkol sa vision ko, mangangamba lang
sila. Tinext ko na lang si Jane tungkol sa nakita ko.
Ayoko man isipin na baka isa sa pamilya ko ang mamamatay, may posibilidad parin. Ramdam ko
na malapit saakin ang taong iyon. Nang pasukan nanaman, yung nalalapit naman na 3rd
periodical test ang pinaghandaan namin. Natapos ang January na wala namang nangyayaring
masama sa isa sa pamilya ko pati narin kina Jane na halos pangalawang pamilya ko narin. Nang
dumating ang huling araw ng Enero, nagkaron ulit ako ng pangitain sa panaginip. Nakita ko ang
sarili ko na umiiyak. Tinatahan naman ako ni mama. Pilit kong tinitingnan ang ibang detalye ng
libing pero iyung pagbababa lang ng kabaong sa hukay ang nasasaksihan ko. Valentines program
naman ang pinaghandaan ng buong school. Natoka sa year level namin iyong marriage booth at
harana booth. Kaya busy sila. Karamihan naman kasing gumagawa ay puro nasa section 1, kaya
kaming nasa section 3 tumatambay lang.
Nasa room lang ako, nag-sketch ng mukha ni L na bida sa favorite anime ko na 'Death Note'.
Nang may biglang nagkantahan, mga lalakeng kaklase namin. Ang baduy ng kanta, 'Sa isang
sulyap mo'. Di ko talaga trip ang kanta nila kaya sinuot ko na lang ang earphone ko at nakinig sa
mga anime songs. Napailing pa ako dahil pangit ang pagkakaguhit ko ng panga ni L. Natigilan
lang ako nang maramdaman kong may naupo sa katabing upuan ko. Nang nilingon ko, si Harvey
lang pala. Nakakunot ang noo nya at parang naiinis. Binaba ko na lang ang earphone ko at
tinanong kung anong problema nya. "Ewan ko sayo" saad nya sabay walk out. Nang inilibot ko
ang mata ko, halos lahat ng kaklase namin ay nakatingin saakin. Parang bigo pa mga mukha nila.
Bigla namang lumapit saakin si Jane para tanungin lang ako kung anong ginawa ko. Kesyo ayos
naman daw si Harvey. Gwapo, mabait ng kunti, gwapo, medyo may pagka-assuming lang pero
gwapo. Di ko naiintindihan pinagsasabi nya kaya nagpatuloy na lang ako pagsketch.
Hindi na ako pinansin ni Harvey matapos ng araw naiyon. Di ko narin sya pinansin. Hanggang sa
dumating ang Valentine's Day, tinanong ko kung nasan si Jane pero di nya ako sinagot. Nagwalk
out ulit sya. Nang nakita ko si Jane, agad ko naman tinanung kung ano ba talagang problema
sakin ni Harvey at ganun na lang sya umasta. "May karapatan naman syang magtampo, Faith."
sagot nya. "Wala naman akong ginawang against sakanya diba?" "Aba Faith, may amnesia kaba?
nagtapat sya sayo, tinanung ka nya kung pwede manligaw. Umiling ka lang na parang may
nakasulat jan sa noo mong 'NEXT PLEASE'. Ni hindi mo man lang sya tiningnan" paliwanag nya.
"Siguro nga may amnesia ako, wala kasi akong maalalang may nangyaring ganyan" Napasapo na
lang sya ng noo. Nang nakita kong dumaan sa corridor si Harvey, nagpaalam muna ako kay Jane.
Dapat yatang mag-usap kami. Tinawag ko sya pero di sya lumilingon, nagtatampo talaga kaya
sinundan ko na lang.
Naramdaman nya yatang sinusundan ko sya kaya bigla sya tumakbo at pumasok sa CR ng mga
lalake na nasa pinaka-dulo na ng mga rooms. Akala nya siguro aalis agad ako kapag nasa loob
sya ng CR. Ang ginawa ko ay naghintay na lang ako sa labas. Ang pinagtataka ko lang,
napakatagal nya sa loob. Wala ring lumalabas at pumapasok sa CR simula ng pumasok sya.

Halos kalahating oras na ako sa labas kaya kinabhan na ako, baka kung ano na ang nangyari
sakanya. Nang halos isang oras na sya, kinatok ko na ang pinto. 'Sobra na ang pag-eemote nya
ha' saad ko sa sarili ko. 'Bahala na nga, sya lang naman yata ang nasa loob' ani ko at ipinihit ko
na ang doorknob. Pagbukas ko ng CR, wala agad akong nadatnang tao. Inisa-isa ko pa ang
cubicles pero wala ring tao. Imposibleng lumabas sya ng bintana, e' sobrang liit ng bintana dito,
kahit binti ay hindi kakasya.
Bumalik ako sa room ng naguguluhan parin. Sigurado talaga kasi ako na nakita ko sya pumasok
dun, pero napanung nawala sya. Doppelganger nya ba iyong sinundan ko? Nang nakita ko sya
papasok ng room, agad ko syang hinarangan. "Sa'n ka nanggaling?" tanung ko sakanya. "Ano
bang pake mo?" saad nya at lalagpasan nanaman ata nya ako kaya biglang ko syang itinulak sa
pader at diniinan ang dibdib nya. "Tinatanong ko kung sa'n ka galing?!" "A-ano ba.. bitawan mo
nga ako" ani nya habang pinipilit na maging mukhang matapang. "Di ko kelangan ngayun yang
tampu-tampuhan ko. Tinatanong kita kaya sagutin mo ako" madiing utos ko. "S-sa jail booth,
dalawang oras akong kinulong dun kasama yung freshmen na may gusto sakin, bakit ba diba
wala ka namang pake~" Binitawan ko na lang sya at bumalik sa upuan ko. Hindi naman multo
ang nagpakita sakin kanina dahil nawala din agad ng hindi ako tinatakot. Siguro doppelganger
nya nga ang nagpakita sakin. Wala naman yatang ibig sabihin iyon diba?
Ikinuwento ko kay Jane ang nakita ko kanina habang papauwi kami. "Kung ka-double nya nga ang
nakita mo, ibig sabihin masamang pangitain na yan. Faith... hindi kaya si Harvey iyong nasa
panaginip mo?" "Hindi ko alam... hindi ako nakakasiguro. Pero dapat yata nating bantayan si
Harvey" saad ko. Tumango na lang sya. Kinabukasan, pinilit ko na talagang magkaayos kami.
Kinaladkad ko sya papuntang likod ng bldg.1. "Bakit nanaman Faith ha? Ba't mo ba ako dinala
dito?" naiinis na tanong nya. "I.. I'm sorry. Kung ano man iyon, sorry ha" saad ko. "Di ko kelangan
ng sorry mo" at naglakad na sya palayo sakin. "Harvey, pakinggan mo muna ako" "Para ano pa?
diba di mo naman ako gusto? ok lang" sabi nya habang naglalakad parin ito palayo. "I love you"
salitang binitawan ko na nakapagpahinto sakanya. "A-anong sabi mo?" "I love you. I... I'm so
inlove with you Harvey Mendez. Kaya... wag mo na akong iwasan" pagsisinungaling ko. Sorry
Harvey, I have no choice.
"Yun lang ang alam kong paraan para oras oras ko syang mabantayan" sagot ko kay Jane nang
nagkausap kami sa labas ng bahay. "Ano kaya kung totohanin mo na yan? Para di na sya
masaktan kapag nalaman nya ang totoo" "Nakababatang kapatid lang ang turing ko sakanya."
muling sagot ko. "Hindi ba talaga pwede?" "Hindi, hindi ko sya kayang mahalin." "H-hindi mo
kaya?" Halos lamigan ako ng katawan ng marinig ko ang basag na boses ni Harvey. Sabay
kaming napalingon ni Jane. Nadatnan namin si Harvey na nakatayo habang may hawak na
bulaklak. Lalapitan ko na sana sya nang tumakbo ito palayo. Hinabol ko narin sya. Nang nasa
highway na kami, napatili na lang ako nang bigla syang nahagip ng 10 wheeler truck. Nasaksihan
ko kung panu nadurog ang katawan nya nang nagulungan ito. "HARVEY!" "Ate! gising,
nananaginip ka" Nang nagising ako sa masamang panaginip, umiyak na ako. Napakabuti nyang
kaibigan, di sya pwedeng mamatay.
Nasabi ko agad ang tungkol sa panaginip ko kay Jane. Kaya dobleng bantay na ang ginawa
namin. Noong isang araw muntik pang mahulugan ng nasirang elisi ng electric fan si Harvey. Buti
na nga lang at nahigit ko sya, kung hindi, napugutan na sana sya ng ulo. Kahapon naman,
muntikan na syang mahagip ng rumaragasang kotse na napag-alamang lasing ang driver. At
hindi ako ang sumagip sakanya, kundi iyong espirito sa likod nya. Alam namin ni Jane na hindi
lamang kapabayaan ang mga nangyari. "Ipapakilala kita kina mama at papa mamaya" biglang
saad ni Harvey. "B-bakit naman?" nauutal kong tanong. "Kasi girlfriend na kita?" patanong nyang

sagot habang nagpipigil ng ngiti. "Ansaya naman sabihin iyong 'girlfriend na kita'" ani nya at
inakbayan ako. Ngumiti na lang ako ng pilit. Lilinawin ko sakanya ang lahat kapag alam kong
ligtas na sya. Pero sino ba ang makakaligtas sa kamatayan? Wala naman, ano mang oras
pwedeng mamatay ang isang tao. Pero gusto ko munang mabuhay pa sya, marami pa syang
pangarap.
Pagkatapos ng klase, inaya nya na akong sumama sakanya. Sumakay lang kami ng tricycle at
bumaba kami ng memorial park. "Ba't andito tayo sa sementeryo?" tanong ko sakanya.
"Ipapakilala muna kita kay mama" sagot nya habang nakangiti. Sa sinabi nya palang,
nagsuspetya na ako kung sino iyong nasa likuran nya. Huminto kami sa harap ng isang
gravestone. "Floranza DL. Mendez?" "Oo, siya ang mama ko. Ma, girlfriend ko po, si Faith" May
picture rin ito sa gravestone. At tsaka ko lang nakomperma na mama nya nga iyong earth-bound
spirit sa likuran nya. "Alam mo ba Faith, sya na ang pinaka-dabest mama sa buong mundo. Pinili
nyang buhayin ako kahit delekado para sakanya" saad nya. "A-anong ibig mong sabihin?"
"Inoperahan si mama sa puso noong teenager pa lang sya. Pero nung ipinagbuntis nya ako,
bumukas daw ulit ang butas na inoperahan sakanya. Lumalaki ang butas habang lumalaki rin ako
sa tiyan nya. Pinapili sya kung itutuloy paba ang pagbubuntis nya o ipapalaglag na lang ako, and
she chose me"
Natahimik na lang ako. Hindi ko alam kung mapagagaan ko ba ang loob nya habang inaalala nya
ang mama nya. "Miracle baby raw ako sabi nina papa pero nandahil naman sakin kaya sya
namatay" Niyakap ko na lang sya, hindi talaga ako magaling mag-comfort ng kaibigan. Sanay
akong tinititigan lang si Jane kapag malungkot o umiiyak sya. "Haha, ano ka ba. Ok lang ako,
kahit naman wala na si mama ramdam ko parin na mahal na mahal nya ako. Pero para sa yakap,
hihi" panunuya nya kaya lumayo na lang ako sakanya. Sa puntong ito, ako narin ang kumausap
sa mama nya. Nakatitig ako sa mata mismo ng kaluluwa pero nagmumukhang kay Harvey ako
nakatingin. "Ma'm 'tong anak nyo, napaka-feeling close. Napakabuti ring kaibigan. Salamat rin po
sa sakripisyo nyo para sakanya, nandahil dun, heto sya, maraming napapasayang kaibigan."
Napangiti si Harvey at niyakap ako. Napangiti rin sya saakin. Talagang undying ang pagmamahal
ng magulang sa kanyang anak. Kahit patay na ito, heto parin sya at binabantayan si Harvey.

Pagkatapos ay isinama nya naman ako sa bahay nila. Dun ko nameet ang papa at stepmother
nya. Mukhang mabait naman sakanya ang stepmother nya, at naging maayos naman ang
pakikitungo nila sakin. Nang malapit ng magdilim, nagpaalam na ako sakanila. Pilit pa akong
ihatid ni Harvey, pero dahil kaligtasan nya ang iniisip ko di ko na sya hinayaang lumabas pa ng
bahay. Gabi-gabi ko nanamang napapanaginipanang pagkamatay ni Harvey. Laging nagtatapos
ang panaginip ko sa mismong burol nya. Dahil malapit na naman ang graduation para sa junior
high school, nagschedule na ang mga grade10 teachers para sa recollection. Isang oras ang
byahe papuntang retreat house. Gusto ko ngang wag ng sumama kami ni Harvey. Baka may
mangyaring masama kay Harvey sa byahe o sa mismong retreat house. Kaso inoblegang sumali
kaming lahat. Tatlong araw at dalawang gabi kami doon kaya halos maleta na ang dala ko.
"Deretsong tanan na ba natin 'to?" panunuya ni Harvey na ikinakilig naman ng mga kaklase
namin. Halos mapangiwi na lang ako sa ideyang iyon. Incest ito, yan lagi ang nasa isip ko.
Feeling ko nakikipagrelasyon ako sa kapatid ko. "Tara na nga" saad ko sakanya at sumakay na
kami sa service van ng eskwelahan. Sa awa naman ng Diyos, nakarating kami ng ligtas sa retreat
house. 10 rooms lang ang available, apat para sa mga lalaki at anim naman para sa mga babae.
Mas marami rin kasing bilang ang babae kumpara sa mga lalake. Sa unang araw, nag-umpisa

agad kami sa unang session, tungkol sa sarili. By section kami na may nakatalagang dalawang
seminarista para mag-assist. Naging maayos naman ang unang araw. Mas lalo naming nakilala
ang aming sarili at nalaman rin namin ang tingin ng iba sa aming sarili. "Alam mo Faith, parang
kakaiba ang retreat house na'to. Parang... napakalungkot" puna ni Jane. "Bawal naman kasi ang
maingay kaya parang malungkot" saad ko kahit sang-ayon ako sa napuna nya.
Kahit marami kami sa retreat house, ramdam na ramdam ko parin ang pagiging tahimik at
malungkot ng buong lugar. "Oi, wag muna tayong matulog ha. Kwento munang katatakutan"
saad ni Leila nang nakahiga na kaming lahat sa sahig. 20 kaming lahat at puro pa mga babae.
"Tumigil ka nga Lei, matulog na tayo" tugon naman ni Hannah na halata namang natatakot.
"Duwag ka talaga kahit kailan" panunuya ng kaibigan. Maingay pa ang iba samin, chismisan at
soundtrip. Natigil lang ata ng sandali ng kumatok yung isang guro para e-check kami at bilinang
matulog na. Tinext ko narin si Harvey na wag ng lumabas at wag hihiwalay sa grupo nila.
Nagtaka sya kung bakit ganun na lang pagbibilin ko, ang ending, sinabi ko na lang na
nagpapaka-sweet lang ako. "Guis, kung ayaw nyong matulog, magpatulog naman kayo o'.
Nakakaistorbo ang ingay nyo" naiinis na saad ni Jane. Halatang antok na antok na sya.
Tumahimik naman ang lahat. Pero nang nanahimik naman ang lahat, may mahinang daing
kaming narinig.
Kahit marami kami sa retreat house, ramdam na ramdam ko parin ang pagiging tahimik at
malungkot ng buong lugar. "Oi, wag muna tayong matulog ha. Kwento munang katatakutan"
saad ni Leila nang nakahiga na kaming lahat sa sahig. 20 kaming lahat at puro pa mga babae.
"Tumigil ka nga Lei, matulog na tayo" tugon naman ni Hannah na halata namang natatakot.
"Duwag ka talaga kahit kailan" panunuya ng kaibigan. Maingay pa ang iba samin, chismisan at
soundtrip. Natigil lang ata ng sandali ng kumatok yung isang guro para e-check kami at bilinang
matulog na. Tinext ko narin si Harvey na wag ng lumabas at wag hihiwalay sa grupo nila.
Nagtaka sya kung bakit ganun na lang pagbibilin ko, ang ending, sinabi ko na lang na
nagpapaka-sweet lang ako. "Guis, kung ayaw nyong matulog, magpatulog naman kayo o'.
Nakakaistorbo ang ingay nyo" naiinis na saad ni Jane. Halatang antok na antok na sya.
Tumahimik naman ang lahat. Pero nang nanahimik naman ang lahat, may mahinang daing
kaming narinig.
"Sino yun?" mahinang tanong ni Leila. Rinig na rinig parin namin ang daing. Ramdam sa bawat
daing ang sakit na nararanasan ng pinanggagalingan nito. Masyadong nakakakilabot. "Hoy,
walang takutan ha. Sino ba yan?" naiinis na tanong ni Dinah, class president namin. Walang
sumagot. Parang wala naman samin iyong tinig. "B-baka... taga kabilang kwarto lang?"
kinakabahang anas ni Hannah. Sunod naming narinig ang pagkatok sa pinto. Tatayo na sana si
Dinah para pagbuksan ito, pero pinigilan sya ni Leila. "Baka si Ma'm iyan?" saad ni Dinah. "Diba
ang sabi nina ma'm kanina, isang beses lang sila maglilibot." "Pero malay natin, bumalik kasi
maingay tayo" pagrarason ni Dinah. "Wag mo ng pagbuksan, hindi yan si ma'm. Magsasalita yan
kung susuwayin lang tayo" singit ko sakanila. Nang hindi namin pinagbuksan, biglang lumakas
ang mga katok sabayan pa ng iyak ng isang babae galing sa likod ng pintong iyon. "Oh my God..
iba na 'to" takot na ani ni Hannah.
Naiyak na ang ilan saamin dahil sa takot. Mas lalong kinilabutan ang lahat saamin nang nagsalita
ito. "Buksan nyo.. papasukin nyo ako.." Napakalamig ng boses nya, buong-buo rin na parang
nakulog sa isang kahon. "Ayoko na! Naiinis na ako! Sino ba yan? Nakakatangina na!" saad ni
Roxanne at dali-daling naglakad papuntang pintuan. Agad ko naman syang napigilan. "Wag mo
syang papapasukin kung gusto mong maging tahimik ang pananatili natin dito" payo ko. "Alam
mo Faith, di ka mukhang psychic. Kaya tigilan mo ako sa pagiging duwag at paranoid mo ha" inis

na saad nya at nilagpasan lang ako. "Roxanne! wala naman yatang mawawala sayo kung di mo
yan bubuksan ha!" pigil rin sakanya ni Dinah. "Meron! 'Tong katinuan natin ang mawawala kung
matatakot na lang tayo buong gabi." pagrarason nya. "Pigilan mo sya Faith... ah! nakakabaliw
'to!" bulong saakin ni Jane. Nang binuksan ni Roxanne ang pinto, wala naman tao. "Kita nyo? may
nantitrip lang talaga satin" saad nya. Pero mali sya. Maling-mali.
continuation: "Ayan, wala naman. Matulog na nga lang tayo" utos ni Roxanne at sinara na lang
ang pinto. "Faith, may something ba?" bulong sakin ni Jane. "Matulog na lang tayo. I-relax mo
ang katawan mo pagtulog, yung tipong di ka agad maaalimpungatan" payo ko sakanya.
Nanahimik ulit ang buong kwarto. Nawala narin ang mga katok at mga kakaibang tunog. Patulog
narin ang iba kaya pumikit na lang din ako pero hindi agad nakatulog. Nakikiramdam lang ako sa
paligid. Rinig na rinig ko ang bawat yapak ng paa sa sahid. Hindi sya tao, walang bigat ang
bawat yapak. Halos pigilan ko ang paghinga ko ng naramdaman kong nasa paanan ko na sya.
Huminto pa ito ng ilang sigundo. Nang nilisan nya ang pwesto ko, agad naman ako nakahinga ng
normal. "Ano ba Trisha? ba't ka nangungurot?" rinig kong reklamo ni Roxanne. "Ano bang
sinasabi mo? di kita kinukurot ha" agad na sagot ni Trisha. "shhh, ang ingay nyo" saway ni Dinah
kaya nanahimik ulit sila.
continuation: Naka-idlip naman ako. Pero naalimpungatan din dahil sa muling ingay. "Napakainit
nya talaga, tawagin na kaya natin si Ma'm?" rinig kong sabi ni Hannah. Bumangon ako at
nakipag-usyuso sakanila. "Anong nangyari?" "Inaapoy ng lagnat si Roxanne" sagot ni Trisha.
Nang nilingon ko si Roxanne na balot na balot ng kumot, agad akong napaiwas ng tingin. May
nakayakap sakanyang babae, walang mukha. "A-alam na ba 'to ni Ma'm?" muling tanong ko.
"Hindi pa nga e. Ikaw na kaya Faith pumunta sa kwarto nila?" suhesyon ni Dinah. "Sige, alam
kong may dala si Jane ng gamot. Gisingin nyo na lang" saad ko at agad na akong lumabas ng
kwarto namin. Halos mapahinto ako ng may makita akong nakatayong parang anino sa hallway.
Naalala ko tuloy yung bilin ni lola dati sakin, 'Kapag may nakita akong parang anino sa malayo,
ibig sabihin, may elementong malapit lang saakin'. Sunod ko namang narinig ang salitang "Ole,
ole". Nagmadali na lang ako sa paglalakad. Dahil 'look-up' ang ibig sabihin ng 'Ole'
continuation: Hindi ko alam kung bakit parang humaba ang hallway, mabilis naman ang
paglalakad ko. 'Ano yun' naitanung ko sa sarili ng may natanaw akong itim na bagay malapit sa
room ng mga advisers. 'OH GOD' bulong ko ng maaninag ko ng malinaw ito, mahabang buhok ng
babae pala ang itim naiyun. Kamay at paa lang ang nakikita. Bigla na lang akong kumaripas ng
takbo nang gumalaw ito at gumapang papuntang direksyon ko. Napaka-creepy ng paggalaw nya,
dahil sa mahabang braso at binti na nagsisilbing panlakad nya. Ang gusto ko na lang sa mga
oras na ito ay magising ako sa mala-bangungot na nararanasan ko. Mas napahiyaw pa ako ng
may humarang saakin na napakataas na lalaki. 6'9 yata ang height nito. Walang puti ang mata
nya at nakakakilabot ang ngiti nya. "Sasaaaama kabaaa saaamin?" saad nya na mas lalong
nagpasigaw saakin. Nakakaalis ng katinuan ang nakakatakot nyang boses.
continuation: "Faith?" bumalik lang sa normal ang lahat ng marinig ko ang boses ni Harvey.
Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko. "Ok ka lang? Anong nangyari? Ba't kaba nandito?"
sunod-sunod nyang tanung na hndi ko narin nasagot dahil nagdilim na ang paningin ko. Nasa
hallway parin ako, hinahabol ng babaeng mahaba ang buhok at gumagapang lang sa sahig. Hindi
ko alam kung ano bang katapusan ng hallway naito. Ni-hindi ko alam kung pasa'n na ba ako.
Hanggang sa nahulog ako sa madilim na lugar na naging dahilan kaya nagising na ako mula sa
bangungot naiyon. "Faith?" rinig kong boses ni Jane. "Hinahabol nya ako" tanging nabanggit ko.
"Panaginip lang yun" saad naman ni Harvey na hindi ko inasahan nasa tabi ko lang pala. "Aanong nangyari kagabi?" tanung ko sakanila. "Inutusan ka nina Dinah na tawagin lang si Ma'm

pero di ka na bumalik, kaya sila na lang ang tumawag. Hinanap ka naming lahat, buti na lang at
nakita ka ni Harvey. Nasa bakanteng lote ka sa likod ng mga rooms." kwento ni Jane.
continuation: Alam kong nasa hallway talaga ako kagabi kaya napanong nakarating ako sa likod?
"Oh sya, bumangon kna lang jan at maligo kana. 7:30 dapat raw nasa asign room na tayo" saad
ni Jane. Ako na lang pala ang di pa nakakaayos kaya nagpasama na ako kay Jane sa ladies room.
"Jane?" tawag ko sakanya nang nasa loob na ako ng cubicle. "Yes?" tugon nya. "Nasan ka?"
"Andito sa may salamin? bakit?" sagot nya. "W-wala" saad ko. Ilang hakbang pa mula sa cubicle
ang salamin. Siyam na cubicles pa ang available. At kami lang yata ni Jane ang nasa CR. Kaya...
bakit may pares ng paa akong nakikita mula sa likuran ng pinto ng cubicle naito? Minadali ko na
lang ang pagligo. Pagbukas ko ng pinto, wala naman tao maliban kay Jane na nasa may salamin.
"Oh? bilis mo naman" kumento nya. "Umalis na tayo dito" tugon ko at nagmadaling pumunta sa
pinto ng CR. Pagtingin ko sa door knob, may nakita akong reflection ng isang babaeng naka-tshirt
at jeans, e' naka-skirt naman si Jane at hindi naman ako yun.
continuation: Pagkarating namin sa kwarto namin naitanung ko na kay Jane kung kumusta na si
Roxanne. "Ayun nga, sobrang creepy ni Roxanne kagabi, sobra daw syang nilalamig pero tagiktik
sya ng pawis. Tapos tinataas nya pa ang dalawa nyang kamay habang nakahiga, sobrang putla
pa nya kaya mukha syang patay! Kapag nagsasalita sya, parang lagi syang may kasabay
magsalita sa huling word na sasabihin nya! Basta, para syang sinapian! parang hindi sya yung
kasama namin" kwento nya. Dahil sa ikinuwento nya, bigla na lang nagtindigan ang balahibo ko.
Napalingon rin ako sa bintana dahil parang may nakamasid saamin. 'HOLY!' bulong ko na halos
mapamura narin ako. Nakalutang na ataul! Sa labas ng bintana! Agad ko narin niyayang umalis
ng kwarto si Jane. Di ko narin ikinuwento ang nakita ko. Pero, pagkalabas na pagkalabas namin,
umalingasaw ang amoy ng furmaline. "Anong amoy iyon?" tanung ni Jane. "Tara na!" aya ko ulit
sakanya.
continuation: Naging maayos naman ang 2nd session. Sa umaga, nagdiscuss lang kami tungkol
sa interaction namin with others. Nang naghapon, ay yung sharing na. Ito yung nakakaiyak na
parte ng recollection. May tatlong kandila na may sindi sa gitna namin at may tig-iisang kandila
rin kaming hawak. Binigyan rin kami ng tatlong papel na hugis puso at may mga nakasulat na
'sorry', 'thank you' at 'I love you' Nakapalibot kami at isa-isang pinag-salita. Tahimik lang kaming
lahat at iyung nagbabahagi lang ang nagsasalita. Panglabing-lima na nang si Jane na ang
nagsalita. "Una, thank you... sa inyo guis. Dahil di ko naranasan ma-bully. Ito namang 'I love
you'.. para sayo Faith, AAH! once lang 'to girl kaya wag kang KJ ha. And 'sorry' Reina.." natahimik
sya ng kunti at sinindihan ang kandilang hawak nya. Lumapit sya kay Reina "Sorry kung feeling
mo pinagpalit kita kay Faith. Sorry... sa halos isang taon na di pagpapansinan" Naiyak narin si
Reina at nagyakapan sila. Original bestfriends.
continuation: Nang turn ko na, pumagitna narin ako. "Thank you~" di ku natapos ang sasabihin
ko nang may nahagip ang mata ko na bride's gown sa may bintana. Paa na nakalutang at
laylayan ng damit lang ang nakita ko. "Faith?" mahinang puna sakin ni Jane. "Thanks.. sa mga
naging kaibigan ko dito~" sa bawat pagkurap ng mata ko, parang parami ng parami kami sa loob
ng room. "S-sorry... sa~" halos di ako makapagsalita nang unti-unting dumadaloy ang kulay
dugong likido sa mga dingding. "S-sa... mga taong, masasaktan ko... Jane, Harvey~" Halos
mawalan ako ng hininga nang lumingon ako kay Harvey. May nakaitim sa likuran nya, di makita
ang mukha dahil sa hood na nakatakip dito. Bitbit nito ang imprint ni Harvey, duguan ang mukha
at tulala ang mga mata. Di ko na napigilang lumuha. Lumapit ako kay Harvey at niyakap sya,
"Po-protektahan kita... pangako" bulong ko sakanya. Nang humiwalay ako sakanya, saka naman
nawala ang mga aparasyun na nakita ko.

continuation: Nang natapos ang session, sinundan ko agad ang dalawang seminarista. "Oh
bakit?" puna saakin ni Brother Patrick. "Pwede ko po ba kayong makausap?" tanung ko. "Anu
yun?" saad ni Brother Jorem. "May alam po ba kayo sa history ng retreat house naito?"
Nagkatinginan silang dalawa at halatang may alam nga sila. "Ang kwento samin ni Fr. Jerome,
dati raw itong sementeryo. Siguro 100 years ago na.. 2016 ngayun, bale bago ang taong 1916.
Nalipat ang public cementery sa likod ng Doctor's hospital at pinatayuan ng simbahan dito,
kalaunan, nagkaron narin ng retreat house. Pero wag kang matakot, nasa banal na lupa tayo
kaya walang aswang ito" pabirong saad ni Bro.Patrick. Napatitig na lang ako sa batang babae na
nakatalikod, nakaharap sa isang pintuan. "Nakikita mo sila?" ani ni Bro. Jorem. Tumango na lang
ako. "Nanggugulo sila" pahabol kong saad. Tinapik na lang ni Bro.Jorem ang balikat ko. "Madalas,
nagbibigay lang sila ng babala"
continuation: "Babala? para sa ano po?" tanong ko. "Sa kamatayan mo o sa taong malapit sayo,
naidala ko dito ang kapatid ko bago sya mamatay. Lumulutang na ataul, amoy ng bulaklak at
kandila ang naging paraan nila para bigyan ako ng babala. Kaya mag-iingat ka palagi ha, and
always communicate with Him" bilin ni Bro. Jorem. Tumango na lang ako at nagpaalam narin.
Balisa ako hanggang sa hapagkainan. Nang nakarating ako sa kwarto namin, humiga lang ako sa
pwesto ko at pumikit, nagmeditate ako sa ganoong posisyon. Di pa ilang minuto, nagkaron na
agad ako ng vision. Nakaharap ako sa isang kabaong kung saan nakahimlay ang katawan nya.
Nakamulat sya, pinipilit nyang makalabas. Pinaghahampas nya ang salamin ng ataul. Nagsasalita
sya, pero wala akong boses na naririnig. Nababasa sa bibig nya ang salitang 'tulong'
continuation: Bigla na lang akong napamulat dahil kay Jane. Di na raw kasi ako humihinga.
"Nakita ko si Harvey~" Agad nya naman pinulot ang sinasabi ko. "May mga pasaway na lalakeng
lumabas ng retreat house. Kasama si Harvey" saad nya. Agad naman akong bumangon at dalidali kaming lumabas. Nasa labas narin ang ilan saming mga estudyante, mga pari, mga guro,
pati narin ang ilang seminarista. "Tigas kasi ng mga ulo! Dito pa sila nagpasaway! Kayo, walang
susunod sa labas ng retreat house ha!" utos samin ni Ma'm Santos, ang grade10 chairman.
Lumabas narin sya ng retreat house. "Ano bang nangyari?" usyuso ko kay Dinah. "Yung mga
classmate nating lalake, ayun lumabas. Ewan nga ba... basta ang sabi may nahulog daw sa
bangin sa may highway. May mga rescue team na nga raw sa labas" kwento nya. Tinatawagan ko
si Harvey pero ring lang ng ring ang phone nya. "Sino ba daw iyung nahulog?" tanung ko ulit kay
Dinah. "Di rin kumpirmado, narinig ko sa iba, si Lexter o si Harvey daw" sagot nya.
continuation: Mga ilang minuto pa kaming naghintay at dumating narin sina Ma'm Santos, ilang
mga guro at si Fr.Jerome, kasama sina Liam, Daryl at Xander, mga tropa ni Harvey. Linapitan ko si
Ma'm Santos at tinanung kung nasan na si Lexter at Harvey. "Dinala na sila sa hospital." sagot
nya. Tumango na lang ako at lumapit sa mga kaklase kong pinalibutan ang mga tropa ni Harvey.
"Nag-aya kasi si Harvey lumabas ng retreat house, manghuhuli daw kami ng ibon. Sinabihan ko
na nga na bawal, ito namang si Xander at Lexter payag na payag. Sigurado raw kasing maraming
ibon dito." rinig kong saad ni Liam. "Pumayag ka rin naman ha" bwelta sakanya ni Xander. "Tapos
ano pang nangyari?" tanung sakanila ni Trisha. "Ewan ko ba kay Harvey, una ang sabi nya parang
may tao daw na papalapit saamin, nakaturo sya sa highway. Pero nang deretso naming tiningnan
ang highway, wala naman. Sunod, sabi nya may dala raw itong itak at patakbo na daw papunta
samin kaya natakot narin kami. Hanggang sa nagkatulakan kami..."
continuation: "Di naman namin alam na pababa na ang lupa sa gilid ng highway, sakto si Lexter
at Harvey ang nasa unahan namin kaya sila yung gumulong pababa" kwento ni Daryl. "Ba't ba
nakitakbo kayo ki Harvey kung wala naman kayong nakitang taong may dalang itak?! Malay nyo
baka nang-gogoodtime lang sya?!" inis na saad ni Hannah, gf ni Lexter. "Nanakot rin kasi si

Lexter, nakita nya rin raw e'" sagot ni Xander. Pagkatapos ng usapang iyun, sermon naman
inabot ng tatlo sa mga guro. Halos lahat pa kami ay napagsabihan. Di narin naman kami
nakatulog hanggang sa pumatak ang alas-dose ng gabi, may tumawag na sa adviser namin at
sinabing maayos na raw sina Lexter at Harvey. Andun na rin raw ang mga magulang nila.
Kinaumagahan, puyat kaming lahat sa section pero nagkaron parin ng 3rd session, our
relationship with God. Puro discussion ang nangyari sa umaga at nagkaron naman ng mass nang
naghapon. Hanggang sa dumating ang alas-tres ng hapon, bumyahe narin kami pabalik ng
Quezon.
continuation: Private bus ang sinakyan namin pabalik. Habang nasa byahe, tumabi sakin si Daryl.
May gusto raw syang sabihin. "Nung gabing iyun, may nabanggit si Lexter kaya kami
nagtakbuhan. Yung taong may dala raw na itak, may hawak ring ulo sa kabilang kamay. Ulo raw
ni Harvey." kwento nya. "Di namin 'to sinabi sa iba, baka kasi matakot lang sila o baka di rin kami
paniwalaan. Pero naniniwala kami sa nakita ni Lexter, sya yung pinakamatino saamin kaya alam
namin nagsasabi sya ng totoo" Tumango na lang ako bilang tugon. Pagkababa ko sa street
papunta samin, nagkasundo kami ni Jane na magkita ulit para puntahan agad si Harvey sa
ospital. Kaya pagkauwi na pagkauwi ko, nagpaalam agad ako kina mama at pinaalam ang
nangyari kay Harvey. Nang nakarating kami sa ospital, nadatnan namin si Harvey at Lexter sa
isang room. Hospital cloth lang ang partition ng higaan nila. Nandito rin ang parents nila.
Nagmano kami sakanila at binalingan sina Harvey at Lexter na may mga benda sa katawan.
continuation: Nakaupo na sila. Naka-cast si Lexter habang may benda sa ulo si Harvey. "Mga
dakilang pasaway" kumento ni Jane. Inilahad lang ni Harvey ang kamay nya sakin. Tinitigan ko
lang ito. "Love?" nakangising saad nya. "Faith" pagtatama ko, tsaka ko inabot ang kamay nya.
Pinaupo nya ako sa tabi nya. "Asus..." parinig ni Jane. "Nag-alala ka ba sakin?" nakangiting
tanung nya. "Omeged!" tili ni Jane. "Hoy! panira ka!" saway naman ni Lexter. "Nag-alala kaming
lahat. Alam nyo namang bawal lumabas ng retreat house pero ginawa nyo parin at ikaw pa
talaga Harvey ang pasimuno ha. Para lang sa ibon? anu kayo, elementary?" naiinis kong saad.
"Ayieh... sinisermunan mo na ako ha" pang-inis nya at kinurot pa ang pisngi ko. "Di ako
nakikipag-biruan" "Ok ok... sorry na ha. Di na talaga mauulit yun." ani nya. Binalingan ko na lang
si Lexter. "Ano yung nakita ninyo kagabi? yung may dalang itak?" tanung ko. "H-hindi ko alam.
Naka-black hood iyun at di kita ang mukha, panglalake ang hubog ng katawan"
continuation: Hawig ang paglalarawan ni Lexter doon sa nakita kong aparasyun no'ng ikalawang
araw namin sa retreat house. "Tingin mo kaya Faith, si kamatayan na yun?" tanung ni Jane ng
naikwento ko sakanya ang nakita kong aparasyun. "Hindi ko alam, siguro ganun na nga.
Bantayan at ipagdasal na lang natin sya" saad ko. Tatlong araw absent sina Lexter at Harvey
kaya doble ang lecture na ginagawa namin ni Jane. "Ang bait talaga nating kaibigan nuh?"
sarkastikong komento ni Jane. Araw-araw rin naming dinadalaw ang dalawa hanggang sa lubusan
na silang nakarecover. Tinulungan pa namin sila makahabol sa mga lesson dahil malapit na ang
final exam. Hanggang sa dumating ang final exam, lahat naman kami nakapasa kahit pasangawa sa ibang subject. Ang mga sumunod na araw ay pahinga na sa mga aralin, pagpapaperma
na lang ng clearance ang inaatupag namin. Nang wala akong nahahagilap na subject teacher,
naupo na lang ako sa isang tabi at nanuod ng anime sa cellphone.
continuation: "Excuse nga muna Faith" saad ni Harvey na may hawak na extension chord. Tumabi
na lang ako dahil nasa likuran ko pala ang outlet ng kuryente. "Kanino yang extension?" tanung
ko. "Sa 10-A, magdedeliberation na daw ng honor para sa buong grade 10" sagot nya. Tumango
na lang ako at di na sana sya papansinin ng nahagip ng paningin ko ang tastas na insulator na
hinahawakan nya. Ipu-plug nya na sana nang bigla kong hinawi ang kamay nya. Nabigla rin sya

kaya nabitawan nya ang extension chord. "Magpapakamatay ka ba?!" inis kong saad at pinakita
ang parte ng wire na may tastas. "D-di ko napansin" mahinang sabi nya at halatang gulat pa sa
nakita. "Mag-ingat ka kasi" ani ko at sinamahan na lang syang humingi ng electrical tape sa T.L.E
office. "S-salamat Faith, di ko talaga nakita yun. Ewan ko nga ba, parang lutang ang isip ko
kanina" paliwanag nya. Napabuntong hininga na lang ako. Gustong-gusto ko syang pagsabihan
pero hindi yata 'to ang tamang panahon para sa sumbatan.
continuation: Nang dumating ang araw para sa moving up ceremony para sa senior high,
nagkaron ulit ako ng vision. Nang kinuha ni Harvey ang deploma nya sa junior high. Ako ang nagpicture sakanya habang nasa stage sya, tatlong beses ko sya nilitratuhan. At sa tatlong litratong
iyon mayroong black entity sa may itaas nya, hawak ang imprints nya. Nang pinasunod-sunod
ko, makikitang unti-unting nitong binibitawan ang imprints ni Harvey. Tapos naba? Ligtas na ba si
Harvey. Nang natapos ang program, naghiwa-hiwalay narin kami nina Jane at Harvey. Quality
time muna sa pamilya. Kumain lang kami sa labas nina mama, papa at Matthew. Siguro masyado
ko lang namiss makipag-date kina mama kaya parang angsweet ko ngayon. Nasabi ko kung ganu
ko sila kamahal, at kung ganu sila kaimportante saakin. Na-weirduhan pa sakin si Matthew, alam
nya kasing ayoko ng mga cheesy lines. Minsan lang naman ako ganito kaya dapat isulit ang
bawat pagkakataon na nagiging verbal ako sa feelings ko.
continuation: Kinagabihan, napanaginipan ko ulit si Harvey. Nakatalikod sya saakin habang
nakaharap naman ang mama nya. Hindi sya nagsasalita pero parang naririnig ko ang gusto
nyang sabihin. Gusto nyang ako na ang magbantay kay Harvey, kasi oras nya na para umalis.
Sinubukan ko syang pigilan pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Hanggang sa magising
na ako. Kinaumagahan, maagang pumunta sa bahay si Jane. May nagpakita raw babae sa
panaginip nya, hindi nya kilala. Nagpapasalamat sakanya ng hindi nya alam ang dahilan. Nasa
labas lang kami nag-usap dahil nag-gegeneral cleaning sina mama sa loob. "Nagpakita rin sya sa
panaginip mo." saad ko. "Sino?" "Mommy ni Harvey. Wala na sya, talagang umalis na sya" sagot
ko. "Wala na palang bantay si Harvey" mahinang sabi nya. "Jane, ibinilin nya sakin si Harvey. Ako
na raw magbabantay sakanya" "Ibig sabihin ba nito, magpapanggap ka paring girlfriend
sakanya?" tanung nya. "Siguro kailangan ko ng magpaliwanag sakanya" ani ko.
continuation: "Ano kaya kung totohanin mo na yan? para di na sya masaktan kapag nalaman nya
ang totoo" suhesyun nya. Napaka-pamilyar ng sinabi nya, parang narinig ko na. Pero binaliwala
ko lang at sinagot na lang sya, "Nakababatang kapatid lang ang turing ko sakanya" Bigla akong
natigilan ng marinig ko ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Magsasalita na sana si Jane nang
bigla akong lumingon sa likuran ko, naroon si Harvey, may hawak na bulaklak at gulat na gulat
ang mukha. 'OH GOD' sigurado akong isa ito sa mga panaginip ko noon. "H-Harvey.. wag kang
aalis jan" malumanay kong utos. "F-Faith? P-pinaglalaruan mo lang ako?" nauutal nyang sagot.
"Magpapaliwanag ako Harvey, wag kang aalis jan. Wag kang tatakbo" saad ko habang unti-unti
akong lumapit sakanya. Bago pa sya makatakbo, nahawakan ko na ang braso nya. "Harvey, isa
'to sa panaginip ko. Wag kang tumakbo! nanganganib ka" agad na ani ko. Akala ko nung una ay
naniwala sya pero bigla nyang binalibag ang pagkakahawak ko sa braso nya.
continuation: Itinapon nya rin ang bulaklak na dala nya. "Ayoko na Faith!" saad nya tsaka
tumakbo. Agad ko naman syang sinundan dahil alam ko na ang sunod na mangyayari. "Harvey
please! tumigil ka! makinig ka sakin!" sigaw ko habang hinahabol sya pero parang wala syang
naririnig. Hanggang sa makarating kami sa highway, humarap sya saakin habang umiiyak.
"Harvey, kahit ngayun lang... please, lumapit ka dito" Umiling lang sya. Dumoble ang kabog ng
dibdib ko nang makita ang truck na rumaragasa papalapit sa pwesto ni Harvey. Hindi pansin ni
Harvey dahil nakayuko lang sya. Wala ng ibang laman ang utak ko kundi ang iligtas sya. Kusang

gumalaw ang mga paa ko papalapit sakanya at agad ko sya tinulak. Hanggang sa wala na akong
maramdaman. Dumilim ang paligid ko.
continuation: Jane's POV Nadatnan kong may isinasakay sa ambulansya. Dinumog ng tao kaya
hindi ko makumpirma kung sino. Hanggang sa madatnan ko si Harvey, nakaupo sa pavement at
tulala. Nilapitan ko sya at pumantay sakanya. "N-nasan si Faith?" kinakabhang tanung ko. Nihindi sya natinag ng tanung ko. Nakatulala parin sya, hanggang sa tumulo lang ang mga luha
nya. Napaharap na lang ako sa dinudumog ng mga tao at ang papasarang ambulansya. Pinilit ko
agad tumayo si Harvey at kinaladkad sa mga umpok ng tao. At pinigilan ang pagsara ng
ambulansya, dun ko lang nakumpirma na si Faith nga ang laman nun. "K-kaibigan nya po kami"
saad ko sa nag-assist kaya pinayagan kami sumama. Nakapikit na si Faith ngunit halatang di pa
sya nawawalan ng malay dahil sa mabibigat nyang paghinga. Hinawakan ko ang kamay nya,
ramdam kong humawak rin sya sa kamay ko dahil sa paghigpit ng kamay nya. "F-faith.. naririg
mo ako? imulat mo lang ang mata mo.. Wag kang matutulog.. Faith"
continuation: Nakatulala parin si Harvey, ngayun ay sa duguang kamay ni Faith. Napansin ko ring
nanginginig na ang buong katawan nya, at di mapakali ang mga daliri. Natatakot rin sya sa kung
anong pwedeng mangyari kay Faith. Nakapikit parin si Faith, mahigpit parin ang paghawak nya
sa kamay ko. Nang malapit na kami sa hospital, biglang tumigil ang mabibigat nyang paghinga.
"Faith? hold on please" mahinang saad ko. Hanggang sa bumuhos na ang mga luha ko nang
lumuwag na ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Nang binuksan na ang ambulansya, may
doktor ng lumapit at chineck ang mga pulso ni Faith. 'Dead on arrival' mahinang sabi ng doktor.
Ipinasok si Faith sa hospital at idineretso sa morge. Iyak na ako ng iyak habang nanginginig ang
kamay kong itinitipa sa cellphone ang numero ng mama ni Faith. Kahit basag-basag na ang
boses ko, pinilit ko paring sabihin sakanila ang nangyari at kung nasang hospital kami. Agad
namang nawala sa paningin ko si Harvey.
continuation: Hinanap ko sya at nadatnan kong umiiyak sa may hagdan. "H-Harvey?" "Kkasalanan ko... di ako nakinig" bulong nya. "A-ako dapat ang nakaratay roon, hindi sya.."
Tinabihan ko na lang sya at pilit na tinatahan. "Ako ang pumatay sakanya?! Dapat ako ang
nandun!" saad nya at pinag-uuntog ang ulo sa dingding. Ramdam ko ang bawat impact ng paguntog ng ulo nya hanggang sa nagbigay sya ng espasyo para sa mas malakas pero wala akong
narinig na kahit ano. Parang nagkarong ng hollow space o may prumotekta sa ulo nya.
continuation: EPILOGUE Matthew's POV 10th death anniversary ni Ate Faith. It's been ten years
but it feels like it was just yesterday. Kumain pa kami nun sa labas matapos ng graduation nila,
and I clearly remember those sweet words she muttered. "Matthew, tandaan mo ha.. mahal na
mahal kita, kahit pasaway ka minsan. You're the best lil bro ever!" Hindi ko akalain na yun na
pala ang huling beses na maririnig ko sakanya iyon. During her burial, denial parin si mama nun.
She couldn't accept that she lost her only daughter, pati rin naman kami ni papa. Nandun rin si
Jane at Kuya Harvey, pero si Jane lang ang lumapit samin habang si Kuya Harvey ni-hindi
sinulyapan si Ate Faith. Jane told me, he still blaming himself and he can't afford looking Ate
Faith's corpse. Alam kong saaming lahat, sya ang matinding naapektuhan. He almost attempt
suicide, and I was there, shouting at him. "Anong karapatan mong sayangin ang buhay mong
naging dahilan ng pagkamatay ng Ate ko?!"
continuation: "Dad, who is she?" tanung ni Isabel habang tinuturo ang litrato ni Ate. "She's your
Tita Faith, baby.. she's my older sister and your mom's bestfriend" sagot ko. "Where is Tita Faith?
why she's not here with lola and lolo?" tanung nya ulit. "She's with Papa God." Tumango na lang
sya bilang sagot. Tinawag narin kami ni Jane baka daw mahuli kami sa mass. Pareho kaming

surgeon sa Canada ni Jane, straight 3 years kaming di nakauwi dahil kay Isabel. Itinago pa namin
sya kina mama dahil baka magalit sila, 22 pa lang kasi ako nang nabuo si Isabel habang 23
naman si Jane. Nang nasa simbahan na kami, di ko akalain na dito narin pala sa parish nadistino
si Kuya Harvey. Nagpari sya, nagstop sya sa pag-aaral ng isang taon noon. And after finding
himself, he realized this is his calling. Pagkatapos ng misa, lumapit kami sakanya at pinagmano
si Isabel. "Ito na ba ang anak nyo?" tanung nya. "Oo Kuya Harvey" sagot ko. "Dad, is he Papa
God?" tanung ni Isabel sabay turo kay Kuya Harvey.
continuation: Natawa naman kami sa tanung nya. "No baby, he's a priest" paliwanag ni Jane.
"But Dad told me Tita Faith is with Papa God now? Tita Faith is with him so, I thought he was Papa
God." nakanguso nyang tanung habang nakaturo na sa likuran ni Kuya Harvey. Nagkatinginan na
lang kaming tatlo nina Jane at Kuya Harvey. Tinapik ni Jane sa balikat si Kuya Harvey at sinabing,
"Binabantayan ka parin nya." ~~THE END~~

Anda mungkin juga menyukai