Anda di halaman 1dari 49

ISANG PAGSUSURI SA KAUGALIANG PILIPINO

AMA UNIVERSITY FAIRVIEW CAMPUS


COLLEGE OF ENGINEERING

ISANG SULATING-PANANALIKSIK NA IPINASA BILANG ISANG BAHAGI SA


PAGSASAKATUPARAN NG ASIGNATURANG FILI0209

ADRIANNE EUMAGUE
I-EA

ABRIL 2012
ISANG PAGSUSURI SA KAUGALIANG PILIPINO
Isang sulating-pananaliksik bilang pangsakatuparan sa asignaturang FILI0209: Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
______________________________________________________________________________________

TALAAN NG NILALAMAN

I. UNANG KABANATA: Suliranin at Kaligiran Nito


Rasyonal
Layunin
Kahalagahan ng pananaliksik
Makikinabang sa pananaliksik
Kadahilanan ng Kapakinabangan
Batayang Konseptwal
Batayang Teoretikal
Kaugnay na Baryabol sa Pag-aaral
Kadahilanan sa Paghahanap ng mga Panibagong Datos
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Pinagganapan ng mga Nakilahok
Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik
Saklaw ng Pag-aaral
Pagbibigay-kahulugan sa mga Salita

II. IKALAWANG KABANATA: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


Mga Kaugnay na Literatura
Mga Kaugnay na Pag-aaral

III. IKATLONG KABANATA: Metodo at Pamamaraan


Metodolohiya

IV. IKAAPAT NA KABANATA: Presentasyon, Pagsusuri, at Interpretasyon ng mga Datos

V. HULING KABANATA: Lagom, Konklusiyon, at Rekomendasyon


DEDIKASYON

Hindi makukumpleto ang pananaliksik na ito kung wala ang mga


taong nagbigay sa akin ng panahon upang matapos ko ang pananaliksik na ito
sa pagbibigay ng tulong pampinansiyal at kaunting suporta.
Una kong pinasasalamatan ang aming propesor sa Filipino, si Bb.
Pamela Zuniga, sa pagiging matulungin sa lahat ng oras na ibinigay sa amin
upang matapos ng buong klase ang kani-kanilang thesis, lalo na sa aking thesis;
at pinapasalamatan ko si G. Reinille Mendoza bilang panelist at nagbigay ng
suhestiyon sa aking paksa.
Pinasasalamatan rin ang tindera namin sa AVA Store na si Regine
de Guzman, sa pagpapaliwanag sa akin ng mga given phrases na hindi ko
maintindihan habang ginagawa ko ang aking pananaliksik upang hindi nakalilito
sa paggawa.
Pinasasalamatan ko rin ang aking kapatid na si Angelica Eumague-
Buban, para sa pagbibigay ng panahon sa akin sa paggawa ng thesis na ito
habang hindi ako nagtitinda sa kanyang tindahan, at sa aking hipag na si Loina
para sa tinta ng aming company printer.
Nais ko ring bigyang-kredito ang aking mga kaibigan sa pangkat ng
engineering, mga kaklase ko, at mga kamag-aral ko sa ibang programa sa buong
AMA Fairview. Sila ang tumulong sa akin sa pagsagot ng mga talatanungan.
Nais ko ring pasalamatan ang aking ina na nagbigay sa akin ng
gantimpala upang makapagpagawa ng salamin sa mata sa pagkakapasa sa mga
kabanata ng pananaliksik na ito.
Higit sa lahat, gusto kong pasalamatan ang Dakilang Maykapal sa
pagbibigay ng oras at lahat ng lakas upang matapos ang pananaliksik na ito, at
maipasa ang asignaturang FILI0209: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik.

- Nathan -
UNANG KABANATA
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Ang kaugaling Pilipino ay sadyang likas na sa ating lahat. Kung


ating susuriin ang ating mga ikinikilos bilang mamamayang Pilipino, marahil ay
naituro na sa ating lahat ang ibat-ibang kaugaliang Pilipino na ating kinagisnan.
Ngunit sa makabagong panahon ngayon, tila nag-iiba na ang kaugaliang
nakakasanayan na ng ilan sa atin.

Ang unang bahagi ng pananaliksik na ito ay patungkol sa suliranin


at kaligiran tungkol sa paksa. Dito na rin nakalathala ang ibat ibang detalye
patungkol sa napiling paksa.

RASYONAL

Bakit nga ba kaugaliang Pilipino ang tema o paksa ng pananaliksik


na ito?

Sa makabagong panahon ngayon, ang kaugalian ng Pilipino ay


nananatiling mayaman sa bawat isa sa atin. Karamihan sa atin ay itong
ipinepreserba bilang isang pamana sa mga susunod na henerasyon. Magandang
paksain ang kaugaliang Pilipino dahil dito natin malalaman kung ang kaugaliang
Pilipino ay kanais-nais, hindi kagandahan, at mga ugaling sakaling mababago sa
ating lahat.
Nasasalamin sa tesis na ito ang bawat detalye ng kaugaliang
Pilipino ang magandang kagiliran nito, ang mga hindi magagandang kagiliran
nito, mga ugaling sakaling mabago sa mga malilipas na panahon, at iba pa. Sa
bawat kaugalian ng Pilipino na nakalathala sa tesis na ito ay may ibat-ibang
paglalarawan ayon sa gawi ng ating buhay.

LAYUNIN

Ang pakay ng pananaliksik na ito patungkol sa kaugaliang Pilipino


ay ang maimulat ang mga Pilipino sa mga maganda at hindi magandang ugali na
ating namana sa ating mga ninuno. Karamihan sa mga kaugalian ng Pilipino ay
ang mga magaganda, ngunit ang mga hindi kagandahang kaugaliang ating
nakasanayan ay pilit nasisira ang mga magagandang kaugalian.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang maipabatid sa mga


Pilipino kung gaano kahalaga ang isang kaugaliang nakasanayan. Sa bawat
baitang ng ating buhay, may mga ugali na naituturo sa atin mula pa sa mga
ninuno ng mga mas nakatatanda sa atin. Naituturo na sa ating kung gaano
gumalang ng tao, mapagmahal, matulungin, at iba pa.

Ang pangalawang layunin ng paksain na ito ay ang maimulat ang


mga Pilipino sa mga maaaring kalabasan ng kanilang mga ginagawa sa tuwina.
Sa tuwina na sinasabing ito ay ang mga ugaling ipinapamalas natin sa mga
nakakasalamuha natin sa buhay, na nakikita nila sa araw-araw.

Ang maipabatid sa mga tao ng ating bansa na ang kaugaliang


Pilipino ay hindi bina-bale wala, at itoy pinapahalagahan natin pamula sa ating
mga ninuno. Ilalantad ng pananaliksik na ito ang mga kaugalian ng Pilipino na
igaganda ng kanilang ikinikilos, ang mga kaugalian ng Pilipino na ikasisira ng
kanillang ikikilos. Sa pananaliksik na ito makikita ang mga ugali ng Pilipino na
maaaring mabago sa kung ano mang magiging takbo ng panahon.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Sa makabagong panahon at henerasyon, marami na ang mga


taong naeenganyo sa gadgets, pag-ibig, karahasan, at iba pang bagay na
nagaganap sa ating bansa sa mga panahong nagdaan. Sa makabagong
panahon at henerasyon na itoy karamihan na sa ating mga kababayang Pilipino
na ang tila nakakalimot na sa kaugaliang ating nakasanayan pamula sa ating
mga ninuno, ngunit meron pa ring mga Pilipino ang hindi pa nakakalimot at
magpahanggang-ngayoy sinsasanay rin nila ang kanilang mga kamag-anakan
sa kaugaliang nakasanayan na.

Bakit nga ba kaugaliang Pilipino ang napili para sa pananaliksik na


ito? Karamihan sa mga tao ngayon, pampubliko man o pribadong lugar, tila
nakakalimot nang magpasalamat sa mga nagbibigay sa kanila ng kahit anong
bagay na mayroon sila o kayay natatanggap; hindi na nagbibigay-respeto sa
mga taong kalugda-ludga o kayay mataas ang katungkulan; nagsasalita na ng
hindi magagandang salita ang mga tao, kaya pati mga kabataan ay nagaya na
rin sa kanila; at iba pang bagay na hindi kanais-nais na makita ng ating mga
mata sa ngayon.

Sa pananaliksik na ito imumulat ang mga tao sa nangyayari sa


mga kaugaliang ating nakasanayan, na tila binabale-wala na lamang, o hindi
kayay nakakalimot na ang karamihan sa atin. Ito ay mailalantad sa
pamamagitan ng mga makakapanayam na magbibigay ng kanilang opinyon,
mga datos, at mga sanggunian na makukuha mula sa Internet at mga libro
patungkol sa pananaliksik na ito.

MAKIKINABANG SA PANANALIKSIK

Kung ating susuriin ang kaugaliang Pilipino, sino ang maaaring


makinabang ng pananaliksik na ito upang maimulat ang kaisipan nila sa
nagaganap sa lipunan.

Mga estudyante. Sa makabagong panahon ngayon, hindi natin


maiiwasan na ang karamihan sa mga estudyante ay hindi nagagawa ang tamang
respeto sa mga tao. Habang silay nag-aaral, kailangang mahasa ang kanilang
isipan patungkol sa pagkatuto ng kaugaliang Pilipino.

Mga guro. Ang mga guro ay ang pangalawang magulang natin,


hindi ba? Sila ang isa sa mga makikinabang ng pananaliksik patungkol sa
paksaing ito. Sila ang nagtuturo sa atin ng tamang pagkilos ayon sa kaugaliang
ating nakasanayan. Sila na rin ang nagtuturo ng ating ginagawa sa tuwina.

Mga ordinaryong tao. Karamihan sa mga makikinabang ng


pananaliksik na ito ay ang mga ordinaryong tao na minsan ay maaari nating
sabihin na aware sila sa kaugaliang Pilipino habang ang ibay hindi. Sa
pananaliksik na ito imumulat nila ang kanilang isipan kung ano ang tama at mali.
KADAHILANAN NG KAPAKINABANGAN

Ang mga kaugaliang Pilipino ay sadyang napakayaman para ating


lahat. Ngunit ano nga ba ang mga naangkop at hindi naangkop sa atin, at dito na
rin makikita ang mga kaugaliang Pilipino na may ibat-ibang kahulugan ayon sa
ating nakagisnang buhay.

Ang Kaugaliang Pilipino: Likas na Katangian, Konteksto, at Konstelasyon

Ano nga ba ang kaugaliang Pilipino, at ang katangi-tanging mga


kaugalian sa ating sistema? Ang kaugaliang Pilipino ay ating nakuha ayon sa
ating kulturang nakagisnan, paraan ng pamumuhay, at mga katiyakan na tayoy
mga tao sa kasalukuyang panahon. Banggitin natin ang kaugaliang Pilipino sa
fourfold sense.

Una, bagamat nagbibigay ng universal na kaugaliang pangtao ang


sankatauhan, ay mayroong pagkakaiba ang mga kaugaliang Pilipino ayon sa
panlasa ng kaugalian. Kung ang mga Griyego ay may meden agan o ideal of
moderation, ang medio stat virtus ng mga Romano, at Doctrine of the Middle ng
Buddhist at Confucians, mayroon naming walang labis, walang kulang,
katamtaman lamang ang mga Pilipino.

Pangalawa, kapag sinasabi ang kaugaliang Pilipino ay hindi ibig


sabihin na itoy liban sa mga kaugalian ng ibang bansa. Kung ang mga
Amerikano, Intsik, Hapon, at iba pang mga dayuhan ng ibang bansa ay may
sariling istilo sa pagkain, musika, at iba pa; hindi nagpapahuli ang mga Pilipino
dahil mayroon tayong sariling kultura kagaya ng mga mayroon ang ibang bansa.

Pangatlo, ang universal na kaugaliang pangtao sa kontekstong


Pilipino (gaya ng historikal, kultural, sosyo-ekonomikal, politikal, moral, at
relihiyon) ay katangi-tangi sa ibig pakahulugan at motibasyon ng Pilipino.
Ang kaugaliang Pilipino ay hindi kailanman mapapahalaga o
hindi, at hindi ito umiiral ng mag-isa. Ang mga kaugaliang Pilipino tulad ng
bahala na, utang na loob, hiya, pakikisama, pakiusap ay tinipon sa paligid sa
mga sentro ng kaugalian tulad ng social acceptance, seguridad pang-ekonomiya,
social mobility, at ang palaging matatagpuan sa isang tiyak na konteksto o hanay
ng mga pangyayari. Parehong positibong kaugalian at negatibong kaugalian ay
sama-sama na bumuo ng isang katangian na konstelasyon sa paaralan (aralan
sa dasalan [pag-aaral at pagdarasal ng], kuwentuhan sa laruan [nagsasabi ng
kuwento at laro], inggitan sa tsismisan [envying at gossiping]), na naiiba mula sa
configuration na matatagpuan sa mga government offices (pagkakaisa
[pagkakaisa], pagkabayani [kabayanihan], intriga [intriga], palakasan [palabas ng
kapangyarihan], sipsipan [pagsuhol], palusot), sa business firms (palabra de
karangalan [sumpa], delicadeza [pagkapino] , "komisyon", "pagsasauli", padulas
[grease money], lagay [suhol]), o sa mga barrio (paggalang [honoring],
pagdadamayan [umaaliw], bayanihan [kooperasyon], ang bahala na [dumating
kung ano ang maaaring], utang na loob [pagtanaw ng utang na loob], hiya
[bigyan ng kahihiyan] / pakiusap [lumitaw], palakasan [palabas ng
kapangyarihan]). Upang baguhin ang isang balangkas ng mga kaugalian,
maaaring ito ay kinakailangan upang baguhin ang konstelasyon at konteksto ng
mga negatibong kaugalian na humahadlang sa pag-develop ng Pilipino at
Kristiyano.

Ikaapat, maaaring masabi na ang historical na pagsusuri sa


kaugalian ay nasa sa atin. Ang konsepto ng hustisya ay nagbago mula sa hindi
pagkakapareho sa pagkakapantay-pantay, at sa karangalan ng tao; mula sa
angkan, sa pamilya, at sa bayan. Ang kamalayang Pilipino sa mga iba't ibang
mga kaugalian na ito ay nag-iiba-iba sa iba't ibang mga panahon ng ating
kasaysayan. Ito ay nangyari lamang sa huling dalawang dekada na ang mga
Pilipino ay naging mas nakakamalay ng overpopulation at pagpaplano ng
pamilya, environmental pollution, ang wildlife conservation, ang mga paglabag ng
mga karapatang pantao, active non-violence, at People Power.

Ngayong nalaman na natin ang konstelasyon, likas na katangian, at


konteksto, ano nga ba ang nilalaman ng bawat kaugaliang Pilipinong dapat
nating malaman? Unahin natin ang mga positibong ugali ng mga Pilipino.

Ayon sa sangguniang Tagalog bersyon na WikiAnswers, ang


pagkakaroon ng respeto sa lahat ng tao ay nagpapakita ng kung ano ka
anong pagkatao ang mayroon sa kada indibidual. Kung ano isang tao ay
marunong lumugod sa mga taong kanyang nakakasalamuha, siya ay kalulugdan
rin ng mga taong kinalulugdan niya. Naisasama na rito ang paggalang sa mga
matatanda at nakatatanda, kung saan may mga katawagan tayong inuuna
bago ang kanilang pangalan, gaya ng kuya, ate, manong, manang, o alinmang
katawagang angkop sa kasarian. Mayroon rin tayong mga salita o katagang
nakakadagdag ng ating pananalitang-paggalang, kagaya ng po at opo. Ang
dalawang nabanggit patungkol sa paggalang sa mga mas nakatatanda sa atin ay
nagpapatunay lang na marunong magbigay ng respeto ang mga Pilipino.

Ang pagiging matibay ang pundasyon ng pamilya ay


nagpapatunay na ang Pilipino ay likas na mapagmahal sa kanyang pamilyang
kinagisnan, lalo nat may mga anak silang nagsi-asawa nay pumupunta pa rin sa
kanila para manatiling buo ang pamilya.

Ang pagkakaroon ng takot sa Diyos (o minsan ay tinatawag na


rin na may pananalig sa Diyos) ay nagpapatunay lamang na ang taoy nananalig
sa Diyos sa araw na may dinadala siyang problema, nakatatanggap ng mga
biyaya, o hindi naman kayay gustong makatanggap ng kapatawaran sa lahat ng
nagawang sala sa buhay. Kapag wala nang pag-asa ang isang tao ay humihingi
ito ng tulong sa ating Panginoon para maresolbahan ang kanyang dinadalang
pasanin sa buhay.
Ang bayanihan naman ay naglalarawan ng pagtutulungan ng
mga Pilipino tungo sa isang magandang bukas, kagaya ng simpleng pag-aani ng
mga itinanim na mga palay sa palayan, paglilipat ng mga bahay-kubo,
pakikipagtulungan sa oras na kailangan ng tulong, at iba pa. Dito sa bayanihan
na ito nakukuha ng mga Pilipino ang kooperasyon sa kada tao na kasapi ng
kanyang komunidad.

Ang pagiging matulungin ng mga Pilipino ay isa sa mga


magandang kaugalian ng ating bansa dahil ito ay nagbibigay ng kooperasyon sa
pagitan ng tao sa kapwa tao, tinutulungan ang bawat isa sa panahon ng sakuna
o problema. Marami nang napagdaanan ang ating bansa pagdating sa suliraning
kalamidad at iba pang problema ng bansa, ngunit ang pagtutulungan at
pagkakaisa ng bawat Pilipino ang nagpapa-init ng ating mga damdamin,
maaaring ihalintulad na ito sa bayanihan na ginagawa pa noong unang panahon.
Kahit anong laki ng problema ng bawat isa sa atin ay nagagawa pa ng ibang tao
na tulungan, o gumawa ng paraan upang matulungan ang isang tao.

Sa isang pamilya, isa sa mga anak nila ay kailangang magkaroon


na ng kabiyak para mas matulungan pa nila ang kanilang pamilya, at higit sa
lahat ay makumpleto ng isang kasapi ang kanyang buhay-pag-ibig. Dito papasok
ang sinasabi nilang pamamanhikan, kung saan ang lalaki noon ay nagtatrabaho
sa bahay ng babae sa loob ng isang taon para mapayagan ng pamilya kung ang
lalakiy karapat-dapat na ibagay sa kanilang anak. Hindi na siguro nauuso pa ang
ganitong istilo ng pamamanhikan, ngunit ang nagaganap sa ganitong kaugalian
ay ang pagpapakilala ng pamilya ng mapapangasawa sa bago nitong
kabibilangang pamilya, at pagiging mainit o matibay ang samahan sa pagitan ng
pamilya ng dalawang pamilya.

Tuwing sumasapit ang araw ng mga patay, ang isa pang


kaugaliang Pilipino ay ang pag-alala ng mga tao sa kanilang mahal sa buhay
na yumao na. Ang paghahandog ng mga bulaklak, nakasinding kandila, mga
pagkain, at masasayang kuwentuhan ng mga natirang mieymbro ng naiwan ang
kadalasang ginagawa ng mga tao sa tuwing sasapit ang araw ng pag-alala ng
kanilang yumaong mahal sa buhay.

Ngayong nabanggit na ang mga positibong kaugalian ng mga


Pilipino, ano naman ang kanyang mga kasalungat na kaugalian?

Ayon sa sanggunian sa Internet na Kuro-Kuro.org, may mga


kaugaliang Pilipino na labis na hindi kagandahan na makita sa araw-araw. May
mga taong kadalasan ay naninira ng personalidad ng iba, at mayroon naming
namana ayon sa kultura ng mga Kastila. Heto ang ilan sa kanila:

1. Ang colonial mentality. Ang mga Pilipino ay likas na nanggagaya ng kahit


anumang bagay na mayroon ang mga banyaga, ngunit karamihan sa mga
Pilipino mula noon hanggang ngayon ay tila nahuhumaling sa gawang-banyaga.
Hindi natin maaaring itanggi na tayoy sinakop ng tatlong nasyonalidad: Kastila,
Hapon, at Amerikano, ng ilang taon. Nakuha natin sa kanila ang ibat-ibang
bagay na mayroon sila. Ano nga ba ang ibig sabihin ng colonial mentality? Ito ay
ang isang ugali ng tao na mas gusto niyang i-patronize ang produkto ng ibang
bansa kaysa sa kanyang bansang sinilangan. Dito na pumapasok ang
produktong stateside na binibili ng mga tao, panonood ng mga hi-tech na
pelikula, pagkakaroon ng imported na gadgets, at iba pa.

2. Ang crab mentality. Kung ang isang tao ay palagiang umaasenso sa kanyang
buhay sa sikap at tiyaga, mayroon ring mga tao na gustong sirain ang pagkatao,
o hindi naman kayay hinihila ng naninira ang estado ng isang tao pababa. Ito
ang tinatawag na crab mentality, kung saan ang isang taoy hindi masayang
makakita ng taong umaasenso sa buhay.
3. Padrino system. Ano nga ba ang ibig sabihin ng Padrino system na ito? Ito ay
ang pagpapakilala ng isang tao sa isa pang tao na ito raw ay matulungin o
kayang tumulong sa mga problema ng isang tao.

4. Mapanghusga. Ang mga Pilipino sa ngayon ay kadalasang nanghuhusga ng


ugali o ng pagkatao ng isang indibidual. Alam naman natin ang kasabihan sa
Ingles na dont judge a book by its cover na nagpapakahulugan lamang na
huwag tignan sa pisikal na anyo kundi sa loob nito; ngunit mayroon talagang
mga tao na pilit pinipintasan ang bawat taong may kaunting mali sa kanila.

5. Pagkalimot sa nakaraan (short-term memory). May mga kasalanan tayong


nagawa sa isang tao, isang grupo, o sa buong bansa kung ikaw ay isang
presidente ng bansa. Marami sa mga pulitiko ang ganito, ngunit mayroon ring
mga tao ang ganito ang ikinikilos. Ito ay isang kaugalian na hindi malaman kung
sa positibo o negatibong ugali ito nabibilang, dahil pagkatapos ng naganap ay
nakakalimutan nila ito.

6. Matigas ang bungo/ulo (hard-headed). Alam na nating lahat na may taong


minsan, o kadalasan, matigas ang ulo. Hindi sinasabi na matigas ang bungo o
ulo ng isang tao, kundi ang utak na ginagamit sa pag-iisip. Marami sa mga tao
ang matitigas ang ulo dahil isang simpleng babala lang ay pilit nilang sisirain ang
babala, gaya ng huwag magtapon ng basura pero makikita moy puro basura.
Pilit sinisira ng tao ang isang bagay na para sa kanyang sarili.

7. Nagkukulang sa disiplina at aksyon. Ang disiplina at pag-aksyon ay itinuturo


na sa atin pamula sa ating mga paaralan, ngunit may mga taong nagkukulang sa
disiplina at pag-aksyon. Ihalimbawa na lamang natin na may napatay na obrero,
imbes na tulungan o idala ang report sa himpilan ay pababayaan nila ito kung
saan ito nakahandusay, hindi sila gumagawa ng aksyon. Ang pagiging matigas
ang ulo ay ang resulta ng pagkawala ng disiplina sa sarili.
8. Ningas cogon. Ang kaugalian ng Pilipino na dapat nang mawala sa ating
dahil ito ay parang isang cogon na damo. Ang cogon ay isang damo na madaling
mabuhay at madaling mamatay. Ang tao ay mabilis gumawat mabilis mapagod.
Ang ningas cogon ay isang uri ng ugaling Pilipino na sa unay masisipag
gumawa ng maraming hangarin at sa pagtagal nitoy nagsasawa na rin silang
gawin.

9. Pagiging racist. Kung akala natin ay mga Amerikano lang ang mga ganito,
marami rin sa atin ang ganito ang ugali. Ang racism ay isang uri ng hindi
magandang ugali na kung saan parang nandidiri ka sa isang tao na siyang dugo
mo, dugo ng bayang sinilangan. Kagaya na lamang ni Angie Ligot na nag-post sa
Facebook, sinasabi niya na tayong mga Pilipinoy sadyang pango ang ilong, hindi
kaputian ang kulay, at iba pa. Siya marahil ang isa sa mga halimbawa ng mga
racist.

10. Manana habit. Ito ay nanggaling sa Kastila, na ang ibig sabihin ay


prokastinasyon, o ang pagpapaliban sa pinagagawa sa kanya at mabilis na
gagawin ito pagdating ng eksaktong araw upang magkaroon lamang ng isang
bagay na kabilang sa pinagagawa sa kanya. Maraming tao sa gobyerno,
paaralan, pamantasan, bahay, at iba pang lugar ang gumagawa ng ganito, na
akala nilay maganda ang dulot nito sa kanila.

Ngayong nabanggit na ng pananaliksik na ito ang mga positibo


at negatibong kaugalian ng mga Pilipino, tignan natin ang maaaring mabago sa
ating kinasanayang kaugalian, ayon sa binasa ni Ginoong Tomas Andres na
Emerging Filipino Values na pamula sa tesis ni Mila Llacuna:

1. Ang pagkawala ng pagiging mainitin ang pagtanggap sa mga bisita. Kung


ang ikinaganda ng kaugaliang ito ay ang pagbibigay ng kahit anong bagay na
maaari nilang iuwi, o kahit anong pagkain na inihanda sa kanila, ang kasalungat
nitoy marahil ay ang pagkababa ng kanilang pinansiyal na bagay-bagay, upang
magkaroon sila ng oras at panahon sa pagtitipid. Hindi gaanong nagpapahanda
ng sobra-sobra ang mga Pilipino pagdating sa pagdating ng mga bisita, dahil na
rin sa nagbabagong ekonomiya ng ating bansa, o financial status ng nasabing
pamilya.

2. Ang katapatan (loyalty) sa tao base sa utang na loob. Ang pagkakaroon ng


utang-na-loob sa isang tao ay maaaring maabuso sa kahit anong pagkakataon.
May mga naimbentong salita kagaya ng balimbing at sipsip ang nasasabi ng
mga tao sa tuwing nagkakaroon ng masyadong katapatan ang isang tao sa
kanyang kinalulugdan.

3. Ang mga Pilipino ay nagkakaroon ng hiya sa kanilang sarili upang isigaw


ang kanilang nararamdaman. Mayroong mga tao na nais nilang magpahayag
ng kanilang iniinda, o opinyon patungkol sa mga nangyayari sa ating bansa sa
ngayon. Ang mga itoy naghahangad ng magandang bukas sa ating bansa sa
pamamagitan ng kanilang boses-hinaing, ngunit ang ibay walang lakas ng loob
na ihayag ang nararamdamang hindi tama sa mga nangyayari.

4. Ang tinatawag na sipsip. Ang sipsip noon ay tinatawag sa isang tao na gusto
niyang makakuha ng mas mataas na kahit anong bagay sa kinalulugdan niya,
bagkus, itoy isang insulto sa isang tao. Sa makabagong panahon, ang sipsip ay
ginagamit na salita sa pagkakaroon ng pagtitiyaga o perseverance. Itoy
ginagamit na salita para maiahon ang mga tao tungo sa pagbabago.

5. Ang pagkakanya-kanya. Bawat isa sa atin ay gustong gawin ang nais gawin,
ngunit may mga taong tila depende ang gagawin nila sa isang tao. Ang sariling
sikap (self-reliance) ay isang uri ng kaugaliang Pilipino na maaaring gawin ng
isang tao para matapos niya ang isang gawaing naka-destino sa kanyat
maisagawa ito sa ayos sa sariling tiyaga, habang ang nakasandal sa pader
(parasitism) ay ang isang hindi kagandahang kaugalian ng Pilipino na ang isang
taoy nakadepende sa gagawin ng isa.
6. Pagkakaisa na karamihan ay ating ginagawa. Siguro naman ay hindi natin
makakaligtaan ang ginawa ng mga tao noong Pebrero 1986 na pagkakaisa sa
pagpapatalsik kay Presidente Marcos at pagkakaroon ng bagong bukas sa
pamamagitan ng walang bahid ng dugong labanan na People Power sa
pangunguna ni Presidente Aquino (Cory). Dito sa nangyaring People Power,
nagkaisa ang sambayanang Pilipino na magkaroon ng magandang bukas.
Ipinapahiwatig ng kaugaliang ito ang pagtutulong-tulong ng mga tao na
magkaroon ng magandang bukas.

7. Ang lakas ng loob. Ang mga Pilipino ay sadyang malakas ang loob kahit ano
ang problemang danasin ng ating bansa o hindi kayay ng kanyang pamilya. Ito
ay isang batayan ng tao upang mabuhay sa pabago-bagong panahon at
modernisasyon.

Nailathala na rito sa pananaliksik na ito kung anu-ano ang mga


inilalarawan ng bawat kaugalian ng Pilipino. Bawat ugali na nabanggit ay may
positibo o negatibo na epekto sa ating nakasanayan, ngunit nasa tao pa rin ang
pasya.
BATAYANG KONSEPTUAL

KAUGALIANG
PILIPINO

INPUT PROSESO AWTPUT

Unang paglalarawan: Ang proseso ng kaugaliang Pilipino


KAUGALIANG
PILIPINO

Ang kaugaliang Pilipino ay


Paano nga ba naipapasa
isang kultura ng ating
ang mga natututunan Ang isang Pilipino ay
bansa kung saan ipina-
natin na mga kaugalian? nagkakaroon ng mabuting
pamalas ng bawat tao sa
pakikitungo sa ibang tao,
ating bansa ang mga
Ito ay karaniwang at kung anuman ang
nakasanayang kaugalian
itinuturo sa atin ng ating ginagawa niyay babalik
na maaaring makabuti o
mga nakatatanda habang rin sa kanya.
hindi makabuti sa
tayo ay maliit pa. Bukod
kanilang buhay. Ang
sa mga pangunahing Kapag hindi naturuan ang
karamihan sa mga
kaugaliang itinuturo sa isang tao na matuto ng
kaugaliang Pilipino ay
atin, sinasanay na rin nila dapat matutunan, nag-
namamana mula sa mga
tayo sa mga kaugalian iiba ang kaugaliang
ninuno at ang ibay sa
kapag may tradisyon sa kanyang nakakasanayan.
mga banyagang sumakop
mga bayan.
sa ating bansa.

Pangalawang paglalarawan: Paano naipapasa/naipapamana ang kaugaliang


Pilipino.
Ang mga flow charts na nakalarawan patungkol sa paksa ng
pananaliksik na ito ay may mga ibig iparating sa atin, ngunit ano nga ba ang ibig
sabihin ng mga nakapa-skil na paglalarawan patungkol sa paksa?

Suriin ang ikalawang flow chart. Dito nakasentro ang kaugaliang


Pilipino, at ang mga proseso na kanyang daraanan. Sa unang kahon, dito
nakikita ang kanyang input. Ang kaugaliang Pilipino ay isang cultura ng ating
bansa na kung saan ito ay ating natututunan sa ating mga tahanan, at itinuturo
ng ating mga nakatatanda. Sa input na ito nag-sisirkulasyon kung ang
kaugaliang Pilipino na kanyang namana ay nakabubuti sa kanya o hindi.
Mayroong mga kaugaliang Pilipino na pamula sa ating mga ninuno ay ating
namana, kagaya ng respeto sa matatanda, pundasyon ng pamilya, pagiging
matulungin, at iba pa; at hindi magandang kaugalian kagaya ng manana habit,
ningas kugon, padrino system, colonial mentality, crab mentality, at iba pa.

Sa ikalawang flow chart pa rin, ating suriin ang ikalawang kahon.


Dito nababase kung paano napo-proseso ang kaugaliang Pilipino. Siguro noong
inyong kabataan ay naitatanong ninyo kung bakit kailangan nating matutunan
ang kaugaliang Pilipino. Sa prosesong ito maipapaliwanag ang ating
katanungan.

Sa ating mga tahanan, may mga mas nakatatanda sa atin na pilit


tayong tinuturuan ng mga kaugaliang kailangan nating maisanay upang
pagdating ng panahon ay maituturo na natin ito sa mga susunod na henerasyon.
Itinuturo sa atin ang mga kaugaliang Pilipino, sa magandat sa hindi kagandahan,
upang tayo ay magkaroon ng sariling disiplina sa ating mga ikinikilos. Ito ang
nagpapatunay na ang isang tao ay naturuan ng maayos na kaugaliang
kailangang maisanay at nagpapatunay na rin na namana niya ang isang bahagi
ng kulturang Pilipino.
Ating suriin muli ang ikalawang flow chart, at suriin ang ikatlo at
huling kahon. Ano nga ba ang posibleng awtput ng kaugaliang Pilipino?

Ang mga posibleng awtput ng paksang ito ay ang: (1) posibleng


pag-adopt ng isang Pilipino ang mga kaugaliang kailangang masanay upang
magkaroon ng mabuting personalidad, at (2) ang posibilidad na hindi ma-adopt
ng isang Pilipino ang mga kaugaliang kailangang masanay, o kung itoy nasanay
man, may mga taong nag-udyok sa kanya na huwag gawin ang nakasanayan.
Sa paglaki ng bawat tao sa ating bansa ay nakikita sa kanilang ikinikilos kung
ang kaugaliang naituro sa kanila ay naisanay nang mabuti o hindi.

BATAYANG TEORETIKAL

Ang Hiyerarkiya ng Pangangailangan ni Maslow ay isang teorya sa


sikolohika na ipresenta ni Abraham Maslow sa kanyang inilathala noong 1943 na
A Theory of Human Motivation.

Ang teorya ni Abraham Maslow ay nagkaroon ng epekto sa pag-


aaral ng mga kaugalian ng tao at kinakailangang matutunan ito ng bawat tao sa
atin. Ang paglalarawan ng Hiyerarkiya ng Pangangailangan ay ating tignan:
Ating suriin ang diagram na ginawa ni Abraham Maslow patungkol
sa Hiyerarkiya ng Pangangailangan, kung saan makikita natin ang limang
baitang ng nasabing diagram.

Unang suriin ang pangangailangang sikolohikal (physiological


needs) na nasa ilalim ng diagram. Ito ay ang mga pangunahing pangangailangan
ng tao, kagaya ng pabahay, pagkain, tubig, pagtulog, paghinga, at iba pang
bagay. Ito ay ang pangunahing sangkap ng isang tao para mabuhay sa mundo.

Ikalawa naman ang pangangailangang seguridad (safety needs).


Ano nga ba ang nakapaloob dito? Ito ay ang mga bagay na dapat nating ingatan
sa buhay ating sarili, ating pamilya, ating mga ari-arian, at ating kalusugan.
Hindi tayo basta-basta mabubuhay kung an gating sarili o ang inaalagaan nating
mga bagay-bagay ay napapabayaan nang walang proteksiyon.

Ikatlo ay ang pagiging mainit ang pagmamahal sa ating mga mahal


sa buhay (belongingness and love needs). Tayong lahat na Pilipino ay may kani-
kanyang pamilya na inaalagaan, at dito na tayo natuto ng kailangang matutunan
sa buhay, naisasama na rito ang kaugaliang Pilipino. Tayo ay ipinanganak na
dapat matuto ng pagmamahal sa isat-isa sa ating pamilyang nakagisnan. Sa
baitang na ito natin natututunan ang pagmamahal sa ibang tao na ating kilala.

Ikaapat na bahagi ng hiyerarkiya na ito ay ang esteem. Ano nga ba


ang salitang esteem? Ito ay ang nagsusukat ng ating sarili, ang mga ugaling
ating ikinikilos sa araw-araw na buhay. Ang isang tao ay kailangang may panatag
na loob, kalakasan ng loob, respeto sa sarili at sa ibang tao, at pagkakaroon ng
sariling tiyaga tungo sa tagumpay. Sa baitang na ito nai-dedevelop ang ating
pagkatao ayon sa ating ikinikilos.
Ang huling baitang ng hiyerarkiya ng pangangailangan ni Maslow
ay ang self-actualization. Dito na natin ginagawa ang mga bagay na dapat nating
ikilos ay naaayon sa ating iniisip. Ang pagiging malikhain, ang pagiging open-
minded sa mga nagaganap, pagtanggap sa katotohanan, pananagutan, at iba
pang bagay, ay naisasaloob sa baitang na ito. Bawat bagay na ating ginagawa
ay ginagawan ng desisyon bago isagawa ang dapat.

Ang Social Learning Theory ni Albert Bandura

Pinag-aralang mabuti ni Albert Bandura ang pundasyon ng pag-


aaral patungkol sa pagkatuto ng mga tao at tendensiya ng mga kabataan at mga
matatanda sa pag-imita ng mga kaugaliang kanilang nakikita.

Ang Pag-aanalisa ng Agresyon

Ang pananaliksik ni Bandura kasama ni Richard Walters na


humantong sa kanyang unang libro, ang Adolescent Aggression noong 1959, at
sa isang kasunod na libro na pinamagatang Social Learning Analysis noong
1973. Sa isang panahon na pinangungunahan ng behaviorism sa moldihan ni
B.F. Skinner, si Bandura ay naniniwala na ang tanging asal na nagmo-modify ng
gantimpala at kaparusahan sa klasikal na operant conditioning ay hindi sapat
bilang isang framework, na ang maraming pag-uugali ng tao ay natututunan mula
sa ibang tao. Si Bandura ay nagsimulang pag-aralan ang mga paraan ng
pagtrato sa sobrang pagka-agresibo ng mga kabataan sa pamamagitan ng
pagkilala sa mga mapagkukunan ng karahasan sa kanilang buhay. Ang unang
pananaliksik sa lugar ay nagsimula noong 1940s sa ilalim ni Neal Miller at John
Dollard; ang napagpatuloy na trabaho ni Bandura sa linyang ito sa paglaon ay
nakulmina sa eksperimentong Bobo Doll, at noong 1977 na dominanteng
treatise, ang Social Learning Theory. Karamihan sa mga inobasyon ni Bandura
ay dumating mula sa kanyang pokus sa obserbasyon, pagsisiyasat, at mga
pagsisiyasat na maaaring ma-replika, na kung saan ay salungat sa isang field ng
sikolohika na pinangungunahan ng mga teorya ni Freud.

Ang Eksperimentong Bobo Doll

Noong 1961, si Bandura ay gumawa ng isang mapagtatalunang


eksperimento na kilala sa eksperimentong Bobo Doll, para pag-aralan ang
pagkakaparehas ng mga ugali, nang hindi bababa sa bahagi, ng Social Learning
Theory, at ang pag-uugali na natututunan sa pamamagitan ng mga indibidwal na
humuhubog sa kanilang sariling pag-uugali matapos ang pagkilos ng mga
modelo. Ang eksperimento ay hinusgahan sa pamamagitan ng ilan sa wastong
lugar para sa mga batang nagsasanay patungo sa agresyon. Ang mga resulta ni
Bandura sa Bobo Doll ay nagbago ang kabuuan ng modernong kaisipan, at
malawak na kredito para sa pagtulong sa pagbabago ng pokus sa akademikong
sikolohiya mula sa dalisay na behaviorism na nagbibigay-malay sa sikolohiya.
Ang eksperimento ay kabilang sa mga pinaka-lauded at tanyag sa mga
eksperimentong pang-kaisipan.

KAUGNAY NA VARYABOL SA PAG-AARAL

Ang kaugnayan ng Hiyerarkiya ng Pangangailangan ni Abraham


Maslow sa kaugaliang Pilipino ay ang ugali ng isang tao. Bakit nga ba naiuugnay
ito sa tao? Nasa tao ang desisyon kung susundin niya ang kaugaliang Pilipino na
kanyang kinamulatan sa buhay. Sinasabi sa baitang na self-actualization na ang
isang tao ay handa nang gumawa ng mga bagay na una niyang
pagdedesisiyunan bago isagawa ang gawain.

Isa pang kaugnayan dito sa paksa na ito ay ang belongingness and


love needs na nasa ikatlong baitang ng hiyerarkiya. Ang isang Pilipino ay
kailangan ng pagmamahal na nagmumula sa kanyang pamilya at ibang tao, at
bawat taong nakakasalamuha niyay may naituturo sa kanya na kung ano ang
dapat gawin at hindi dapat gawin.

Ayon kay Dr. Tomas Andres, ang hiyerarkiya ng pangangailangan


na ito ay maaaring iugnay sa mga nakasanayan na kaugalian ng mga Pilipino:

1. Pagiging malapit ang loob sa pamilya. Ito ay ang pangunahing kaugalian ng


Pilipino na kung saan ay ang isang pamilyang Pilipino ay malapit sa isat-isa. Dito
naisasanay nila ang kanilang mga sarili sa paggawa ng mga bagay-bagay na
nagkakaroon ng desisyon bago gawin ang isang bagay.

2. Reciprocity. Naiuugnay rito ang utang-na-loob na ating nakasanayang mga


Pilipino. Dito madalas naiuugnay ang pagkakaroon ng pagbibigayan sa bawat
isa, na kung saan ay nakikita natin ito sa mga pista-opisyal sa mga lugar. Dito
natin naipapamalas ang pagbibigay ng utang na loob sa bawat taong ating
nakakasalamuha.

3. Pakikisama. Ang bawat isa sa atin ay may mga taong nakakasalamuha.


Karamihan sa atin ay may mga kaibigang handing tumulong sa atin sa oras ng
problema. Kahit ano pa man ang ating itsura o kahit anong mali sa atin ay
kanilang tinatanggap, dahil sa iisa ang ating dugo.

4. Pag-unlad. Sabihin natin na naghihirap ang karamihan sa atin, ngunit may


mga taong kahit naghihirap na sila ay gumagawa at gumagawa sila ng paraan
upang makaligtas sa pagsubok sa buhay. Ang mga taong walang magawa sa
buhay nila ay gumagawa ng diskarte upang mabuhay sila sa kanilang
pinagdaraanan.

5. Self-esteem, pagkamagaling, pagkabayan. Ang isang Pilipino ay gustong


magkaroon siya ng respeto sa ibang tao at gayundin sa kanya. Kung ang isang
tao ay marunong rumespeto sa ibang tao, gayundin ang babalik sa kanya.
KADAHILANAN SA PAGHAHANAP NG MGA PANIBAGONG DATOS

Ang mga teorya patungkol sa kaugalian ng tao ay nabanggit na sa


pananaliksik na ito, ngunit paano naman masusuri ang kaugaliang Pilipino sa
tunay na buhay.

Ang pananaliksik na ito ay kumuha ng humigit-kumulang na tatlumpung


tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng questionnaires upang masagutan ang
mga sumusunod:

1. Inaamin mo bang sibilisado ka na ng makabagong panahon?


2. Dapat ba nating tangkilikin an gating kultura pagdating sa mga ugali?
3. Ano ang nagustuhan mong kaugalian ng Pilipino na ginagawa hanggang sa
panahon na ito?
4. Ano naman ang hindi kanais-nais na kaugalian ng Pilipino na ginagawa
hanggang sa panahon na ito?
5. Bakit kailangang matutunan ng mga susunod na henerasyon ang kaugaliang
Pilipino?

Ang naturang katanungan sa questionnaire ang mag-gagabay sa mga


nakilahok sa pagsagot ng katanungang ito, at magkakaroon ng ideya ang taga-
saliksik kung ano sa dalawang kasagutan ang mas lalamang at makukuha ang
porsyento.
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa mga kaugalian ng Pilipino.


Ang pag-aaral, pag-aanalisa, paglalathala, pagbabasa, at iba pang bagay na
naisagawa sa pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa mga magagandang
kaugalian ng Pilipino, mga hindi kagandahang kaugalian ng Pilipino, mga
maaaring mangyari sa kaugaliang ating nakasanayan, mga teoryang pumapaksa
sa maaaring epekto ng kaugalian ng tao, at kung bakit kailangang maimulat ang
mga tao sa ganitong bagay.

Ang kaugaliang Pilipino ay isang likas na kultura ng ating bansa na


isa sa mga pinagbibigyan natin ng halaga. Ito ay natututunan sa ating mga
tahanan noong mga bata pa tayo, at itinuturo ng ating mga magulang.

Ano ang mga posibleng maaaring problema ng pananaliksik na ito?

Karamihan sa mga Pilipino ay hindi nakasusunod sa kaugaliang


Pilipino na kanilang natutunan noong kanilang kabataan. Marami sa kanila ang
pagpapabaya ng kanilang ginagawa, hindi na nagbibigay-daan o respeto sa mga
nakakasalamuha nilang tao, napapabayaan na ang sariling pamilya, at iba pang
maaaring problema ng kaugaliang Pilipino.
PINAGGANAPAN NG MGA NAKILAHOK

Ang mga nakilahok patungkol sa paksaing ito ay ginanap sa


pamamagitan ng pagbibigay ng mga questionnaires sa AMA Fairview Campus.

Ang naitanong sa paksain na ito ay kung ano na ba sa kanila ang


kaugaliang Pilipino sa makabagong panahon at henerasyon.

Napili ng mananaliksik ang questionnaires dahil ito ay madali lang


ipasagot sa mga tao, at upang makita ang frequency at porsyento ng mga mga
taong sumagot sa isa sa mga kategorya.

INSTRUMENTONG GINAMIT SA PANANALIKSIK

Ang mga instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito patungkol sa


pangunahing paksain ay ang mga sanggunian sa Internet; sanggunian na mga
libro, gaya ng Filipino at Values Education; mga taong maaaring makasagot sa
mga itinatanong ng paksain na ito.

Upang matunghayan naman ang paggalaw ng mga kinakailangang


datos, gagamit ang mananaliksik ng mga questionnaires na may limang
katanungan na may relasyon sa paksain.
SAKLAW NG PAG-AARAL

Ang saklaw ng pag-aaral patungkol sa kaugalian ng Pilipino ay ang


mga sumusunod:

Ang paglalahad ng mga kaugaliang nakasanayan na ng mga Pilipino: ang


mga kanais-nais na ugaling Pinoy, mga hindi kanais-nais na ugali ng
Pinoy, mga posibleng mabago sa ugali ng tao.

Mga posibleng teorya na maaaring tumalatalakay sa ugali ng isang tao,


gaya na lamang ng hiyerarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow
at ang Social Learning Theory ni Albert Bandura.

PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA

1. Gadget
Ang gadget ay ang mga bagay na nilikha sa tulong ng teknolohiya.
Ito ay ang mga bagay na ginawa ng ibat-ibang tao upang mapabilis ang kanilang
pakikipag-panayam sa kanilang gustong kausapin, mapadali ang kanilang mga
gawaing-pambahay, maalis ang kalungkutan, at iba pang bagay na maaaring
magawa nito.

Ang gadget ay maaaring makaapekto sa ating pangunahing gawain


gaya ng paglilinis ng bahay, pag-aaral, pag-ibig, oras sa pamilya, at iba pa.
Kadalasan, ang mga itoy nakasisira ng konsentrasiyon ng pag-aaral sa mga
estudyante. Itoy nakasisira rin ng relasyon ng dalawang nagmamahalan.
2. Facebook

Ang Facebook ay isang social-networking website na ginawa


noong mga bandang taong 2004 hanggang 2005, ni Mark Zuckerberg, kasama
ang kanyang mga kaibigan. Ito ay nagmula sa isang tesis na kanilang ginawa na
nalaon sa isang website.

Ang naturang social-networking site ay mayroong mga nilalaman


na kung saan ay nae-engganyo ang mga tao na gawin ito sa mga wall ng mga
tao, gaya ng Like, Share, Poke, mga laro na nasa naturang website, mga sulatin
(notes), at pagpo-post ng mga status. Nakikita sa website na ito ng mga tao ang
kanilang mga mahal sa buhay o hindi kayay nagging parte ng buhay nila.

3. Internet

Ang internet ay ang termino sa mga maliliit na kung tawagin natin


ay networks upang magkaroon ng access ang mga tinatawag na networks sa
pakikipagtalastasan sa ibat-ibang tao sa malalayong lugar.

Ang internet ay ginagamit sa pakikipag-komunikasyon sa isat-isa


noong panahon na nagkakaroon ng giyera sa ibang bansa, o ginagamit siya
bilang communication device sa mga unibersidad ng Amerika. Sa panahon
ngayon, ang internet ay ginagamit na rin upang maghanap ng mga bagay-bagay
na maaari mo nang makita, kahit ang mga karahasan na ginagawa sa internet.

4. Social networking sites

Ang mga social networking sites ay ang mga pahina sa Internet


na siyang nagbibigay ng kulay sa ating tinatawag na virtual world. Naipapaloob
ang social networking sites bilang isang rekreasyon ng isang tao.
Isang halimbawa ng social networking site ay ang Facebook, na
siyang isa sa mga naging instrumento ng pananaliksik na ito. Ang ibang mga
naturang bagay ay ang Twitter, Myspace, Tumblr, at marami pang iba.

5. Mass media

Ang mass media ay tumutukoy sa lahat ng pang-teknolohiya na


media devices na inilalaan upang maabot ang malaking madla sa
pamamagitan ng pakikipag-komunikasyon sa masa (o sa tinatawag natin na
mass communication).
Ang mga broadcast media (o mas kilala bilang mga elektronikong
kagamitan sa media) ay inihahatid ang kanilang mga impormasyon at itoy
binubuo ng telebisyon, radio, pahayagan, pelikula, CD, DVD, at iba pang mga
gadgets katulad ng mga kamera at ibang consoles.
IKALAWANG KABANATA
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga impormasyon patungkol


sa mga lathaing sanggunian na ginamit upang magkaroon ng buhay ang
pananaliksik na ito. Dito nakalagay ang lahat ng mga librong nagamit sa
pananaliksik at ilang pahina mula sa mga web pages.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ang bahaging ito ay naglalaman ng ilan sa mga literatura na


ginamit sa pananaliksik na ito. Dito rin nakalagay ang ilang sanggunian mula sa
mga web pages.

Mga librong sanggunian

Ang social learning theory ay pumopokus sa atensyon ng mga


kondisyon na nakaaapekto sa acquisition, kasanayan, at kaayusan ng pag-
uugali. Sa obserbasyonal na pagkatuto o paghulma, ang mga tao ay maaaring
makakuha ng kumplikadong pagkakaparehas na pag-uugali kahit hindi
magkaroon ng gantimpala. Albert Bandura, Personality 2nd Edition,
Limpingco at Tria

Ang Emerging Filipino Values ay isang masters thesis ni Gng.


Mila Llacuna na kung saan nakalagay ang mga posibilidad na maaaring mabago
sa pag-uugali ng Pilipino, gaya lamang ng pagkakaroon ng katapatan, lakas ng
loob, pagkakanya-kanya, pagiging sipsip, kakulangan sa pagsigaw ng hinanakit
sa demokrasya, at iba pa. Dito rin inihalintulad ni Dr. Tomas Andres ang kanyang
hierarchy of needs bilang pagkakaroon ng posibilidad na pagiging simple ng mga
Pilipino sa hiyerarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow. Tomas Andres,
Steward on Earth 2nd Edition, Ma. Victoria Tuvilla

Mga sanggunian sa web pages

Ayon kay limarx214 sa Kuro-kuro.org:

Sa pagpapalit ng bagong pangulo ng bansa marami ang umaasa


ng pagbabago; pagbabago sa sistema ng gobyerno, sa ating
pamumuhay, sa ekonomiya at sa marami pang iba. Nabuhay na
muli ang pag-asa ng mga Pilipino na matagal ding natulog at
naudlot. Ang penomenal na pag-upo ng bagong pangulo ay
nagdulot sa Pilipino ng kakaibang damdamin patungkol sa bago at
mabuting Pilipinas na hindi natin naramdaman sa mga nakalipas
na namumuno. Ngunit ano ba ang pwede nating gawin para
makasabay sa pagbabagong nais natin? Ano nga ba ang ugaling
Pinoy na dapat nang baguhin?

Ilan sa mga nakasaad dito ay malamang na likas na ugali mo o


maaring nagawa mo na ng hindi mo sinasadaya o namamalayan.
Hindi ito maiiwasan dahil ang ilan dito ay sadyang nasa dugo na ng
Pinoy. Maaari ding marami sa kaugaliang ito ay isa sa mga dahilan
kung bakit tayong mga Pinoy ay hirap na umasenso gayun din ang
bansang Pilipinas. Siguro kung mababago natin ang kaugaliang ito
malaki ang possibility na magbago rin ang kalagayan ng bansang
Pilipinas.

Link sa webpage: http://kuro-kuro.org/archives/3310


Ano ang kaugalian ng mga Pilipino? Ito ay ang pagiging may
pagtitiwala sa Maykapal, pagbubuklod ng mga kamag-anak, pagiging
matulungin, paggalang, pamanhikan, at pag-alala sa yumao.

Link sa webpage:
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kaugalian_ng_mga_Pilipino

Noong 1961, si Bandura ay gumawa ng isang mapagtatalunang


eksperimento na kilala sa eksperimentong Bobo Doll, para pag-aralan ang
pagkakaparehas ng mga ugali, nang hindi bababa sa bahagi, ng Social Learning
Theory, at ang pag-uugali na natututunan sa pamamagitan ng mga indibidwal na
humuhubog sa kanilang sariling pag-uugali matapos ang pagkilos ng mga
modelo. Ang eksperimento ay hinusgahan sa pamamagitan ng ilan sa wastong
lugar para sa mga batang nagsasanay patungo sa agresyon. Ang mga resulta ni
Bandura sa Bobo Doll ay nagbago ang kabuuan ng modernong kaisipan, at
malawak na kredito para sa pagtulong sa pagbabago ng pokus sa akademikong
sikolohiya mula sa dalisay na behaviorism na nagbibigay-malay sa sikolohiya.
Ang eksperimento ay kabilang sa mga pinaka-lauded at tanyag sa mga
eksperimentong pang-kaisipan.

Link:
http://en.wikipedia.org/wiki/Albert_Bandura#Bobo_Doll_experiment
KAUGNAY NA PAG-AARAL

Sa bahaging ito ng kabanatang ito ay makikita natin ang ginamit


na thesis upang mas makabuluhan ang pagtalakay sa paksaing napili upang
saliksikin.

Ayon kay G. Vitaliano Gorospe:

What are Filipino values? What is distinctly Filipino in our value


system? The Filipino value system arises from our culture or way of
life, our distinctive way of becoming human in this particular place
and time. We speak of Filipino values in a fourfold sense.

Sinasabi ng talatang ito na ang kaugaliang Pilipino ay mayroong


fourfold sense, ibig sabihin, maaaring sabihin natin na ang kaugalian ng Pilipino
pagdating sa apat na sulok ng likas na katangian nito, ang konstelasiyon, at
konteksto.

Sanggunian:
Gorospe, Vitaliano. Chapter VI: Understanding the Filipino Value
System
http://www.crvp.org/book/Series03/III-7/chapter_vi.htm#N_1_
IKATLONG KABANATA
METODO AT PAMAMARAAN

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga pamamaraan at metodo


upang makalap ang mga datos na kinakailangan sa pananaliksik na ito sa
pagsusuri ng kaugaliang Pilipino.

METODOLOHIYA

Lugar ng pag-aaral. Ang kabanatang ito ay ang magsasabi kung


ano ang ibig pakahulugan ng paksang Isang Pagsusuri sa Kaugaliang
Pilipino. Sa titulo pa lang ng paksa, sinasabi rito na ating susuriin ang
porsyento ng mga taong tila nakalimot na sa kaugaliang Pilipino na
nakasanayan, at ng mga taong hindi ito nakakalimutan. Ito ay maaaring
gumamit lamang ng mga aparato (o ating tinatawag na instrumento) ng
pananaliksik na naaayon lamang upang mapunan ang mga kinakailangang
datos.
Sa paksa pa lamang, nagkaroon ng dalawang seleksyon ang
mananaliksik upang mapagkuhanan ng mga datos na kinakailangan.
Tatlumpung (30) katao ang hihingan ng tulong upang masagutan ang mga
itinatanong sa questionnaire.

Disenyo ng pananaliksik. Dito pumapasok ang metodong survey


research method upang magamit bilang pagkuha ng mga naaayong datos.
Ano nga ba ang survey research method?

Ang metodong survey research ay maaaring i-conduct sa


pamamagitan ng mga questionnaires, kung saan maaaring sumagot ang mga
tao sa pamamagitan ng mga papel na aangkop ang mga katanungan sa
paksa.
Technique sa pagpili ng populasyon. Ang kaugaliang Pilipino
ay sadyang likas na sa ating lahat dito sa ating bansa. Siguro kalahati ng
populasyon ay maaaring nakakalimutan na ang nakasanayang kaugalian, o
ang ibay itoy sinasanay pa rin sa makabagong panahon.
Sa sinasabi ng paksain, hahagilap ang mananaliksik ng mga tao na
maaaring makasagot ng mga katanungan na naka-ayon sa talatanungan
(questionnaires) patungkol sa paksa.

Mga kalahok sa pag-aaral. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,


ika ni Dr. Jose Rizal. Kung kabataan ang ating pag-asa, sila ang magiging
kalahok sa pag-aaral na ito. Bakit? Ang kabataan ang maaaring magbago ng
maling kagawian ng tao pagdating sa kanyang ikinikilos o sila na rin ang
magbabago ng pagpapabuti ng kalagayan ng ating bansa.

Mga instrumento ng pananaliksik. Bukod sa mga questionnaires


na ipinamigay sa mga taong nahagilap upang masagutan ang survey
patungkol sa pagsusuri ng kaugaliang Pilipino, gumamit ang pananaliksik na
ito ng participant observation kung saan ang mananaliksik ay magiging
participant upang matignan ang mas nananaig sa magkaibang aspeto ng
paksa.

Kagamitan ng pananaliksik. Isa sa mga kagamitan ng


pananaliksik na ito ay ang mga tanong na nakalathala sa mga
questionnaires. Sa kagamitan na ito malalaman ang porsyento ng mga datos
na nakalap mula sa mga taong nakasagot ng naturang instrumento.
Instrumentong statistikal. Ang pinaka-common sa lahat ng
pagkuha ng porsyento mula sa mga instrumentong ginamit sa pagkuha ng
datos ay ang frequency table. Ito ay may pormula ng matematika na ang

Porsyento (%) = frequency x 100 / bilang ng mga sumagot

na kung saan:

frequency sagot ng bawat litanya (o kategorya) sa isang chart


100 usual na isinasagot sa porsyentong paraan

Bawat litanya o mga kategorya ay may sarili itong bilang at mga


porsyento na ibibigay. Ang mga kategorya ay nakabase sa mga
instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito.

Hakbang sa paglikom ng datos. Naisaad na rito sa kabanatang


ito ang mga uri ng instrumento ng pagkuha ng datos. Maaari nang ilahad ang
mga hakbang upang makuha ang mga datos na kinakailangan ng
mananaliksik:

1. Mag-setup ng oras na ilalaan upang makumpleto ang survey patungkol sa


pagsusuri ng kaugaliang Pilipino. Habang hindi pa naiko-conduct ang survey,
mag-isip na ng itatanong sa mga tao sa pamamagitan ng talatanungan (o
questionnaire) at mag-isip na ng mga itatanong. Limang tanong lamang ang
nakahanda upang masagutan ng mga respondents:

1.1 Inaamin mo bang sibilisado ka na ng makabagong panahon?


1.2 Dapat ba nating tangkilikin an gating kultura pagdating sa mga ugali?
1.3 Ano ang nagustuhan mong kaugalian ng Pilipino na ginagawa
hanggang sa panahon na ito?
1.4 Ano naman ang hindi kanais-nais na kaugalian ng Pilipino na
ginagawa hanggang sa panahon na ito?
1.5 Bakit kailangang matutunan ng mga susunod na henerasyon ang
kaugaliang Pilipino?

2. Ipamahagi na sa mga respondents ang mga talatanungan. Dapat sabihin


ang panuto bago sagutan ang talatanungan upang maiwasan ang multiple
erasures. Ang tatlong pagbura sa sagot ay ayos na, ngunit kapag marami ay
hindi na kaaya-aya. Tignang mabuti ang mga sagot nila.

3. Matapos ang pamimigay ng talatanungan sa mga respondents at pagsagot


nila sa mga ito, suriing mabuti ang kanilang mga sagot, at kung ilan ay tanong
ay gagamit ng table chart depende sa sagot bawat tanong. Halimbawa:

1.1 Inaamin mo bang sibilisado ka na ng bagong panahon?

MGA SAGOT BILANG PORSYENTO


OO 7 77.78
HINDI 2 22.22
TOTAL 9 100%

Bawat katanungan na may kasagutan ng ibat-ibang tao ay dapat


bilang ng mananaliksik upang makuha ang kinakailangang datos.

4. Ilathala ang mga nakuhang datos ayon sa mga computations ng bawat


sagot sa bawat tanong sa talatanungan. Ito ay bibigyang kahulugan sa
susunod na kabanata ng pananaliksik na ito.
Statistical tools. Sa pagsusuri ng mga datos na nakalap mula sa
mga ibat-ibang sagot ng mga nahagilap na tao sa survey, ginamit ang
frequency table upang mas maayos ang pagkaka-tally ng mga katanungan sa
survey kada kategorya. Sa susunod na kabanata ay makikita ang resulta ng
mga datos na nakalap.

Pamamaraan at kung paano ito gagamitin. Ayon sa mga


nakalap na datos mula sa mga talatanungan, ang mga limang tanong na
umangat ang porsyento ay ang mga sumusunod:

1. Ang unang katanungan ay kung ang isang tao ay sibilisado na ng kanyang


bagong panahon. Ayon sa survey, 83.33% ng tao ang sumagot ng OO, hindi
mapagkakailang ang isang taoy naapektuhan ng bagong panahon.

2. Ang ikalawang katanungan ay kung ang isang tao ay tinatangkilik ang


kanyang kultura pagdating sa ugali. Lumabas na 93.33% ng tao ang sumagot
ng OO dahil ang kaugalian ay maraming aspeto at ito ay naging parte na ng
ating kultura.

3. Ang ikatlong katanungan ay kung ano ang nananaig na mabuting kaugalian


ng Pilipino hanggang sa panahon na ito. 36.66% ng katao ang nagsasabing
ang pagiging mapagmahal sa kanilang pamilya ay ang pinakamagandang
ugali ng Pilipino na hanggang ngayoy buhay pa rin.

4. Ang ikaapat na katanungan ay kung ano naman ang nananaig na hindi


kagandahang kaugalian ng Pilipino hanggang sa panahon na ito. 53.33% ng
katao ang sumagot ng walang disiplina dahil sa panahon ngayon ay marami
pa ring tao ang hindi sumusunod kung ano man ang ipagawa sa kanila.

5. Ang huling katanungan ay kung bakit kailangang malaman ng tao ang


patungkol sa kaugaliang Pilipino. Ayon sa survey, 46.67% ng tao ang
sumagot na dapat unawain ang kaugaliang Pilipino para magkaroon ng bukas
ang ating bansa. Sabi nila, magsimula sa sarili bago simulan sa iba.
IKAAPAT NA KABANATA
PRESENTASYON, PAGSUSURI, AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga bilang at porsyento ng


mga respondents na sumagot ng mga katanungan sa talatanungan. Dito rin sa
kabanatang ito makikita ang interpretasyon ng bawat datos na nakalap.

UNANG PRESENTASYON NG DATOS


Bilang at Porsyento ng mga Taong Naniniwalang Sila ay Sibilisado ng
Makabagong Panahon

MGA KASAGUTAN BILANG NG SUMAGOT PORSYENTO


OO 25 83.33%
HINDI 5 16.67%
TOTAL 30 100%

Ang unang katanungan sa talatanungan ay kung ang isang taoy


naapektuhan ng makabagong sibilisasyon sa bansa. Ayon sa unang kabanata,
may mga oras na hindi namamalayan na unti-unting nagbabago ang kaugalian
ng tao ayon sa panahong ginagalawan. Ang dalawang katanungan ay ang
katagang OO at HINDI, kung saan itoy sinagutan ng 30 katao. Ayon sa survey,
25 katao na may 83.33% na porsyento ang lumalabas na silay sibilisado na ng
bagong panahon, at maaaring hindi alam kung ang kaugaliang nakasanayan ay
nakalimutan na o hindi; habang ang 5 katao na may 16.67% na porsyento ay
tumatapat sa mga taong sumagot ng katagang HINDI sa talatanungan.
Lumalabas sa survey na ito na ang mga sumagot ng katagang OO
ay naniniwalang sibilisado sila ng bagong panahon, ngunit hindi alam ang
nagbabagong ugali sa kanila.
IKALAWANG PRESENTASYON NG DATOS
Bilang at Porsyento ng mga Taong Naniniwalang ang Kaugaliang Pilipino
ay Parte ng Ating Kultura

MGA KASAGUTAN BILANG NG SUMAGOT PORSYENTO


OO 28 93.33%
HINDI 2 6.67%
TOTAL 30 100%

Ayon pa rin sa batayang konseptwal sa unang kabanata, ang


kaugalian ay isang tradisyon ng isang tao sa kanyang bansang kinabibilangan.
Ang kaugalian ay kasama ng kulturang kanyang nakagisnan. Sa ikalawang
tanong sa talatanungan, itinatanong roon kung ang isang taoy tinatangkilik ang
kanyang kultura pagdating sa ugali ng tao. Ayon sa survey, 28 katao na may
93.33% na porsyento ang sumagot ng katagang OO habang dalawang (2) katao
na may 6.67% na porsyento ang sumagot ng katagang HINDI.
Lumalabas sa survey na ito na ang mga sumagot ng katagang OO
ay naniniwalang tinatangkilik nila ang kaugaliang nakagisnan, at itinuturing na rin
ito bilang parte ng ating kultura.

IKATLONG PRESENTASYON NG DATOS


Ang Magandang Kaugalian ng Pilipino Magpahanggang Ngayon
MGA KASAGUTAN BILANG NG SUMAGOT PORSYENTO
MATULUNGIN 8 26.67%
RESPETO 3 10%
MAY TAKOT SA DIYOS 8 26.67%
PAGMAMAHAL SA PAMILYA 11 36.66%
TOTAL 30 100%

Isinasaad ng kadahilanan ng kapakinabangan sa unang kabanata


na may mga ugali ng Pilipino na natural sa ating lahat. Ang mga magagandang
ugaling ito ay may relasyon sa presentasyon na ito. Ayon sa ikatlong katanungan
sa talatanungan, itinatanong kung ano ang napupusuan ng tao na magandang
ugali ng Pilipino na hanggang ngayoy sinasanay pa rin. Ayon sa survey, 8 katao
na may 26.67% na porsyento ang sumagot ng pagiging matulungin; 3 katao na
may 10% na porsyento sa respeto; kaparis ng bilang at porsyento sa matulungin
ang kategoryang may takot sa Diyos; at 11 katao na may 36.66% na porsyento
ang sumagot ng pagmamahal sa pamilya.

Lumalabas dito na ang pagmamahal sa pamilya ang pinaka-


importanteng ugali ng isang Pilipino dahil ang pamilya ang nagsisilbing
pundasyon tungo sa magandang bukas. Lumalabas sa survey na 36.66% ang
sumagot ng kategoryang ito.

IKAAPAT NA PRESENTASYON NG DATOS


Ang Hindi Magandang Kaugalian ng Pilipino Magpahanggang Ngayon

MGA KASAGUTAN BILANG NG SUMAGOT PORSYENTO


COLONIAL MENTALITY 2 6.67%
CRAB MENTALITY 6 20%
PROCRASTINATION 4 13.33%
PADRINO SYSTEM 2 6.67%
WALANG DISIPLINA 16 53.33%
TOTAL 30 100%

Isinasaad pa rin sa kadahilanan ng kapakinabangan sa unang


kabanata na bukod sa magandang ugali ng Pilipino, mayroon namang mga ugali
na hadlang sa magandang pakikitungo ng isang tao. Ito ay ang mga hindi
kagandahang ugali ng Pilipino, at ilan ay napili sa kanila para sa talatanungan.

Ang ikaapat na tanong sa talatanungan ay kung ano ang hindi


magandang ugali ng Pilipino na hanggang ngayoy existed pa rin sa tao. Ayon sa
survey, lumalabas na dalawang (2) katao na may 6.67% na porsyento ang
sumagot parehas ng mga katagang colonial mentality at padrino system; anim
(6) na katao na may 20% na porsyento sa kategoryang crab mentality; apat (4)
na taong may 13.33% na porsyento sa procrastination; at 53.33% na may 16 na
katao ang sumagot ng walang disiplina.

Kahit saan man tayo magpunta, may mga taong walang disiplina
kahit saan mang aspeto. Ito ang sinagot ng 16 katao na may porsyentong
53.33% sa kategorya ng walang disiplina.

HULING PRESENTASYON NG DATOS


Bilang ng Taong Kailangang Matutunan ang Kaugaliang Pilipino

MGA KASAGUTAN BILANG NG SUMAGOT PORSYENTO


UPANG MAGKAROON NG 14 46.67%
MAGANDANG BUKAS ANG
ATING BANSA
NAGKAKAUNAWAAN ANG 12 40%
MGA TAO SA ARAW-ARAW
NA GINAGAWA
I-PRESERBA ANG 4 13.33%
KAUGALIANG PILIPINO
TOTAL 30 100%

Isinasaad ng rasyonal, layunin, at kahalagahan ng paksa sa unang


kabanata na bakit kailangang matutunan ng isang tao ang kaugaliang
nakagisnan. Hindi man siguro nabanggit ng mananaliksik ang patungkol sa mga
sagot sa talatanungan, bigyang-daan ang mga tatlong importanteng bagay kung
bakit nga ba kailangang matutuhan ng tao ang kaugaliang Pilipino.

Ayon sa survey, 14 katao na may 46.67% na porsyento ang


naniniwalang kaya kailangang matutuhan nila ang kaugaliang Pilipino ay dahil
upang magkaroon ng magandang bukas ang ating bansa; 12 katao na may 40%
na porsyento naman sa mga naniniwalang nagkakaunawaan ang mga tao sa
ugali sa araw-araw na gawain; at apat (4) na katao na may 13.33% na porsyento
naman para sa mga naniniwalang dapat i-preserba ang kaugaliang Pilipino.

Lumalabas sa survey na ito na mas marami ang naniniwalang


kailangang matutuhan ng Pilipino ang ating kaugalian ay dahil upang magkaroon
ng magandang bukas ang ating bansa tungo sa pagbabago.
HULING KABANATA
LAGOM, KONKLUSIYON, AT REKOMENDASYON

Ang huling kabanatang ito ay naglalaman ng buong lagom ng


pananaliksik, ang kanyang mga konklusiyon, at rekomendasyon.

LAGOM
Nagsimula ang pananaliksik na ito sa layunin ng mananaliksik na
suriing mabuti kung ang kaugaliang Pilipino ay nawawala na o tila nasa tao pa rin
ang tradisyon ng pagsasanay ng kaugaliang nakasanayan. Sa makabagong
panahon at sibilisasyong ating ginagalawan, nagkakaroon ng tendensiya na
magbago ang ugali ng isang tao na maaari siyang gumawa ng mali o tama.
Sa pananaliksik na ito ay kumuha ang mananaliksik ng ilang
reperensiya sa Internet, gaya ng mga blog sites, search engines, artikulong
maaaring mabasa; mga aklat na lathain patungkol sa kaugaliang Pilipino na
nakalathala sa mga asignatura ng Filipino, Sibika at Kultura, at Pagpapahalaga
sa Sarili (Values Education); at isang lathain na tila iyon ay pag-aaral ng
kaugalian ng Pilipino. Sa pananaliksik na naganap, nabuo ang konsepto kung
paano susuriin ang kaugaliang Pilipino kung itoy nawawala o hindi nawawala
sa tao.
Upang malaman ng mananaliksik ang kanyang paghahanap ng
mga datos, nagpamahagi ang taga-saliksik ng tatlumpung (30) kopya ng
talatanungan sa tatlumpung katao sa loob ng AMA Fairview Campus. Ang
talatanungan ay may limang katanungan na may dalawa (2) hanggang limang (5)
katanungan na maaaring hanapin sa ikatlong kabanata. Karamihan sa mga
sumagot ng mga tanong ay kung ano rin ang isinagot ng ibang tao, gaya ng
pagiging sibilisa ng panahon, may pagmamahal pa sa pamilya, at iba pa. May
mga naniniwalang kailangang matutuhan natin ang kaugaliang Pilipino ay
sapagkat may magandang bukas itong maidudulot sa ating bansa. Sabi nga ng
isang commercial sa telebisyon, Ang korapsyon ay nagsisimula sa pamilya.
Kung ang sinasabi ni Dr. Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan ay
dapat magpatuloy, ang kabataan dapat ang gumagawa ng kilos para mapabuti
ang ating bansa. Siguro iyan ang pananaw ng mga nakasagot ng nasabing
kasagutan sa talatanungan.
Pagkatapos makuha ang mga kinakailangang datos para sa
pananaliksik na ito, itoy inisa-isang kalkulahin ng taga-saliksik at itoy kanyang
binigyang bilang at porsyento kada kasagutan sa talatanungan. Matapos ang
proseso na nakalathala sa ikatlong kabanata (at ginawa para sa ikaapat na
kabanata), itoy inisa-isang ililahad sa pamamagitan ng tabulated form ng bilang
at porsyento ng mga sumagot ng tanong sa talatanungan.
Nakuha na ng mananaliksik ang kanyang pakay patungkol sa
paksang ito na pinamagatang Isang Pagsusuri sa Kaugaliang Pilipino, na
kung ang ugali ng tao ay nawawala o tila nasa kanila, pero patuloy na ginagawa.

KONKLUSIYON
Nakita na ng mananaliksik ang kanyang mga datos at mga
interpretasyon nito, at siyay humantong sa pagkakaroon ng konklusiyon. Heto
ang mga sumusunod na konklusiyon:

A. Ang pagiging sibilisado (civilized) ng isang tao ay nakaka-apekto sa pag-


uugali na kanyang nakasanayan. Ito ay maaaring mabago sa pamamagitan ng
kanyang lugar na ginagalawan.

B. Ang kaugaliang Pilipino ay tinuturing pa rin na isang parte ng ating kulturang


Pilipino. Noong kabataan natiy tinuturo na sa atin kung paano gawin at kung ano
ang ibig pakahulugan ng mga kaugaliang Pilipino. Sa HeKaSi (Heograpiya,
Kasaysayan, at Sibika) at inilathala ng mga awtor kung ano ang mayroon sa
bansang Pilipinas kultura, kaugalian, at iba pa.

C. Ang ama ay ang pundasyon ng pamilya. Ang ina ay ang ilaw ng tahanan. Ang
mga anak ang nagpapasaya sa pamilya. Hindi natin maiiwasan na mahalin natin
ang ating pamilya. Kahit magkaroon pa ng problema ang buong pamilya, ito ay
hanggang ngayoy ginagawa pa rin ng karamihan sa mga Pilipino.

D. Hindi ka tatantanan! Ito ay isang phrase na sumikat mula sa isang GMA-7


news anchor na si Mike Enriquez sa kanyang sikat na late-night documentary
show na Imbestigador, kung saan pinapalabas ang mga taong walang disiplina.
Ibig sabihin, ang kawalan ng disiplina sa bawat isay hanggang ngayoy hindi pa
rin nawawala sa sirkulasyon ng hindi magagandang kaugaliang Pilipino.
Karamihan sa mga taong sumagot ng nasabing kategorya ay naniniwalang wala
pa ring disiplina ang karamihan sa atin.

E. Matuwid na daan. Ito ang sinabi ni Pangulong Aquino (Noynoy) noong siya ay
nangangampanya. Ang pagkakaintindi ng mananaliksik sa phrase na ito ay ang
magkaroon ng magandang bukas ang ating bansa. Karamihan sa mga tao ay
naniniwalang magkakaroon ng magandang bukas ang ating bansa sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng kaugaliang nakasanayan.

F. Hindi pa talaga nawawala ang kaugaliang Pilipino, kahit saan mang aspeto
natin ilagay. May mga taong gumagawa pa rin ng magagandang kaugalian na
kanilang nakasanayan, habang may mga taong gumagawa ng mali na
ikapapahamak pa ng ibang tao. Ayon sa ikatlo at ikaapat na katanungan sa
talatanungan, bawat katanungan ay may pinakamataas na sagot bawat isa.

REKOMENDASYON
A. Hindi natin maiiwasan na maging aware sa mga makabagong bagay sa ating
makabagong panahon. Ang panahon na ating ginagalawan ay may mga bagay
na maaaring mabago, pero ang nakasanayan at hindi dapat mabago, at hindi
dapat mawaglit kailanman. Malay nating lahat, ito ay magiging instrumento ng
pagkakaisa sa bawat isa.

B. Sa mga taong walang disiplina kahit saan man sila ilagay, dapat ay matuto
ang mga tao sa kanilang mga mali. Ang bawat bagay ay may kaakibat na
kabutihang dala patungo sa isang magandang bukas sa ating sarili. Sabi nga ng
mga nagpapaliwanag, intindihing mabuti ang sinasabi nila dahil para sa mga tao
ang kanilang sinasabi at hindi para sa kanila.
C. Sa mga mapagmahal sa pamilya, ipagpatuloy lamang ang mga ginagawa
dahil ang pagmamahal sa pamilya ay sadyang maganda. Ang pamilya ay
sigurong tinatawag na modelo ng isang bansa dahil matindi at mainit ang
kanilang samahan. Kaya ang mga mapagmahal sa pamilya, ipagpatuloy ninyo
lamang ang inyong ginagawa at kahit may problema, lutasin ito ng matiwasay.

D. Kahit hindi na tinuturo sa atin ang kaugaliang Pilipino sa mga asignatura ay


dapat magkaroon ng muwang ang mga tao sa mga mabubuting ugali na ating
ginagawa. Ipagpatuloy ang magagandang ugali at iwaglit ang pangit na ugali ng
ating bansa.

E. Sa mga kabataan ng bagong henerasyon, inyong marapatin lamang na kayo


ang itinalaga bilang pag-asa ng bayan. Sa inyong sarili pa lamang ay magsimula
na ang bawat isa ng pagbabago tungo sa magandang bukas. Huwag tumulad sa
mga walang patutunguhan sa buhay, dahil ang bawat isay may tadhana sa
buhay upang magbago.

Anda mungkin juga menyukai