Anda di halaman 1dari 2

Ang salawikaing Ang kaalaman ay kapangyarihan ay totoo sa panahon ngayon at sa nakaraang panahon.

Ang
kaalaman ang kumikilala sa atin kaiba sa mga hayop. Ang tao ang pinakamakapangyarihang nilalang sa buong mundo.
Ang kapangyarihan natin ay mula sa kaalaman, hindi sa kalakasan ng katawan. Ang tao ay may abilidad na makakuha
ng kaalaman at maalagaan o mapreserba ito sa mga libro para sa susunod pang henerasyon. Ito ang nagbigay sa atin
ng kapangyarihan upang makontrol ang puwersa ng kalikasan, at magamit ito para sa ating sariling kapakinabangan.
Gayunpaman, kailangan natin gamitin ang ating kaalaman at kapangyarihan sa wais o matalinong paraan. Kung
gagamitin natin ang ating kaalaman sa matalino at mabuting paraan, tayo ay makagagawa ng mas mainam at ligtas
na mundo.
Sa tulong ng kaalaman, ang tao ay nakadiskubre, nakaimbento, at natuto ng napakaraming bagay. Nakaimbento
tayo ng maraming bagay para mapaunlad halimbawa ang transportasyon tulad ng barko, eroplano, kotse at tren. Sa
tulong ng kaalaman ang tao ay nakadiskrube ng mga sikreto ng matter o bagay. Ang enerhiya ay nagawang kuryente
at enerhiyang atomiko. Ang paraan ng komunikasyon at medisina, lahat na ito ay dahil sa taglay nating kaalaman.
Ang kaalaman ang gumagabay sa tao upang makontrol ang kaganapan. Ang taong may alam ay may kakayahan
upang i-turn ang isang kaganapan, sitwasyon, o tao sa kanyang pabor. Ang isang talento, kakayahan, at abilidad
upang magsagawa ay nakadepende sa antas ng kanyang kaalaman, pag-unawa at edukasyon. Kaya ang kaalaman ay
preconditon para sa tagumpay.

Ang kaalaman ay kapangyarihan.


ni Michaela P. De Chavez 11 Florida

Anda mungkin juga menyukai