Anda di halaman 1dari 3

Department of Education

Region IV A CALABARZON
Division of Cavite
Municipality of Naic
BUCANA SASAHAN ELEMENTARY SCHOOL

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao IV


I.Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot.
A. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito upang maipakita ang pagkamahinahon?
1. Pangarap mong maging modelo sa iyong paglaki kung kayat sumasali ka sa mga paligsahan sa inyong paaralan sa
inyong paaralan at komunidad. Gayon pa man madalas mong naririnig na may pumipintas sa iyo.
A. iirapan sila
C. pagsasalitaan na wala silang pakialam
C. tatanggapin ang mga sinasabi at lalo pang pagbubutihin
D. hindi na sasali sa anumang paligsahan
2. Namamasyal kayo ng iyong nakababatang kapatid sa mall. Bigla ninyong naramdaman na yumanig?
A. Tatakbo palabas ng mall B. IIyak na malakas
C. Duck Cover and Hold
D. lalapit sa information area
3. Pinakisuyo mo na hawakan ng iyong kaklase ang iyong bag subalit ibinagsak niya ito.
A. magagalit
C. isusumbong sa guro
B. kukunin ang bag at magpapasensya
D. ibabagsak din ang bag ng kaklase.
4. Nagsusulat ka ng iyong takdang-aralin ng biglang inagaw ng iyong kaklase ang iyong lapis.
A. sisigawan ang kaklase B. iiyak ng malakas C. sasabihin sa kuya
D. ipahihiram na lang ang lapis
5. Pinakiusapan ka ng nanay na ang bunso mong kapatid na lang ang bibigyan ng baon.
A. magtatampo sa nanay
C. uunawain si nanay
B.magagalit sa kapatid
D. magpapakabusog na lang bago pumasok
6. Sa kagustuhan mo na makasama sa palatuntunan ng paaralan kahit luma ang iyong damit ay nakilahok ka pa rin.
Pinagtawanan ng iyong kaklase ang iyong suot.
A. pagbubutihan na lang performance sa palatuntunan
B. magdadabog pagdating sa bahay upang malaman ni nanay na ikaw ay napahiya
C. humanap na kakampi
D. gantihan ang kaklase na nagtawa
7. Ang ____________________ ng paaralan ay makatutulong upang maipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng
pag unawa sa damdamin ng kapuwa.
A. Punong-guro
B. Janitor
C. Canteen Teacher
D. Guidance Counselor
8. Paano mo maipapakita ang pagiging mahinahon sa pakikipag-usap sa kapuwa?
A. Magsasalita ng malakas
B. Gumamit ng mga salitang nakakasakit ng damdamin
C. Mahinahon ang pagsasalita at gumagamit ng mga salitang hindi nakasasakit ng damdamin
D. Hindi na lang kakausapin
9. Ano ang epekto ng masasakit na salita sa kapuwa?
A. Bumababa ang pagpapahalaga st tiwala sa sarili
B. Walang pakialam kung anu ang sabihin
C. Lalong lalakas ang loob
D. Ang panlabas ng kaanyuan ay naapektuhan ng masasakit na salita
10. Kilala bilang Republic Act of 2013.
A. Human Rights
C. Anti-Bullying Act

C. Women & Children Act


D. Wala sa nabanggit

11. Ang pananakot gamit ang teknolohiya ay isang napakalaking isyu sapagkat ang mga kabataang tulad mo ang higit na
maapektuhan nito.May mga mungkahi upang maiwasang ma bully sa internet maliban sa isa.
A. Huwag tumugon
C. Humingi ng tulong
C. I-block ang nananakot
D. deactive ang FB account
12. Naglalakad ka sa kalye. Sa madilim na bahagi ng ng daan,nakita mo ang isang batang marungis na natututlog sa
malamig na semento gamit ang isang karton. Ano ang dapat mong gawin upang hindi maabala ang kaniyang
pamamahinga?
A. Gigisingin at bibigyan ng kumot
B. Dadahan dahanin ang paglakad upang hindi magising
C. Mag iingay at magtatawanan

D. Gigisingin at sasabihan na bawal matulog sa daan


13. Namamasyal ka sa isang lugar na maraming puno. Napansin mo sa itaas ng puno ang isang ibon na nakalimlim sa
kaniyang pugad. Ano ang iyong gagawin?
A. Aalis na lang sa puno at lilipat sa ibang puno
B. Aakyatin ang puno at kukunin ang pugad
C.Kukuha ng pamaltik at papaltikin ang ibon
D. Mag-iingay
14. Naiwan mo sa loob ng silid tulugan ng iyong magulang ang baon mo sa pagpasok sa eskwelahan. Alam mo na ang
iyong nanay na may sakit ay natutulog sa silid.Ano ang iyong gagawin?
A. Babalikan ang baon
B. Hindi na lang magbabaon
C. Babalik at kukunin ang baon ng hindi nag iingay
D. Hindi na lang papasok
15. Sabi nga sa kasabihan ,kung ano ang nais mong gawin sa iyo ay siya ring gagawin mo sa iyong kapuwa tao. Ito ay
hindi lamang naipakikita sa salita kundi sa ____________.
A. Bunganga
B. Kilos
C. Pagtingin sa kapuwa
D. Wala sa nabanggit
16. Ang iyong nakatatandang kapati ay masakit ang ulo,biglang dumating ang iyong mga kaibigan at sinabi na sa bahay
nyo kayo magpapraktis ng sayaw para sa nalalapit na programa sa inyong paaralan.Ano ang gagawin mo?
A. itutuloy ang pagpapraktis sa bahay
B. mapapraktis ng sayaw ng mahina nag tugtog
C. magpapraktis ng walang tugtog
D. sasabihan ang mga kaibigan na sa ibang araw na lang magpraktis dahilan na may sakit ang iyong kapatid

B. Basahin ang sitwasyon at sabihin kung anong damdamin mayroon sa sumusunod na uri ng pagbibigay.
Piliin ang titik ng tamang sagot.

A.
B.
C.
D.
E.

Napipilitan lamang magbigay


Nagbigay ngng bukal sa kalooban
Nakikigaya sa mga ibang nagbibigay
Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay.

17. May dumating na donasyon galing sa bansang Japan para s mga biktima ng lindol.Ang nais ng mga hapones
ay sila ang mag-aabot sa mga biktima sapagkat may listahn sila ng bilang at pangalan ng mga bibigyan.

18. Isang grupo ng mga kabataan ang nangalap ng pagkain, gamot, damit at higaan para sa mga biktima.
Nararamdaman nila ang pagdurusa ng mga bata kayat magkakaroon pa sila ng susunod na pagdalaw
sa mga ito.
19. Nakita ng mayaman mong kapitbahay na marami ang nagdadala ng releif goods sa covered court ng

barangay. May inilikas na mga nasunugan at walang naligtas na gamit ang mgs ito. Inutusan niya ang kaniyang
kasambahay na ilabas ang mga damit na hindi na nsusuot at ang mga de latang malapit nang masira.
20. Nagbigay ng isang sakong bigas ang pamilya ni Mang Oca sa mga biktima ng bagyo. Nalaman ito ng
kanilang kapitbahay kaya nagpadala rin sila ng dalawang sakong bigas at mga damit.
21. Ang pag-aaral mo at ng iba mo pang kaklase ay sinusuportahan ng isang samahang pangkawanggawa sa
mga mahihirap na may kasipagan at kakayahang mag-aral.Ipinadadala sa inyong paaralan ng samahang
ito ang mga kailangan ninyo sa pag-aaral.
II Sagutan ng Tama o Mali:
______22. Ang kahinahunan ay susi sa maunlad na kinabukasan.
______23. Huwag pansinin ang kaklase na nanunukso.

______24. Ang taong mahinahon ay takot makipag-away.


______25. Suriin at pag-aralan mabuti ang mga pangyayari bago umaksyon.
______26. Ang taong mahinahon ay umiiwas na makagawa ng mali.
______27. Nadadaan ang lahat ng usapan sa malalakas na salita.
______28. Ang mga mayayaman lamang ang maaaring magbigay ng payo.
______29. Hindi lamang material na bagay ang maaari nating ibigay sa ating kapuwa kundi ang oras.
______30. Ang pagsama sa pagsasaya ay isa ding uri ng pagtulong.
______31. Mahihirap lamang ang nangangailangan ng tulong.
______32. Walang taong nabubuhay para sa sarili lamang.
III. Panuto: Iguhit ang araw

kung ang nakasulat sa bawat bilang ay mga bagay na nagawa mo na at


ginagawa mo hanggang sa kasalukuyan. Iguhit naman ang ulap
kung ang nakasulat ay mga bagay
na hindi mo pa nagagawa.
________ 33. Nakikinig ako kapar may nagsasalita.
________ 34. Ibinabalik ko nang tahimik ang gamit na aking hiniram lalo na kapagnag-aaral ang may-ari nito.
________ 35. Iniiwasan kong makagawa ng ingay na makagagambala sa taong nagtatalumpati sa harap.
________ 36. Iniiwasan ko na makipag-usap sa aking katabi kapag nagsisimba.
________ 37. Hinihintay ko muna na matapos manood nang telebisyon ang aking kapatid bago ito ilipat sa ibang
channel dahil mahalaga ito sa kanyang takdang-aralin.
________ 38. Iniiwasan ko ang pag-istambay sa harapan ng silid-aralan.
IV. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang nagpapanatili ng kalinisan at kaaya-ayang kapaligiran.

Isulat ito sa bawat bilang sa ibaba.


39.
40.
41.
42.
43.
44.

Walis
basura
Malinis na kalsada
halaman
Mausok na sasakyan
disiplina
punongkahoy
paru-paro at
ibon

V. Sa hugis puso isulat ang mga salitang angkop para mabuo ang ideya.
45-50

Mapapanatili ko ang malinis at kaaya-ayang kapaligiran kung:


_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
________________________________________________________________

GOOD LUCK & GOD BLESS!!!


Inihanda ni:
CATLEYA N. ARCALA
Guro I

Anda mungkin juga menyukai